Merry Christmas to you and your family! God bless us always <3
Chapter theme: the maine - 12:25
"Hello, what can I get you?" bungad ko sa batang lalakeng pumasok sa clinic.
Napaawang ang labi ng batang mukhang nasa grade 3 or 4 lang. Para siyang nalilitong tumingin Ms. Marichu, ang school nurse. Puchangama, ano ako? Hangin? Nice talking, bata.
Lumapit ang nurse at naramdaman ko ang pabiro niyang pagsundot sa tagiliran ko. "Anong problema?" malambing nitong tanong sabay yuko upang pumantay nang bahagya sa bata.
"My tummy hurts," sumbong ng bata sabay busangot. Cute.
"Okay, let's head over there to sit muna," malambing na sabi ni Nurse Marichu sabay gabay ng bata patungo sa upuan.
Napabuntong-hininga na lamang ako at naupo sa gilid ng pinto. Ilang araw na akong naga-assist kay Nurse Marichu pero parang wala pa rin akong kwenta sa ginagawa ko.
Makaraan ang ilang sandali, lumabas si Ms. Marichu habang nakapamulsa sa suot niyang white uniform. "Silver, hindi 'to bar. Don't ask them what they need, ask them what's the problem."
Tumango ako. "Sorry po, just a force of habit."
She chuckled and sat down next to me. Ms. Marichu is in her mid 20's. She's nice at sobrang daling pakisamahan. Maswerte ako at sa kanya ako na-assign. Parang siya ang nagsisilbi kong boss at instructor, for the meantime nga lang dahil tiyak malilipat na naman ako pagkatapos ng ilang linggo.
"Don't forget to smile, Silver. The kids can't be scared of you," aniya kaya naman tumango-tango ako.
"Tawagan ko muna ang parents no'ng student. Kapag may pumasok, you know what to do."
I looked at her and smiled.
"Wider," aniya kaya mas nilakihan ko ang ngiti ko.
"Tone it down a little, mukha kang bruha," natatawa niyang sambit kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. "I'm kidding, Silver. Just try to be friendly to the kids," aniya pa.
When I was left alone, I heaved a sigh and fetched out my phone. Using the screen as my mirror, I tried to practice my smile. Ano ba talagang klase ng ngiti ang gusto nilang makita?
Sa isang iglap ay bigla na lamang kumatok.
Tumayo ako mula sa kinauupuan at huminga nang malalim sabay ngiti sa kawalan. Puchangamang buhay 'to.
I kept on flashing my smile even as I opened the door. Tumambad agad sa akin ang isang batang babaeng medyo magulo ang mahabang buhok at walang kabuhay-buhay ang mukha. She looks way smaller than the little boy who first entered.
Gaya ng ibang babaeng estudyante, nakasuot ito ng kulay pulang paldang may pa-ekis na suspender sa ibabaw ng kulay puti nitong blouse. Hanggang sa bewang ko lang ang bata kaya naman tumingala ito sa akin.
"Hi, how can I help you?" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sobrang lamya at arte ng boses ko. Braylee sounds sweet, but she doesn't sound irritating! Paano niya ba 'yon nagagawa?!
"Patingin kay Ate Silver," walang emosyon nitong sambit.
"Ha?" Nagulat ako sa sinabi niya.
She tilted her head, trying to take a peek inside the clinic. "Patingin sa friend ng Kuya Jethro ko."
And then, it dawned on me. She must be Jethro's cousin.
Huminga ako nang malalim at nilakihan na lamang ang pagkabukas sa pinto. "I'm Ate Silver," pakilala ko na lamang sa kanya.
Tumingala muli ang bata sa akin at tinitigan ako gamit ang malamig ngunit mala-anghel niyang mga mata. She's so cute, I just want to squish her.
"You're pretty," sabi nito sa walang emosyong boses kagaya ni Jethro. Puchangama, kawawang bata at mukhang nakuha ang pagiging bato ni Jethro.
