When It All Starts Again

Galing kay LenaBuncaras

633K 32.3K 4.7K

Anim na taon mula nang magbago ang nakalakhang buhay ni Stella Daprisia, inisip niyang isang malaking pagkaka... Higit pa

When It All Starts Again
Chapter 1: Boredom
Chapter 2: The Chance
Chapter 3: The Time
Chapter 4: Past is . . . Past?
Chapter 5: Same Old Brand New
Chapter 6: Freedom Speaks Louder
Chapter 7: The Experience
Chapter 8: The Talk
Chapter 9: The Beast
Chapter 10: Changes
Chapter 11: Regrets
Chapter 12: The Present
Chapter 13: Assurance
Chapter 14: The Conclusion
Chapter 15: Bullied
Chapter 16: Saves the Day
Chapter 17: Que Sera, Sera
Chapter 18: Finding Answers
Chapter 19: Bully and Bullied
Chapter 20: Angel...oh
Chapter 21: Special Request
Chapter 22: All I Want For Christmas
Chapter 23: Say Cheese
Chapter 24: Parlor Games
Chapter 25: The Beauty and the Beast
Chapter 26: Angel Wings
Chapter 27: Failed Future
Chapter 28: Chocolates
Chapter 29: Broken Wings
Chapter 30: Hated Garden
Chapter 31: Trails of Future's Past
Chapter 32: Apologies
Chapter 33: Common Factors
Chapter 34: Busted
Chapter 35: Visitor
Chapter 36: Birthday Party
Chapter 37: The Promise
Chapter 38: The Father
Chapter 39: Unexpected Friends
Chapter 40: The Sad Present
Chapter 41: Flash . . . Back
Chapter 42: The Pocket Watch's Owner
Chapter 43: Worst Day Ever
Chapter 44: Meant To Be
Chapter 45: Redemption
Chapter 46: Acceptance
Chapter 47: Stalker? Admirer.
Chapter 48: Family Problems
Chapter 49: Remembering Me
Chapter 50: Mind Twist
Chapter 51: Surprises
Chapter 52: Last Day Remembered
Chapter 53: Tracked Changes
Chapter 54: Sweet Revenge
Chapter 55: Unforgettable Memories
Chapter 56: Graduation
Chapter 57: Ex-Best Friends
Chapter 58: Family. Friends.
Chapter 59: He Came
Chapter 60: Lost and Found
Chapter 61: Fairest of Them All
Chapter 62: She's the One
Chapter 63: Prom Queen
Chapter 64: All's Well That Ends Well
Chapter 65: Homecoming
Chapter 66: Drunk Confession
Chapter 67: The Pocket Watch
Chapter 68: Her Last Chance
Chapter 69: Reconcilliation
After Story
Philip (Part 1)
Philip (Part 2)
Philip (Part 3)
Philip (Part 4)
When It All Starts . . . Again

Chapter 70: Happy Ending

9K 574 257
Galing kay LenaBuncaras

Kung bibigyan ka ng pagkakataong makabalik sa nakaraan . . .

Babalik ka ba?

Apat na taon magbuhat nang makabalik ako sa nakaraan—sa panahon kung kailan namatay si Mama; sa panahong inisip ko noong una, katapusan na ng lahat para sa akin dahil wala nang dahilan para mabuhay.  

Apat na taon magbuhat nang mamatay si Mama, at anim na taon na magmula nang mabago ko ang lahat sa mga panahong pinagsisisihan ko. Ito ako ngayon, nakapagtapos na sa isang magandang eskuwelahan—hindi na sa Santa Clara kundi sa mas magandang state university sa kursong Bachelor of Secondary Education. Alam kong hindi maganda ang naging karanasan ko noon sa eskuwelahan para pumili ng kursong kailangan kong manatili sa eskuwelahan araw-araw, pero sapat na iyon para maging dahilan para magpatuloy.

"Daprisia, Stella T." Natawag na ang pangalan ko. Umakyat na ako sa stage para kunin ang diploma ko. At sa panahong ito, hindi ako nag-iisa. Nasa guest si Papa kasama si Grace. Naka-attend din sina AJ at Belle dahil day off nila. Susunod daw ang iba mamayang pag-uwi nila dahil may pa-graduation party sila para sa akin.

