Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

96M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 23

1.2M 36.7K 29.4K
By jonaxx

Kabanata 23

Annoying Questions

Nakatunganga ako doon habang pinoproseso ang lahat. Rozen told me that Coreen's inlove with him. But if she is bakit papayag siyang matulog kasama si Noah sa isang kwarto. Bumagsak ang bangs ko nang yumuko ako at sumandal sa dingding ng corridor.

Pumikit ako at umiling na lang sa aking reaksyon. Kailangan kong kumalma. Maraming pumapasok sa aking utak at tingin ko ay wala na talaga akong magagawa.

Nang biglang bumukas ang pintuan ilang sandali ang nakalipas ay napatalon ako. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong lumabas si Noah. I was expecting Coreen to show up too but she didn't. Umigting ang bagang niya at sinarado ang pintuan. Kumalabog ang puso ko. Dapat ay kanina pa ako umalis pagkatapos ko silang sundan! But it's too late to go now...

Umawang ang bibig ko para sana unahan siyang magsalita pero naunahan niya ako.

"What are you doing here?" aniya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko roon. Kahit anong alibi ang sabihin ko ay magmumukha lang akong tanga kaya minabuti kong tumahimik na lang.

"You're stalking me again?" umirap siya at nilagay ang kamay sa bulsa.

"I need to go," mabilis kong sinabi at nag iwas ng tingin para makawala sa kanyang mga tanong.

Mabilis akong nagtungo sa hagdanan at patakbong bumaba roon nang hindi siya nililingon. Dirediretso ang baba ko at pumanhik na rin sa CR, kung saan naman talaga ang tungo ko kanina bago ako nilihis ng sarili kong mga paa.

Nagtagal ako doon sa CR. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko kaya kinalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Kabado ako nang nakalabas, luminga linga sa sulok ng hotel at natatakot na baka naroon si Noah. Suminghap ako nang wala at dumiretso palabas ng hotel para bumalik sa iniwan kong sina Everlyse, Carlos, at ang banda.

Malayo pa lang ako ay napansin ko nang may nadagdag roon. Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam kung dapat ba akong tumuloy o bumalik na sa kwarto ko. Noah's there. He's sitting beside Warren. At kapag uupo ulit ako ay magkakaharap kaming dalawa.

"Megan!" Tawag ni Everlyse at pinanlakihan pa ako ng mata, nababasa yata ang nasa utak kong pag balik na lang sa hotel.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad patungo roon at umupo na lang ng di pinapasadahan ng tingin kung sino ang nasa harap ko. Pansin ko ang paninitig ni Noah sa akin kahit na hindi naman ako nakatingin.

"Ang tagal mo namang nag CR," puna ni Everlyse.

"Sumama ang pakiramdam ko, e," sabi ko at hindi ko na naiwasan ang paglipat ng tingin kay Noah na pinaglalaruan ang kanyang daliri habang titig na titig sa akin.

God damn it! My heart is beating so fast because of those eyes! Mabilis ulit akong bumaling sa ibang tao para lang mapakalma ang puso ko.

"So... uhm..." Nakita ko ang paninitig ni Joey sa akin at pabalik kay Noah. I know he's feeling the tensyon.

"Sayang at bukas na agad ang alis namin. We have gigs, you know." Basag ni Warren sa katahimikan at tensyon.

Tumango ako at sumulyap kay Everlyse.

"Saan ba, Warren? Aalis na rin naman kami bukas. Mauuna lang siguro kayo." Sabi ni Everlyse na halatang nilalamig na dahil sa pagkapit pa kay Carlos.

"Wala naman bukas pero mag papractice kami para sa Friday. Iba iba kasing cafe ang tinutugtugan namin at madalas din kaming naiimbitahan sa mga parties." Nag taas ng kilay si Warren sa akin. "Gusto mong sumama? Just like the old times?"

Ngumisi ako, "Why not. Kung hindi busy."

"Isama mo rin sina Wella. Minsan pumupunta sila, e. I've seen their group the last time we went to Cafe Marcello for a gig," wika ni Joey.

"O sige, I'll tell her," sambit ko.

