Once A FANGIRL (A Marcelo San...

By jirayu_hime

9.2K 109 60

The Untold Lovestory of Marcelo Santos III... More

Once A FANGIRL (A Marcelo Santos III's lovestory)
ONE
TWO
THREE
THREE.5

FOUR

802 14 20
By jirayu_hime

CHAPTER 4 (***)

Anykka Sierra /a-nik-ka/


"Babe!"

"Yes, Babe?"

SPLASSSSSSSHHHHHHHH!!!!

SPLASSSSSHHHHHHHHH!!!!

"Aaaah! Third! Tama na!"

"HAHAHAHAHA!" sinamaan ko sya ng tingin. Halos mangiyak ngiyak na sya ng kakatawa sa itsura ko ngayon. Mukha akong basang sisiw! Bwisit, and all thanks to Third.

"Ah ganon? Lintek lang ang walang ganti! Humanda ka sakin Marcelo!"

Tawa pa din sya ng tawa habang hawak hawak ang tyan nya, with matching palakpak pa na akala mo winner na winner ang ginawa nya.

"Naks! Galit ka na, Babe? Nasan na yung 'Third'?" He knows me so well. He knows what is the difference whenever i called him 'Marcelo' or 'Third'.

Habang sya busy sa pagpatay ng gripo kung saan nakabit ang hose na hawak nya, ako busy din. Busy sa sarili kong business para makaganti sakanya.

"Babe!"

"Bakit, Babe gusto mo nang ki--"

PLOKKK!

"AHAHAHAHAHAHAHAHA!" YES! Eto ang tinatawag na jackpot! Sapul sa mukha. Wapak! Pasok sa banga!

"Ano 'to? Takte! Eto ba yung inaamag na cake sa ref. namin?!" i am laughing so hard when i heard him grunted something. The next thing i knew, naghahabulan na kami dito sa likod-bahay nila.

"Huli ka, Babe!"

"AHAHAHAHAHA! Wag tama na Third! Suko na ko! Panalo ka na!" Shet. Kahinaan ko talaga ang pangingiliti sakin. Kahit sino, basta usapang kiliti, no match talaga ko. Grabe naman kasi lahat nalang ata ng parte ng katawan ko may kiliti, kaya tuloy olats na olats ako. Alam nya kasi ang weakness ko e.

"I love you, Babe!!! Talo ka!" halakhak nya while giving me a big hug.

--------

FIRST BLOOD!

"!@#$%^ Yown! First blood na naman! Kupal talaga kayo, Soneyo! Walang kwenta! Weak!"

"G*go mag-antay ka Nobita! Patikim palang yan! God-like ka ba?"

"Beyond god-like kamo pre! Sige, abangan nalang natin kung sinong magwawagi! Tol, i-ultra kill na yan oh!"

Ay leche. Nakakabadtrip talaga 'tong mga DOTA players na 'to e. Pag talaga sila andito sa shop umuulan ng mura. Trashtalk everywhere. Busy pa naman ako today, jusme. Kailangan kong magfocus dito sa ginagawa ko sa computer. E kaso sa sobrang ingay hindi ko maintindihan.

"O, bat sabukot na naman yang mukha mo?"


"Di ako makapag-concentrate. Bwisit sila. Busy pa naman ako today. Nagfofocus ako sa ginagawa ko e." nakita kong nanlaki ang mata ni Jheann sa sinabi ko.

"Ha? What? May assignments ba tayo na di ko nagawa? May long quiz ba? Anong ginagawa mo, bat ka busy sa pagcocomputer?"

"Gaga! Nanonood ako ng LSOV!"

"Ang LR mo, ginawa na ngang libro ngayon mo lang napagbigyang pansin yung mga videos nya? E dyan nga sya nagsimula e. Ba yan kala ko naman kung ano. Basahin mo yung Para sa Hopeless Romantic, gagi." Hay nako ang bitter ni ateng Jheann palibhasa mas close kami ni Marcelo.

Maya maya nakita kong kinukulbit kulbit na ako ni Jheann sa braso.

"Ano? Busy ako." i said blandly.

"Tignan mo 'to te baka mainlove ka lalo! Si Em to, wag ka nang mag-inasim!" dahil sangkot ang pangalan ng future jowa ko, wala pang split second e lumingon na ko kaagad sa computer nya to check kung ano ba yung ipapakita nya.

Ang gwapo nya, pakshet lang. Serious looks, polo shirt, messy hair, the earring, the pants, the get up, the Rayban shades--

Halos malaglag ang panga ko sa picture na nakapost sa FB page nya na iyon ng marealize ko kung sino ang kahawig ni Marcelo sa picture na 'to.

Rayban shades. Plaid polo. Braces. Messy hair. Black earring. Pants. Shoes.

Lahat tugma. Meaning???

"Sya si Mr. Tablecloth!"

"Anong tablecloth na naman Anykka?"

"Sya yung nakabangga sakin te! Sya yung kinuwento ko sa'yo! Takte nakakahiya, sana hindi nya ko natandaan. Kung hindi siguro tawang tawa na yon sakin nung sa GYM palang, tapos pati dun sa Trinoma." paliwanag ko habang panaka nakang hinahampas sya sa braso.

"What?! E bat hindi mo kaagad nakilala?"

"Iba kasi yung aura nya nung una kaming nagkita, serious looks tapos nakashades pa sya. Kaya hindi ko sya kaagad nakilala. Shit, kaya pala nung nasa gym tayo, napaisip ako kung saan ko nga ba sya nakita. Emerged te! Nakakahiya pala!"

Kill me now please. Ground, please swallow me now!

"Ang arte mo. Sa dami ng fans non hindi ka na non maaalala no. Tigilan mo na yang drama mo. Manood ka na lang dyan, may thirty minutes pa bago ang first period natin."

