Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 21

1.3M 34.3K 17K
By jonaxx

Kabanata 21

Nagmamahal

"Oh my God? What happened to those really chinky eyes now?" Klarong klaro ang boses at panlalaki ng mata ni Everlyse sa akin habang nasa cellphone ko siya at nag S-Skype kami.

Halos maputol ang braso ko sa pagdala ng aking maleta. Inangat ko ito at ipinatong sa X-ray machines ng NAIA.

"Shut up, Lyse." Sabi ko habang inaayos ang black rimmed kong eye glasses na sinuot ko para matabunan ang namumugto kong mga mata.

Dinig na dinig ko ang pagbulung bulong niya tungkol sa katangahan ko.

"'Yang pag ibig mong 'yan para kay Noah, parang imburnal. Pag nahulog ka ng walang nagtutulak sayo, isa lang ang ibig sabihin niyan! Tanga ka! Wala naman kasing nagsabi sa iyo na magpakita ka sa kanya. Ayan tuloy..." She sighed.

"Are you kidding me? Wala ako don para sa kanya-"

"Admit it... You also want to see if he still loves you. At ngayong nalaman mong hindi na, what now? Move on." Naririnig ko ang frustration sa boses ni Everlyse.

Nanahimik na lang ako. Kinuha ko ang bag ko sa X-ray at pati ang cellphone ko kung saan online parin si Lyse at nag aabang sa akin.

"It's almost boarding, I have to go..."

"Don't you give me that damn excuse! It's been two weeks and you haven't called!" Sigaw niya pero hindi niya napigilan ang pagputol ko sa linya.

Hinigit ko ang stroller at sa bawat salaming nadadaanan ko ay pinagmamasdan ko ang aking mga matang mas lalong lumiit. My eyes have always been slightly big and chinky. But now, they're small and chinky dahil sa walang humpay na pag iyak ko. Masakit pala talaga.

Sa araw ding iyon, nang nagkita kami ni Noah ay nakahalubilo ko si Coreen. From the way I see it, she likes Noah. Kaya lang ay ginugulo siya ni Rozen Elizalde. That manwhore! Kung pwede lang ay pigilan ko siya sa ginagawa niyang panggugulo.

Kahapon ay nakipagkita ako sa banda. Wala si Noah. Syempre, bakit siya pupunta? Si Warren at Joey lang ang bumisita sa bahay namin nang naghahanda na ako pabalik ulit ng New York.

"Mas lalo kang pumuti," ngiti ni Warren sa akin habang kinukurot ang pisngi ko.

Ngumiti rin ako pabalik, "Tumangkad kayo!"

Umupo kami sa mga puting patio chairs namin na nakaharap sa isa pang puting round table na unti unting pinupuno ng katulong ng pagkaing para sa kanya. Nakipag highfive sa akin si Joey na ngiting ngiti habang tinitingnan ako. Malaki ang ipinagbago nila. Bukod sa lumaki ang kanilang pangangatawan at tumangkad ay naging mas attractive din ang dalawa. Naisip ko tuloy ang pinsan ko. If he was here, they would have been the best band in the city.

"Kumusta?" ngiti ko sa kanila.

"We're doing great. We heard..." nagtaas ng kilay si Joey sa akin.

Tumango agad ako. "Nagpunta ako sa school niyo nong isang araw." Hindi ko na kailangang dugtungan iyon. Sa mga tingin nila sa akin ay alam kong alam na nila kung ano ang nangyari.

Tumango si Warren at uminom ng juice, pinaglalaruan ang baso. Si Joey ang bumasag sa katahimikan. "He's kind of, I mean, really mad at you. Hanggang ngayon."

Nanliit ang mata ko at humilig sa mesa para makarinig pa ng husto. "Talaga? Paano niyo nalaman? Minumura niya ba ako?"

"Actually, no. He doesn't even talk about you. Like you never existed at all." Pinaglaruan ni Warren ang straw at hindi man lang ako tiningnan.

