In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [14]

85.2K 2.7K 82
By chiXnita

-14-

"WHERE ARE we going, Xhai?" tanong ni Xyrene nang makalayo na kami kay na Grant, Brix at Angel.

"Mag-uusap lang tayo, Xy," kalmadong sagot ko at umakyat sa isang matirik na bato. Sinundan niya naman ako.

"Bakit dito? Kailangan talaga tayong dalawa lang? Ikaw talaga, hanggang ngayon masyado ka pa ring malihim." Ipinagpag niya ang mga palad na nadumihan at sumalampak ng upo sa batohan.

"Oh, ano ba 'yon ha?" Pinalo niya ang tabi niya para umupo ako doon. Nakangiti siya sa 'kin. Tinatangay ang buhok niya nang malakas na simoy ng hangin. Magkamukhang-magkamukha talaga kami. Feeling ko nga may malaking salamin lang na nakalagay sa harapan ko.

"Doon tayo. Ang boring dito masyado," turo ko sa daan patungo sa bangin ng isla. "Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon. Gusto kong puntahan. Sasama ka?" Inayos ko ang buhok kong tinatangay na rin ng hangin. Maaliwas ang paligid. Pero may mga itim na ulap na nagtitipon-tipon na nagbabadyang uulan.

Napatayo siya bigla. "Oo naman! Tara. Matagal ko nang gustong pumunta diyan. Kaso pinagbabawalan tayo nina mommy." Nagpatiuna na siyang maglakad pero tumigil din at humarap. "Hindi ba natin sila isasama? Para mas marami tayo, mas masaya." Tumalon pa siya at itinaas ang dalawang kamay niya. 'Yan ang kaibahan namin ni Xyrene.

Mahilig siya sa mga exciting things. Aggressive. Risk-taker.

'Yon ba ang nagustuhan ni Grant sa kanya?

"Babalik din tayo pagkatapos nating mag-usap."

Nang makarating, parehas kaming laglag ang panga. Sobrang ganda sa lugar. Tanaw ang mga katabing isla at ang malawak na karagatan. Para kaming nasa tuktok ng mundo.

Halos maabot na namin ang mga ulap. Kulay asul ang dagat na nahahaluan ng berde. Nakikiawit ang mga ibon sa simoy ng hangin. Naglalakihan ang mga bato sa paligid.

"Ang ganda!" sabay na sambit namin ni ate at sabay din kaming natawa. Pumunta kami sa gilid ng bangin at sinilip ang baba. Agad din akong lumayo nang malula. Ang taas!

Matulis ang mga bato sa ilalim.

"Boo!"

"Xy!" hysterical akong napatalon nang gulatin niya ako. Humagalpak naman siya at humawak pa sa tiyan niya. "You scared me!" sigaw ko at napahawak sa dibdib na sobrang bilis ang pintig. Hinawakan ko ang braso niya. Hinila siya palayo sa bangin. "Don't do that again."

"Your face was adorable. Ang cute mo!" Pinisil niya ang pisngi ko. Kay Grant niya yata nakuha ang papisil-pisil na 'yan. Hindi niya naman ginagawa sa 'kin ito dati. "Ano ba 'yon, ha? May boyfriend ka na?" Umupo siya sa isang bato sa lilim ng malaking puno.

"No!" agad na sagot ko. "Gusto lang kitang masolo. Alam mo naman, malapit ka nang... ikasal."

Napakagat labi ako at nilalaro ang mga daliring nakapatong sa tuhod. Hindi niya alam na mahal na mahal ko ang lalaking papakasalan niya. Si Angel lang ang nakakaalam ng bagay na iyon, simula pa lang.

Ayokong malaman ni ate. Ayokong mag-away kami.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na kami ni Grant!" Tumingin siya sa 'kin. Ang saya-saya niya. Napatingin naman ako sa likod niya para pigilan ang pagpatak ng luha. "Ang swerte ko talaga sa kanya. Alam mo naman lahat-lahat ng tungkol sa amin, 'di ba? SisBeFriend kita, eh." Niyakap niya ako. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Agad kong pinunasan.

SisBeFriend. Ayan ang tawag niya sa samahan namin. Pauso niya lang.

"Akalain mo 'yon, tatagal kami ng anim na taon ng topakin na 'yon!" Humalakhak siya. Napahigpit naman ang pagkakakuyom ko sa kamao. "Bipolar. Mainitin ang ulo. Seloso. Antipatiko. Pero shit naman. Ang g'wapo. Sexy. Sizzling hot. Yummy. Sweet. Mabait. At higit sa lahat mahal ko at mahal na mahal ako." Tumili siya na parang kinilig. "See how lucky I am, Xhai?"

Oo! Ang s'werte mo. Mahal ka ng taong mahal mo. Ikaw ang makakasama habangbuhay ng taong pinakamamahal ko.

Ang s'werte mo. 'Yong taong simula bata ko pa tinitingnan... ikaw ang piniling pakasalan. Hinding-hindi ko na siya mahahawakan kailanman.

Sobrang s'werte mo. Samantalang ako... pinipiga ang puso.

Inilayo niya ako sa kanya. Nabura ang ngiti niya nang makita akong umiiyak. "Why are you crying? H-hindi ka masaya para sa 'kin?"

"Of course, I-I'm happy. Tears of joy." Pinilit ko na namang ngumiti kahit na parang inaapak-apakan nang paulit-ulit ang puso ko.

"Hindi alam nina mommy na may relasyon na kami high school pa lang ako. 14 ako nang naging kami at 16 naman siya. Ang bata pa namin pareho kaya itinago naming dalawa. Nalaman n'yo lang no'ng debut natin, 'di ba? Naalala ko pa kung paano sila nagulat noon, lalong-lalo ka na. Grabe, hindi ko makakalimutan." Tumigil siya saglit na parang inaalala ang mga moments nilang dalawa. Hindi ko na alam kung kukuha na ba ako ng kutsilyo na ipapangsaksak sa sarili ko.

"Isa ako sa mga batang ikakasal. 20 pa lang ako, 11 days from now, 21 na ako at apat na buwan na lang ikakasal na ako. Grabe, parang kelan lang naglalaro pa tayo ng tagu-taguan sa katabing kanto." Humalakhak naman siya. Pinilit ko ang sariling matawa.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya napapansin na mukha na akong tanga.

"Tama na ang tungkol sa 'min ni Grant. Nasa finish line na kami, eh. Alam naman nating kami na talaga." Ngumiti siya nang muling bumaling sa 'kin. "Ikaw ba, kelan mo sasagutin si Brix?" Nakakalokong tanong niya. May kasama pang palo sa braso ko na parang timang na kinikilig. "Sagutin mo na sis! 20 ka na. My God! Mag-boyfriend ka naman."

"Stop it, Xy! Walang gusto sa 'kin si Brix. Hindi naman siya nanliligaw. Magbestfriend kami. Hanggang doon lang 'yon." Umiling pa ako.

Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na kasama si Brix sa future.

"Nah. Nagsimula rin kami sa pagiging friends ni Grant and believe me, head over heels sa 'yo si Brix. Ang engot mo lang kaya hindi mo napapansin. Magpapatayo na talaga ako ng 'XhaiRix Fans Club' para lang marealize mo ang damdamin niya para sa 'yo." Kinikilig siya. Ang hilig niya talagang bumuo ng mga codenames.

Hindi na ako sumagot dahil nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ang plano. Ang dami pa niyang sinasabi pero hindi na ako nakikinig.

Tumayo na ako at tumingin sa itaas. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko pala kaya. I can't do this. I love her so much.

"Balik na tayo." Hinawakan ko ang braso niya. "Kanina pa siguro sila naghihintay."

"B-Babalik na tayo? Mamaya na." Humawak siya sa ulo niya. Madiin na pagkakahawak kaya nanlaki ang mga mata ko at nataranta. "Aah!" sumigaw siya kaya nagpanic na ako.

"Ate, l-let's go!" Hinatak ko na siya pero hinila niya ako pabalik. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. Ibang-iba na ang emosyon sa mga mata niya. Napaurong ako bigla.

Not here! Not here, please.

Hinanap ko agad ang medicine niya sa bulsa pero agad kong narealize na si Grant ang may hawak niyon. Hinagilap ko ang phone pero hiniram ni Angel kanina at hindi pa naibabalik.

Napapadyak ako sa sobrang helpless at muling tiningnan si ate na nakikipaglaro na sa mga nalalaglag na dahon mula sa malaking puno. Bumuga ako ng hangin at nilapitan siya. "C'mon, doon na tayo maglaro," yaya ko sa kanya.

Bumaling siya sa 'kin nang tumatalon. "Let's play, pretty. Ang daming flowers na nalalaglag. Mukha silang snow. Look..." Muli niyang inilahad ang mga palad niya sa mga dahon.

"Those are leaves and not flowers, baby. Hindi rin sila snow." Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa side niyang 'to. Makulit na nga siya mas nagiging makulit pa siya once na umatake ang sakit niya. "Bibili tayo ng maraming flowers at pupunta tayo sa maraming snow kapag nakabalik na tayo. Tara na?"

"Really?" Tumalon ulit siya at kumapit pa sa 'kin nang mahigpit. "So, what are you waiting for? Let's go. Then buy me some ice cream, too. Milk flavor not chocolate, it's dirty."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Okay."

Naglakad na kami. Ang higpit nang magkakahawak ko sa kanya. Pero agad din siyang natigilan at pinanuod ang isang dahon na lumilipad papuntang bangin. Bumitiw siya sa pagkakakapit sa 'kin at hinabol iyon.

"No! Snow, get back here!" sigaw niya. Ako naman hinabol agad siya.

"Ate!"

Binalot agad ako ng takot. Halos isang metro na lang ang layo namin sa dulo ng bangin. Mabuti agad ko siyang naabutan. Nanginig ang buo kong katawan. Naalarma.

"No, we need to save snow. Mamamatay siya kapag nahulog siya." Humihikbi siyang nakikiusap. Muli akong napabitiw nang kagatin niya ang kamay ko. Hinarangan ko agad siya nang binalak niyang tumalon sa bangin para sundan ang dahon. Ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib ko sa sobrang pagpapanic. "I'm gonna save snow!" Tumakbo siya at akma akong tutulakin kaya napaiwas ako. Nahigit ko ang hininga. Natulala na lang bigla.

"Xhai, h-help me!" Bumalik lang ako sa sarili dahil sa sigaw ni ate.

_..._..._

NAPABALIKWAS AKO ng bangon at agad na inilibot ang paningin sa loob ng silid. Nasa loob ako ng kwarto sa beach house. Saka ko lang napagtanto na binabangungot ulit ako. Sigurado akong panaginip 'yong kay ate. Pero ang nangyari kay Grant. Oh, my God!

"G-Grant?" Hysterical na sigaw ko.

"Hey!" Napatingin ako sa gilid ng kama. Nakita ko siyang naalimpungatan yata dahil sa pagsigaw ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko na napigilan, napahagulhol ako. Niyakap niya ako. Mahigpit. Nangcocomfort. "Baby, I'm okay. I'm okay. S-stop crying now."

"Y-Y-You're alive!" nanginginig ang boses pati na ang buong katawan ko. Hinalikan niya ako sa noo.

"Ang mga sexy at gwapong nilalang, hindi basta-basta namamatay 'yan," pagbibiro niya. Pinisil pa ako sa pisngi. Pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki. Pero hindi ko magawa ang ngumiti. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa dibdib. Hindi pa rin tumitigil sa paghikbi.

"You've been sleeping for almost 12 hours, Heather. Hindi ka pa kumakain ng lunch at dinner. Ala una na ng madaling araw. Hindi ko alam kung mababahala na ba ako kasi narcoleptic ka. Akala ko hindi ka na magigising. Kain na tayo? Hindi pa rin ako kumakain. Gusto na nga kitang papakin habang natutulog ka." Tumatawa siya kaya kinagat ko ang labi. Inalalayan niya akong tumayo pero nanatili lang akong nakaupo.

Ngayon ko lang siya nakitang tuloy-tuloy sa pagsasalita. Ang saya-saya niya. Na parang ito lang ang kailangan niyang gawin para i-cheer up ako. Na wala akong dapat alalahanin. Na 'wag akong mag-isip ng kung ano-ano.

Tiningnan ko ang kabuoan ng mukha ni Grant. Hindi niya alam kung gaano ako natakot kanina. Ako ang mas natakot sa 'ming dalawa.

He almost died. He fvcking almost died. I'd die for him instead, to keep him alive.

Itinaas ko ang nanginginig na palad para haplusin ang mukha niya. "A-A-Are you okay?" Namamalat ang boses ko. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa tabi ko. Nakikita ko. Nahahawakan ko.

I thought he's...

Ngumiti siya nang pilit at pinunasan ulit ang pisngi ko. Marahan siyang tumango. "I'm okay. A-Are you okay, Heather?" balik na tanong niya. Hinahaplos ang pisngi kong basang-basa sa luha.

Sunod-sunod naman akong umiling at muling humagulhol. "Y-You almost died. Of course, I-I'm not okay. I am not okay, Grant..." Muli niya akong hinapit palapit. Niyakap nang mas mahigpit. Natatakot akong bitiwan siya. Ayoko. Baka kasi mawala na lang siya bigla.

Mamamatay ako.

"Don't leave me. D-don't leave me. Please?"

Hinalik-halikan niya ang noo ko. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan sa mga mata nang seryoso. "I can't promise you that I won't die but I'll stay by your side when I'm still alive," he assured me.

I stared at him. "You're not going to die. It won't happen. I'd trade my soul to god of death just to keep you safe, Grant."


Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
41.5M 828K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy