Moonlight Blade (Gazellian Se...

By VentreCanard

8.4M 467K 122K

Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other god... More

Moonlight Blade
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 48

114K 7.2K 2.7K
By VentreCanard

Chapter 48

Bote

"Bakit ka bumaba sa lupa, Diyosang may hawak ng mga alaala?"

Isa nang malaking palaisipan noon pa man ang walang katapusang pagkadawit ng mga Gazellian sa kasaysayan. Simula sa pitong pinakamatataas na trono at sa pinakamalakas na diyosa ng Deeseyadah.

Minsa'y naisip ko kung sila ba'y may bahid ng dugo mula sa bampirang siyang nagpasimula ng lahat, ngunit sa una pa lang ay malinaw nang si Nikos at Naha lamang ang may malakas na kaugnayan rito. Sapat na ba iyong dahilan upang paulit-ulit na madawit ang mga Gazellian?

Kung iisipin ang kanilang pagkadawit ay hindi nagsimula kay Naha, dahil ito'y nagsimula na kay Lily pa lamang na siyang nagpasiklab ng isang pangmalakihang digmaan.

Minsa'y naisip kong ito'y dahil sa pakikielam ni Haring Thaddeus at Danna sa nakaraan nang panahong iligtas nila ang pinakamalakas na diyosa ng kasaysayan habang hinahabol ito noon ng pamilyang inakala niyang kanyang kakampi na siyang pinagmulan ni Kalla.

Bawat parte ng nakaraang siyang pinagdaanan ng pinakamalakas ng diyosa ng Deeseyadah laging may bahid na bakas mula sa mga Gazellian. At hindi iyon maaaring sabihing nagsimula kay Naha, Nikos, Kalla o maging ni Haring Thaddeus at Danna...

Dahil ang kanilang mga ugnayan sa nakaraan ay hindi sanhi, kundi isa nang bunga, isang resulta...

Si Reyna Talisha ang siyang nag-iisang dahilan kung bakit paulit-ulit nauugnay ang mga Gazellian sa unang kasaysayan.

Bago pa man ako bumaba sa lupa ay sinabi na sa akin ni Hua at Diyosa Neena na magiging tatlo na kaming diyosang piniling manatili sa mundong ito, hindi sapilitan kundi kusang loob.

Diyosa ng asul na apoy, ako at ang Diyosang sinasamba sa Halla na siyang pinag-aalayan ng buhay ng isang babae.

Gumuhit ang saglit na pagkagulat sa kanyang mga mata. Siguro'y iniisip niyang tuluyan nang nabura sa Deeseyadah ang kanyang kasaysayan dahil sa kakayahan niyang manipulahin ang mga alaala, ngunit si Diyosa Neena ay isang uri rin ng diyosa na may kakayahang ding magmanipula ng mga alaala, katulad niya.

"Sa kasalukuyan, tatlong diyosa ngayon ang itinuturing taksil ng Deeseyadah, ngunit dahil nagawa mong burahin ang buong pagkakakilanlan mo sa Deeseyadah, ilan lang ang nakakaalala sa'yo."

Si Reyna Talisha naman ngayon ang hindi magawang makapagsalita. Siguro'y hindi niya inaasahang makikilala ko siya, hindi bilang reynang nagpapanggap na mahina, kundi isang diyosang katulad ko na piniling iwan ang Deeseyadah.

"Ako, ang Diyosa ng Asul na apoy at ang misteryosong diyosa mula sa Halla na pinag-alayan ng buhay ng isang dalaga." Nang sandaling salubungin kong muli ang mga mata ni Reyna Talisha agad niya nang ibinalik ang kanyang mga matang nanunubok.

"Ikaw at ang diyosang nasa Halla ay iisa."

Hindi siya tumango sa akin ngunit hindi ko na kailangan ng kumpirmasyon.

"Ang mga diyosang nananatili sa lupa may limitadong kakayahan na siyang nararanasan ng diyosa ng asul na apoy, ito rin ang siyang naiisip ko noon kaya tumatanggap ang diyosa mula Halla ng buhay na sakrpisyo ngunit isa iyong malaking kasinungalingan. Mahina ang presensiya ng diyosang nasa Halla dahil wala mismo doon ang diyosang kanilang sinasamba."

