Everything I Want [BOOK 1]

By barbsgalicia

3.6M 89.9K 12.9K

[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at... More

Everything I Want
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
EPILOGUE
BOOK TWO: Everything I Need

Chapter 39

60.1K 1.6K 129
By barbsgalicia

ARKHE

"Anong meron?" tanong ko agad dito kay Amanda pagkalabas namin ng kwarto ni Sab.

"Dito tayo," sabi niya naman sabay pinasunod ako ng lakad palayo sa kwarto.

Lalo tuloy akong nagtaka. Ayaw niya yata talagang marinig ni Sab ang kung ano mang pag-uusapan namin.

Pumwesto kami malapit dito sa hagdan. Sa itsura niya pa lang ngayon, kutob ko nang seryoso ang sasabihin niya.

"Ano ba 'to?" tanong ko na ulit.

Tipid siyang ngumiti. "Tungkol sa bumaril kay Isabela. Kumuha na kasi ako ng mga tao para hanapin ang nanakit sa kapatid ko."

Nakahinga ako nang maluwag. 'Yon lang pala. Akala ko kung ano na.

"Mag-uumpisa na rin ako sa paghahanap sa grupong 'yon, lalo na sa bumaril kay Sab," sabi ko. "Mamaya nga pupunta ako sa club ko. Aasikasuhin ko 'yong mga koneksyon ko na pwedeng tumulong sa 'kin. Hindi titigil ang grupong 'yon hangga't hindi nakaka-ganti, e."

"Let's just work together then. Bibigyan kita ng karagdagang tao na pwedeng tumulong sa 'yo."

"Sige." Hindi na ako tumanggi. "Tatawagan ko rin 'yong isa kong kaibigan. Siya kasi ang mas nakaka-kilala do'n sa grupo."

"Alright. And by the way, I'll give you some bodyguards, too."

Kumunot ang noo ko. "Para saan?"

"Para may magpo-protekta sa 'yo."

"Hindi na kailangan. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Utos 'to ni Isabela. She wants you to be safe while we're still here in the Philippines."

Hindi na 'ko lumaban. Tumango na lang ako. "Sige, kayo'ng bahala." Tapos bumuntong-hininga ako. "Ito lang ba 'yong sasabihin mo sa 'kin?"

Bigla naman siyang umiwas ng tingin. "Actually, may isa pa. Ito talaga 'yong dahilan kung bakit kita gustong makausap."
"Ano 'yan?"

Ang tagal bago siya nakasagot. "Tungkol sa sakit ni Isabela. Nakausap kasi ni Morris ang dating doktor ng kapatid ko sa New York."

Ako naman 'tong umiwas ng tingin. Parang hindi maganda ang kutob ko sa tono pa lang ng pananalita niya. "Anong sabi ng doktor tungkol sa sakit ni Sab?"

"He will need to check Isabela again and do some tests. Pero dahil patuloy sa pagde-develop ang mga symptoms niya at may posibilidad na lumaki na ang tumor, baka raw hindi na basta therapy ang gawin sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?"

Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry to say this, but she might undergo surgery."

Napatulala pa 'ko nang matagal sa kanya bago ako pumikit nang madiin. Bigla akong pinanghinaan ng mga tuhod. "Delikado 'yon, 'di ba?"

"Yes, it is risky. But looks like we have no choice. Kung patuloy na lalaki ang bukol, baka hindi na niya ma-tolerate. It needs to be removed . . .

. .  . Actually, ito rin ang sinabi ng bagong doktor ni Isabela dito sa Pilipinas. Pero ayaw tanggapin ng kapatid ko. She wants to look for other options. But the problem is, there's no other best option. Surgery na talaga ang sinasabi ng mga doktor niya."

Napasandal na 'ko rito sa balustrade ng hagdan. Nag-uumpisa na naman akong lamunin ng takot. "Alam na 'to ni Sab?"

