The President (Presidential S...

Od miichiiko23

167K 4.6K 433

[ AVAILABLE ON DREAME ] Kareene Adriel Sabramonte is an ordinary and happy-go-lucky secretary of Wallace "Wa... Více

Preface
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue [ Part 1/3 ]
Epilogue [ Part 2/3 ]
Epilogue [ Part 3/3 ]
ANNOUNCEMENT [ OFFICIAL BOOK ]
What's next?
July 9, 2020
Special Chapter I
Dreame Announcement [ TP PART TWO]

Chapter 30

1.7K 65 0
Od miichiiko23

Chapter 30

HILA-HILA AKO NI WAVE palayo kay Sir Silver. Hindi na nga ako nakapagsalita para pigilan siya dahil basta na lang ako nito hinila.

"Wave," tawag ko subalit parang hindi ako nito naririnig dahil diretso pa rin ang lakad nito. Saan ba kami pupunta nitong si Sir? May meeting pa siya diba? Paniguradong malilate siya kapag hindi agad siya bumalik sa board room.

"Wave. Kailangan na natin—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita itong nakatingin sa akin ng masama na para bang kasalanan ko pa kung bakit siya nagagalit ngayon. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya na dalhin ako sa kung saan. Hindi pa nakakailang minuto nang makarating kami sa parking lot nitong Empire. Saan kami pupunta?

"Wave. Hindi ba tayo a-attend ng meeting?"

Tinignan niya lang ulit ako. Ngayon ay nakataas na ang kilay niya pero nanatiling madilim pa rin ang awra. Napatahimik tuloy ako ng wala sa oras. Bakit ba siya nagagalit? Concern lang naman ako dahil nandoon na iyong investors sa board room. Alangan naman na hindi niya siputin iyon.

"Sakay," malamig nitong utos sa akin pagkabukas niya ng pinto nang sasakyan. Hindi na ako umangal dahil napansin ko nga na literal na mainit ang ulo ng boss ko ngayon. Ayoko na itong dagdagan pa dahil baka masisante na ako. Hindi ko pa rin nga lang talaga maintindihan kung ano itong ikinagagalit ng boss-slash-best friend ko at ako ang pinagbubuntunan. Hello? Ang layo ko kaya sa punching bag!

Umikot sa kabila si Wave at saka sumakay sa driver seat. Napabaling ako sa kanya ng tingin nang paandarin nito ang sasakyan.

"Saan ba talaga tayo pupunta Sir? Hindi ba may meeting ka?"

"The meeting is already done," malamig nitong tugon sa akin. Ako naman ang napatanga dahil sa sinabi nito. Tapos na? Eh hindi nga nakatungtong si Sir Silver sa Board room.

"Tapos na? Eh hindi ba kasali si Sir Silver sa meeting niyo?"

Inis na bumaling sa akin si Sir Wave. Masama ang tingin na ipinupukol nito habang nakaigting ang kanyang panga. Imbes na magsalita ako ay mas pinili ko na lang ang manahimik at hindi na magsalita. Mahirap na at baka lalong mainis ito sa akin. Pinaandar na rin niya ang sasakyan. Tumingin ako sa back seat at nagtaka dahil wala na roon iyong teddy bear na huling nakita ko noong sumakay ako rito.

"Wave, nasa—"Naputol ang itatanong ko sana sa kanya dahil biglang tumunog ang telepono niya.

"Mom," rinig kong sabi niya sa kausap sa telepono nang magring ito.

"Yes Mom. We're coming."

Tumingin ako sa kanya at naglakas ng loob na magtanong dahil mukhang unti-unti na siyang kumakalma mula sa pagkainis nito kanina sa office. "Saan tayo pupunta?"

"Nakalimutan mo na?" tanong niya pabalik sa akin. Umiling siya pagkatapos niya ako tignan dahil mukhang nakalimutan ko nga. "Today is their wedding anniversary. That is the reason why Mom is inviting you for dinner."