Ito na ang pangalawang pagkakataon kong maranasan ang panahong ito, at kompara noon—na halos makalimutan ko na rin kung ano ba ang nangyari—pakiramdam ko, sobrang saya nito ngayon. Minsan, naiisip ko, parang ang daming nangyaring hindi ko na matandaan. Siguro kasi, sa pagkakataong ito, nabago ko na lahat. At kung ano man ang pinagsisisihan ko noon, nawala na lang iyon dahil hindi ko naman na naranasan. Maganda na rin iyon dahil wala na rin akong balak balikan pa ang lahat ng masasamang alaala.

"Stella! Picture!"

Haharapin ko na ang panibagong bukas nang may ngiti at may pag-asa. At nagpapasalamat ako dahil nabigyan ako ng pagkakataong maulit ang lahat sa umpisa.

Ten years later . . .

"Ma'am, sorry po. Di po ako makakapagpasa ng project ngayon. May problema po kasi sa bahay. Si Tatay po kasi . . ."

"Okay lang ba, Baradilla?" putol ko agad sa estudyante ko. Nakatitig lang ako sa kanya. May gasgas siya sa dulo ng labi at ang braso niya, may maliit na pasa rin. "Ano'ng nangyari sa 'yo? Sino'ng may gawa niyan?"

Napakamot siya ng ulo at nahihiyang tumingin sa akin kaya nag-iiwas lang siya ng tingin.

"Gabriel," pagtawag ko sa kanya kaya siya napatingin sa akin. "Sino? Si Tatay mo?"

Napahugot siya ng malalim na hininga at alanganing umiling. "W-Wala po, Ma'am Stella. A-ano lang . . . na-nahulog po ako. Sa hagdan po."

"Ayoko sa batang nagsisinungaling. Sino ang may gawa niyan?" pangangastigo ko sa kanya. "Sina Brillantes ba?"

Agad ang angat niya ng tingin at parang nagulat sa sinabi ko.

"Sila nga."

"M-Ma'am, saglit lang po!"

Tumayo na ako sa upuan ko at dali-daling naglakad palabas ng faculty. May klase pa sila sa math kay Sir Tom pero hindi ko palalampasin ito. Bugbog-sarado ang classmate nila at mukhang wala lang sa kanila ang ginawa.

"Sir Tom, pa-excuse nga muna kina Brillantes, Chua, saka Nazareno."

"Ma'am, parang awa n'yo na—"

"Gabriel," pag-awat ko at pinagbantaan ko siya ng tingin.

Nagtawag na si Sir Tom at dali-dali namang lumabas sa hallway ng second floor ang tatlo.

Agad ang duro ko sa uniform ni David na hindi maayos ang pagkakabutones. "Isara mo 'yan, Chua." Ang angas din nito ni David. Umismid lang habang padabog na inaayos ang uniform niya.

Itinuro ko ang railings para patayuin sila roon. Napansin kong ang sama ng tingin nila kay Gabriel.

"Kayo ba ang may gawa nito?" tanong ko pa habang tinuturo ang payat na katawan ng kaklase nila.

Natawa sila nang mahina habang umiiling. Naiinis ako sa ugali ng mga batang ito. Bakit ba hindi nawawalan ng bully sa eskuwelahan?

"Gusto n'yo bang i-report ko kayo sa guidance counselor dahil sa ginagawa n'yo?" babala ko pa.

"E, ma'am, hindi naman kami yung may gawa niyan e," paasbag pang sabi ni Errol at dinuro si Gabriel. "Kami ba may gawa niyan sa 'yo, ha, lampa?"

Agad ang hampas ko sa kamay niya at pinagtaasan siya ng tingin. "Gusto mong magaya sa kanya?" Dinuro ko silang tatlo. "Kapag nadagdagan ang pasa nitong kaklase ninyo pagkatapos ng pag-uusap na 'to, may kalulugaran 'yang mga ugali n'yo." Tiningnan ko sila isa-isa. "Ground for expulsion ang ginagawa n'yo. Kung gusto n'yong maka-graduate, ayusin n'yo ang ginagawa n'yo."

Napakamot sila ng ulo. Halatang ayaw nang sinesermunan.

"Mag-sorry kayo kay Gabriel."

Lalo silang nagpakita ng pagkainis. Lalo namang nahiya si Gabriel sa inuutos ko.

