ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY...

By prettywicked84

5.3K 133 3

Kimberly Grace Asuncion, anak ng isang business tycoon at wala na sanang mahihiling pa sa buhay pero nababalo... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16-Last Part

Chapter 1

950 16 0
By prettywicked84

        I am Kimberly Grace Asuncion, 3rd year Accountancy Student ng Saint Michael University . Filthy rich sabi ng iba. Isinilang na may gintong kutsara sa bibig as they usually say. But none of this matters to me,  I guess I can never get away from my fate.

*******

        Napatigil sa pagbabasa ng libro si Kim ng mapansin niyang paparating ang Nana Mimi niya. She was her nanny simula yata ng isilang siya dahil namana pa niya ito sa Mommy niya. Ipinababa niya sa kalapit na table ang libro at nginitian ito. Napakunot ang noo niya ng makita ang alumpihit na mukha ng yaya.

            “Yes yaya? What’s wrong?’’ puno ng pag-aalalang tanong niya rito.

            Sandali itong nag alangan na magsalita.

‘’Anak, kasi kanina pa nag-aaway ang kuya at Daddy mo sa taas. Nasa loob sila ng study room. Baka mapaano na naman ang Daddy mo. Pwede mo ba silang puntahan anak?’’.

            Nagulat siya sa binalita nito. Kanina pa siya sa loob ng kwarto niya pero hindi man lamang niya napansin na nasa loob na ng mansiyon nila ang pamilya niya. Yes, she’s living like a true princess. Nasa isang mala palasyong mansiyon siya sa loob ng eksklusibong village na pinangalanang Greenland.

            “I didn’t even know they are here,’’ malamig niyang sabi. There family has been extra ordinary. Oo mayaman sila but mostly mayaman lang sila sa pera, negosyo at marami pang pera but she hope they are rich in other aspects of life.

            Humihingi ng pag unawang tumingin sa kanya si Nana Mimi. She’s the only one she can call close to a family. Alam niyang kahit anung mangyari ay hindi siya iiwan nito. Dahil hindi niya kayang makita itong nahihirapan ay tumayo na siya para puntahan ang Daddy at kuya niya.

            Papaakyat pa lamang siya ng hagdanan papunta sa study room ng Daddy niya ay tinig na niya ang malakas na boses nito na sinundan ng boses ng kuya niya. Mas lalo pa niyang binilisan ang pag akyat at walang sabi-sabing binuksan ang pinto na kinagulat ng nasa loob.

            “Whats happening?”, nagpalipat-lipat ang tingin niyang tanong sa dalawang parehong nabigla at napatingin sa kanya. “ Nag-aaway na naman ba kayo?”

            Para namang nahimasmasan ang Daddy niya ng makita siya at kagyat na lumambot ang mukha at pilit na ngumiti sa kanya.

            “Hello dear sweetie,” bati ng Daddy niya. “You’re home. Akala ko nasa campus ka pa rin.”

            “Kaya ba ang lakas-lakas ng boses ninyong dalawa dahil akala ninyo wala pa ako rito. Is this how we are having our reunion?’’ Sarcastic niyang sabi sa dalawa. Bumaling ang tingin niya sa Kuya Klark niya na nakababa ang tingin at nilalaro ng kamay ang susi na hawak nito. “Hi there big brother? Long time no see.”

            Nag angat ito ng tingin at lumapit sa kanya at niyakap siya habang hinagod-hagod ang likod niya. “ Im sorry honey. Alam mo namang busy ako masyado this past few weeks. But promise babawi ako sayo.”

            Kumawala siya sa yakap nito at tiningnan ito.

“ Kelan ka pa ba hindi busy. You were always busy kuya. At kung hindi ka man busy at nandito sa bahay ay wala na kayong ginawa ni Dad kundi magtalo. Whats wrong with the two of you?’’ may himig pagtatampong litanya niya sa dalawa. Napadha ang dalawa sa outburst niya. Para kasing mga elementary student na pinagalitan niya ang dalawang matanda pa sa kanya.

            “Hindi naman kami nag-aaway ni Dad eh. We are just discussing business here tapos meron lang kaming hindi napagkasunduan. Right Dad?’’ sabi ng Kuya Klark niya na kinuha pa ang approval ng Daddy nila. Napatango na lang ang Don sa paliwanag ng anak.

            But Kim knew better. Alam niyang kunting bagay lang ay pinagsisimulan na agad ng away ng mga ito and she also knew that for her benefit hindi ipinapakita ng mga ito na may samaan ito ng loob as much as possible sa kanya.

