Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 24

1.2M 33.3K 17.1K
By jonaxx

Kabanata 24

I'm Sure

Natahimik ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nasa kama ko siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ang tanging nagagawa ko lang ay ang maingay na pag tikhim.

"Just sleep, Meg. Good night," napapaos ang boses ni Noah nang sabihin niya ito.

Pumikit ako ng mariin at dahan dahang lumapit sa couch. I guess I'll be sleeping here for tonight.

Hindi ako nangahas na lingunin siya. Pinikit ko na lang ang mata ko at ginawa kong unan ang maliit na throw pillow sa sofa. Pinagkasya ko ang sarili ko doon at sinubukang matulog. Nong una ay hindi pa ako makatulog sa kakaisip sa presensya ni Noah sa aking kwarto. And he's naked! Sa nakita kong katawan kanina ay naiisip kong may Greek god na natutulog sa aking kwarto. Nangingiti ako pagkatulog sa gabing iyon. Nevermind the pain. Nevermind all the hurt. Nevermind that he's inlove with someone else.

Kinaumagahan ay halos napatalon ako sa pagkakagising. Naramdaman ko ang kumot sa aking katawan. Nilagay ba ito ni Noah habang natutulog ako? Nilingon ko ang kama at wala nang Noah doon.

Tanaw ko ang sikat ng araw sa labas. Tinanghali ako ng gising. Kinusot ko ang mata ko at tinitigan ang kama kung saan natulog si Noah kagabi. Luminga ako para sa kanyang damit na kagabi ay nakakalat pa, wala na roon.

Kinagat ko ang labi ko at natulala na lang sa kama. I missed him.

Ilang sandali pa bago ako tumayo sa pagkakatulala at nagligpit ng gamit. Pagkatapos niyang matulog sa kama ko ay babalik siya sa kay Coreen. Lumunok ako habang kinukusot ang aking mata. I need to stop thinking and start packing. Huling araw namin 'to nina Everlyse at Carlos bago bumalik ng Maynila.

Pagkatapos kong mag impake ay naligo ako at nagbihis para hanapin na sina Everlyse at Carlos na naroon daw sa restaurant. Bumaba na ako, bahagyang tumigil sa pangalawang palapag at nagbabakasakaling makita o madatnan si Noah, pero wala. Pagkababa ko ng hall ay nakita ko ang iilang guests sa kasal na ginanap kahapon na paalis na doon.

Pinasadahan ko ng tingin ang guests. Or maybe, Noah went home with Coreen already?

Dumiretso ako sa restaurant at natanaw ko na si Everlyse at Carlos na parehong kumaway sa akin at tinuro ang mga pagkain sa harap. Marami silang inorder. Maybe because it's our last day here.

"Meg!" Tawag ni Warren at Joey na naroon pala sa kabilang table at nagkakape.

"Oh, ba't nandito kayo? Don na kayo sa table namin," anyaya ko.

"Paalis na rin naman kami," sabi ni Joey. "Maaga ang alis namin, e."

Tumango ako at nakita ang bagaheng nasa gilid nila.

"How was your sleep?" Ngiti ni Warren sa akin.

"Oh..." Natigilan ako. "Fine."

May kung anong tiningnan si Joey sa kanyang cellphone bago bumaling sa akin at kay Warren.

"Pre, we need to go. Nagtext na si Liam," ani Joey.

"Oh?" Ngumiti pa ng isang beses si Warren sa akin bago tumayo. Tumayo na rin si Joey.

"We need to go, Meg." Nilingon ni Joey si Carlos at Everlyse tsaka sinenyasan na aalis na sila. Kumaway naman ang dalawa bilang pagpapaalam.

"Paki sabi kay Lyse na visit din kayo madalas sa gigs. Isama niyo sina Wella." Baling ni Joey sa akin.

"Okay, promise." Ngiti ko.

"Thanks for the company, Meg." Ngiti ni Warren sa akin at mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

Mabilis iyon pero tamang panahon lang para makita ko si Noah kasama si Liam sa may bukana ng restaurant na parehong nakatayo at bihis na bihis na. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang kanyang madilim na tingin sa akin.

"Ayon pala sina Noah at Liam." Sabay turo ko sa dalawa para kay Warren at Joey.

"Oo nga. Alis na kami, Meg." Ngiti ni Joey sa akin bago nila ako tinalikuran.