Napatakip ako sa bibig. "Hala! Wala akong regalo kela Tita! Dapat pala ay sinabi mo kaagad para nabilhan ko man lang sila ng regalo. Pupwede ba tayo dumaan sa Mall? Kahit dyan na lang sa Shopping Mall pagtawid ng pangalawang stop light," sunod-sunod na sabi ko sa kanya.

"Nah. They don't need gifts from you. Your presence is enough for them."

"Pero nahihiya ako at saka parang second family ko na kayo."

Totoo naman kasi iyon. Parang pangalawang pamilya ko na nga talaga sila Tita Yna dahil sa kung paano nila ako tratuhin. Para ngang mas ako pa iyong tunay na anak nila kesa dyan kay Wave.


Hinawakan niya ang kamay ko na medyo ikinagulat ko. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil iyong kaliwa lang niyang kamay ang gamit sa pagmaneobra ng sasakyan.

"Sir Wave?" tawag ko sa kanya. Sinimangutan niya ako bago ako saglit na sulyapan ng tingin.

"I told you not to call me Sir when we're alone." Tumawa ako ng mahina. Hindi naman ito nag-abala na tumingin sa akin dahil diretso pa rin ang tingin nito sa daan. "Bakit? Nakakatanda ba?"

Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo niya. Lalo tuloy akong natawa dahil doon. "Dalawang taon lang ang tanda ko sa'yo."

Tuluyan nang lumakas ang tawa ko dahil sa sagot niya sa akin. He doesn't find it amusing though. Hindi ko akalain na papatulan nito ang ginagawa kong pang aasar tungkol sa edad niya. Ewan ko ba pero baka tama ako na ayaw niya pinag-uusapan ang edad lalo na ang sa kanya.

"Mag-asawa ka na kaya? Para mabawasan naman yang kasungitan mo." Palagi ko kasing sinasabi sa kanya na maghanap na siya ng totoong girlfriend at hindi iyong set up namin.

Ang totoo, kaya ko palaging sinasabi sa kanya iyon ay baka makita nito na pupwede pa sila ni Tanya na magkabalikan kasi kahit ako... Alam kong pupwede pa sila...

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanya ang mga narinig ko sa huling pag-uusap nila. Gano'n din ang mga sinabi sa akin ni Tanya. Ayoko kasi mangialam but maybe... Just maybe... I can help him in a little way... Na baka kapag narealize niya na sasaya pa siya kung kakalimutan lang nito lahat nang nasa nakaraan ay baka maisip nito na pwede pa sila ni Tanya.

A little help from me won't hurt.

Afterall. Love deserves a second chance.

Ang gusto ko lang naman ay sumaya itong kaibigan ko. He deserves all the love that he could get. At kung itong pagpapalapit sa kanila ni Tanya ang magiging dahilan para maging sila ulit ay bakit hindi? I'm more willing to help to make him happy.

"Sino naman ang papakasalan ko? Ikaw?" tanong niya habang nakatitig sa akin. Hindi ko namalayan na nakatigil pala kami dahil sa stop light.

Umawang ng bahagya ang aking bibig sa narinig. Parang bigla ko naramdaman ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa aking katawan papunta sa mukha. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang magkunwari na tumawa para matakpan ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon at pinalo siya sa braso.

Nakangisi na ito sa akin kaya lalo akong nataranta.

"P-Pwede ba? H-Hindi tayo talo Wave okay? Saka bakit ako? Pwede naman si Tanya!"

Unti-unting nawala ang ngisi ni Wave nang mabanggit ko si Tanya. Mula sa malapad na ngiti ay naging seryoso ito. Hinihintay ko ito umimik pero tila wala itong balak magsalita sa sinabi ko. Mukhang nagalit siya dahil binanggit ko si Tanya.

Ikaw kasi Reene! Kung ano-ano ang lumalabas dyan sa bibig mo!

"K-Kaya ko lang nasabi iyon ay dahil si Tanya lang naman ang nakilala kong ex mo hindi ba?"