"'Yung tungkol lang sa posibilidad na ooperahan siya. Hindi niya pa alam na 'yon din ang sinabi ng doktor niya sa New York. Ayoko pang ipaalam sa kanya kasi baka mas lalo siyang matakot. Ang bilis kasing ma-apektohan ng kapatid ko ngayon. Parang hirap siyang tanggapin ang mga bagay. Laking pasasalamat ko nga na nandito ka. Sa 'yo lang siya nakikinig."

Napayuko ako. "Dapat na 'tong malaman ni Sab. Para makapag-handa siya at maging matapang."

"I know. I'll tell her. Pero Arkhe, hindi lang si Isabela ang kailangang maging matapang. Tayo rin. Mas lalo ka na."

Tiningnan ko siya nang nakakunot ang noo.

Umiwas naman ulit siya ng tingin at bumuntong-hininga. "Tinanong din kasi ni Morris sa doktor kung anong mga magiging epekto ng gagawing surgery . . ."

Binalik niya ang tingin niya sa 'kin bago siya tumuloy sa pagsasalita. ". . . Arkhe, don't be frightened. But it's possible for Isabela to have memory problems."

Napatuwid agad ako ng tayo sabay titig nang diretso sa kanya. "Makakalimot siya?"

Malungkot siyang tumango. "Yes. Possible."

Hindi na 'ko nakapagsalita ulit. Parang gusto kong magbingi-bingihan at hindi paniwalaan 'tong mga sinasabi niya sa 'kin.

Bigla niya naman na akong tinapik sa balikat. "Pasensiya na kung kailangan mong malaman ang mga 'to. Sa 'yo ko muna unang sinabi para makapag-handa ka. Alam ko kasing ikaw ang pinaka-mahihirapan kung sakaling mawalan nga ng ala-ala ang kapatid ko."

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Wala na 'kong masabi dahil aminado akong sobrang nanghihina na naman ako ngayon.

"Arkhe," tawag niya ulit. "Sa 'yo lang kumukuha ng lakas si Isabela. Wag ka sanang mawawala sa tabi niya kahit pa anong maging resulta ng operasyon. My sister needs you."

##

SA TUWING MAAALALA ko 'yong pinag-usapan namin ni Amanda, pakiramdam ko maiiyak na lang ulit ako.

Kanina pa 'ko balisang-balisa, hindi na ako natahimik. Parang gusto ko na nga lang lunurin sa alak ang sarili ko ngayon, baka sakaling tumapang ako at mabawasan kahit kaunti 'tong nararamdaman kong takot.

Akala ko wala ng mas bibigat pa sa katotohanang may sakit si Sab, meron pa pala.

Tsk, hindi ko na naman tuloy alam kung papa'no ko pakakalmahin ang sarili ko. Naisip ko na lang na ituloy ang paglabas at pag-punta sa Third Base. Baka mas makapag-isip pa 'ko nang maayos.

"You're leaving already?"

Bigla akong napatingin kay Sab na nagising na ngayon.

Nginitian ko siya kahit na ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. "Oo. Hinihintay lang kitang magising para makapag-paalam."

"Sorry, napahaba ang tulog ko."

"Ayos lang." Tinaas ko 'tong pagkaka-kumot niya. "Kamusta na pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo?"

Pinakiramdaman niya saglit. "Hindi naman. Medyo nahihilo lang, pero kaya ko."

"Sigurado ka?"

"Yes. Okay lang kung aalis ka."

"Saglit lang ako sa Third Base. Babalikan din agad kita rito."

Ngumiti siya, tapos hinawakan ang kamay ko habang nakaupo ako rito sa gilid ng kama. "How about you, are you okay? Parang galing ka sa iyak. May nangyari ba?"

Umiling ako. "Wala. Medyo kagigising ko lang din kasi. Nakaidlip ako kanina sa tabi mo."

"Ah. Ano palang pinag-usapan niyo ni Amanda kanina?"

Natigilan ako saglit bago nakasagot. "Wala naman."

"Wala? E bakit sa labas pa kayo nag-usap?"

