Moonlight Blade (Gazellian Se...

By VentreCanard

8.4M 467K 122K

Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other god... More

Moonlight Blade
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 47

114K 7.4K 1.1K
By VentreCanard

Chapter 47

Katanungan

Sa daang bugso ng damdami'y mahigpit mong kalaban

Ilog na umaagaw ng pagkakakilanlan

Unang pagsalo ng paa'y siyang unang magbibigay tulay

Bugtong na siyang nagbukas sa buhay na laro ng reyna. Maliit na papel na siyang tangan sa aking nangangatal na kamay. Aking mga mata'y paulit-ulit naglandas sa saliw ng mga letrang naghahayag ng tonong tanging ako lamang ang makakarinig.

Sa isang iglap, ang tila mala-paraisong silid na puno ng tuwa't galak ay nabalot ng kadiliman. Isa-isang naglaho ang magkakapatid na Gazellian sa aking mga mata, sinubukang abutin ng aking mga kamay ang kanilang mga pigura ngunit sa tuwing abot kamay na sila, tila mga nauupos na puting usok na unti-unting nilalamon ng dilim.

"D-dastan..." ngunit maging ang aking hari'y naglaho sa aking mga mata.

Ang tanging nanatiling may liwanag ay ang kakaibang larong may dalang bugtong at palaisipan, at ang reynang taas noong nakaupo, nakakrus ang mga hita sa aking harapan.

Ang mga mata nami'y nagtama at pinilit kong gantihan ang tindi ng mga titig niya sa akin. Pumasok ako sa mundo ng mga Gazellian na iniwan ng impresyong ang hari ang siyang pinaka-mapaglaro sa lahat na siyang pinatunayan ng mga itinakda sa mga Gazellian, ngunit hindi ba nila nakikita ang reyna at ang nag-uumapaw nitong presensiya?

O marahil ay ako lamang ang may kakayahang---

Suminghap ako sa aking naiisip at kusang nagusot ang lumang papel sa aking kamay. Buong akala ko'y mamayani ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa, ngunit nang magsimulang magyaman ang amoy ng usok ng insenso at nagsimula iyong yumakap sa aming dalawa, unti-unti kong narinig ang mahinang saliw ng kudyapi at plauta na siyang nagmumula sa mahiwagang laro na siyang nasa pagitan naming dalawa.

"B-bakit? Sino ka?" ito agad ang unang lumabas sa aking bibig.

Sa kabila ng kaba sa dibdib ko at walang katapusang katanungan, hindi ko pa rin maiwasang humanga sa kasalukuyang reyna ng Parsua Sartorias, ang kanyang mga anak ay nakilala kong hindi basta-basta nilalang lamang, ang mga itinakda sa kanila ay ganoon din ngunit paano niya naikubli ang lahat ng ito?

Siya'y hindi pangkaraniwang bampira, siya'y isang—

"Ibabalik ko sa'yo ang sarili mong katanungan, Leticia, sa tingin mo ay sino ako?"

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko upang sagutin siya, ngunit ang tangi ko lamang nagawa'y ibalik ang atensyon ko sa nagliliwanag na laro.

Parang pinipiga ang puso ko habang unti-unti kong pinagtatagpi-tagpi ang mga katanungan ko noon pa man.

Mula sa walang katapusang koneksyon ng mga Gazellian sa nakaraan at sa pinakamalakas na diyosa, ang patuloy na pag-iwan ni Haring Thaddeus ng bakas na tila nais siyang sundan, ang mga nilalang na siyang may mahalagang parte ng isang bugtong...

"B-bakit hindi na lang natin ipagpatuloy ang ating laro, Mahal na Reyna?" nangangatal na sabi ko.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi bago niya hinawi ang kanyang mahabang buhok. Inilahad niya ang kanyang kamay at hinayaan niya akong sagutin ang unang bugtong.

Sumulyap ako sa iba't-ibang bato dala ang bawat kapangyarihan ng magkakapatid na Gazellian at ng itinakda sa kanila. Nasa akin ang bato ni Claret, Naha, Finn, Casper at Caleb. Mariin kong pinag-isipan kung ano ang magagawa ng kanilang kakayahan.

