When It All Starts Again

By LenaBuncaras

634K 32.4K 4.7K

Anim na taon mula nang magbago ang nakalakhang buhay ni Stella Daprisia, inisip niyang isang malaking pagkaka... More

When It All Starts Again
Chapter 1: Boredom
Chapter 2: The Chance
Chapter 3: The Time
Chapter 4: Past is . . . Past?
Chapter 5: Same Old Brand New
Chapter 6: Freedom Speaks Louder
Chapter 7: The Experience
Chapter 8: The Talk
Chapter 9: The Beast
Chapter 10: Changes
Chapter 11: Regrets
Chapter 12: The Present
Chapter 13: Assurance
Chapter 14: The Conclusion
Chapter 15: Bullied
Chapter 16: Saves the Day
Chapter 17: Que Sera, Sera
Chapter 18: Finding Answers
Chapter 19: Bully and Bullied
Chapter 20: Angel...oh
Chapter 21: Special Request
Chapter 22: All I Want For Christmas
Chapter 23: Say Cheese
Chapter 24: Parlor Games
Chapter 25: The Beauty and the Beast
Chapter 26: Angel Wings
Chapter 27: Failed Future
Chapter 28: Chocolates
Chapter 29: Broken Wings
Chapter 30: Hated Garden
Chapter 31: Trails of Future's Past
Chapter 32: Apologies
Chapter 33: Common Factors
Chapter 34: Busted
Chapter 35: Visitor
Chapter 36: Birthday Party
Chapter 37: The Promise
Chapter 38: The Father
Chapter 39: Unexpected Friends
Chapter 40: The Sad Present
Chapter 41: Flash . . . Back
Chapter 42: The Pocket Watch's Owner
Chapter 43: Worst Day Ever
Chapter 44: Meant To Be
Chapter 45: Redemption
Chapter 46: Acceptance
Chapter 47: Stalker? Admirer.
Chapter 48: Family Problems
Chapter 49: Remembering Me
Chapter 50: Mind Twist
Chapter 51: Surprises
Chapter 52: Last Day Remembered
Chapter 53: Tracked Changes
Chapter 55: Unforgettable Memories
Chapter 56: Graduation
Chapter 57: Ex-Best Friends
Chapter 58: Family. Friends.
Chapter 59: He Came
Chapter 60: Lost and Found
Chapter 61: Fairest of Them All
Chapter 62: She's the One
Chapter 63: Prom Queen
Chapter 64: All's Well That Ends Well
Chapter 65: Homecoming
Chapter 66: Drunk Confession
Chapter 67: The Pocket Watch
Chapter 68: Her Last Chance
Chapter 69: Reconcilliation
Chapter 70: Happy Ending
After Story
Philip (Part 1)
Philip (Part 2)
Philip (Part 3)
Philip (Part 4)
When It All Starts . . . Again

Chapter 54: Sweet Revenge

4.5K 335 34
By LenaBuncaras

Hanggang ngayon, takang-taka pa rin ako kung bakit ngayong birthday ko ako dinala ng pocket watch. Huling memorya ko sa araw na ito, ngayon iyong sinira ni Chim ang angel wings neckalce ko tapos nagkasakalan kaming dalawa. Asa naman siyang mauulit iyon ngayon.

"Kuya AJ," pagtawag ng estudyante sa kabilang year na sumilip sa pinto ng room, "tawag kayo ni Ma'am Amy sa faculty room. Dala ka raw ng kasama. Patulong daw magbuhat ng upuan."

Naglingunan kami sa puwesto nina AJ. Kasama niya kasi sina Gelo, mga naglalaro ng PSP. Tumayo na rin sila at inakay niya ang tatlo—sina Carlo, Jasper, at Gelo.

Ngayon, parang alam ko na kung bakit wala sila sa eksena noong huli akong bumalik.

Ako lang ang bukod-tanging nasa first row nang mga oras na iyon na malapit sa pinto. Pagdaan ng apat, kanya-kanyang hawak na sila sa akin. Si AJ, saglit akong hinawakan sa bumbunan. Si Jasper, nakipag-fist bump. Si Carlo, kinurot ako nang bahagya sa pisngi sabay sabing "Happy birthday, My loves!" Sinapok tuloy siya ni Gelo.

"Girlfriend mo? Iyo, ha? Iyo?" reklamo pa ni Angelo sabay simangot sa akin. Dinuro pa ako saka nagsabing "Ako yung boyfriend mo. Pumapayag kang tawaging My loves ng ipis na 'to?"

"Gelo, mamaya na 'yan!" singhal ni Jasper saka hinatak itong isa palabas ng room. Naririnig ko pa silang nagkakantiyawan sa hallway pag-alis nila.

