One Hundred Days (Completed)

By EJCenita

300K 2.1K 532

Life is a matter of choice. Monday, a 17 year old provincial girl who chose to study in Manila for a brighter... More

Foreword
Acknowledgment
Introduction
Chapter 1: New Grounds (Johan's POV)
Chapter 1.2: Crush at First Sight
Chapter 1.3: Agreements
Chapter 1.4: Crazy Little Thing called Effort
Chapter 1.5: Crazy Little Thing called Effort (part 2)
Chapter 1.6: The Ingredients of Love
Chapter 1.7: Box Full of Memories
Chapter 1.8: Unexpected - Information
Chapter 1.9: Unexpected (part 2) - Meet Up
Chapter 1.10: Unexpected (part 3) - Determination plus Effort
Chapter 1.11: Unexpected (part 4) - Lost Hope
Chapter 1.12: Unexpected (part 5) - Home Sweet Home
Chapter 1.13: Days with Shana
Chapter 1.14: First and Last (One Hundredth Day)
Chapter 2: Unang Araw ng Pagkakataon
Chapter 3: Tamang Hinala (TH)
Chapter 3.2: Ang Palasyo ni Rica
Chapter 3.3: Ang Nakaraan ni Monday - Halik
Chapter 3.4: Ang Nakaraan ni Monday (part 2) - Pagkikita
Chapter 3.5: Ang Nakaraan ni Monday (part 3) - Yakap
Chapter 3.6: Ang Nakaraan ni Monday (part 4) - Panalangin
Special Chapter: Ang Nakaraan ni Monday - Pakiramdam (Halloween Special)
Chapter 3.7: Ang Nakaraan ni Monday (part 5) - Pagtataka
Chapter 3.8: Ang Nakaraan ni Monday (part 6) - Alapaap
Chapter 3.9: Ang Nakaraan ni Monday (part 7) - Kapalit
Chapter 3.10: Ang Nakaraan ni Monday (part 8) - Paghihintay
Chapter 4: Overnight sa Palasyo
Chapter 5: Overnight sa Palasyo (part 2) - Luha't Yaman
Chapter 6: Botanical Garden
Chapter 7: Katok
Special Chapter: Pagmamahal (Valentines Special)
Chapter 8: Richards Family
Chapter 9: Kabado
Chapter 10: Flashback
Chapter 11: Hula ni Rica
Chapter 12: Finals Week
Chapter 13: Byaheng Tarlac
Chapter 14: Katotohanan
Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip
Chapter 16: Pagbalik sa Kabataan
Chapter 17: Tiyo Tenong at si Rally
Chapter 18: Lovelock
Chapter 19: Pag-uusap
Chapter 20: Pauwi ng Maynila
Chapter 21: Panaginip at Pageselos
Chapter 22: Muling Pagkikita
Chapter 23: Alaala
Chapter 24: Ilong
Chapter 25: Unang Pagkikita
Chapter 26: First
Chapter 27: Charlotte
Chapter 28: Piano
Chapter 29: Biglang Bonding
Chapter 30: Waiting for Forever
Chapter 31: Lihim ni Lotty
Chapter 32: Kundi..
Chapter 33: Sunday
Chapter 34: He's Proud
Chapter 35: Mr. Campus
Chapter 36: Surpresa
Chapter 37: Resulta
Chapter 38: Bagong Mr. Campus
Chapter 39: Pagpunta
Special Chapter: Pagkanginig (Halloween Special)
Chapter 40: Tingin
Chapter 40.2 : Tingin (part 2) - Kanta
Special Chapter: Simbang Gabi (Christmas Special)
Chapter 40.3 Tingin (part 3) - Rebelasyon
Chapter 41: Pagkagulo
Chapter 42: Paliwanag
Chapter 43: Abot Langit
Chapter 44: Rosas (Valentines Special)
Chapter 45: Pangako
Chapter 46: Santan
Chapter 47: Kwintas
Chapter 48: Buong Akala
Chapter 49: 300th Day
Chapter 50: Pagtatagpo
Chapter 51: 'Di Inaasahang Pangyayari
Chapter 52: Pahiwatig
Chapter 53: Dahilan
Chapter 54: Dasal
Chapter 55: Kabiyak ng Lovelock
Chapter 56: Pakiusap
Chapter 57: Litrato
Chapter 58: Pagbabalik
Chapter 59: Paalam
Chapter 60: Tawag
Chapter 61: Mag-isa
Chapter 62: Pagpatak ng Luha
Chapter 63: Bracelet
Chapter 64: Earphones
Chapter 65: Basket
Chapter 66: Kape
Chapter 67: Text
Chapter 68: Malay
Chapter 69: Sulat
Chapter 70: Dedbat
Chapter 71: Kumpleto
Chapter 72: Papel
Chapter 73: Panyo
Chapter 75: Tsinelas
Chapter 76: Plano
Chapter 77: Tiwala
Chapter 78: Kakampi
Chapter 79: Bala
Chapter 80: Isandaan (Last Chapter)

Chapter 74: Balisong

530 7 0
By EJCenita

Chapter 74: Balisong


"W – w..."