Bahagya akong natigilan roon. Alam kong galit siya. At siguro ay natural lang na kalimutan niya ako.

"He's courting Coreen." Diretsong sinabi ni Warren at nag angat siya ng tingin sa akin.

Dahan dahan ang pagtango na ginawa ko. Para bang unti unti kong pinoproseso ang isang katotohanang dapat ay alam ko na noon.

"Are you okay?" Seryosong tanong ni Warren.

Ngumiti ako, "Of course. So? Talo ba si Rozen?"

Ngumiti si Joey sa akin. "I guess so. Coreen likes Noah. Alam mo 'yan. Kung patay na patay ka kay Noah noon, si Coreen din naman. And she's pretty. Hindi siya mahirap magustuhan kaya rin siguro nong umalis ka at napansin niya si Coreen ay nagka interes na siya nito."

"Bakit hindi pa nagiging sila?" napatanong ako.

Nagkibit balikat silang sabay. "Well," tumikhim si Warren. "I'm not sure if he really si courting her pero lagi silang magkasama nitong mga nakaraang buwan. Nag di-date o di kaya ay sa school."

Lumunok ako, "Masaya ba si Noah?"

Nag angat ng tingin si Joey sa akin. "Alam kong hindi kaya ni Noah'ng mag panggap na gusto niya ang isang tao at masaya siya roon, Meg. You know that."

Bumagsak ang tingin ko sa baso ng juice ko. Inikot ikot ko ang straw at binali bali ito.

"I know you're still into him, Meg." Sambit ni Warren. "And I can't blame Noah for falling out of love. You left him."

"I broke his heart. I know." Kinagat ko ang labi ko. "At least naging malaya siyang pumili habang wala ako. Malaya siya."

Tumigil ako doon. Dahil may kirot akong naramdaman sa aking puso. Kirot na itinago ko ng husto. Hinanakit na kahit anong gawin kong pagtago ay hindi nawawala.

Dahil alam ko sa sarili ko na umaasa parin ako. Kasalanan ko, oo. But if his feelings for me were true, if it was real, then he'll be loyal to me. Kahit na wala ako! Kahit na hindi kami! But it's too much to ask for that because I broke his heart. May karapatan siyang magmahal ng iba at magtanim ng galit sa akin. May karapatan siyang kalimutan ako. Ngayon ako naman ang nanghihingi ng karapatan ko. Karapatan kong kalimutan siya!

God has cursed me for hurting His gift to women. Sinaktan ko si Noah Elizalde kaya magdurusa ako habang panahon. Dahil kahit saan ako lumingon sa US ay hindi ko siya makalimutan.

"I really don't get it. Bakit nagpapatattoo ng pangalan ng girlfriend? Makakalimutan din nila iyan, masisira lang ang alaala at 'yong balat nila pag nagkahiwalayan na." That was Everlyse's reaction to those who got inked.

Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpatattoo. This is to remember that Noah will always be a part of me no matter what. At sana rin ay tama si Everlyse, na baka balang araw ay pagsisihan ko ang pagpapatattoo ko nito. Na balang araw ay patatabunan ko 'to ng bagong tattoo at tatawanan ko na lang 'yong lintik na pangalan ni Noah sa upper abdomen ko.

"Sakit ng likod ko," sambit ko habang tinutusok ng daliri ang aking batok. Gusto kong magpamasahe. Kaya ayaw ko talaga sa byahe ay dahil sumasakit ang kabutuhan ko. Probably signs of aging.

Hinawi ko ang buhok ko habang tinitingnan si Everlyse at si Carlos na nagpupunasan ng pawis ng isa't-isa.

"Oh love, such a sweet, sweet thing." Nangiti ako.

Pinandilatan lang ako ni Everlyse habang humagalpak lang si Carlos. Love birds.