Nagsimula na akong humakbang papalapit kay Reyna Talisha.

"Dahil ang diyosa'y nandito sa Parsua, hindi nanghihina kundi napapanatili ang sariling lakas. Ang presensiya ni Haring Thaddeus ang siyang nagpanatili ng lakas mo, na siyang aking ginagawa ngayon sa presensiya ni Dastan."

Habang tumatagal ay mas bumibilis ang pintig ng puso ko. Ang lahat ng katanungan ko'y unti-unti nang nasasagot.

"Ang iyong pananatili rito sa lupa'y kailanman ay hindi nagkaroon ng komplikasyon dahil ang kakayahan mong manipulahin ang mga alaala ay isa nang malakas na kapangyarihan upang maikubli ang iyong totoong pagkakakilanlan."

"Ikaw ang siyang malaking dahilan kung bakit laging nauugnay sa mga diyosa ang iyong mga anak. Si Zen na kapares si Claret, si Dastan na itinakda sa akin, si Naha at Kalla na kapwa may kaugnayan sa pinakamalakas na diyosa na itinakda kay Evan at Finn, at si Harper na sa aking kaalaman ay nakapares din sa isang bampirang may patak ng dugo ng diyosa..."

"Ngunit ang aking tanong..." nangangatal kong hinawakan ang mga kamay ni Reyna Talisha.

Ang kanyang mga kamay ay nanlalamig din katulad ng sa akin, ang mga mata niyang pilit niyang ikinukubli ng tatag ay unti-unti nang gumuguho.

"Ano ang dahilan ng iyong pagbaba? Ikaw ba ang nag-impluwensya sa asul na apoy upang bumaba rin? Ano itong itinatago ng Deeseyadah? Itinakda tayong magtulungang tatlo at magsama-sama rito sa Parsua, Reyna Talisha..."

May lumandas na luha mula sa kanyang mga mata. Simula nang dumating ako sa mundong ginagalawan ng mga Gazellian, kailanman ay hindi ako nakarinig ng kasaysayan sa pagitan ni Reyna Talisha at Haring Thaddeus.

Ano ang kanilang nakaraan at mga pinagdaanan? Ano ang tunay na mga alaala at manipulasyon?

Kung si Haring Thaddeus at Danna'y may malaking inambag sa kasaysayan upang tulungan ang pinakamalakas na diyosa noon?

Anong malakas parte ang ginawa ni Reyna Talisha? Ang kanyang pagbaba at ang pagkakaugnay sa hari...

Hindi pinahid ni Reyna Talisha ang kanyang luha, sa halip ang mga kamay niya naman ngayon ang mariing nakahawak sa akin.

"Huwag mong gagawin ang bagay na ginawa ko sa aking—" nakagat ni Reyna Talisha ang kanyang labi at ilang beses siyang umiling na tila nag-aalangan kong sasabihin iyon sa akin o hindi.

Sa huli'y bumitaw rin siya sa akin, isang mahinang pwersa ang naramdaman kong yumakap sa akin, huli na nang makita kong nakatuwid ang kanang kamay ni Reyna Talisha habang nakabuka ang kanyang kamay.

Mabilis niya akong naitulak sa akong unang posisyon, nakabalik na sa dati ang larong aking ibinaliktad at sa isang iglap ay muling nabalot ang silid ng liwanag, bumalik na ang presensiya ng magkakapatid na Gazellian na tila wala man lang nangyari.

"Oh! Muntik ko nang makalimutan, may mga natanggap nga pala akong mga liham na siyang dapat kong basahin! Paumanhin, ngunit maaari ba natin itong ipagpaliban muna, Leticia?" tanong sa akin ni Reyna Talisha sa kanyang pinaka-inosenteng paraan.

Rinig ko ang pagkadismaya ng magkakapatid na Gazellian, ngumiti lamang sa kanila ng matamis ang reyna, at walang pinagpilian si Caleb kundi ayusin muli ang laro at itago iyon.

Nang maiwan muli ang magkakapatid, nauwi sa kwentuhan at biruan muli sa pangunguna ni Caleb, sumulyap ako kay Dastan na tipid na nakamasid sa kanyang mga kapatid.

