Paper Planes (Sandejas Siblin...

By heartlessnostalgia

2.8M 115K 40.8K

Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for... More

Paper Planes (Sandejas Siblings Companion Book)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Special Chapter
Paper Planes (Self-Published)
JerLena: Stairway to Heaven
Paper Planes Book Excess

Kabanata 20

63.2K 3K 1.4K
By heartlessnostalgia

Kabanata 20

"MA'AM?" I HEARD my cashier asked.

My eyes widened and I saw my waiter panicking to clean the broken plate.

Ejercito gave me that look, seryoso pero nakanguso at nagpipigil ng ngiti. Kita ko rin ang pamumula ng tainga niya kaya tumikhim ako at nagbaba ng tingin sa mga pastries.

"Ikaw..." I motioned him. "What do you usually like? Cakes, brownies or m-muffins?" Pumiyok pa ako pero sinubukan kong maging seryoso.

Hindi siya umimik, I witnessed how he licked his lower lip with the hidden smirk he has.

Damn it, Sandejas!

"S-Sir?" I called. "What do you like?"

"Ikaw," the brute answered back. Nahulog na ang panga ko.

My heart thumped rapidly, nanlaki ang mata ko at nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya at napapangiti na.

"...ikaw, anong masarap para sa 'yo?" bawi niya, halatang nang-aasar.

"K-Kahit ano," I murmured, my cheeks flushing like a tomato. "B-But I prefer muffins."

"Hmm," he hummed, a devious smile on his lips. "I'll take that."

"Noted," tumikhim ako.

Umalis ka na rito, Sandejas! I am trying my best not to get affected! Naka-move-on ka na kaya dapat ay ako rin!

"Take out 'no?" I inquired.

"Dine in," I froze and lifted my head, He's leaning on the counter now, tila pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"'D-Di ba may trabaho ka? Dapat take out." I said but he shrugged and looked around.

"I like the ambiance here, nice place." He nodded. "Dito ako magtatrabaho."

"Huh?!" histerikal kong singhap.

"Ma'am, ayos ka lang?" Nagpapanic na tanong ng cashier kaya tumango ako at kumurap.

"Y-Yes, yes! S-sorry!"

"Why?" Jer asked. "Masama bang magtrabaho rito?"

"H-Hindi naman..." I cleared my throat. "I just...you know, you're a busy person, baka hindi makatulong na nasa ganito ka nagtatrabaho. Kasi maingay."

"It's pretty quiet," he noticed.

"Maingay na rito mamaya," I said. "Kaya dapat sa opisina ka na lang."

"Dine in," he finalized, I noticed him looking at my neck. "Add a cup of black coffee, Harriet. No sugar."

Tumango na lang ako at halos sumabog na ang puso ko roon sa kaba habang kausap siya.

Hinayaan ko na ang cashier ang mag-asikaso ng bayad niya, I excused myself to go inside to calm myself.

Damn it! Damn! Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng Sandejas na 'yan! Hindi kaya ginayuma ako niyan dati?

Sinampal ko ang sarili ko at umiling, napahawak ako sa kwintas ko at itinago sa ilalim ng dress ko at huminga ng malalim.

"He's just here as a costumer." I told myself. "So, treat him like one, okay, self?"

Nang makalabas ako ay may ngiti na ako ulit at kalmado.

"Uy, Ma'am, sino 'yon? Boyfriend mo?" Halos mabilaukan ako roon kaya umiling ako kaagad.

"N-No..." I murmured.

"Ex?" ani ng waiter ko at napaubo ako at muling umiling.

"K-Kaibigan lang," I said.

"Baka gusto ka, Ma'am?" Napasulyap ako kay Marciel, ang cashier ko.

"H-Huh?" Kumalabog ang puso ko roon.

"Wala lang, no'ng umalis ka nagtatanong kung lagi ka raw ba dito tapos sabi ko hindi."

Napalunok ako at napasulyap kay Ejercito na may binabasa ng papel roon sa may pwesto niya malapit sa balkonahe.