"...'w – waaagggg!!!!"


Bigla akong nagising. B – bakit ako nakarinig ng.. Panaginip nanaman yata... Ugh, sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko gaanong madilat ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo.


Hahawakan ko dapat ang ulo ko pero napansin kong.


Nakatali ang mga kamay ko.


Napadilat ako dahil sa hindi ko magalaw ang mga kamay ko.


Nakita kong nakatali ito sa bandang likuran ko, sa upuang kinauupuan ko.


Dahan-dahan akong lumingon sa paligid, napuno ng dilim ang paningin ko. Inikot ko ang paningin ko magmula sa taas hanggang sa abot ng makakaya ko. Wala akong makitang kahit na ano. Tanging alam ko lang ay... wala ako sa ligtas na lugar.


"N – nasaan ako??"


"W – wala akong matandaan..."


Paulit-ulit na pagbulong sa isipan ko. Wala akong matandaan kung bakit ako narito at kung nasaan ako. Pilit kong ginagalaw ang mga kamay ko para makakawala sa pagkakatali pero sadyang nanghihina ako dahil sa sakit ng ulo ko.


Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari. Naaalala ko na may dalawang lalakeng nagsakay sa akin sa van at nilagyan ako ng panyo sa bibig, kaya ako nawalan ng malay.


Naalala ko rin na.


"T –teka!!!! Nasaan si Marion???" bulong ko sa sarili..


Pilit kong hinahanap siya sa gitna ng kadiliman. Pinapakiramdaman ang presensya niya ngunit wala. Napakatahimik sa lugar. Nakakabingi ang katahimikan. Kinakabahan ako.


"U – ugh.."


May narinig akong nagsalita at humihinga. Hindi siya gaanong kalayo sa kinauupuan ko.


"M – marion, ikaw ba 'yan?" pagbulong ko sa hangin..


"S – sino 'yan?" mahinang sabi nito..


"S – si Monday 'to.. Okay ka lang ba?"


"M – Monday? N – nasaan ba tayo? S – sobrang sakit ng ulo ko.."


"H – hindi ko rin alam, Marion... Wala akong ideya kung nasaan tayo."


"..ang tanging alam ko lang ay, wala tayo sa ligtas na lugar." patuloy ko..


Nang biglang may pumasok na liwanag sa loob ng kinaroroonan namin. Napansin kong nanggaling ito sa bandang itaas, tiningnan ko ito. Nagmula ang liwanag sa buwan. Naging klaro ang langit na nagsanhi ng liwanag sa kinaroroonan namin. Naging klaro rin ang paningin ko at. Nakita ko si Marion, na nakatali rin. Hindi siya gaanong kalayo sa akin. Ilang hakbang lang ang pagitan ng upuang kinauupuan nito.


Nagkatitigan kami at halata sa kanya na kinakabahan siya sa kung anong maaring mangyari sa akin. Sa puntong 'yun, kinabahan na rin ako ng sobra. Hindi ko alam kung ano mga susunod na mangyayari sa amin. Hindi ko alam kung bakit kami nandirito.


"M – Monday, okay ka lang ba?"


"O – o. Kaso..."


"Shhh, 'wag ka maingay. May paparating. 'Wag na 'wag mo ididilat ang mga mata mo, magtulug-tulugan ka lang kahit na anong mangyari ha." bilin nito..


Hindi pa ako tapos magsalita ng biglang may narinig kaming mga boses sa hindi kalayuan. Nagpanggap kami na tulog para hindi kami mapansin. Nakasara ang mga mata ko ngunit gising ang diwa ko. Nakatungo ako at rinig ko mula rito ang hakbang ng mga boses na naririnig namin.


"Ganito lang pala kadali ang pinagawa sa atin ni Boss eh."


"Oo nga, akala ko pa naman mahihirapan tayo sa paghahanap sa kanya."


"Panigurado, malaking pera nanaman ang kikitain natin nito. Buti na lang talaga, tama yung nagsabi sa atin na nandito siya ngayon sa Tarlac."


"Oo nga eh, pero teka pre. Sino ba yung babaeng kasama ng target naten?"


"Hindi ko rin alam eh. Ang pagkaka-utos sa akin ay kidnapin lang yung anak ng ex-Governor. Ano gagawin natin sa kanya?"