Inangat ko ang aking kamay at bahagyang nag-aalinlangan, ngunit sa huli'y napasyahang hawakan ang ilang parte ng kanyang kasuotan. Nakayuko ako at hindi magawang sagutin ang kanyang mga mata nang siya'y lumingon sa akin.

"Leticia?"

"N-nais kong mapag-isa... tayo... kamahalan..."

Hindi ako bumilang ng segundo, ang hari'y bilang tumayo at tumikhim, natigil sa tawanan ang kanyang mga kapatid at kapwa sa kanya nagtungo ang atensyon.

"Maiwan na namin kayo..." inilahad sa akin ni Dastan ang kanyang kamay at nahihiya akong tumango sa mga kapatid niya.

Ilang beses siniko ni Caleb si Zen, Finn at Evan na iritadong humarap sa kanya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.

Habang naglalakad kami ni Dastan pabalik sa aming silid nagsimula nang maglaro sa isipan ko ang lahat ng pinag-usapan namin ni Reyna Talisha. Si Dastan ay isa sa pinakamatalinong Gazellian, papaanong hindi niya napansin ang itinatago ng kanyang ina?

Nauuna siya sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang likuran niya.

"May nais ka bang itanong sa akin, Leticia?" muntik na akong mapatalon sa katanungan niya.

"A-ano..."

Natigil na kami sa pintuan ng aming silid at nakahawak na doon si Dastan, may pagkakataon na nag-uusap kami sa isipan pero mas madalas ay hindi namin iyon ginagamit sa isa't-isa.

"P-paano kung ang inaakala mong totoo noon pa man ay isa palang kasinungalingan?"

Binuksan niya ang pintuan at inilahad niya ang kanyang kamay upang mauna ako sa kanyang pumasok. Alam kong nararamdaman na ngayon ni Dastan ang aking pangamba.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marinig ko ang pagsasara ng pintuan. Nanatiling nakatayo roon si Dastan, at nang lumingon ako'y nakasandal na siya roon habang nakatitig sa akin.

"Panibagong suliranin na naman ba ang iyong iniisip, Leticia?"

Gusto ko siyang sagutin na tungkol naman ito sa kanyang ina at sa mga lihim niya sa kanilang lahat, malakas ang pakiramdam ko na hindi lang ang kanyang pagiging diyosa ang siyang dahilan.

Bumaba ba siya dahil sa pag-ibig? Imposibleng makarating sa Deeseyadah si Haring Thaddeus at makuha ang atensyon ni Reyna Talisha. Ano ang siyang matinding dahilan ng kanyang pagbaba, ang koneksyon niya sa pinakamalakas na diyosa at sa nais niyang magawa sa mga oras na ito.

Ngunit dapat ko ba itong sabihin kay Dastan? Siya'y anak ni Reyna Talisha at ako'y isang babaeng itinakda lamang sa kanya, ano ang laban ko sa babaeng nagluwal sa kanya?

Oo, kaming tatlong diyosa'y dapat magkakakampi, ngunit si Reyna Talisha mismo ang gumagawa ng dahilan upang hindi ko siya pagkatiwalaan. May mga bagay siyang dapat sabihin sa akin na hindi niya sinasabi.

Kilala ba siya ni Haring Thaddeus? Nalalaman ba ito ni Dastan?

"N-nais ko lang makarinig ng kwento tungkol sa'yong ama't ina... hindi man lang ako nakarinig ng kwento tungkol sa kanila mula kay Claret, Kalla o Naha..."

Pinagmasdan ako ni Dastan na tila hinahanapan niya ako ng pagkakamali sa mga sinasabi ko. Hindi ako maaaring biglang magtanong ng tungkol kay Reyna Talisha, posibleng magkaroon siya ng paghihinala sa akin.

Bumuntong-hininga siya, tinanggal niya ang pagkakakrus ng kanyang braso at nagsimula siyang maglakad patungo sa akin hanggang lampasan niya ako. Nang sumulyap ako nagsisimula nang tanggalin ng hari kanyang makakapal na kasuotan.

Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya, nakatalikod siya sa akin habang tamad na tinatanggal ang kasuotan niya, at nang tanging ang kanyang itim na pantalon na lamang ang natira, agad niyang inihiga ang kalahati ng kanyang katawan sa kama. Ang kanyang kanang braso'y nakatakip sa kanyang mga mata.

"You can ask the ladies, Leticia... gisingin mo na lamang ako sa sandaling nasagot ang nais mong malaman. You can leave me here."

Saglit kumunot ang aking noon ang marinig ang tono ni Dastan na tila iritado sa akin. May nasabi ba akong mali sa kanya?

"M-may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan, Dastan?"

Hindi siya sumagot sa akin sa halip ay nanatili siyang nakahiga na hindi man lang kumikibo, ngunit nang marinig niyang nagsimula na akong humakbang patungo sa kanya muli akong napatigil dahil sa sinabi niya.

"Stay right there, you innocent Queen."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Alam kong inosente ako, pero hindi ako manghuhula kung ano ang iniisip niya sa akin ngayon at kung ano ang ginawa ko dahilan kung bakit siya biglang nagkaganyan sa akin.

Ito ang mahirap sa tahimik na katulad niya, ito rin ang sabi sa akin ng mga kapatid niya, kailanman ay hindi nagsasabi si Dastan ng mga nais niyang sabihin, hinayaan niya na lamang ang mga kapatid niyang mabaliw sa kakaisip kung ano ang gusto niyang gawin ng mga ito.

"M-may sinabi ba akong hindi maganda, Dastan? Nagtanong lang ako ng tungkol sa mga magulang mo! Bakit tila bigla ka na lang nanlamig sa akin? May inaasahan ka ba na hindi ko nagawa? Paumanhin kung hindi natuloy ang larong ipinakita na iyong ina..." nagpahid ako ng takas na luha.

Nang marinig ni Dastan ang paghikbi ko bigla na siyang napabangon, pagsisisi ang agad rumehistro sa kanyang mukha.

"L-leticia..." narinig ko ang pamilyar na salitang madalas kong naririnig mula sa mga lalaking Gazellian sa tuwing may hindi sila nagugustuhang nangyayari. Fuck...

Napahilamos si Dastan sa kanyang sarili.

"I'm sorry, come here..." inilahad niya ang kanyang mga braso sa akin.

Umiling ako. "Ano'ng gusto mo? Sabihin mo sa akin, Dastan... nararamdaman ko... may nais kang sabihin sa akin..."

Mariing napapikit si Dastan na tila nagtatalo kung sasabihin niya ba iyon sa akin o hindi, ngunit hindi ba dapat ay kung may nais ka mula sa kapareha mo'y sinasabi mo sa kanya?

"Kung may kinalaman ito sa pagiging inosente ko sa mundong ito... sana'y sinasabi mo na lamang sa akin, Dastan... hindi ko kayang manghula, ngunit nararamdaman kita... may nais ka... gusto kong ibigay, sabihin mo, ibibigay ko sa abot ng aking kapangyarihan..."

"W-what? It's not your power, Leticia! Right, fine!" iritadong inilapag ni Dastan sa kanyang mga hita ang kanyang mga braso at marahas niyang sinalubong ang aking mga mata.

"Ikaw... I am beyond my limit... b-baka bigla na kitang atakehin..."

Tila isa akong mauupos na kandila sa aking kinatatayuan habang mabagal na pinuprosesa ang mga salitang sinabi ni Dastan.

"You're too innocent, natatakot akong magulat ka katulad ng una kong—" bumalik sa alaala ko ang pagtanggi ko kay Dastan nang nasa sirang karwahe kami.

Huminga ako nang malalim kasabay nang pagpikit ng aking mga mata, hinayaan kong saglit na magliwanag ang aking buong kasuotan at nang sandaling mawala ang liwanag nito, sumabay ang paghain ng buong kahubaran ko sa kanyang mga mata.

Natulala na si Dastan nang tuluyan sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang malakristal na bote na hawak ng aking kanang kamay na nakatago sa aking likuran na matagal nang iniregalo sa akin ni Naha.

Nag-iinit ang buo kong katawan habang unti-unting ipinapakita iyon kay Dastan.

"N-narinig kong kailangan ko muna ikaw lagyan nito... bago ka umatake.... Kamahalan..."

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 839K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
9.2M 452K 63
In fairy tale, the spinning wheel made the princess fall into her deep sleep, a sleep like death from which she will never awaken. But mine was a dif...
1.3M 57K 42
Kingdom University Series, Book #4 || Learning from this guy is not as easy as I thought it would be.