Nakuha ko ang ibig sabihin ng bugtong, ang ilog ay may kakayahang hawakan ang damdamin ng magtatangkang lumusong doon, ibig sabihin nito may halong hipnotismo ang ilog, si Finn ang bampirang maaari kong gamitin, ngunit sa paano tulay ang kanyang gagawin? Hindi na ako nag-aalala sa posibleng pagkawala ng alaala, kung walang magagawang pinsala ang hipnotismo kay Finn, hindi magagawang tanggalin ng ilog ang kakayahan ng kanyang bato. Ngunit paano nga ang tulay?

Si Casper ay may kakayahang lumipad gamit ang sariling hangin ngunit kailangan ng paglapat ng paa sa ilog. Umiling ako.

Sina Claret at Naha ay wala rin magagawa. Habang si Caleb naman, huminga ako ng malalim, siya ang may kakayahang gumawa ng tulay ngunit sa paggawa niya nito at makatawid ang apat na bato kasama ako, posibleng hindi ko na magamit si Caleb at maglaho na ang kanyang bato sa laro.

Ang laro bang ito'y pagsasakripisyo?

Nang muli kong sulyapan si Reyna Talisha, pansin ko ang kawilihan sa kanyang ekspresyon habang pinanunuod ako.

"Tumatakbo ang oras, Leticia." Sumulyap ako sa buhanging orasan na malapit sa aming laro.

Sa huli, hindi ko sinunod ang nais ng bugtong. Ginamit ko ang bato ni Casper upang magawa niyang patawirin patungo sa kabilang panig ng ilog ang natitirang bato ng mga kasamahan niya.

Saglit na tumawa si Reyna Talisha sa ginawa ko.

Nakakuyom ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang mga bato na siyang gamit ko at umaasa na sana ay wala akong maling ginawa, ngunit tulad nga ng kinatatakutan ko, may isang naglaho sa kanila. Ang bato ni Casper.

"Answer the riddle, Leticia. Don't evade it."

"At isakripisyo ang bato ni Caleb?"

"But Casper's stone disappeared. What's the difference?"

Hindi ko nagawang makasagot sa reyna, ngayon naman ay siya na ang sasagot sa bugtong. Ang nasa kanya ay ang mga bato ni Evan, Lily, Zen, Kalla, Harper. Inaasahan ko nang ang gagamitin niya ang ang bato ng Prinsipe ng mga Nyebe, ngunit laking gulat ko nang gamitin niya ang kay Kalla.

Pilit kong inalala ang kapangyarihang mayroon si Kalla, ngunit bago ko pa man masagot iyon ay may lumitaw nang tulay mula sa bato ni Kalla at doon mismo tumulay ang mga bato ng kasamahan niya.

"Kalla possessed the ancient vampire mythical five wishes. You thought you've got the most powerful vampire at your side? My son, Finn? I have his mate, more powerful."

Nagkbit-balikat sa akin ang reyna habang kapwa namin pinagmamasdan ang pagtawid ng kanyang mga bato na wala man lang naglalaho. Bakit nga ba nawala sa isip ko ang kakayahang iyon ni Kalla?

Sa isang simpleng hiling niya lamang ay magagawa niya ang gusto ng reyna. At dahil sumunod sila sa bugtong, mas malayo ang narating ng grupo ni Reyna Talisha kaysa sa akin.

Kapwa kami muling bumunot, inasahan ko nang magkaiba ang sa amin dahil nasa magkaiba na kaming parte ng laro ngunit nang sandaling marinig ko rin ang sa kanya agad kumunot ang aking noo.

Alam ko na sa umpisa pa lang na nais niyang malaman kung hanggang saan ang kakayahan ko sa palaisipan, ngunit hanggang saan ang nais niyang malaman sa akin? Bakit hindi niya na lang ako tanungin?

Kung nais niyang may malaman o madiskubre ako, bakit hindi niya na lang ibahagi sa akin? Papaano kung makuha ko ang nais niyang iparating nang mali? Mas makakatulog pa ba ito sa akin o sa kanyang mga anak?

Mas ginagawa niya lamang komplikado ang sitwasyon.

Huminga akong muli ng malalim at sinimulan kong basahin ang sa akin.

