The Badass Babysitter Vol.2 ✓

Nayakhicoshi द्वारा

1.1M 51.5K 38.2K

[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The... अधिक

Volume 2
Chapter One: Date
Chapter 2: Party
Chapter 3: Tinola
Chapter 4: Endearment
Chapter 5: Haup Beast
Chapter 6: Night Hug
Chapter 7: Jealous
Chapter 8: Nanang & Tatang
Chapter 9: Kiss me
Chapter 10: Meet
Chapter 11: Landlord
Chapter 12: Kapitan
Chapter 13: Serpens
Chapter 14: Her Throne
Chapter 15: Cloud 9
Chapter 16: Protection
Chapter 17: Bitch
Chapter 18: Costume Party
Chapter 19: How are you?
Chapter 20: Wish granted
Chapter 21: Bruises
Chapter 22: Forgive and Forget
Chapter 23: Wounded
Chapter 24: Apple for a day
Chapter 25: Favor
Chapter 26: Holdapers
Chapter 27: Farewell
Chapter 28: Luggage
Chapter 29: Housemate
Chapter 30: Junakis the sixth
Chapter 31: Baby Tiger
Not an update!
Chapter 32: Ella es la muerte
Chapter 33: The little compass
Chapter 34: Cuddles and I love you
Not an Update
Chapter 35: Alien
Chapter 36: Old Friend
Chapter 37: Back to School
Chapter 38: Colours
Chapter 39: Ruin
Chapter 40: Embrace
Chapter 41: Officer
Chapter 42: Hemisphere
Chapter 43: Princess Tatiana Quvenzane Schleswig of Greece and Denmark
Chapter 44: Heat
Chapter 45: Dagger
Chapter 46: Quarantine
Chapter 47: Grounded
Chapter 48: Reunion
Chapter 49: Isaiah's Birthday
Chapter 50: Sneak peak
Chapter 51: Home run
Chapter 52: Family Dinner
Chapter 53: Lose
Chapter 54: Moving on
Chapter 55: Explode
Chapter 57: War zone (part 1)
Chapter 57: War zone (Part 2)
Chapter 58: Final plan
Chapter 59: Welcome-Goodbye
Chapter 60: Genesis
VOLUME 3
Book 3 is out!

Chapter 56: Back to the old times

12K 631 271
Nayakhicoshi द्वारा

Dedicated to everyone who patiently waiting for the updates. I salute you all Badass readers!

              
CHAPTER FIFTY SIX

   
ISAIAH CRANE's POV

Sa t'wing tatalikod at magsusulat si Teacher K sa blackboard ay sisilip ako sa bintana para kompirmahin kung nakaalis na ang sasakyan namin. Hindi ko maiwasang mapanguso nang makita na nandoon pa rin ito, nakaharang sa harap ng school namin. Tinawagan ko na si Peter pero hindi pa rin sila gumagalaw para umalis. Masyado pang maaga para sunduin ako, hindi pa nga kami tapos sa feeding program e. Excited sila masyadong umuwi porket wala si Dada.

Vibrate ng cellphone ko ang kumuha sa atensyon ko, lihim kong sinilip ito para makita na lowbat na pala ako. Nakalimutan ko palang mag-charge. Ngumuso ako bago tinago ito sa loob ng bag ko.

Nagkalat ang mga crayons, colorpencils, sketchbook at balat ng lollipop sa lamesa ko. Habang nakikinig sa pagkwe-kweto ni Teacher tungkol sa alamat ng unggoy ay biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin dahilan kung bakit nahinto si Teacher K.

"Sandali lang kids okay?" ngumiti siya sa aming lahat bago nagtungo sa pintuan.

Kalabit sa likod ko ang nagpalingon sa akin, nakabusangot na mukha ni Gyro ang nakita ko habang hawak niya ang naputol na lapis.

"May I borrow your pencil?" medyo may pagkasungit sa tono niya pero napangiti pa rin ako. Ang cute talaga ni Gyro pero sa t'wing sinasabi ko iyon sakanya ay nagagalit siya. Hindi niya tanggap na cute siya, hindi pa kasi niya nare-realize iyon.

"Sure!"

"Isaiah?"

Napatingin ako kay Teacher K nang tawagin niya ako. Nasa pintuan pa rin siya kaharap ang isang lalaki na hindi ko kilala. Pansin ko lang na nakangiti siya sa akin pero imbes na gantihan siya ng ngiti ay nangunot ang noo ko. Kalahati ng katawan nito ay nakapasok sa loob ng classroom namin dahilan para matignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakaitim siyang damit, pants at sapatos. Malaki ang
butas ng mga tenga niya na parang nabinat sa itim na hikaw. Pansin ko ang mga tattoo niya sa leeg at braso, may hikaw pa siya sa isang butas ng ilong at kahit nakangiti siya ay nanlilisik ang mga mata niya. Napalunok ako kasabay ng takot na naramdaman ko. May kakaiba akong nararamdaman sakanya na hindi ko matukoy.

Naalala ko ang binanggit ni Genesis sa amin tungkol sa ganitong pakiramdam. "If your instinct tells you not to trust someone, don't trust them" aniya.

"Ano 'yong instinct kaps?" tanong ni Josiah. Curious ang singkit na mga mata nito katulad ko. Napagdesisyonan ni Dada noon na papasukin din sa school si bunso namin, iyon nga lang ginusto niyang pumasok sa school na pinapasukan ni East at West. Naging friends na rin kasi sila kaya ayaw na niyang humiwalay sa mga ito at kahit nakakalungkot na hindi namin siya makakasama sa iisang school, bumabawi naman siya sa t'wing nakakauwi sa bahay.

"Instinct is a natural ability. Something we know without learning it. It occurs here our behavior, thinking and feelings. For example, when you see me raging mad what are you gonna do?" tinignan kami ni Genesis ng isa-isa.

"Uhm, tumakbo at magtago.." sagot ko habang nanginginig ang mga tuhod ko. Iniisip ko palang na galit siya gusto ko ng umihi sa pants ko.

"Exactly."

Habang nakatingin ako sa lalaki ay unang kutob ko ay h'wag siyang pagkatiwalaan. Nararamdaman ko na mapanganib siya, masama ang dulot niya sa akin at sa buong mundo. Malakas ang instinct ko, ibig sabihin ba nito ay isa talaga akong Power Ranger?

