The Charm

By sweet_aria

1.9M 69K 5K

[AGREZOR SERIES #1] Si Amity ay guro sa isang pribadong paaralan sa probinsya ng Rizal. Madalas masangkot ang... More

The Charm
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 35

27.6K 993 57
By sweet_aria

Chapter 35

Itinulak ko siya at tumayo. Lumabas ako ng faculty room dala ang bag at chocolates.

Tinahak namin ang kahabaan ng hallway na nasa likod ko lang siya. Pinakiramdaman ko siya.

"Ihahatid kita." Sinabayan niya ang mabagal kong paglakad. "Uuwi ba si Faerie ngayon?"

Isang linggo na lang ay birthday na ni Earl. Nagkibit-balikat ako.

Akmang lalagpasan ko ang parking lot nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanyang kotse. Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay namin.

Pagkarating namin sa sasakyan niya ay ako na mismo ang bumitaw. I didn't wait for him to open the passenger door for me. Ako na mismo ang gumawa n'on at pumasok sa kanyang Mustang.

All of a sudden I felt down in the mouth. Sumandal ako sa headrest at deretso lang ang tingin sa unahan. Ramdam ko ang mga mata niya sa akin pero hinayaan ko lang siya hanggang sa paandarin na niya ang sasakyan.

"Do you want something?" tanong niya habang tinatahak namin ang madilim na daan. "May gusto kang puntahan?"

Kumurap ako. Humugot ako nang malalim na hininga. "Gusto ko nang makauwi at magpahinga."

May kinalikot siya sa unahan at biglang tumugtog ang isang pamilyar na kanta. Tiningnan ko siya at nagkibit-balikat siya.

"Don't Know What to Do by Blackpink," he said.

Bumuntong-hininga ako at hindi napigil ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. "Paano mo nalaman na fan nila ako?"

"I did some research." Dumeretso ang tingin niya sa daan. "I want to make you happy when you're sad."

Napatitig ako sa mga mata niya. Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko.

"Maraming babae dyan, Sir. Sila na lang ang pagtuunan mo ng pansin."

Nilingon niya ako. Seryoso ang mga mata niya. "Maraming babae, pero hindi sila ikaw."

Napaiwas ako ng tingin. Ramdam ko ang matinding reaksyon ng dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"This is the first time I felt something like this." Sa peripheral ko ay gumalaw ang panga niya. "I was never honest with my feelings toward a person, but it's different when it's you."

Humigpit ang kapit ko sa strap ng seatbelt. Napagitnaan kami ng matagal na katahimikan hanggang sa itinigil niya ang sasakyan.

Hindi ko namalayan na nandito na kami sa gilid ng Tanay Park. Bumaba siya at wala na akong nagawa kundi sundan siya. Napatingin ako sa rebulto ni Rizal bago ko siya hinabol.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko.

Pinagtitinginan siya ng mga tao. Mariin akong napapikit.

Alam kong gwapo siya. Idagdag mo pa ang ganda ng lakad niya at ang pang-upo niya.

"Gusto ko lang," walang emosyon niyang sagot.

Pumasok kami sa park. Umupo siya sa isa sa movable benches sa pinakang tuktok. Dumekwatro siya at pinanood ang mga nagba-bike at nagi-skateboarding.

"Stop pushing me away, Amity." Kumurba ang taas ng kanyang labi. "Mas lalo lang akong nagiging desidido na maging akin ka."

My heart reacted the same. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa bilis ng tibok nito.

Tumingin ako sa stage. Gabi na, pero may nag-e-ensayo pa ng sayaw roon.

"Faerie is the last person, Sir." Malungkot akong ngumiti. "Siya ang huling taong ginusto kong papasukin sa buhay ko. Ayoko na na maging malapit pa sa iba without restrictions. Faerie is the only one who deserves to know everything about me."

"You are so unfair."

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero may bahid ng hinanakit ang tono niya.

"You are selfish."

Pakiramdam ko ay umangat ang ulo ko sa ere. Nilingon ko siya at titig na titig siya sa mukha ko.

"Hindi selfishness ang pino-protektahan ang sarili. Alam mo kung bakit? Kasi sa panahon ngayon, hindi mo alam kung sino ang totoo o hindi sa paligid mo. Madalas ng nakikita mo akala mo totoo, pero nililinlang ka lang pala."