Minimithing marinig unti-unting aawit...

Sa pagmulat na hatid ay pintuang nagbubukas...

At paghakbang na akala'y wakas ay panibagong hatid na bakas

Bakas ng malaking paa'y unang mapa ng daan...

Kung ang unang bugtong ay nagawan ko pa ng eksplenasyon, ngayon ay hindi ko mawari kung saan ako magsisimulang gumuhit at ikonekta ang mga iyon.

Awit? Maaring si Harper ngunit wala siya sa kupunan ko.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, ang unang dalawang linya ay tila nagbabadya ng katapusan, ngunit sa ikatlo nasagot doon na may panlilinlang na nangyari.

Biglang may lumabas na pintuan sa laro, isang puting pintuan, ngunit habang nagliliwanag ito ay tila may pinagsama-sama iyong bulong ng mga boses. Pinagmasdan kong muli ang natitirang bato sa akin, kailangan kong pumuli sa kanila kung sino ang maaaring tumawid sa pinto.

Ngunit paano ko magagawa iyon at hayaan ang kasamahan kong tumawid sa isang bagay na alam kong panlilinlang lamang? Si Reyna Talisha mismo ang nagsabi sa akin na sundan ko ang bugtong dahil kahit anong gawin kong iwas ay may isasakripisyo.

Iyon ba talaga ang importansya ng paglalakbay? Maaari bang sabihing tagumpay ang paglalakbay sa sandaling malagas ang iyong mga kasamahan habang patungo sa dulo ng mapa?

Tumayo na ako at taas noo kong hinarap ang reyna, sa kabila nang pangangatal ng buong katawan ko, buong lakas ng loob kong hinawakan ang laro at marahas ko iyong itinaob.

Ngunit nang matapos ko iyong gawin ay agad kong ibinaba ang ulo ko sa reyna bilang pagrespeto.

"Hindi ko alam kung anong nais mong malaman sa akin o kung ito'y parte pa upang kilatisin mo ako para sa iyong anak, sa Parsua Sartorias at sa panghinaharap, ngunit kung nais mong malaman kung ano ang sarili kong depinasyon ng pagiging reyna---" muli akong humarap kay Reyna Talisha. Hindi ko magawang mabasa ang ekspresyon niya.

"Hindi ito pagsasakripisyo ng mga nakakababa at panunuod sa kanilang paglalaho, hindi ko kayang pumili kung sino ang una at huli, dahil ang buhay, mahal na reyna ay kailanman ay hindi tinitimbang, makapangyarihan ka man o hindi, prinsipe o prinsesa ka man, diyosa o isang pangkaraniwan. Ang paglalakbay ay kapit kamay, hindi kung sino ang unang hahakbang, sino ang ipapain at sino ang pipiliing makarating sa dulo..."

"Kung ganito ang patakaran ng reyna sa mundong ito ngayon pa man ay nais ko nang tumalikod, dahil hindi ito ang nais ko..."

"You can be your best version of the queen, Leticia." Simpleng sagot niya sa akin na tila hindi man lang nagulat sa mga sinabi at ginawa ko sa kanyang harapan.

Alam kong kapangahasan na ang ginagawa ko sa mga oras na ito ngunit ngayon na ang tamang pagkakataon upang makausap ko siya tungkol sa mga katanungan ko.

"Ikaw, Reyna Talisha? Sa tingin mo ba'y mabisa na ang iyong panunungkulan sa ilang daang taon pag-upo mo sa iyong trono?"

Sa unang pagkakataon ay pinakitaan ako ng kakaibang ekspresyon ng reyna, saglit na pagkagulat.

"You're getting bolder and bolder, Leticia."

Ang reynang nasa harapan ko ba'y isang kakampi o kalaban?

Tuluyan na siyang tumayo at humakbang patungo sa akin. Mas pinalakas ko ang aking loob sa anumang pwedeng mangyari, wala ang magkakapatid na Gazellian at alam kong kasalukuyan akong nasa loob ng kakaibang kapangyarihan ng reyna.

Isang reynang may kakayahang mapasailalim ang isang diyosa sa kanyang kakayahan.

