Heels and Sneakers ✅

Oleh BlueAmazon

15.6K 538 26

[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind... Lebih Banyak

Heels and Sneakers
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 19

262 13 2
Oleh BlueAmazon

Chapter 19

Tatlong katok ang nagpaangat sa akin ng tingin. I'm here in my office. For the past 4 years bumalik na ako sa aking trabaho. I had clients but not as much as before dahil aminado akong hindi naman talaga nakafocus sa pagtatrabaho ang atensyon ko at isa pa unlike overseas, hindi gaano naappreciate ang pagkakaroon ng therapist dito. The stigma is still present.

Nakita ko sa pinto si Nigel na ngumiti ng tipid. "Come in," ani ko at tumayo.

Nakita ko sa likod niya na hila hila niya ang bata. It is funny na hindi ko parin kayang tawagin ang bata sa pangalan nito. Ngumiti ako sa bata habang nakatingin lang ito sa akin na para bang may gagawin ako dito na masama.

My heart hurt pero pinigilan kong magreact na unprofessional. Kapag therapist ka, hindi ka pwedeng basta basta nalang magpaapekto kaya kailangan kong magkaroon ng Psychological intervention sa sarili ko. Para hindi rin ako maging biased at magampanan ko ang work ko ng maayos.

"Hi, kid. How are you?" pagkamusta ko rito. It's been a week mula ng huli kaming nagkita. Wala parin akong nakikitang pagbabago sa bata. Hindi ko rin siya napapanatili sa ospital kagaya ng gusto ng doctor dahil ayaw nito magstay doon. Kaya nung araw din na iyon ay pinalabas siya.

"Uhm, I forgot to tell you we're not alone." ani Nigel. Napakunot ang noo ko saka napatingin sa pinto ng bumukas ulit ito. Sinakop ng pabango niyang pamilyar sa akin ang opisina ko. Tila kinakabahan siyang nakatingin sa akin.

Napatuwid naman ako ng tayo bago naglakad pabalik sa upuan ko dahil parang nawalan ng lakas ang mga paa ko. Tiningnan ko ng makahulugan si Nigel pero di ata ito tinablan. Napabuntong hininga na lang ako.

"Good morning, Mr. Dela Cruz. I'm sure you are aware of what I am about to do." panimula ko. Saglit na pumormal ang mukha ni Nate bago tinapunan ng tingin ang anak.

"Actually, hindi ko alam kung ano ang purpose ng pagpunta namin dito. My son is fine." pagbibigay diin nito sa akin.

Napataas ang kilay ko at lumapit sa bata na bahagyang nanigas pero mukhang pamilyar na ito sa akin kaya di na kagaya nung unang beses. Inabutan ko ng candy ang anak ni Nate at hindi na siya hinawakan bago ako lumingon kay Nate.

"Are you aware of the bruises on your son's body? Is that what you call fine?" hindi ko maiwasang hindi magtaray sa kanya. Ganun na ba siya ka pabayang ama sa anak niya? Ang daming pasa sa katawan ng bata tingin ko hindi iyon normal at ang tanging magsasabing normal ang batang ito ay siyang hindi normal.

"Nics, he is still a child. Children plays a lot so having bruises are normal." pagrarason nito sa akin.

I wanted to scoff at the stupidity of the guy in front of me. Napakatanga talaga.

"I can't blame you if you don't see what I can," I threw him a dirty look. "After all you never really cared for the people around you," dugtong ko pa.

He looked like he ate something sour dahil sa sira ng mukha niya. Tumikhim naman si Nigel para patigilin kaming dalawa. Napansin ko ang envelope sa kamay ni Nigel at bahagya akong nakaramdam ng kaba. I think I know what's inside that envelope.

"Can you both go out? I'd like to talk to him alone." hindi naman umalma si Nigel at hinila na lang ang kapatid.

Naiwanang nakayukong nakaupo ang bata sa couch. Pinaglalaruan nito ang mga daliri. I can see symptoms of anxiety on the kid. Tumalungko ako habang nagabot ng panibagong candy dito.

"Kamusta ka?" nakangiti kong tanong. "I'm Nicole. Pwede mo akong tawaging tita Nicole. Simula ngayon, we'll be meeting each other at least once a week for 6 months. Okay ba 'yon sayo?" malumanay na tanong ko.