"Tsss..." Reaksyon ni Noah na nakaagaw sa atensyon ko. "They're busy, Warren. Hayaan mo na."

"Come on, Noah. Hindi naman namin sila pinipilit. Pag lang may oras sila," ani Joey.

"And besides, Noah, hindi mo ba namimiss si Megan?" May bahid na panunuya sa boses ni Everlyse nang sinabi niya iyon.

Halos mapanganga ako at pinamulahan na yata ako ng mukha sa pag iinit nito. Everlyse won't shut her mouth! Nagkatinginan kami ni Noah at kita ko ang iritasyon sa mata niya. Like I'm an eyesore and he's unfortunate because I'm in front of him.

"He has Coreen now," wika ni Warren at tinapik si Noah.

"Megan's part of Noah, Warren. May past sila," sabi ni Everlyse na para bang walang alam ang lahat ng tao na may past nga kami.

"Lyse..." Saway ko. For God's sake, oo na! Hindi mo na kailangang ipagsigawan iyon.

"It's in the past. People move on. Things have changed," ani Noah at humalukipkip.

Tumango ako, dahan dahan nong una hanggang sa bumilis. "He's right. People change."

Nag angat ng tingin si Noah sa akin. "I don't know about you, though." umigting ang panga niya.

"Mas lalo lang gumanda si Megan," matamis ang ngiti ni Warren sa akin.

Bumaling si Noah kay Warren at nangunot ang kanyang noo.

"Well, I guess you're right, Noah. Marami nang nagbago. Kayo nga pala?" Nagtaas ng kilay si Everlyse, bumabawi at binabago ang usapan. "Kamusta ang banda? Hindi ba ay may bagong vocalist daw kayo years ago?"

"Si Wade? Umalis ng banda. It's a long story. Siya 'yong pumalit kay Stan. Nasa Going South na siya, e." sambit ni Joey.

"Yeah, yeah! I've seen old vids of the band at magaling nga iyon. Halos papantay kay Stan. And the looks." Ngumisi si Everlyse kay Carlos bago nagpatuloy. "Anyway, magaling din si Liam."

"Magaling din siya, galing music school sa labas ng bansa. I just hope he'll stay. Nag aaudition kami sa mga recording companies." Lumingon si Warren sa akin.

"Why don't you audition sa Moon-" hindi pa ako natatapos ay pinugilan na ako ni Noah.

"Hindi kami magpapatulong kahit kanino. We should earn success." matigas ang kanyang boses.

Humalakhak si Everlyse sa gilid ko.

"I guess Noah's right." singit ni Joey. "We will, Meg. In time. Pero sana lang talaga ay magtagal si Liam."

"Bakit? Tingin niyo aalis din siya?" Tanong ni Everlyse.

Bumaling si Joey kay Noah. "It depends." Noah sighed.

"Depends on what?" Napatanong ako.

Nag angat ulit ng matalim na titig si Noah sa akin na parang wala akong karapatang magtanong sa kanya.

"Family friend nila si Liam, e." Si Warren ang sumagot kaya bumaling ako sa kanya. Isang beses akong sumulyap kay Noah at nakita ko na naman ang pag kunot ng kanyang noo kay Warren.

"So what if he's a family friend?" nagtanong ulit ako.

"Depende sa-"

"Depende sa relasyon ng pamilya namin. If their family's cool with my family, then he'll probably stay." Singit agad ni Noah kaya bumaling ako sa kanya.

Tumango naman ako at nagpatuloy ang kwentuhan. Dumating din kami sa usapan tungkol kay Stan at sa sinabi niyang kung hindi six months from now ay sa susunod na taon siya babalik ng Pilipinas. They were all excited, I was too. Hindi ko alam pero namimiss ko ang bonding nilang apat.

Nilagok ko 'yong Jack na may halong coke at nagsalin ulit doon. Hinaluan ko ito ng coke at tumitig na lang doon habang nag uusap pa sila. Napansin ko ang pagtitig ng matalim ni Noah sa akin. What the hell is his problem with me? Iritado? Hindi ko alam. Kung ano man ang pinagpuputok ng butchi niya diyan ay paniguradong hindi iyon dahil sa past naming dalawa. Siya na rin ang nagsabi, nagbago na siya.