Umirap si Noah at mabilis na kumawala sa aking titig. Nagsusuplado na naman. What was that for? Are you jealous? Kagabi ko pa namamalayan iyan. But it's impossible, he's in love with Coreen.

Nang nawala ang apat ay dumiretso na ako sa lamesa nina Carlos at Everlyse. Pareho silang ngiting-aso na nakatingin sa akin.

"Stop it, you two." Sabi ko sabay kuha sa fries na nakalatag sa isa sa mga plato.

"What happened last night? Nag kaayos na ba kayong dalawa?" Ngiti ni Everlyse.

"Nagkaayos? Maayos kami ni Noah, Lyse. Maayos na maayos. Mahal niya si Coreen at tanggap ko iyon. Let's respect his feelings." Iling ko.

"That's not what I saw yesterday. Nagseselos siya sa inyo ni Warren at mabilis siyang mairita."

"Iritado siya sa akin. He's annoyed, that's why." Giit ko.

"Hindi siya maiirita kung wala siyang feelings. Kung galit man siya dahil sa nangyari sa inyo noon, Meg, ay ibig sabihin lang non, hindi parin siya nakakarecover hanggang ngayon." Tumango tango pa si Everlyse na sinabayan ng kanyang boyfriend.

Natulala ako saglit bago pinilig ang ulo, "Stop it. Wag niyo akong paasahin sa wala."

"Hindi kita pinapaasa, Meg-"

"You know Noah's been like that, Lyse. Nong high school pa lang ay seloso na siya kahit na wala naman talaga siyang feelings sa akin."

"Exactly, Meg!" May kung anong kislap sa mata ni Everlyse.

Humilig pa siya ng husto sa mesa para marinig ko ang lahat ng kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung gusto niya bang makalimutan ko si Noah o gusto niyang hindi. Parang kailanlang nong pinapa iwas niya ako doon at ngayon naman ay parang suportado niya pa ako.

"Hindi siya nagbago. Nakuha mo siya noon sa diskarte, makukuha mo siya ulit ngayon sa diskarte." Ngiti niya.

Nanliit ang mga mata ko. I feel bad for even thinking about it. "Stop it, Lyse."

"I guess Everlyse is right, Meg. It's not bad to try again. To make your wrong decisions right. To try to make it work for one last time." Seryosong sinabi ni Carlos na inaprobahan naman ni Everlyse.

Pinilig ko ang ulo ko para mawala ko iyong pag iisip tungkol doon. This is a bad idea, I'm sure of that. I'm very sure of that. Masasaktan lang ako ng husto, kung hindi pa man ako nasasaktan ngayon.

Pero nang umakyat ako pabalik sa kwarto para kunin ang mga bagahe namin ay nagulat ako sa nakita kong note at pagkaing pang dalawahan. May hot chocolate at coffee pang nakalapag. Hinawakan ko ang mga tasa nito at naramdaman kong lumamig na dahil kanina pa yata ito narito. Ang dalawang puting platong may bacon, omelet, cheese, ham, at toasted bread ay malamig na rin. Sa maliit na note ay may nakalagay na nagpalaglag sa panga ko.

'I'm sorry for making you sleep on the couch. I told you you can sleep beside me.

-N. Elizalde'

Nanlamig ang katawan ko. Umalis siya kanina para kumuha ng pagkain. Hinatid niya ba ito rito nong umalis na ako? Napaupo ako sa kama at maraming ideya ang pumasok sa isip ko.

Nagpunta si Noah dito para ibigay ito sa akin. Pang dalawahan. He's expecting us to eat breakfast together but I wasn't there to eat it with him. Iniwan niya at nag iwas siya ng note. And we saw each other at the restaurant. Mukha na naman siyang galit sa aking doon. Malayong malayo sa nagsulat ng note na ito na puno ng concern.

May kumatok sa aking kwarto at kahit hindi ko pa sinasagot ay bumukas agad ito. Kumalabog ang puso ko at napawi din agad ito nang nakitang si Everlyse at Carlos lang pala. Of course, Meg, are you stupid? Umalis na sina Noah.

"Let's go?" Anyaya ni Everlyse sa akin na napatingin sa papel na hawak hawak ko.

"Ano yan?" Hinablot niya na walang pasubali ang papel. Inilipat niya ang tingin niya doon sa pagkaing nasa harap namin bago bumaling ulit sa akin. "Ohhh. The good old days. Freaking notes." aniya.