Aminado naman ako na noong high school days ko, silang apat ang never ko talagang naabot kahit na ano ang gawin ko—liban kay Carlo na talagang lumalapit sa akin kahit panay ang iwas ko. Nagtataka pa rin ako kung bakit napunta ako ngayon sa araw na ito.

Pag-alis pa lang nila, nakarinig na kami ng pag-urong ng upuan sa likuran. Paglingon ko, mukhang lalapitan na naman ako ng apat na maldita.

A, ito pala ang nangyari. Kaya pala ako nasabihang malandi. I see. Dapat ko nang ihanda ang sarili ko sa mga susunod na mangyayari.

Pagtapat na pagtapat sa akin ni Chim, agad ang halukipkip niya sabay taas ng kilay. Habang tumatagal, naiintindihan ko na ang dahilan kung bakit siya nag-aastang ganyan sa akin.

"Malandi ka talaga kahit kailan," sabi pa ni Chim nang sobrang diin.

"Pokpok ka! Pokpok!" dagdag agad ni Jane.

"Akala mo naman kung sinong maganda?" sabi pa ni Arlene.

"Oo nga!" panapos ni Belle.

Kailangan talaga, kapag nagsalita ang amo, may sasabihin ang mga alipores.

Ito ang dahilan ng pagtatalo namin noon ni Chim. Alam ko na ngayon ang dahilan.

Komportable akong sumandal sa upuan at tiningnan siya nang diretso sa mga mata.

"Dismayado ka ba kasi hindi ka pinili ni AJ?" seryoso ko pang tanong na nagpabago ng timpla ng mukha niya. Tama pa yata ako ng naiisip.

"Pinagsasasabi mo?" sigaw niya sa akin at halos pandilatan ako ng mata.

"Kasi ang alam kong sinasabi mo, wala akong kuwenta," sabi ko pa sabay hilig ng ulo sa kanang gilid para sukatin siya ng tingin. "Pero bakit parang sa lahat ng walang kuwenta, ako lang yata yung parang affected na affected ka?"

Umamba siyang may sasabihin at gigil na gigil pa pero walang lumabas na kahit ano sa bibig niya. Pansin naming lahat ang bigat sa paghinga niya na parang may sinabi akong nakakaubos ng pasensya.

"How dare you!" tili pa niya at sobrang sakit sa tainga. "Ang kapal ng mukha mo!" Sinugod niya ako at akmang sasabunutan pero reflex ko na ang nagkusang umiwas at napaalis agad ako sa kinauupuan ko. Tumakbo ako papunta sa may teacher's table.

"Bakit? Iniisip mo ba, pipiliin ka ni AJ, ha?" bintang niya habang pinanlalakihan ako ng mata. Unang beses yata naming makita si Chim na umabot na sa sukdulan ang inis—unang beses mula nang maging kaibigan ko siya. Ang taas ng kilay niyang ginuhitan at kitang-kita sa mata niya ang labis na pagmamaldita. Makikita ngayon ng lahat ang tunay na ugali niya.

"Ako ba ang nag-iisip niyan o ikaw?" tanong ko sabay ngisi. Huwag niya akong hahamunin ngayon, uulitin ko ang ginawa ko noong nakaraan sa kanya kung gusto niya. "Ako ba yung lumalandi kay AJ? Ako ba yung papansin? Ako ba yung feeling aso na buntot nang buntot sa kanya kahit obvious na ayaw niya sa taong 'yon?" Nagpamaywang pa ako. "Kasi, si AJ ang lumalapit sa 'kin nang kusa. Hindi ako."

"Aargh!" malakas ang sigaw niya at padabog na lumapit sa akin para sabunutan ako. Agad ulit ang takbo ko sa aisle ng room para makaiwas.

Pinanonood lang kami ng iba. Hindi nila alam kung aawat ba o hihintayin na lang kaming magsuguran.

"Malandi ka!" tili na naman niya at halos manggigil sa kinatatayuan. "Girls! Hawakan n'yo!"

Ito na ang go signal ng amo. Mukhang pagtutulungan na ako ng tatlo.

Kumuha agad ako ng libro sa katabi kong upuan at akmang ibabato iyon kay Belle na mabilis na nakalapit.

"Sige, lapit!" hamon ko pa. "Mga bully kayo! Akala n'yo, hindi ako lalaban?"

"Belle! Grab her! Ano pa'ng tinutunga-tunganga mo, isa ka pang tanga!"

Nakasimangot kaming pareho ni Belle. Sumugod siya, tatama ang hawak ko sa mukha niya.