            ‘’We are good sweetie. Don’t worry to much. You know this are boys talk. Asikasuhin mo na lang ang study mo okey. And I apology for our outburst hindi ko namalayang napapalakas na pala ang boses namin ng kuya mo. Hindi na mauulit ito, okey?’’ sabi ng Daddy niya na alam niyang sinusubukang pakalmahin siya.

            Napabuntong-hininga na lamang siya at sandaling nanatili sa study room. Nang wala ng mapag-usapan ay nagpaalam na ang kuya Klark niya. His kuya is Klark Sebastian Asuncion, the most sought after bachelor sa Pinas ngayon. Supermodel ito sa Rome ng maisipang bumalik sa Pilipinas. Doon ito nag-aral ng College at habang nag-aaral ay nakumbinsi ng isang manager na sumali sa pag momodelo. Noong una ay mga photoshoot para sa isang magazine sa Rome ang sinubok nito at mula noon ay sunod-sunod na ang project nito mula sa pag-eendorse ng ibat-ibang kasuotan hanggang sa mga kotse at iba pa.

            Nang malaman ng Daddy niya ang ginagawa nito sa Rome ay binalak itong pauwiin ng Daddy niya pero nagmatigas ito. He then prove to their Dad na kaya nitong pagsabayin ang lahat. At naging matagumpay naman ito. Masaya naman siya sa tagumpay nito kahit minsan naiisip niyang magmula ng nagpunta ito sa Rome ay nawalan na ito ng panahon sa kanya.

            She was a Kuya’s girl. Ito lang ang kakampi niya sa lahat ng bagay. Taga bantay niya at taga protekta niya sa lahat ng mga gusto siyang ibully sa school. Limang taon ang agwat nila sa isat-isa kaya naman ng ipinanganak siya ay sabik na raw talaga ito sa kapatid. Her kuya spoiled her a lot kaya naman naghinanakit siya rito ng magdesisyon itong iwan siya lalo na ng panahong magulo ang pamilya nila. But she know her kuya has his own reasons na hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ng loob niya.

            Nakasunod pa rin siya rito habang papunta na ito sa kotse nito. HIniling niya ritong manatili ito sa bahay kahit isang gabi lang. Nakatira na ito sa isang villa na malayo sa mga fans at reporter na laging nakasunod rito. Milagro na nga lang yata na wala itong escort ng araw na yon.

            ‘’Kuya please can you just stay. Gusto kung makipag kwentuhan sayo. Hindi ka naman busy ngayon diba,’’ pangungulit niya rito habang nakasunod pa rin rito. ‘’Hindi mo ba ako namiss man lang.’’

            Huminto ito sa harap mismo ng kotse nito at hinarap siya at hinawakan ang balikat niya. “ Baby some other time okey. Pag naayos ko na ang schedule ko promise dadalhin kita sa villa. But you know I can’t stay right now. Baka nga paglabas ko rito may mga reporter na sa labas nito eh.’’

            Gumuhit ang sakit sa mga mata niya at umiwas ng tingin sa kuya niya. ‘’So kelangan ko pa palang mag pabook sayo ng appointment ngayon para makasama kita? Busy ka pero nagagawa mo pa ring pumunta rito para lang makipag-away kay Daddy.’’

            Napangiti ito at pilit ipinapaharap ang mukha niya. ‘’Uyy, nagtatampo ang big sister ko,’’ tukso ng kuya niya sa kanya. ‘’Come on, huwag ka namang ganyan. You know that’s not true. Alam mo namang basta ikaw eh takot na takot ako. But not now sissy please. Baka mag-away na naman kami ni Dad pag nagkita kami mamaya. Gusto mo ba yun? Hindi pa siguro time ngayon for a get together. But I assure you we can patch this up. Now go to your room or else mamasyal ka. GO out and have fun.’’

            Napailing na lamang siya sa sinabi ng kapatid. Kahit kalian talaga hindi ito matatalo sa reasoning. Kahit nalungkot nagpasya na lamang siyang hayaan itong umuwi. Nangako itong tatawagan siya lagi. Kahit napipilitan ay binigyan pa rin niya ito ng masayang ngiti habang kumakaway rito.

            Makalipas lang ang ilang minute ay sunod na umalis ang Daddy niya, may luncheon meeting raw ito at nangako namang uuwi pagkatapos ng meeting nito para makasama siya. Pero duda siyang tutuparin nito ang sinabi.

            Life sucks. Naisip na lamang ni Kim habang tinatanaw ang malawak na lupain sa terrace sa kwarto niya. Heto na naman siya pagkatapos ayusin ang gulo ay mag isa na naman. Kinalimutan niya ang magbasa dahil tiyak niyang hindi na niya maiintindihan ang lahat ng laman ng libro. Napayakap siya sa sarili at napapikit ng masamyo ang mainit na hangin ng tanghaling iyon.

