OBSIDIAN ISSUE #2 : WOUNDED

By blackpearled

2.4M 82K 77.3K

You met me with death in my mind, a war in my soul. While what caught my sight was the ink in your bones. I... More

WOUNDED
WARNING
DEDICATION
FOREWORD
Untitled
-
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
END
PART II
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY

TWENTY ONE

29K 1.3K 942
By blackpearled




I remember when I asked God for eternal rest, I was instead given a second chance. When I tried to gasp for red through a deliberate cut in my veins, I was rather granted with the scars.

Never in my most vile hopes had I ever looked forward to dread an offer with a close call to death, and only after I thought of this did I ever realize that among the multiple attempts I had in the past, this was the very first shot to the edge that had not been caused by the torments of my own hell.

Ang tanging bumabalot sa isip ko ay ang sigaw niya, kasabay ang pagbasak ng mga tuhod sa lupa. Shocked and with my might depleted, force was an abortive attempt when I tried to catch him. He was very much in pain, screaming and sensitive to even the slightest touch. Pinanghihinaan din ako dahilan para tuluyan nang maanod sa kanyang pagbagsak.

Mabilis umaksyon sina Charlie at Vin na pinag-awayan pa ang pagtawag ng ambulansya. Idiretso na lang raw namin sa pick-up at siya ang magmamaneho tungo sa ospital, ani pa ng una. But Davina insisted for the ambulance, never minding what we have just done before the crime.

Iyon din ang ikinakatakot ko pero sa huli, si Vin ang tumapos sa bangayan. Tama rin naman kasi ang punto niya na baka mas ikapapahamak pa ni Angelov lalo't hindi namin alam ang gagawin, dala na rin ng matinding takot at pagkakabigla. With our minds filled with nothing but fear and doubts, we didn't want to risk anyone's life with it. Angelov's life is far more important than us getting caught from our chosen felony.

Namamanhid ang katawan, bawat sulok ay tumitindi ang tibok at nanlalamig ang mga kamay, tinunaw iyon ng dugo niyang mantsa na sa aking mga palad. He was bleeding profusely. I pressed my hand hard on his wound to stop the bleeding. As I watched him suffer, breathing hard while sweat is pooling at the side of his face, it made me look back to those movies where gunshot wounds were just taken so easily. Ngayon ay naging malinaw sa akin na hindi pala totoo lahat iyon.

Because no matter at what depth the bullet delves on a man's surface, gunshot wounds are contingent, if it couldn't be fatal. Either could be a victim or a survivor. Malay ba natin, gaano man kasimple ang tama pero may nadagil palang ugat o buto? Angelov was shot on the left shoulder where the veins directly run and connect to his dominant hand, the left one. Puhunan ang kamay niyang iyon para umukit mapasa papel man o balat.

I can't imagine him losing opportunities because of what we've thought as a simple gunshot. Knowing Angelov, or as how I have known him, mas pipiliin pa nga yata niyang mamatay na lang kaysa ang magtiis at mahirapan sa bawat pagkakataon na papakawalan niya.

"Natamaan ka ba?" Angelov's voice was strained and worn out as he forced himself to speak.

Umiling ako. My loss for words were shared by both shock and the want for his understanding why I chose to be silent instead. Kung hindi ako magsasalita, maiisip niya na ayaw kong makipag-usap kaya tatahimik siya. Hirap na nga siya sa paghinga! Sinubukan pa niyang tumawa na nauwi rin sa ngiwi at marahas na singhap. I pressed my hand harder on his wound.

"Isang tama lang 'to sa braso, hindi sa bungo. I'll survive, hm?" sa nanghihinang garalgal niyang alo.

"Stop talking and just breath, please. Pakibilisan po mauubusan na siya ng dugo!" naiiyak kong pakiusap sa nagmamaneho sa harap.

I am staring at these same hands that have held his blood. Kahit nakaupo na at papaano may nakapagpahinga, sumusuot pa rin ang init sa katawan ko at hindi nilisan ng pananamlay ang buo kong pakiramdam. Kanina, hindi naging madali sa amin ang pagkumbinse sa operasyon para kay Angelov dahil kinailangan pa ng downpayment bago siya i-admit. We almost gave up and look for another hospital until Charlie's father came in and fully paid the expenses. I can almost hear the whole building breathe to life!

Iyon nga lang sa huli, walang humpay na sermon ang binagsakan ni Charlie sa ama.

Dalawang opisyal ng pulisya sa harap ang kumukuha ng pahayag. Si Davina ang naglakas loob na nagpabatid sa buong nangyari, inamin na katuwaan lang iyon sa convenience store. Bukod sa pagsauli nina Charlie sa mga kinupit na hindi rin naman ganoon karami at binayaran pa, sa simpatiya ng may-ari kay Angelov kaya mas napatawad kami at hindi na makakasuhan.

"Pero dito siya natamaan. Paano 'yon, Chief? Tindi naman tumira nung guard na napunterya talaga sa gilid yung bala, eh nasa likod siya nung hinabol kami,a?"

Because of Davina's loud assumption, we found out right there and then that it was not the store guard who shot Angelov. It was someone else!

Marahan akong napaangat sa paparating na mga yabag sa hallway. Mahihinang boses ay naringgan ko ng pagtatalo. Bumangon ang kalabog sa dibdib ko nang makita ang pagpasok ni ate Merewald. Halos makalimutan ko na dito nga pala siya namamasukan bilang head nurse kaya malamang, ganito kabilis nakarating sa kanya ang balita.

She's fuming mad, clutching her shoulder bag tighter when she saw me. Sa distansiya namin ay namataan ko pa ang pagninipis ng mga labi niya na tila nagpipigil na bugahan ako ng apoy! Tailing behind her, trying to calm her down was Evrard.

"Ate..."

"Sa bahay tayo mag-uusap," mariin niyang sabi habang nilalagpsan ako.

Natanto ang kanyang sadya, agaran akong humabol para pigilan ang pagpasok niya sa recovery room.

"Ate, nagpapahinga pa po siya, katatapos lang ng operasyon--"

She halted and forcefully turned to me. Sumabay ang nakalugay na buhok niya at lumipat sa kabilang balikat dala ng agresibong pagharap sa akin. She's breathing hard from the uncontainable anger. Hindi ko alam bakit takot ako at kabado gayong alam ko naman na hindi siya mananakit. After what I've done, it's only right for her to hold the reaction and I do understand that.

"It's not his fault," I said as if it's going to convince her.

She slowly towered over me. Ang nandidilat na mga mata ay naghahamon at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Not his fault? He dragged you to some store and forced you to steal!"

"He didn't force me!"

"Ganoon ka ba kahibang sa lalakeng iyon na ipagtatanggol mo pa siya sa mga kalokohan niya?!"  