"Isaiah, pinapasundo ka raw ni South" hindi siguradong sabi ni Teacher K. Bumaling siya sa lalaki ng nagtataka. "Is this urgent? The class will gonna end soon--"

"Emergency ito, Teacher. Gusto ni Miss South na sunduin ko na si Isaiah dahil naaksidente ang mga kapatid niya" sabi ng lalaki na kumuha sa atensyon ko.

"H-ha?" Napatayo ako kaagad. Ang takot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pag-aalala. "Anong nangyari kina kaps?"

"Naaksidente sila kaya kailangan kitang dalhin kaagad sakanila" sagot ng lalaki.

"Wait, Mr. I'm not sure if this is--" Hindi ulit natapos sa pagsasalita si Teacher K nang sumabat ang lalaki.

"Emergency nga 'di ba? Alin doon ang hindi mo maintindihan Teacher?" asik ng lalaki bago bumaling sa akin ng may nakakatakot na mga mata. "Ano? Bibilisan mo ba o kakaladkarin pa kita?!"

Sa gulat ay napatalon ako. Ang mga kaklase ko ay napapunta na sa likod sa takot sa lalaki.

Tumikhim si Teacher K bago nagsalita. "Excuse me lang Mr. naiintindihan ko na emergency itong ipinunta mo pero maaring huminahon ka? Natatakot na sa'yo ang mga bata" mahinanon ngunit mariing sabi niya ngunit halatang walang balak makinig ang lalaki.

Marahas siyang pumasok sa loob dahilan kung bakit napasinghap ang lahat, napaatras naman si Teacher K. Sa gulat at takot namin ay sumiksik kami sa sulok ng room. Mas lalong lumakas ang ingay nang dinukot ng lalaki ang baril sa likod niya at tinutok kay Teacher K.

"Manahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo!"

Yumakap sa magkabilang binti ko si Selendrina at Kayla, sa tabi niya si Gyro na masama ang tingin sa lalaki habang ang ibang bata naman ay nasa pwetan ko nagtago. May naramdaman pa akong lapis na tumutusok sa itlog ko pero hindi ko nalang pinansin. Malakas ang pintig ng dibdib ko habang sumisiksik sa mga bata na sumisiksik din sa akin.

Tumili kami nang itutok naman ng lalaki ang baril sa amin. Umatras ako kasabay ng mga bata, ramdam ko ang panginginig nila sa takot at dahil ako ang pinakamalaki ay nagtago silang lahat sa likod ko.

"Ikaw sumama ka sa akin dahil kung hindi ay papatayin ko ito!" sigaw niya habang tinututukan muli si Teacher ng baril.

Umiling ako kasabay ng panginginig. Tumingin sa akin ng naiiyak ang guro, humihingi ng tulong kaya napayuko ako. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako.

"Isaiah" sabi ni Gyro kaya napatingin ako sakanya. Seryoso ang bata habang nakatingin sa akin. Nagulat ako ng ilagay niya sa bulsa ko ang spiderman eraser niya. "That's a tracking device. My brother East gave that to me in case of emergency like this" aniya dahilan kung bakit nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit niya binigay iyon sa akin.

Tinitigan ko siya, tipid siyang ngumiti bago tumango. Tumango rin ako at gamit ang seryosong mukha na matagal kong prinaktis, tumingin ako sa lalaki bago lumunok.

"Sasama lang ako sa'yo kapag nangako kang hindi mo sila sasaktan" sabi ko.

Nagtagis ang bagang niya nang tumingin siya sa mga classmates ko. "Oo na!"

"Pinky promise?" Hinarap ko ang hinliliit ko.

Huminga siya ng malalim bago binaba ang baril at lumapit sa akin. "Pinky promise."

Ikakabit na niya sana ang daliri sa akin nang mabilis kong hinablot ang braso niya at malakas na inikot iyon bago binali, napangiti ako ng marinig ang pag-crack ng buto niya. Ilang sandali lang ay napahiyaw na ito sa sakit.

"P**ANG*NA!"

Nabitawan niya ang baril kaya tinulak ko na ito at natumba siya sa mga lamesa namin. "Classmates attack!" sigaw ko.

"KYAAAAAA!"

Sinugod siya ng mga bata. Dalawa sa mga ito ay hinila-hila ang tenga ng lalaki, si Selendrina ay kumuha ng lapis at tinusok-tusok sa mga mata niya, si Kayla naman ay kumuha ng mga crumpled papers at sinuksok sa bunganga niya habang si Laurence ay inapakapakan ang totoot ng lalaki.

Nakita ko si Gyro na dinampot ang baril at expertong kinasa at tinutok sa bihag nila ngayon. Nanlaki ang mga mata ko.

"Get him tied up on the chair!" utos niya sa mga classmates ko na agad sinunod ang utos niya.

Napanganga ako ngunit agad ding naputol ang paghanga nang biglang tumili si Teacher K. Bumaling ako rito ngunit nakuha ng bagong dating na dalawang lalaki ang atensyon ko. Mga armado sila at mukha palang masama na silang tao.

"Shit!"

Tumingin ang mas maliit sakanilang dalawa sa akin at agad nagmura at tinutukan ako ng baril. "Ikaw!"

"Kyaaah!" Tili ko ng malakas ng lumapit siya sa akin at hinablot ako sa braso. Hindi na ako nakalaban ng itutok din sa akin ng kasama niya ang armas.

"Tangina dalhin mo na 'yan! Ako na ang bahala kay Pikolo!" aniya at tumingin sa kasama na naliligo na sa sariling ihi ni Laurence. Inihian niya ang mukha ng lalaki, ang mga girls naman ay nakapikit habang tumitili.

"Oops! Sorry akala ko C.R!" Humagikgik pa si Laurence ngunit agad ding namutla nang makita ang mga bagong dating.

"Waaah! Bitawan mo ako!" pagpumiglas ko nang hilain ako ng lalaki palabas.

"Let go of him!" sigaw ni Gyro, nakatutok ang baril na hawak niya sa lalaking nais lumapit sa kasamahang pinalilibutan ng mga classmates ko.

"Ibaba mo 'yan bata!"

Imbes na makinig ay pinaputok ni Gyro ang hawak sa kisame, nagsitilaan ang mga kaklase ko at nasindak naman ang mga bad guys.

"Let go of him or else I'll shoot you right straight to your head" pagbabanta niya. Sa murang edad ay nagagawa niya akong panginigin sa takot, meron siyang kakaibang otoridad sa kabila ng edad at liit niya.