"Mag-so-sorry kayo o ibabagsak ko kayo sa lahat ng subjects ko?" panakot ko pa.

"Ma'am!"

"Isa!"

"Sorry . . ." labas sa ilong nilang sinabi. Ni hindi man lang tiningnan si Gabriel na nakayuko lang.

"Gabriel, bumalik ka na sa klase mo," utos ko kaya mabilis siyang tumalima. Naiwan ang tatlo sa harapan ko.

Ipinagkrus ko ang mga braso ko at maangas din silang tiningnan. "Mga bully kayo, ha? Sige, makipagmatigasan kayo sa 'kin ngayon."

Lalo lang silang naglayo ng tingin sa akin.

"David," pagtawag ko.

"Yes, ma'am," paismid niyang sagot.

"Gagawin kitang assistant ni Irish. Tulungan mo siya sa mga pinagagawa ko sa kanya."

"Ma'am! Hala!" Napansin kong nagulat siya at agad na namula sa sinabi ko. "Ba't kay Irish pa!"

Napangisi na lang ako. "Kung ayaw mong umulit ng Grade 10, sumunod ka na lang." Sinunod ko si Errol. "Ikaw na, Errol, ang bagong secretary ni Patricia. Kapag nalaman-laman ko lang na inaaway mo siya, ako ang kakausap sa Mommy mo para hindi ka ipasa."

"Ma'am naman! Kay Irish na lang ako!"

"Tumigil ka."

Sinunod kong tingnan si Zed na napapakamot na ng ulo. Mukhang alam na ang sasabihin ko. "Kay Stephanie, ma'am. Oo, alam ko na po."

"Alam mo, ikaw, Zed, matalino ka naman pero bakit ganyan ang ugali mo?" sabi ko pa.

Lalo lang siyang nainis. "Si David naman kasi talaga, ma'am, yung may kasalanan e!"

"Hoy! Ina ka, Zed! Gag—"

"Sige! Mga bibig n'yo, ha!" pag-awat ko pa. "Magsibalik na kayo sa klase! At isa pang galaw n'yo kay Gabriel, ako na bubugbog sa inyo!"

"Opo, ma'am. Si David kasi e!"

Bumalik na sila sa klase habang nagkukulitan pa rin.

Napabuga na lang ako ng hininga. Alam kong hindi natatapos sa isang paliwanagan lang ang tatlo. Kailangan ko na namang kausapin ang mga magulang nila para magawan nang paraan habang maaga pa. Hindi ko puwedeng hayaang ganoon lang palagi si Gabriel.

Alam ko ang pakiramdam ng binu-bully kaya naging natural na sa akin ang gawan ng paraan ang mga ganitong kaso para lang hindi na maranasan ng ibang bata ang kung ano man ang naranasan ko.

***

Alas-kuwatro na ako nakakaalis ng school pagkatapos ng lahat ng kailangang kompletuhing paperworks at paggawa ng lesson plan. Dumaan din ako sa mini mart para bumili ng hapunan.

"Ate Ste," masayang bati sa akin ni Tinay, ang kahera sa mart, pagka-scan ng binili kong corned beef at macaroni. "Pinapaabot ni Kuya." Pagkatapos niyang ibalot ang mga binili ko, nag-abot din siya ng isa pang plastic bag na may lamang powdered juice, isang malaking pack ng chocolates, isang balot ng cupcakes, energy drink, saka isang lata ng cat food.

Tinawanan ko lang siya nang mahina saka nagpasalamat bago ako umalis.

Puwede naman kasing personal na ibigay, ipinaabot pa kay Tinay. Napakatamad talaga, oo.

Naglakad na ako pauwi nang may ngiti. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad ang dukot ko sa bag para tingnan kung sino ang nag-chat.

Pag-check ko ng notification, si Papa pala.

"Anak, nakabalik na kami ni Grace sa Maynila. Dadaan kami sa bahay mo bukas. Isasama ko yung mga kapatid mo."

Nginitian ko na lang ang chat ni Papa bago sumagot. "Sure, Pa. Magpapaluto na lang ako ng pagkain."

Sakto, may juice at cupcake para sa mga bata. Sina Papa na lang ang iisipan ko kung ano ang ihahain sa kanila. Makakapagluto naman yata siya ng masarap.

