Wrapped

By Jayzarr

448 72 17

Trying to ignore the pain, Kevin Navarro cheers himself up while looking forward for the girl who broke her h... More

Dedication
Work of Fiction
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3

Simula

115 14 4
By Jayzarr

Simula

Binuga ko ang usok ng aking sigarilyo habang nakatitig ako sa mahaba at matinding traffic ng aming syudad. My heartbeat races and something stung my eyes. Everything about us flashed before me.

Matindi ang buhos ng ulan sa labas ng aming condo unit. Nakatitig ako ngayon sa bintana at ilang saglit lamang ay nakita ko siya. Basang-basa ito at mukhang kagagaling lang niya sa kaniyang part-time job. Dali-dali akong bumaba. Mabuti nalang at nasa second floor lang ang unit ko. Pagdating ko sa baba nakita ko siyang yakap-yakap ang kaniyang sarili.

She's cold. Tumakbo ako sa kaniya at hinubad ang suot kong jacket at ngayon ay nakatopless na lamang ako. Niyakap ko siya at binigay ang jacket ko sa kaniya. I wrapped my arms around her waist but suddenly she took it away. Umawang ang bibig ko sa ginawa niya. She never did this, ever.

"Please, Kevin," she said, shivering. "Stop this."

Halos hindi maipinta ang nagtatakang hitsura ko dahil sa katagang binatawan niya.

"What are you talking about, Rogue? Don't joke me that way."

Nanginginig na ang labi ko sa mga sandaling 'yon pero pinilit ko paring ngumiti sa harap niya. Kung may sasabihin man siya ngayong gabi na maaaring hindi ko kayanin ay sana 'wag niya nalang ituloy. At ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya.

"I'm not joking, Kev," yumuko siya. Nasilayan ko ang pagpatak ng butil ng luha mula sa kaniyang mga mata kahit basa pa ito ng ulan. "I fall for him. Hindi ko na kaya 'tong itago pa. Stop courting me dahil ang malabong relasyon na 'to ay tatapusin ko na," huling sabi niya at ibinigay sa'kin ang jacket na kanina ko lang hinubad.

Like her, my tears are flowing too, involuntarily.

Bigla na lamang may sumulpot na lalaki sa aking harapan dala-dala ang isang maitim na payong. Pinayungan niya si Rogue na kanina pa nanginginig sa lamig. And without any word, he began to embrace the girl I loved. Damn this scene. Bakit sa harap ko pa?! Kumalas ng yakap silang dalawa at naiinggit ako sa aking nakikita.  Nasa pisngi ngayon ni Rogue ang dalawang kamay niya. Pinupunasan ng lalaking 'to ang mga luha niya na dapat ako ang gumagawa.

"Let's leave this place at once. You're wasting your time here," litanya ng lalaki sa kaniya at nagsimula na silang maglakad papalayo.

Ramdam ko kung gaano kabigat sa aking puso ang bawat paghakbang nila papalayo sa 'kin. Napaupo na nalang ako at sinandal ang aking likuran sa pader ng condo. She didn't even look back at me, even just for the last time. It feels like she really meant to leave me with all of her heart. Sumikip ang dibdib ko dahil sa pangyayaring 'yon. Saksi ang kalangitan, ulan, pati narin ang kulog at kidlat ung gaano ako kawasak ngayong gabing 'to. Kung malakas ang buhos ng ulan, doble rin ang lakas ng pagbagsak ng aking mga luha. Halos hindi ko inda ang lamig kahit nakahubad lamang ako. Nilapitan na ako ng guard  dala ang isang asul na payong dahil rin sa naaawa siya sa lagay ko.

"Kev, tama na muna 'yan. Isuot mo na yang jacket mo at baka magkasakit ka pa mamaya," malumanay na sabi nito.

"Salamat Mang Berto sa pag-aalala mo," pinilit kong ngumiti. "Alam niyo, hindi ko tanggap ang mga sinabi niya sa 'kin, kaya ganito nalang ako magpabaya sa sarili ko," Mangiyak-ngiyak na sabi ko kay Mang Berto na ngayo'y pinapayungan ako.

Naaawa ako sa kalagayan ko. I'd there's a greater word than broken, that's what I am now. Madali lang para sa kaniyang itapon ang lahat ng pinagsamahan namin. I'm too dumb to hold on.