Hindi siya tumigil sa aking harapan sa halip ay umikot siya sa aking kabuuan na tila hinahanapan ako ng matinding kapintasan.

"Bakit tila ipinararamdam mo sa akin Leticia na isa akong kalaban? Nais ko lamang ipaalala sa iyo na ako ang ina ng lalaking pinakamamahal mo. Sa lahat ng nakilala mong reyna'y ako dapat ang iyong—" sinadya niyang bitinin ang kanyang sasabihin.

Pinagpatuloy ko ang pagtayo at pagpakiramdam sa kanyang kilos, hinahayaan ko lamang siyang magsalita, alam kong may nais pa siyang iparating sa akin at inilalabas niya lamang iyon sa pamamagitan na laro.

"Masisisi mo ba ako, Reyna Talisha kung magkaroon ako ng pag-aalinlangan sa'yo? Ipinakikita mong iba ka sa mata ng sanlibutan, hindi mo ipinakikilala sa kanila kung sino ka talaga."

"A loving mother? A good wife, and a vulnerable queen?"

Gusto kong umiling sa huli niyang sinabi. "B-bakit?"

"Hindi lang ang Sartorias ang nililinlang mo, kundi ang iyong mga anak at maging si Haring Thaddeus..."

Narinig ko ang saglit na pagtawa ni Reyna Talisha sa sinabi ko.

"Sa sandaling ikaw na ang nasa sitwasyon ko, Leticia, siguro'y ikaw na rin ang sasagot sa'yong sariling katanungan."

Kung hindi ko man masagot ang parteng ito sa ngayon, may ilan akong katanungan na hindi ko malalampasin.

"Sa umpisa ng laro'y tinuruan mo akong pumili ng mga makakasama, ito ba'y may kinalaman sa—" biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ng mga boses na kumausap sa akin tungkol kay Rosh, maging ang bilin ni Diyosa Neena.

Humiling man ako na sana'y hindi humantong sa ganito ang sitwasyon ngunit malakas ang loob kong iyon ang nais iparating ng mga boses, ni Diyosa Neena at ang makahulugang mga salita ni Reyna Talisha.

Darating ang panahon ay pipili ng reynang tutulungan ang nag-iisang prinsipeng sinasamba ng kalikasan, at ito'y sa pagitan namin ni Reyna Talisha.

"R-rosh..." wala sa sariling nabanggit ko.

Tila nabasa ni Reyna Talisha ang nasa isip ko dahil sarkastiko siyang ngumiti sa akin.

"He's loyal to me, Leticia. Sa paano paraan mo siya makukumbinsing tumalikod sa akin?"

Dito ko napagtantong hawak ng reyna sa leeg si Rosh, may bagay itong hawak na hindi kayang tanggihan ni Rosh. Kailangan ko siyang tulungan upang sa akin siya pumanig pagdating ng panahong kailanganin ko ang kakayahan niya.

Ngunit hindi ako papayag na hayaan si Reyna Talisha na isipin na may hangganan ang nalalaman ko, siguro'y inaakala niyang ang aking nalalaman ay isa lamang siyang bampirang reynang nagkukubli ng totoong kapangyarihan o kaya'y inakala niyang walang nagbigay sa akin ng kaalaman ng mga panahong ako'y nananatili pa lamang sa Deeseyadah.

Isa nang malaking eksplenasyon kung bakit sa dami ng emperyo'y sa Parsua nanatiling mamalagi ang Diyosa ng Asul na apoy.

Dahil nandito ang una.

"Bakit ka bumaba sa lupa, Diyosang may hawak ng mga alaala?"

Continue Reading

You'll Also Like

Falter By Nique

Short Story

5.1K 223 5
Kung saan ang lahat ay nabubuhay sa mundo na totoo ang Soulmates. Falter 1: Si Mia Romasanta ang overachiever na hindi mahilig mag under-deliver. Isa...
4.7M 102K 32
Kingdom University Series, spinoff || Mahirap turuan ang puso na magmahal, lalo na kung sa simula ay wala ka namang feelings para sa kanya.
56.3K 2.8K 5
Alina is a shy and quiet girl who is in love with Samuel, her high school classmate but doesn't have the courage to confess her feelings to him becau...
1.4M 95.8K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.