The Charm

By sweet_aria

1.9M 69K 5K

[AGREZOR SERIES #1] Si Amity ay guro sa isang pribadong paaralan sa probinsya ng Rizal. Madalas masangkot ang... More

The Charm
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 30

28.2K 1.1K 124
By sweet_aria

Chapter 30

"Ganda ni Ma'am Amity, dude!"

Napalayo ako kay President. Tumingala siya sa sumunod na palapag ng building kung saan nagmula ang boses na 'yon.

"Crush ko nga rin si Ma'am. Galing pa magturo, pre!"

"Can't help but stare whenever she speaks in front of the class."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Aakyatin sana sila ni President pero agad kong hinaklit ang braso niya.

Tiningnan niya ako. Hinigit ko siya palayo roon. Buti na lang at walang mga estudyante sa labas dahil oras ng klase.

"Hinahayaan mo lang na bastusin ka ng mga estudyante?" tanong niya na bakas sa boses ang inis.

Binitawan ko siya pero nagpatuloy ako sa paglalakad. "Hindi sila nambastos."

"Pinag-uusapan ka nila."

Dumeretso ang tingin ko sa hallway. "Normal sa mga estudyante ang humanga sa teachers. As long as wala silang ginagawang masama—"

"So you wait for something to happen before you take an action?" he cut me off.

"You don't understand..." Tumigil ako sa pagsasalita nang may nasalubong kaming college professor.

"Good afternoon," bati ng babaeng professor sa akin na hindi ganoon katanda. Binalingan niya si President. "Good afternoon, Sir."

"Good afternoon po."

"Good afternoon."

Halos sabay pa kaming nagsalita. Nang nakalagpas na sa amin ang professor ay saka ko pinagpatuloy ang paglakad. Nakabuntot lang siya sa akin.

"Where are you headed?" he asked.

"Registrar's Office," sagot ko.

"Kay Faerie?"

"Opo." Tumigil ako sa tapat ng office nila Faerie at ganoon din siya. I faced him. "Sir?"

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Pwede na po kayong bumalik sa office n'yo." Itinuro ko ang office niya sa 'di kalayuan.

Napailing siya. Nalukot ang noo ko nang nakita ang bahagya niyang pagngiti. Naglakad na siya patungo sa direksyon ng kanyang office.

Napabuntonghininga ako at humarap sa pinto. I knocked three times before entering the office. Dumeretso ako sa table ni Faerie.

Wala siya rito. Natuon ang pansin ko sa mga prutas na nasa table. Sandali lang ay dumating na siya. Presensya niya pa lang alam ko na.

"Who gave you these?" Itinuro ko ang mga prutas. Nilingon ko siya.

Walang emosyon ang mukha niya na nakatingin sa akin. Kahit may note na nakadikit sa apple at may kakayahan ako na malaman kung kanino 'yon galing ay hindi ko 'yon binasa.

"I don't know." Umupo siya sa swivel chair.

"Walang pangalan na nakalagay kung kanino galing?"

Tamad siyang tumango. Napagitnaan kami ng katahimikan.

"Why are you here?" she asked coldly.

Ngumuso ako at hinila ang malapit na monoblock chair. Lumapit ako sa kanya at tinangka siyang hawakan pero inilayo niya ang sarili.

"Did he do something bad to you?"

"Sa tingin ko, hindi tamang pag-usapan ang nangyari rito." Tumungo ako.

"Hindi ako uuwi sa apartment mamaya. Kadarating lang ni Earl from US, at the same time, kailangan kong tumulong sa paghahanda sa birthday niya."

Earl was his younger brother. Tumango ako.

"Kung gusto mo, sumama ka sa akin."

Tipid akong ngumiti. Tumunghay ako. "No, quality time mo 'yon with your family. Kaya ko namang mag-isa sa apartment."

"Alam mong hindi ka na iba sa pamilya namin."

Gumalaw ang balikat ko. Humalik ako sa kanyang pisngi at tumayo na. Hindi ko alam kung kailan kami makakapag-usap nang matino tungkol sa nangyari kagabi, dahil tiyak na matatagalan siya sa kanila.

Umalis na ako at bumalik sa room ng advisory class ko. Nag-excuse ako sa subject teacher nila at kinuha ko ang mga naiwan kong gamit. Bumalik ako sa faculty room dahil vacant ko naman.

Bago pa dumilim ay lumabas na ako ng Hasse, dahil kailangan kong i-home visit si Shine. Sumakay ako ng jeep at pinuntahan ang address na nasa profile niya.