Ang namumuong luha sa mga mga mata niya, dahil sa galit, ay nanginginig. Her full but trembling tone was an attempt to keep herself from screaming the words out.  

"Huh? Pinagbibigyan kita sa mga gusto mo, Samara, at isa na roon ang pagsamasama mo riyan sa kanya at sa mga kaibigan niya! I thought I knew what I was doing. I thought I'm doing the right thing! Pinapayagan ka dahil alam kong doon ka masaya! Pero hindi ko akalain na hahayaan mo na umabot sa ganito! How careless could you be?!" Suminghap siya at mariin na pumikit, nangangatal ang mga mata.

Yumuko ako at sinabayan iyon ng pag-uunahan ng mga luha. Kahit nahalata ang mga matang tutok sa amin, hindi nito nagawang pigilan ang mahina kong paghikbi.

"He didn't force me. H-he never... force me..." kumbinse ko at kahit sa pangalawang beses na iyon ay hindi niya ako pinakikinggan.

"I've been trying my best to make you feel better after what you'd been through. Pero sa ginawa ko ay parang napabayaan pa yata kita. Maybe Graciella could have disciplined you better, huh?"

Malawak ang iling ko. My sobs grew louder as I thought about her, my sister who has been away from me for years, will return me to my old demons!

"Huwag mo akong ibalik..." my words were muffled and incomprehensible due to my sobs.

"I won't. Pero huwag mo nang asahan na papayagan pa rin kitang lumabas o makipagkita sa kanya pagkatapos ng nangyaring ito. I won't tolerate this anymore. And god! For god's sake, you almost got shot!"

"Siya naman iyong nabaril, hindi ako."

"At kung ikaw iyon? Hihintayin ko pa bang dumating ang araw na mamimili ako ng kabaong mo bago kita pagbawalan?" dire-diretso niyang sabi at parang maghihisterya na.

"Hindi na po iyon mauulit. And it's not entirely his fault, Ate. Kusa po akong sumama sa kanya!"

"Then by all means, you should stop seeing him."

Natigilan ako. Parang kidlat ang tumabas sa akin para manigas ako nang ganito. Dilat na dilat ang mga matang may tapang na tumitig sa kanya. Nanginig ang aking mga labi. Ramdam ko ang pagkakalukot ng aking mukha para pigilan ang pisil ng mga luha na sunod-sunod at matataba ang bagsak.

"Huwag mo akong iyak-iyakan ngayon." She pointed a finger at me before she stormed away and completely went inside the recovery room.

Pinakalma ko ang mga hikbi, sumisinghot na lamang at hinayaan ang mga paa kong mapako sa kinatatayuan hanggang sa maramdaman ko ang pamamanhid ng aking mga binti. Nanataili sa isip ko ang sinabi ni Ate at tama nga naman, hinahayan ako sa gusto ko sa kabila ng nakikita kong pagtutol sa bawat pagpayag niya.

It made me realize that maybe... I abused too much of her considerations for me. Just because I was denied of some rights and privileges don't mean that I have to overindulge myself when I was granted with the meteoric spin of freedom. I have always believed that everything happens for a reason. Siguro ito na iyon, na kaya ito nangyari ay para tumigil na ako. That maybe it is high time for me to veer towards the outskirts of my comforting home.

Umahon ang hikbi ko sa pagtanggap sa aking pagkakamali. I already know what this means and I couldn't even blame anyone but me. I also feel guilty not just for what happened but for everything I could hardly name.

Sa pagkakatulala ko, nagbunga iyon ng pagkakaigtad nang may marahan na tumapik sa aking balikat. Evrard offered a gentle smile. Iginiya niya ako pabalik sa rating inupuan. Hindi ko naman masuklian ng tingin ang mga nakarinig sa kaunting pagtatalo namin ni ate kanina.

"Boyfriend mo ba iyong nasa loob? If you don't mind me asking, Samara," he said, and it took him quite a while to say my name.

Mahina akong tumango. I still don't know what to call him aside from his name. Kuya ba dahil parang sila naman ni ate?

"Rizwana is just worried about you. Kaya huwag mo sanang mamasamain ang pakikitungo niya sa 'yo ngayon."

"Alam ko naman po iyon..."

"Her rage will soon pass. Hindi ka niya matiis."

Nilingon ko siya at bahagyang natigilan. Kung intensyon niya ay ang pagaanin ang loob ko, kahit papaano 'y hindi naman siya nabigo.

He pulled in a long and deep breath beside me. Ramdam ko ang pagiging awkward niya habang salikop ang kanyang mga kamay sa gitna ng tuhod.

"At isa pa, hindi ka rin naman niya pinagbabawalan. You're young. Eighteen, if I'm not mistaken?"

I nodded again and uttered a whispery, "Yes."

Tumango rin siya. A shot of nostalgia hits his eyes. "She was seventeen when she had her first boyfriend. So for sure, she understands the experience of juvenile relationships, lalo ngayon na nakikita niya ang nakaraan sa iyo." He paused momentarily before he turned to me. "Is he your first boyfriend, Sam?"

Hindi agad ako nakasagot, hirap pa ring aminin ito at mas lalo naman ang paniwalaan.

"O-opo..." I responded after a long deliberate pause.

"Figures. You know what my mother told me about first times?"

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Unti-unting umaangat ang kilay habang tinitigan niya ako pabalik, nahalata ang kuryosidad sa aking mga mata.

"Is that they're always the most dangerous kind, Samara. The ever burning ambition of a man's curiosity. And as much as how its menace provokes the unforgettable also makes it the most haunting that not even a conscious force of unremembering could afford itself to die in one's memory. They're the ones that are mostly honored by the future, greatly remembered for not only our joys, but the sufferings we had breeding the lessons we should keep."

His sad barely-there smile got me off guard. Inagaw ang kalahati sa akin ng pag-intindi sa mga sinabi niya habang pinipilit na may inaalala ang natitirang bahagi sa kanyang mukha. That fleeting reaction before he looked away did something painful inside my chest.

Have I met him somewhere before?

"Hinahayaan ka ni Rizwana hindi lang dahil iyon ang makapagpasaya sa 'yo. She was mostly scared, Samara, and yet, she took the risk in allowing you the freedom to decide for yourself. Hangarin din niyang matuto ka sa sarili mong karanasan. She wanted you to learn from your own choices as well, not the choices other people make for you. It takes a great risk but a greater fear to achieve a higher learning, in this life, this should be vital. I supposed that this is what she's always wanted to believe in." 

Tahimik akong huminga nang malalim. I honestly ran out of reasons because after all, there was neither for me to say nor do but to accept my failure and anyone's harsh words and this, advices. Sa huli, alam ng lahat na karapatdapat lang sa akin ang maparusahan.