Mabilis lang na tumango ito sa akin kaya tinitigan ko rin siya ng mabuti kung ano ang tumatakbo sa utak niya sa mga oras na 'to. But Wave being Wave, para na naman siyang libro na nakapadlock. Na kahit tama pa ang susi sa padlock ay hindi ito basta-basta magbubukas.

"Hindi ba si Tanya ang gusto mo pakasalan noon? Bakit siya na lang din kaya ngayon?"

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan nang sandaling magkulay berde ang stop light. Nanatili pa rin itong tahimik at tila nag-iisip dahil sa sinabi ko.

"Things change Reene," mahinang wika niya sa akin. Nagulat ako roon, hindi dahil sa sobrang lamig ng boses nito, kundi dahil sa sinabi nito mismo.

Siguro nga ay tama siya. May mga bagay talaga na nagbabago sa pagdating ng panahon. Ibig ba sabihin no'n ay nagbago na rin ang nararamdaman niya para kay Tanya?

"Hindi mo na ba mahal si Tanya?" tanong ko habang titig na titig sa mukha niya. Gusto ko mabasa kung ano ang iniisip ngayon ni Wave. Maiintindihan ko naman kung mahal pa rin niya ito at napalitan lang ng galit.

Gusto ko nga sapakin ang sarili ko dahil nakuha ko pa na malungkot sa katotohanang baka mahal pa rin niya ito. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa naramdaman 'yon sa kabila ng mga nalaman ko. Pakiramdam ko tuloy, napakamakasarili kong tao para ganito pa ang maramdaman ko kasi hindi tama.

Hindi na nasagot ni Wave ang tanong ko pa sa kanya dahil nasa tapat na kami ng bahay nila. Sinalubong naman kami nila Tita Yna sa labas ng gate.

"Reene! Hija! Namiss kita. Kamusta ka na?"

Ngumiti ako kay tita at yinakap ito. "Okay naman po ako Tita. Happy Anniversary po pala sa inyo ni Tito Amir."

"Salamat hija," nakangiting sabi niya sa akin. Hinila naman ako ni Tita Yna papasok sa loob ng bahay habang nakasunod naman si Wave sa aming likuran

"Kamusta kayo ni Wave hija? Hindi ka ba binibigyan nang sakit ng ulo ng anak kong ito?"

"Mom!" naiinis na suway ng boss ko. Gusto ko tuloy matawa dahil ngayon ko lang siya nakita ng ganito pero pinili ko na magpigil na lamang ng ngiti.

"Okay lang po kami Tita Yna."

"Mabuti kung ganoon."

Nauna si Tita Yna na maglakad papuntang kusina dahil kukunin daw nito ang bagong gawang cookies na nasa oven. Iniwan muna ako rito sa salas dahil hinahanda pa rin ang pagkain sa lamesa. Si Wave naman ay dumeretso sa itaas para magpalit ng damit.

Maliit at simpleng salu-salo lamang ang ginawa para sa wedding anniversary nila Tita Yna at Tito Amir. Nakakatuwa nga dahil 20th anniversary na pala nila bilang mag-asawa. Kung hindi lang siguro namatay si daddy, baka nagcecelebrate rin sila mommy ngayon dahil malapit na rin iyong sa kanila.

"Reene." Marahan akong napalingon kay Wave na ngayon ay nakasuot ng simpleng grey na teeshirt at khaki shorts. Ang kanina at palaging maayos na buhok nito ay nagulo na ng tuluyan.

Lumapit siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na mas lalong umumbok ang mga braso ni Wave. Kung sabagay, hindi na rin nakakapagtaka dahil palagi itong pumupunta sa Gym tuwing wala siyang ginagawa. Noong isang araw nga ay nalaman ko na nagbo-boxing na rin siya.

Ang sabi niya sa akin ay ginagawa niya iyon sa tuwing hindi siya nakakapag-isip ng maayos o may mga bagay na bumabagabag sa kanya. Boxing helps him to think clearly.