"Belle, pumapayag kang tawaging tanga ni Chim?" tudyo ko at saka siya inilingan. "Alam mo, papansinin ka sana ni Jasper kung naging friendly ka lang, lalo na sa 'kin. Imagine, kung ako yung kasama mo at kinakaibigan mo, e di sana, close na sana kayo ni Jasper ngayon. Hindi mo na kailangang pigilan ang sarili mong makuha si Jasper dahil lang sinabi ni Chim."

Biglang namula si Belle pagkarinig niyon at parang kumalma na siya. Napalingon siya kay Chim sabay balik ng tingin sa akin.

"Paano mo nalamang—" pabulong pa niyang sermon sa akin. Mababasa agad sa mga mata niya na hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Mukhang nag-pa-panic na rin siya.

"Puwede ka namang mamili ngayon, Belle. Hindi ako o si Chim. Pero mamili ka kung si Chim o si Jasper."

Nakikita naming mga nasa likuran na mukhang hirap na si Belle mamili dahil sa sinabi ko.

"Isabelle!" tili pa ni Chim. "Ano ba!"

"Belle!" pagtawag pa ng dalawang nasa likuran niya.

Nagulat na lang kaming lahat kasi bigla-biglang tumakbo palabas ng room si Belle.

Puno ng pagtataka ang tingin nina Arlene at Jane. Hindi yata inaasahan ang nangyari. Napatingin tuloy silang lahat sa akin.

"Girls!" tili na naman ni Chim, mas lalong nanggigil ngayon. At mas lalong nalito ang dalawang naiwan kasama niya.

Tumakbo si Jane palabas para yata sundan si Belle. Si Arlene ang naiwan, at malas niya kasi mas malaki ako sa kanya. Si Belle lang ang kayang tumapat sa height ko. At kung pagbabasehan ang taas niyang hanggang leeg ko lang at laki kong doble ng kanya, ewan ko na lang kung hindi siya mapilayan sa posible kong gawin.

"Chim . . ." paghingi pa niya ng tulong sa kaibigan—kung kaibigan nga ba ang turing nito sa kanya.

"Isa ka pang walang kuwenta! Magsama-sama kayong mga buwisit kayo!" sigaw ni Chim at nagmartsa agad palabas ng room.

Lumingon sa akin si Arlene na halatang naiinis dahil sa nangyari. Ilang saglit pa, sinundan na rin niya si Chim.

Ang lakas ng pagbuga ko ng hangin at paglapag ng librong hawak ko sa upuan. Libro pa pala ni Allen ang nakuha ko at hindi ko ma-explain ang hilatsa ng mukha niya pagtama ng mga tingin namin.

Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad palapit sa upuan ko. Ang tahimik naming lahat, halatang shocked pa sa kung anumang nangyari ilang minuto lang ang nakararaan.

Nakatayo lang ako sa tapat ng upuan ko at nilingon ko ang labas ng pinto. Kung saan man napunta sina Chim, hindi ko na alam at hindi na babalaking malaman pa.

"Alam n'yo, si Chim," sabi ko pa sa kanilang lahat habang nakatingin sa labas, "siya yung klase ng batang nasobrahan sa aruga." Tumango pa ako at saka sila tiningnan lahat. "Sayang siya e. Maganda sana saka may utak kaso masama ang ugali."

Umupo na ako at ngayon ko lang naramdaman ang sobrang lakas na kalabog ng dibdib ko. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang kaba dahil sa nangyari. Late na nag-react ang katawan ko sa tensyon. Feeling ko, uminit bigla ang paligid at napapaypay ako nang di-oras.

Sakto ang pagbalik ng apat. Walang komosyon, walang iyakan, walang sumbatan. Tawanan pa sila nang tawanan nang makatapak ulit sa room.

"Hoy, Ste," pambungad agad ni Gelo at umupo sa tabi ko sabay akbay. Ang tamis ng ngiti niya sa akin. Napangiti rin ako. Hindi lang dahil nahawa ako sa ngiti niya kundi dahil walang dahilan para umiyak ako ngayong araw dahil sa nasirang pendant na regalo niya. "O, ba't pawis ka?"

Pinunasan niya ang noo kong may namuong pawis dahil sa nangyaring habulan kanina.

Kung alam lang niya.

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 754 27
Walang ibang hangad si Dra. Chenimeth Bayron kung hindi ang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga kapos-palad. Dahil dito, napagpasiyahan niyang su...
198K 5.8K 67
Catherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na...
193K 3K 42
Masagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malag...
345K 8.1K 26
Highest rank: #1 in Paranormal. 🌸 Book cover credits to Coverymyst.