Pagkaapak ko sa hagdanan namin ay halos tumakbo ako papasok. Ilang taon na rin akong hindi nakakabalik. Dahil hindi na maintain ang bahay nina Everlyse ay dito muna sila titira ni Carlos sa amin. Pina renovate kasi iyong bahay nila last month after ilang taon. Ang bahay naman namin ay simula nang bumalik si mommy at daddy dito 3 years ago ay nagkaroon na rin ng ilang renovations kaya halos hindi ko iyon makilala.

"Saan ka pupunta, Meg?" Sinundan ako ni Everlyse nang pumasok ako sa bahay at hinaplos ang aking grand piano na nandoon parin hanggang ngayon.

Nag iba man ang hitsura ng aming sala ay naroon parin ang paborito kong piano. Hinaplos ko ang mga puti at itim na keys habang naririnig ko ang yapak ni Carlos at Everlyse, papasok sa bahay.

"Maghahanap ng trabaho," sabi ko at nilingon ko sila.

"Bullshit." Nagtaas ng kilay si Everlyse sa akin at humalukipkip. "I heard you. Sa bathroom ng NAIA."

Ngumiti na lang ako at dumiretso sa grand staircase namin. "Because he offered me a training, that's all. At baka rin may ideya siya saan ako magandang mag trabaho."

Umiiling na si Everlyse habang sinasalubong siya ng nagtatanong na mga mata ni Carlos. Kinwento niya yata ang nangyari kaya tumigil siya sa pagtatawag sa akin.

Dumiretso ako sa kwarto kong ganon parin. Puti ang dingding at kulay gold at white ang makakapal na kurtina. Naroon na ang aking mga bagahe at inisip ko pa na kailangan ko nga palang mag unpack. But I can't, right now. I have an appointment.

Mabilis akong naligo sa bathroom at namili ng kahit anong susuotin. Napili ko ang itim na dress at nagpatuyo ng buhok. Hindi na ako nag abalang mag suklay at agad na akong naglakad palayo sa kwarto ko. Sa baba ay wala na si Everlyse at Carlos, siguro ay abala sa kwartong ibinigay sa kanila.

Tumunog ang cellphone kong nasa purse ko. Luminga ako at naghanap ng magagamit na sasakyan.

"Megan, you didn't call. Akala ko delayed ang flight niyo?" I heard my mom's stiff tone. Siguro ay nasa opisina siya.

"Uh, yup. Mom, pagamit ng sasakyan." Bumalik ako sa bahay para mag hanap ng katulong na maaaring makapag bigay sa akin ng susi.

"Aalis ka? Kakarating niyo lang ah? For what reason, Megan? And it's 6 in the evening! Why don't we have dinner instead?"

"Makikipag kita ako sa kaibigan ko. He's offering me a training for business-"

"Bakit pa kasi hindi ka nag business."

Uh-oh, here we go again. "My, now is not the time. Now you tell me which car?"

Sinenyasan ko ang katulong na nakita ko at pinaghintay ko siya sa sagot ni mommy.

"Gabi na! For God's sake! Don't you party and drink! Why don't you bring Everlyse and Carlos with you?" Frustrated niyang linya.

"Naghahanda sila. Uuwi yata sila sa Nueva Ecija para ma meet ni Everlyse ang pamilya ni Carlos na nandon."

"It's not till next week. Megan..." May pagbabanta sa boses niya.

"Come on, mom. Hurry up! I'm late! Kailangan kong makipagkita. It's business. And maybe makapasok ako sa isang advertising company. Just let me go."

Sinagot niya ako kung aling sasakyan ang dadalhin ko para sa lakad kong ito. Mabilis kong kinuha ang susi na nasa kamay pa ng pinuno ng security guards sa bahay namin. Dumiretso ako sa kotse at pinaandar ko na iyon. I missed mom and dad but I'll see them later tonight. I just need to see Rozen Elizalde for that stupid offer of his.

Ipinarada ko ang sasakyan sa isang high end na restobar. I say it's high end because it's near the vicinity of the new high end buildings here in Quezon City. Sinulyapan ko ang aking wrist watch at nakitang late nga ako. Well, it's just Rozen Elizalde anyway.

