Simula

115 14 4
                                    

Simula

Binuga ko ang usok ng aking sigarilyo habang nakatitig ako sa mahaba at matinding traffic ng aming syudad. My heartbeat races and something stung my eyes. Everything about us flashed before me.

Matindi ang buhos ng ulan sa labas ng aming condo unit. Nakatitig ako ngayon sa bintana at ilang saglit lamang ay nakita ko siya. Basang-basa ito at mukhang kagagaling lang niya sa kaniyang part-time job. Dali-dali akong bumaba. Mabuti nalang at nasa second floor lang ang unit ko. Pagdating ko sa baba nakita ko siyang yakap-yakap ang kaniyang sarili.

She's cold. Tumakbo ako sa kaniya at hinubad ang suot kong jacket at ngayon ay nakatopless na lamang ako. Niyakap ko siya at binigay ang jacket ko sa kaniya. I wrapped my arms around her waist but suddenly she took it away. Umawang ang bibig ko sa ginawa niya. She never did this, ever.

"Please, Kevin," she said, shivering. "Stop this."

Halos hindi maipinta ang nagtatakang hitsura ko dahil sa katagang binatawan niya.

"What are you talking about, Rogue? Don't joke me that way."

Nanginginig na ang labi ko sa mga sandaling 'yon pero pinilit ko paring ngumiti sa harap niya. Kung may sasabihin man siya ngayong gabi na maaaring hindi ko kayanin ay sana 'wag niya nalang ituloy. At ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya.

"I'm not joking, Kev," yumuko siya. Nasilayan ko ang pagpatak ng butil ng luha mula sa kaniyang mga mata kahit basa pa ito ng ulan. "I fall for him. Hindi ko na kaya 'tong itago pa. Stop courting me dahil ang malabong relasyon na 'to ay tatapusin ko na," huling sabi niya at ibinigay sa'kin ang jacket na kanina ko lang hinubad.

Like her, my tears are flowing too, involuntarily.

Bigla na lamang may sumulpot na lalaki sa aking harapan dala-dala ang isang maitim na payong. Pinayungan niya si Rogue na kanina pa nanginginig sa lamig. And without any word, he began to embrace the girl I loved. Damn this scene. Bakit sa harap ko pa?! Kumalas ng yakap silang dalawa at naiinggit ako sa aking nakikita.  Nasa pisngi ngayon ni Rogue ang dalawang kamay niya. Pinupunasan ng lalaking 'to ang mga luha niya na dapat ako ang gumagawa.

"Let's leave this place at once. You're wasting your time here," litanya ng lalaki sa kaniya at nagsimula na silang maglakad papalayo.

Ramdam ko kung gaano kabigat sa aking puso ang bawat paghakbang nila papalayo sa 'kin. Napaupo na nalang ako at sinandal ang aking likuran sa pader ng condo. She didn't even look back at me, even just for the last time. It feels like she really meant to leave me with all of her heart. Sumikip ang dibdib ko dahil sa pangyayaring 'yon. Saksi ang kalangitan, ulan, pati narin ang kulog at kidlat ung gaano ako kawasak ngayong gabing 'to. Kung malakas ang buhos ng ulan, doble rin ang lakas ng pagbagsak ng aking mga luha. Halos hindi ko inda ang lamig kahit nakahubad lamang ako. Nilapitan na ako ng guard  dala ang isang asul na payong dahil rin sa naaawa siya sa lagay ko.

WrappedWhere stories live. Discover now