Tinaas ko ang hawakan ng stroller at magyayaya na sana akong umalis na rin nang biglang tumili si Everlyse.

"Ikaw 'yong dinalhan niya nitong pagkain? Kanina pumunta siyang restaurant para mag order ng pagkain, binalewala ko kasi akala ko para kay Coreen. Ikaw pala? Meg-"

"Stop it, Lyse." Sabi ko sabay higit sa aking stroller.

"You can't ignore this." Aniya, sinusundan ako palabas.

Tumikhim ako at tumango. I couldn't alright. Gusto kong panindigan ang pag iwan ko sa kanya ngunit hindi ko magawa. Lalo na ngayong nararamdaman kong kahit kaonti ay may nararamdaman pa siya sa akin. Kahit gaano kakonti iyan ay kaya kong sumugal. Nagawa kong sumugal noon kahit alam kong wala siyang nararamdaman sa akin, ngayon pa kaya?

Iyon ang naging pangaral sa akin ni Lyse buong byahe pabalik sa Maynila. At ang tanging inatupag ko naman sa buong byahe, bukod sa pakikinig sa kanya ay ang pagtitext sa mga kaibigan kong parte noon ng fansclub nina Noah.

Ako:

Wella, may mga gig sina Noah. Free ka ba? Puntahan natin. Just like the old times?

Tumunog ang cellphone ko ilang sandali ang nakalipas. Nakita kong si Wella ang tumatawag. Sinagot ko kaagad ito.

"Hi, Well! Kamusta?" Sabay tingin ko sa labas ng sasakyan.

"I'm super fine, ikaw?" Natatawa niyang sinabi.

"I'm good. So... ano?" Kinagat ko ang labi ko. "I know si Stan ang gusto mong mapanood sa Zeus, but..."

"Ano ka ba? I like Liam also! Magaling siya like Stan! At naging kaibigan ko na rin naman sina Warren, Joey, at Noah kaya ayos lang 'yan. Iyan din kasi ang pinag uusapan namin ni Althea nong isang araw. Alam niya kasing nakabalik ka na. Ano? Do you have their schedule?"

Ngumiti ako at kakaibang kalabog sa dibdib ang nararamdaman ko. "Yes."

Kaya sa sumunod na mga araw, bukod sa paghahanda ko sa training o internship na inooffer ni Rozen sa akin ay abala din ako sa paghahagilap sa mga dating miyembro ng fansclub. At dahil si Wella ang magaling sa paghahagilap ng ibang miyembro ay nagtulungan kaming dalawa.

Ang unang gig na pupuntahan namin para sa Zeus ay siya rin ang unang beses na magkikita kita ulit kaming lahat. Marami ang nagbago. Ang dating gusgusin pang mga high school girls ay sexy at hot na college o di kaya ay working girls na ngayon.

"I missed you, Meg!" Sabay yakap ni Wella sa akin nang nagkita kita na kaming lahat.

Nandoon din sina Thea at iba pang mga kaibigan namin na hanggang ngayon ay hinahangaan ang Zeus. Kahit nong college daw sila ay sinuportahan nila ang mga ito. Tsaka lang sila nagkawatak watak nang nagkaroon ng problema ang banda sa pag alis ng pangalawang bokalista nito pero ngayong maayos na ulit ay andito ulit sila para suportahan ang banda.

"May tarp ako." Nangingiti kong sinabi.

"Wow!" Kantyaw ang inabot ko galing sa kanila.

"Kahit kailan ka talaga, Meg." Ngiti ni Wella. "Para kay Noah ba 'yan?"

Tumango kaagad ako at ipinakita sa kanila ang tarp na may nakalagay, 'I still love you, Noah Elizalde'. Napasinghap silang lahat sa nakasulat roon. Sumeryoso naman ang mukha ni Wella nang tiningnan niya ako. "Sila ni Coreen."

Umiling ako. "Hindi."

Ngumuso siya. "Iyon ang alam ko."

Nagkatinginan sila ni Thea. Umiling ako. "Hindi sila." giit ko at nilingon ang entabladong may isang banda pang tumutugtog.

Sa oras na aakyat ang Zeus sa entabladong iyan ay aakyat din ako sa mesa namin para ipakita itong tarpaulin kay Noah. Iyon ang naging plano ko sa isip ko. Kung saan ko nahugot ang lakas ng loob at kapal ng mukha para rito?