"Oh my night in shining armor Gyro! You're so handsome!" tili ni Selendrina habang pinapaypayan ang sarili gamit ang isang kamay.

Maging ang ilang babaeng kaklase ko ay hindi maitago ang paghanga sa bubwit, nakaramdam tuloy ako ng kaoting selos ng maging si Kayla ay natulala.

Naiinis ako kapag ako lang ang cute sa klase pero mas nakakainis pala kapag may mas cute pa sa akin.

"Ako na ang bahala dito, dalhin mo na 'yan bago pa tayo malagot kay Madame" sabi ng isang lalaki.

Tumango ang may hawak sa akin bago ako hinila palabas ng classroom. "Bilisan mo!"

Kinagat ko ang ibabang labi at walang nagawa kundi ang sumunod. Tinawag pa ako ni Gyro at Teacher K pero wala na silang nagawa para tulungan ako. Tinulak ako ng lalaki dahilan kung bakit muntikan akong masubsob. Hindi ko maiwasang magtaka ng makita na walang ibang tao sa labas ng school namin, sa ganitong oras nakatambay na ang mga Yaya ng mga bata, ang mga bodyguards ko na hinire ni Daddy at mga bodyguards ni Gyro ay hindi ko rin makita. Nang makita ko ang sasakyan namin na nandoon pa rin ay nakahinga ako ng maluwag. Ligtas na ako.

Pero agad ding nawala ang pag-asa ko ng lumabas ang tatlong armadong lalaki mula sa sasakyan namin. Nanlaki ang mga mata ko, nanginig ang tuhod at nanlamig ng itutok nila sa akin ang baril.

"Nasaan si Kumang at Pikolo?" Tukoy nila sa dalawang kasamahan na naiwan sa classroom namin.

"Nagkaroon ng maliit na problema pero susunod na rin sila" sagot ng may hawak sa akin bago ako tinulak sa mga kasamahan niya.

"B-bakit kayo nasa sasakyan namin? Nasaan si Noah? Nasaan ang mga kapatid ko?" sunud-sunod na tanong ko, kinakabahan at nag-aalala.

Ngising nakakakilabot ang sinagot nila dahilan para dumagundong ang tibok ng puso ko, mas lalo akong nakaramdam ng takot. Hindi nila ako sinagot at tumingin sa likuran ko, napatingin din ako at nakita ang dalawang lalaki kanina na paika-ikang naglalakad papalapit habang hawak ng isa si Gyro.

"Let go of me you dumbass!" sigaw niya ngunit sa liit niya ay hindi siya makalaban.

"Gyro! Pakawalan niyo siya!" sigaw ko at akmang tatakbo papunta sakanya ngunit hinawakan ako sa balikat ng isang lalaki at sinuntok sa sikmura.

Napahiyaw ako sa sakit, panandalian akong naparalisa hanggang sa gumapang ang kirot sa lalamunan ko kaya napaubo ako. Nangingilid ang luha sa mga mata na tumingin ako kay Gyro na nagpupumiglas.

"Bakit dala niyo 'yan?"

"Hindi masindak kaya binitbit ko na. Patayin nalang natin o kaya itapon sa kalsada." Dinig kong sagot ni Kumang na nagpamutla sa akin.

"O siya, bilisan!"

Hinatak ako ng isa papasok sa loob ng sasakyan namin, hindi ko ininda ang sakit ng likod ko nang tumama ako sa pintuan dahil mas inaalala ko si Gyro na pilit nilang sinasakay kasama ko. Kahit sinabi na ni Genesis na h'wag akong iiyak at magpapakita ng kahinaan ay hindi ko mapigilan. Natatakot ako, nangangamba at nag-aalala. Sana nandito sina kaps.

"Hoy!"

Sigaw ang nagpatigil sa mga bad guys nang maipasok nila si Gyro sa sasakyan, agad ko siyang kinulong sa mga braso ko para protektahan habang hinarap naman ng mga lalaki ang nag-istorbo sakanila. Nasa sasakyan na rin ang dalawa sakanila,  isa sa driver seat at passenger habang ang apat ay nasa labas pa hawak ang mga baril.   Sinarado nila ang pintuan para walang makakita sa amin pero nakikita ko sila mula dito sa loob, ang lalaking nasa passenger seat ay tinutukan kami ni Gyro ng baril at sinenyasang manahimik. Hinigpitan ko ang yakap sa bata at tumingin sa labas ng bintana.

Ganoon nalang ang pagsinghap ko ng makita si Noah na naglalakad papalapit sa sasakyan namin, casual ang dating nito habang sinasalubong ang mga lalaki.

"Kaps, h'wag--"

"Manahimik!" mas tinutok ng lalaki ang baril sa akin. Mataba siya at malaki ang tiyan at ang mukha ay parang marami ng bagyong nilagpasan. Samantalang payat at mukhang mangga naman ang nasa driver. Pareho silang maitim at mabaho.

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos niya, malakas ang pintig ng dibdib ko habang pinapanood si Noah na nakikipag-usap sa mga lalaki, nakangiti pa siya na parang may nakilalang new friends. Ang mga lalaki naman ay palihim na tinago ang mga baril at nakipagusap din sakanya ng casual. Ilang sandali lang ay tinuro ni Noah ang sasakyan namin, nabuhayan ako ngunit agad ding nawala ang pag-asa ng makitang tumango-tango si kaps bago tinapik sa balikat ang lalaking naglabas sa akin sa classroom at kumaway sakanila bago tumalikod at naglakad palayo.

"Hindi! Kaps!" sigaw ko ngunit agad akong sinita ng matabang lalaki.

Napahagulgul nalang ako ng nawala na sa paningin ko si Noah, umalis na siya. Iniwan na ako. Wala ng magliligtas sa amin ni Gyro.

Bumalik na rin sa sasakyan ang apat na lalaki, pagpasok nila sa loob ay mas lalo lang bumigat ang dibdib ko.

"Ano 'yon?" tanong ng mataba sa mga kasama.

"Nagtanong lang ng direksyon."

Direksyon? Kabisado ni Noah ang mapa ni Dora kaya kahit kailan ay hindi pa siya naligaw.

"Bakit tinuro ang sasakyan?" usisa naman ng driver.

"Ah, sabi niya, nice car man!" sagot ni Kumang at ginaya pa ang tono ni Noah.

Malamang sasakyan namin ito!