"Natunghayan ko kung gaano siya kasaya noon. She was too happy to a point where rapture had become deceiving, blinding...  Dahil hindi naman ibig sabihin na kung masaya ka, tama na iyong ginagawa mo. Kadalasan, ang humaharang sa kasiyahan mo ay hindi ang pinili mong desisiyon na sa tingin mong makapagpasaya sa 'yo, kundi ang mga bagay na nararapat gawin para itama ang pagkakamali mo."

Napakurap-kurap ako at sandaling natulala. Dahil sa pinagbawalan na akong makipagkita kay Angelov, ibig sabihin ba nito ay simula ngayon, hindi na ako sasaya?

Nagsilang ng malamig na hukay ang dibdib at kalamnnan ko. The wild beating of my heart reached out long to my ears. Desperate to reject that possibility, my eyes darted quickly at Evrard. Ang dami yata niyang alam tungkol sa ate ko?

"You're my sister's first boyfriend."

Bahagya ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya. "You believe so?"

Kumunot ang noo ko. My head tilted deeper to his side so I could fully face him.

"No, Sam. I am not." His sad smile stretched. "But I gladly wish that I am."

Umawang ang mga labi ko. Pinunit ng pilit na ngiti ang mukha niya nang umahon siya sa upuan at mapaglarong ginulo ang aking buhok.

"Masaya ka ba sa kanya?"

Hindi agad nakasagot, napakurap pa ako at ikiniling ang ulo habang binabalikan ang tanong niya. I sighed upon meeting his calculating gaze. Tumango ako.

"You enjoyed what you did, pero hindi tama iyon."

"Alam ko po." Mas malalakaing tango ang ginawa ko.

"Then why did you do it?"

Silence grew limbs and wrapped me with its claws. Wala naman talaga akong partikular na rason bakit sumang-ayon ako at hinayaan ang sarili na gawin iyon. To say that I want to feel happy and experience the thrill of it all just doesn't seem right. I don't, and I can't find any reason at all.

Sa huli ay sumuko ako sa pangangapa ng rason nang makita ang rahan sa ngiti niya.

"Puntahan ko lang sa loob at baka kung ano na ang ginawa nun sa...kaibigan mo."

"Sama ako!" biglang tayo ko at may balak pa siyang unahan sa loob.

He shook his head once. "You stay here just like what she wanted. I'll talk to her about your concern, okay?"

I pouted. Ni tumango ay hindi ko ginawa. Napasunod nga siya ni Ate sa kagustuhan na manatili ako rito sa labas, paano pa kaya kung hindi pa rin puwede ang isasagot sakali man na subukan nitong kumbinsihin ang kapatid ko na makita ko si Angelov? E 'di hindi rin puwede para sa kanya! Nawalan tuloy ako ng pag-asa.

Sa buong magdamag na paghihintay, hindi man lang ako dinalaw ng antok. Nakapagpaalam na lang sina Charlie at ang daddy niya. Pagkatapos asikasuhin ang pakikipag-areglo sa pulisya ay nagpasya na silang umuwi at babalik na lang raw bukas. Dumaan na rin ang isang oras ay hindi pa rin lumalabas sina Ate at Evrard.

I wonder what took them so long inside the room. One thing is for sure, though. My sister has already informed Angelov about the new rules for me. And this might paint a bad picture of myself, pero umaasa ako sa pagtanggi ni Angelov. I have my full faith in his obstinate mind and troublemaking expertise.

Meanwhile, Davina decided to stay longer. Kalauna'y hindi nakatiis at pumasok na rin sa loob. Tanging pagpapaalam lang yata ang nagawa sa kaibigan dahil lumabas din agad hindi pa man natapos ang isang minuto. O ang mas malala, pinalabas siya.

"Sabi ko sa 'yo bawal pumasok, e."

I tried to warn her before she opted to barge in. Hindi siya nakinig. 

"Hinanap ka," sa halip na tugon ni Davina sa akin habang papalapit.

Napatayo ako. "I can get in? Now? Pumayag si ate?"

Her perfectly shaped black lips curved downwards as she shook her head. Bumagsak ang mga balikat ko sabay anod sa akin pababa at muling napaupo.

"Sabi ko nandito ka, naghihintay. Papalabas na rin yata ate mo," subok niyang alo sa akin.

"Walang magbabantay sa kanya pag umalis na rin kami," my tone was depressing as I said it.

"May mga nurses naman diyan. I'm sure they're willing to take care of him."

Sabay namin nilingon ang naghahagikhikang mga nurses na sa ibang department pa yata naka-assign. Or if I'm not mistaken, they are student nurses. Isa sa kanila ang lumapit at huminto sa harap ng recovery room, inayos ang nakaipit na buhok at pinasidahan sa kamay ang puting uniporme bago tumuloy. Sa pagkakaalam ko ay maliban kay Angelov, isang matandang babae at batang lalake ang may katatapos lang na operasyon at nagpapahinga na ngayon sa loob. Kaya sino pa ba ang papagandahan ng nurse na iyon?

Bumilis ang hininga ko at napairap. Alam ko naman na may pagkakamali ako pero ayaw paawat ang pamumuo ng inis ko kay ate!

"Biro lang, Sam!" natatawang si Davina. "Well maybe yes, those nurses are willing to take care of him. Pero hindi ako uuwi kaya ako ang magbabantay ngayon kay Lov. Bukas naman si Charlie. Maya maya lang ililipat na iyon sa private room."

"Hanggang kailan siya rito? 'Di ba mahal sa private room?"

"Three days lang naman. Tsaka sagot na iyon ni Tito Bobby," tukoy niya sa ama ni Charlie. "Pero duda ko, di papayag diyan si Lov. Sa lahat ng ayaw nun ay ang umutang, e. Ma-pride."

"Kung babayaran nga ni Lov ang papa ni Charlie, saan naman siya kukuha ng pambayad? Are his earnings from the shop and the band enough to pay him in full amount? O uunti-untiin niya?"

"Sa dami ng raket ni Lov, for sure may ipon siya at mababayaran si Tito ng buo! Hindi naman siya maluho maliban lang diyan sa pagpapaganda ng pick-up niya. 'Di mo ba pansin, paulit-ulit ang suot niyang damit? Minsan nga, walang pang-itaas. Ibig sabihin, 'di pa niya nalalabhan!"

Ngumisi ako na kalaunan ay sumabay na sa tawa niya.

"Kaya 'wag ka nang mag-alala diyan." She tapped my shoulder. Humulma sa pagduruda ang tingin niya. "May balak kang bayaran noh? 'Di ka papayagan nun, so don't even bother, Sam."

Tumitig ako sa kanya. She's been Angelov's friend for years so I couldn't help but grasp the thought that she knows almost everything about him. Yet I think the way I stared at Davina crept her out.