"Thank you, you're so pretty too. What's your name?" Lumuhod ako sa harapan niya at bahagyang hinawi ang buhok niyang bahagyang humaharang sa pisngi niya. Mayamang bata kaso hindi marunong maagsuklay.
"Violet Filimon." Her voice sounded so sweet and cute, 'yon nga lang blanko pa rin ang ekspresyon sa mukha niya. God, she looks like a porcelain doll.
"Oh gosh a Filimon!" I heard Ms. Marichu gasp. Mabilis itong lumapit sa amin. "Baby, gusto mong pumasok?"
The little girl shook her head as rosy lips pouted. "Gusto kong kumain ng ice cream."
"Then go to the can--" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang muli na naman akong sinundot ni Ms. Marichu sa tagiliran.
I sighed and altered my words, "you still have classes--"
Muling sinundot ni Ms. Marichu ang tagiliran ko. Isa na lang talaga at sisikuhin ko na siya.
"Ate Silver, let's eat ice cream," the stone-cold brat demanded as she reached out her hand to my direction.
Kunot-noo kong nilingon si Ms. Marichu at tumango-tango ito. Kulang na lang ay ipagtulakan ako nito palabas, masamahan lang ang batang bato.
I sighed and gave into the kid's demand. After all, an ice cream isn't so bad, plus baka may ma-share siyang pwede kong magamit laban kay Jethro. Makakaganti na ako sa batong 'yon. Malakas na kasi iyong mang-asar sa akin.
Paglabas namin ng clinic, napahawak agad ang bata sa kulay puti kong skirt. Natatakot akong baka masira ang hook nito kaya naman pasimple kong kinalas ang kamay niya at hinawakan na lamang. Kalaunan, naramdaman ko ang paghawak niya pabalik sa kamay ko.
I was amazed at how soft and little her hand is. We didn't have any kids in our household kaya naman sobra akong nanibago sa presensya ng bata sa tabi ko.
Maliliit ang bawat hakbang ng mga paa niya kaya naman binagalan ko ang paglalakad.
"Violet, how old are you?" tanong ko.
"6," tipid niyang sagot.
"Do you have a nickname?" tanong ko pa.
"Violet," she said. Galing.
Habang naglalakad kami, pansin kong nagtatakbuhan palayo ang mga batang nakakasalubong namin, may iba namang nagsisigawan. Hindi ko alam kung totoo silang natatakot o nag-aasaran lang gaya ng laging ginagawa nina Haji. Iyon bang pabirong natatakot.
Nang makarating kami sa canteen, kusa kong kinarga si Violet para naman makita niya nang maayos ang mga nasa freezer. Yumakap naman agad siya sa balikat ko. Cute kid.
"Which flavor do you want?" tanong ko pero bago pa man makasagot si Violet, mabilis na lumapit sa amin ang isa sa mga staff. Isang babaeng mukhang nasa mid-to-late 40's.
"Naku, nandito na pala ang prinsesa namin!" Humalakhak ito at mabilis na kumuha ng isang Ube Ice Cream at inabot ito kay Violet.
Pansin kong hindi nagpasalamat si Violet kaya naman pasimple ko siyang binulungan. "Say thank you to the kind lady."
"Thank you," matamlay niyang sambit.
Tumawa lamang ang ale at napatingin sa akin. "Ikaw ma'am?"
It's been a long time since I've had Ube Ice Cream kaya naman ito na lang din ang sa akin. Kaya kong kargahin si Violet ng isang kamay kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon para kumuha ng 100 pesos mula sa bulsa ko.
"Ate, don't pay. Everything's free here," Nakangusong giit ni Violet.
Nakunot ang noo ko at agad akong napatingin sa ale.
"Libre po talaga si Ms. Filimon, nililista lang namin," pabulong nitong sambit sa akin sabay ngiti.
"Oh..." Napatango ako. "Bayaran ko pa rin po 'tong sa amin," sabi ko pa at tinanggap naman ito ng ale.
"Why did you pay?" kunot-noong tanong ni Violet.
"Because I have to." I smiled and touched the tip of her nose lightly.