Saglit itong tumitig sakin bago marahang tumango. Napangiti naman ako dahil I'm making a progress with him.

"Kung may gusto kang sabihin sa akin, kahit ano. I'm willing to listen. Okay?" tumango ulit ito.

"Pero I won't force you. Kung ayaw mo magsalita, I'll give you a pen and paper tapos bigyan kita ng mga pwede mong gawin. Okay ba yon?" tumango lang ulit ito.

Tumayo ako saglit at kumuha ng tablet na pwede niyang pagsulatan. Napatigil ako saglit. "Kiddo, do you know how to write?"

Tumitig ito sa akin bago marahang umiling. Parang sumikip ang dibdib ko. He's already 5 but he still doesn't know how to write. Di man lang ba siya tinuturuan? Paanong pagaalaga ba ang ginawa nila sa batang ito.

"Hmmm. Do you want me to teach you?" tanong ko. Di ito sumagot kaya di ko pinilit. Pumunta ako sa isang corner kung saan may box ako ng mga laruan. Malinis ito dahil nililinisan ko after gamitin. Dalawang boxes ito. For girls and for boys pero may mga bata na gusto yung pang girls kahit boys sila and vice versa.

Inilapag ko sa sahig ang pang boys at pang girls na toys at ngumiti sa kanya. Nakatitig siya sa mga laruan na para bang hindi niya alam kung anong gagawin sa mga 'yon.

I think kailangan ko talagang obserbahan ang batang ito. He's a kid yet he doesn't know how to be a kid.

**

"How was it?" tanong ni Nate sa akin pagkalabas na pagkalabas ko. Agad naman pumasok si Nigel at nilaro ang bata. Nanatili ang mata ko sa bubwit na naglalaro ng toy car na para bang ito ang pinaka interesanteng bagay sa mundo.

"Do you even play with your kid, Nate?" malamig na tanong ko. I maintained our distance, too. Napakunot naman ang noo ng huli bago guilty na nag iwas ng tingin.

"I've been busy these past few months, I didn't have the time but I give Danica the money to buy him toys." dahan dahang humina ang boses nito because he also knew how pathetic he sounds.

"Anong klaseng ama ka ba talaga? May nabubuhay kang anak yet you don't take care of him?" malamig ang boses ko nang magsalita ako. Napakislot siya na as if my words hurt him physically.

"Nics, about our son..." nagpanting ang tenga ko.

"MY son, Nathaniel. Mine alone."

"He was my son, Nics. I didn't want that to happen..." He weakly said.

Umiling ako. "You killed my son, Nathaniel. Wag mo siyang akuin ngayong patay na siya. Respeto sa anak kong hindi ko na makakasama o makikita man lang na lumaki." nagpipigil kong sabi.

How dare he? How dare he open up this topic na para bang hindi mabigat ito. Na parang wala lang. Na parang kapag sinabi niyang hindi niya ginusto ang nangyari ay magiging ayos lang ang lahat.

Hindi na magiging maayos 'yon. Pinatay niya ang anak ko. Hinding hindi ko siya mapapatawad.

"You already lost my son. Huwag mong hayaan na pati yang anak mo sa kabit mo ay mawala pa. His mother might be your mistress but I realized the kid is innocent." ani ko habang nakatingin sa anak nila.

Kita ko sa peripheral vision niya na nakatitig siya sa akin. Maya-maya ay natawa ito ng pagak. Nagulat ako ng may nalaglag na luha sa mata nito. Nathaniel dela Cruz is crying. Nagulat man ay di ko pinahalata sa kaniya. Nag iwas ako lalo ng tingin.

"I was stupid. Fucking stupid, wife." anito na siyang ikinatayo ng balahibo ko. Wife. He called me wife.

"I won't make excuses. I knew even before na kahit gustuhin kong magseryoso, babae parin ang magiging rason ng problema natin. I knew it but I didn't avoid it. Masyado akong nakampante. I held on to my pride and instead of saying sorry, I avoided you." paliwanag nito.

Ayokong makinig. Gusto kong takpan ang tenga ko. Ayokong makinig. Gusto kong manahimik siya. Ayaw ko, ayaw ko. Hindi ko gustong marinig ang sasabihin niya.