Gumalaw ang panga niya. "Masyado naman atang pare-pareho ang tingin mo sa mga tao, Ma'am."

"That is not my point." Bumilis ang paghinga ko. "Ang ibig ko lang sabihin dito ay mahirap ng ipagkatiwala ang sarili mo basta-basta sa ibang tao."

Umayos siya ng upo at ipinatong ang mga siko sa kanyang mga hita. He intertwined his fingers and placed his chin on them.

"Once you open the door, there's no turning back. And as someone enters your life, it means you also give him or her the right to know everything about you including your weaknesses."

"That's it?" Nalukot ang noo niya. "Takot ka na malaman ko ang kahinaan mo?"

Napasandal ako sa upuan at mariing pumikit.

"Fuck it, Amity!" mahina pero malutong niyang mura. "Nagagalit ako pero gustung-gusto pa rin kita, tangina!"

Umawang ang bibig ko. Sinabunutan niya ang sarili.

"Wala akong pakialam sa kung ano pang sasabihin mo. Kahit gaano kahirap pipilitin kong makapasok sa buhay mo. I'll take the risks, witch. And I do what I say."

Tumayo na ako at binalewala ang sinabi niya. I felt him following me. Nasa gitna ako ng park nang pumulupot ang mga kamay niya sa bewang ko.

Hindi na ganoon karami ang mga tao. Mangilan-ngilan na lang, ngunit batid kong nakuha namin ang atensyon nilang lahat.

Hinapit niya pa akong lalo at isinubsob ang mukha sa gilid ng aking leeg.

"Don't you feel safe as I hug you like this?"

Tumindig ang balahibo ko nang dumampi ang mga labi niya sa leeg ko.

"Bitawan mo ako, Sir," pakiusap ko.

Sa kabila ng kilig ng mga nanonood sa amin ay pinilit kong alisin ang mga braso niya. Tumakbo ako palayo hanggang sa marating ko ang Mustang niya.

"Buksan mo 'to!" matigas kong sabi.

Nang nabuksan ang pinto ay agad kong dinampot ang bag ko. Tatalikod na ako ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko.

"Where are you going?" malamig ang boses niyang tanong.

Ang bilis ng paghinga ko. Pumalag ako sa hawak niya pero hindi niya ako binitawan.

"Uuwi akong mag-isa. Ayoko nang sumabay sa 'yo."

"Did I say something wrong?"

Hinarap ko siya. Mariin kong kinagat ang ibabang labi upang pigilin ang emosyon.

Umiling ako. Tiningnan ko ang hawak niya. "I just want to go home alone. Please, let me go."

He shook his head. Nanghihina ang mga tuhod ko sa tingin niya at gusto kong murahin ang sarili ko.

This was quite wrong.

"No." Binuksan niya ang passenger door at itinulak ako papasok rito. "Pag bumaba ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Mabilis siyang umikot at sumakay ng sasakyan.

Pinaandar niya ito. Wala kaming imikan hanggang sa nakarating kami sa apartment. Agad akong bumaba at sinundan niya ako.

"Anong nangyayari sa 'yo?" Halata sa mukha niya ang concern.

Binuksan ko ang gate at dumeretso sa pinto. Nang nakapasok kami ay hindi ko na napigilan ang sarili. Paulit-ulit ko siyang hinampas sa dibdib pero hinayaan lang niya ako.

"Ang hirap mong kausap!" Lumandas ang luha sa pisngi ko. "Sinabi kong lumayo ka na, 'di ba? Hindi ako makabubuti sa 'yo!" Tumigil ang mga kamao ko sa kanyang dibdib. Napatungo ako.

"Don't say that." He held my hands and stroke them gently. Hinila niya ako paupo sa sofa at pinaharap ako sa kanya. "My heart feels so good when you're this close. How can you say that you're bad for me?"

Hinawakan niya ang baba ko at hinagilap ang mga mata ko. Tipid siyang ngumiti at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

"I'm scared," I murmured. "Magiging katulad ka rin nila at natatakot ako."

"Who?" Hinaplos niya ang pisngi ko. "Hmm, Amity?"

Hindi ko siya sinagot. Nang wala siyang narinig sa akin ay hinila niya ang batok ko at niyakap ako nang mahigpit. Sumubsob ako sa mabango niyang dibdib.