"Is there something wrong?"

Namilog ang mata ko at mabilis na umiling. Pakiramdam ko nanliliit ako kapag ganito siya kalapit sa akin dahil sa tangkad na mayroon siya. Bakit nga ba kasi hindi ako biniyayaan ng tangkad para hindi naman ako nagmumukhang manika sa harap ni Wave?

Umatras ako ng kaonti dahil pakiramdam ko naiinvade na niya ang personal space ko pero sa pag-atras na ginawa ko ay kalampahan naman ang sumunod sa akin dahil kamuntikan lang naman akong madulas. Buti na lamang ay agad akong sinalo ni Wave gamit ang matitipuno nitong braso.

Nagkalapit tuloy ang mga mukha namin dalawa nang saluhin niya ako. Lalo tuloy namilog ang aking mata habang natatarantang kumakabog ang dibdib.

Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatitig sa kanya. Baka nga kung hindi pa namin narinig ang boses ni tita na papalapit ay baka nanatili pa rin kami sa ganoong posisyon.

Dali-dali tuloy akong umayos ng tayo at tumingin sa kanya bago ngumiti ng tipid.

"Sorry, ang lampa ko talaga." Tumawa-tawa pa ako para mas mukhang convincing at hindi halata na kinakabahan.

"Tara na. Tinatawag na tayo ni Tita." Nauna na akong tumalikod at mauuna na sana maglakad kung hindi niya lang hinawakan ang kamay ko. Gulat ko siyang nilingon at pagkatapos ay saka pa mas lumapit sa akin.

Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Itatanong ko sana kung bakit niya hawak-hawak ang kamay ko pero mas nangingibabaw ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa kamay kong hawak niya.

"Baka mamaya madulas ka na naman eh," mabilis nitong sagot sa akin na parang tila nabasa ang nasa utak ko. Naningkit na lang ang mata ko at saka umiling-iling. "Napakaprotective talaga," bulong ko.

Madalas ako tinatanong ni Tita Yna kung kamusta na nga raw ako at sila mommy. Sinagot ko 'yon at sinabing okay naman sila. Kinuwento ko rin kela tita na kasali si Kiel sa top students sa klase nila na laking ikinatuwa naming lahat. Sayang lang at hindi ako nakauwi noong nakaraan dahil maraming ginagawa sa opisina. Nag-videocall na lang tuloy kami nila mommy noong gabi para batiin si Kiel. Umuwi na rin si mommy sa San Fierro para roon tumira sa bahay na ako mismo ang nagpundar. Atleast, mas mapapanatag na ako ngayon dahil magkakasama na silang tatlo sa iisang bahay. Hindi ko na kinakailangan mag-alala pa.

Tinatanong din ni tita si Wave kung ano na ang balita sa opisina. Puro 'okay' at tango naman ang isinasagot nito. Para bang tamad-tamad na siya magpaliwanag o di kaya ay kaya ayaw niya sabihin ay para huwag mag-alala sila tita sa kanya.

Nagpatuloy ang pagkukwentuhan namin nila tita sa hapag hanggang sa lumabas ako at pumunta sa hardin nila para magpahangin.

Tanda ko pa na may hardin din sila dati sa una nilang bahay kung saan madalas kaming naglalaro ni Wave. Hindi na ganoon kalinaw pero alam ko na masaya kami noong mga panahon na 'yon.

"Reene."

Lumingon ako kay Wave. Nakapamewang ito habang nakatingin sa akin. "Bakit?"

Lumapit naman siya sa akin. "Akala ko umalis ka na ng hindi nagpapaalam."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya at napailing. "Hindi ako umalis kasi alam ko na pagagalitan mo ako. Takot ko na lang sa'yo no."

Hindi siya umimik. Nakatitig lang ito sa akin. Hindi ko na naman mabasa kung ano ang iniisip niya kaya imbes na kausapin siya ay tumalikod na lang ako.

