Queen Of Darkness

By lietotooot

633 88 3

Purple Lockheart, also known as Purple Leondell, is sent back to the Enchanted World by her known parents due... More

FOR READERS
The Destined Queen
1: The Beginning
2: Your Quesa
3: Encounters
4: Protectors
5: First Day
6: Her Fight
7: Clash
8: Punishment
9: Nine-tailed Fox
10: Lost City
11: Unknown Feelings
12: Dorothy Zion
13: A Threat
14: Secrets
15: Camp fire
16: Seek of Answers
17: Unveiled Secrets
19: The Queen
20: Emotionless
21: Never
22: Epiphanies
23: Veil of Shadows
24: Luminous Confrontation

18: Duel 2

14 3 0
By lietotooot

Chapter 18.

Duel 2

PAGKApasok namin ng stage ay naramdaman ko ang pagkaroon ng force. Sa kabilang banda ay pumasok rin ang makakalaban namin. Sa sinabi kanina ay galing rin silang Grey Class.

Pamilyar sila pero hindi ko sila kilala, wala rin naman akong pake sa kanila.

Pagkaputok ng baril ay tumahimik na ang paligid. Hindi na rin namin nakikita ang mga nanunuod. Nagtanguan kaming dalawa ni dorothy.

"Akin si Qia, sayo naman si Brenna" aniya.

Mabilis siyang lumapit sa babaeng kulot ang buhok, I guess yung babaeng matangkad iyong Brenna. Lumingon ito sa'kin saka siya ngumiti ng nakakaloko. Binalewala ko lang ito saka naghanda.

Hindi ko alam kung anong quesa ang meron siya, kaya kaylangan ko ring mag-ingat. Galing sila sa Grey class kaya hindi ko rin silang pwedeng maliitin.

Mabilis itong nawala na tila isang kuryente, agad akong kumalma, nagulat ako ruon. Nag sariling tumutok ang kamay ko sa kung saan siya mabilis na lumitaw, it creates a loud imapact. She has her weapon, which is the axe.

"Show me your full power" bulong nito sa hangin ng mabilis na naman itong nawala.

Sa inis ko ay agad akong sumeryoso. Ayaw na ayaw ko ng ganitong klaseng laban. Tago ng tago! Nahuli ko ang galaw nito. Mabilis akong lumitaw sa likod niya, hinablot ko ang buhok nito saka siya itinapon ng malakas, tumama ito sa barrier, kaya malakas na sumigaw ito.

Dahan dahan akong naglakad sa kung saan siya, namimilipit ito pero nagawa niya paring tumayo, umilaw ang mga palad nito saka itinutok sa'kin. Nakaramdam ako ng vibration sa buong katawan ko, hanggang sa namimilipit na ako sa sobrang init.

Shit! Shit! Ano quesa ito? Sa sobrang sakit ay napasigaw na ako,  ramdam ko pag kulo ng dugo ko sa pwersa na gustong kumawala sa'kin. My body got triggered. I can feel my eyes trying to shift to its original color! No!

Councils are watching me, everyone are watching me, hindi nila pwedeng malaman. Pinilit kong labanin ang init na dumadaloy sa katawan ko. Kinuyom ko ang palad ko saka tumayo. Tinaas ko ang kamay ko saka ito itinutok sa kalaban.

Itinaas ko ang kamay ko dahilan ng pagka angat rin nito, My eyes became dark, sinakal ko ito ng mahigpit, hindi pa nakuntento ay tinapon ko ito ng malakas. Itinutok niyang muli ang palad niya sa'kin. Iwinasiwas ko lang ito kaya sa kalaban ni dorothy ito napunta.

Lumapit ako sakanya saka siya hinintay na makatayo. Kahit na marami na siyang sugat ay sumugod parin ito sa'kin. Mabilis kong nahablot ang kamay niya, inikot ko ito ng bahagya. Malakas na tunig ng buto ang narinig ko. Agad ko siyang tinitigan sa mata.

'Yes dear, look at me, and from there you can experience hell for a seconds' sabi ko sa utak ko.

