C H F I L W Y (JaThea)

By RamonaSixteen

11.2K 504 104

"Simplehan lang natin...." Althea to Jade. "Ang alin?" Jade to Althea. Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 9

959 50 23
By RamonaSixteen


Napabuntong hininga si Althea habang bitbit ang isang Bouquet ng pinaghalong kulay ng White at Red Roses.

Walang pag mamadaling lumapit siya sa entrance at binati niya ang guard.

"Good Morning Manong." Nakangiti niyang bati.

"O Althea.. Magandang umaga rin. Delivery?" Tugon ng Security Guard.

"Oho.." nakangiti niyang sagot.

"Matagal tagal yata bago ka nakapag deliver dito ah. Nung mga nakaraan kasi si Batchi yung nag de-deliver dito. Nung minsang tinanong ko siya kung nasaan ka, ang sabi e, nagpapagaling ka daw ng puso mo. Brokenhearted ka daw kasi."

Napapailing nalang siya habang napapangiti sa sinabi ng Guard. Bagama't hindi na siya nagtaka. "Alam niyo naman si Batchi, Manong mapagbiro talaga yun. Pero okay na po ako ngayon. Kaya, ako na ho, ang mag de-deliver mula ngayong araw."

"So totoo ngang na brokenhearted ka?" Muli ay tanong ng guard.

Ngumiti siya ng malawak. "Si Manong talaga oh." Napapailing na lang siya. "Pasok na ho ako. Baka naghihintay na yung nagpa deliver nitong bulaklak Manong. Ayoko naman siyang pag hintayin. Masama yun sa negosyo."

Napakamot naman sa ulo ang Guard saka nito binuksan ang glass door.

"Salamat ho Manong." Muli niyang wika bago tuluyang pumasok.

Muli ay napangiti siya ng malawak ng matanaw niya sa reception area si Kathleen. Nakayuko ito habang may kausap sa telepono.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay dun lang ito nag angat ng tingin sa kanya. Tinaas nito ang isang daliri sa kanya hudyat na tatapusin lang nitong kausapin kung sino-man ang nasa kabilang linya. Tumango naman siya saka inilibot ang paningin sa Lobby ng Hotel.

"Umaasa kang makita mo siya?"

Agad naman siyang napalingon kay Kathleen na ngayon ay nakatitig na sa kanya. Wala na pala itong kausap sa telepono. "Sino?" Pagkuway tanong niya.

"Seryuso Althea?" Taas kilay na tanong nito.

Nginitian niya lang ito. "May delivery kaya ako nag punta dito."

Tinitigan muna siya nito bago sumagot. "Diba dapat si Batchi ang nag de-deliver dito?"

Napangisi siya. "Bakit? Bawal na ba akong mag deliver ngayon dito?"

"May sinabi ba ako Althea? Nag tatanong lang naman ako ah." Sagot ni Kathleen habang tuwid na nakatitig sa kanya.

Tinitigan din niya ito. "Mula ngayon ako na ulit mag de-deliver dito. Back to normal. Dating gawi. Kaya asahan mo ng lagi mo na naman akong makikita dito."

Hindi ito sumagot. Kaya muli siyang nagsalita.

"Iniisip mo bang kaya ako ang nag deliver dito ay para makita si Jade?" Pagkuway tanong niya.

"Bakit hindi ba?"

Nagulat siya sa tanong nito. Kaya hindi na siya sumagot. Tinitigan niya lang mga bulaklak na hawak niya. Mayamaya lang ay muli itong nag salita.

"Sorry..."

Napaangat siya bigla ng tingin kay Katleen. "Bakit ka nag so-sorry?"

"I just feel like it. Kaya sorry Alt." Sabay hawak nito sa libreng kamay niya na naka patong sa table. "Nag aalala lang ako sayo. At di mo yun mawawala sa akin."

Hindi niya na mapigilang ngumiti. Kung may hidden talent man siyang masasabi, yun yung natatago niya ang tunay niyang nararamdaman sa pamamagitan ng pag ngiti.

Binawi niya ang kamay niya na hawak ng dalaga saka niya hinawakan ang pisngi nito. "Okay lang ako Kath. Huwag mo ng abalahin sarili mong mag alala sa akin. I can manage."

Ngumiti naman ng matamis si Kathleen bago hinawakan ang kamay niyang naka hawak parin sa pisnge nito.















***















"Yes, Sal. Palabas na ako ng Hotel... No, I mean palabas palang ng elevator... Don't worry hindi ako mali-late... Sal, please.. relax... I will call you back later pag malapit na ako. Bye." Sabay off ni Jade sa cellphone niya. Sakto ding bumukas ang elevator at humakbang na siya palabas.

Pero nakakailang hakbang palang siya ng bigla siyang mapahinto. Mula kasi sa kinatatayuan niya ay natatanaw ng mga mata niya ang dalawang taong nagpapalitan ng ngiti. Si Kathleen na mababanaag ang malalim na pag aalala sa dalagang kaharap nito... at si... si...

Bigla ay nanigas siya bigla. Si Althea na nakahawak sa pisngi ni Kathleen. At parang gusto niyang himatayin ng hawakan din ni Kathleen ang kamay ni Althea. Napakagat labi siya bago napayuko. At mabilis na tinungo ang Exit.
















***














Napangisi bigla si Kathleen habang may tinatanaw sa di kalayuan.

Kunot noo namang sinundan iyun ng tingin ni Althea. At napahinto siya bigla habang nakamasid kay Jade na mabilis na naglalakad patungo sa exit.

"Iisipin kong kunwari hindi ka niya nakita." Biglang nasabi ni Kathleen sa kanya.

Agad naman siyang napalingon muli kay Kathleen. "Isipin nalang din natin na kunwari hindi ko siya nakita."

"Ano ba kasi talaga nangyari nung gabing yun Alt?" Bigla ay natanong nito. "Hanggang ngayon di ka parin nag ke-kwento. Feeling ko tuloy hindi tayo magkaibigan."

Nginitian niya lang ito sabay abot ng bulaklak. "Alam kong ikaw ang nag order ng bulaklak na to Kath. May nililigawan ka?" Pag iiba niya sa usapan nila.

"P-paano mo nalaman?" Bagamat nagulat ito ay agad naman nitong kinuha ang bulaklak.

"So may nililigawan ka nga?" Mas lumawak pa ang pagkakangisi niya.

"Baliw!" Sabay hampas nito sa braso niya.

"Aray naman!" Sabay himas niya sa nasaktan niyang braso. "Alam mo ikaw napaka bayolente mo talaga sa akin."

"Paano mo nga kasi nalaman?" Tumatawang tanong ulit ni Kathleen.

"Sino muna nililigawan mo?" Tumatawa din niyang tanong.

"Wala akong nililigawan!"


















***

















Parang gustong maglupasay ng iyak ni Jade habang pinamamasdan ang pag bigay ng bulaklak ni Althea kay Kathleen. Nakuha pa talaga mag harutan ng dalawa! Kitang kita niya din kung paano hampasin ni Kathleen ang braso ni Althea at parang balewala lang sa dalaga ang ginawa nito. Bagkos tumatawa pa ito.

Dahil sa katangahan ay naiwanan niya ang susi ng sasakyan niya sa Unit niya na kailangan niyang balikan. At dahil sa katangahan niya ay nasasaksihan niya ang pag haharutan ng dalawa. Dahil sa katangahan niya...

Dahil sa katangahan mo Jade nasasaktan ka ngayon! Masakit makita na yung taong mahal mo masaya sa iba diba?!

Bigla siyang napahinto. At tumitig sa kawalan. "Shit..."

Bakit ngayon niya lang na realized na mahal niya na si Althea.

Malungkot na muli niyang tinitigan ang dalaga bago umikot at tuluyang nilisan ang naturang gusali. Fvck her keys! Magta-taxi nalang siya.
















***


















"Nandito ka lang pala Jade... kanina ka pa hinahanap ni Sally at Paul sa baba." Wika ni Althea kay Jade na malayo ang tingin. Kakatapos lang set niya kaya pina ubaya niya na muna kay Marcus ang pagkanta. Kasalukuyan silang nasa rooftop kung saan nakita siya ni Jade nung minsang gumimik ito kasama ang mga kaibigan.

Hindi ito umimik.

"Jade, okay ka lang ba?" Tanong niya ng di ito umimik. "Jade...." bulong niya.

Nagulat siya ng lumingon ito sa gawi niya at makitang nangingilid na ang mga luha nito sa mata. "Althea..."

"Hey, bakit ka umiiyak." Di niya na napigilan ang sariling hawakan ito sa pisngi.

Hindi naman ito umilag. "A-ano yung kanina Althea? Yung k-kanta. Yung sinabi mo.."

Tinitigan niya muna ito ng malalim. Matagal bago siya sumagot. "I'm falling inlove with you Jade. Ikaw ang babaeng nagugustuhan ko." Deretsya niyang sagot.

Napakagat labi ito. Bago umiling. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko."

"Kung ano yung totoong nararamdaman mo Jade."

Muli ay tinitigan siya nito. "Oo gusto din kita Althea. Pero... isa kang babae.. at.. at.. babae din ako.."

"Jade walang kasarian kung pag-ibig ang pag uusapan. Yung importante sa lahat ay yung nararamdaman mo."

Matagal bago ulit ito nakasagot. "Oo gusto kita Althea pero... hindi ko pa matukoy kung mahal nga kita."

Sukat sa narinig ay bigla siyang natigilan. Agad niyang tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa pisnge nito.

"Althea hindi mo ako masisisi. Bago sa akin lahat ng ito. Never akong nagkagusto sa kapwa ko babae. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.." tuluyan ng tumulo ang mga luha nito.

Na agad niya namang pinahid. "Hey... Jade. Ssh... I- I'm so sorry... you don't need to feel bad.. hindi ako nag iisip. Huwag ka ng umiyak please..."

Hindi na nito napigilang humagulgol ng iyak. Kaya niyakap niya ito ng mahigpit. "Gusto kita Althea... pero natatakot ako... natatakot ako na baka panandalian lang ito at di ko masuklian yung nararamdaman mong pagmamahal mo sa akin."

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito habang pinipigil ang mga luhang nagbabadya naring tumulo. Huminga muna siya ng malalim bago niya ito tinitigan muli. Pinag dikit niya ang mga noo nila.

"Simplehan lang natin..." pagkuwan ay na wika niya.

"Ang alin?" Bulong ni Jade.

Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jade. "Simplehan lang natin para hindi ganun kasakit..." Muli ay pinahid niya ang mga luha sa pisnge ng Dalaga. Naghihirap nadin ang kalooban niya. "Bibitawan ko mga kamay mo..." nanginginig na wika niya. "Tatalikod ako..." napalunok siya. "At aalis..."

Hindi ito sumagot. Nakatitig lang ito sa kanya. Habang patuloy na tumutulo ang mga luha nito.
Alam ni Althea na katulad niya ay naghihirap din ang kalooban ni Jade.

Hindi niya na napigilan ang sariling halikan ito sa noo. Bago tuluyang binitawan ang mga kamay nito, saka siya tumalikod at humakbang paalis...

Kasabay ng pagpikit niya ay ang pag agos din ng mga luha niya.


















***














"Jade akala ko ba hindi ka mali-late?" Kastigo ni Sally sa kaibigan. Pero agad din ito napahinto ng makita niya ang itsura ng kaibigan. "Jade are you okay? Umiyak ka ba?"

Tulala lang ito sa kawalan.

"Hoy Jade?"

"Sal..." mahinang bigkas ni Jade sabay baling sa kaibigan. "Mahal ko si Althea..."





























A/N
Kamusta kayo?
I'm so sorry. Ngayon lang ako nakapag update.
Maraming Salamat nga pala sa mga matiyagang nag aantay, sa mga nagbabasa at sa mga nag vo-vote. I really appreciate it. ❤

Sa mga new followers Welcome po kayo, sana mag enjoy kayo sa mga gawa kong stories.

And lastly mag iingat po tayong lahat. Mahirap lumabas ngayon lalo't may virus na kumakalat. So please extra ingat po tayong lahat.

*Ramona16*









Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 30.1K 37
After the passing of Abigail Bentley's mother, she is now the only one responsible for her family's well-being. Her father, often too drunk to stand...
1.3M 57.8K 104
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
1.9M 86.3K 194
"Oppa", she called. "Yes, princess", seven voices replied back. It's a book about pure sibling bond. I don't own anything except the storyline.
70.1K 1.6K 31
!Uploads daily! Max starts his first year at college. Everything goes well for him and his friends PJ and Bobby until he meets Bradley Uppercrust the...