Kabanata 1

59 10 4
                                    

Kabanata 1 : Forget Her

Masama ang panahon mula pa kaninang umaga. Pero sa tingin ko mas masama pa keysa sa panahon ang naramdaman ko ngayon. Gusto kong tumingin ng pilot sa isang cable channel na lagi kong inaabangan pero walang signal. Nakakabadtrip parin ang araw ko kahit tatlong araw nang wala akong ginawa kundi magmukmok sa loob ng aking kuwarto. Takte.

Alam kong ilang araw na rin ang nakalipas magmula n'ong iniwan niya ako. Pero ayaw paring mawala ng sakit. Parang habang tumatagal mas lalong sumasakit.

Kahit magtatanghali na hindi parin nasisilayan ang araw dahil sa masamang panahon. Mukhang nagbabadya na siguro ang bagyo. Sabi kasi sa weather forecast kagabi may papasok daw na bagyo ngayon at tatama ito sa'min pero hindi naman gaano kalakas kaya wala daw dapat ikakabahala.

Hindi pala ako nakapag-almusal kaninang umaga. Kahit nagaalinlangan ay bumangon ako sa aking higaan. Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. Kinapa ko ang switch ng ilaw at pinaandar ito. Dumiretso ako sa cabinet at kumuha ng loaf bread. Kumuha din ako ng guava jam sa fridge para gawing palaman sa tinapay.

"This is boring," sabi ko sa sarili habang tinitimpla ang aking hot chocolate.

Iniwan ko muna saglit ang aking pagkain at tasa sa mesa at tinungo ang bintana na nakaharap sa highway. Sobrang lakas ng pagbagsak ng malalaking butil ng tubig mula sa langit. Malakas din ang kulog ng kalangitan kasabay nito ang pagsilay ng ilaw ng kidlat.

Tamad akong bumuga sa hangin. Sana lang hindi babaha mamaya.

Ngumiwi ako at muling dinampot ang aking loaf bread at hot chocolate sa lamesa at pumasok muli sa kuwarto.

I slam the door shut. I turned on the TV. Nagbabakasakali akong may signal na ito pero bigo parin ako. Napakagat na lang ako ng loaf bread sa inis na nadarama ko. Wala ring signal ang WiFi dahil nga sa ulan. May signal naman ang mga mobile network pero hindi na ako nag-aabala pang samantalahin pa ito dahil wala rin naman akong ime-message.

Makikita ko lang din ang picture naming dalawa sa wallpaper.

Naubos ko nalang ang pitong piraso ng loaf bread pero hindi parin humihinto ang ulan. Pati ang hot choco ko ubos na rin. Tila lumalakas pa ang buhos ng ulan sa labas. Hindi ko na nga tanaw ang mga sasakyan na nagsusuong sa ulan, tanging mga ilaw nalang nila ang klaro ko.

Bumagsak ang katawan ko sa aking higaan at binalot ang sarili ko ng kumot. Nakaboxers lang ako hanggang ngayon. Hindi ko inda ang lamig ng panahon. Naiinitan pa ata ako eh. Kaya binuksan ko ang aircon pero hindi naman iyon naka-todo.

Hindi ako mapakali. Bumangon ulit ako at tinungo ang aking cabinet. Umaasa akong may sigarilyo pa sa aking pants at meron nga pero sa kasamaang palad isa nalang ang natira do'n.

Ano ba 'to? Pati sigarilyo ko nag-iisa na rin? The heck. It reminds me of myself. Mabuti pa ang sigarilyo nakikisimpatya sa'kin. Fuck. Parang nababaliw na ata ako.

Mabigat ang pagbuga ko ng hangin dahil sa inis. Ngayon pa talaga ako nawalan ng sigarilyo. Darn it. Kapag minamalas ka nga naman.

Tamad kong sinindihan ang nag-iisang sigarilyo ko at hinithit ito. Nang naubos ay kumuha ako ng towel at nagbabad sa shower. Nagtagal ako ng kalahating oras sa loob ng banyo. Mukhang sisipunin ata ako.

Habang sinusuot ko ang aking briefs biglang tumunog ang ringtone ang aking telepono. Agad kong sinagot ang tawag mula kay Vin.

"Ano na naman ang kailangan mo? Ba't napatawag ka ng ganito ang panahon?" meydo naiinis kong untag ko sa kaniya.

Narinig ko naman ang maktol niya mula sa kabilang linya.

"Ikaw talaga dude. Ang harsh mo lagi sa'kin. Gusto ko lang namang isama ka. Alam ko namang mag-isa ka lang d'yan sa condo mo ngayon e. Kaya sama ka na. May party sa bahay ng girlfriend ko. Maraming chicks do'n na pwede mong i-alam mo na."

WrappedWhere stories live. Discover now