Attorney Lexus' Wanted Girlfr...

By JoeyJMakathangIsip

293K 7K 402

Atty. Lexus Park is in search for a pretend girlfriend who'll help him bring back his reputation, after it wa... More

WANTED
PROLOGUE
CHAPTER 1
QOUTE 1
CHAPTER 2
QOUTE 2
CHAPTER 3
QOUTE 3
CHAPTER 4
QOUTE 4
CHAPTER 5
QOUTE 5
CHAPTER 6
QOUTE 6
CHAPTER 7
QOUTE 7
CHAPTER 8
QOUTE 8
CHAPTER 9
QOUTE 9
CHAPTER 10
QOUTE 10
CHAPTER 11
QOUTE 11
CHAPTER 12
QOUTE 12
CHAPTER 13
QOUTE 13
CHAPTER 14
QOUTE 14
CHAPTER 15
QOUTE 15
CHAPTER 16
QOUTE 16
CHAPTER 17
QOUTE 17
CHAPTER 18
QOUTE 18
CHAPTER 19
QOUTE 19
CHAPTER 20
QOUTE 20
CHAPTER 21
QOUTE 21
CHAPTER 22
QOUTE 22
CHAPTER 23
QOUTE 23
CHAPTER 24
QOUTE 24
CHAPTER 25
QOUTE 25
CHAPTER 26
QOUTE 26
CHAPTER 27
QOUTE 27
CHAPTER 28
QOUTE 28
CHAPTER 29
QOUTE 29
CHAPTER 30
QOUTE 30
CHAPTER 31
QOUTE 31
CHAPTER 32
QOUTE 32
CHAPTER 33
QOUTE 33
CHAPTER 34
QOUTE 34
CHAPTER 35
QOUTE 35
CHAPTER 36
QOUTE 36
CHAPTER 37
QOUTE 37
CHAPTER 38
QOUTE 38
CHAPTER 39
QOUTE 39
QOUTE 40
CHAPTER 41
QOUTE 41
CHAPTER 42
QOUTE 42
CHAPTER 43
QOUTE 43
CHAPTER 44
QOUTE 44
CHAPTER 45
QOUTE 45
CHAPTER 46
QOUTE 46
CHAPTER 47
QOUTE 47
CHAPTER 48
QOUTE 48
CHAPTER 49
QOUTE 49
CHAPTER 50
QOUTE 50
CHAPTER 51
QOUTE 51
CHAPTER 52
QOUTE 52
CHAPTER 53
QOUTE 53
CHAPTER 54
QOUTE 54
CHAPTER 55
QOUTE 55
CHAPTER 56
QOUTE 56
CHAPTER 57
QOUTE 57
CHAPTER 58
QOUTE 58
CHAPTER 59
QOUTE 59
CHAPTER 60
QOUTE 60
CHAPTER 61
QOUTE 61
CHAPTER 62
QOUTE 62
CHAPTER 63
QOUTE 63
CHAPTER 64
QOUTE 64
CHAPTER 65
QOUTE 65
CHAPTER 66
QOUTE 66
CHAPTER 67
QOUTE 67
CHAPTER 68
QOUTE 68
CHAPTER 69
QOUTE 69
CHAPTER 70
QOUTE 70
CHAPTER 71
QOUTE 71
CHAPTER 72
QOUTE 72
CHAPTER 73
QOUTE 73
CHAPTER 74
QOUTE 74
CHAPTER 75
QOUTE 75
CHAPTER 76
QOUTE 76
CHAPTER 77
QOUTE 77
CHAPTER 78
QOUTE 78
CHAPTER 79
QOUTE 79
CHAPTER 80
QOUTE 80
EPILOGUE PART 1
QOUTE 81
EPILOGUE PART 2
FINAL QOUTE