"U-Uh, he's my friend." I just said.

"Sabi ko nga, Ma'am sa kanya na 'Ang ganda ni Ma'am 'no?' tapos alam mo anong sabi?" Mabilis akong napasulyap sa kanya.

"What?"

"Ngumiti sa akin tapos tumango! Sabi niya, 'Yes, nothing can beat that.'" Ginaya pa niya ang boses ni Jer kaya nakagat ko ang labi ko.

"R-Really?"

"Opo," She nodded and teased me.

"Crush mo ba, Ma'am? Ang gwapo-gwapo 'no? Maraming mga customer tayong gwapo pero iba 'to." Komento niya. "Ang lakas ng dating, wala naman siyang gagawin, ngingiti lang ng tipid pero grabe! Kahit hindi ata magsalita 'yan ang gwapo pa rin!" She giggled.

"Akin 'yan," I snorted.

Natigil siya at napasulyap sa akin, gulat at nang matanto ang komento ko ay tumikhim ako.

"Akin na 'yang... ginagawa mo, ako na muna magtutuloy." Palusot ko at maguguluhan man sa akin ay ibinigay niya ang isinusulat na kaagad kong kinuha.

Leona Harriet! What the heck are you thinking?!

I watched him as he's seriously reading the papers he have, sa gilid ng mga papel ay ang kape at ang muffin na in-order niya.

You seriously...gonna work here?

Oh, baka crush niya ang cashier ko?

Sinulyapan ko si Marciel na nakasulyap kay Jer at nanliit ang mata.

No! Tinampal ko ang sarili ko.

Eh, ano ngayon? Wala ka na dapat pakialam, Lena. Mag-mo-move-on ka, 'di ba?

I saw the door opened, mula doon ay may isang lalaking pumasok, naka-suit rin ito. Nakita kong nagtungo ito papunta kay Jer at napanguso ako nang matantong kliyente niya siguro.

Wow...I'm so proud of you, hon.

So...so proud. You did a great job.

I bit my lip, staring at the man he's been talking to at nang mapansin kong parang gusto nilang um-order ay napatitig ako.

I smiled happily, ang bigat sa puso ko ay medyo naibsan habang pinagmamasdan ang mahal ko.

You're successful, I am so happy. I am so proud of you.

Tumingin ako sa paligid at napansing busy lahat ang crew, kita kong gustong mag-order ng kausap ni Jer kaya nang walang p'wedeng mag-asikaso ay ako na ang lumapit roon.

I walked towards them, holding a small notebook and smiled.

"Good afternoon, what do you like to order, Sir?" I asked the man.

Ejercito lifted his gaze at me, kunot na ang noo at nakatitig sa akin.

"Uhm," I saw the man he's been talking to smiled at me. "Wow, you're Leona Abelló, right?"

Nagulat ako roon pero marahang tumango.

"Yes, Sir." I said softly.

"You work here?" He said, amazed.

"Uh, not really. We own this place, nandito lang ako para tumulong." I smiled.

"Wow!" His smile widened, tumayo siya kaya nagitla ako ng bahagya nang ilahad niya ang kamay.

"I am Fredo, I work in a pharmaceutical company nearby, I just went here to talk to Atty. Sandejas para sa mga permit sa negosyo."

Napakurap ako at akmang tatanggapin ang kamay niya ay malakas na tikhim ang nagpatigil sa akin.

"Mr. Domiguez, I assume Miss Abelló, has a lot of work to do." Ani Ejercito na malamig na ang tingin sa amin.

"Gano'n ba?" ani Fredo. "Sorry, Jer. Natuwa kasi ako. Nakikita ko lang kasi siya sa T.V o 'di kaya'y sa magazine at diyaryo. Her face's all over! Isa pa, you know she's been my crush for a long time—"

"I have a lot of work to do too, let's proceed," ani Ejercito na umigting ang panga.