Pumasok ako sa isang madilim na restobar at agad na binalot ang aking tainga ng isang boses ng babaeng napakalamig. Tumitig agad ako sa kumakantang naroon sa harap. Dalawa sila, 'yong isa ay medyo sexy at matangkad at ang isa naman at petite at simple. Pasalit salit ang kanta nila at halatang may mataas at buong boses iyong sexy kumpara sa malamig at mababaw na boses ng payat.

"You're late." Dinig kong sambit ni Rozen galing sa malapit na mesang naroon.

Nilingon ko siya at nakita kong nasa harap niya ang isang bote ng mamahaling champage at may tatlong kopitang naroon. Ang isa ay 'yong iniinuman niya at ang isa ay 'yong pinag sasalinan niya.

"There you are." Ngumisi ako at umupo sa kanyang tabi.

Nilapag niya sa harapan ko ang pinagsalinan niya. Tinanggap ko ito at ininom ng diretso. Tiningnan ko siya at hindi ko maipagkaila ang hawig nila ni Noah. Damn that shit he reminds me of Noah Elizalde. Nag iwas na lang ako ng tingin.

"Dinner?" Tanong niya.

"Yes, please. But we'll talk. I can't stay late. Kakarating ko lang. My parents will kill me," sabi ko sabay kuha sa menu at naghanap ng makakain.

Pagkatapos ng isa pang kanta at pagkabigay ko ng menu don sa waiter ay pumalakpak si Rozen kasabay sa mga audience na naroon. Ipinagkibit balikat ko iyon. Hindi ko alam na mahilig pala si Rozen sa ganitong mga restobar. I thought clubs are his thing.

"Well done!" Tawag ni Rozen sa isang papalapit na babae.

Kumunot ang noo ko at pinanood ko iyong babaeng nakatingin sa akin ngunit palapit kay Rozen. She's cute, I give her that. Maputi, makinis, payat, at medyo maigsi. Hinawakan ni Rozen ang kanyang kamay nang nakarating sa gilid niya. Ito iyong babaeng may malamig na boses. Nilingon ko ang magaling niyang kasama na dumiretso sa isang table kung nasaan may ilang mga kasing edad niyang nakaupo at nakipag tawanan na.

"This is Megan Marfori, by the way. An old friend," ani Rozen.

Ngumiti ako at tumingin sa babaeng medyo may bahid na pagdududa sa mukha. "Nice meeting you," naglahad ako ng kamay.

"Leonore Batungbakal." Malamig na sinabi ng babae.

Her name's primitive. Well, she's cute. Must be one of Rozen's girls. Oh wait? Hindi ba ay may gusto ito kay Coreen? Well, Coreen's with Noah so...

Kinindatan ko si Leonore, "Ikaw pala ang kasama namin sa table. That's why there were three wine glasses. I'm sorry to intrude. Hindi ko alam na magsasama si Rozen ng ibang babae sa pagkikita namin."

Napasinghap si Leonore at napatingin sa nakangisi at wala sa sariling si Rozen. Ngumiti ako ngunit ilang sandali ang nakalipas ay napagtanto kong mali ang sinabi ko. Oh god, Megan, you tactless idiot!

"Oh I didn't mean that-"

"Excuse me," ani Leonore at agad nang nagmartsa palayo.

Sinundan ng tingin ni Rozen si Leonore bago bumaling sa akin ng nakakunot ang noo. Oh I've done it! And Rozen's such an embecile. Ni hindi niya na kuha kung bakit nag walk out ang babae niya. I need to explain it to her but right now I don't have time.

"What did you do?" tanong ni Rozen.

"Oh well, you can win her back anytime. I trust in your abilities. Bilisan mo na nga at nang makaalis na ako. I don't have much time."

Luminga linga si Rozen, hindi mapakali sa nawawala niyang babae. Nagkibit na lang ako ng balikat at hinintay ang paglalapag ng pagkain ko nong waiter na nautusan. Kumalam ang tiyan ko at kumuha agad ng kutsara at tinidor.