"Hoooy! Panginigan ka nga! Wala akong gagawin sa kanya, ha? 'Di kami talo nun!" tawa pa niya.

"No, hindi iyon..." and I will never think of it that way again. "Wala ka ba talagang alam sa maaaring gumawa nito kay Angelov? Sabihin na nating mahilig siya sa gulo, but I don't think he will let it reach to this extent where it can cost his life."  

All the humor has left her face. Mabagal siyang umiling.

"Hindi ko na pinagtakhan 'to. Oo, malapit lapit siya sa gulo, pero wala naman kasi akong napag alaman na nakabangga niya lately. Well, may inaway siyang classmate ko na babae, recent lang, but I don't think she's capable of this."

But anyone could be capable of any crime. An afterthought.

"Pero may kutob akong may alam si Lemuel. Kilala mo siya?"

I nodded. "I met him. Why do you think involved siya rito?"

Huminga nang malalim si Davina habang dahan-dahan akong tinatabihan sa bangko. She sat not too close from me, indicating that even when we're talking a private matter and shared a tad bit of inside joke, we can't still be called as close friends.

"Pag hindi kami ni Charlie, sila ni Lemuel ang hindi mapaghiwalay. Kumbaga, kung artista si Lov, si Lemuel ang manager. Kung anu-ano na lang kasi ang pinapagawang raket sa kanya. Iyang sa banda? Dahil kay Lemuel iyan. May racing pa, tapos iyong mga tattoo exhibit at contest na pinapasali sa kanya. Malay ko ba kasi rito kay Angelov bakit atat na kumita. Sasabihin na para sa pagpapagamot sa Mama niya, pero lagi na lang bang iyon ang rason?"

"You met his mother?"

Sa dinami-daming sinabi ni Davina ay ang tungkol pa talaga rito ang hindi ko napalagpas. I can't, for the life of me, understand my obsession with it.

"Mhm. Dalawang beses lang."

"How is she when you met her? Mabait ba?" I instantly regret the enthusiasm in my tone. Tumikhim ako at lihim na hinihigpitan ang sarili.

"Tahimik. Parang ang lalim ng iniisip. Ang hinahon magsalita, di nagmana ang anak," mahinang tawa ni Vin. "Ang ganda rin ng lahi nung mama niya. Peruvian, Spanish at Filipino!"

"Sinabi ni Lov 'yan?"

Tumango siya. "At ni Charlie na rin, sila ang unang magkakilala bago kami."

Without any force, I don't know why my mind hauled me back to the day I saw that picture of a mother and a baby dated on August 7, 1991.

"Kailan mo siya nakita?" Patuloy kong tanong.

Nagkibit balikat si Davina. "Matagal na rin iyong una. Kaka-eighteen ko lang yata nun."

"Anong pinag usapan niyo ng mama niya? I mean, may mga kinukuwento ba?"

Nagsalubong ang kilay ni Davina sabay lingon sa akin.

Kinagat ko ang aking labi at bahagyang yumuko. "Sorry, curious lang. Angelov never mentioned his mother to me."

"Of course he won't. Kahit sa 'min hindi iyan nagbabanggit kung hindi kinukumusta."

"Kailan mo siya huling nakita? Iyong Mama niya, I mean." Do you really believe na may sakit ang Mama niya? I chose to leave this one out. I don't want to make her doubt and lose the trust she had for her bestfriend.

"Iyong huli? Sa pagkakaalala ko, nagwawalis lang iyon sa labas ng bahay nila. Two years ago?Not sure pero iyon ang naaalala ko. After nun, 'di na namin nakita."

"Nagtatrabaho sa Manila, iyon ba ang sabi ni Lov?"

She smirked. "Alam mo naman pala."

Umiling ako. "Iyon lang ang sabi ni Charlie."

Dahil sa pag-uusap namin ni Davina, lalo pa yatang madadagdagan ang iisipin ko. Ayaw rin magpahuli ng kaba. Kaya naman nang tumayo si Vin at nag-alok na magkape, ang bilis kong makatanggi. Mas mabuti na rin na pumarito ako at nang madatnan agad ni Ate sakali man na iluwa na sila ng recovery room.

It's been an hour now. Hindi ko na alam ang iisipin kung lalagpas pa ng higit sa isang oras ang pag-uusap nila. If it does, then it must be something serious!

Wala sa sarili kong pinanood ang paglayo ni Davina sa hallway. I was absentmindedly staring at her black worn out boots that were stepping on a long disfigured and faint shadow with its tip reaching the other side of the wall.

My eyes drifted behind the right wall where I thought the shadow was coming from. Inakala ko ay simpleng  repleksyon lamang ito ng ilaw mula sa kisame. Hanggang sa isang mukha ang alinlangan na sumilip mula roon. Kalahati lamang ang nilantad pero sapat na panliitan ko iyon ng mga mata. The eye that is watching me intently, and the hoodie over her head almost made the pounding inside my chest burst. Ang tumakas na hibla ng buhok niya, pamilyar dahil sa mabakal na kulay.

"Syd?"

It all happened in a bat of an eye when the face vanished behind the white wall. Ang naririnig kong alingawngaw ay isang pagtakbo na unti-unting pumapanaw, tila ba hinihila sa kawalan. I didn't waste time for any second thoughts and took off after her. Maaaring nagkakamali ako pero wala naman sigurong mawawala sa pagbabakasakali kong siya nga itong nakikita ko.

"Syd!" I called when I heard descending steps on the stairs.

Hindi ko inasahan na may ikabibilis pa ang takbo na ito sa kabila ng panghihina kani-kanina lang. Ngatal pa ang mga tuhod, pero hindi man lang ako nadudupilas. For sure this is the adrenaline rush, na kahit pinag-aagawan ako ng mga tanong at sinubukan na pigilan, hindi iyon naging dahilan para huminto ako.

In rapid breaths, I realized that I was just defeatedly relying on the familiarity of what I saw. Because if this is really Sydney, why is she running away? Namamalikmata nga lang ba ako? I can just stop what I am doing and go back up but I didn't. It was the faintest hope that made me keep up despite my doubts. But if this is not the friend who I've been trying to get in touch with for days, and he or she is taking flight like a criminal on the loose...

Para akong sinasakal sa biglaang nahihinuha. I don't know how come I was provided by the assumption but this person could likely be Angelov's offender! Hindi kaya nagmamatyag na siya kanina pa at naghihintay lang ng tamang tiyempo para maisakatuparan ang naudlot na balak sa biktima?

Tunaw na yelo ang tila pumailanlang sa daloy ng aking dugo. My legs are starting to feel strained and numb from the ceaseless run. Napapadaing na rin ako at bahagyang naiiyak sa panghahapdi ng dibdib ko.

"Syd--" I winced from the pain of my dry throat. 