Sa puntong 'yun, kinabahan na ako ng sobra. Dahil papalakas ng papalakas sa pandinig ko ang dalawang lalakeng nagsasalita. Kidnapin? Ano meron?? Bakit kailangang kidnapin si Marion?


"Sa kanya ba?" sabay tapik sa balikat ko..


Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan na ako ng sobra.


"Kung gusto mo, gahasain natin tapos.."


Napalunok ako sa narinig ko. H – hindi maari. Magsasalita na ako dapat ng biglang.


"W – wag niyo siyang gagalawin!!!!!!!!!!!!!!!!!" pagsigaw ni Marion..


Napadilat ako sa narinig ko.


"Aba, aba. Gising na pala ang target natin oh."


Sabay lakad nila papunta sa direksyon ni Marion. Ginawa niya siguro 'yun para mabaling sa kanya ang atensyon. Bahagyang nakatingin ako sa kanya, nasa bandang kaliwang bahagi ko siya.


"Su – subukan niyo lang siyang galawin, papatayin ko kayo pareho!!!!!" sigaw ni Marion..


"Aba! Matapang ka pa ah!!"


Susuntukin na dapat si Marion ng bigla siyang pinigilan ng kasama niya.


"Pre, chill ka lang. Kapag yan nagkagalos yari tayo kay Boss. Bilin pa naman nito na 'wag siya sasaktan."


Binitawan nito ang kamay ng kasama niya.


"Pasalamat kang loko ka, nako kung nagkataon."


"Nagkataong ano?? Ha?"


"Uupakan na talaga kita. Itahimik mo yang bibig mo."


"Tss. Hindi mo maaring gawin sakin 'yun. Anak ako ng pinakamataas na may katungkulan dito sa Tarlac!!!" sigaw ni Marion..


Nagkatinginan ang dalawa at nagtawanan.


"Nagpapatawa ka ba? Pinakamataas? Ex-Governor na lang ang tatay mo. Balewala na ang lahat ng koneksyon niya. Alam mo ba kung bakit ka nandirito? Ha?" sabay lapit ng mukha nito kay Marion..


"Dahil na rin sa pagiging gahaman ng tatay mo. Dinukot ka namin para pagbayaran mo ang mga kagaguhang ginawa ng tatay mo noon. Hindi siya sumunod sa usapan namin kaya pagbabayaran namin siya. Naiintindihan mo ba 'yun?"


Napalunok ako sa narinig ko. Si... si Marion ang magbabayad sa mga maling ginawa ng tatay nito? H – hindi maari. Nagiging klaro na sa isipan ko ang dahilan kung bakit kami nandito.


Ngumiti lang si Marion at.. dinuraan nito ang lalake.


"Aba talagang!!!!!!! Siraulo kang bata ka ah!!!" pagalit na sabi ng lalake..


Sinipa nito ang upuan ni Marion. Kaya bumagsak ito sa sahig. Gagantihan pa sana nito si Marion pero pinipigil siya ng kasama nito.


"Tama na pre, kapag 'yan nasaktan malalagot talaga tayong dalawa."


"Eh siraulo siya eh!! Dinuraan ako, anak ng." sabay punas nito sa kanyang mukha..


"Yung babae na lang ang pagdiskitahan natin, tutal wala naman siyang bilang sa makukuha nating kapalit."


"Oo nga, tagal ko na ring hindi nakakatikim ng babae eh."


Sabay lakad nila... papunta sa direksyon ko. Napapikit ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Naririnig ko ang mga yabag nila papunta sa kinauupuan ko.


"'Wag.. 'wag niyo siyang gagalawin!!!!" sigaw ni Marion..


"Wala kang magagawa, nakatali ka dyan, mangmang."


Naramdaman kong may humawak sa parehong balikat ko kaya napatingin ako rito. Nakita kong nagtatanggal ang isang lalake ng sinturon sa harapan ko at ang isa naman ay nasa gilid ko, nakahawak sa balikat ko.


"''W – wag, 'wag po!!!!"


"Aba, aba. Gising na pala ang biktima natin."


Umiiling lang ako. Nagsimula naring tumulo ang luha sa mga mata ko.


"Shhh. 'Wag ka mag-alala, sa umpisa lang 'to masakit." sabi ng nasa gilid ko..


"'W – wag po, maawa kayo.. Please, 'wag po!!!!!!!!!!" pagsigaw ko..


"Ang sabi ko..."


"....'wag niyo siyang gagalawin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"


Ang bilis ng pangyayari. Nakita ko na lamang na humalandusay ang lalakeng nasa gilid ko. Napatingin ako at nakita ko si Marion. Na nakatayo, malapit sa akin. May hawak itong itim na balisong. Sinaksak nito sa tagiliran ang lalakeng nasa gilid ko. Nakita kong susugurin nito ang isa pang lalake.