Umiwas na 'ko ng tingin sabay bumuntong-hininga. Kailangan ko munang magsinungaling. "Wala 'yon. 'Yong tungkol lang do'n sa paghahanap sa bumaril sa 'yo."

"Oh, okay. Kinabahan ako. Akala ko may ibang problema."

Pinilit ko lang uling ngumiti, tapos hinalikan ko 'tong kamay niya na nakakapit sa 'kin. "May gusto ka bang pasalubong mamaya pag-uwi ko?"

"Uhm, nothing. Hindi ko pa naman nakakain lahat ng mga prutas na binigay mo. Uubusin ko muna."

"Sige. Kapag may naisip kang ipabili, tawagan mo lang agad ako." Tumayo na 'ko mula sa pagkakaupo rito sa kama pagkatapos. "Kailangan ko nang umalis. Hapon na. Dito ka lang sa kwarto mo, hmm? Wag kang lalabas nang wala kang kasama."

"Okay." Tapos inabot niya ulit ang kamay ko. "Ark, by the way, may pinky swear ka pa pala sa 'kin na hindi mo pa nagagawa. Kanina ko lang naalala."

"Ano 'yan?"

"The hideout, remember? Sabi mo aayusin mo at dadalhin mo ulit ako ro'n. I want to go there before we leave next year for New York."

"Oo nga pala. Sige, aayusin ko na para makabalik na tayo ro'n." Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok. "Aasikasuhin ko lang 'yung paghahanap sa bumaril sa 'yo, tapos lilinisin ko na 'yung hideout."

"Okay. Pwede bang do'n na lang tayo mag-celebrate ng Christmas?"

"Tayo lang?"

"Yes. Gusto ko tayong dalawa lang."

Tumango ako. "Sige. Pero dapat gumaling din muna nang tuluyan 'yang sugat mo sa balikat. Tsaka magpalakas ka."

"I will. Magpapalakas ako, I promise."

Ngumiti ako at hinaplos ulit siya sa buhok. "Sige na, aalis na 'ko. Para makabalik din agad ako."

"Okay. I love you."

"I love you." Hinalikan ko siya sa labi, tapos tumalikod na 'ko at lumabas ng kwarto niya.

##

PAGKASAKAY KO RITO sa kotse, hinang-hina ko na lang naisandal 'tong ulo ko sa upuan.

Ang hirap magpanggap na ayos lang ako. Kahit na anong ngiti ang gawin ko kanina kay Sab, hindi ko pa rin maalis-alis 'yung takot ko sa mga pwedeng mangyari.

Kinalma ko na lang muna ulit ang sarili ko. Nagkabit na 'ko ng seatbelt at dapat bubuhayin na 'tong makina ng sasakyan nang bigla namang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko agad. Akala ko si Sab ang tumatawag, si Theo pala. Sakto, kailangan ko nga rin pala siyang makausap.

Sinagot ko na. "Hello."

"'Tol. Nasa'n ka?"

"Nandito lang sa Maynila. Bakit?"

"Kagagaling ko lang diyan e. Sinusubukan kitang tawagan kaso hindi kita ma-contact. Pumunta rin ako sa Third Base, pero hindi ka pa raw ulit dumadaan do'n. Ano ba'ng pinagkaka-abalahan mo?"

Napabuntong-hininga ako. "Sorry, baka yun 'yong nagpatay ako ng cellphone. May inaasikaso lang ako. Nasa'n ka na ngayon? Nandito ka pa?"

"Wala na. Bumalik na 'ko dito sa Nasugbu."

"Kelan ka ulit pupunta rito?"

"Hindi ko pa alam. Pero baka bumalik din naman agad ako diyan."

"Sabihan mo 'ko. Kailangan kitang makausap."

"Tungkol saan?"

"Basta. Pag nagkita na lang tayo."

Bigla siyang natawa sa kabilang linya. "Ba't parang ang seryoso mo ngayon? Ano ba 'yan?"

