A Wife's Cry

By barbsgalicia

48.7M 494K 123K

Twenty-four-year-old hotel heiress, Vanessa Rio Perez was never loved by her husband, Allen Travis Fajardo, c... More

Author's Note: Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 31
Chapter 32 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 46 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 4

133K 2K 223
By barbsgalicia

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

NAIPIT AKO SA banta sa 'kin ni Zian.

Kahit na labag sa loob ko at alam kong malalagot na naman ako sa asawa ko, mas ginusto ko na lang na makipagkita sa kanya sa labas kaysa mahuli na naman siya ni Allen. Ayoko nang maulit 'yong nangyari dati na halos makapatay ang asawa ko nang mahuli kaming magkasama ni Zian.

At tsaka, mukhang kailangan ko na rin talaga siyang makausap nang masinsinan para tapusin na lahat. Para tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.

Kabadong-kabado na naman tuloy ako. Hindi pa kasi alam ni Allen na nagbalik na si Zian. At mas lalong hindi niya alam na tumakas ako sa bahay ngayong tanghali para puntahan ito.

Zian was Allen's friend and I had an affair with him—a hideous affair. Ito ang dahilan kung bakit galit na galit sa 'kin ang asawa ko hanggang ngayon.

Mali na pumatol ako kay Zian dati gayong kasal na ako. It was a wrong move. Nag-aasam ako ng pagmamahal galing kay Allen, pero hindi nito maibigay 'yon sa akin. And then Zian came into the scene and he made me feel loved.

Nang mahuli ni Allen ang lihim naming relasyon, nagkahiwalay na kami ni Zian at nawalan ng koneksyon sa isa't isa.

It's been one year. Ang alam ko, lumipad si Zian papuntang Amerika matapos makalaya mula sa saglit na pagpapakulong na ginawa ni Allen. Kaya nga gulat na gulat ako no'ng bigla na lang itong lumitaw sa tapat ng bahay namin kahapon. Ni hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tinitirhan namin. We moved to another city after what happened. Walang ibang nakakaalam sa bahay namin bukod sa mga pamilya namin.

Naiinis tuloy ako sa kanya. Mas lalo lang niyang pahihirapan ang sitwayson ko ngayon eh. I'm working my way to gain my husband's trust and love back again. Pero ngayong nagpakita siya, sigurado akong mas lalo lang kaming magkakagulo ng asawa ko.


ILANG SANDALI pa ay nakarating na rin ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Zian.

Hindi pa muna agad ako bumaba dito sa sinasakyan kong taxi. Pumikit muna ako at kinlaro ang isip ko.

Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba. Hindi na ako pwedeng umatras sa pinasok ko, nandito na ako. Basta sisiguraduhin ko na lang na matatapos ko na nang tuluyan ang sa amin at ito na ang huling beses na magpapakita ako sa kanya.

Nang makalma ko na ang sarili ko, inayos ko lang ang pagkakapusod ng buhok ko at ang suot kong cardigan, tapos bumaba na ako ng taxi at dumiretso ng pasok sa restaurant.

Nakita ko na agad si Zian na nakapwesto sa pinakadulong mesa.

He really looked different now. He grew out a thin beard and looked mature. Kahit na ang disente niya ngayon sa suot niyang polo shirt, halata pa ring stressed out siya. Hindi na ganoon kaaliwalas ang mukhang niya kumpara dati.

Napansin niya na rin naman agad ako. Nakangiti pa siya sa 'kin na para bang wala kaming problema. Iniwas ko lang naman ang tingin ko at tumuloy ng lakad papunta sa kanya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon, parang hindi ko yata kakayanin na itago ang kaba ko.

"Akala ko hindi mo 'ko sisiputin," sabi niya nang makalapit na ako.

Umupo ako sa tapat niya at bumuntong-hininga. "I had no choice. You blackmailed me."

"Sorry. Wala lang kasi akong ibang maisip na paraan para mapapayag kang lumabas kasama ako."

Mahinahon na ang boses niya. Hindi katulad kahapon na kulang na lang ay bulyawan niya ako. Though ganito naman talaga ang pagkakakilala ko sa kanya. He's a chill type of guy. Mahaba ang pasensiya niya at malakas ang kontrol sa sarili.

Sasagutin ko na sana siya sa kanina niyang sinabi, pero hindi ko nagawa kasi biglang bumukas ang pinto nitong restaurant at taranta akong napalingon doon. Tumalon ang puso ko sa kaba, akala ko nasundan ako ni Allen.

"Bakit?" tanong agad sa 'kin nitong si Zian.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Alam mo ba kung anong pwedeng gawin sa 'kin ng asawa ko kapag nalaman niyang nakipagkita ako sa 'yo ngayon?"

"Ano, sasaktan ka niya? So sinasaktan ka nga talaga niya?"

Hindi ulit ako nakasagot. Umiwas lang ako ng tingin at iniba ang usapan. "I can't stay long. Pag-usapan na natin kung anong gusto mong pag-usapan."

"Kumain muna tayo."

"Zian, hindi ako pwedeng magtagal. Tumakas lang ako sa bahay."

"Fine." Bumuntong-hininga siya sabay tinabi ang mga menu na nasa mesa. Tapos tinitigan niya ako nang malalim. "Bakit hindi ka sumunod sa 'kin sa Amerika?"

Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na 'yon ang unang itatanong niya sa 'kin.

"Hinintay kita ro'n," patuloy niya. "Nagkasundo tayo dati, 'di ba? Sabi natin lilipad tayo papuntang Amerika sa oras na malaman na ni Allen ang tungkol sa 'tin. Bakit hindi ka tumupad?"

"Alam mo na dapat ang sagot diyan. It's for the best. Kailangan kong piliin si Allen at manatili sa tabi niya dahil 'yon ang tama."

"At hindi mo man lang ako nagawang tawagan para sabihing hindi ka makakasunod?"

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam ang contact number mo ro'n."

"That's impossible. I remember I told Leila to give it to you."

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "How could I call you? Alam mo naman pala kung anong lagay ko sa asawa ko. Halos patayin na niya ako noong mahuli niya tayo. Sa tingin mo ba magagawa pa kitang tawagan?"

Bigla siyang napakuyom ng kamao. "Sinabi nga sa 'kin ni Leila lahat ng ginawa sa 'yo ni Allen. Gago talaga 'yon. He'll pay for what he did to you and to me." Tinignan niya ulit ako nang matalas. "Alam mo ba kung anong ginawa sa 'kin ng asawa mo? Binaliktad niya 'ko. Pinakulong niya 'ko sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Iba talaga ang nagagawa ng pera, ano?"

"You can't blame him. Sobrang laki naman kasi talaga ng kasalanan natin sa kanya. Buti na nga lang at 'yon lang ang ginawa niya sa 'yo. You know Allen so well. Kaya niyang gumawa ng mas higit pa ro'n kung gugustuhin niya."

"Hindi mo man lang ako naisipang ipagtanggol, o kahit puntahan man lang sa mga hearing ko."

"I can't. Pinaghihigpitan ako ni Allen."

"Sana naman hindi mo ko basta pinabayaan."

Hindi na naman ako nakasagot kasi napalingon na naman ako sa biglang bumukas na pinto.

"Relax, Vanessa," sabi niya na sa 'kin. "Kanina ka pa tingin nang tingin diyan sa pinto. Kung iniisip mong makikita tayo ng asawa mo rito, hindi 'yon mangyayari."

Napahinga ako nang malalim. "Hindi ako mapakali. Baka malaman 'to ni Allen."

Ngumisi siya. Parang natatawa siya sa sinabi ko. "Takot ka na sa kanya ngayon, ah. Samantalang dati, wala lang sa 'yo kung niloloko mo siya."

Nanlaki ang mga mata ko! Pero pinili ko pa ring kumalma. "Oo, takot na 'ko ngayon. And it's your fault."

Ang bilis nawala ng sarkastikong ngiti niya at napasalubong agad siya ng mga kilay. "Bakit mo ko sinisisi? 'Di ba may kasalanan ka rin? Pumayag kang makipagrelasyon sa 'kin."

"Oo na. At pinagsisihan kong ginawa ko 'yon."

Nanigas ang panga niya. "Nagsisi ka kasi nahuli tayo ng asawa mo. E paano kung hindi niya tayo nakita, ano na tayo? Tayo pa rin ba hanggang ngayon?"

"I don't think so."

"Sinungaling. Alam kong sa 'kin ka pa rin hanggang ngayon kung hindi lang tayo nahuli ni Allen."

"Tama na."

"Totoo naman kasi, 'di ba? Kaya nga ayokong bitiwan ka. Kasi naniniwala pa rin ako sa lahat ng mga sinabi mo sa 'kin dati. Ang dami mong pinangako sa 'kin, Van."

Napapikit na ako nang madiin. "Zian, you really can't get it. Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na wala na tayo? Matagal nang tapos ang sa atin, pero ang dating ngayon, parang pinipilit mo pa rin tayo. It's been a year. Nawala ka na sa buhay ko pati sa utak ko. Pinaikot ko na ang mundo ko kay Allen. Kay Allen lang. Sa pagbabalik mo, ginulo mo lang ulit ako e."

"Wow. And now I'm the antagonist in you and that asshole's love story just because I came back?"

"It's not that. What I meant was, I'm already okay. Kaunting pagtitiis pa at alam kong magiging maayos din kami ni Allen."

"You're already okay? Well I'm not, Vanessa. Ano, gano'n na lang talaga 'yon? Umasa ako na pwede tayo, tapos no'ng nagkahulihan na ay bigla mo na akong kinalimutan? Iniwan mo 'ko sa ere. Hindi mo man lang ako pinaglaban, ah?"

"Will you please come to your senses? Our relationship was wrong. Wala akong karapatan na ipaglaban ka dahil maling-mali 'yong tayo."

"So, wala lang pala talaga ako? Ginawa mo lang akong panakip butas?"

Kumirot ang dibdib ko.

Ayoko sana talaga 'tong sabihin kasi alam kong mas lalo lang siyang masasaktan, pero mukhang kailangan ko nang gawin para matauhan na siya.

Pinilit kong tapangan ang pananalita ko. "Yes. I didn't love you. I just used you, Zian."

Nagulat ako nang bigla niyang hampasin 'tong mesa! Nakuha tuloy noon ang atensiyon ng ibang mga customers dito sa loob ng restaurant. Napatingin silang lahat sa table namin.

Pinandilatan ko na lang siya ng mata. "Ano ka ba, wag ka ngang gumawa ng eksena rito."

"Wag ka rin kasing magsinungaling. Hindi mo ko minahal?"

"Oo, hindi kita minahal. Kaya please, lubayan mo na ako."

Ngumisi siya. "Paano kung ayoko?" Inabot niya ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit. "Hindi ako titigil, Vanessa. Kukunin kita sa asawa mo."

• • •

Continue Reading

You'll Also Like

144K 4.7K 39
Alam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in...
99.4K 4K 54
Ang kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisani...
4.4K 65 4
ABM X STEM When a Senior High Student get into a 'fake relationship' will there be a real feelings? Nieve Luna Ravana is a grade 11, ABM student. She...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...