Kinakapa ko sa isip ang maaaring meron ako bilang panangga sakali man na gawan ako ng masama. It's because at this moment, I am leaning more on to the belief that Sydney was never here. This person is different and he lured me to chase after him, or her. It's not impossible and indeed, this could be his principal motive: To get me as far as anyone's sight just in case he has already planned on assaulting me!

"Sydney!" paos kong sigaw, kinukumbinse na lamang ang sarili.

I was able to breathe out loud when I finally reached the last floor. Kaya lang mas hirap na matukoy ang hinahabol ko sa dumadaming tao. With careful intent, I searched for the loudest noise. Lumiko ako at nalamam na ang hallway na tinatahak ngayon ay ang exit na sa likod nitong ospital.

I only caught a quick blur between red and pink at the open door but I am positive that he is the one who I'm after. Habang tumatakbo ay sa kanang bahagi, nasulyapan ko ang loob ng cr. Walang pagdadalawang isip akong pumasok, kinuha ang iniwan na gunting roon sa sink na marahil pagmamay-ari ng isang student nurse, saka mabilis na lumabas.

Humarang sa mukha ko ang inaanod na buhok mula sa matinding ihip ng hangin at mabigat na buhos ng ulan. Inipit ko ang lumalayang hibla sa likod ng tenga at nakita ang labo ng paligid higit na ang mga ilaw mula sa mga nakaparadang sasakyan dahil sa hamog at lumalalim na gabi. Habang pinapasidahan ng tingin ang kalsada ay hinihingal ako at nanginginig sa nanunuot na lamig.

Humigpit ang hawak ko sa gunting. This may not be of help but I hope the sharpness is enough for me to exact a brutal revenge on him for what he did to Angelov!

"D..." 

Naigtad ako kasabay ang marahas na singhap at saglit na pagkakatigil bago nakayanan ang pumihit. Dala ang namimilog na mga mata, mas lumaki pa ang mga ito nang matanto kung sino ang pilit kumukubli sa dilim.

"Sydney!" napalakas ang sigaw ko. Naiiyak halo ang ginhawa at saya.

But with the relief that washed over me seeing my friend after quite a long time, pakiramdam ko ay nilulukot ang baga ko baka dahil na rin siguro sa walang katapusan na pagtakbo.

Lalapitan ko na sana siya para mayakap. Pero bago pa man iyon mangyari ay sa sumalimbay na kidlat, dagliang sininagan ang mukha niya sapat upang ako ay matigilan. 

"A-Anong..." I covered my mouth, hindi alam kung lalapit pa ba ako o titigan na lang siya.

I've seen her bruises before. The marks were never ignorable especially when they are exactly on the spaces that are easily caught, on her arms and her neck the most. And among all of those bruises, these are much darker and more severe than the previous ones. Natunghayan ko at alalang-alala pa kung saan ang mga pasa niya noon, kaya naman nasisigurado ko na ngayon lamang ito nagkaroon sa kanyang mukha: Sa kaliwang bahagi ng mata niya.

Inisang pasida ko siya at mas naninibago pa sa kanyang itsura. Aside from the bruises, she's in a faded jeans that has seen better days. An old pair of white sneakers which seems unlikely of her. And I was right, she's wearing the pink hoodie I gifted on her birthday. Wala na nga lang ang mga diamond studs sa harapan nito.

Never in my life have I imagined a day where I'd witnessed one of the strongest person I know endure and battle with this kind of misery. Nakikita ko ang pagsuko na malayo sa pagkakakilala ko sa kanya.

"Syd... anong nangyari? Sydney..." namamaos ang boses kong nagmamakaawa, hindi makahinga at hirap na ipagpatuloy ang sasabihin sa kanya.

"D, are you okay? Nabalitaan ko ang nangyari..." 

My lips wobbled. Tears pooled in my eyes. Isang pitik ng pag-iling ko ay nag-uunahan na ang bagsak ng mga luha. That's not even her usual voice! It was strained and in pain as if her throat has just been scratched from the inner surface. Bawat subok na magsalita ay napapangiwi na siya.

I can't let her speak when she's suffering like this so I just put my arms around her, careful not to nudge a hidden bruise or something. Sa pagtama ng ulan sa kamay ko ay hindi ko alam kung hawak ko pa ba ang gunting o multo na lang ba ng lamig nito ang nararamdaman ko.

"D..." she sniffed. "Shh..." her light caress touches my back, trying to calm me.

"Ayos lang a-ako," my voice trembled from the cold and weakness. "Ikaw, bakit ganyan itsura mo, Syd? And I've been trying to contact you!" Kumalas ako para matignan siya. "Nasaan ka? Ano 'to? Bakit ganyan, Syd?"

"I'm fine. Okay lang ako." Malalaki ang tango niya.

She tried to wear her cheeky and maniacal smile but I never bought it, lalo na sa nangingitim na kaliwang bahagi ng mata niya. Despite itself, a perfect make-up couldn't conceal the damage. Halos hindi na mabuka ang talukap doon at pakiramdam ko ay kung mabubuksan man, mas malala pa ang matutunghayan ko.

"Wala bang tumama sa 'yo?" She awkwardly put her hand on my arms and check for any injuries. "S-si Angelov, kamusta siya?"

As I pondered about her sudden emergence, naitanong ko kung bakit ngayon lang? Kanino niya nabalitaan ang nangyari? Why now and with all of those contusions?

"Bakit ka nandito?"

Unti-unting natunaw ang pinipilit niyang ngiti. Her brows quivered as they try to draw close to each other.

"I... I just want to check if you're okay! Masama bang malaman kung anong nangyari sa kaibigan ko? Kung ligtas ka ba? Deirdre naman..."

"I've been contacting you, Sydney. Niisa wala kang tawag na sinagot. A voicemail could have been enough to maintain a communication with me. I'd even thought I did something wrong for you to cancel me like that! Tapos ngayon magpapakita ka na ganyan ang itsura mo? At hindi mo masabi-sabi kung sino ba talaga ang gumawa niyan sa 'yo!"

Agad kong pinagsisihan ang pagtataas ng boses dahil sa pagkakaatras ng kanyang mukha bago yumuko.  Lumilikot ang mga mata niya sa paligid, nangangamba at tila may pinagtataguan. 

My eyes narrowed in slits. Lumalakas ang pagbayo ng preso sa dibdib ko.

"Where we 're you, Sydney?" I asked more seriously.

"N-naging busy lang..."

Tumango ako, nanunuri ang tingin sa kabuuan niya lalo na sa mga pasa.

"Busy... busy saan? Sa bugbugan?"

Umirap siya at napabuntong hininga. "You know what? Masaya akong malaman na ayos ka lang at walang nangyaring masama sa 'yo. That's all I'm really here for, D."

Natitigan ko na lamang siya. I could care less about her concern for me right now when she should be the one who needs it the most!

