Secrets IV

By xxakanexx

636K 25.9K 5K

Some things are better left unsaid. More

Secrets IV
Kismet
Fate
More than enough
Snippets
Heart
Liham
First time
Second Time
Back Tracks
I'll never love again
Midnight Blues
Wish
In between the curtains
In between the memories
Is it worth it?
Is this still worth it?
The one with the pustahan
The one in Disneyland
The five times Simoun Azul was smitten
The one with Hyan
The one where she changed the dynamics
The one in Disneyland

Three peas in a pod

33K 1.8K 270
By xxakanexx

"Yael... I'm sorry..."

Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Alyza Mae at dahan - dahan siyang tinabihan sa hospital bed. She keeps on crying. Kanina pa ako nag -aalala sa kanya dahil hindi siya tumataha. Nagpunta na rito si Nanay at si Mama para kausapin siya pero hindi pa rin siya nagiging maayos. 

Hinalikan ko siya sa noo habang nakayakap siya sa akin at iyak pa rin nang iyak. 

"Sorry, Yael..." Humikbi pa siya. Hinaplos -haplos ko ang balikat niya.

"Don't cry, Abnoy. It's not your fault. Walang may gusto noon." Pinalalakas ko ang loob niya. Kailangan niya iyon. Sa aming dalawa, siya ang mas nasaktan. 

"Hindi ko sinasadya. Dapat nakinig ako."

"Hey. Don't do that."I cupped her face. "We already have Yohann, Yana, Yuan, Yuna and Yonnie. Mababait at malulusog sila because you took care of them all, you loved them and cherished them."

"Pero sayang..." Humikbi na naman siya. Nakunan si Alyza Mae. Pareho naming hindi alam na buntis siya. Dinugo siya kagabi and I rushed her to the hospital. I was too worried. Hindi ko alam ang gagawin ko. The doctor said that it was ectopic pregnancy. They had to operate on her. Tinanggal iyon kasabay ang isang ovary niya. 

"Hindi sayang iyon, Love. Isipin mo na lang, kulang sa angels si Lord kaya tinawag niya iyong baby natin. Hindi ako galit, I love you too much to get mad. You have to get better, the kids are waiting for you. Alright?"

Naramdaman ko ang pagtango niya pero umiiyak pa rin siya. Hindi ko siya iniwanan sa kama noon kahit na ilang beses akong binilinan ng nurses na hayaan kong mag-isa siya sa kama ay hindi ako umalis. Ayaw rin naman ni Alyza Mae ma bumitaw sa akin.

Isang linggo si Alyza Mae sa ospital. Araw - araw siyang dinadalaw ni Mama at Nanay. Kahit si Ma Yza ay pinupuntahan at pinipilit siyang pasiyahin. Yohann gives her flowers everyday, minsan pa nga ay nadatnan kong kinakantahan siya ni Yana habang pinatutulog. Ngumingiti si Alyza Mae pero hindi iyon umaabot sa kanyang mga mata. 

Malungkot siya, at nasasaktan ako dahil roon. Pinangako ko noon na gagawin ko ang lahat para sa kanya, para mapasaya siya pero hindi ko magawa ang ganoon ngayon. 

"How can I miss something like this? Hindi ko naman siya nahawakan?" Narinig kong tanong niya kay Hya nang gabing iniuwi ko na siya galing sa ospital. Alam kong iba ang epekto kay Alyza Mae ng nangyari. Siya ang ina, siya ang pinakamasasaktan sa lahat - naniniwala siyang naging pabaya siya kaya nawala ang batang iyon. 

"Tatagan mo Aly." Hya held her hand. "Andyan pa ang mga bata, andyan si Yael. They love you. H'wag mong sisihin ang sarili mo."

She was too sad. Everyday that passes by, lalong binabalot ng lungkot si Alyza at sobra akong nag-aalala. Halos isang buwan siyang hindi lumalabas ng silid. Nag-aalala ang mga bata sa kanya.

"Dydy, hindi pa ba magaling si Mymy?" Yonnie -our youngest asked me that one night. I was tucking her to bed. May hawak siyang rag doll na bigay ni Papa sa kanya.

"She's getting there. Do you miss her?"

"Opo! Sad rin ako kasi sad siya. Saka di na niya kami nahahatid ni Yuna sa school. Hinahanap na rin siya ni Teacher Mirasol kasi lapit na po Christmas party."

Si Alyza ang President ng PTA sa room ni Yonnie. Yonnie is in her fourth grade, si Yuan ay grade six, si Yuna ay grade five samantalang si Yana naman ay second year high school na at si Yohann ay nasa first year college na. 