Posible nga kayang nalimutan nya na yung mukha ko non, nung time na muntik nya kong masagasaan?

*facebook notification*

Jhester Ann Pacinos mentioned you in a comment.

Ano na naman 'to? Magkasama lang kami may pa-mentioned mentioned pa. Echosera din 'to e.

Marcelo Santos III  posted a photo 10 hours ago

Thank you po sa lahat ng pumunta at nakabonding namin sa Trinoma! :)

_____________________________

*PHOTO*

_____________________________

Like. Comment. Share

Jhester Ann and 12,913 like this post.

______________________________

load previous comments...

Jhester Ann Pacinos: Anykka oh ayan te! Sa dami ng nakakasama nya everyday oh. Kalma ok? Hahaha! :)

Regardless sa kinoment ni Jheann, nagcomment din ako. Pero i'm not hoping for his reply, tama si Jheann sa dami ng tao na nakakasama nya sa bawat events at talk malabong maalala nya pa yon.

Anykka Sierra: Ikaw lang dinayo ko dun e haha :) Ako ang first pic mo kahapon, yung nakasalubong mo nung papunta ka palang sa event :) Thank you!!!

I smiled after pressing the enter button. Hindi man nya ko maalala the first time we met, atleast i am once known as his fan girl, his forever fan girl.

--------

"Ang weird ah. Masyadong matayog yung pangarap mo besty, medyo pakalmahin mo yang panaginip mo." i rolled my eyes at her, pano kasi ayaw maniwalang napanaginipan ko na naman si Marcelo kagabi.

"Whatever. Pero, seryoso ilang gabi ko na syang napapanaginipan."

"Okay lang yung mapanaginipan mo, tanggap pa ng katawang lupa ko yun, pero yung.." she paused for a moment then mimicked, "Yes, Babe? Tama na Babe!"

"Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala. Pero tingin mo bakit nga kaya ganon yung panaginip ko no? Ang weird talaga." i asked her then took another sip of milk tea, na halos wala nang lasa dahil natunaw na yung yelo.

Uwian time na pero heto kami at nakatambay pa din sa milk tea shop na malapit sa school. Reason? Kasi pauwi na dapat kami kanina ng makita ni Jheann si Jared na pumasok dito kaya ayun, stalker alert on ang drama ni bestfriend.

"Oy ikaw ah, bat ba bet na bet mo yang si Jared? Balita ko casanova yon ah?" pag-iiba ko sa usapan habang pasimpleng sinusulyapan si Jared na nakaupong mag-isa sa kabilang side ng shop habang nagmamasid lang sa glass window na nasa gilid nya.

"Wag kang maingay tangeks, baka marinig ka ni Red." saway sakin ni Jheann.

"Sus ang layo layo nya e. Diba may jowa na yan? Si Alesana Marie, yung chics ng BS HRM?"

"Ay thank you ah, ang hurty besty. Hard mo! Salamat sa support. Ano ka ba mas malakas nga ang hatak ko ngayon dyan, mas may pag-asa gagi kasi nagkakalabuan na daw ang dalawang yon!"

Sasabat pa sana ko sa mga pinagsasasabi ni Jheann ng biglang may pumasok sa shop, and her high pitch voice caught our attention.

"ATE! ATE! ATEEEEEE!!!" si Nine. Little sister ni Jheann. Kung wapak na ang boses ng huli, mas matinis at wapak ang boses ng batang 'to. First year college student din sya sa NIS-Phils. BS HRM student. (Her nickname is correctly pronounce as 'NIN' hindi 'Nine' o 'Nayn' as in number nine kundi simpleng 'NIN'. Complete name? Jenniene Pacinos.)

"Ano ba yan bebe, potek na boses yan." Pero para samin ni Jheann sya si bebe. Isip bata kasi, ssshhh.. Ayaw nyang tinatawag na isip bata pero kung umasta, ganon na ganon. Sshh ulit...

"ANO BA YAN ATE! ANG SUNGIT NYO NAMAN, DI NYO BA KO NAMISS? HIHI! TEKA KASI ATE ANYKKA, ALAM MO NA BA ANG LATEST??? OMG! OMG! MAG-ONLINE KA NA, IF I WERE YOU NGAYON NA AS IN NOW NA! TARA SA SHOP BILISSSS!"

Since wala kaming panama sa kakulitan ni bebe, kaya heto kami ngayon sa shop. At sapilitan akong pinag-o-online ni Nine.

"Ano na naman ba kasing trip mo bebe?" medyo iritableng untag ni Jheann sa kapatid.

"BASTA! DI MAKAPAG-ANTAY LANG TE? AYAN BILIS, YUNG NOTIFICATION MO ATE ANYKKA, CHECK IT CHECK IT, DALI! OH MY GOSH!"

Sa sobrang wagas ng kakulitan ni bebe hindi na talaga kami naka-angal pa. Agad kong chineck ang notifs ko kagaya ng sabi ni bebe, puro likes lang naman. Pero hindi na makatiis si bebe kaya sya na mismo nagturo nung gusto nyang ipakita. At halos mapatili din ako ng makita ko kung anong meron sa notification ko. . .

Marcelo Santos III mentioned you in a comment.

Marcelo Santos III likes your comment.

Author's note:


Napost ko na yung mga picture maayos na sila, check nyo nalang yung bawat chapter kung alin ang may picture. Nakikita na po :) At yung notifications sa FB ni Anykka ayun oh, asa gilid.

PS: Yung mentions of username sa next UD nalang ha. Di ko pa kasi naiilista e :) Thanks!

Kamsahamnida,

HIME :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 23.8K 56
just for fun
31.4K 1.2K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
47.4K 3.1K 79
Si Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang pa...