"Tara na at baka may makahuli pa sa atin!" utos ni Pikolo. Nanunuot sa ilong ko ang panhi ng ihi ni Laurence sakanya, mabuti nalang hindi ito ang katabi ko.

Binuhay ng driver ang sasakyan ngunit hindi ito agad umandar, takang nagkatinginan sila at nang sinubukan niya muli ay gumana na ito.

"S-saan niyo ba kami dadalhin?" naglakas loob akong nagtanong.

Ngumisi si taba at tinignan ako sa rearview mirror. "Ihahatid namin kayo kay kamatayan" nakakakilabot na sagot niya.

Mas hinigpitan ko ang yakap kay Gyro na mukhang relax na relax lang. Humikab pa siya at inaantok na sinandal ang ulo sa dibdib ko.

"Just woke me up when we are there" aniya at tuluyan ng natulog.

"Gyro..." ngumuso ako. Bakit ba ganito ang batang ito? Nakidnap na nga kami nagawa pa niyang matulog.

Tahimik akong nagdadasal habang nagtatawanan naman ang mga kasama namin. Hindi ko maigawang iangat ang ulo ko dahil natatakot akong makita sila at natatakot din akong makita si kamatayan. Hindi pa ito ang time para magmeet kami, add ko nalang siya sa Facebook.

"Hahaha! Tangina big time talaga tayo kay boss!"

"Big time nga may tupak naman siya!" sabi ni Kumang.

Sa tantiya ko ay mahigit isang oras na kaming nasa byahe, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi naman na ako nagtangkang magtanong dahil tiyak na hindi ko rin magugustuhan ang isasagot nila. Tinignan ko ang mga kasama ko, tahimik na rin sila at ilan sa mga ito ay natutulog na isa na doon si Kumang. Tumingin ako sa labas ng bintana, hindi pamilyar sa akin ang lugar. Mga malalawak at walang hanggang taniman ng palay ang nasapaligid, ang kalsadang tinatahak namin ay tila walang hanggan, wala man lang akong makita na kasabayan naming sasakyan.  Hindi ko maiwasang mapahikbi ng mahina, napapagod na akong umiyak pero ito lang ang kaya kong gawin. Umiyak.

"Why are you crying?" Inangat ni Gyro ang tingin mula sa pagkakasubsob niya sa dibdib ko. Halata na galing siya sa pagtulog, namumungay ang mga mata at humihikab pa.

Suminghot ako bago sumagot. "K-kasi nasa malayo na tayo, hindi na nila tayo mahahanap. Natatakot ako.." pag-amin ko.

Tipid na ngumiti si Gyro bago tumingin sa labas ng bintana. "This is my fourth time to be kidnapped. And no matter how many times I was captured, I always end up sleeping in my own bed at night" sabi niya dahilan para mangunot ang noo ko.

"Ha?" Pinunasan ko ang pisngi ko.

"You were lucky that I was with you. No doubt you'll be dead if you were captured alone but when you are with a Mafia Heir, believe me, in two hours you will be at your home again, playing with your chicken" tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngiting nagpagaan sa loob ko. "Don't worry, the help is on the way. You will be shock 'cause their arrival were always be unexpected" dagdag niya.

Tumango ako at napangiti na rin bago ginulo ang buhok niya. Masaya ako na kasama ko siya, kahit masungit at minsan ay hindi ako pinapansin ni Gyro ay mabait pa rin siyang bata.

Bumalik muli sa pagtulog si Gyro na siyang hinayaan ko naman, nasa bisig ko pa rin siya at ayaw ko itong bitawan, mukhang ganoon din naman siya sa akin. Nasa walang hanggan na palayan pa rin kami nang biglang tumigil ang sasakyan namin. Inangat ko ng kaonti ang paningin at sumilip sa mga lalaking nagising at tinapunan ng magagaspang na salita ang driver dahil biglang paghinto nito.

"Gago ka ba? Hindi ka ba nag-iingat? Alam mong nagtutulog ang tao e!" binatukan ni Kumang si taba.

Tumingin ako sa driver namin at nagkakamot ng ulo niyang tinuro ang nasa harapan.

"Ano ba 'yan---sino 'yan?" tanong ni Kumang. Napaayos diya kaagad ng upo at tila naalarma.

Sinundan ko ang tingin nila sa harapan at nakita ang pamilyar na lalaki na nakasandal sa sasakyang nakaharang sa daanan. Napasinghap ako, ang mga mata ay nanlalaki habang nakatingin kay Peter. Tinuro niya ang sasakyan namin bago sumenyas na lumapit kami sakanya.

"Sino 'yan?" Nagsimula ng uminit ang ulo ng mga kasama ko, kanya-kanyang kuha sila ng baril at kinasa iyon bago tumingin sa akin.

Iniwas ko tingin sakanila at tumingin kay kaps na naghihintay sa labas.

"Ano? Patulan natin?" hamon ng isang lalaki sa likod namin.

"H'wag ngayon, kailangan nating makarating kay Akari kaagad. Umatras ka" utos ng lalaking kumaladkad sa akin kanina sa classroom.

May mga ginalaw at pinaikot ang driver ngunit hindi pa rin umaandar ang sasakyan namin.

"Bilisan mo ungas!" binatukan siya Pikolo.

"Ayaw umandar" sagot niya at sinubukan muli.

"Tangina naman e. Labas! Dito ka lang" tinuro ako ni Kumang. Galit na galit ito. "Subukan mong lumabas papatayin kita" banta niya kaya napayuko nalang ako.

Lumabas si Kumang at ang dalawa pang lalaki na kasama nila. Hawak ang baril ay lumapit sila kay Peter na nakasandal pa rin sa sasakyan na ngayon ko lang namukhaan. Car ni Genesis.

"H'wag niyong sasaktan ang kapatid ko!" sigaw ko kahit alam kong hindi nila ako naririnig.

"Manahimik ka!" sigaw ni Pikolo sa akin.

Hindi na ako sumagot at tahimik muli na nagdasal na wala sanang mangyaring masama kay kaps.

Katulad kay Noah, nakipag-usap din si Peter sakanila. Hindi ko alam ang mga sinasabi niya pero paminsan pinsan ay tinuturo niya ang sasakyang kinaroroonan ko. Casual din siya na parang friends niya lang ang kausap. Pinanood ko rin si Kumang na nagsalita, nakangiti siya pero nanlilisik ang mga mata habang mahigpit ang hawak sa baril. Hindi nila ito tinago katulad ng ginawa nila kay Noah, alam kong alam ni Peter kung ano ang hawak-hawak nila ngunit tila wala iyong problema sakanya.