My heart raced, nang magkatinginan kami ni Jer ay mabilis siyang tumayo sa kanyang upuan. He towered me. Kahit anong tangkad ko ay mas matangkad pa rin sa akin ang Sandejas na ito kaya wala kong panama.

"You're busy, right?" He asked me seriously at wala sa sariling napatango ako roon.

I saw relief on his eyes when I agreed to that.

"What's your order, Fred? Ako na ang mag-oorder." Ani Jer at nagtataka man ay sinabi ni Fredo ang gusto niya.

I was just standing there when Jer took the small notebook I had and scribbled his client's order in it.

"Here," inabot sa akin ni Jer ang notebook at gulantang man ay kinuha ko iyon mula sa kanya.

"Thanks," I said.

Naglakad ako medyo palayo pero sumunod siya at tinabihan ako.

"Ihahatid kita sa counter," aniya kaya nanlaki ang mata ko sa kanya.

"What? Andyan lang ang counter." Turo ko sa pwesto nito at nakita ko lang ang pagsimangot ni Ejercito sa akin.

"I know,"

"Oo nga, kaya h'wag mo na ako ihatid." Gulong sabi ko.

"I will get his orders from you," aniya.

"Ako na, kaya ko namang ihatid sa pwesto n'yo," I said.

"Stop being stubborn, Leona Harriet." He snorted. "Ihahatid kita, I'm gonna get his order so you don't need to walk back and forth."

"Ayos lang," I insisted. "Kaya nga ako nandito para tumulong."

"He likes you," he said, stopping me. "If you come back here, he'll talk to you."

Parang may humalukay sa sikmura ko at napatitig sa mata niya.

"S-So?" I murmured.

Nagseselos ka?

"Babagal ang trabaho ko," aniya at nag-iwas ng tingin.

I slowly nodded and pouted.

Okay, 'yon lang pala...I assumed he's jealous.

Pero para saan, Lena? You broke his heart, remember?

Hinayaan ko na lang siya, habang inaayos ko ang order ni Fred ay nakatayo lang siya sa may counter at nag-aantay.

I sighed, naglakad patungo sa kanya at inabot ang order ng kliyente niya.

"I'd like to order again," he said kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"What?" I asked.

"A cup of coffee," he answered and my brow shot up to look at him.

"You just finished your coffee, magkakape ka ulit?" I asked him.

"It's alright," he said.

"Magpa-palpitate ka, Sandejas." I warned him. "Sure ka?"

"Yes," his lip twitched then stared at the pastries. "Hmm, after the muffins, what do you like here?"

"Blueberry cheese cake," I said and pointed the cake. "Masarap 'to pero kung may gusto ka pa—"

"'Yon na lang. Gusto ko 'yong gusto mo." Aniya at kahit pakiramdam ko'y mangingisay na ako sa sinabi niya'y tumango ako at sinulat ang gusto niya.

"Mayro'n pa?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin.

Kumalma ka, Abelló!

"Kumain ka na?" He asked me softly and my heart skipped a beat.

"Hmm," I nodded and bit my lip. "I'm done."

"Alright," he glanced at me and nodded. "Don't starve yourself too much, your health is much more important than your pageants."

Nang talikuran na niya ako ay napapikit ako at napahugot ng hininga. Nagtungo ang kamay ko sa kwintas ko at kinalma ang sarili.

Bakit ba mahal na mahal pa rin kita?

I was preoccupied the whole day, nairita pa ako kay Sandejas dahil pagkaalis ng kliyente niya ay hindi pa rin umuwi at nag-order pa ng kape!

Habang nasa kusina ako ay tinawag ako ni Marciel kaya napasulyap ako sa kanya.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo," aniya.

"Sino raw?" I asked.

"Lalaki po, Ma'am, hindi ko kilala." I nodded, confused.

Nang makalabas ako ng kusina ay nagtungo ako sa counter at natigilan nang makakita ng isang lalaking pamilyar.

My forehead creased, he looked at me and my mouth parted when I realized who it was.

"Augustine?" I exclaimed.

