Paper Planes (Sandejas Siblin...

Von heartlessnostalgia

2.8M 115K 40.8K

Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for... Mehr

Paper Planes (Sandejas Siblings Companion Book)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Special Chapter
Paper Planes (Self-Published)
JerLena: Stairway to Heaven
Paper Planes Book Excess

Kabanata 25

69K 3K 1.1K
Von heartlessnostalgia

Kabanata 25

"YOU'RE SPACING OUT again," I lifted my gaze to my friends who was sitting in front of me.

"H-Huh? Ano nga uli ang pinag-uusapan?" I murmured.

"I said...what will you do now?" Cess asked.

"I'm sorry if I was too pre-occupied, medyo marami lang kasing tao sa shop ngayon." I murmured

"You weren't answering the question, Lena." Floyd commented. "And we're not talking about the shop."

Natahimik ako. I gazed around the cakeshop where we are and I continued biting my lip.

"Hindi ka pa rin nakakatulog ng maayos, ano? Look at your eyes, they looked tired and bloodshot." Cess said.

"M-Medyo busy lang kasi, atsaka late na rin nagsasara itong shop."

"How long will you keep on diverting our attention, hmm?" What Floyd askes made me stop.

"I-I'm fine." I whispered.

"Come on, stop lying," Cess said. "Just last week and you are crying really hard tapos magkukunwari ka pang ayos ka lang when in fact, you are not."

"I can handle myself just fine, ayaw kong...dumagdag pa ako sa iniisip n'yo," bulong ko.

"We're your friends, Lena." Floyd said, making me look at him.

"You...helped me a lot during my break up, tho, I haven't really moved on pero marami kang ginawa para kumalma ako. Now, when you're on my situation, hindi kita makalma and I don't want it."

Napasulyap ako sa mga kaibigan ko. Nasaapo ko ang ulo at maya-maya pa ay mas nanghina.

"I-I don't know what to do," I whispered.

"Have you ever reached out to him? After that night?"

"No," I shook my head. "I-I've never seen him these days."

"This is just my opinion, Lena, but I really do think what you've said is below the belt." Cess said.

"Me too," ani Floyd. "We are here to give sense to you, for everything."

I nodded and listened to their words.

"Ejercito was hurt," ani Cess. "I know you are hurt too pero sa ngayon, iba ang sa kanya. We thought he moved on but he didn't, dagdag pang nakita ka niyang hinalikan ni Augustine."

"I know..." I said, "that's why I was so hurt. Nagsisisi ako kung bakit ko nasabi iyon...I was out of my mind, akala ko talaga ay sila ni Emily at ayokong masira ang relasyon nila dahil sa akin kaya ginawa ko 'yon...I never thought that after all I've done to him, mahal pa rin niya ako."

"You know, Lena, men...us, we really don't show people we're hurt pero sobra rin ang sakit. Hindi lang kami nagpapakitang masakit because society expects us to be strong."

I nodded slowly, listening to his point.

"We love you, Lena, but I do think it's you that's wrong that night."

I closed my eyes tightly because I am guilty, I know I am. I am the one to blame this time.

"I should apologize," I said. "It's my fault, I know. Ang sama-sama ng sinabi ko sa kanya. For the second time, I broke his heart again."

"You should," Floyd nodded.

"I think it's time to step up your game," Ani Cess kaya napasulyap ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Isang tanong, isang sagot, Lena. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maayos ang mayroon sa inyo ni Ejercito, gugustuhin mo ba?"

"Yes...but I'm ashamed of my—"

"Yes or no, Lena." Cess demanded and I slowly nodded.

"Yes," I breathed.

"If ever Sandejas' willing to take you back, would you consider it?" Floyd asked.

"I-It's impossible, knowing na nasaktan ko—"

"Ang kulit naman ni Leona, yes or no!" Cess hissed. I bit my lip and nodded.

"Yes," I murmured again.

"You still love him?" ani Floyd. "Yes or no?"

"Yes." I answered with uncertainty. "But you know I didn't stop loving him."