Violet's only 6. She won't be able to understand my principles on privileges if I start talking about it. I sure hope she grows up to be like Jethro though, 'yong tipong ma-impluwensya pero nakaapak pa rin sa lupa. That guy is drowning with privileges, but he never brags about it nor uses them against others.
Tumambay na lang muna kami ni Violet sa Clinic para naman wala masyadong makakita sa amin na kumakain ng Ice Cream. Okay lang din naman kay Ms. Marichu, sa katunayan siya nga itong namimilit na sakyan ko ang trip ng bata.
Violet is a pretty mellow kid kahit pa medyo demanding at clingy nito. I can't believe I'm saying this, but I actually see my younger self in her. Ganitong-ganito ako eh. Violet looks cold and menacing but she's actually a sweet kid. Parang si Jethro lang din. Para kaming triplets, bwisit.
Nakaupo kami sa mahabang sofa ng clinic pero mas pinili ni Violet na sumandal sa akin. Kung ano-ano ang sinasabi niya, hindi ko ma-gets pero tango na lang ako ng tango.
"Hala, bilis! Natutunaw na!" I kept scaring her at para naman itong siraulong tumitili at mabilis na dinidilaan ang parteng natutunaw na. Gumaganti rin ito ng pananakot pero natatawa lang ako.
Kalaunan naisipan kong kumuha ng litrato naming dalawa.
"Smile ka," I said as I placed my arms around her shoulders, pulling her into a light backhug while still holding on to my ice cream; my other hand raising my phone.
Violet continued leaning on me, tilting her head while showing off her adorable smile. Wala itong pakialam kahit marumi ang mukha nito dahil sa kinakain na ice cream.
I giggled uncontrollably. I can't help but gush on her cuteness.
Game na game ito sa pagpo-pose ng kung ano, nagpe-peace sign pa at pinagyayabang lagi ang ice cream niya. Kapwa kami tawa nang tawa nang mapagtantong kulay violet pa ang mga labi namin dahil sa ice cream.
Pinadala ko agad kay Jethro ang isa sa mga litrato namin, pati na rin kay Reika.
Wala pang ilang minuto, ay nakatanggap agad ako ng reply mula kay Reika.
Reika:
get the hell away from that kid!
sayang ang future niya!!!!
Silver:
we're cute though
Reika:
yuck
Natawa ako at magpapatuloy sana sa pagkuha ng litrato namin nang makatanggap naman ako ng reply mula kay Jethro.
Jethro:
madaya
Silver:
cute ng pinsan mo
Jethro:
bakit kayo magkasama?
pumunta siya sa clinic?
Silver:
oo, akala ko nga masama ang pakiramdam
nagyaya lang palang kumain ng ice cream
Hindi na nag-reply si Jethro kaya naman tinago ko na ang cellphone ko at nagpatuloy sa pakikipagkulitan kay Violet hanggang sa sinundo na ito ng teacher niya. Akala ko pagagalitan kami o si Violet pero hindi ito nangyari. Chill lang ang teacher kaya naisip ko agad na marahil isa na naman ito sa mga perks ng pagiging Filimon.
* * *
Nang tumungtong ng alas-kwatro ay nagligpit na kami ni Ms. Marichu ng mga gamit. May mga mantsa ng ice cream ang uniform ko dahil kay Violet pero binalewala ko na lang. Nag-enjoy naman akong kasama ito.
Paglabas namin ng gate, nakunot agad ang noo ko nang makita ang sasakyan ni Jethro. Mabilis na bumaba ang salamin sa driver's seat at nakita ko si Violet na panay ang kaway at sigaw ng pangalan ko. Sa gilid naman nito ay si Jethro na mukhang naiinis dahil tumatama na sa mukha niya ang kamay ng bata. Nice job, Violet.
I sighed at lumapit na lamang sa direksyon nila. Bumaba naman si Jethro habang karga si Violet. Hindi ko napigilang matawa dahil pareho silang may malamig na ekspresyon sa mukha, medyo magulo rin ang buhok. Kulang na lang ay magsuot si Violet ng eyeglasses at tiyak papasa na siyang little girl version ni Jethro.