Tinuro ni Peter ang sasakyan ni Genesis, sinilip naman iyon ng mga lalaki. Ilang sandali lang ay kumatok si Peter sa bintana ng sasakyan ni kaps at bumaba agad ang salamin nito. Pinanigkit ko ang mga mata para makita ang nasa loob, hindi ako nabigong makilala kung sino iyon ng makita ang nakangiting mukha ni Psalm na sumilip sa bintana.

"Bwisit bakit ba ang tagal?" reklamo ni Pikolo at hindi na nakatiis at bumaba na ng sasakyan. Lumapit siya sa mga kasamahan at nakiusyoso.

Mula sa bintana ng sasakyan ni Genesis ay may inabot si Psalm kay Peter na isang tray ng itlog. Malaki ang ngiti ni Peter na iniharap iyon sa mga lalaki ngunit tila mas lalo lang napikon si Pikolo base sa expression ng mukha niya, sa gulat ko ay bigla niyang tinapik ang tray ng itlog mula sa mga kamay ni kaps dahilan para tumilapon iyon sa sahig at nabasag. Natulala si Peter, ganoon din si Psalm at ang mga lalaki maliban kay Pikolo. Ilang sandali lang ay bigla ng umiyak si Peter.

Nakuha ng atensyon ng lahat ng bumisina ang driver namin na tila inip na inip na, lumingon ang mga lalaki sa sasakyan namin bago tumango sa isa't isa at naglakad na pabalik sa amin. Hindi pa man sila nakakahakbang ay pinigilan sila ni Peter ngunit sa inis ni Pikolo ay agad niyang sininghalan si Kaps.

Napayuko si Peter at nagkamot ng batok. Nang mag-angat siya ng tingin ay ganoon nalang ang pag-awang ng mga labi ko ng makita na nakangisi siya pero madilim ang mga mata, nagtatagis ang bagang nito at nakayukom ang dalawang kamao.

Tinulak siya sa balikat ni Pikolo ngunit hindi man lang napaatras si kaps, akmang hahawakan ulit siya ni Pikolo ngunit mabilis niyang hinuli ang kamay at pinilipit ito katulad ng ginawa ko kay Pikolo kanina. Hindi ko man dinig ay ramdam ko ang malakas na hiyaw niya sa sakit, napansin ko na ang binali ni kaps ay ang parehong braso na sinaktan ko kanina. Agad naalarma sina Kumang, lumapit siya sa dalawa at akmang sasaktan si kaps nang mabilis na lumabas si Psalm at sinalo ang suntok na dapat mapupunta kay Peter.

Nanlaki ang mga mata ko nang naglabas ng baril si Kumang at tinutok kay Psalm, kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagpakalawa niya sa bala, nakaiwas si Psalm at mabilis na nagtago sa kabilang gilid ng sasakyan ni Genesis. Hindi tumigil si Kumang sa pagpapaputok, sinundan pa niya si Psalm kaya mas lalo akong napasigaw kasabay ng pag-iyak.

Tinignan ko si Peter na walang kahirap hirap na pinatumba si Pikolo at ang isa pang lalaki. Ang isa naman ay nagtangkang itutok sakanya ang baril ngunit agad siyang natumba hindi pa man naiaangat ang armas. Si Kumang ay biglang natumba rin ng walang kahirap hirap dahilan para napanganga kaming nasa loob ng sasakyan sa gulat. Tumayo si Peter at tinadyakan sa dibdib si Pikolo na akmang pupulot ng baril. Si Psalm naman ay lumabas na sa pinagtataguan.

Ramdam ko ang tensyon na bumalot sa dalawang lalaki na kasama namin sa sasakyan. Ang driver ay sinusubukang paandarin ang sasakyan at si taba naman ay hindi mapakali habang sinasabunutan ang sarili.

"Tangina! Bilisan mo! Umalis na tayo!" sigaw niya sa driver.

"Ayaw umandar!"

Habang nagtatalo ang dalawa ay biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan sa gilid ko. Napatili ako dahilan para kumislot si Gyro sa kandungan ko. Nagulat din ang dalawang lalaki at tinutukan agad ng baril ang nagbukas.

"G-gen--waaaah!"

Pinaputukan siya ni taba ngunit mabilis nakaiwas si Genesis. Habang abala siya sa pagsilip kung saan nagtago si kaps ay marahas namang bumukas ang pintuan sa tabi niya at ganoon nalang ang pagtili ko ulit ng may humablot sakanya mula sa labas. Dahil nakabukas na ang mga pintuan ay dinig na dinig ko ang malakas na hiyaw niya sa sakit at ang pagbali ng mga buto at pagtama ng kamao sa katawan niya.

Pinunasan ko ang mga luha at sinilip ang labas para lamang makita si Noah na walang awang bumubugbog sakanya. Muli akong nakarinig ng pagbukas ng pintuan at pagtingin ko sa driver ay nakatutok na sakanya ang baril ni Genesis. Lumunok si payat at tila hirap na hirap na itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

"Kaps..." Lumabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Napalitan ang matinding takot ko kanina ng kasiyahan. Walang duda na ligtas na nga ako.

"Don't kill him yet. I will be needing him."

Mulas sa gilid ni Genesis ay sumulpot si South hawak ang isang baril sa isang kamay. Nakakunot ang noo niya katulad ng expression niya sa t'wing galit ito pero dahil sa saya na nararamdaman ko ay hindi ako nakaramdam ng takot sakanya gaya ng dati.

Suminghot ako dahilan para mapatingin sila sa akin. Ang nakakunot na noo ni South ay biglang lumamlam nang makita ako ngunit agad ding bumalik ang pagkakunot nito ng makita si Gyro. Saglit lang iyon dahil lumapit na sa amin si Peter at Psalm.

"Isaiah? Nasaktan ka ba?" Nag-aalala akong tinulungang makalabas ni Peter.

"Are we home?" Inangat ni Gyro ang paningin, agad kumunot ang maliit niyang noo nang makita sina kaps.

"Come here kiddo" sabi ni South dahilan para magliwanag ang mukha niya.

"South!" Kaagad siyang bumaba at yumakap kay South na pasimpleng tinago ang baril sa likod bago niyakap din ito.

