Chapter 22

1.7K 59 2
                                    

Chapter 22

Napatawa naman ako nang makitang napangiwi si Zeus nang siya ang makasalo ng garter.

"Paano ba iyan, bebe boy ikaw na raw ang susunod."

Ani ko saka humalakhak.

Napailing naman ako nang makitang sumali si Keanna sa pagsalo ng boque Iniwan pala kasi siya ng Daddy ni Thunder, hindi nito tinanggap si Thunder.

So practically, single siya.

Single mom.

Nang ihagis ko naman ay nakita ko pang nakangiwi si Zeus.

Eh sa ayaw pa raw nitong matapos ang pagiging binata niya.

Hindi siya sumali sa pagsalo ng garter pero too bad, sa ulo niya ito lumanding.

Napailing naman ako nang makitang napahagalpak ng tawa sina Nikolla nang may makasalo na sa bouquet.

At paglingon ko naman ay gulat naman akong napatingin kay Keanna na hawak-hawak ito.

Holy Mackerel.

Nilingon ko naman si Zeus na mas lalo pang napasimangot nang makita niyang si Keanna ang nakasalo ng bouquet.

Hindi naman sa ayaw nila sa isa't isa but they're exes.

"Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi, but hell. Mukhang sinasasya yata ng tadhanang mangyari 'to."

Sabi ko kay Calvin kaya napailing ito.

"Me too. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko bang si Ate ang nakasalo ng bouquet."

Sabi niya kaya napahalakhak ako.

"Tingnan mo si Zeus talagang pinangalandakan nitong ayaw niya."

Sabi ko kaya napatawa rin siya.

Napalingon naman ako sa kanya nang bigla ako nitong halikan sa pisngi.

"Hmm?" Tanong ko.

"Hindi ka pa ba nasasabihan ni Vivianne?" Tanong niya kaya umiling ako.

"Gustong i-surprise ni Brix si Nikolla. At gusto ring i-surprise ni Nikolla si Brix for their anniversary." Aniya.

"Then?"

Tanong ko at nakita ko naman siyang napangisi.

* - *

Kasalukuyan akong sinasayaw ni Errol.

Iyong ex-fiancee kong beki.

"Ang swerte mo girl, mukhang mahal na mahal ka ni Calvin mo. Haba lang ng hair ang peg?"

Napatawa naman ako.

"Ang swerte rin naman niya. May asawa siyang kagaya ko."

Sagot ko kaya napatawa ito saka napailing.

"I just wished you the best. Always be happy Yannie, you deserved it."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Here's one of your greek god friend."

Napalingon naman ako sa kanya at napailing nalang ako nang makita ko si Zeus.

Nginisihan ko naman ito.

"Ayieeee"

Pang-aasar ko sa kanya kaya napailing ito.

"Tigil-tigilan mo ko Yanella ah."

Sabi niya kaya napatawa ako.

"Pero 'di nga, wala ka talagang planong mag-settle down?"

Nang Makilala Ko Siya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon