Eh kasi, BAKLA!

By youmikrogotme

93.2K 2.1K 379

Husga pa, sige! Husgahan nyo lang! Kapag kayo, ginamitan nila ng charms, baka malaglag mga panty nyo! Kaya ku... More

..
EKB 1.1
EKB 1.2
EKB 1.3
EKB 1.4
EKB 1.5
EKB 1.6 - final -
EKB 1.7 - Hair Extension? Let Me Flip It! -
EKB 1.8
EKB 1.10
EKB 1.11 - Enough na -
EKB 1.12 - Overtime! -
*********Eh kasi, BAKLA!*
EKB 2.1
EKB 2.2
EKB 2.3
EKB 2.4
EKB 2.5
EKB 2.6
EKB 2.7
EKB 2.8
EKB 2.9 -final-
EKB 2.10 - Hair Extension!! -
EKB 2.11
EKB 2.12
EKB 2.13
EKB 2.14 - Enough na! -
Note

EKB 1.9

2K 66 1
By youmikrogotme

EKB 1.9

==

Nagmamadali akong umuwi sa bahay ko para maabutan ko pa si Alex. Sana hindi pa sya umaalis. Nababaliw na ata ako. Kanina nagagalit ako. Kanina nalulungkot ako. Kanina kung anu-ano nararamdaman ko pero ngayon ang saya-saya ko. Hindi ko nga malaman kung bakit biglang naging abot-tenga ang ngiti ko e. Aksidente ko pang nadala 'yung boteng tinutungga ko kanina. Hindi naman ako sinita ni Seth kaya siguro okay lang.

Bukas pa ang mga ilaw nang dumating ako kaya mas lalo akong naexcite sa pagpasok. Muntik pa akong madapa pagkapasok ko kaya napatingin sa akin si Alex. Shit. Ang ganda nya talaga. Wife material. TANG INA PAPAKASALAN KO NA TALAGA 'TO!

May hawak syang syansi at nakasuot sya ng apron pati pot holder. Ang puso ko. Ang puso ko! Tulungan nyo ako. Hindi mapalagay ang puso ko!

"Lasing ka ba?" Anong scenario ba 'to? 'Yung lasing na uuwi ang lalaki at aabutan ang asawa nyang nagluluto? Tapos anong gagawin nung asawa? Aawayin o aalagaan ang asawa nya?

Ipinatong ko ang boteng hawak ko sa coffee table. "Ah. Hehe." Kagaguhan, Rei! ANONG SAGOT 'YAN?!

Pinatay nya ang kalan tapos hinubad nya yung pot holder. Jusko. Ang puso ko. Tatalon na ata palabas ng bunganga ko. SUOT NYA 'YUNG SINGSING! Mabilis nya akong pinuntahan at sinalat nya ang noo ko. 

"Anong.. nangyari sa'yo?" Bulong nya.

Hinawakan ko naman 'yung kamay nya at tinignan 'yung singsing. Ang ganda talaga ng taste ko. Bagay sa singsing 'yung kamay nya. Hahaha biro lang. Bagay sa kanya 'yung singsing. Bagay lahat ng nandito sa kanya. Pati ako. 

"Ah." Bigla nyang binawi ang kamay nya. Nahiya pa raw sya oh? "Nabitawan mo nung umalis ka e. Sinukat ko lang."

"It suits you. Keep it." Bulong ko sa kanya bago ko sya yakapin ng marahan. Niyakap nya rin naman ako agad and we cherished that moment in silence. Puso lang namin 'yung maingay e. Pero okay na rin. Mas gusto ko 'yung ganito kaysa nagsisigawan kami. Katumbas nito 'yung mararamdaman mo kapag sobrang pagod ka at nakauwi ka na. 'Yung pakiramdam na 'Sa wakas.'? Ang sarap. Sana ganito nalang palagi. Di bale, pagkatapos ng problema, ganito naman ang nag-aantay e. Kaya dapat, kayanin ang problema.

Maya-maya ay naghapunan na kami. Nagluto sya ng simpleng adobo at sinangag nya 'yung kanin. Ano ba? Bakit ba ako kinikilig dito? Para akong tangang nakangiti habang naghahain sya sa lamesa. Tinatawanan nya ako at medyo naiilang ako dun pero pagtalikod nya, mapapangiti lang ulit ako. Haaaay. Ngayon ko lang naimagine ang sarili ko na may asawa. Masaya siguro kung magkasama na talaga kami sa iisang bahay, 'no? Gigising ako, sya ang makikita ko. Kakain ako, sya ang kaharap ko. Maliligo ako, sya ang kasama ko. Magbibihis ako, sya ang mag-aayos ng damit ko. Aalis ako, sya ang maghahatid. Nasa trabaho ako, sya ang iniisip ko. Uuwi ako, sya ang makikita ko. AT HINDI AKO MAGSASAWA SA MUKHA NYA.

"Hindi ba masarap 'yung luto ko? Bakit hindi ka kumakain?" Nadistract ako sa mga iniisip ko at napangiti pa lalo. Hindi ako sumagot at sa halip ay kumain nalang ng luto nya. Inlove lang ba ako o masarap talaga ang luto nya? 

"You should stay here and cook for me." Sabi ko sa kanya. Nasa kanan ko sya nakapwesto. Naiimagine ko tuloy na may dalawa na kaming anak tapos yung isa nasa kaliwa ko at yung isa naman nasa tapat ko. Ay naku naman! Nahihibang na talaga ako! Hahaha!

"Nakakaintindi ako ng Tagalog."

"Dapat kang manatili dito at magluto para sa akin." Pag-ulit ko sa sinabi ko kanina na nagpatawa naman sa kanya. Ang ganda nya. Ah! Ano ba 'to? Nababaliw na ako sa kanya.

"Papayagan mo ba akong tumira dito?" 

"Oo." Agad kong sagot sa kanya.

Nginitian nya lang ako. Isang ngiting baka maging sanhi ng pagkamatay ko. "Inaaya mo ba akong maglive-in?"

"Ikaw ang nagsuot ng singsing na 'yan sa sarili mo, Al." Nginitian ko lang rin ang babaeng pinagpapantasyahan ko.

"Okay. I'll move in."

Napahinto ako sa pagkain ko. Dapat diba itatanan ko sya?! HALA! BAKIT BIGLANG DITO NA SYA TITIRA? Paano ko pa sya itatanan? PAANO NA ANG MGA PLANO KO!? HINDEEEEE! Napatulala na ako sa kawalan. Game over na ba? Bakit kasi bigla nyang in-offer 'yun? NAPA-OO TULOY AKO! AAA! Wala pa akong pampagatas sa mga magiging anak namin. Wala pa akong trabaho! 

Magcall boy nalang kaya ako? HALA BAKIT NAPUNTA SA PAGKOCALL BOY?!

"Richard? Kumain ka na nga ng maayos. Mamaya mo na isipin 'yang iniisip mo." Nabaling ang tingin ko sa kanya at agad namang nawala ang kunot sa noo ko. Gusto ko syang maging asawa.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil tapos na pala sya at inaantay nya nalang ako. Niligpit nya ang pinagkainan namin at dumiretso na rin sya sa lababo para maghugas. Ang sipag naman? But I'm afraid na baka ngayon lang 'yan dahil unang beses. Di bale, kapag napagod sya maghugas, magluto, maglaba at kung anu-ano pa, ako nalang ang gagawa nun. HAHAHA Shet kinikilig ako!

Hinayaan ko sya dun. Baka kasi mailang sya sa akin e. Gustong-gusto kong ifeel na nandito sya pero baka hindi nya naman magustuhan. Itinabi ko 'yung alak na ninakaw ko kila Seth tapos hinanap ko yung teddy bear na binato ko kanina. Nung una, hindi ko makita pero nilagay na pala ni Al sa display rack sa sala. I smiled. Kakaiba 'tong araw na 'to. Naeexcite ako kapag naiisip kong makakasama ko na sya sa iisang bahay. Hindi naman masamang isipin na maging asawa ko sya pero masama siguro kung hanggang isip lang ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig sa display rack ko nang biglang may pumulupot na kamay sa beywang ko. "Anong iniisip mo?" Naramdaman kong isinandal nya ang ulo nya sa likod ko.

"Ikaw."

"Baliw." Mahina at matamlay ang boses nya. "Nandito naman ako."

I hate to state it pero sinabi ko parin. "Pano 'pag kailangan mo nang umalis?"

"You're thinking about my engagement, not me."

"Al naman e. Hindi pa tapos 'yung problema."  

"I asked Bryan to hold it. Sabi ko iatras nya dahil pareho pa naman kaming hindi handa. Pumayag sya at alam nya rin 'yung tungkol sa atin." Pagpapaliwanag nya.

"Alam nya? Kailan mo sinabi?"

"Matagal na. It's just that hindi ka nya kilala sa mukha kaya ganun ang inasal nya. He's very considerate naman." Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Al at hinarap ko sya. 

"Why don't..." I trailed off. Tama bang itanong ko sa kanya kung bakit hindi nila icancel ang kasal nila kung maiintindihan naman pala nung lalaki.

Tumawa sya ng matipid tapos tinignan nya ako ng diresto sa mga mata ko. Ngumiti sya na parang satisfied na sya sa akin. Ang sarap tignan. "We're working on it."