"Waaah! Isaiah!" Nawala ang tingin ko sakanila nang mahigpit akong niyakap ni Psalm.

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko na niyakap din siya. "Huhuhu! Psalm!"

Yumakap din sa amin si Peter, namamasa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. "Okay ka lang? Sinaktan ka ba nila?" tanong niya.

Tumango ako bago tinuro ang lalaking sumuntok sa sikmura ko kanina. "Sinuntok niya ako pero patay na siya kaya wala ka ng magagawa."

"I'm so sorry kaps!" Niyakap niya ako ng mas mahigpit.

Wala akong ibang maramdaman kundi kaligayahan. Ramdam na ramdam ko na ligtas na ako. Sa piling nila, okay ako, walang panganib at tiyak ang kaligtasan ko. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung hindi sila dumating, baka nameet ko na ngayon si kamatayan kung hindi dahil sakanila.

"Noah, that's enough."

Bumitaw kami sa isa't isa at lumingon kay Noah na patuloy pa rin sa pagsuntok at pagsipa kay taba na wala ng malay. Punong puno na ng dugo ang mukha niya ngunit halatang walang pakialam si Noah. Galit na galit siya, labas ang ugat sa leeg at mga braso niya, ang mga mata ay nanlilisik at nagtatagis ang bagang.

Napalunok ako ng wala sa oras, si Genesis ang kinakatakutan ko sa mga kapatid ko pero mukhang mas nakakatakot si Noah sa oras na ito. Minsan ko lang siya makitang magalit kapag nadudumihan ang mina-mop niyang sahig pero mabilis lang iyon mawala. Nagagalit din siya kapag inaaway ako ni Psalm pero mabilis lang siya magpatawad. Nagagalit din ito kapag binabawasan ni Peter ang pagkain ko pero papagalitan niya lang si Peter at i-sha-share sa akin ang pagkain niya. Si Noah na mahaba ang pasensya na ngayon ay tila punong puno na.

"That's enough! Not because I allow you do some dirty work you're gonna kill him" sabi ni Genesis.

Tumigil si Noah at hingal na hingal na bumaling sa amin, nahinto ang tingin niya sa akin at agad lumamlam ang mga mata niya. Binitawan niya si taba na nag bounce pa sa sahig, lumapit siya sa akin at hinila para mayakap.

"Noah.."

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito, tensyonado ang katawan niya at nang gumanti ako sa yakap ay agad itong huminahon at naging normal na rin.

"Okay ka lang?" tanong niya kahit ako ang mas kailangang magtanong iyon sakanya.

Tumango pa rin ako kahit naiiyak na naman. "Oo kaps, ang astig mong tignan kanina" suminghot ako.

"Nag-alala ako ng sobra. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ka sa amin.."

Tutulo na sana ang mga luha ko dahil sa sinabi niya pero mabilis sumingit si South.

"O siya tama na ang drama, umalis na tayo!"

"How about this guy?" turo ni Genesis kay payat.

Biglang nagdilim ang paningin ni South, pinasa niya si Gyro kay Psalm na agad itong kinarga at nilayo sa lalaki. Humalukipkip siya at tila malalim na nag-isip habang matamang nakatitig pa rin kay payat na halatang nanginginig na sa takot.

"Keep him alive" aniya.

"What? I'm itching to kill him!" protesta ni Genesis habang masama ang tingin sa lalaki.

"There's a time for that, bebe ko. Just keep him alive for a while."

"And why is that?"

"I'll be needing him for tonight."

"Tonight?" nagsalubong ang kilay ni Genesis.

"Yeah, tonight. I'm going in a war" sagot ni South, seryoso ito at walang makakatibag sa determinasyon na nasa mukha.

"You're definitely not going alone! I'm coming with you" mariing saad ni kaps.

Nagtitigan silang dalawa, parehong nanghahamon at naninindak at walang nagpaawat. Palipat-lipat ang tingin namin sakanila hanggang si South din ang unang umiwas ng tingin.

"Fine!" humalukipkip siya.

Malaki ang ngisi ni Genesis, halatang masaya. Hinila niya si South sa bewang at walang pasabing hinalikan ito sa labi. Sa harap namin.

Tinakpan ni Noah ang mga mata ko kaya nagbiglang naman ako ako ng one to ten.
Nang tinanggal ni kaps ang kamay sa mga mata ko ay saka lang ako nakatingin sakanila.

Kumikislap ang mga mata ni Genesis na bumaling sa amin, halata na excited siya. "Guess we should go first" aniya bago muling tumingin kay South na namumula. May binulong siya rito na mas lalong kinamula niya.

"I am with my bike. Go with your brothers and take Gyro with you, I'll meet you at home" sabi ni South, tumingin siya sa amin at sa kapatid niya.

"Paano ang sasakyan namin?" tanong ni Peter habang nakatingin sa sasakyan namin na ninakaw pa ng mga kidnappers ko.

"Leave it here, I'll send someone to pick it up" sabi ni Genesis. "The machine is a bit impared so no one can use it so for now we'll use my car" dagdag niya bago bumaling sa sasakyan niya ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay napansin namin na namutla ito at natulala.

"Bakit kaps?" tanong ko.

Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang sasakyan niyang basag ang mga salamin at butas-butas dahil sa tama ng bala.

"Fuck, Mom will kill me" tila matutumbang aniya bago humarap kay Psalm at Peter na agad napa-straight ang tayo. "Didn't I told you two to keep my car unharm? Why the hell did you let it happen?!"

Napapitlag ang lahat sa sigaw nito. Maging si South ay napaatras at umiwas ng tingin.

Namutla at nataranta si Psalm at Peter, humingi sila ng tulong kay South gamit ang tingin pero umiwas ito at kunwaring kinakausap si Gyro, sunod ay kay Noah sila tumingin na sumipol at umiwas din ng tingin. Nang sa akin sila tumingin ay yumuko, ibig sabihin, magtawag na sila ng Santo dahil hindi matatahimik si Genesis.

"He he, kaps ganito kasi 'yon--"

"I fucking trust you with my car! Mom will kill me and you know what does it mean?! I'll bring you two with me in the grave!"

Okay, balik ulit kay Genesis ang takot ko.

          
                                        _
                    
SOUTHERN'S

       
"She's not in her office. I had called anyone I know and no one knew where she is!"

Walking with light footsteps in our house corridor, I unintentionally heard my Mother's voice through a slightly open door of their bedroom. It wasn't my intention to eavesdrop but curiousity got in me making me slightly lean on their door to hear more.