Nagkatinginan si Cess at Floyd at napatango.

"Then, you should fix this now." Cess whispered. "As your friend, I am rooting for the both of you."

"Talk, Lena. Talk to him," ani Floyd. "Nothing's better but a good communication."

"Yeah, mag-usap kayo. Apologize, Lena. Alam mo si Ejercito, parang lumang kahoy lang 'yan pagdating sa 'yo...marupok."

Baon ko ang mga paalala ni Floyd at Cecille habang naroon ako sa shop para tumulong at mag-isip. Umalis na rin ang mga kaibigan ko dahil may pupuntahan daw at mukhang mamamasyal. Niyaya pa nga ako pero wala ako sa mood at hindi sumama.

Lumabas silang nagtatalo kung saan sila p'wede mamasyal at nakangiti ko silang pinagmamasdan palabas.

I was busy the whole morning, helping the crew to serve the customers. It was a lonely day for me pero natigilan nang tumunog ang metal wind chime sa shop at kaagad akong napatayo nang makita ang pamilyar na lalaki papasok.

My heart started pounding, nangilid ang luha ko at kaagad na gustong takbuhin ang pwesto niya pero hindi ko nagawa nang may nakasunod sa kanyang babae.

"Attorney, wait." The beautiful lady with angelic face then held his arm and walked with him inside my shop.

Ejercito, wearing a dark blue long sleeved folded up to his elbow, ang tatlong unang butones ng suot ay halatang sinadyang ganoon. He was wearing black slacks and black leather shoes, complimenting his look and...he didn't even glance at me.

"Good morning, Sir!" Bati ng kahera sa pagdating nila.

"Oh, good morning!" The lady said merrily.

"G-Good morning, Ma'am...Sir." I murmured.

The lady smiled, dire-diretso naman si Jer na hindi man lang ako nilingon.

A waiter assisted them to sit near the open balcony, I saw him lifted a chair for the woman before sitting in front of her.

My heart hurt, gustong magwala sa nakikita pero alam kong kasalanan ko ang nangyari.

"Ma'am, mukha pong wala sa mood ang kaibigan mo." Pansin ng cashier ko at tipid akong ngumiti at tumango.

"Uh, baka sa trabaho. S-Seryoso kasi 'yan kapag may trabaho." I whispered.

The lady then raised her hand to order, nakita kong papalapit ang isang waiter kaya tinawag ko ang pansin nito.

"Patrick!" I called, napaharap siya sa akin roon.

"Bakit po, Ma'am?" He asked.

"Uh...ako na ang kukuha ng order nila." I offered.

"Ah, sige, Ma'am." He nodded, confused.

I took my small notebook and heaved a deep breath before walking towards them with the wild pounding of my heart.

Nang makatayo ako sa gilid nila ay kaagad kong nakita si Ejercito na tahimik na nakasulyap sa bukas na balkonahe at ang babaeng nakasulyap na sa akin ngayon.

"G-Good morning, Ma'am, S-Sir. May I take your order?" I asked.

I saw Ejercito moved a bit but didn't even look at me.

"Hmm, chocolate cake and mango shake for me." The woman said.

I take note of that then slowly glanced at Ejercito.

"U-Uh...Sir?" I called.

"Hoy, Jer, tawag ka." Isang sipa sa ilalim ang nakita ko at marahang sumulyap sa akin si Jer.

I almost choked on my voice, tumikhim ako at pinagmasdan siyang malamig lang ang tingin.

"Black coffee," he answered then looked away instantly.

I nodded, with my shaking hand, I wrote it then sighed.

"'Y-Yon lang po ba?" I murmured.

He didn't answer. Napatawa ang babae kaya sumulyap ako sa kanya at nakangi siya sa akin.

"Yes, 'yon lang. Pagpasensyahan mo na itong kasama ko, huh? He's being moody again, ewan ko ba d'yan at nagsusungit na naman. Siya ang may gustong kumain dito pero kape lang oorderin." She murmured.

"Fely..." Ejercito warned. She chuckled and rolled her eyes.

"'Yon lang, Miss. Salamat." She smiled.

I nodded, halos manginig ang tuhod ko habang naglalakad roon at nang maabot ang counter ay inabot sa tauhan ang order.

They made it for the two, tahimik akong nakasulyap sa counter at nakatingin sa kanilang dalawa as they engaged themselves into a conversation.

I guess it isn't a client meeting, walang kahit anong dala si Jer at mukhang kaswal silang nag-uusap at nagbibiruan.

"Ma'am? Kami na po ba ang maghahatid ng order?"

"Ako na..." presenta ko.

They nodded, nang inabot sa akin ang tray ay kaagad akong naglakad habang ikinakalma ang sarili.

"You were so stiff last night, Jer!" The lady chuckled.

"Shut up, Fely." Jer smirked at her remark.

"Here's your order po," I said. Slowly I put the girl's order then took a glance at Jer who is now busy looking at his watch, adjusting something.

I put his order in front of him and slowly spoke.

"Uh, enjoy your meal." I said softly.

The woman nodded and smiled sweetly bago bumaling kay Jer.

"Hoy, Attorney, tahimik ka na naman!" She called his attention again.

Wala na ako sa sarili, nakatulala ako sa counter habang pasimple silang pinagmamasdan.

I have to talk to him...I have to apologize.

I admit I was jealous with the woman he's with but I don't want to assume. Iyon ang mali sa akin, I always assume the worst.

Wala ako sa wisyo, dalawang oras ang nakalagpas at naroon sila at patapos na. Ejercito drank two cups of coffee and I am worried he'll palpitate pero hindi ko naman masita.

I panicked when I saw them standing from their seat, naunang lumabas ang babae at sa likuran niya si Jer.

The woman went out and when I saw him going out too, naglakas loob akong lumapit sa kanya.

"Jer..." I called.

He stopped pero hindi ako nilingon, akmang lalabas na siyang muli pero mabilis akong lumapit. I tugged his clothes and he shifted his weight.

"Jer..." I called.

Slowly, he looked at me. His cold and menacing eyes glanced at me, his lips on a grim line with his jaw clenching.

"Yes?" He asked coldly.

"Uhm..." I cleared my throat. "C-Can we talk?"

He glanced at me, with his creasing forehead, he spoke.

"Is it urgent?" He asked.

"Hindi...hindi naman! Uh, ano lang..."

"Then maybe we can schedule it," he said. Nagulat ako at napakurap.

"H-Huh? Hindi ba p'wedeng ngayon?" nahihiyang sabi ko.

"I'm busy," he said coolly and looked away. "I have a client to attend, Miss Abelló. It's better if you just schedule a meeting to my secretary."

Nanuyo ang lalamunan ko, hindi ako kaagad nakaimik nang ilabas niya ang wallet niya at inabutan ako ng calling card.

"Uh..." I said, "s-sige."

He nodded, he took a glance at my face for the last time before looked away then put his hands on his pocket and walked out.

I am crying the whole night, hindi pa nakatulong dahil pinipilit ako ni Mamá na um-attend ng volunteer work gayong wala ako sa wisyo na makihalubilo sa mga tao.

"Anong iniiyak mo d'yan? You should join! Makakatulong ito sa pageant mo!" She exclaimed happily.

I sniffed, nag-aalala na si Papá at inabutan ako ng tissue dahil sa pag-iyak ko.

"Bakit ka umiiyak? This is harmless, Lena!" My Mom said.

"Ayaw kong pumunta..." I sniffed and cried harder.

Akala nila ay ang volunteer work ang iniiyakan ko.

"Let her, sweetheart, mukhang ayaw sumama ni Lena. Hayaan mo na." My father called her attention.

"Pero makakatulong talaga 'to..." My Mom insisted. "Dagdag sa activities sa profile mo, you'll get a better track record, Lena. Simple lang naman ito at kasama mo ang dati mong mga kaklase no'ng college!"

"K-Kaya nga a-ayaw ko..." I murmured.

"Why? Nag-away ba kayo ni Cecille? Floyd?" nabakas ko ang pag-aalala sa kanyang tinig.

"No..." I murmured.

"Then, why?" She asked gently.

Umiling lang ako at pinilit kumalma. She sighed and shook her head.

"No, come on, Lena. You better sleep first, baka pagod lang iyan. Sinabi ko na kasi sa 'yong magpahinga ka na lang kaysa naroon ka sa shop, marami namang staff doon."

Hindi na ako umimik, magkasama ang magulang ko nang ihatid ako sa kwarto at doon, napuyat na naman ako sa kakaiyak.

The next morning, napilit nila akong pumunta sa volunteer work ng isang ahensya ng gobyerno. The university where I studied back in college is one of their organizer kaya ang mga guro, estudyante at mga alumni.

We are invited, of course, dadalo si Cess at Floyd at para hindi ako makaligtas ay tinawagan ni Mamá ang mga kaibigan ko at ipinasundo ako. Nakaempake na rin ang susuotin ko kaya wala akong takas.

It was a three-day work, sa unang araw ay magtatanim kami ng libong mga puno sa gubat, sa ikalawa ay mga palaro at sa pangatlo ay free time namin.

We rode a bus towards the location, sa kalapit lang naman na probinsya ito at tatlong oras lang ang byahe but I feel so off and not in the mood.

Kanina pa halos magsapakan si Floyd at Cess sa tabi ko pero hindi ako nahihikayat na sumali.

"Cecille! H'wag kang malikot, nagising si Lena!" Floyd hissed at her.

"Hindi 'yan!" She exclaimed. "Ikaw ang h'wag malikot, sabi nang h'wag mong guluhin ang buhok ko!"

"I was just checking at maraming garapata—"

"Hindi ako aso!" Naghampasan pa ang dalawa sa tabi ko at hindi ko sila sinita roon.

"You're so noisy," Floyd hissed.

"Noisy ka d'yan, ikaw nga ang maingay!" Ang bibig ni Cecille ay nangibabaw at nang magsita na ang ibang kasama sa bus ay nanahimik ang dalawa at nagsikuhan.

"Ingay mo kasi..." sisi ni Cess.

"What? Ikaw nga ang maingay!" Floyd hissed.

"Ikaw!" Cess exclaimed.

"Just kiss already," I murmured, stopping the both of them.

Nakaawang ang labi nila habang nakatingin sa akin, mukhang naeeskandalo. Natawa naman ako sa itsura nilang dalawa, ngumuso ako at ngumisi.

"Bagay kayo," I commented.

"No way!" halos magkapanabay nilang sita sa akin, nanlaki pa ang mga butas ng ilong at napasinghap ako nang kurutin ako ni Cecille. Natawa na lang.

Pagkababa namin ay malungkot na ako, binati ako ng mga guro at ibang colleague pero tanging tango lang ang naging sagot ko.

"Cheer up, may mga ibang araw pa," Cess whispered.

"I...just wanna talk to him." I murmured sadly.

Nagsasalita ang organizer ng event sa harapan at tahimik lang akong nakikinig nang humahangos na lumapit sa amin si Floyd.

I was confused when he was behind me, pumagitna siya sa amin ni Cess habang nakaakbay sa aming dalawa.

"What? Ang bigat ng braso mo, Floyd!" Cess hissed.

"Why?" I asked and stared at him.

"I have news for you," he blurted excitedly as if it was something urgent.

"Huh? What?" I asked.

Nakita kong sumulyap kung saan si Floyd bago mahina ang boses na nagsalita.

"Nandito si Sandejas!" He said quietly.

My eyes widened, bahagyang napatili si Cess kaya tinakpan ni Floyd ang bibig nito para pigilan sa ingay.

My heart pounded like crazy, marahas akong napalunok at napasulyap sa isang banda at nagitla nang matantong tama ang sinabi niya.