"Mamatay kayo pareho!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Marion..


Nang papalapit na ito sa lalake ay hinawakan siya kanyang kamay at pinilipit ito. Dahilan para mahulog sa lupa ang balisong na hawak nito.


"Auughhhhh!!!" sigaw ni Marion..


"Siraulo kang bata ka!!!!" sabi ng lalake..


Sabay suntok nito sa sikmura ni Marion. Dahilan para mamilipit siya sa sakit. Tumayo rin ng dahan-dahan ang lalakeng nasaksak. Nakahawak ito sa tagiliran nito at lumapit kina Marion.


"Gago kang bata ka, magdusa ka ngayon!!!" sabay sipa nito kay Marion..


Binugbog nila si Marion sa harapan ko. Wala akong magawa kung hindi umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko.


"T – tama na 'yan!!!!!!!! 'Wag niyo siyang saktan!!!!!!!" pagsigaw ko..


"Kulang pa 'yan sa'yo!!! Nang magtanda ka!!!!" sabay sipa kay Marion sa likuran nito..


"T – tama na.."


"..tama na." sabay pagpikit ko..


Wala akong magawa. Hindi ko siya mapagtanggol tulad ng pagtatanggol na ginawa nito sa akin. Wala akong magawa para pigilan sila sa pagpapahirap kay Marion. Niligtas niya ako laban sa mga masasamang loob. Hindi ko alam gagawin ko. Napapikit na lamang ako sa sakit. Habang naririnig ang bawat suntok at tadyak na tinatanggap nito. Habang naririnig ang bawat tunog ng sakit na tinatanggap at binabato.


"T – tama na.." pagbulong ko..


"Ano??? Tingnan natin kung hindi ka magtanda!!! Siraulo kang bata ka."


"Pa..pa.."


"..papatayin ko kayo pareho kapag.. kapag, ginalaw niyo siya.." sabi ni Marion..


Narinig ko ang boses ni Marion. Dumilat ako at nakita kong nakahalandusay sa lupa ito. Puno ng dugo ang katawan.


"Aba talagang!!!!" sabi ng lalake..


Napapikit ako. Ayoko ng makitang nahihirapan si Marion.


Nang biglang.


"Anong kaguluhan 'to???"


May naringi akong boses na galing sa malayo. Boses ng babae. Kaya dumilat ako at hinanap kung saan nanggaling 'yun. Tumigil ang dalawang lalake at.


"Anong pinaggagawa niyo rito??"


"H – hala, si ma'am."


Naririnig ko ang yabag ng pag-apak nito. Papalapit ng papalapit sa amin.


"M – ma'am, sorry ho. Lumaban ho kasi yung target, sinaksak ho ako rito sa tagiliran kaya tinuruan lang namin ng leksyon." mahinang sabi ng lalake..


"Siraulo ka. Ang bilin ko sa inyo ay 'wag niyo siyang gagalawin diba??"


"P – pero, ma'am.."


"Walang pero, pero!! Umalis ka na rito at gamutin mo yan. Baka ako pa ang sumaksak sa'yo!"


"O – opo!"


Agad kumaripas ng takbo ang lalakeng nasaksak. Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa akin ngunit hindi ko maaninag kung sino siya. Tanging nakita ko lamang ang suot nitong sapatos. Pinulot nito ang balisong na nasa lupa.


"Heto ba ang pinangsaksak niya sa kasama mo?"


"O – opo."


"Gusto mo bang ilaslas ko sa leeg mo 'to?"


"'W –wag ho ma'am." mahinang sabi ng lalake..


"Pwes, itali niyo na 'yan! Idikit niyo sa upuan ng kasama niya. Higpitan niyo ang tali ng hindi na 

makawala."


"S – sige ma'am!"


Sandali itong tumahimik at narinig kong naglakad pa ito muli. Papunta sa kinauupunan ko. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko sa pagkakataong 'to.


Sa pagkakataong 'yun, may pumasok sa isipan ko. Parang pamilyar ang boses nito sa akin. Napalunok ako at napatingin rito.


"Kamusta?" sabi nito..


Dahan-dahan siyang nasisinagan ng liwanag na galing sa buwan.


Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, hindi 'to.. Hindi 'to totoo..


Ngumiti ito sa akin habang hawak nito ang balisong na puno ng dugo.


"E – elanie??"


Continue Reading

You'll Also Like

21.5K 1.1K 17
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
633K 4.6K 36
Learn Korean Language. Pasensya sa mga typo diyan.
266K 2.9K 16
This hugot lines is not mine It is from my friend ____________________________________ Mga hugot lines na ginawa ng aking kaibigan ay gusto ko ibaha...
523K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...