And why couldn't she answer me in all honesty? Why a generic reply? Busy? Where? Who? She could have mentioned someone who has been taking up all her time or some place that would directly point me to where she had really been before coming here. Also, she's obviously trying to avoid to further the question by cutting it with a statement that she's been persuading me to believe!

Naniniwala naman ako sa sinasaad niyang intensyon. Pero iyon nga lang ba talaga, Sydney?

"Mag-iingat ka lang, D, ha?" Nanghihina ang boses niya ngunit buo at seryoso. She held my arms again and pulled me to her.

Mariin niya akong tinitigan. The only times I have seen her in this level of grave seriousness is when she's angry. Hindi lamang siya galit ngayon.

"D, mag-iingat ka. Don't you ever trust anyone... kahit na... kahit na si Angelov," ang binanggit na pangalan ay naging bulong.

Kumunot ang noo ko. Halos tuklapin ko ang kamay niya para makaatras pero inunahan niya ng higpit sa aking braso.

"Let's say that he will never raise an intention to hurt you, D. But how about the people around him?"

Nasapawan ng sirena mula sa ambulansiya at ng pulisya ang huling sinabi niya. Nang tumigil ito at pumarada sa harap ng ospital, bumibingi sa lahat ang mas tumitinding buhos ng ulan.

Another flash of lightning revealed more of Sydney's condition. My eyes instantly fell on her trembling lips, which sported a fresh cut wound and on its other side was what looks like a week old bruise.

"Sino ang gumagawa niyan sa 'yo?" mabagal at mariin ang bawat pagkakabigkas ko.

In behalf of words, a smile was forced. Kahit kalabit ay hindi umabot ang ngiting iyon sa mata niya. Dahan-dahang dumausdos ang kamay niya galing sa braso pababa sa aking kamay na tila may ibig sabihin nang hinawakan niya nang mahigpit. Is she secretly asking for my help?

"Tell me, Sydney. Sige na, please. I won't tell anyone for now pero sisiguraduhin natin na makukulong siya!" Another batch of tears fell in a fraction of seconds,

Walang pagkurap ay pumatak ang luha niya. She quickly shook her head and sniffed before she kissed me in the cheek. Ramdam ko ang pamamasa ng pisngi ko halo ng luha niya at ng iilang wisik ng ulan.

"Syd..." I called when she's about to let go.

Mabilis siyang tumalikod at sumulong sa ilalim ng unos.

"Sydney, please!" sigaw ko sa kabila ng kaalaman na hindi na ako makakahabol pa.

I watched her crossed the wet busy street. Sinundan ko siya ng tingin, baka malaman ko ang tungo niya at umaasa rin ako na may susundo sa kanyang sasakyan. Pero habang lumalayo, lumalabo rin ang kanyang anyo hanggang sa tuluyan na nga itong naglaho. The rain keeps on pouring hard, my heart crumples each passing minute as I try to search only to find that I'm already losing sight of my best friend.

Nananalig pa rin ako na hindi siya naiwala sa paningin. Ngunit habang tumatagal, hinihila ang isip ko sa binanggit ni Sydney. Why would she suddenly drag Angelov into this?

Angelov got shot. Sydney was 'beaten', at least that's the best assumption I could come up to for now.

I was taken back to all of the warnings I have collected including from the people who are dear to me. Lahat yata ng mga nakadaupang mata ko ay kung hindi paghanga, babala naman ang lumalabas sa bibig para kay Angelov. They all warned me about him which was uncalled for. It shows physically on him. The way his body speaks and his whole disposition is already screaming bad news and a thou shall not. This was initially my prejudice talking.

But I came to know him more, invaded some parts of his territory, only that he still left me a heap of his mystery. Kahit sa matalik na mga kaibigan ay naglilihim siya! 

He hides a lot of things that made people spread cruel information about him. Hindi naging sikreto ang usap-usapan tungkol kay Angelov at sa mga nagdaang ex-girlfriends niya. The ex girls who took their own lives... for him. If that was ever true, and remembering Mel, that girl on the second party I attended with Syd after my eighteenth birthday, her anger when she saw Angelov...

A sharp pull of cold air grasped my lungs. Is it possible that Angelov really did hurt them? What could be a better explanation why they chose to die for him? The unreciprocated affection just couldn't be the reason why a man is subjected to be blamed by the jilted daughters' family. Sa tatlong mga babae na huminto ang mga mundo sa kanya, parehas na iyon ang dahilan? Though, I never heard of an accessory detail that hints to an abuse!

Mariin kong ipinikit ang mga mata at iniling ang ulo. Did I just think of Angelov physically beating Sydney? 

But it doesn't make any sense!

Why would she warn me about him? Si Angelov ang napuruhan. Hindi ba siya ang dapat na balaan? If my next speculation is right that Sydney might know something,  she should have went straight to Angelov and warned him but instead, she came up to me. Why? Why now?

Katulad ng isang buhos ng ulan, nagsibagsakan ang mga babala mula nang makilala siya. Yes, eventually I chose to ignore the loud signs that even Angelov had made one himself for me.

"Sa oras na mamahalin mo na ako, layuan mo ako, ha...?"

I am stupidly staring at an all white surface and blinked in the hopes to pop all the forming assumptions away, including the guilt. Tumitindi ang bugbog sa dibdib ko habang padilim nang padilim ang hukay na ako mismo ang nagbungkal sa sarili ko.

I started to swear by Angelov's side, undeterred by his habitual constraint to inform me about his life. Kalaunan ay unti-unti ko siyang naiintindihan at may iilan pang mga bagay sa kanya na gusto kong intindihin. And maybe this is why I'm so drawn to him, like a blade on a fragile skin...

His mystery that keeps me drawn, now became secrets and lies that could keep me away... from him.

But he is keeping so much not just from me but also from his friends. Best friends. Like how Sydney is trying to hide something from me. Bakit nga ba naglilihim ang isang tao?

Bakit ang dami nilang naglilihim sa akin? Hindi ba ako mapagkakatiwalaan? I could claim to be the most trustworthy and indrawn person in the world that not a single secret could be revealed but still, they could not tell me the truth. So maybe it's not me who's got an issue here.

For days, Sydney has been unresponsive to my calls. Umiiwas din siya sa tuwing nababanggit ang mga pasa niya. Then here's Angelov, could it also be that his absences were not entirely about visiting his ill mother but on...

Sydney has been physically assaulted. It's obvious! At ngayon, lihim siyang gumaganti kaya nagawa niya ito. It could have been me, Davina or Charlie, but the target was Angelov. Si Sydney ang may motibo at dahil hindi niya kaya ang mas malala, sa braso niya tinamaan. But the shot was done once which brought Angelov down in an instant. Kung siya man ang may hawak ng baril, maaaring ako o ang iba ang matamaan niya. So it only goes down to this... she must have hired someone to do it!