Gusto kong kumawala pero wala akong lakas. Pagod na pagod ang pakiramdam ko at gusto ko na lang matulog. Hinaplos niya ang likod ko.

"What do you want for dinner?" he asked.

Umiling ako.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi pwedeng hindi ka kakain. Gusto mo bang masampal ulit ako ni Faerie?"

"Mas masasampal ka niya kapag nakita niya na niyayakap mo ako."

Humalakhak siya at para 'yong musika sa aking pandinig. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. "Kahit ilang sampal pa 'yan, ayos lang."

Nang medyo umayos na ang pakiramdam ko ay lumayo ako sa kanya. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mga mata.

"Sorry kung nasaktan kita," hinging paumanhin ko.

Ramdam ko na sumandal din siya.

"Hindi ako nasaktan. Mas masakit sa akin ang ipagtulakan ako palayo." He sighed. "I think I don't deserve that."

"You deserve that. You've hurt me a lot of times. Do you forget?" Nagmulat ako at pilit na ngumiti. "Judging me like how other people do? Masakit sa akin na mapagkamalang kabit ng lalaking tinuring akong anak."

Bumalik ang lahat ng sakit pero pinigil ko ang emosyon ko. Hindi siya nagsalita.

"Lahat ng tao ang tingin sa akin, kabit ni President. They think I want his money and Hasse Colleges." Mahina akong natawa. "Bakit kasi ganoon kadali na manghusga? Hindi n'yo ba alam kung gaano kasakit ang mga salitang binibitawan n'yo?"

Nilingon ko siya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagsisisi.

"Words are worse than physical violence." Muli kong iniwas ang tingin sa kanya. "Iba ang sakit na dulot ng salita kumpara sa sakit na dulot ng pisikal na pananakit. Hindi nagagamot. Habang buhay nandyan. Hindi 'yon tulad lang ng sugat sa katawan na gumagaling. Ang sugat na dulot ng salita ay hindi nakikita. Kapag naaalala, bumabalik ang sakit. Nananariwa ulit ang sugat."

Napalunok ako. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

"Maraming namamatay sa salita. Kaya sana mag-iingat tayo sa mga salitang bibitawan."

"I'm sorry," he said.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Naalala mo si Shine?" tanong ko. "Ang batang 'yon ang isa sa buhay na halimbawa ng sakit na idinudulot ng mga salita sa tao. She's suffering from an illness that most people do not understand. Pagkatapos ay nakarinig pa siya ng mga salita sa mga taong nakapalibot sa kanya na labis ang idinulot na sakit sa kanya." Tumungo ako. "People must be sensitive enough toward a person's feelings, because we don't know what he or she is dealing with. Hindi pare-pareho ang mga tao. Hindi tayo magkakapareho ng kung paano kayanin ang mga problemang pinagdadaanan. Minsan sa halip na tulungan mas lalo pang isinusubsob sa putikan. People like Shine? She needs constant reassurance, not judgment."

Bumukas ang pinto at napatingin kami rito. Napalunok ako nang bumungad ang magandang mukha na gustung-gusto kong makita sa oras na katulad nito.

Tumayo ako at iniwan si President. "Just listen. A mere presence of someone is enough for a person to continue fighting against personal battles. You don't need to say anything. Just be there. Just understand what that person is going through."

Mahigpit kong niyakap si Faerie na daig pa ang ilang taon na hindi nagkita.

I kissed her cheek lovingly. "I've missed you, love."

Ngumiti siya at sinulyapan si President bago ako muling balingan. Itinaas niya ang baba ko at tiningnan ang aking mga mata.

"My baby sister is not okay," she whispered to my ear. "Dapat ko na bang bugbugin ang lalaking 'yan?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 49K 51
ZAMORA BROTHERS SERIES III Servo Callix Jamisola Zamora Servo is one of the most sought bachelors, naughty and party goer. He loves partying and soci...
Mark Me All Over By rad

General Fiction

1.6M 32K 55
"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang puma...
1.6M 37.2K 61
MATURE CONTENT | SPG | R-18 Too much love is vicious, and Saintess learned that the hard way. Daunted by the animalistic and cruel way of Saint Yves...
4.1M 77K 55
THE SECRET LOVE (Zamora Brothers Series I) YVO MICHAEL J. ZAMORA Love knows no boundaries, but Yvo learned that his love for his adoptive sister, El...