Nanginginig itong nakatitig sa mata ko. Afraid to what she's watching right now. Yeah like that. I soptted her weakness, ang kanhang natitirang kapatid na namamatay habang kinakain ng isang demon. Napaluhod ito habang umiiyak.

"You're evil! Tama na please" aniya. Humahagulhol na.

Matamis akong ngumiti. Inangat ko ang palad ko saka nagpalabas ng kuryenteng apoy saka ito itinama sa kanya. Humandusay ito. Yes, I'm evil. Pero hindi ko kasalangang mahina siya. Pagka angat ko ng tingin kay dorothy ay tapos na rin pala siya. Ngumiti ito sa'kin. Sabay kaming lumabas ng cage. Naghiyawan ang mga manonood. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganuong kasakit na quesa. Its like I experience the hell itself. Kung hindi ko napigilan iyon ay malamang abo na ako ngayon. That vibration she got is for high level....

'Too bad, ang hina hina ng loob niya'

"Kamusta ang kalaban?" tanong nito habang naglalakad kami pabalik sa upuan namin.

"Okay lang." sagot ko.

"Narinig kitang sumigaw, humihina ka yata?" Sabi nito.

Matalim ko siyang tinitigan, hindi nagustuhan ang sinabi. Anong karapatan niyang sabihan ako niyan?

"Stop it!"

Napapikit agad ako ng mata ko. Shit! Humihingal ito at pinagpapawisan. This is what I hated. Minsan hindi ko namamalayang nagagamit ko na pala ang quesa ko. Ginagalit niya kasi ako, kasalanan niya.

"It's your fault!" mataray kong sabi.

"Binibiro lang kita! Grabe ka!" asar niyang sabi.

Pagkarating namin sa banda nila Deliah ay sinalubong nila kami ng isang ngiti. Tahimik akong umupo. Hindi ko talaga inaasahang andito siya. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari.

Pinakatitigan ko si Xhye na nasa kanan ko. Tahimik itong nakatingin sa harap. Lumingon ito sa'kin ng maramdamang nakatingin ako sakanya. Tumaas ang kilay nito sa'kin.

"May gusto ka bang sabihin, Purple?" tanong nito. Saka tumimgin muli sa humarap. Iniiwasan ang malamig kong titig.

"Wala lang. Mukhang nagiging palaban ka na. Akala ko kasi talaga nung una, mahina ka." may halong insulto kong sabi saka ngumisi.

Nanigas ito saka patagong kinuyom ang palad niya. Tumango ito saka ako nginitian.

"Oo nga eh! Kinakabahan na nga ako mamaya eh. Sana huwag masyadong seryosohin ni Deliah. You know hindi ako mahilig makipagsabak at makipag away." aniya.

Ngumiti ako sa kanya. "Kaya mo yan, ikaw pa. Goodluck." sabi ko na lang. Tahimik lang si Deliah sa tabi ni Dorothy.

Maglalaban kami ni Dorothy mamaya. Minsan ko palang siyang makitang makipag laban. Hindi na nasundan. At hindi ko alam kung gaano nga siya kalakas.

Tahimik kaming nanuod sa mga laban. Pumasok sa round 2 ang mga protectors. Wala ng duda yun.    Hindi na rin ako nagtaka sa laban nilang lahat. Ang lalakas nila. Lalo na ang tatlong babae. Si Gashina, Nikki, at Zane. Nakakapagtaka lang dahil hindi nakipag laban si Bluwest.

Ang mga maiiwan sa Round 3 ay maglalaban laban. Ramble na iyon. Hanggang sa dalawa na lang ang matitira at kikilalanin na malakas. Pero sabi sa akin ni Dorothy kanina sa kabilugan ng buwan iyon gaganapin. Para raw makapag ensayo pa raw ng mabuti. Dalawang araw bago ang kabilugan ng buwan.

Kasalukuyang naglalaban ang huling grupo ng biglang lumindol ng malakas. Gulat na gulat ang lahat. Malakas ang pinsala dahil ang mga bench ay nahati o kaya ay nag crack. Maraming uwak ang nagsiliparan. Agad akong kinabahan.

