Nang Makilala Ko Siya (Comple...

By Rikamadz

69.4K 1.8K 66

Read at your own risk! More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 28

1.7K 46 0
By Rikamadz

Chapter 28

Mag-dadalawang buwan na ang makalipas matapos nilang malaman na buntis ako.

"Hija, hihintayin mo ba si Calvin? Mukhang male-late ito ngayon. Mauna ka nang matulog, bawal sa iyong magpuyat."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Manang Fe.

"Okay lang po. Saka tatapusin ko lang inumin 'tong gatas ko then matutulog na ako."

Sagot ko kaya napailing naman ito.

"Okay ka lang ba? Ba't parang lantang-lanta ka yata ngayon? Saka ang putla mo pa."

Napatawa naman ako sinabi ni Manang.

"Hindi pa kayo nasanay eh palagi naman talaga akong maputla."

Sagot ko kaya napatawa ito.

"Pero okay ka lang ba talaga?"

Tanong niya kaya napatitig ako sa kanya.

Tumango naman ako.

"Syempre naman po, ba't naman ako hindi magiging okay?"

Sagot ko.

Tinapik niya naman ang balikat ko.

"Basta kung may problema h'wag kang magdalawang isip magsabi sa akin. Tapusin mo na iyang gatas mo at matulog ka na."

Aniya kaya napatango ako.

"Oo na po, sige na Manang."

Sagot ko kaya tinungo na naman nito ang kwarto nito.

Napabuntong-hininga naman ako.

Inisang lagok ko naman ang laman ng baso ko saka ito hinugasan.

Tinungo ko naman ang kwarto namin at pumuntang banyo at nagsuka.

Mukhang lumalala na yata ang sakit ko.

Halos ilabas ko na lahat ng kinain ko buong araw.

Halos mahilo pa ako nang tumayo ako.

Limang buwan na palang akong buntis.

May dalawang buwan pa akong hihintayin.

Bigla namang sumakit ang tiyan ko kaya napakagat labi na lamang ako habang iinda ang sakit.

Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa kama at padapang humiga.

'Kaya mo iyan Yanella.'

'Para sa baby niyo ni Calvin.'

Napabuga naman ako ng hangin nang unti-unti nang nawawala ang sakit.

Natatakot ako.

Natatakot ako dahil baka hindi ako umabot pa ng dalawang buwan.

Pero mas natatakot ako sa magiging reaksyon ni Calvin sa oras na malaman niya ang sakit ko.

'Lord naman, please naman po. Kahit dalawang buwan nalang. Please.'

* - *

"So aalis ka ng isang buwan? Ba't ang tagal naman yata."

Ani ko kaya mas lalong nalungkot si Calvin.

"May kailangan akong asikasuhin abroad. Hindi naman kita masama dahil sa buntis ka."

Sagot nito saka ako hinalikan sa noo.

"Calvin?"

Tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

Sagot niya naman.

"Can I stay at our ancestral house then? For the mean time?"

Hindi naman kaagad ito sumagot.

"Magiging okay ka ba dun?"

Napatawa naman ako saka sumagot.

"Of course, ba't naman ako hindi magiging okay?"

Sagot ko at umiling naman ito.

"Iyan naman ang palaging sinasagot mo kapag tinatanong kita kung okay ka lang. Baka magulat nalang ako kapag malaman ko isang araw may malalang sakit ka na."

Nanigas naman ako dahil sa sinabi niya.

Napalunok pa ako bago umarteng natatawa.

"Baliw! Ang healthy ko nga hindi ba?"

Sagot ko kaya napailing ito.

"Healthy ka pa ba sa lagay na iyan? Sa lahat yata ng buntis na kilala ko ikaw lang 'tong payat."

Sabi niya kaya napaismid ako.

"Tangeks ka, hindi ako payat. Sexy ako, ilang beses ba kitang sinabihan niyan ah?"

Sagot ko kaya napatawa ito.

"Sexy? Sexy ang tawag mo diyan?"

Natatawang ani nito kaya pinanliitan ko siya ng mata.

Umupo naman ako sa lap niya.

Bahala siyang mangawit diyan.

Di naman ako ganun kabigat.

Ipinulupot niya naman ang braso niya sa bewang ko habang ako naman ay ipinulupot ang mga braso sa leeg niya.

Hinalik-halikan ko naman ang leeg niya pataas sa panga niya.

"Hindi ako sexy? Sure ka na talaga diyan baby?"

Bulong ko sa kanya.

Bahagya ko naman dinilaan ang jawline niya.

Tiningnan ko naman siya sa mata.

Kaya nailing ito.

"Mas maganda talaga kapag may laman ka. Para at least may mabuH-burn. Eh sa katawan mo ngayon wala ka na yatang fats sa katawan."

Sabi niya saka ako hinalikan.

Napahagikik naman ako saka siya hinalikan pabalik.

"I love you"

Sabi ko sa pagitan ng halikan naman.

Tumigil naman muna siya saka ako tinitigan.

"And I'll always love you too."

Sagot nito saka ako muling marahan na hinalikan.

"How I wish na maging kambal ang anak natin."

Aniya kaya natawa ako.

Napa-aw pa ito nang kagatin ko ang pang-ibabang labi nito.