Pagkasagot ko sa chat, agad ang dial ko sa number niya.

"Hello?" sabi ko.

"Saan ka na?" malakas niyang sinabi na nakapagpahinto sa akin sa paglalakad.

"Bakit? May problema ba?" nag-aalala ko pang tanong.

"Ha? De, ano, wala! Saan ka?"

"Pauwi na."

"Ha? Agad?"

"Bakit ba?" Agad ang madali ko sa paglalakad. Ano na naman kaya ang ginagawa nito at bakit parang kinakabahan ito?

Malayo pa lang, napansin ko nang patay ang ilaw sa bahay.

Pagabi na. Bakit kaya?

Sumilip ako sa may bakod. Napansin kong wala si Miminggay para salubungin ako.

"Ming?" tawag ko pa sa pusa ko.

Agad akong nagbukas ng gate at isinara pagkatapos. Ang weird ng katahimikan, a. Lalo akong kinakabahan.

"Miminggay!" pagtawag ko na naman. Lalo akong kinabahan. "Miminggay!"

Pagbukas ko ng pinto ng bahay . . .

"Meow."

"HAPPY BIRTHDAY, STELLA!"

Malakas na sigaw ang pumuno sa sala ko at may mga sumabog, pumutok, at tumurotot kaya napapikit na lang ako habang natatawa.

"Hoy! Ano 'to!" natatawa ko pang sinabi.

"Baka birthday mo?" sabi pa nila.

Inilibot ko ang tingin ko. Una kong nakita si Carlo kasama ang asawa niyang si Mia. Si AJ habang yakap ang asawa niyang si Chim sa kanang gilid niya. Si Jasper katabi si Belle. Si Gelo kasama ang anak niyang si Althea. Wala yata ang asawa niya ngayon. Sina Arlene at Jane kasama ang mga boyfriend nila.

"Saglit! Di pa luto yung shanghai!" reklamo ng tao sa kusina.

"Kabagal naman magluto ng kusinero mo, My loves!" reklamo pa ni Carlo. "Kami na nga diyan! Mag-resign ka na sa trabaho mo!" Nagtawanan naman kami.

Alam ko namang birthday ko ngayon, pero nag-usap-usap na kaming sa weekend na lang mag-ce-celebrate. Ang titigas talaga ng ulo nila, talagang tinuloy nila.

Nagtungo silang lahat sa kusina at doon na nag-ingay. Inayos ko sa center table sa sala ang mga pinamili ko. Pagtalikod ko, nakita ko naman ang ngiti niya sa akin.

"Ang aga mong umuwi," dismayado niyang sinabi. "Sabi ko kay Tinay, isa-isahin sa 'yo yung laman ng plastik para matagalan ka e."

"Style mo bulok."

"Meow."

Bigla niyang dinampot si Miminggay at nilaro-laro iyon sa hangin. "Gutom ka na, Ming? Gutom ka na?"

"Ibaba mo nga 'yang pusa," utos ko pa at kinuha sa kanya si Miminggay.

"'Sus, selos ka lang sa pusa e."

"Sira." Nginitian ko lang siya at saka ako umiling. "Mas mahal ka na nga niyan kaysa sa 'kin!"

"Hahaha! Ayos lang 'yan." Lumapit siya at niyakap ako. "Mas mahal ko naman ang asawa ko." Saka niya ako hinalikan sa noo.

Ilang taon din ang lumipas at talagang tinupad niya ang pangako niya.

Na kahit umulit ako sa umpisa, may mga pangyayari talagang kapag nakatadhana na, kahit ano'ng ulit mo, mangyayari at mangyayari talaga.

At noong bumalik ako sa umpisa . . . sa wakas, nahabol ko na rin ang oras niya.

"Philip! Sinunog na ni Carlo yung lumpia!"

-------

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

665K 25.6K 52
The Watty Awards 2020 Winner Paranormal Category #1 in Paranormal 11/17/18 #5 in Thriller 12/05/18 🌟UPG Trilogy Book 2🌟 There are tons of unsolved...
193K 3K 42
Masagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malag...
10.9K 349 43
Si Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Haba...
106K 3.6K 90
Dalawang tao na itinakdang magtagpo ngunit di nakatadhana ang mga puso Mga pusong muling magmamahalan upang ang kahilingan ay maisakatuparan Mga kahi...