Unfinished 2

Od vonjopastor

91.9K 3.4K 611

"Not every story is meant to be closed." Kasabay ng misteryong nilulutas ng grupo nila Vonjo ay may isa pang... Více

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Authors Note 2
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Authors Note 3

Chapter 32

1.6K 70 5
Od vonjopastor

                                                            Chapter 32

                                                                 Tom

            Mas matindi ang naramdaman naming kilabot ng makarating kami sa sementeryo. Kilabot na para bang may nagmamasid sa amin na hindi namin nakikita.

            “Ang laki ng sementeryo, paano natin mahahanap ang Blood Lock?”

            “Mas mabuti siguro kung maghiwa-hiwalay tayo……. Luther & Tom kayo ang bahala sa North Part…….. Trevor & Ma’am Bernadette kayo sa South Part………. Perez and Alex kayo naman sa East Part at kami ni Kim ang bahala sa West Part.” Instruction ni Officer Alejandre.

        “Copy that Partner! After an hour magkita-kita tayo dito….. Or kung may natagpuan kayo, i-contact nyo lang ang bawat isa………Let’s Move!” Paalala ni Perez

        Sa kalagitnaan ng paghahanap namin ni Luther sa North Part ng sementeryo, biglang lumitaw ang isang lalake sa aming dadaanan.

        “(Tinanggal ang Hood) Magaling, nandito kayo……. Mahusay ang paggamit nyo sa libro.” Sabi ni Mr. Loomis.

        “Mr.Loomis, totoo nga ang sinasabi ni Luther na ikaw ang nasa likod ng mga kababalaghan na ito.”

        “Nagkakamali ka Tom, parte lang ako ng kababalaghan na sinasabi mo…..” Tugon niya.

        “Anong kailangan mo sa amin?” Seryosong tanong ni Luther.

        “Gusto ko lang sabihin sa inyong dalawa, na wala sa parteng ito ang hinahanap niyo. At malamang sa oras na ito ay nakita na iyon ng iba nyong kasama!” Sagot ni Mr. Loomis.

        “Bakit naman kami maniniwala sayo? Kalaban ka namin!” Tanong ni Luther.

        “Oo! Magkalaban nga tayo! Pero kailangan nyo ako upang malutas ang misteryo ng susi….. Inihahanda ko, ang inyong dadaanan! (Evil laugh)”.

        Anong ibig sabihin ng matandang ito? Ginugulo nya lang kaya ang mga isip namin? Sa tono ng pananalita nya ay para na niyang sinasabi na nakikipagtulungan siya sa amin.

        “Tara na Tom, ginugulo nya lang ang isip natin….” Pagkasabi ay tumalikod na si Luther.

        “Teka lang Luther! Huwag ka munang umalis………. Gusto ko lang makita ulit ang iyong abilidad………”  Nakangising banggit ni Mr. Loomis.

        “A---anong ibig niyang sabihin Luther?” Naguguluhang tanong ko.

        Sa muling pagharap ni Luther kay Mr. Loomis, agad siyang sinugod ng matanda. Tinangay siya nito na parang maliit lang na hayop. Nagulat ako sa nangyari, basta nalang nawala si Luther sa harap ko at tanging mabilis na pagdaan lang ng hangin ang aking naramdaman.

        Nakita ko si Luther na nakahiga habang sinasakal siya ni Mr. Loomis.

        “Shit!!!”

        Hindi ako makapaniwala dahil sa isang iglap ay ang layo na kaagad nila sa akin. Nanlilisik ang mga mata ni Mr. Loomis at bakas sa kanya ang pagnanais na wakasan ang buhay ni Luther.

        Tumakbo ako palapit sa kanila para tulungan si Luther pero napatigil ako ng biglang tumingin sa akin ang nakakatakot na itsura ni Mr. Loomis na para bang nasasaniban ng demonyo.

        “(Nakakakilabot na ngiti) Luther, gusto kong makita kung nag-improve ka na ba?” Sambit niya habang nakatitig sa akin.

        “(Sa isip) Anong sinasabi niya? Si Luther ang binabanggit nya pero bakit sa akin siya nakatingin?”

        Laking takot ko ng bigla na itong naglabas ng kutsilyo.

        “SHIT!!!!”

        “TOM!!!! TAKBOOOO!!!” Sigaw ni Luther.

        Pero bago pa man ako makagalaw sa pwesto ko ay mabilis na nitong ibinato papunta sa akin ang hawak niyang kutsilyo………….. At tatama ito, sa aking ulo.

        Wala na akong ibang nagawa kundi pumikit at abangan ang susunod na mangyayari….

        Pakiramdam ko ay tumahimik sa buong paligid, nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko maramdaman ang sakit na dulot ng pagtama ng kutsilyo. Ito ba ang pakiramdam ng biglang namatay? Patay na ba ako?