Tumayo ako maging sila Dorothy. Nakita kong nag uunahan na sa pag handa ang lahat. Maya maya ay yumayanig na naman ang lupa. Lumitaw ang isang napakalaking halimaw, pula ang kutis nito at may mga tusok tusok sa likod. May sungay itong napakalaki at matutulis na ngipin.

"Shit!" gulat na sambit ni Dorothy.

"Nalaman na nila!" sabi nito sa'kin. Sa tingin niya palang ay naintindihan ko na ang nangyayari. Galing itong halimaw na ito sa Underworld.

Nagulat ako ng lumitaw sa tabi ng halimaw si Yaji. Ang Nine-tailed Fox. Tumawa ito ng matinis dahilan ng pagtatakip ng lahat sa kanilang tainga. Agad kong nilagyan ng panangga ang tatlo kong kasama.

Lumitaw si Headmaster Ricardo at ang talong councils sa entablado. The faculties and teachers are ordering everyone to go back to their dorms.

Nakapasok na ang lahat, kaming apat, ang Headmaster , Councils at ang mga Protectors na lang ang naiwan. Hindi kami nakita ng mga teachers dahil nasa invisible barrier kami na gawa ni Deliah.

Hinarap ko si Xhye, agad ko siyang pinatulog sa bangungot. "Anong ginawa mo sa kanya?" gulat na tanong ni Deliah.

"Traitor." sabi ko. Lumapit kami para marinig ang pag uusap ng councils  at si Yaji.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isang matandang babae, na nag ngangalang si Dacota. She got a Killing quesa. She can kill quesa sa isang pitik lang.

Tumawa muli si Yaji, she spread her white nine-tailed snake, saka ito umangat.

"Dacota, its nice to meet you again! Anong ginagawa ko rito? May dinadalaw lang ako rito," makahulugan nitong sabi.

Humakbang ang halimaw saka inatake ang Councils. Mabilis naman ang galaw ng mga ito para umiwas. Umangat si Dacota saka nagpalabas ng kulay asul na liwanang sa halimaw. Umalingawngaw ang boses ng halimaw. Nagalit ito kaya inihampas ang matutulis nitong buntot sa isang puno. Agad itong itinalsik ng isa pang Council sa kabilang banda ng maputol ito.

"Nakakamagha, dahil tama ang iniisip ko. Buhay ka pa nga, ano ang dahilan ng pagpapakita mo rito?" aliw na tanong ng Lalaking Council na si Don. Fedrick.

Ngumisi si Yaji. Nasa anyong halimaw siya. Ang matutulis nitong ngipin at mapulang labi. Matulis na mata na makapag ang eye shado. Litaw rin ang mamahabang tainga nito. Maarte itong bumaba saka humakbang palapit.

"Nakakatuwa na wala kayong kaalam-alam. Hindi niyo manlang naramdaman na andirito siya" aniya saka ito tumawa ng malakas.

Nagkatingin ang councils at ang Headmaster. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Dacota.

"Nandito siya. Naaamoy ko siya." sabi pa nito.

Agad akong kinabahan. Shit! Bakit ba kasi hindi ako nag-iingat, pag nalaman nilang ako ang reyna tiyak na wala akong option kundi bumalik sa Underworld at pamunuan ang nasasakupan ko.

Nanlaki ang mata ko ng kumingon ito sa banda namin. Tumitig ito sa mata ko saka siya ngumiti. Nanigas ako sa kinatatayuan ko! Imposible! Nakita niya ako!

"Bakit hindi ka lumitaw? Bakit ba palagi kang nagtatago, hindi mas magandang harapin mo kami?" malakas nitong sabi.

Kinuyom ko ang mga palad ko. Tama siya! Bakit nga ba ako nagtatago rito, alam kong ako naman ang intensyon niya rito. At sisiguruduhin kong hindi siya magtatagumpay. Kung nabigo ang naunang reyna sa pagparusa sa kanya puwes ako mismo ang papatay sa kanya.

I transformed to my deadly gorgeous image. Kung paano inihambing sa libro ang Reyna ng Kadiliman.












Continue Reading

You'll Also Like

280K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...