Nanlamig ako hindi dahil sa pagkakabasa sa ulan o sa lamig ng ospital. Paano kung ito nga ang dahilan? Was I really too blinded and naïve to have not seen all of it?

No! You cannot think of them bad this way, Samara. Isipin mo nga! Ang kaibigan mo ang unang sumaya at nagudyok pa sa 'yo na makipagkaibigan kay Angelov. Binalaan ka nga, pero hindi pinagbawalan. At sa mga panahon na iyon, may mga pasa na siya. Hindi nga lang mas malala kumpara sa nakita ko kanina.

Sige, sabihin na natin na iba ang gumawa nun kay Sydney. But would she drop the name if ever it wasn't someone we both know? Kasi kung aksidente lang naman ang mga pasang iyon ay matagal na siyang nagsumbong. Yet the way I saw her blood-curdling fear a while ago...

Muli akong napailing at huminga nang malalim. To think ill of them like this, what does that make me? What does that make me any different from the people who accused him of the wrong things? Who judged her by her preferences? Sino nga ba ang tama sa kanila? Kaninong panig ba talaga ang dapat kong paniwalaan? Kasi ngayon, hindi ko na alam!

"Samara!"

Tila sinabuyan ng kumukulong tubig ay nalusaw ang nanunuot na lamig pagkarinig kay Ate. Sa itsura nito ay kanina pa yata ako hinahanap. Doon ko pa lang din napansin na hindi pa ito ang floor na pinanggalingan ko bago bumaba.

"Saan ka ba galing?"

"Uhm..." I don't even know where to start.

"Kakalipat lang sa kanya sa private room. The police are inside to interrogate. Mananatili rin dito ang kaibigan niya para magbantay. Aalis din tayo maya-maya lang."

Mabigat ang ulo ko na halos hindi na kaya ang tumango. Bumabagsak na rin ang talukap ng mga mata ko ngunit may pakiramdam na hindi rin mahihimbing ang aking pagtulog. The cold inside me has subsided now, only for it to morph into hollow numbness.

I was just basically dragging my feet while following my sister down to another floor. Siguro dito na dinala sa Angelov.

"I was supposed to offer you options about seeing him but I guess that could hold up. Kailangan mo nang magpahinga. It's been a long day for you."

"What options, ate?"

Huminga siya nang malalim at hinarap ako. Inasahan na yatang pagbibigyan ko ito ng buong segundo. The remains of the minor dispute we just had never left, but she kept it civil between us. Dumungaw siya sa kanyang relo. I was able to take a peek of the time screaming that it's already twenty past two o'clock in the morning.

"Fifteen minutes only for today or tomorrow for the whole day. Mamili ka."

Napalingon ako sa pagbubukas ng pinto ng isa sa mga silid. Davina marched out with a phone in her ear. Mukhang iritado sa kausap na hindi man lang kami napansing dalawa ni Ate pagkadaan niya. Ang ingay pa ng sira niyang boots.

"Alam mo ba 'to? Ayaw na raw niya ng gulo kaya 'di na sasampahan! Hindi na nga pinahanap! Seryoso ba siya?"

Nagkatinginan kami ni Ate. Her cold composure didn't really reveal me anything if she knew about this. Baka isa 'to sa kung bakit natagalan sila sa loob kanina. Una siyang kumalas sa tingin at kaswal na ibinaling kay Davina.

"Mainit-init pa 'tong kape ko, ha, Charlie? Baka masaboy ko lang sa kanya! O sige na, ikaw dito bukas, a? Pagsabihan mo 'to. Iyon ay kung makikinig sa 'yo..." Davina's voice trailed off as she met my gaze. Isang kurap ay nagsalubong ang may arte at makapal na kilay niya. "Sige, bye.."

Ayaw na ipahanap? Hindi magsasampa ng kaso? Any person who has been unexpectedly shot usually will fight hard to seek for his gunman and send him to rot in jail!

Panibagong lagusan ang niyari nang pinagisa ang nagkapira-pirasong bugtong at sa danak ng lamig, iisa lang ang kanilang tungo. My heart pumped harder that not even a deep and slow pull of air could tame the wilderness.

"Fifteen minutes," I blurted stiffly.

Ramdam kong may sasabihin pa si Ate Merewald ngunit nakapihit na ako at pumasok sa silid na pinanggalingan ni Davina.

The police are still here. I could hear them asking the questions and anytime they would ask me, too, because I was involved. Kung babanggitin ko sa kanila ang nakita ko, they'd search for Sydney and they might connect my description to Angelov's attempted assasination. I never claimed to be smart but this could possibly be their lead... iyon ay kung sasabihin ko.

But to hear that Angelov will not so much as let anyone conduct an investigation to capture him or... her. Bakit, Samara? Kung si Sydney nga, kaya mo siyang ipakulong? Kung si Angelov nga ang unang nanakit, maaatim mo ba siyang makita sa bilangguan?

Angelov may be a victim but there must be a reason why he is. Not all victims deserve the sympathy. In these times where war is ruling over peace, victims become the conclusion of justice. The consequences of revenge. Sydney has a motive but clearly, this can't be called self-defense!

Tatlong pares ng mga mata ang nakatutok sa akin ngunit kay Angelov nakaimpunto ang aking tingin.

"Alis na kami, boy. Sigurado ka ba sa desisiyon mo?" ani ng isa sa dalawang pulis.

His sharp eyes darted to them in only a millisecond before they retreated back to me. Tipid siyang tumango.

"Ikaw, Miss? Hindi ka pa namin natanong."

"She's not involved in this," Angelov intruded. "Huwag niyo na siyang tanungin. Ako ang nabaril, 'di ba?"

"Pero kasama mo siya—"

"Siya ba bumaril sa 'kin?"

Nagkatinginan ang dalawang pulis at nagbuntong hininga ang isa. Ang kasama niya ay napailing na lang.

"Matigas ang ulo. Sige na, kung iyan ang gusto niya. Basta pag binalikan ka nun, boy..."

We both know what would be the end of it.

Hanggang sa mapag-isa na lang kami ni Angelov ay hindi ko iniwas ang aking tingin. I never moved, I never smiled even when he is giving that to to me right now. The destructive smile that had twisted countless of women's sanity and ruin their lives.

He looked frail in the bed as how a victim should be. Yet even so, he could still suck the whole atmosphere inside the room. With his tousled hair, sleepy eyes and an intravenous tube in his unaffected hand, it didn't make him any less dangerous.

Mahina niyang tinapik ang espasyo sa kanyang tabi. Dahan-dahan akong lumapit, walang niisang pagkakataon na lumiban ang mga mata niya sa bawat galaw ko.

If I hadn't allowed my speculations to drown me, I would have lunged at him with a tight embrace. Siguro umiiyak na ako at hinahayaan siya na tahanin ako. But I just sat barely at the edge of his bed.

"How's my baby girl?" His voice was hoarse probably from the operation.

Spikes of shivers coursed through my spine. Mainit ang kamay niya nang pinatong sa kamay ko at marahan na hinila upang ilapit pa ako sa kanya. I let that gesture revive the joy and longing I should be feeling but it only brought me deeper to my dark assumptions.

"Sinong gumawa nito?"

His lips simply twisted downwards as he shook his head. Sa mga labi ko nakatutok ang mga mata niya.

"You don't know, or you don't want to tell me? Or anyone?"

"Sam..." he uttered in between nervous chuckle. His brows were furrowed in confusion.

May tinig na bumubungkal sa lalamunan niya na hindi malinaw ang salita pero halata ang pagtatanong. His hold on my hand tightened.

"Nakita ko si Sydney," I said firmly along with my resistance as he tried to pull me harder to him. "She came here and warned me about you and the people around you." I looked at him square in the eyes. "What did you do to her?"

Natigil ang panghihila niya sa akin. He looked so astonished and greatly offended by my words that all he could afford is stare at me in silence.

"Samara, ano 'to? Why are you picking up a fight?"

"Sydney has been beaten! May mga pasa sa mukha niya!"

"And what does that have to do with me?" His controlled voice raised a timbre from the overwhelming frustration.

Mabilis ang hininga ko. Namumula na ang mukha niya sa galit. His hot furious breathes were fanning my cheeks but I didn't let that faze me. Pinilas ko ang aking kamay mula sa hawak niya at mabilis na tumayo. Gulat niyang tinignan ang ginawa ko, sa kamay niyang hindi na hawak ang kamay ko na tila nakakapaso ang aking paglayo.

He looked even more offended but most of it, in pain as his eyes slowly mounted up to meet mine.

"You're accusing me of beating your friend, Sam?" namaos ang boses niya. He swallowed hard and clenched his jaw.

"I wouldn't put it past you. You've hurt girls before. Bakit sa tingin mo binabalaan ako ng mga tao tungkol sa 'yo? Why did they kill themselves, Angelov, or was it really them? Did you give them a reason to do it?"

I instantly regretted my words as soon as they left my lips. I licked them so to soothe the burn.

Nanatili ang malalim na tingin niya sa akin. Then a calm chuckle suddenly escaped from him where humor wasn't involved. His head turned to the side and bit his lower lip with a vicious and utter force.

"Tangina," mahinang bulong niya. Umiiling at natatawa ulit habang hinihilot ang magkabilang sentido. His eyes were tightly shut.

"Why did you ask me to stay away from you?"

His growl was frightening as he ran a firm hand along his face, trying to keep himself from screaming. Mariin na nanatili ang kamay niyang tumatakip sa mukha na para bang kinakalma ang sarili base na rin sa kinokontrol niyang bilis ng hininga. I remained holding my peace as I watched him frsutrated and on the edge of fury. In between the gaps of his widespread fingers,  could see the taut tension in his jaw,

"Hindi ko sinaktan si Sydney," may diin sa kanyang salita saka hinarap ang diretso at mariin niyang titig. "Wala akong kinalaman sa kung anuman ang nangyari sa kaibigan mo. If you want an explanation, I have nothing to explain, Sam. I did not do it."

"Bakit ayaw mong ipahanap ang gumawa nito sa 'yo?"

His dark piercing eyes narrowed, "And now you're accusing your friend of doing this to me. Samara, this is nonsense."

"Bakit ayaw mong ipahanap?! Ayaw mo ng gulo? Kung balikan ka, 'di ba mas malala sa gulo iyon?" sigaw ko.

"Sammie, c'mere—"

"Ayoko!" pagdadabog ko.

Marahan siyang napapikit sa reaksyon ko. Binaba niya ang kamay na inangat para ayain akong tumabi sa kanya na matatag kong tinanggihan.

"Please, Sam. Ako nang bahala dun. Huwag ka nang mag-alala."

"Paano ako hindi mag-aalala? Binaril ka sa tabi ko! While my bestfriend is secretly asking for my help and I couldn't do anything dahil wala akong alam! Ang dami niyong nililihim sa 'kin! Paano ko kayo pagkakatiwalaang lahat? Paano na kita pagkakatiwalaan, ha?!"

Angelov was just watching me scream and getting frustrated at him.  Wala akong oras na alamin ang ibig sabihin ng tingin niya. But then, I couldn't help but catch his defeat and pity as if I needed it when I don't!

"I think I have to do what you asked of me to do, Angelov. Layuan kita? Sige. Ngayon din!"

He smirked. His lips playful while his eyes were filled with menace, Akala ba niya nagbibiro ako?!

"Why? Do you love me now, Sam?" he taunted.

I matched my cold gaze against his cockiness. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ito, but if this is the only way to shut him up and take this seriously, then why not make him now?

"Yes. Oo, Angelov." matigas kong sabi sabay bagsak ng luha ko.

Unti-unting pumanaw ang ngisi niya. His mouth parted as if he didn't expect me to say it. If it was disappointment I saw in his face, or defeat, sorrow or both, I don't now.

Ibinaba ko ang aking tingin at tahimik na tumalikod.

The bed creaked loudly. "Sam, huwag ngayon, please. Dito ka muna."

I sniffed. Lumukot ang mukha ko sa umaalsang hikbi na pinilit kong manahimik.

"Sam..."

I covered my swamped eyes as I walked straight to the door.

"Sammie..." malinaw ang pakiusap sa tinig niya.

Hindi ako lumingon at nagtuloy-tuloy hanggang sa marating ang pinto at binuksan.

"Samara!" he yelled which was muffled when I closed the door. 

Napapikit ako sa narinig na mga pagbasag sa loob. Hindi ako huminto. I walked past my sister, past Davina and to the nurses who were now rushing inside to tend to him.

I can still hear him screaming, calling my name. Umiling ako, umiiyak na tinabunan ang aking tenga at naglakad na palayo roon.

Continue Reading

You'll Also Like

Fear Thy Pact By bambi

Mystery / Thriller

3.4M 110K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."
4.9K 375 22
(Where I Want To Be Book II: Alex) . "...sino crush mo?" tanong ko. "...pano kung... sabihin kong ikaw?" Hindi ako sumagot. "Joke." habol n'ya. "Per...
If you come back By Cher

General Fiction

2M 77.3K 32
Paulit - ulit nawawasak si Sophia dahil kay Mcbeth Lemuel Arandia, ngunit kahit ilang beses itong magkamali ay paulit - ulit niya itong tinatanggap...
Our Deadly Pact By bambi

Mystery / Thriller

5.9M 187K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...