Pero hindi ako makagalaw. Sa halip ay napako sa kanya ang tingin ko. Siya naman ngayon ang hindi nakatingin sa akin at nakatingin lang sa malayo. Tagos sa bawat pader ng kwartong ito ang tingin niya.

"What happened between me and Danica was a mistake on my part. It was just a mistake. Wala naman talaga akong balak na masundan ang unang nangyari sa amin. Pero hindi ko napigilan. Hindi ko alam parang may sariling utak. Gago diba?" sabi niya. Hindi siya tumawa. Hindi siya ngumiti.

"Hanggang sa nagbunga. His father was known for his dirty ways. Pinatambangan niya ako at pinabugbog. Saying that if I don't take responsibility for the baby, he'll kill me." nagkibit balikat si Nate at sumandal.

"Unlike most guys, aminado akong duwag ako. Instead of asking for help, pinalala ko ang sitwasyon. I didn't know what to say to you or kung papaano ko sisimulan. Nahihiya ako kasi ako yung nagtaksil." ngumiti siya ng matamlay sa akin bago yumuko.

"I'm not a saint. I'm not a hero either. Ni hindi ako ang lalaki na maaring ipagmalaki dahil sa katangian, I only have my looks and it didn't even bring luck to me. No wonder my parents always favored Nigel." dagdag pa niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung nagseself pity ba siya, humihingi ng tawad, o nageexplain. Wala na rin akong pakialam.

"I wanted to kill myself when I learned that we lost our child. Ni hindi ko man lang nakita ang bata kahit sa huling sandali dahil ayaw akong makita ng daddy mo. Alam k oring wala akong maidudulot that time kaya hindi ko na rin ipinilit." sabi niya pa at humarap sa akin.

"I'll never ask for an annulment from you. Kahit ayaw mo sa akin, I still adore you at gusto kong subukan ulit. Siguro hindi ngayon. Pero hangga't di pa tayo okay, sana hayaan mo akong kasal parin sayo. Yun nalang panghahawakan ko." yun lang ang sinabi niya at pumasok sa kwarto para kunin ang anak niya.

Hindi ako umimik hanggang sa makaalis sila.

Suminghap ako saglit at dun na nagtuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Love is stupid. Ang hirap idepina ng pagmamahal. Hindi mo mawari kung mahal mo ba ang isang tao dahil nasanay kang kasama siya. O kung mahal mo ba siya dahil wala kang nakakasalamuhang iba.

Pero alam ko na kahit iba't ibang uri ng pagmamahal kahit ilang beses kong itanggi, may puwang si Nate sa puso ko at ganun rin ako sa kaniya. Kasi kung wala, bakit ako nasasaktan sa mga paliwanag niya?

"Nicole..." napalingon ako sa nagsalita. Andito pa pala si Nigel. Hindi ko man lang namamalayan akala ko ay nakaalis na rin siya kasama ni Nate.

"Nigel..."

"I have the results with me." tumikhim ito at inabot ang envelope sa akin. Tinitigan ko muna ang brown envelope na iyon. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o ano.

Masyadong masakit ang dibdib ko ngayon. Baka hindi ko kayanin kung di pabor sa akin ang laman ng envelope na iyon.

Kaya hindi ko ito inabot at sa halip ay nag iwas ng tingin. Narinig ko ang buntong hininga ni Nigel at ipinatong iyon sa kamay ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim bago ko ito binuksan sa nanginginig na kamay.

CHILD
Zeus Jacobo dela Cruz

ALLEGED MOTHER
Cassandra Nicole Perez

Probability of Maternity
99.999999%

Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ko at biglang nanikip ang dibdib ko. Nabitiwan ko ang papel at nandilim ang paningin ko. Narinig ko ang boses ni Nigel na sinisigaw ang pangalan ko ngunit wala na akong maintindihan.

Buhay ang anak ko. Buhay ang Jacobo ko.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

603K 41.5K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1.9M 68.3K 55
Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napag...
225K 7.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
6.2K 358 20
San Vicente #03 Marciana Ramillo Ang talagang gusto lang ni Marci ay isang tahimik na buhay. She expected her life to be uneventful until the day she...