Eh kasi, BAKLA!

By youmikrogotme

93.1K 2.1K 379

Husga pa, sige! Husgahan nyo lang! Kapag kayo, ginamitan nila ng charms, baka malaglag mga panty nyo! Kaya ku... More

..
EKB 1.1
EKB 1.2
EKB 1.3
EKB 1.4
EKB 1.5
EKB 1.6 - final -
EKB 1.7 - Hair Extension? Let Me Flip It! -
EKB 1.9
EKB 1.10
EKB 1.11 - Enough na -
EKB 1.12 - Overtime! -
*********Eh kasi, BAKLA!*
EKB 2.1
EKB 2.2
EKB 2.3
EKB 2.4
EKB 2.5
EKB 2.6
EKB 2.7
EKB 2.8
EKB 2.9 -final-
EKB 2.10 - Hair Extension!! -
EKB 2.11
EKB 2.12
EKB 2.13
EKB 2.14 - Enough na! -
Note

EKB 1.8

2.4K 84 6
By youmikrogotme

EKB 1.8

==

Alex Capili: Richard Enriquez. Talk to me.

Alex Capili: Rei for heaven's sake I can explain!

Alex Capili: Why aren't you answering my calls?

Alex Capili: Shit naman. Rei pakinggan mo naman yung side ko! 

Alex Capili: Rei.

Alex Capili: Please.

"Kung imbis na ganyan ang sinasabi mo, pinaliliwanag mo na. Edi naintindihan ko?" Natawa ako. Kinakausap ko na ang sarili ko pero hindi ko pa rin sigurado kung anong tamang ireact ko sa nakita ko kanila. I turned my phone off after reading her messages. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Sana sa pagdilat ko, bagong umaga na. Tapos malalaman kong panaginip lang pala lahat. Tapos mawawala na 'yung kaba ko at magkikita na ulit kami. At dun, itutuloy ko ang plano ko.

I am very desperate for that. 'Yun nga lang, hindi e. Hindi pwedeng maging panaginip 'to. Wala na akong nararamdaman pero nanlulumo ako. Wala na akong kirot sa puso na iniinda pero hindi ko magawang ngumiti. Ngayon ko lang naunawaan ang totoong kahulugan ng binagsakan ng langit at lupa. Kanina, nung kaharap ko sila, ayos pa ako e. Pero pag-alis ko? Hindi ko namalayan tumutulo na ang luha ko. 

Kinuha ko 'yung teddy bear na katabi ko. Malas ka yata e. Itapon nalang kaya kita? Ang mahal mo pa naman. Paano, puso ko yung dala mo e! Takte. 

Sampung ulit na atang dumaan 'yung mga nagjajogging dito pero hindi pa rin maayos ang utak ko. Natutulala ako. Lumilipad ang utak ko. Kaya ba hindi nya mabalik sa akin yung mga nagagawa ko para sa kanya? Dahil may iba? Bakit hindi nya nalang sinabi sa akin? Wala ba syang tiwala? Nakakabwisit.

Kanina pa akong hatinggabi dito sa kinakainan namin ng street foods. Marami akong biniling pagkain dahil makakatulong raw ang pagkain pero kaunti lang ang nagalaw ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Sinubukan ko na ring iumpog ang sarili ko sa mesa pero isa lang ang nasigurado ko: Nahihibang na ako.

Hindi rin mawala sa isip ko 'yung nangyari sa amin ng una kong girlfriend. Hahaha. Una't huli? Hindi naman kami ni Alex. Ano nga ba 'tong kagaguhan ko?

Binitbit ko 'yung teddy bear hanggang sa bahay. Nakakakuha sya ng atensyon pero nanghihinayang talaga ako dito sa pangit na teddy bear na 'to. Tinignan ko sya habang naglalakad ako. Saklap ng buhay mo. Bato nalang kaya kita? Tsk. Hindi pwede. Si Alex ang dapat na magbato sa'yo e.

Dire-diretso akong pumasok sa bahay ko. Napansin ko lang nakabukas na pala sya nung nasa loob na ako at tinitignan ni Alex. Natigilan ako dahil naiilang ako sa kanya. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Bakit parang ako pa 'yung may kasalanan? Bwisit.