"Alam mo Kev, nakikita ko ang sarili ko sa kalagayan mo ngayon," aniya at umupo ito sa tabi ko. Kumunot ang noo ko at pinakinggan lang siya. "Noon kasi ganiyan na ganiyan din ang nangyari sa'min ng asawa ko. Nagkasagutan kami. Iniwan niya ako. Mas pinili niyang sumama do'n sa ex-boyfreind niya. Pero sa bandang huli, sa'kin din naman ang punta niya eh. Kaya ikaw, 'wag kang mawalan ng pag-asa d'yan dahil kung kayo, kayo talaga. Tadhana na ang gagalaw para magkatagpo ulit ang landas niyong dalawa."

Napasinghap ako sa sinabi ni manong guard. He has a point. Kung kami nga talaga sa huli, kahit sino pang lalaki ang isasama niya, magiging kami talaga.

"E, Mang Berto, magkasintahan na ba kayo no'n?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo," magiliw niyang sagot. At nakangiti pa ito. "Kayo ba?"

Mas lalong dumilim ang aking mukha nang marinig ang tanong na 'yon.

"Ayan nga po ang problema eh kasi wala pong 'kami'." Sagot ko rito.

"Naku. Problema nga 'yan bata. E, bakit nga ba hindi naging kayo? Parang araw-araw ko nga kayong nakikitang nagsasama. Halos magtatatlong taon na nga e, tapos wala pa palang kayo? Anong tawag mo do'n?"

"M.U. po."

Nagkasalubong ang daalqamg kulay nito. Tila hindi niya ako naiintindihan.

"Anong M.U?"

"Mutual Understanding po."

"Ano naman 'yan? Walang ganiyan sa panahon namin noon e," napakamot naman ito ng kaniyang ulo.

"Ang Mutual Understanding po na tinatawag namin, ito ay kung saan ang dalawang tao ay nagmamahalan sa isa't isa pero hindi pa ready na maging sila. In short, they will wait for the right time," paliwanag ko rito.

"Gano'n ba 'yon? E, ang gulo-gulo pala no'n. At malabo rin. Akalain mo, alam niyong mahal niyo ang isa't isa tapos ayaw niyo pang maging kayo?" Naguguluhang sabi nito. "Bakit kailangan niyo pang hintayin ang tamang panahon para sa inyo kung alam niyo namang parehas ang nararamdaman niyo para sa isa't isa? Ayan tuloy, naagawan ka," ngumuso ito.

Natawa naman ako ng bahagya sa inasal niya. Kahit alam kong parang may tumusok sa aking dibdib nang marinig ko iyon.

"Ikaw talaga manong oh, you sound like a baby," natatawang sabi ko.

"Kailangan kong makisabay sa henerasyon niyo para naman may kwela kahit kaunti," nakangiting sagot niya.

This guard is close to me since I started living here. Tuwing gumagala kasi ako siya ang inaasahan ko para hindi ako mapagalitan ni Dad kung binibisita niya ako sa condo ko.

Pinahiran ko naman ang luha ko at tumayo na.

"Salamat manong sa time mo. Naabala pa tuloy kita," ani ko rito.

"Wala 'yon. Ikaw pa. Parang anak na kita eh," sagot niya naman sa'kin.

"Sige po, balik na po ako sa unit ko. Ilalabas ko lang 'tong masamang loob ko," aniko at tumalikod na sa kaniya pero tinawag pa niya ako.

"Kevin, 'wag kang uminom a. Makakasama 'yan sayo. Magdasal ka dahil 'yan ang pinakamabisang sulusyon sa sakit sa puso," nag-approve sign lang ako sa kaniya at ngumiti bago tuluyang pumasok sa loob.

Sumindi ulit ako ng isa pang stick ng sigarilyo at sinimot ito. I still can't accept this damn feeling that I'm feeling 'til this night. Ang alam ko lang ngayon ay wala parin akong pag-asa sa inaasahan kong mangyayari dahil din sa 'kin. Dahil sa ginagawa ko ngayon. I became worst. I feel hopeless.

Continue Reading

You'll Also Like

385K 26.9K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
29.5K 1.4K 19
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...