Ejercito was there, mukhang kararating lang. He was wearing a plain white shirt and maong pants, malamig na nakasulyap kung saan.

I saw the faculty noticed him and greeted, napalunok naman ako nang makita kong ngumiti siya sa kanila bilang pagbati.

I was about to say something when I noticed Emily coming from nowhere wearing a knee length floral dress and hat.

"The hell? Magtatanim tayo, bakit ganyan ang suot niya?" Cess laughed.

"Baka may sun bathing sa sapa," puna pa ni Floyd at nagtawanan silang dalawa habang ako'y nakatitig lang nang tumabi ito kay Jer.

Hindi mawala ang tingin ko kay Jer habang nag-uumpisa ang event. After the orientation, the real work has started.

I instantly saw Brittany and her friends wearing their skirts and dresses, like Emily. Napansin ko pa ang pagtili nila nang may lumabas na bulate sa lupa kaya natawa ako. They're the same as before.

I glanced at Ejercito who's effortlessly lifting a sack of seeds and soil, sa tabi niya ay si Emily na nakapamaywang at nagpapaypay.

I looked at the outfit I am wearing and noticed how ugly I am today. I am only wearing a black shirt and maong shorts, naka-running shoes lang rin ako at naka-ponytail.

I sighed. Hindi ko alam kung paano makakakuha ng pagkakataon para makausap si Ejercito.

We got busy planting trees, kausap ko ang mga kaibigan ko roon na hindi ko alam kung anong pinagpupustahan para maaliw but time to time, I keep on glancing at Jer's place.

I caught him looking one time but I never saw him take a look again.

Lunch came but I wasn't hungry, nagtawag na para sa tanghalian pero ayaw ko pa kumain dahil sa busog pa ako.

Floyd and Cess left when I told them I am good and not hungry. Sinabihan nilang sumunod ako at um-oo lang ako kahit hindi.

The volunteers left the area to eat, mainit na pero wala akong gana kumain. I simply looked at the plants I planted then checked around me, stopping upon realizing Ejercito's here. He's sitting in the trunk of a tree, drinking water, pawisan siya kay kita ko ay yakap ng shirt sa kanyang dibdib habang sinusuklay ang kanyang buhok.

I was looking at him when he suddenly shifted his gaze, nagkatinginan kaming dalawa at sa hiya ko ay nag-iwas lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagbungkal ng lupa.

Minutes passed and I started feeling dizzy, hindi man ako gutom ay siguro dahil sa init.

I sighed, kinuha ko ang tubig para uminom.

"Lena!" Let's eat!" Cecille exclaimed.

"I-I'm good!" I screamed.

I smiled at my friends then slowly looked back to where I am working.

Nagbungkal akong muli ng lupa at kumuha ng itatanim sa plastic na paso. I can feel my body becoming weak pero umiling lang ako at bahagyang sumandal sa puno.

"You should eat," napatalon ako sa pwesto ko at halos mapaupo sa lupa nang marinig ang boses na iyon.

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Ejercito na nakatayo sa harapan ko.

He was serious, his forehead creasing.

"Ayos lang ako," I murmured.

His jaw clenched with my answer.

"Tss," he sighed heavily. "Go there and eat, I warned you about skipping meals."

"Ayos lang talaga ako," I convinced him, tumayo pa ako para ipakita sanang ayos lang ako pero kaagad akong nawalan ng balanse sa pagkahilo.

He quickly caught my arm, napapikit ako sa katangahan ko at pilit na umayos ng tayo pero nakahawak pa rin siya sa braso ko.

"Damn it!" he cursed.

Mariing naipikit ko ang mata at bumuntong-hininga.

"Sorry, uh, pero maayos ako." I mumbled.

"Dadalhin kita roon," he announced sharply.

I opened my eyes and looked at him, I saw how annoyed he is while looking at me, tila galit sa ginagawa ko.

"Ayos lang," bulong ko at nag-iwas ng tingin.

"No," he said and a loud gasp left my mouth when he suddenly carried me.