"Ipagpray mong gumaling na si Mymy ha. Goodnight, Bunny. I love you." I kissed her forehead and waited for her to fall asleep bago ako lumabas ng silid niya. I checked on Yuan in the other room. He's asleep too. I checked on Yana, wala siya sa silid niya kaya agad akong nagpunta kay Yohann para tingnan kung naroon ito. Hindi naman ako nagkamali. Nasa bed si Yana, katabi niya si Yuna habang si Yohann ang natutulog sa couch. Everyone is asleep so I went to our room.

Natagpuan ko si Alyza Mae na nakaupo sa kama at umiiyak na naman. Pagkakita sa akin ay humagulgol siya at paulit -ulit sinasabi ang salitang SORRY. 

"Hindi ko naman alam, Yael. Sorry... sorry... sorry..." Ang lakas - lakas ng paghagulgol niya. Naupo lang ako sa tabi niya at yumakap sa kanya nang mahigpit. 

"Abnoy ka talaga. Wala kang dapat ipag- sorry, okay? Wala kang kasalanan. Hindi mo ito gustong mawala. Please stop crying, Alyza nasasaktan ako. Huwag mong gawin ito sa sarili mo. Wala kang kasalanan."

"Baka pinaparusahan ako kasi ginusto kong mawala si Yana noon."



"We both know you didn't mean that. Kasalanan ko iyon kasi gago ako. Natakot ka lang but you never meant that. You love Yana. You love all of them, please don't blame yourself. Gusto mo ba magpakasal ulit tayo para maging okay ka na?" 



Tumingin si Alyza Mae sa akin. 

"Kakakasal lang natin noong isang taon."

"O e di honeymoon na lang." Ngumisi pa ako. 

"Kakaopera ko lang kaya."

"Kapag magaling ka na, Abnoy, maghohoneymoon tayo. Saan mo gusto?" Kinurot ako ni Alyza Mae sa tagiliran.

"Pero baka mahirapan na akong mabuntis ulit." I cupped her face. 

"So? Five beautiful children is enough. We have so much love to receive from them. Miss na miss ka na ni Yoonie. Hindi mo na raw sila hinahatid sa school. Yana is so worried about you. Si Yohann hindi makapag-concentrate sa midterms niya---"

"Hindi pwedeng hindi siya mag-aral! Accountacy ang course ng anak mo! Dapat nagcoconcentrate siya!"

"Paano nga naman raw iyon, Mommy? Nag-aalala siya sa'yo?"

Natigilan siya. Humaba ang nguso niya at tumingin sa akin. 

"Ang clingy ni Yohann. Mana sa'yo."

"Mahal ka kasi namin, so please, balik ka na, Abnoy. I know how much it hurts but please, let me face the pain with you. I wanna be here for you."

"You always have been, Bobo." Hinalikan niya ako sa labi at yumakap na naman nang mahigpit sa akin.

Alam kong sa pagkakataong iyon, ay magiging maayos na siya. Alam kong tatayo na muli ang asawa ko. Kung hindi pa siya handa, hihintayin ko siya hanggamg sa maging maayos na siyang muli. Ganoon naman iyon. Pinangako kong araw - araw at habambuhay ko siyang mamahalin kaya hindi ko siya susukuan. 

Hindi naman ako nagkamali. Kinabukasan ay bumalik si Alyza Mae sa normal niyang routine. She prepared breakfast, inayos niya ang mga bata. Binilinan si Yohann na mag-aral mabuti. Isa - isa niyang binigay ang packed lunch ng mga anak namin at siya na ulit ang naghatid sa school doon sa tatlo. Ako naman ang kay Yohann at Yana. 

"Okay na si Mymy." Masayang wika ni Yana. "Pinagalitan na niya si Kuya kanina."

"Pinagalitan ka rin kasi di maayos iyang palda mo."

"Okay lang basta okay na si Mymy. Dy penge 500."

"Ako rin Dy." Napapailing na lang ako pero binigyan ko pa rin sila. Pagkahatid sa school ay pinuntahan ko si Alyza Mae sa bakery. Nagababakasakali lang ako na naroon siya at hindi naman ako nagkamali, she's inside... I guess, she's really okay...

I am happy. 

Pumasok naman na ako sa office. I had a busy day. Bandang alas tres ay nabasa ko ang text mula sa kanya na nagpapaalalang kumain ako. I called her. I was happy to here her voice. Tama si Yana. Okay na ang Mymy niya. 

She told me to go home early. Magluluto raw siya ng hapunan. Tinapos ko lahat ng trabaho ko nang maaga para makabili pa ako ng bulaklak para sa kanya. 

I went to a flowershop. Sa tapat noon ay isang simbahan. I ordered flowers for my wife and while waiting, I decided to go inside the church to pray. I must thank Him for bringing back my wife's happiness, for the beatiful family He gave me despite of all the things I did before.