"Bukas ang family day ng kapatid mo hindi ba?" tanong nito sa akin. Tumango ako sa kanya bago inilipat ang tingin sa kalangitan.

"I'll pick you up tomorrow."

"Seryoso ka talaga sa pag-sundo sa akin bukas?" Muli ko siyang nilingon at doon lamang napagtanto na malapit na naman kami sa isa't isa. Bakit ba kasi ang hilig nitong lumapit sa akin nang hindi ko namamalayan? Hindi ba niya alam na malapit na ako atakihin sa puso sa tuwing nagkakalapit kami ng ganito? Nagmamadali akong umatras ng kaonti bago nagawang iangat ang tingin muli sa kanya.

Tumango siya sa akin. Hindi naman niya ako kailangan samahan pero eto siya at mapilit na sumasama. Hay! Hayaan mo na nga!

"Stay here. I'll just changed my clothes bago ka ihatid sa bahay," sabi niya sa akin noong makabalik na kami sa salas.

Tumango na lamang ako. Ayoko umupo sa sofa kaya tinignan ko na lang ang mga pictures ni Wave na nakapatong sa mahabang lamesa sa gilid nitong salas. Napangiti na lamang ako dahil may letrato pala kaming dalawa rito sa bahay nila. Hawak-hawak ko si potchi habang nakaakbay sa akin si Wave. Nakakunot na rin ang noo niya rito habang nakatingin sa camera. Ito ata iyong mga panahon na pinipilit siya ni tita na tumingin sa camera.

"Reene?" Napalingon ako nang tawagin ni tita ang pangalan ko dala ang cookies na mukhang kakalabas lang galing sa oven.

"Nasaan si Wave?"

"Nasa itaas po. Magpapalit daw po ng damit." Kumunot ang noo ni tita sa sinabi ko pero sa huli ay ngumiti rin ito.

"Akyatin mo na lang si Wave sa itaas hija. Sabihin mo may meryenda na nakahain sa kusina."

"Ha? Eh hindi po ba nakakahiya 'yon tita? Baka mapalayas ako ni Wave nang wala sa oras," natatawang sambit ko pero totoo naman talaga. Noong nasa Saubea nga kami, halos itaboy niya ako dahil sa ginawa kong pagpasok sa kwarto niya.

"Hindi. Ako na bahala kaya akyatin mo na siya roon."

Kahit nag-aalangan ay sinunod ko ang sinabi ni tita. Pinasamahan pa nga niya ako sa isa sa mga kasambahay nila para ituro ang kwarto ni Wave sa akin, kahit na alam ko naman kung nasaan 'yon dahil minsan na akong natulog sa guest room na katapat lang ng kwarto ni Wave.

"Alam niyo po, ikaw pa lang po ang babaeng nakakapasok sa kwarto ni Sir Wave," tsika niya sa akin. Hindi ko alam ang pangalan niya pero alam ko na madaldal siya at nagsasabi ng totoo. Pasimple ko siyang pinasadahan ng tingin habang nagsasalita. Naka-apple cut ang kanyang buhok at may pagkataba ng kaonti habang suot-suot ang uniporme ng kasambahay. Siya raw ang palaging naglilinis ng kwarto ni Wave.

"Kung ganoon, kahit si Tanya ay hindi pa rito nakakapasok?"

"Hindi ko po naabutan ang babaeng sinasabi niyo Ma'am pero matagal na po akong nagtatrabaho rito. Simula po noong nagtrabaho ako rito, wala pang babaeng dinadala si Sir Wave sa kwarto niya."

Nanlaki ang mata ko. Kung ganoon, puro lalake ang dinadala ni Wave sa kwarto niya?