Gulat akong napayakap sa leeg niya sa gulat at parang walang pakialam lang na binuhat niya ako sa ere habang naglakad palapit sa mga tao.

Sa sobrang hiya ko sa nangyari at sa narinig na bulungan ay napalunok ako ng marahas at itinago ang mukha sa kanyang dibdib.

I heard the fast pace of his heart.

"Anong nangyari?! Lena?!" Cecille's panicking voice filled the place.

"Water," I heard Jer said.

"Anong nangyari, Ejercito?"

"Is there a medic? She's dizzy." I heard him say.

Marahang ibinaba niya ako sa isang upuang rattan na may sandalan at tumabi, I saw the panicking Floyd with a glass of water, si Cecille ay kaagad akong tinakbo at pinaypayan.

I noticed the commotion around me, sa sobrang hiya ko ay napasulyap kay Ejercito na inabot ang tubig mula kay Floyd at ipinainom sa akin.

"Drink," he whispered.

"What happened?" Mabilis na naupo si Cecille sa tabi ko.

"I'm okay," I murmured.

Nawala ang sasabihin ko nang may dumating na medic at tinignan ang sitwasyon ko. They checked my temperature and blood pressure, kita ko naman ang naguguluhang tao sa paligid dahil sa akin.

"How is she?" Jer's voice asked carefully, nakita kong nakatitig siya sa akin at mukhang nag-aalala.

"She's good, nahilo lang sa init." Sagot ng personnel.

"See? Ayos lang ako." I said weakly and gave him a small smile.

Kinunutan lang ako ng noo ni Jer sa init, he almost scolded me but then looked away and stood.

Napanguso ako nang alisan niya ako at kinausap ang mga kaibigang nag-aalala kasama na rin ang faculty.

"Mamaya n'yo na siya kausapin, she needs rest." Ejercito said, nagsialisan ang iba. Nagtindigan ang balahibo ko nang naupo siyang muli sa tabi ko at nang sulyapan ko siya ay may hawak na siyang pinggan ng pagkain.

"Here, eat," he whispered.

"T-Thanks," I murmured.

Inabot ko ang pagkain at bahagya pang nanginig ang kamay kaya nagulat nang masalo iyon ni Jer.

"Ako na," aniya at kinuha sa akin ang plato.

Cecille and Floyd exchanged awkward coughs. Sinamaan ko sila ng tingin para patahimikin pero sumipol lang si Floyd at umayos ng tayo.

"Sandejas, ikaw na bahala kay Lena," ani Floyd.

Jer looked at him coldly, his jaw clenched a bit.

"Galingan mo, huh, Jer?" Biglang ngisi ni Cecille at para pang uod na inasinan. "H'wag kang weak, mahal ang ipinusta ko sa 'yo!"

My forehead creased, kita kong nagsikuhan pa silang dalawa bago pasimpleng pumuslit paalis.

Nagkatinginan kami ni Jer, I noticed how cold he looked right now kaya inilahad ko ang kamay ko.

"Ako na," I said.

He scoffed again at me, irritated.

"Open your mouth," he said and awkwardly I did, sinubuan niya ako ng pagkain at hiyang-hiya ako sa kanya.

"Jer! I'm dizzy!" Nawala ang atensyon ko sa kinakain nang lumitaw si Emily na nakahawak sa sentido niya at nasa harapan namin.

I looked at her and notice her wincing but she seems odd.

"Tom," I heard Jer called someone near us.

"Bakit, Jer?" Lumitaw ang isang pamilyar na lalaki kung saan.

"Pakisamahan si Emily sa medic, nahihilo." He said timidly.

Emily froze, miski ako ay natigilan at halos marinig ko ang reklamo ni Emily habang inaalalayan ni Tom paalis.

Sumulyap ako kay Jer at kinagat ang labi ko.

"Jer," I called. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "I'm sorry."

I noticed his eyes glistened in an unreadable emotion a bit then cleared his throat.

"Hmm," he only hummed.

Pagkatapos ng awkward na pangyayaring iyon ay hindi na kami muling nag-usap.