CHAPTER 40

1.5K 49 6
By JoeyJMakathangIsip

DEBORAH

8 PM. Nakahiga lang ako sa banig ko at hindi ko alam ang gagawin. I am still crying at hindi ko rin magawang kumain ng kahit ano. Paulit-ulit na binabagabag ang puso ko kakaisip kung ano na ang nangyari sa kanya. Ayos lang ba siya? Pinalaya na ba siya? Nakauwi na ba siya? Kanina ko pa rin siya tinatawagan pero hindi na nagri-ring ang phone niya. Kahit si Long at Kuya Short ay hindi rin nag-u-update sa akin ng kung ano na nangyari sa kanya. Pero sino naman ako 'di ba para maging sobrang concern pa sa kanya? I'm not even his real girlfriend kaya wala talaga akong karapatang mangialam sa kanya. Pero bakit ganito? Bakit kahit anong pagmamakaawa ko sa puso ko, hindi ko pa rin ito mapigilang 'wag nang magaalala sa kanya?

9 PM. Mas naging matindi ang pagiyak ko nang wala pa rin akong matanggap na kahit anong balita sa kanya. Kahit ang mga empleyado niya sa group chat namin ay wala pa ring kamuwang-muwang sa kung ano na ang status niiya ngayon. Hindi ko na rin talaga matiis ang sarili kong hindi magsumbong sa mga pulis pero sa huli ay pinigilan ko rin naman din ang sarili ko dahil iyon ang utos ni Long sa amin. At natatakot din akong mas mapapalala ko pa ang kalagayan niya sa gagawin ko. Kaya sa huli, pagiyak na lang talaga ang nagawa ko.

10 PM, lumabas ako ng bahay at sinigaw na nga lang sa bundok ng basura ang lahat ng galit ko. Walang nakarinig sa akin na kahit sino pero hindi ko maitatangging nakatulong iyon sa pagaalala ko sa kaya. Minura ko na ang kahit sino dala ng sama ng loob ko. Ang hangin, ang araw, ang dagat. Lahat-lahat! Pati na ang mga rebeldeng dumakip sa kanya.

"SANA MAPUTULAN KAYO LAHAT NG TITI! YAAAAAAH!" inis na inis na sigaw ko habang umiiyak.

11 PM. Tinapangan ko ang sarili ko. Hindi ako dapat maging marupok. Alam kong wala akong mapapala kung maghihinagpis lang ako kaya tinigilan ko na ang pagi-iyak ko, inayos na ang sarili, nagbihis at lumabas na ng bahay.

"Munuod kami ng fireworks display. Iyon ang sabi niya kaya alam kong tutuparin niya iyon," utas ko sa sarili ko nang makarating na sa highway para maghintay na ng masasakyan. Iyon nga lang, naiyak ako ulit dahil habang naghihintay ako roon ay naalala kong iyong kinatatayuan ko pala ay ang mismong spot kung niya pi-nark ang sasakyan niya buong gabi noong mismong araw bago kami nagpunta sa Boracay. Kahit tinanggi niyang hindi siya nanatili magdamag sa tapat ng dumpsite ayaw ko pa rin siyang paniwalaan. Sa ilang araw na nakasama ko siya, nakita kong palagi niyang tinatanggi ang mga magagandang bagay na ginawa niya mapagaan lang ang loob ng kausap. Kaya kailangan niya pa talagang bumalik para ipaalam niya sa akin kung bakit nag-overnight camping siya sa spot na ito sa gabing iyon.

"ATTORNEY LEXUS PARK, ANG BOBO MO TALAGA!" sigaw ko sa ere nang maalala ko ang bagay na iyon. Iyon din pala ang mismong gabi kung saan nag-confess ako sa kanya through text.

May dumating ng jeep, sumakay ako roon at hindi nga naglaon ay nagpahinto ako sa tapat ng law firm niya. Wala ng katao-tao roon kaya nagawa kong umiiyak ng pagkalakas-lakas.

"PAANO NA LANG 'TONG LAW FIRM MO? ANG TANGA-TANGA MO TALAGA! ANG TANGA-TANGA MO!" sigaw ko habang sinisipa-sipa ang glass wall ng law firm niya.