"Binigyan nga pala kita ng susi 'no?" Nakakatawa talaga ako. Ang tanga. Grabe.

"Richard, I'll clear it for you." Lalapitan nya sana ako pero agad akong umiwas at tinungo ang kwarto ko.

"Una, nakakaintindi ako ng Tagalog. Pangalawa, malinaw na sa akin. Makakaalis ka na." Sasaraduhan ko sana sya ng pinto pero kinontra nya ang pinto gamit ang kamay nya.

"MAKINIG KA NGA MUNA!"

"ANO BANG PAPAKINGGAN KO? NA MATAGAL NA KAYO? NA NASA AMERICA KA PALANG MAGKAKILALA NA KAYO? NA ANO, IKAKASAL NA KAYO?" 

Naitikom nya ang bibig nya at napaiwas sya ng tingin. "Rei--"

"Tama ako." Tinignan nya ako at nawala ang pagdududa ko. Tama nga ako. Ngayon ko naramdaman lahat ng kinikimkim ko kanina. Bwisit na bwisit ako. Hindi ko alam kung sa kanya o sa sarili ko. BWISIT NA BWISIT AKO! "Bigla lang lumabas sa bibig ko 'yun. Haha. Akalain mo 'yun. Tama pala."

Tinalikuran ko sya at ibinato ko yung teddy bear na kanina ko pa iniingatan. Nasira. Ayun, niluwa 'yung singsing. Tang inang buhay 'to. Nakita kong napatitig sya dun and one second passed, tears flowed down her face.

"Rei--" Hinawakan nya ako sa braso pero tinabig ko ang kamay nya. Nilapitan ko 'yung teddy bear at pinulot ko yung singsing.

"Kinagabihan nung araw na sinabi mo na gusto mo ng beach wedding, napagdesisyunan ko 'to. Ang sabi ko, wala na akong pakialam kung hindi man opisyal na tayo basta ang gusto ko, mawala yung lungkot mo. Nararamdaman ko e. Nangako akong papawiin ko 'yun. Haha. Al, mahal kita. Hindi mo ba alam? Manhid ka ba? Sa dalawang taon, wala ka bang napansin? Wala manlang bang konsiderasyon?"

"Richard don't do this to me." Ramdam ko sa tono nya na nasasaktan na sya pero dahil sa inis ko, hindi ko maiwasang magsalita.

"Al gusto kitang pasayahin e. Akala ko, mapapawi ng existence ko 'yung nararamdaman mo. Yun pala, existence ko ang pinoproblema mo."

Ikinulong ko sa palad ko ang singsing. Alam kong hindi nya magugustuhan 'yung teddy bear at alam kong mataas ang porsyentong ibabato nya 'yun. 'Pag binato nya, lalabas 'to at mapapansin nya. 'Pag napansin nya..... dun ko sana sasabihin lahat ng sinabi ko kanina. Kung nangyari lang sana, kung pwede lang sana. TANG INA TALAGA!!

"May hindi ka pa.. alam." Mahina nyang sabi. Ano na naman? Hindi pa ba sapat yung nalaman ko?

Ipinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang luha ko. "Bakit... hindi mo sinabi sakin ng mas maaga..?"

Tinignan ko sya pero hindi sya nagsalita. "Wala kang.. tiwala? Matatanggap ko siguro kung sinabi mo na agad. Kaso pinatagal mo pa e. Pinalalim mo pa 'yung nararamdaman ko."

"May tiwala ako sa'yo! Tingin mo ba ikaw lang nasasaktan dito!?"

"BAKIT MAY NAGAWA BA AKONG MAISUSUMBAT MO SA AKIN!?"

"OO! 'YAN! 'YANG GINAGAWA MO NGAYON MISMO! NAKAKAINIS, REI! Ang sabi mo gusto mo ko pero hindi mo ko mapakinggan! Are you that stupid to conclude things without a decent base!?"

Ako ngayon ang natahimik dahil sa pagsigaw na ginawa nya.

"At isa pa, nahihiya ako sa'yo. Sa tingin mo paano ko masasabi ng maayos sa'yo 'yun?!"

"Ano? Nahihiya? Nagpapatawa ka ba?" ANO 'KO? ESTRANGHERONG NAKILALA NYA SA DAAN? TANG INA NAMAN GULONG-GULO NA AKO! 