"Ha?" Napanganga ako sa sinabi nya. "So you mean, may chance na...?"

"Yes, but it depends kung may mangyaring hindi kaaya---" Bigla ko syang niyakap sa beywang nya at binuhat. "REI STOP IT HAHAHA!"

"Ibig sabihin pwedeng tayo na 'yung magpakasal?! Hindi kayo?"

"Oo nga! Pero inaayos pa namin at mahabang process--" Inikot ko sya. Daig ko pa ang nanalo sa lotto! Hahaha! "REI ANO BA HAHAHAHA!"

"May chance pa rin! Diba? Diba? Dibaaaa?" Pinagdikit ko ang ilong namin. Pakiramdam ko lalabas na talaga yung puso ko sa bibig ko dahil sa sobrang pagtalon nito. Bakit ngayon nya lang sinabi!? AH EWAN! Basta!

"Hm." Pag-agree nya. "While waiting for the confirmation, pwede tayong magliwaliw muna. Magpakasaya."

"Makita lang kita, masaya na ako." Nagulat ako nung bigla nya akong sinampal. Mali ba ang sinabi ko?

"Ang landi mo! Ibaba mo na nga ako." Dahil ayaw kong masampal pa ulit ay binaba ko na sya. Tulad ng sabi ko, gusto ko sya pero nasasaktan rin ako. "Paligo ha."

Tinalukuran nya ako pero bigla ko syang hinila. "Wala NA akong pambabaeng gamit sa banyo." I reminded her. Ano bang iniisip nya? 

"Na? Hahaha!" Binatukan nya ako ng pabiro. "Tingin mo talaga pumunta ako dito ng walang dalang gamit?" 

Tinitigan ko lang sya tapos ginulo nya ang buhok ko. Masyado yata akong natuwa sa pagkatulala dahil tinawanan na nya ako't tinalikuran, nakatulala parin ako. Titira na ba talaga sya dito? ANO BA HAHAH KINIKILIG AKO! Napangiti ako bigla. Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga ngayon. KINIKILIG TALAGA AKO!

Bumalik lang ako sa normal nung narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Agad kong hinanap 'yun. Nasa kwarto ko lang pala. Sayan. Dapat sa banyo ako nag-iiwan ng cellphone e. Hahaha! Inabot ko 'yun tapos sinagot ko 'yung tawag. Parang himala na tumawag ang Papa ko ngayon. Kala ko nakalimutan na nilang may anak sila e.

"Pa?" Matabang kong sagot sa kanya.

"Richard! Kamusta na?" Kakaiba talaga 'to a. Bakit ang sigla ng boses nya? Nanalo na naman siguro sa lotto! Babalatuhan nya kaya ulit ako? Dati kasi sabi nya nanalo sya sa lotto kaya lumaki ang ipinadala nila ni Mama.

"Nanalo ka po ba sa lotto?" 

"Ano ba namang tanong 'yan? Hahaha. Ah 'nak, libre ka ba sa Linggo?" No. I'm always expensive.

"Magkikita po ba tayo?" 

"Ah. Next time na 'yun. May ipapakilala kasi ako sa'yong babae." Natawa ako. Hindi sya makikipagkita sa akin. Kelan nga ba nya huling ginawa 'yun? HIBANG NA AKO PARA UMASA HAHAHA. Hindi sya makikipagkita, may babae syang ipapameet sa akin. Natawa ako lalo. 

"Imimeet ko tapos ano? Paplanuhin nyo na ang kasal namin?" I jokingly said. 

"Oh. You're already aware?" Gusto kong ipaulit sa kanya ang sinabi nya at ang sinabi ko. Ang kaso lang, narinig ko e. Alam kong hindi ako nagkamali sa narinig ko. Parang gumuho ang mundo ko--HINDI. Gumuguho na talaga ang mundo ko. Naging tama na naman ang bagay na bigla ko lang nasabi. "Yes, Rei. Meet her para hindi na kayo mailang sa isa't-isa. Anak sya ng kaibigan ko sa trabaho. I know you're matured enough to underst---"

May mga sinabi pa si Papa pero hindi ko na maintindihan. Takte. Ano bang kagaguhan 'to? Sino bang nagpauso ng gantong arrangements? Leche talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 735 52
This story is about a woman who fall in love with a Gay. That woman was named Ravelyne Alvarez, the daughter of Charlene and Ravil from the novel of...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
24.1K 1.2K 27
She had three ex-boyfriends, but none of them allowed her to have a healthy relationship. The first one left her, the second one fell out of love wit...
6.9K 160 40
Different types of Filipino and English Poetries. ✅ Free verse ✅ Tanaga ✅ Haiku ✅ Limerick Note: All of my works are myself written remember plagia...