Pagkaaalis ko roon ay nahinto na naman akong muli sa gitna pedxing kung saan ko siya unang nakatagpo. Iyong mismong gabi na nalasing ako, hindi pa kami magkakilala, pula ang traffic light at hinalikan ko siya sa labi niya.

"SANA MAPUTULAN KA NG TITI! SANA MAPUTULAN KA NG TITI! SANA MAPUTULAN KA NG TITI! SANA MAPUTULAN KA NG TITIIIII! YAAAAH!" sigaw ko at napahinuhod na lang matapos kong mapahagulgol.

Nang makarating ako sa Marcelo Green, iyong mismong subdivision kung saan naroon ang bahay niya ay umiiyak pa rin ako pero wala na halos lumalabas na luha sa mga mata ko. Paos na paos na rin ako at halos wala na akong lakas. Himala na nga rin lang nang makarating pa ako sa tapat ng bahay niya. Hindi na rin ako talaga ako nakausap ng maayos ng driver na naghatid sa akin rito.

Naghintay ko roon ng mahigit kalahating oras at halos mawalan na nga ako ng pag-asa ng sampong minuto na lang ay magpapasko na.

11:52 PM. Napatingin ako sa cellphone ko at ganoon pa rin. Wala pa ring nagbabalita kung ano na ang nagyari sa kanya.

11:54 PM. Paikot-ikot akong naglakad ng bahay niya. Hindi ko alam kung makailang beses ko iyong naikot pero ang alam ko, naiyak akong muli ng dumating ang 11:56 PM.

Four minutes. Four minutes. Ayaw ko mang magisip ng masama pero siguradong kapag hindi pa siya dumating sa loob ng panahong iyon ay isa lang ang ibig sabihin. May nangyaring masama sa kanya.

11:57 PM. Tumayo ako sa tapat ng gate niya. Hinipan ko ang mga kamay ko dala ng panlalamig.

11:58 PM. May lumapit sa aking Lola na kapitbahay yata ni Attorney Lexus na nagbigay sa akin ng lata ng Bonakid na may lamang oranges. Tinanong niya sa akin kung nasaan na raw ba si Attorney Lexus ay imbes na makasagot ay naiyak lang ako. Umalis naman siya agad matapos subukang pagaanin ang loob ko.

11:59 May silhouette ng lalaki na palapit sa direksyon ko at panigurado akong guard iyon ng subdivision na sisitahin na ako kung ano ang ginagawa ko rito.

30 seconds. Wala na. Pinanghinaan na ako ng loob.

20 seconds. Pero gusto ko pa ring magbasakali.

10 seconds. May mga advance nang naghihiwayan sa mga bahay-bahay. Mas lalo akong nalugmok. Panay na rin ang pagpiyok ko habang umiiyak.

5 seconds. May narinig akong footsteps na naglalakd patungo sa akin.

3 seconds. May huminto sa harap ko.

2 seconds. Tinignan ko kung sino.

"Merry Christmas," ani ng taong nasa harap ko. Maraming pasa sa mukha niya at naka-triangular bondage ang kanang braso niya. Madungis ang katawan niya pero alam kong siya iyon. Alam kong siya iyon.

Kasabay ng pagbati niya sa akin ay sumabog ang napakarami at makukulay na fireworks sa likod niya. At imbes na yakapin ko siya ay ngumawa lang ako sa harap niya. At iyon nga lang din ang ginawa ko sa buong pagkakataong sumasabog ang napakagandang mga fireworks sa paligid namin. At iyon lang din ang ginawa niya sa buong pagkakataong nangyayari iyon. Ang titigan ako imbes na pagmasdan ang mga magagandang fireworks sa paligid.

***

Continue Reading

You'll Also Like

351K 7.5K 71
Meet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys n...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
1.7M 53.9K 83
Lucent Lotus Amourteirre has everything worth having. Beauty, character, wealth, and even a notorious mafia. But she lost everything when her mafia...
33K 1.2K 36
[Published] "Love is a choice." TN: Not edited. © 2017 CrystalineG