"Rei mahirap kasi!"

"MAHIRAP ANG ANO? MAHIRAP SABIHIN NA MAY BOYFRIEND KA?!"

"Hindi yun ang tinutukoy ko. Richard, sa sitwasyon ko, mahirap sabihin na mahal na kita." Malinaw nyang sabi pero parang hindi ko maintindihan. Pumasok sa tenga ko pero sa utak ko, hindi. Ano ba 'tong nangyayari sa amin...?

"Ano bang pinararating mo?" Kunot-noo ko syang tinignan.

"Fiance ko sya. Pero ikaw ang mahal ko. Everything about Bryan and I is fixed, Rei." 

"Ang gulo ng buhay mo." 'Yun lang ang nasabi ko.

"Look, Rei. This is just a misunderstanding between you and I. Please." Lalapitan nya sana ako pero umatras ako. Naguguluhan ako sa kanya. Naguguluhan ako sa sitwasyon nya. Naguguluhan ako sa pinaguusapan namin. Ano ba ang tinutukoy nya at ano ba ang tinutukoy ko?

"Aalis muna ako." Lalampasan ko sana sya pero hinawakan nya ang braso ko. This time, wala na akong lakas para itaboy pa sya. 

"Don't leave me."

"I'll just clear my mind." Marahan kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko. Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Gulong-gulo na ako. 

I found myself wandering outside Seth's house. Siguro kahit wala ako sa sarili ko ay alam ng katawan ko na si Seth ang isa sa mga matitino kong makakausap. He's a good friend, after all. 

Nagdoorbell ako at maya-maya'y pinagbuksan na nya ako ng pinto. Pagkasalubong na pagkasalubong nya sa akin, ramdam na nya agad. Nakakatawa.

"Richard? Nag-away ba kayo?" Concerned nyang tanong.

Kinalimutan ko na ang manners ko at dire-diretso ako sa kusina nya para maghanap ng alak. Gusto kong mahimasmasan. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko. Naguguluhan na ako.

"Or mas malala?" Dagdag ni Seth sa sinabi nya. 

"I was supposed to propose." Nakita ko ang isang bote ng imported na alak at agad ko 'yung ininom. Nang malasahan ko ay bigla kong naibuga ang ininom ko. "TANG INA BAKIT MAY PATIS DITO!"

"Well, sabi ng girlfriend ko ireuse ko naman raw 'yung ibang bote. Eto o." Iniabot nya sa akin ang isang bote na kinuha nya sa isang rack na hindi ko napansin kanina. Inabot ko naman 'yun at dire-diretso kong tinungga. Tiniis ko nalang yung lasa ng patis na una kong nainom. Takte.

"Kailangan ko bang magpatugtog ng Beer bilang background music mo?" Suhestyon nya.

"Tangna mo."

Nang ibinaba ko ang bote, naramdaman ko na lahat ng dapat kong maramdaman. Inis, selos, galit, lungkot. Para akong tangang hindi maipinta ang mukha dahil halu-halo na ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung magagalit pa ba ako o matutuwa na. Nanlulumo na ako masyado.

"Pre," Natawa ako sa sarili ko. Sasabihin ko ba? "Mahal nya raw ako." 

"OH EDI MABUTI! Kaya ka ba umiinom dahil nagsecelebrate ka?" Sinamaan ko ng tingin si Seth. "Pinagagaan ko lang. Tuloy na."

Lumagok pa ako ng kaunti para umayos naman ako kahit papaano. Para mawala ang iniisip ko kahit papaano.  Kaya lang, parang wrong choice ang pag-inom ko because the drink is slowly creeping in. "Mahal nya ako pero may fiance sya. Na kanina ko lang nalaman. Worse? Nameet ko pa. Tang ina."

"What?"

"Ang gulo diba? She's saying na mahal nya ako pero may fiance sya na hindi nya masabi-sabi sa akin. Dalawang taon, Seth. Wala syang nabanggit na inarrange rin sila."

"What do you mean 'rin'? Diba parang pinakilala lang si Madz kay Jules?"

"Dun nga sinisimulan 'yun e. Sa pagpapakilala. Pero hindi nila alam, planado na lahat maski ang paggaganapan ng honeymoon nila!"