"Tungkol sa club. Basta sabihan mo 'ko pag nandito ka na ulit."

"Ah, sige, sige. Kailangan din naman kitang makausap. Kaya nga kita tinawagan."

Sinandal ko ulit ang ulo ko rito sa upuan at pumikit. "Ba't ka nga ba napatawag?"

"May gusto akong itanong sa 'yo e. Napapadpad ka ba sa Makati?"

"Minsan. Bakit?"

"May nakilala kasi akong babae ro'n. Pero kilala ka rin yata niya."

Napadilat ako sabay nag-kunot ng noo. "Sino 'yan?"

"Nikola Arenas. Kilala mo?"

Ang tagal ko pang natigilan bago ako napangisi nang tipid. "Si Koko."

"Oo, 'yon nga! 'Yung barista sa coffee shop. Kilala mo pala talaga. Naging kayo ba no'n? Pwede ko bang patulan?"

"Ba't nagpapaalam ka sa 'kin?"

"Syempre. May usapan tayo pagdating sa babae. Ano, pwede ba?"

"Bahala ka. Malaki ka na."

"Ayos. Sige 'tol, tatawagan na lang ulit kita 'pag balik ko diyan. Next week siguro."

"Sige." Binaba ko na ang tawag pagkatapos.

Napatitig pa 'ko nang matagal dito sa screen ng cellphone bago ko tuluyang tinago.

Ang liit talaga ng mundo. Sa dami ng babaeng pwede niyang makilala rito, si Koko pa.

Gusto ko pa sana siyang tanungin kung paano sila nagkakilala, pero wag na lang siguro. Ayoko nang makialam. Tutal, may mas importanteng bagay ako na dapat pag-tuonan ng pansin ngayon. Kailangan ko pang i-handa ang sarili ko sa mga mangyayari kay Isabela.

Tinabi ko lang 'tong cellphone ko tapos binuhay ko na 'tong makina ng sasakyan at nag-umpisa nang mag-maneho.

Mayamaya lang naman, si Baron naman ang nag-text.

Kahapon pa 'to ganito. Hindi ko pa nababasa at nasasagot ang mga text niya. Mukhang may problema 'tong si Medel. Tatawagan ko na lang siya mamaya pagdating ko sa Third Base. Wala pa kasi talaga 'ko sa sarili ko ngayon.

##

NA-TRAPIK AKO PAPUNTA sa club.

Pagkarating ko tuloy, halos kumpleto na lahat ng mga tao ko. Sinalubong pa 'ko agad no'ng isa. "Boss Arkhe! Welcome back!"

Tinanguan ko lang. "Anong balita dito?"

"Ayos lang, boss. Nandito pala si Baron. Kararating lang, hinahanap kayo."

Napakunot ako ng noo sabay lingon sa labas. Oo nga, nakaparada nga ro'n 'yong kotse niya. Hindi ko agad napansin.

"Nasa'n siya?" tanong ko.

"Nasa opisina niyo."

"Sige. Pupuntahan ko na lang."

Iniwanan ko na siya at tumuloy na 'ko ng lakad papunta sa opisina ko sa likod.

Pagkabukas ko ng pinto, naabutan ko si Baron na nakaupo sa tapat ng mesa ko at parang problemadong-problemado.

Napatuwid lang siya ng likod nung napansin na akong pumasok. "Tangina 'tol, anong nangyari sa 'yo? Hindi ka nagpaparamdam."

Nilapitan ko siya. "Pasensya na, may inasikaso lang na importante. Ba't bigla kang napadaan dito?"

"Nagte-text ako sa 'yo ah? Hindi mo natatanggap?"

"Natatanggap. Pero hindi ko pa nababasa, sorry."

"Kaya pala." Napasuklay siya sa buhok niya, para siyang hindi mapakali.

"May problema ba?" tanong ko na sabay upo rito sa kanto ng mesa.

"Meron. Si Grant. May balita ka ba sa kanya pati sa grupo niya? Tangina ng gagong 'yon e." Pikon na pikon siya.