"So is New York cool? The parties and all? I've seen your posts. Madalas ka sa central park." ani Warren.

"Oh you've been stalking me?" Biro ko at naalala ko ang sinabi ni Noah kanina.

"Malapit lang kasi sa pinag ji-gyman ko at madalas din si Everlyse at Carlos doong mag picnic, kaya..."

"But you do party? Hindi ba? I've seen your halloween pics last year. You were damn hot!" Hinubog pa ni Warren sa ere ang katawan ko.

Naaalala kong sinuot ko nga pala noon ay isang itim at maliit na dress at nag lagay ng itim ding bunny ears like some Playboy model.

"Oh my God! You are damn stalking me!" sabi ko natatawa. "That was almost a year ago."

Habang nag uusap kami ay panay rin ang usapan ni Carlos at Joey tungkol sa magagandang lugar na pupuntahan doon.

"May crush 'tong si Warren sayo, Meg." Tawa ni Everlyse.

Umiling ako at nangingiti. Biglang tumayo si Noah na siyang nagpatahimik sa aming lahat. "I'm done for tonight. I'm gonna sleep." Nilapag niya ang kanyang baso.

Humikab si Joey at tumayo na rin. Tumingin siya sa kanyang wrist watch. "It's one! Matulog na tayo?" Medyo mapupungay na ang kanyang mata.

Nilingon ko si Everlyse na inaayos ng bahagya ang buhok ni Carlos. Umirap ako at tumayo na rin. "Let's all sleep."

"Yeah." ani Warren. "Saan ba kwarto mo? Ihatid na kita?"

Nilingon ko siya pagkatapos kong makitang tumayo na rin si Lyse at Carlos. "No, thank you. Magkatabi lang ang room ko sa dalawang ito. Kami na ang magkasamang aakyat."

"Oh, but I can-"

"Stop it, Warren. Don't push it. The lady said no..." ani Noah.

Narinig ko ang sipol ni Joey sa likod. "'Tol, may mga chics don sa pool side, daan muna tayo doon bago akyat," anyaya niya.

Nakita ko ang iritasyon sa mukha ni Warren nang tiningnan niya papalit palit si Noah at Joey. "Well," bumaling siya sa akin. "Good night, Megan. Can I have your number by the way?"

"Sure!" sabi ko at agad kinuha ang cellphone ko para ibigay sa kanya ang number ko.

Pagkatapos ay inakbayan na siya ng natatawang si Joey paalis doon para mag punta sa pool side. Nilingon ko sina Everlyse at Carlos na nauna nang pumanhok kaya sumunod na rin ako sa dalawa.

Matindi ang lampungan na nakikita ko. Nang nasa hagdanan kami ay inangat ni Carlos si Everlyse sa kanyang braso at parang prinsesang inakyat. Tumili lang si Everlyse at ilang mura ang sinabi kay Carlos.

"Whatever." Sabi ko, tinitingala ang dalawa.

Nilingon ko si Noah sa gilid ko na umaakyat na rin. Ikalawang palapag lang kami habang siya ay sa ikatlo kaya nang lumiko siya kasabay sa pag liko ko ay laking gulat ko.

Lumingon ako kina Lyse na papasok na sa kwarto at kay Noah na nasa gilid ko, suplado at mukha paring iritado. Ang arte talaga ng gwapong ito.

"Your room's on the third floor. I think you are lost," sabi ko.

"Just open your damn room." Mas iritado niyang sinabi.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin kahit na alam kong hindi siya matitinag. Binuksan ko ang kwarto ko at pati na rin ang lights nito. Pumasok ako at nilingon ulit siya. Laking gulat ko nang pumasok rin siya doon ng dire diretso. Bumaling ako sa pintuan at dahan dahan kong isinara iyon.

"So you let strangers inside your room?" Umupo siya sa aking kama.

"Strangers? You are not a stranger."

Kinagat niya ang kanyang kulay pink na labi. God will forsake me the moment I'll admit that I want to be his lips. "But you let strangers inside your room. Nong nasa U.S. ka pa." Nag iwas siya ng tingin.

Ang kanyang mga kamay ay itinukod niya sa aking kama at naka bahagi ang kanyang binti na para bang ang buong kwarto na ito ay sa kanya.

"Bakit nagtatanong ka? I'm not that kind of girl," sabi ko.

"Tsss." Hinawakan niya ang relo sa kanyang pulso at hinubad ito. "Masisiyahan ka siguro kung hinatid ka ni Warren dito." Nilapag niya ang kanyang relo sa maliit na mesa sa tabi ng aking kama.

"What do you mean by that, Noah?" nagbabanta kong tanong.

Humalukipkip ako sa harap niya.

"And why are you even here? May room ka naman sa taas." sabi ko.

"Coreen is sleeping in that room," aniya at hinawakan ang kanyang sapatos para hubarin iyon.

"So? That's you're room. Sa inyong dalawa. You can sleep there too. What's the problem?" Nakapamaywang na ako.

Matalim niya akong sinulyapan bago niya tinanggal ang kanyang top siders. "I respect her."

Tumango ako at umigting ang bagang. "Means? You don't respect me. You'd rather be here?"

"Tsss. Ikaw ang nag sabi niyan. Stop assuming, Meg. I'm sleeping here," aniya at tinanggal ang kabilang sapatos.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Wow! Noah Elizalde! I don't get this man!

"You sleep in the couch." Utos ko.

"Tsss." Matalim ulit niya akong tinitigan. "Ang arte mo. Hindi ka naman conservative nong umalis ka. Ngayon bigla kang ganyan?"

Suminghap ako at binuga. "Noah Elizalde, ikaw na nga ang makikitulog, ikaw pa ang arogante! Just sleep on that damn couch! I'm sleeping on my bed! I paid for that!"

"I can pay it, too. Wag mo akong matakot sa pera at marami ako niyan." Damn so cocky!

"I already paid it! Okay? So sleep on that damn couch!" Sigaw ko.

"Fuck, Meg, you are so noisy! Inaantok na ako." mura niya at tumayo para maghubad ng t shirt.

"Whoa, whoa!" Mabilis akong umatras sa biglaan niyang paghuhubad ng tshirt. I've seen the ripples on his chest move when he flexed it in one swift motion. Halos mapatili ako at kinailangan ko pang ibalik ang kunot ng noo sa aking mukha para lang mapanatili ang galit ko. "What the hell are you doing?"

Kinakalas niya ngayon ang kanyang sinturon. Malakas ang kalabog ng aking puso. Napahawak ako sa aking batok dahil ramdam ko ang pag tayo ng aking mga balahibo.

"Tsss." Nangiti siya at may bahid itong panunukso. "Kung maka sigaw ka ay parang may mangyayari sa atin. Relax."

"How can I actually relax! You're stripping!" Sigaw ko nang natanggal ang kanyang sinturon at binaba na ang kanyang zipper.

"I told you I'm sleeping here. Isn't that enough information? Tss?" Nakangisi siyang umiling at agad na binaba ang kanyang pants.

"Oh my God?" Patanong ang sigaw ko at agad kong tinakpan ang mata ko.

He's wearing checkered boxers. Natagalan siya sa pagtanggal ng maong. Lahat ng init ay nasa mukha ko na at hindi ko alam kung anong mura pa ang maitatawag ko sa kanya. Tumalikod na ako, hindi ko kayang tingnan siyang ganon lang ang suot.

Nang may tumama sa ulo kong shorts ay mabilis ko itong kinuha. Lumaki ang mga mata ko nang nakitang ang boxers niya iyon.

"Oh my fucking! You are naked, Noah Reigan Elizalde?" Sigaw ko at narinig ko ang pagbagsak ng kanyang katawan sa aking kama.

"I sleep naked, Maria Georgianne Marfori. If that answers your damn annoying questions."

Continue Reading

You'll Also Like

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
105K 13 1
A feisty teenage girl receives an alarming threat from someone called Black Cat, hinting at a mysterious accident from the past that caused a chain r...
214K 3.6K 20
SEEN ON TV5'S WATTPAD PRESENTS (03/16-20/2015)! Published under LIB/PASTRYBUG! (Be sure to grab your own copy! Two special chapter are in there!) Now...