"Bakit?" tanong ko.
"Ate, libre daw tayo ni Kuya ng Spaghetti!" pagyayaya ng bata.
Napasulyap ako sa wrist watch ko. I still have once class to attend back in the Uni.
"Oh come on, Silver. May 30 minutes ka pang bakante," Jethro said, as if reading my mind.
I looked up the sky and sighed. "Okay fine but you better drive me to school."
"Sure." Jethro shrugged, fixing pushing his glasses further his face using his free hand.
"Sama ako!" giit naman ni Violet.
Sa backseat ako naupo dahil akala ko ay sa front seat pupwesto si Violet, pero nagtaka ako nang sumunod ito at halos kumandong pa sa akin.
"Violet, behave," Jethro said coldly and glanced at her through the rearview mirror. Napansin ko naman agad ang pagsiksik ng bata sa bewang ko, natakot yata kay Gori.
"No, it's okay." I smiled reassuringly at inakbayan na lamang si Violet sabay bahagyang ayos ng buhok niya. Uso magsuklay, bata.
Jethro sighed and started driving. "We have a game tomorrow, are you going to watch?"
"Titingnan ko pa." I can't say yes or no yet, depende pa kung nasa mood ako na lumabas.
"Can I come with you?" Violet looked up at me.
"Violet, the adults are talking," saway ni Jethro. Violet quickly stuck her tongue out and frowned at Jethro's direction. Natawa ako. Kahit pala bata, nab-bwisit din kay Jethro. Talk about Super Powers.
Nang makarating sa fast food chain, ayaw pa ring humiwalay ni Violet sa akin kaya naman kami ang magkatabi sa upuan samantalang nasa tapat namin si Jethro.
"Ang tagal!" pasigaw na reklamo ni Violet habang hinihintay ang pagkain namin.
"Violet..." Nagkatinginan kami ni Jethro nang sabay naming nasaway ang bata.
"Gaya-gaya." Pabiro ko siyang inirapan.
"Bato," pabulong niyang ganti kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Lalo ka na.
Nang dumating ang order namin, nilantakan agad ni Violet ang spaghetti niya. Natatakot akong sumubsob ang buhok niya sa pagkain kaya naman pasimple kong sinuklay ang buhok niya at itinali ito sa isang ponytail. Mabuti na lang at lagi akong may dalang spare scrunchie.
Napatingin ako kay Jethro at napansin kong nakatingin pala ito sa amin.
"Kailan pala ang Christmas Break n'yo?" bigla nitong tanong.
"I still have nursing duty so baka 20 or 21 pa ako makauwi." I sighed.
"So you're still not spending your break at Filimon Heights again?" he asked.
I nodded. "I still have to go home to my folks."
"Bummer," he said. "How about Reika's birthday?"
"Skype. As usual." I drawled. "Speaking of, I still don't know what to give her."
"Make it funny and uncanny. That girl is as weird as her cousin's name so give her something along the lines. Maybe give her some cleaning supplies or just a framed funny selfie," he suggested nonchalantly kaya agad nakunot ang noo ko.
"Are you being serious or is this one of your vague jokes?" I asked.
"I'm serious." He chuckled. Parang lumiliwanag talaga ang paligid sa tuwing ngumingiti o tumatawa siya. He should do that some more.
"Bakit?" kunot-noo niyang tanong. Napansin na nakatingin pa rin ako sa kanya.
Umiling na lang ako.
***
Silver:
reserved a seat for u on 405 seat h
call me when you're near, rei
I placed my phone on my pocket as soon as I hit send. Magkakalapit lang ang oras ng game at ang last class ko kaya naman hindi na ako umuwi o nagbihis pa ng uniform ko. Bahala na.
"Himala ata at nanood ka ng game? Curious ka rin sa Thorn ng Rosepike no?" pabulong na biro ni Colette lalot hindi kami halos magkarinigan dahil sa ingay ng buong arena. Hindi pa lumalabas ang mga players sa lagay na 'to.