            Naisip nya ang Daddy niya. Don Karlito Asuncion. Business tycoon in the age of 30. Kabilang sa mga negosyo nila ay ang chain of hotels nila na nagkalat sa Metro Manila, Cebu at Davao. Meron din itong real estate business at ilang Condo Buildings. Umabot na rin sa ibang bansa ang mga negosyong sakop ng Daddy niya kaya mas lalo pa itong nawalan ng panahon sa pamilya na siyang naging dahilan para mawasak sila. She cannot blame her mother for leaving them but still she should stay to protect the family.

            Iniwan sila ng ina ng nasa high school pa lamang siya. Hindi nito kinaya na naagaw na ng negosyo ang pagmamahal ng asawa nito. Nalaman na lang niyang sumama ito sa ibang lalaki at nanirahan sa Cebu. Nang mag college siya nalaman niyang namatay ito sa sakit sa puso. Ang lalaki na nito ang naglibing rito dahil hindi ito napatawad ng ama niya at pinagbawalan silang dumalaw sa burol maging sa libing nito. Dahil din sa galit sa ina ay nagpatangay na lamang siya sa desisyon ng ama.

            Ang kuya Klark naman niya ay ibinuhos ang galit sa ina sa ibang paraan. At sa paraang iyon din iniwan siya nitong nag iisa kasama ang amang binuhos na rin yata lahat ng buhay nito sa pagnenegosyo na para daw sa kanya.

            Napabaling ang kanyang tingin ng marinig niyang bumukas at sumara ang pinto ng kwarto nya. She knew it was Nana Mimi dahil ito lang ang pinahintulutan niyang pumasok at lumabas ng kwarto niya kung may kailangan ito. May bitbit itong isang tube ng ice cream. Itinaas nito iyon na para pang pinatatakam siya,

            Alam nitong masama ang loob niya at alam din nito kung paano siya pasasayahin. Sapat na sa ngayon ang isang tube ng Cookies and Cream ice cream para maibsan ang lungkot na nararamdaman.

            Habang nilalantakan ang ice cream ay dahan-dahan naman nakahimas sa buhok niya si Nana Mimi. Makikita sa mata nito ang pag-aalala sa kanya kaya binigyan niya ito ng isang ngiti. Napangiti na rin ito sa kanya at Masaya na nilang pinagsaluhan ang dala nitong sandwich at ice cream.

***********

            Napasunod na lamang ng tingin si Sidrick sa babaeng biglang lumabas sa isa sa mga building sa loob ng Saint Michael campus. The lady is such a chick. Napaka flawless nitong tingnan kahit malayo siya rito. At lahat yata ng dinaanan nito ay napapabaling ang tingin sa babae. Napailing na laman siya at pilit ibinabalik sa binabasa ang atensiyon. Muli niyang sinulyapan ang babae na nakaupo na sa kabilang side ng inuupuan niyang isa sa mga study area ng campus na napapaligiran ng maraming puno at tables ang benches na para sa mga gusting mag-aral mag-isa o may kasama.

            Siya si Sidrick Sebastian, Nasa 4th year na sa kurong Medicine. But 2nd course na niya ito. Nagtapos na siya sa kursong Business Management and he was now running his own company. Nasa buy and sell industry siya na minana pa niya sa tatay niya. Kahit anong pwedeng ayusin na maibebenta niya sa mas mataas na halaga ay ginawa na ata ni Sid. Naging mahirap sa kanya ang umasenso pero sa awa naman ng Diyos at tulong ng ama ay naging successful na siya.

            Naisip lamang niyang kumuha ng Medicine ng minsang mag-isa siya sa kanyang opisina. Parang nawawalan na siya ng drive sa negosyo ng bumalik ang kagustuhan niyang ituloy ang matagal ng pangarap. Ang pag dodoktor. Kung maalwan lang ang kanilang buhay noon ay iyon na sana ang kukunin niya dahil na rin sa palaging nagkakasakit ang nanay niya na may sakit sa puso kaya hindi na siya kelanman nasundan.

            Pero dahil gusto niyang madaling makahanap ng trabaho ay ibang kurso ang kinuha niya at nagamit naman niya ito sa negosyo niya ngayon. Noong una ay nag alangan siya dahil naisip niyang siya ang pinakamatandang estudyante sa university na yon. Pero ng makilala niya si Walter, na isang nurse, na gusto ring umasenso at si Gary na Computer Engineer. Pareho ng stable ang dalawa at gaya niya ay pinagpapatuloy lang din ang naudlot na pangarap. Naging kavibes niya ang mga ito dahil bukod sa pangarap ay pareho ring mga single at very much available ang mga ito. Maliban na lamang kay Walter na wala yatang araw na walang kasamang babae pero hindi naman seryoso ang relasyon.