"Isa pa nga?" Sabi ko sa waiter na kanina pa ako hinahatiran ng vodka at tequila ng pasalit salit.

Umiikot na ng husto ang paningin ko but I needed all the strength I can get. Nakakahiyang aminin na sa alak ko na kinukuha ang lakas ng loob ko ngayon.

"Guys! Let's support Megan! Next time, pa tarp din tayo! Malay natin makuha ng isang sikat na recording company 'yong Zeus?" Ani Thea sabay tingin sa akin.

"Oh Moon Records will give them an offer. I'm sure of that." Sabi ko pagkatapos nilagok ang pang walong shot na nainom ko sa gabing iyon.

Maingay ang mga tao sa pagsabay sa tugtog ng naunang banda. Nag he headbang at sumasayaw pa sila sa tunog na iyon. Nang matapos at nagsabog ng confetti ang stage ay alam ko na kaagad na sina Noah na ang susunod. Pagkaapak pa lang nila sa stage ay halos itabi ko lahat ng bote at shot glass sa aming table para lang makaakyat din ako doon.

Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok bago nilatag sa aking harap at tinaas sa ere ang tarpaulin na pinagawa ko.

"GO NOAH ELIZALDE!" Sigaw ko habang nakapikit. God, I'm so drunk!

Tumili sina Wella sa ginawa ko. Natatawa na lang ang iba.

"Well, stop her." May narinig akong isa sa mga babaeng kasama ko.

Oh no, you don't stop me. Ito pa lang ang una sa marami kong gagawin para habulin ulit si Noah Elizalde. I'm sure he's still in love with me. I'm sure of that!

Bago ko pa mawagayway ang tarpaulin na nasa kamay ko ay may marahas nang humablot sa aking braso kaya muntik na akong mahulog galing sa mesa. Humiyaw sina Wella sa takot at kaba sa nangyari.

"What the fuck?" Sabi ko sa humablot at naisip na isa iyon sa mga babae pero nang nakita ko ang galit sa mga mata ni Noah na sumalubong sa akin ay pumungay ang mga mata ko. "Noah..."

"What are you doing?" Mariin niyang tanong at hinigit pang muli ako para maibaba.

Bumaba ako at nilagay ang tarp sa mesa para harapin si Noah na naroon at mabilis ang hininga habang nag hihintay ng eksplenasyon sa akin.

"Pumunta ka na sa stage. Magsisimula na ang gig niy-"

"Ba't ka pa pumunta?" Sigaw niya.

May narinig akong sumigaw sa audience. Luminga ako pero bago ko pa mapasadahan ng tingin ang mga tao roon ay hinila na ako ni Noah paalis doon. Naiiwan ang tingin ko kina Wella na hindi ko alam kung nalulungkot o nagpapanic sa nangyari. Dinala ako ni Noah sa backstage na may ilang mga taong labas pasok. Nang naiwan na kaming dalawa doon sa labas ng mukhang isang room kung saan nagpapahinga ang mga banda ay tinulak niya ako sa dingding at sinuntok niya ang dingding na nasa tabi ko. Napapikit ako sa kanyang ginawa.

"Ba't ka nandito?" Galit niyang tanong.

Dahan dahan akong dumilat at naabutan ko ang pag igting ng panga niya. "To support you. Just like the old times."

"I don't need your support-"

Hindi ko siya pinatapos. "You got jealous, right? Kaya matalim ang titig mo sa akin bago ka umalis sa resort na iyon. Naghanda ka ng pagkain para sa ating dalawa pero naabutan mo akong kausap si Warren kaya galit ka. Galit ka na naman? Why don't you tell me, Noah. You are damn jealous! You are still in love with me!" Sabi ko at nagulat sa sarili na nasabi ko iyon ng diretso nang hindi kumukurap.

"Why would I be jealous?" Nagtaas siya ng kilay at malupit ang tingin niya sa akin.

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kanyang titig. Titig niya pa lang ay nakakapanakit na sa akin ng husto.

"I am in love with Coreen Aquino, Megan. I'm sorry but I think you assumed too much." Iling niya bago ako iniwan doon ng nanghihina.

Pumikit ako ng mariin at may luhang kumawala sa aking mata.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 136K 46
(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong...
104K 6 1
A feisty teenage girl receives an alarming threat from someone called Black Cat, hinting at a mysterious accident from the past that caused a chain r...