"Hi, Lena." He smiled.

Napangiti ako, mabilis akong lumabas sa counter at natawa rin ng bahagya nang yakapin niya ako ng marahan.

Augustine is the son of my Mom's amiga, Roselda Miranda. Pumunta na siya sa bahay namin noong college pa ako para bumisita, that's when I first met him.

We just got close when last year, sumama sila no'ng nag-family outing kami kaya medyo nagkalapit.

"I just came home from States, sina Mom ay nasa mansion n'yo at no'ng sinabi ni Auntie na nandito ka, bumisita na ako." He smiled.

"Ikaw talaga," natawa ako at napailing.

"Tara upo tayo, Attorney." I teased him and he chuckled at me and nodded.

"Let's go," he said and assisted me, inalalayan niya ang braso ko palapit sa isang upuan malapit sa counter at wala sa sariling napasulyap ako kay Ejercito.

He was just looking at us blankly while sipping on his coffee. I saw how dark his eyes are. Parang may madilim na aura sa paligid pero nag-iwas lang ako ng tingin at binalingan ang kaibigan.

"Anong gusto mong order?" I asked him when the waiter came to us.

"Coffee lang and chocolate cake," he answered.

"Francis, avocado shake and muffins sa akin." I told my other waiter and smiled.

"Noted, Ma'am." He muttered and left, nagkatinginan naman kami ni August at napangiti ako.

"Hindi ka sumama kina Auntie pumunta sa mansyon no'ng nakaraan." I said.

"I got busy with work, may pinatayong law firm si Dad sa States kaya kailangan ko munang mag-asikaso."

"Masyado mo kasing ginalingan, may girlfriend ka na ba?" I asked but he just chuckled at me.

"I told you, Lena, gusto nga kitang ligawan," aniya at natawa lang ako at umiling sa kanya.

"And I told you a couple of times that it's a no." I told him. "Not interested in such commitments right now."

He pouted and stared at me.

"Mas gumaganda ka ata, anong sikreto mo?" aniya at ngumisi.

"Tulog lang," tawa ko pero kaagad iyong nawala nang mula sa pwesto ko ay nakita ko ang pagtayo ni Ejercito mula sa pwesto niya.

Pasimple ko siyang sinulyapan at nakitang inaayos niya ang papel na hawak.

"Ma'am, ito na po." Inilapag ang order sa harapan namin at nagsasalita si Augustin pero ang pansin ko ay na kay Jer na nakasukbit na ang coat sa balikat.

Wala na rin ang kurbatang suot niya kanina at bukas na ang tatlong butones ng puting long sleeve niya.

"Sir, kailangan mo tulong?" Narinig kong tanong ng waiter kay Jer nang mapansin niya ito.

"I'll just change my seat, medyo mainit na sa pwesto ko. I'd like to take the seat near the counter." He said stiffly and damn I could clearly hear his hard voice!

"Sige, Sir." Napasulyap ako sa upuan sa may tabi ng upuan namin ni August at napainom ng shake, kinakabahan.

"Lena, are you listening?" August asked.

"Y-Yeah," I looked at him.

Sa peripheral vision ko ay kita ko ang paglipat niya ng pwesto katabi sa inuupuan namin at para pumilipit na ang paa ko sa sobrang kaba at harumentado ng puso ko.

"May order po ba kayo ulit, Sir?" I heard the waiter asked him.

"Just another cup of coffee will do," he said. Nangunot na ang noo ko.

That's his fourth one!

"I have a convention next month to Japan, I got a free pass for a plus one, you wanna come?" agaw sa akin ng pansin ni August kaya ngumiti ako.

"I'd like to," I said. "Pero che-check ko muna ang schedule ko, baka kasi may gawin. Papaalam rin ako muna kina Mamá."

"Okay, sana sumama ka." He chuckled. I smiled at him.

Nagkwentuhan pa kaming dalawa ni August pero hindi ako makapag-concentrate dahil ang pansin ko ay na kay Ejercito.