"Rei. You are overthinking."

"Sana nga nag-ooverthink lang ako." Mabilis kong sagot sa kanya.

"You are overthinking and you are jealous." Sabi ni Seth. Ginamitan nya pa ako ng tonong ginagamit sa mga tatanga-tanga.

"Bakit naman ako magseselos...?" 

"Kasi sila, confirmed. Kayo, pending palang."

Nasapo ko ang noo ko. Hindi ko alam kung sya pa ang Seth na nalalapitan ko nuon o nabrainwash na sya ng girlfriend nya. Thinking about it, tama sya. Nagseselos nga ako. Nagseselos ako ng sobra-sobra. Naiinggit ako ng sobra-sobra.

"Kelan ba kasal nila?" Tanong ni Seth sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Tang ina mukha bang alam ko?"

"Gago ka pala e. Wala ka pa palang alam nagdadrama ka dyan. Nalaman mo lang na may fiance sya pero nalaman mo rin ang matagal mo nang gustong marinig."

"Gago nakita ko lang kaya sila bigla kanina. Tapos walang clue 'yung lalaki. Pakilala ko kaibigan lang ako ni Jules."

"Tanga ka pala e. Dapat sinabi mo boyfriend ka."

"GAGO KA BA! NAUNA NA GALIT KO KANINA! TANG INA AAYAIN KO SYA MAGPAKASAL TAPOS MAKIKITA KO SYANG MAY KASAMANG IBA?! BABE PA TALAGA ANG TAWAG NUNG LALAKI SA KANYA! TANG INA, SETH ANG SAKIT! MAY 'I THOUGHT YOU CAN'T MAKE IT TODAY' PA! TANGNA PAKIRAMDAM KO PINAGTAKSILAN AKO E! TAPOS SASABIHIN MO TANGA AKO SA NAGING REAKSYON KO!? GAGO! PAG-UWI KO SA BAHAY, ALAM MO KUNG ANO?! NANDUN SYA! NAGKAMALI LANG AKO NG SABI NA MATAGAL NA SILANG MAGKAKILALA AT IKAKASAL NA SILA. TANG INA YUN PALA TOTOO! LECHE! TAPOS SASABIHIN NYA MAHAL NYA AKO?! KAGAGUHAN!! NAKAKABWISIT, SETH!! DADAGDAG KA PANG HINAYUPAK KA! PESTE!"

Tinawanan ako ni Seth sabay hampas sa likod ko. "Nailabas mo na ang galit mo. Makakalayas ka na. Good job. Hahaha!"

Natahimik ako sa ginawa nya. Mas gumaan ang pakiramdam ko pero may sakit pa rin. Ginulo ko na ang buhok ko, nakailang buntong-hininga na ako at malapit na akong manapak pero ang sakit pa rin. "HAAAY! Takte ano bang gagawin ko?" 

Pabiro nya akong binatukan. "Bakit, ano bang problema? Nasaktan ka kasi hindi sinabi sa'yo? Oh kung sinabi ba sa'yo, anong gagawin mo?"

"Call me crazy pero itatanan ko sya." Natawa ako sa sinabi ko. Itatanan? Oo. Nasasaktan lang ako dahil ang pangit ng entrada ng nangyari pero baka 'yun nga ang gawin ko kung nalaman ko ng mas maaga. Mas natawa ako nang maalala kong sinabi nyang mahal nya ako. Ano pa nga bang problema? Yung kasal nila? Sus. Ano nga bang idinadrama ko dito? Takte nakainom pa ako ng patis.

Inakbayan ako ni Seth. "Oh bakit hindi mo gawin ngayong sinabi na nya sa'yo? May bonus pa, mahal ka na raw nya."

Continue Reading

You'll Also Like

234K 6.2K 52
Highest Rank: #85 in Random #30 in Humor #GaySeriesNo.1 (Revising BOOK 1) Gangster. Siga. Lalaking-lalaki. Rakista. O kung ano pa yang ka-jej...
14.2K 371 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
46.2K 601 103
Konichiwa !! I do love qoutes so I decided to write it here in wattpad . Hope you like it guys . Thanks a lot :) Happy Reading ! Vote and Comment na...
15.3K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. ๐Ÿ˜‡โค Our day by day bible verses โค It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...