Kung babalik na 'yong Denver, edi hindi na si Jethro ang captain. Hay, hindi ko pa nga pala nakikilala ang aso no'n.
All of a sudden, my phone vibrated from inside my pocket. I checked it, only to find a message from Jethro.
Jethro:
are you going to watch the game tonight?
Silver:
here
405 - seat G
break a leg
Jethro:
coming from you, that sounds like a threat
Silver:
u have a point, we're from rival schools after all
Jethro:
i guess you won't be cheering for us then
Silver:
neutral ako
Jethro:
Kasama mo ba daw si Reika?
Silver:
waiting for her
i just got here from my last class at uni
Jethro:
next time, let me know in advance so i could get you better seats
Silver:
no need, we're good here
thanks
"Omg! Ang gwapo talaga ni Warren!" Narinig kong sumigaw si Colette kaya napa-angat agad ako ng tingin mula sa cellphone ko.
"Nasaan?" tanong ko agad.
"Hayun! Kausap sina Piper!" Turo ni Colette pero bago ko pa man ito masundan ng tingin, nag-vibrate ulit ang cellphone ko.
Reika:
Can't come
I don't really feel like leaving the house today
Pls cheer on the guys for me. Cheer the loudest for mags
Pag may filimonian na umangal, ilista mo para magantihan ko
Nag-alala agad ako para kay Reika. Ilang araw na itong parang malungkot at sa tuwing tinatanong ay ayaw namang umamin. Si Slade naman ayaw ring magsalita. Hindi naman sila magkagalit, sa katunayan magkasundo na nga sila.
Bumuntong-hininga na lamang ako at nagtipa ng mensahe para kay Jethro.
Silver:
Sorry, I have to leave
Reika's under the weather and I need to check on her
Don't tell mags, ako na bahala
Good luck
Jethro:
Sure
I understand
Get home safe
Silver:
Win this, filimon
Jethro:
There should be a prize
Silver:
Libre kita ng mami
Jethro:
sounds good
Pag-uwi ko, nadatnan ko si Reika na nakahiga lamang sa kama at parang malalim ang iniisip. Kahit maliit lang ang kama, humiga ako sa tabi niya. Ayaw niya pa ring magbahagi ng nararamdaman kaya naman kinuha ko na lamang ang earphones at cellphone ko at sabay kaming nanood ng kung ano-anong video sa youtube.
***
Dec 24
11:56 PM
Jethro:
Merry Christmas, Silverianne
Silver:
Still not Papa Jesus' birthday yet
Kay Reika pa
Dec 25
12:00 AM
Jethro:
Merry Christmas, Silverianne
Silver:
Merry Christmas, Jethro
Anong ganap sa Filimon Heights?
Jethro:
Filimon christmas fair
You should spend your next christmas or new year here
Silver:
Hopefully
Thanks for the advice btw
Jethro:
Tungkol saan?
Silver:
Reika loved my gift
Jethro:
Ano binigay mo?
Silver:
Nope
Jethro:
I'll just ask reika then
Silver:
As if you can get a decent answer from her
Jethro:
Unfortunately
When are you coming back?
Miss ka na ni violet
Silver:
January 2? I think
Jethro:
Talon ka sa new year, para tumangkad ka na
Silver:
Wag ka magpapakita sa akin next year
Jethro:
No violet for you then
Silver:
Violet and I are tight
U can't tear us apart
Jethro:
Im not sure if we're already fighting or still kidding around
Silver:
We're still kidding around right?
Jethro:
Ok we're good
Silver:
Nice
Merry christmas again
Jethro:
Yeah
Merry christmas
See you next year
Silver:
See you next year
Jethro:
Can't wait
to show you the new video
I took of haji embarrassing himself while drunk
Silver:
That better be in high definition
Jethro:
The shame is in high definition
Silver:
Nice
Good night
Jethro:
Good night
Merry christmas
| End of 32 - Thank you |