"The hell, Megan!" Hindi parin siya kumalma sa paglinga.

"Well if that was Coreen, pagkaalis na pagkaalis niya pa lang, binaliktad mo na ang mundo." Ngiti ko at tinusok ng tinidor ang steak na nasa plato ko.

Tumikhim siya at bahagyang kumalma bago ako nilingon. "Condolence nga pala." Naririnig ko ang panunuya sa boses niya. "Coreen's with Noah. Hindi pala kaya ng damit mong 'yan ang katigas ng ulo ni Noah eh. Is that all you got, Meg?"

Ngumiti ako nang di siya nililingon. "Condolence din sayo. Di pala kaya ng katawan mong paamuin si Coreen. You don't even make her legs tremble at all, Rozen. At least Noah can make my legs tremble so bad..." nanunuya kong sinabi sa kanya.

Umigting ang kanyang panga at humalpak na lang ako bago sumubo.

"Just give me the information I need and I'll go. Find your new damsel in distress-"

"You're not gonna win Noah back?" tanong niyang seryoso.

Natigilan ako. Sumimsim ng champagne bago siya tiningnan ulit. "Kung mahal niya si Coreen, then why should I?"

Natigilan si Rozen. May kaonting kirot sa puso ko sa sinabi ko sa kanya. Pareho siguro kami ng nararamdaman and I don't like where this is getting.

"Kung pinapunta mo ako dito para magkaroon tayo ng kasunduan na kunin ko si Noah at kukunin mo si Coreen, well guess what? I'm not up for it."

Nagtaas siya ng kilay. "Oh well, let's go straight to the point then..."

Pinanood ko siyang kinuha ang kanyang cellphone. Nagpatuloy ako sa pagkain at naghintay ng kanyang sasabihin.

"There's this big advertising company. Kilala ko 'yong anak ng may ari. Pwede kang kunin but you will need training," ito ang sinabi niya sa akin kanina nang tinawagan niya ako pagkalapag ng eroplano sa Pilipinas.

"Sinabi mo ba kung saan ako galing? Not that I'm bragging, Rozen-"

"This is a big international advertising company, Meg."

Tumango ako at pinagpatuloy siya.

"Mas gusto nila 'yong may background sa business kahit six months. You'll undergo training or internship. I don't know how but that's from my source. I'll send you the docs you need to know, the name of the company and all the other information you will need. Give me your email address."

Ibinigay ko nga sa kanya. Sa cursong kinuha ko na Digital Communications and Media, talagang sa mga advertising company 'yong bagsak ko. Habang nandyan pa naman si mommy at daddy para sa business ay kailangan kong lumikha ng sarili kong pangalan sa sariling industriya na gusto ko. Nong una ay ayaw pa ng dalawa na kunin ko ang kursong ito pero dahil medyo malapit na rin naman ito sa business namin ay pinayagan rin ako kalaunan.

"And I'll send you the list of Noah's gigs," mapaglaro ang ngiti ni Rozen. "I know you miss him."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Send it to me too. Pupunta ako. Manonood. I miss the band."

"He'll pee in his pants the moment you walk inside those bars, Megan." Tumawa si Rozen at dumungaw ulit sa kanyang cellphone.

"He won't. He's got Coreen," gotcha, Elizalde.

Nag angat siya ng tingin sa akin. "Mahal ako ni Coreen."

Ngumiwi ako. "Kiss my ass."

"No, really." Seryoso niyang sinabi. "She told me."

"Coreen loves Noah. That's the fact." Umirap ako.

"She got over him. I'm kind of mad at her so..." Luminga ulit siya.

Nanliit ang mga mata ko. "Does this mean... nagmamahal si Noah sa isang babaeng mahal ka, Rozen?" Tumaas ang boses ko.

Continue Reading

You'll Also Like

103K 5 1
A feisty teenage girl receives an alarming threat from someone called Black Cat, hinting at a mysterious accident from the past that caused a chain r...
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...
49.8M 934K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...