"Bakit?"

"Hindi pa rin pala nakuntento sa ginawa nila sa 'tin sa Bulacan. Kahapon, si Desa naman ang tinarget nung animal. Biglang pinuntahan sa apartment namin. Sinakto pa talaga na wala ako ro'n."

Bigla akong napatuwid ng upo. "Anong ginawa kay Desa?"

"Gustong pasukin sa loob ng unit. Buti na lang talaga hindi niya nagawa at nakabalik agad ako. Tangina pati talaga magiging anak ko, idadamay niyang hayop siya."

Natahimik ako. Akala ko ako lang ang binalikan ng grupo ni Grant. Sila rin pala. Tsk. Hindi talaga 'yon titigil hangga't hindi nakakapatay.

"Kailangan na nating ipahuli 'yong gagong 'yon para makulong na ulit," sabi ko.

"Oo. Kaya nga rin kita pinuntahan ngayon. Makikipag-tulungan ako sa 'yo. Dapat ko nang maasikaso 'to habang nasa ligtas na lugar pa si Desa."

"Bakit? Nasa'n na si Desa?"

"Binalik ko muna sa pamilya niya sa Batangas. Kanina ko lang siya hinatid do'n." Inis ulit siyang napasuklay sa buhok niya. "Ayoko talagang gawin 'yon, pero wala na 'kong ibang maisip na paraan para maprotektahan siya. Alam kong hindi titigil si Grant. Kailangan ko ng magbabantay kay Desa tsaka sa magiging anak namin habang abala ako rito sa paghahanap sa hayop na Grant na 'yon."

Bumuntong-hininga ako. "Tama lang naman 'yang ginawa mo. Mas ligtas do'n si Desa."

Tumayo na 'ko pagkatapos at pumunta rito sa likod ng mesa ko. Nagbukas ako ng laptop. "Wag kang mag-alala, tatawagan ko na 'yung mga kakilala ko na pwedeng tumulong sa 'tin sa paghahanap kay Grant. Tsaka may bago rin akong mga koneksyon ngayon."

"Malakas ba 'yang mga 'yan?"

"'Yung bago kong nakausap, malakas. Sigurado akong mas mapapadali ang pagpapahuli natin sa grupo ni Grant."

"Sige, 'tol. Simulan na natin 'to agad. Ayoko nang umabot ng Pasko." Bumuntong-hininga siya sabay tumingin ulit sa 'kin. "Ikaw ba? Hindi ka ba binalikan ng mga tauhan ni Grant? Iniisip ka namin ni Desa, akala namin may ginawa sila Grant sa 'yo kaya hindi ka nagpaparamdam."

Hindi na ako nakasagot. Bumalik na naman ang lungkot ko at napatingin na lang ako sa malayo.

Mas kakayanin ko pa nga sana kung binalikan lang ako nila Grant. Kaso mas mabigat pa ro'n ang dinadala ko ngayon.

Ooperahan ang babaeng mahal na mahal ko at posible siyang makalimot. Ang kinakatakot ko, paano kung pati ako makalimutan niya?

TO BE CONTINUED

AUTHOR'S NOTE: Last chapter na po ang susunod na update, tapos Epilogue. Maraming salamat sa lahat ng mga kumakapit hanggang dulo.

Liked it? Take a second to support me on Patreon! Here's how: www.barbsgalicia.com/support-me-on-patreon/

Continue Reading

You'll Also Like

286 52 15
Devlin Eloweth is entrusted with the task of taking care of her boss's grandson, little does she know that a simple mix-up will lead her to an unexpe...
349K 13.9K 32
Alluring Series #2 Ivann Remus Francisco III Started: June 02, 2020 Ended: August 04, 2020 All Rights Reserved 2020 Credits to Voltage Inc for the co...
200K 11.9K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
194K 5.6K 60
[The Palmer Brothers: DOS] - I was surrounded by roses but I ended up loving the thorn. I forgot that it can give pinpricks and could make me bleed.