Hindi na ako nakaimik dahil nasa tapat na kami ng kwarto ni Wave. Ang kanyang kwarto ay pinag-gigitnaan ng dalawa pang kwarto. Ayon sa kasambahay na sinamahan ako rito sa itaas ay study room daw nito ang nasa kanan tapos library naman ang nasa kaliwa. Grabe talaga itong si Wave! Hanggang dito ba naman ay puro trabaho pa rin ang iniintindi niya? At talagang bukod pa ang library sa study room ha?

Kumatok ako sa kwarto niya pero walang sumasagot kaya nauna na akong pumasok sa loob tutal hindi naman pala naka-lock. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang buong kwarto at hindi na nagulat sa kulay nito.

Black at Grey ang kulay ng accent wall niya. Habang ang kama naman ay purong itim. Iyong cover sheets lang ang naiba dahil dark blue iyon. Ang kanyang kama ay nakaharap sa mismong terrace na may naglalakihang bintana na may mahabang kurtina na kulay puti.

Sa magkabilang side naman ng kanyang kama ay may bed side table na kulay grey din. Sa kanan nakalagay iyong maliit na lamp shade habang sa kabila ay iyong digital na alarm clock.

Sa kanang bahagi ay may malaking shelves na naglalaman ng mga libro. Sa gilid no'n ay may malaki siyang halaman na mukhang bagong dilig lang. May ilang picture frames din ang makikita na nakasabit sa kanyang pader.

Bukod sa manly nitong kulay ay amoy na amoy ko rin ang kanyang pabango sa loob nitong kwarto.

Creed Aventus...

Iyon ang pangalan ng pabango na palagi niyang ginagamit. Nakita ko na iyon sa kwarto niya sa office noong huling beses akong natulog doon. Hindi sinasadyang mabuksan ko 'yon at inispray sa palupulsuhan ko.

Hindi rin nakaligtas ang dalawang pintuan na nasa kanan. Palagay ko ay iyon ang rest room at iyong isa ay dressing room dahil ganito rin ang nakita ko sa kwarto niya sa opisina. Wala rin akong nakikitang malaking aparador dito sa kanyang kwarto na pupwede lagyan ng damit.

Pinili kong umupo sa kama pero nabaling na naman muli ang atensyon ko sa isang picture na nakapatong sa bedside table. Kinuha ko 'yon at tinignan. Letrato 'yon namin dalawa ni Wave. It was a candid shot. Hindi kasi siya nakatingin sa camera kundi sa akin habang ako ay busy na nakikipaglaro kay potchi.

Ibinalik ko 'yon sa table at sinunod na tinignan ang pangalawang letrato. Nakatayo si Wave habang nakasuot ng business suit. Ito ang araw na nagbibigay siya ng speech dahil siya na ang bagong president ng Cortez Empire.

Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang letrato niya dahil alam ko na masaya siya rito kahit na sobrang tipid ng pagkakangiti niya rito na para bang napilitan lang. Hindi halata kay Wave pero iniisip niya palagi ang kapakanan ng bawat empleyado sa Cortez Empire. Hindi nga ako makapaniwala na may mga empleyado pa rin na tini-take-advantage ang kabaitan ni Wave katulad na lang noong sa isyu ngayon na may nawawalang pera sa kumpanya. Lahat tuloy ng empleyado ay suspek lalo na ang nasa accounting department dahil sila lang naman ang naglalabas ng pera sa tuwing may kailangan para sa kumpanya.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulis tungkol sa kaso at kung sino ang suspek sa pagnanakaw. Hindi ko nga alam na mayroon na palang imbestigasyon na nangyayari dahil hindi naman 'yon pinaalam sa akin ni Wave. Kung hindi pa nga dumating ang mga pulis at sinabing may appointment sila kay Wave ay hindi ko malalaman na nagsisimula na pala ang imbestigasyon.

Tinitigan ko ulit ang letrato ni Wave. Mula sa kanyang singkit at mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at maninipis na labi ay pinagmasdan ko itong maigi. Sinusubukan kong maghanap ng bagay sa mukha niya na pwede kong ilait para maasar siya kaso wala akong nakita. Napapailing na lang akong ibinalik ang letrato niya sa lamesa bago bumuntong-hininga.

Bigla ko rin tuloy naalala ang nangyari kanina dahil sa pagiging lampa ko. Kung hindi siguro ako kinabig ni Wave kanina ay malamang dumeretso na ang mukha ko sa sahig. Pero kung hindi niya rin ako kinabig at sinubukang saluhin ay hindi rin mangyayari iyong kanina. Hindi ako mapapatitig sa kanya at hindi kakabog ang puso ko ng husto.

Katulad na lang ngayon...

Hala! Bakit ba kumakabog ang dibdib ko? Inaalala ko lang naman ang nangyari kanina ah? Hindi kaya may sakit na ako sa puso kaya ako nagkakaganito? O baka may sumpa ang letratong hawak ko at sinumpa na ako?

Hindi kaya may masamang espiritu rito?

Nawala ako sa aking iniisip nang bumukas ang pintuan sa kanan at iniluwa si Wave na nakatapis ng itim na tuwalya habang basang-basa ang buhok. Pakiramdam ko nga ay bumagal ang buong paligid dahil kitang-kita ko kung paano naglaglagan ang bawat butil ng tubig mula sa kanyang buhok papunta sa matipunong dibdib nito at sa sahig. Hindi rin nakaligtas sa aking mata ang kaonting bigote sa kanyang panga na ngayon ay wala na.

Halos gusto ko na sampalin ang sarili ko dahil dapat ay umiiwas na ako ng tingin at ginagawa ang pang-iinis kay Wave pero nanatili lamang akong nakaupo sa kama habang titig na titig sa kanya.

Hinayaan ko ang sarili kong panoorin siya sa pagtuyo ng kanyang buhok. Ang matipuno nitong braso ay lalong naging halata dahil doon. Tuluyan na siyang napatigil sa kanyang ginagawa nang makita ako na nakatitig sa kanya. Napalunok pa nga ako dahil walang nagsasalita sa amin. Gusto ko magpaliwanag sa kanya kung bakit ako nandito pero walang lumalabas na kahit anong salita sa aking bibig!

"Why are you here?" Hindi agad ako nakasagot. Palipat-lipat ang ginawa kong pagtingin sa kanyang mukha paibaba sa kanyang dibdib.

Ano ba Kareene? Umayos ka nga!

"P-Pinapasok ako ni tita!" nauutal na sagot ko sa kanya. Halos gusto ko na naman sampalin ang sarili ko dahil nakuha ko pa mautal sa kabila ng sitwasyon namin na 'to. Pakiramdam ko pa ay bigla akong nagkaroon ng alta-presyon dahil sa nararanasang matinding pag-iinit ng aking mukha at pagkabog ng dibdib.

Tumayo ako at nagmamadaling nag-iwas ng tingin nang mapansin ko na nahuli niya akong pinagpipyestahan ng tingin ang kanyang dibdib! Nakakainis! Bakit ba kasi ang laki ng ipinagbago ng kanyang katawan? Hindi naman 'yon ganoon dati! Parang kulang na lang, kumuha ako ng kanin tapos siya iyong ulam!

Hindi umimik si Wave pero ramdam ko naman ang titig na ibinibigay niya sa akin kaya ako na lamang ulit ang nagsalita.

"L-Lalabas na lang ako! Hintayin na lang kita sa baba!" mabilis na sabi ko sa kanya at saka nagtatakbo papunta sa pintuan pero hindi ko pa nabubuksan 'yon nang magsalita na si Wave na lalong ikinainit ng buo kong mukha.

"Hindi naman masamang aminin na pinag-nanasaan mo ako Kareene." 

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

2M 35.9K 61
Most Impressive Ranking: Rank 1 in #TeenFiction! (10/14/18) They are living under the same roof. But what's the twist? They are college classmates...
1.2M 28.5K 57
Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almo...
40K 3K 46
Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa, their flower, breath and love. When fam...
56.2K 3.7K 73
(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separat...