"Calm down, honey. My men are already looking for her." Dad's comforting voice seems doing its best to calm my mother.

I heard light shuffles inside then Mom's voice again. This time it was full of concern, panic and guilt. "Where possibly she can be?  Northern won't leave unnoticed, she always make sure we knew where she is or at least her plans. Not like this Gideon--she's gone for four days!"

I froze then process my Mom's words. North is gone? How is that possible?

I tried to recall our last meeting, it was in the family dinner, since then I haven't seen or talked to her. I kind of suspected her absence but North is a very busy woman so I never put too much attention to it, I always knew she's on her office or with..

Balling my fist angrily, a realization hit me. I stormed out the house even if I just got home, I saw Nanang tried to speak but I walk past her leaving her with mouth open.

Mabilis kong pinaharurot si Sakuragi nang hindi na nagsusuot ng helmet. Dad and Genesis will kill me when they found out but I pay no mind to them. Gripping the controller tightly, I listed all the things that I will do to Vape to make him suffer. He had done too much, I warned him yet he still didn't listen.

Tonight, I'm going to make sure he'll die.

A high-pitched sharp sound resonated in the area as I made an abrupt stop in the pavement. Thick smoke from my exhaust pipe hit my nostrils sending wave of irritation in me, glaring at the building that stood in front of me I took large and heavy stride towards the door. My fist were in ball, my nostrils flaring, eyes piercing as I make way to Vape's unit.

Marahas kong sinipa ang pintuan niya ng makita ko ito. His metal door beeped, obviously alarming the occupant. Sinipa ko ito muli dahilan para umaalingawngaw ang malakas na kalabog ngunit hindi ako huminto, I keep on kicking his door until it swung open revealing the annoyed Vape fucking Miyashiro.

His eyes went wide upon seeing me, curiosity and shocked written on his face. Ilang sandali lang ay lumamlam na ang expression nito at casual akong hinarap sa kabila ng galit kong mukha.

"What are you do--"

Before he could finish his sentence I immediately sway my right foot and kick him on the chest sending him further inside of his house. Sumunod ako sa loob para ipagpatuloy ang nasimulan, feeling the blood in my head a seething rage darkened my eyes I stomped on his stomach making him wince loudly and curled on the floor

"Gago ka! Binalaan na kita!" I screamed angrily as I keep on stomping on his stomach. I straddled him and punch him multiple times on the face then when I think it's enough for the face I stood up again and return on stomping his stomach.

He couldn't fight back, heck he couldn't even look at me in the eyes. Flinching and groaning in pain he left no choice but to accept my anger towards him.

"Hayop ka!"

Stomp.

"Saan mo dinala si North?!"

Stomp.

"Papatayin kita kapag sinaktan mo siya!"

Stomp.

"Ilabas mo ang kapatid ko!"

I noticed him froze then looked at me through his lame and curious eyes but I am too mad to entertain it. So I stomp on him again. Again. Again. Until my foot gave up on me.

Vape on the other hand spurted some blood, despite his condition he still managed to get up with his hand on his stomach and looked at me. The curiosity and concern are still on his eyes, his mouth were parted. Umatras ako at sumandal sa pader, ang dalawang kamay ay nasa mga tuhod habang naghahabol ng hininga. Masama ang tingin ko kay Vape na parang hindi man lang big deal ang ginawa ko.

"South, listen--fuck!"

He tried to stepped closer to me but I immediately raised my fist and hit him on the jaw sending him to the floor again. He groaned in pain and look at me annoyingly.

Tinignan ko lang siya ng masama. I watch him stood up again, clenching his jaw he tried to get into me again.

"Look, Benedicto--"

My fist fly to the other side of his jaw. For the third time, he stood up limply and walk towards me.

Inangat ko ang kamao ko.

"Goddamit, Milagro! Will you fucking listen to me first?!" he screamed making me flinched

He's raging mad, I could tell by the sharpness of his eyes, flaring nose, clenching jaw and reddened forehead. His breathing were rugged, clenched fist and bulging veins of his arms. He looked utterly dangerous and mad.

Umiwas ako ng tingin ng uminit ang mukha ko. After what happened in Japan I no longer had the chance to see him this state. Naiinis ako sa sarili kapag nagagalit ko siya noon kaya naman gumagawa ako kaagad ng paraan para suyuin siya. Vape's wrath gave me nightmares. Ridiculous nightmares, so I never attempt to make him mad but even if I break my unspoken rule I always find myself testing his temper. I am the brat and he tamed me, so do I to him when he's acting like an asshole.

Seeing him this mad right now makes me feel like the old times. My normal reaction would be scared and immediately think of how to tame him but this time I feel... happy. Ridiculous but a wave of nostalgia swept over me.

"Look, I don't know what the fuck are you talking about but North is not here. Heck I haven't seen her for a weeks!" he yelled angrily. He ran his fingers through his hair trying to tame them but they stubbornly fell on his forehead covering his left eye. He huffed in frustration and looked at me.

Napalunok ako ng wala sa oras. Okay, let's make a short rewind before I got into this situation. I was mad and thought Vape hide my sister, I barge on his house, beat the hell out of him and now he's mad at me. He's mad at me. Isn't a little confusing?

I screeched when he placed his right hand on the wall behind me while his other hand on his stomach obviously enduring the pain I caused him. I was trapped to be exact. Towering above me, he looked at me like I was his served meat on the table. Napalunok ako. Lahat ng tapang na meron ako ay bigla nalang nawala, iniwanan akong mukhang lampa sa harapan niya.

"Speak Milagro, why the fuck are you looking North in my place when I was the one wondering where is she? I missed her calls days ago, I forgot to bring my phone when I went to Davao to check some business and when I come back, I can no longer reached her. So where is she?" he asked, voice calculating yet dangerous.

Swallowing hard, I averted my gaze when I realized I made a mistake by barging here without proofs but can you blame me? He's screwing my sister who I think developed an obsession with him.

"E-ewan ko.." my own words choke me.

Sure I don't feel the same thing I felt for Genesis towards him but he still manage to make me stumble on my own words like I was a freaking guilty criminal caught in the act.

"Ewan mo? Then what are you doing here?" he inquired, eyeing me carefully.

"E-ewan ko.."

Huminga siya ng malalim, mula sa gilid ng mata ay nakita ko itong tumango na tila may napagtanto.