He was sipping on his coffee again, sa halip na magbasa ng trabaho niya ay nakita kong nakatitig lang siya roon, mukhang wala sa sarili at nilalaro lang ang ballpen.

I took a glance at him and saw how blank his expression is, tamad lang siyang nakasandal roon.

Nang magpaalam paalis si August at medyo dumami ang tao sa shop ay muli akong naging abala, I saw Ejercito seriously looking at the papers he has but it looks like he isn't reading it.

May galit ba siya sa papel? Kung p'wede lang siguro butasin ang papel ay paniguradong gagawin niya sa itsura niya ngayon.

Baka nagpa-palpitate na?

Sandejas naman! Sinabi ko nang ikalma lang sa kape!

Nag-umpisa na akong mag-alala, nang nawawalan na ng tao sa cakeshop at nagsialisan na ang mga empleyado pagkatapos kong magpresintang ako na ang magsasara ay napabaling ako kay Ejercito.

He's now sleeping on his seat! Nakaub-ob sa lamesa!

Such a baby...

Nang mawala na ang mga empleyado ko ay marahang lumapit ako kay Ejercito na natutulog sa kanyang upuan.

I sighed, tahimik na hinila ang upuan palapit sa pwesto niya at naupo sa tabi niya.

"Jer?" I called.

I saw him stirred a bit but didn't move, he looks tired and a bit sad.

"How are you?" I whispered. Nang hindi siya gumalaw ay marahang iniangat ko ang kamay ko.

I hesitated at first but with the courage I have, I slowly put my hand on his head and stroke his hair softly.

My heart swelled when I was able to touched him like this again.

Parang sasabog ang puso ko sa saya at sakit na nararamdaman, nangilid ang luha ko kaya marahang umusog ako sa upuan at umub-ob rin sa lamesa kagaya niya.

I shifted my head so I can see his face while he's sleeping.

I love you, Ejercito... Still.

I lifted my hand again, tried to touch his cheek when he suddenly opened his eyes.

I froze on the spot, nagmamadali kong ibinaba ang kamay ko at mabilis na naupo ng maayos at tumikhim.

"M-Magsasara na ang shop kaya kailangan mo ng umuwi," I said stiffly.

He didn't move, I saw him stayed on his place, nakaub-ob pa rin sa lamesa pero ang kaninang nakapikit na mata ay pagod na nakatingin sa akin ngayon. Malalim at namumungay.

"I'm palpitating," his husky voice said. I sighed and shook my head.

"I told you to stop drinking coffee that much," I said. "Paano kung maospital ka?" Kunot na noong sabi ko.

"Why? Nag-aalala ka?" He murmured, marahang umayos ng upo at namumungay pa ang mga matang nakatitig sa akin.

"Of course!" I snorted.

"Hmm, really?" A sly smile left his lips as he sighed and placed his hand on his chest. "Fuck, my heart beats so damn fast."

"Kakakape mo 'yan!" I gritted my teeth.

"I hope it's just because of coffee," He chuckled nonchalantly.

He clicked his neck and bit his bottom lip, muli siyang huminga ng malalim at kinalma ang sarili.

"Damn it," he puffed a breath.

"Ikaw kasi," I said and placed my hand on his chest realizing he's saying the truth! His heart is beating so damn fast like he said!

Hindi siya umimik kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya habang pinapakiramdaman ang puso niya, nag-aalala.

"Masakit ba?" I asked. "Maybe we can go to the hospital."

"It's alright," he shook his head and stared deeply at me.

"Mas masakit pa rin no'ng iniwan mo ko," aniya.

I stilled, umawang ang labi ko at napatitig sa kanya at nakita ko ang pait ng ngiti niya.

Hindi ako nakapagsalita at nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin at marahang ibinaba ang kamay ko mula sa kanyang dibdib.

"Jer," I called.

"I was just kidding, Lena." He gave me a sad smile. "Let's go, ihahatid na kita."

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
567K 16.1K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022