            Naiinip na siya sa paghihintay kay Walter dahil may usapan silang magkikita sila roon dahil kukunin niya ang notes nito kahapon sa isa nilang subject kung saan absent siya. Napabaling uli ang tingin niya sa babaeng ngayon ay may kasama ng tatlong babae at isang binabae. Mukhang me problema ito na isini-share sa mga kaibigan dahil mukhang pinipigilan na nitong umiyak.

            Nang mapadako ang tingin ng babae sa kanya ay sinalubong niya ang tingin nito. He was deeply mesmerized by that sad eyes. Alam niyang magaganda ang mga matang iyon lalo na sa malapitan and he cant seem to take away his glance on her. Nagbawi ito ng tingin na parang nahiya sa kanya. Pilit niyang sinupil ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi nya.

            Nabigla pa siya ng lumapit si Walter at naupo sa mesa at humarap sa kanya. Parang nagtaka pa siya bigla na dumating ito.

 ‘’Anong nangyari sayo?, Parang nakakita ka naman ng multo pare.’’

            Hinampas niya ito ng librong hawak.’’Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako rito ha. Kaya tuloy kung ano2x na itong naiisip ko eh,’’ sagot niya rito at sinulyapan ang babaeng nasa di kalayuan.

            Napansin pa ni Walter ang tinitingnan niya at napatingin din ito sa direksyong tinitingnan niya at napanganga ito lalo ng tumayo na ang babae. Mukhang aalis na ito habang kinukuha ang mga librong nasa mesa. Kumaway ito sa mga kaibigan at naglakad na parang ito lang ang tao sa loob ng campus.

            Sino ba namang hindi mapapatingin eh kulang na lang maghubad ang babae. She’s wearing a mini skirt, as in micro mini skirt at kung sasadyain lang ng kung sinong gago ay masisilipan na talaga ito. Pinaresan ito ng isang spaghetti strap na hapit na hapit sa sexy ng katawan nito. And shes wearing yellow na lalo pang nagpatingkad sa ganda nito. Parang diwatang naglalakad sa lupa. Iyon agad ang diskrepsyon na nabuo sa isip niya.

            Sumulyap pa ito sa kanya ng mapadaan sa harap nila. At ang kaibigan niyang natulala na yata ay nagawa pang mag ‘’Hi’’ rito na sinuklian nito ng kiming ngiti. Napailing na lamang siya at natawa ng mas lalong natulala si Walter. Kailangan pa niya itong hampasin para matauhan ito.

            ‘’You see that buddy? That’s my dream girl. Wow sa tagal ko dito sa campus hindi ko pa pala kilala lahat ng magaganda rito,” palatak nito.

            ‘’Dream girl my ass. Well she’s pretty but not my type. Ayokong magkaroon ng girlfriend na kahit anung oras yata eh mapapaaway ata ako sa pananamit pa lang,’’ sagot niya rito na ikinangisi nito.

            “Talaga lang ha. Bakit ano bang type mo? Wala ng Maria Clara ngayon bro uso na ngayon yung mala Miley Cyrus at Anne Curtis. Sa Batanes na lang ata merong Maria Clara ngayon eh.’’sabi ni Walter sa kanya.

            ‘’Hindi ko naman sinabing ganun ang gusto ko. Mukhang rich spoiled brat naman ang babaeng yun eh. For sure sakit ng ulo ng magulang.’’

            Nagkibit balikat na lamang ito. Sinimulan na nilang tingnan ang presentation sa laptop nito na siya naman talagang pakay nila roon. Manaka-naka pa rin niyang tinitingnan ang pinasukang building nito nagbabakasakaling makita ang babae. He sighed. What is wrong with him….

Continue Reading

You'll Also Like

3K 144 48
Ellie rose is a lively and cheerful girl. Until she met a guy who is rough and fearless and also a lead vocalist of a band. He teach her how to break...
61.1M 944K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
26.2K 848 20
Hindi katulad ng ibang bata ay may kinilalang ama o kumpletong pamilya pero siya ay lumaking walang kinilalang ama dahil namatay ang kanyang ama sa s...
4.6K 121 16
Zia and Kenneth met each other when they are still too young. Yet despite their age, they found true love. But circumstances pushed them apart. By f...