        Idinilat ko ang aking mga mata…… Nasa harap ng mukha ko ang talim ng kutsilyo. Isang ikot nalang nito ay siguradong babaon na ito sa mukha ko. Napakatindi ng kaba na nararamdaman ko, pero paanong nangyari ito?

        “(Heavy Breathing) Ba……bakit na……nakalutang lang ang kutsilyo?” Hindi ko maintindihan ang nagyayari.

        Tumingin ako kay Mr. Loomis, nakangiti lang ito habang pinagmamasdang maigi ang muntikan ko ng pagkamatay. Samantalang si Luther ay nakataas ang kanang kamay, para bang pinipigilan niya ang kutsilyo sa pagtama sa akin…………….. HINDE! Sa tingin ko, siya talaga ang may gawa kung bakit tumigil ang kutsilyo at kung bakit buhay pa ako.

        “(Hindi makapaniwala) I---ikaw ang nagpatigil nito?” Muli akong tumingin sa nakalutang na kutsilyo at tuluyan na itong bumagsak at bumaon sa lupa.

        “(Laughing) Magaling Luther! Mas pinahanga mo ako sa ginawa mo ngayon.”  Pagkasabi ay bigla ng tumakbo palayo si Mr. Loomis.

        Lumapit kaagad ako kay Luther para alalayan siyang tumayo. “May Telekenesis ka? Shit! Linigtas mo ako gamit ang ability na iyan….”

        “Hindi ko alam Tom, basta bigla ko nalang nagagawa kapag kailangan na kailangan ko.” Tugon niya.

        “LUTHER!!! TOM!!! Ayos lang ba kayo?” Sigaw ni Kim habang tumatakbo papalapit.

        “Anong nangyari dito? Narinig kasi naming sumigaw ka Luther!” Dugtong ni Officer Alejandre.

        “Nandito si Mr. Loomis, nakaharap namin siya! At sabi niya, kailangan daw natin siya para sa pagkumpleto sa misteryo ng susi……. Ihahanda daw niya ang dadaanan natin.” Sagot ni Luther.

        “At kung nandito siya, posibleng……… Nasa panganib din ang iba nating kasamahan.” Reaksyon ni Kim.

        “AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH” Biglang umalingawngaw sa buong sementeryo ang sigaw ng isang babae.

        “Ang boses na iyon…………………”

        “SI ALEX!!!”

        Nagmadali kaming tumakbo papunta sa kinaroroonan nila Alex. At nang makita namin sila ay yakap-yakap na ni Ma’am Bernadette si Alex , habang si Trevor at Officer Perez ay nakatingin sa isang rebulto…… Hindi lang basta rebulto, dahil nakasabit dito ang bangkay ng isang lalake na giniitan ng leeg.

        Biglang tumalikod si Kim at nagsimula na siyang maduwal…

        “Panibagong kaso nanaman Partner! Mukhang kulto talaga ang makakagawa ng ganitong karumaldumal na pagpatay.” Sabi ni Perez.

        “Teka! Ito na iyon! Ang sagot sa ikalawang Riddle!” Sabi ko sa kanila.

        Tumingin silang lahat sa akin kaya sinimulan ko na ang pagpapaliwanag.

        “Sa mundo ng mga patay ay may panibagong mahihimlay….. Sementeryo ang mundo ng patay at ang lalakeng iyan ang tinutukoy na panibagong mahihimlay…”

         “Dugo’y unti-unting gagapang, upang mapunan nito ang pangangailangan….. Tignan nyong maiigi tumutulo ang dugo ng lalakeng ito pababa sa lupa. Katulad ito ng nangyari kay Mr. Rodriguez, at ibig sabihin ay siya din ang naging sakripisyo”

        “At ang siyang liwanag ang may dala ng pahamak……… Ang rebultong pinagsabitan sa kanya ay rebulto ng isang anghel……. Alagad ng liwanag!”

        Agad na lumapit si Alejandre sa rebulto na pinagsabitan sa bangkay ng biktima.  Pinagmasdan niya itong maigi.

        “Mukhang tama ka Tom! May Blood Lock sa bandang paanan nito.” Sabi ni Alejandre.

        Lumapit na din si Luther at inilusot na niya ang susi sa Blood lock.

 ******Click*******

            “(Hinugot ang susi) Two down, Three to go!” Sabi ni Luther.

            Napunan na ang kasunod na layer ng susi. Tatlo nalang ang kailangan naming hanapin at masasagot na ang kababalaghan na nakatago sa ilalim ng Underground Basement.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

46.8K 1.8K 34
Sampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lug...
1.3K 130 38
Pinagsama-samang mga dagli tungkol sa kaligayahan, lungkot, pag-ibig, tunay na buhay, takot, at ano mang kayang abutin ng aking imahinasyon.
572K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
2.7K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...