Nag-door bell ako sa isang malaking bahay. Lumabas dito ang isang katulong at binigyan ako ng isang magaan na ngiti.

"Magandang hapon. Ano pong maipaglilingkod ko?" magalang na tanong ng ginang.

"Magandang hapon rin po. Dito po ba nakatira si Shine Illustre?"

Tumango ang ginang at mas nilakihan pa ang bukas ng gate. "Ano pong kailangan n'yo kay Shine?"

"Adviser niya po ako sa Hasse."

"Kayo po pala, Ma'am Amity!" biglang sumigla ang boses ng ginang. "Madalas po kayong maikwento sa akin ng batang 'yon! Tara po sa loob at makapag-meryenda."

Napangiti ako at sumunod sa ginang.

"Totoo nga pong maganda kayo. Lagi 'yong ibinibida ni Shine." Iginiya niya ako sa living room ng bahay.

Lumibot ang mga mata ko sa photographs sa wall. Maganda ang pagkakaayos nito mula pagkabata hanggang sa kasalukayan. All were smiling photographs of Shine.

Saglit niya akong iniwan. Pagbalik ay may dala siyang pitcher ng orange juice at kung hindi ako nagkakamali ay ham and bacon sandwich.

"Balita ko po ay na-discharge na siya. Maaari ko po ba siyang makita?" tanong ko.

Napawi ang ngiti ng ginang at napatingin siya sa pangalawang palapag ng bahay. "Nasa loob siya ng kwarto. Ayaw po niyang kumausap ng kahit sino. Kahit nga po ang mga magulang niya ay hindi niya iniimik."

"Nasaan po ang parents ni Shine?"

"Nasa trabaho, Ma'am."

Ibinalik ko ang tingin sa taas. "Pwede n'yo po bang ituro sa akin ang kwarto niya? Gusto ko lang po siyang makausap."

Tumango ang ginang. Sinundan ko siya at tumigil kami sa isang kwarto. Iniwan din niya agad ako.

Matagal akong tumitig sa pinto bago kumatok. She did not answer.

Muli kong sinubok at nagsalita, "Shine?" Humugot ako ng hininga. "Can we talk?"

Nang hindi pa rin siya sumagot ay humilig ako sa pinto.

"Gusto kong makita ang anak ko, pwede ba?" Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. "Sige na, o?"

Pinakiramdaman ko siya. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Nakatungo siya at hindi makatingin sa akin.

"Can I come in?"

Hindi siya sumagot pero mas nilakihan niya ang bukas ng pinto. I took that as a yes.

Sumandal siya sa headrest at yumakap ng isang unan. Inabot ko ang mga kamay niya at tiningnan ang mga sugat sa kanyang palapulsuhan pataas.

"Masakit pa ba?" tanong ko.

Mahinhin siyang umiling.

"Anong masakit?"

Itinuro niya ang dibdib at sumunod ay ang kanyang ulo.

"H-Hindi ko po ma-explain 'yong sakit. Lalo na po rito sa utak ko. Hindi po siya literal na sakit." Her tears fell down her beautiful face. Ang dating mapupula niyang mga pisngi ay tila walang dugo dahil sa putla nito.

"Naiintindihan kita." Marahan kong pinunasan ang kanyang mga luha.

"Buti ka pa, Ma'am, naiintindihan ako. Sila, hindi." Nagsimulang gumalaw ang kanyang mga balikat. "Sobrang sama rin ng loob ko kay Rosie. Ang sasakit ng sinabi niya sa akin. Para bang ganoon lang kadali na maging okay. Lagi niyang sinasabi na nasa isip ko lang lahat." Tumungo siya at humikbi. "Sana naisip niyang nakakasugat ang salita."

Niyakap ko siya. And caressed her back.

"Si Mommy at Daddy pa laging nag-aaway. Nag-uuwi si Daddy ng babae kapag wala si Mommy. Akala niya hindi ko alam. Sa edad kong 'to, Ma'am, hindi naman ako bulag. Hindi ako tanga."

Ramdam ko ang hinanakit sa kanyang mga salita.

"Wala akong mapagsabihan ng mga problema ko, kasi feeling ko walang gustong makinig."

Kumalas ako sa yakap at hinagilap ang mga mata niya. Hinawakan kong muli ang magkabila niyang kamay.

"Sa totoo lang, Ma'am, hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko. May pagkakataon na nalalabanan ko ang dilim, may pagkakataon din na hindi."

Pinilit kong pigilin ang mga luha. Pinisil ko ang kanyang mga kamay.

"Gusto ko na lang pong mawala. Gusto kong magpahinga nang matagal. Walang gisingan. Nakakapagod po e. Sobra." Bumitiw siya sa hawak ko at inilapat niya ang kamay sa tapat ng kanyang dibdib. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ako lalaban."

"Shh," pagpapatahan ko sa kanya. "Kaya mo. You are strong, Shine. Lalaban ka hanggang sa huli. Ga-graduate ka pa. Matutupad mo pa ang mga pangarap mo sa buhay."

"Hindi po ako strong. Kita n'yo naman po, sinasaktan ko ang sarili ko."

Umiling ako. "Matatag ka. Matapang ka. Alam mo kung bakit? Kasi hindi nararanasan ng ibang tao ang nararanasan mo. Pagkatapos mong umiyak, 'di ba nagagawa mo pa rin ipakita sa iba na masaya ka? Nagagawa mo pa rin magmahal kahit sobra na 'yong sakit na ibinibigay sa 'yo ng mundo."

"Hindi po madali."

"Hindi ko sinasabing madali ito para sa 'yo." Inayos ko ang buhok niya at ngumiti. "Kasi alam ko kung gaano kahirap labanan ang sakit na hindi nakikita ng ibang tao. Pero laban lang, Shine."

Napangiti siya, pero kasabay niyon ang mas pag-uunahan ng kanyang mga luha. "Thank you, Ma'am. Thank you, Mommy!"

Muli ko siyang niyakap. Saglit pa ay tumahan na siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

She pulled away from the hug. "Not yet, even breakfast."

I sighed. Inilahad ko ang kamay sa kanya. Napangiti ako nang ipinatong niya rito ang palad niya. Hinigit ko siya patayo.

"Change your clothes. Kain tayo sa labas," aya ko sa kanya.

Hindi na ako naghintay pa na may sabihin siya. Lumabas ako ng kanyang kwarto at saktong nakita ko rin ang katulong.

"Lalabas lang po kami ni Shine. Inaya ko pong mag-dinner."

Ngumiti ang ginang at tila maiiyak pa. Inabot niya ang dalawa kong kamay. "Ma'am, salamat po! Nag-aalala na po kasi ako sa alaga kong 'yon. Wala pa pong laman ang tiyan kundi tubig."

Sabay kaming bumaba. Bumalik ako sa living room at hinintay si Shine. 'Di rin nagtagal ay bumaba siya.

"Ang ganda naman," puri ko sa kanya.

Kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Naka-shorts siya at kulay maroon na hoodie.

"Alis na po kami," paalam ko sa katulong na lumabas ng kusina.

Tumingin siya kay Shine na tahimik lang na nakatayo. Hinawakan ko ang braso ni Shine at naglakad na kami patungo sa pinto.

Nang lingunin ko ang katulong ay hinatid niya kami ng tingin hanggang sa makalabas kami.

Kumain kami sa isang restaurant. Masaya ako na kahit nahihirapan siyang lunukin ang pagkain ay pinilit niya.

Matapos naming maghapunan ay hinatid ko siya sa bahay nila. Pauwi sa apartment ay ang dami kong iniisip. Tumigil ako sa paglalakad nang nakita sa gate ang isang lalaki.

He was standing with his feet crossed and hands inside his black jeans' pocket.

"Anong ginagawa ko rito?" inunahan na niya ako sa pagtatanong.

Naglakad siya palapit sa akin. Nang nasa harapan ko na siya ay kinailangan niyang bahagyang tumungo. Naghinang ang aming mga mata.

"Wala lang." Muli siyang humakbang at napaatras ako. "E ikaw? Maaga kang lumabas ng Hasse, tapos ngayon ka lang nakauwi?"

Hindi ko inakala na nandito siya, dahil hindi ko agad nakita ang kanyang sasakyan. Hinanap ko 'yon at nakaparada 'yon sa 'di kalayuan.

"Tatay ba kita?" Mabilis na kumalat ang inis sa sistema ko.

"Hindi." Inilibot niya ang tingin sa paligid. "Tatay ako ng mga magiging anak mo."

Sa kabila ng nanunuya niyang ngiti ay ang mga mata niyang seryoso.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 25K 50
He is my first love. High school pa lang kami, I am already truly, madly, and deeply in Love with him up to the point that I already surrendered ever...
2.4M 49K 51
ZAMORA BROTHERS SERIES III Servo Callix Jamisola Zamora Servo is one of the most sought bachelors, naughty and party goer. He loves partying and soci...
1.2M 8.3K 24
It ended but it'll still haunt you.
3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...