Hindi na akong muling nakabalik sa pagtatanim sa payo na rin ng medic, so, I helped in other ways. Tumulong ako sa pag-asikaso ng meryenda at hapunan sa volunteers.

Ejercito worked again after making sure I will get to rest, hinatid pa niya ako sa tent para saglit akong makatulog at mabawi ang lakas.

Kinagabihan ay pansin ko ang sekretong usapan ni Floyd at Cecille. Nagtataka ako roon dahil bawat lapit ko ay tatahimik ang dalawa. Sisipol pa si Floyd bigla habang kumakanta na si Cecille.

They have a secret! I'm sure!

Naningkit ang mata ko roon, pinagmasdan ang paligid at nawala ang iniisip nang napansing nawawala si Jer.

Nasaan na iyon? We have to talk!

"Lena, sumama ka sa akin!" biglang lumitaw si Cecille kung saan kaya nagulat ako at napahawak sa dibdib ko.

"Huh?" I asked.

"Urgent!" She exclaimed.

"B-Bakit?" kinabahan ako. "Si Floyd ba? Nasaan?"

"Si Ejercito!" She exclaimed. Natigilan ako, mas dumoble ang kaba ko at umawang ang labi.

"Huh? Nasaan?!" I panicked and looked around.

"He needs us!" She exclaimed, panicking.

"Anong nangyari?!" Inilibot ko ang tingin at napansing walang bago sa paligid.

"Basta! Tara!" She exclaimed.

Nagpaubaya na ako nang hilahin niya ako, inililibot ko ang tingin pero abot-abot na ang kaba ko para kay Ejercito.

"A-Anong nangyari, Cess? N-Nasaktan ba?" I asked worriedly, thinking about the worst-case scenario.

"Basta! Bilisan natin!" We almost ran towards the farthest cottage, nagtataka ako dahil mas madilim na roon at walang tao.

"Si Ejercito, Cess?" kinabahan ako. "Bakit siya nandito?"

Hindi niya ako sinagot at hinila lang para mas bumilis ako.

Hinihingal ako nang makarating kung saan at napansing nasa tapat kami ng isang luma pero konkretong cottage.

"Cess...what's happening? Nasaan si Jer?"

"Nandito sa loob!" She exclaimed.

Mabilis niyang binuksan ang pintuan doon kaya nagtaka ako.

"Ano namang gagawin ni Ejercito—"

"Bilis na! Bago pa siya mawalan ng buhay!" She exclaimed.

"Huh?!" I gasped.

Hindi niya ako sinagot at nang buksan ang pintuan ay basta na lang niya akong tinulak papasok.

I screamed in shock, mabilis na tinakbo ang pintuan at sinubukang buksan pero hindi ko nagawa.

"Cecille!" I screamed. "What the hell!"

"Sorry, Lena!" She exclaimed back. "Enjoy!"

"Cecille!" Sigaw ko at kinalampag ang pintuan hanggang sa wala nang sumagot.

What the hell, Cecille! Ano 'to?!

I started getting scared but got distracted when I heard a moan. Napaayos ako ng tayo at napakurap. Nangilabot na at nagsitaasan ang balahibo.

"S-Sino 'yan?!" Sigaw ko at naglakad sa madilim na kwarto.

I gasped when I heard another moan, tila nahihirapan. Kumalabog ang puso ko roon.

Is it a ghost?

I swear, Cecille! Kapag nakalabas ako rito ay yari ka sa akin!

"M-May tao ba?" I asked loudly.

May nakita akong maliit na ilaw sa siwang kaya medyo nagkalakas ako ng loob.

I took a step forward, muli akong nakarinig ng ungol at ang tunog ng maingay na galaw ng upuan kaya natigil ako.

I sighed heavily, naglakas ng loob at mabilis na sumilip sa ingay at 'yon na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita kung sino ang naroon.

It was Ejercito, nakatali sa upuan at may busal ang bibig!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

566K 16.1K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
159K 8.8K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
806K 11.8K 27
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.