Alyza Mae changed me - and I am always grateful. Dahil sa kanya nakikita ko at ipinagpapasalamat ko lahat sa buhay ko. 

I kneeled and prayed. I was in deep thoughts when I was interrupted by a crying sound. Lumingon ako pero wala naman akong nakitang kung sino. Bumalik ako sa pagdarasal pero nagpatuloy ang mga pag-iyak na iyon. I had to stand up and looked for it. Sinundan ko ang tunog hanggang sa makarating ako harapan ng altar, sa ilalim ng mahabang mesa ay may nakita akong dalawang batang nakabalot sa puting lampin. 

Ang lakas - lakas ng iyak nila, siguro gutom na sila. Naalala ko si Yonnie at Yana kapag ganito kalakas ang iyak ay gutom na gutom na. Yuna never cried with sound - she's mute. Hindi ko alam ang gagawin ko. Awang - awa ako sa mga bata. Yumuko ako at kinuha sila. I tried looking for someone but there was no one in the church at that time.

Lalong lumalakas ang pag- iyak ng mga bata. Iyong isa ay nangingitim na. I had to act. Lumabas ako ng simbahan, sinalubong ako ng driver at nagpadiretso na ako sa bahay. Mabilis ang byahe at buong pagmamadali akong bumaba nang makarating sa bahay.

Sinalubong ako ni Alyza Mae. Ngiting - ngiti siya pero na -freeze ang ngiting iyon nang makita niya ang dalawang dala ko. 

"Jusko, Bobo ka talaga, saan galing iyan?! Ano iyan?! Anak mo?!"

"Hindi! Nakita ko sa simbahan. Iyak sila nang iyak. Baka gutom na." Alyza Mae took the other one from me.

"Yael, kawawa naman." There and then, she breastfed the baby. Naupo si Alyza Mae sa coach. She signalled me to give her the other one, and now she's both feeding them. She is really the most beautiful woman in my eyes. 

"Buti may milk pa ako. Kawawa naman sila. Wala ka bang nakita sa simbahan?"

"Wala, Love." I smiled. She looked at me. 

"What? Naiinggit ka?" Nakakalokong tanong niya. 

"No. It's just that... you are really beautiful, Alyza. Napakaswerte ko. I love you..."

She smiled. "I love you too."

The next morning, Alyza and I reported the babies to the authorities. Dinala nila kami sa DSWD. The agency took the kids in while they are investigating the incident. Alyza and I visit the twins everyday. Siya ang nagpapa - breastfeed sa kambal. Napag-alaman naming isang babae at isang lalaki ang mga bata. Hindi naman sigurado kung kambal ang mga ito. My wife just assumed. 

I knew that she fell in love with the kids. Palagi siyang excited dumalaw sa agency, habang ako tutok sa kaso. Nang sabihin sa akin na walant balita sa paghahanap sa magulang ng mga bata, I knew exactly what to do. 

I adopted the kids and Alyza is too happy. Mainit ring tinanggap ng mga anak namin ang mga batang iyon. Yana gave them their names - Yosef Sandrino and Yoodie Sandrine. Even my parents loved them.

I watched as Alyza Mae took care of them. Mahal na mahal niya ang mga bata at ganoon rin ako. She is a good mother and that role suit her well. 

Isang taon ang lumipas, lalong sumaya ang pamilya namin. It was the first Christmas with the twins. Alyza Mae was running late, marami raw tao sa bakery niya.

The kids were getting ready for the gifts. Yana was playing with Yoonie and Yoodie. Si Yosef at tulog sa crib. Binabantayan siya ni Yuan. Si Yohann at kasama si Yuna na nagbabantay ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree. 

"Mymy's here!" Yana exclaimed. Namataan ko rin ang kotse ni Alyza. I was all smiles when she entered the room but that smile froze when I saw the little kid beside her. 

Madungis iyong bata pero hindi iyong dungis ang napansin ko kundi ang mga pasa sa balat niya. May malaking black eye sa kaliwang mata tapos ay putok ang labi.

"My anong nangyari?"I asked. 

"Nakita ko sa likod ng bakery, nagtago sa garbage bin. Iyak nang iyak. Kawawa naman." Agad na nilapitan ni Yana ang bata. Alyza Mae was looking at me and we both know the right thing to do...

How can I not fall for her everyday?

Continue Reading

You'll Also Like

542K 19K 111
[Book 1] Died and reborned into a new world. To a world full of Heroes and Villains. Can he survive in the world where he was sent to, while struggli...
206K 6.8K 36
Jackson Overland is the best field agent of NBI. He is very excellent in his work specially in undercover jobs. His very independent and love working...
255K 18.6K 22
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
16.2K 360 21
‡ Anyone, who'd be in a situation like me Would have cried out loud, but that's Not me ‡ ∞★★★∞