Napahagikik nalang tuloy ako saka ito sinipsip at pasahan ng aking dila.

"Oh God. You're making me crazy Isabella."

Ani nito saka ako hinalikan.

* - *

Kakaalis lang ni Calvin papuntang Italy.

Halos ayaw na nga ako nitong bitawan pero wala naman siyang magawa dahil hindi naman ako pwedeng isama.

Kasalukuyan akong papunta sa opisina ni Doc Francis.

"Good morning Doc."

Masiglang bati ko kaya napailing ito.

"Nangangayayat ka na Yanella."

Puna nito kaya napaismid ako.

"I've heard umalis papuntang abroad si Calvin."

Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Taray mo Doc ah, updated lang ang peg?"

Sagot ko rito kaya napailing ito.

"Hindi mo pa rin ba talaga sinasabi Yanella? Kailan mo balak sabihin? Kapag ang mismong katawan mo na ang bumigay?"

Napabuntong-hininga naman ako.

"Dalawang buwan nalang naman saka healthy naman si baby."

Sagot ko kaya napailing ito.

"You should tell him sooner, Yannie."

Sabi niya kaya napabuntong-hininga ako.

"Magbabakasyon na muna ako for the mean time. Titingnan ko na muna iyong ancestral house namin kaya baka hindi ako makabisita rito."

Sabi ko kaya napailing ito.

"Sa lahat siguro ng mga pasyente ko ikaw ang may pinakamatigas na ulo."

Aniya kaya napahagikik ako.

"At saka sa lahat rin po ng pasyente niyo ako ang pinakamaganda."

Sambit ko kaya napailing ito.

* - *

Buti nalang hindi ako kinulit nina Vivi kung saan ako pupunta.

Nagpahatid lang ako sa driver sa ancestral house namin.

Napangiti pa ako nang malanghap ko ang preskong hangin.

Sa pagkakaalam ko ay may malapit na farm rito ng strawberries.

Iniisip ko palang ang strawberries ay naglalaway na ako.

Sinalubong naman ako ng caretaker.

"Ma'am Isabella?Ang laki niyo na."

Napatawa naman ako.

"Nana Jo?"

Tawag ko rito saka ito niyakap.

"Ang laki mo na talaga. At talagang buntis ka pa. Parang kailan lang ay karga-karga ka pa ni Don Julio."

Napatawa naman ako.

"Nako, ganyan naman po talaga. Hindi mo nalang namamalayan ang bilis na paglipas ng panahon."

Sagot ko rito.

"Halika na. Kumain ka na muna, nagluto ako ng ginataang hipon."

Napapalakpak naman ako.

"Ay! Ang sarap niyan Nana!"

Sagot ko kaya napatawa ito.

* - *

Pagkatapos naming kumain ni Nana Jo ay agad niya naman akong pinasyal sa farm namin.

"Ang sarap ng strawberries Nana."

Sabi ko kaya napatawa ito.

"Ang takaw mo pa rin talaga."

Aniya kaya napatawa ako.

"Di bale na pong matakaw basta maganda."

Sagot ko kaya napatawa ito.

Kasalukuyan kasi akong kumakain ng bagong pitas naming strawberries.

At ang tatamis nila!

"Nasaan ba ang asawa mo hija?"

Tanong niya.

"Ah nasa ibang bansa po may inaasikaso."

Sagot ko kaya napatango naman ito.

"Kamusta na nga pala ang Mama mo? Nasa hospital pa rin ba?"

Tumango naman ako.

"Eh iyong ama mo?"

Tanong niya kaya napabuga nalang ako ng hangin saka sumagot.

"Nasa ibang bansa po."

Sagot ko.

"Sa pagkakaalam ko ay nagpakasal itong muli, nakilala mo ba ang bagong asawa niya?"

Napailing naman ako.

"Hindi po, eh hindi naman po iyon umuuwi ng bansa."

Sagot ko.

"Eh nung ikinasal ka ba, dumalo ba siya?"

Umiling naman ako.

"Eh sino ang naghatid sayo sa altar?"

Tanong pa ni Nana.

"Iyong mga kaibigan ko po Nana. Saka sanay na naman po ako dun kay Daddy. Wala na namang bago dun."

Sagot ko kaya napailing ito.

"Kahit na, iyon na nga lang ang tanging magagawa niya bilang ama mo pero hindi niya magawa. Kahit nung araw man lang ng kasal magpakaama siya sayo."

Dismayado nitong sabi kaya nalungkot nalang rin ako.

Iyon rin naman sana talaga ang hiling ko pero wala.

Mukha naman talagang wala itong pake sa amin.

"Gawa nalang tayo ng strawberry shake Na! Iyong may maraming gatas."

Ani ko nalang rito kaya napailing nalang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 36.9K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
778K 26.6K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
355 115 17
Isang unibersidad na binabalot ng misteryo, maraming istudyante ang namamatay karamihan sakanila ay ang bumabagsak sakanilang pag-aaral. Akala ng iba...
358K 4.4K 175
Complete songs ni Taylor Swift including other songs niya na di niyo pa alam. Andito rin po yung bago niyang album yung 1989. Swiftie forever!!! Enjo...