"Okay, I get it. You accused me of hiding her, don't you?"

"Didn't you?" I snapped back at him. Sinalubong ko ang tingin niya at hindi nagpaapekto. "Ikaw lang naman ang kilala kong pwedeng nakakaalam kung nasaan siya! You're using her to get in to me, doesn't it? Binalaan na kita pero hindi ka pa rin nakinig! Now my sister is missing and you want me to believe you don't know where she is when you are the one screwing her?!" I point my finger into his chest, angrily.

Nabigla siya ngunit hindi pa rin tinanggal ang kamay sa gilid ko. Looking at his eyes, I saw that he levelled my anger.

"Choose your word, Benedicto!" he warned. "And yes, I used her to get you, I admit that it was my plan but believe me this is no longer connected to you! I love your sister--"

I groaned annoyingly. "Oh come on, Vape! Do you expect me to believe that when you're looking at me right now like you wanted to savour every inch of me?"

His whole face instantly flushed, averting his gaze he swallowed hardly. "Shut the fuck up! I don't want to savour you, you're disgusting!" he snarled.

I feign like I was offended. "Excuse me? Me disgusting? You were in love with me!" I yelled.

"I was in love with you! Aren't you the one who haven't move on yet? I told you, my feelings toward you were already gone. Why can't you accept that I was no longer into you?"

Hindi ako makapaniwalang napanganga. He's really an asshole. Confirmed and proven.

"Why are you blushing then?" I asked eyeing him tauntingly.

Umiwas lalo siya ng tingin. Ang kamay niya sa gilid ko ay unti-unti niyang tinanggal at humakbang ng isang beses paatras. He shook his head and took a deep breath.

"I..this.. I just feel awkward, you know. Seeing you in my front door, flushing in anger, us yelling to each other feel nostalgic" he finally looked at me in the eyes. Shoulders relaxed with a small smile on his lips. So he felt the same way too. "I just realized how much I missed my best friend."

Ako naman ang umiwas ng tingin. His gaze were scorching with longing and guilt that I am too afraid to see. I cleared my throat and stared at my white shoes covered with dirt.

"It's your fault. It was you who ruined our friendship" I blame him, voice calm. I fidget when I noticed him stepped closer to me again, leaving a safe space between us. Humupa na ang galit ko tungkol sa pagkawala ni North, ngayon ay iritasyon ang nararamdaman ko ngunit nanatili akong kalmado.

"I know and I am sorry for that. I admit I was a total asshole but I didn't regret anything though. If I didn't confessed I would probably still blindly in love with you. If I didn't do that I wouldn't probably realized what I am missing. You know, sometimes losing someone opens a new door for you. I am glad I got to know your sister better, all I knew she was a cunning and annoying brat but I discovered more.."

Tumingin ako sakanya, he was serious. Kung meron mang nakakakilala kay Vape, ako iyon. I knew him too well that I am afraid he was telling the truth.

"Like North is a bitch?"

He chuckled then back to his serious face again.

"So you're really into her, huh? Ano bang nakita mo kay North? Napakaingay niya, maarte, spoiled, bruha?"

He smiled at my rude remarks and God I saw how his eyes twinkle when I mention my sister's name. He scratched his nape like he was shy and I almost fainted seeing him like this. Vape plus shy is a no no no!

"She's the sweetest woman I've ever met. She's just like my Mom."

"Wow, ano kaya ang mararamdaman ni North na Nanay ang tingin mo sakanya?" I arc my brow.

He scowled yet he let me pass. He smiled and I almost puke when I saw his dreamy eyes.

"She's sweet, the most caring person I've met and very beautiful. You're quite right about the mother thing though, a mother to my children."

I stared at him with wide eyes but he just smile at me. Nagtaka ako ng may kinuha siya sa bulsa na kulay velvet box, binuksan niya iyon at halos mahulog ang eyeballs ko nang makita ang kumikinang na diamond ring.

"Oh my God. You're crazy.." I muttered, still in daze.

He scratched his neck as his cheeks reddened.

"Well, I was kind of busy these past few weeks. I admit that I kinda ignoring your sister for I'm afraid she might discover my plan. Gusto ko siyang surpresahin, ayokong isipin niyang ginagamit ko lang siya para makalimutan ka. Alam ko na iyon ang iniisip niya, I'm not stupid. I know how long she spend herself crying because of me and I hate it, so I want to reassure her, make her feel loved and treasured.."

A warmth embraced my system making me almost cried. I am so pleased of what I heard because I know Vape wasn't lying. Masaya ako na may nakakita ng worth ni North, ayoko mang aminin pero deserve niyang maging masaya. Deserve niyang maramdaman ang pinaparamdam niyang pagmamahal sa amin kaya kahit mapait mang isipin na magiging bayaw ko si Vape, napangiti ako at tumango.

"You have my blessing" sabi ko.

Sumimangot siya at binalik ang kahon sa bulsa. "I am not asking for your blessing but I want you to help me find my bride" he said and offer his hand for a shake. Takang tinignan ko siya. "Let's start again, Milagro. As friends."

I tsked and smile anyway. I feel like a heavy machine lifted from my chest. I didn't know that Vape can bring peace in my mind. I shook his hand and grip it firmly.

"Friends--Vape!" I screeched when he suddenly pulled me into a hug.

"Shut up and let me hug my Milagro" he said and I obeyed like a child.

My shoulders relaxed so I hugged him back. I missed him. I missed him so much.

"Aren't we gonna find your bride?" I asked after a while.

He loosened his grip and smirked at me.

"Sure. Let's go hipag."

I winced at the last word. "Don't you ever call me that. It's disgusting!"

"Okay. Hipag."

"Vape!"

"Yes, hipag?"

Mas gusto kong friendship over nalang ulit kami.
              
         
***
                   
       
                          
#SuperLateUpdateAgain

I am not yet ready to give Vape to North but the woman deserve to be happy, agree? Text YES to 6969 and NO to 6969 😂😂😂

And I hate to say this but we're close to the ending of Volume 2. 😢

-Naya

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

65.8K 1.4K 8
Sasha Grucio is Gangster not just an ordinary Gangster because she's the Queen of all Gangsters. Isa siyang rebelde sa Angkan ng Grucio Family, ang a...
4.7M 169K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
184K 5.5K 54
[RedDragon Series #4] "Just learn to rest not to give up" Chloe Jane Scott Damon Bruce Cortton
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...