ZAFIRA: The Princess of Wizar...

By ariathatsme

882K 21.7K 866

STARTED: June 03, 2014 ENDED: February 22, 2015 Highest Rank in Fantasy #11 BOOK 2: Falling Inlove with a Vam... More

OLD BOOK COVER
DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1: Enrollment Paper
Chapter 2: Wizard Academy
Chapter 3: Prince Flint Stone
Chapter 4: The Lost Princess
Chapter 5: Intruder
Chapter 6: Dark Sorcery
Chapter 7: The Princess' Birthday Revelation
Capter 8: Missing Princess
Chapter 9: Spy
Chapter 10: The Princess Returns Part 1
Chapter 10: The Princess Return Part 2
Chapter 11: Abducted
Chapter 12: Master Haurvat
Chapter 13: Finding the Princess
Chapter 14: Coronation
Chapter 15: Impostor
Chapter 16: Love Story
Chapter 17: Sleeping Dragon
Chapter 18: Goddesses
Chapter 19: Elements
Chapter 20: Confession
Chapter 21.1: First Kiss
Chapter 21.2: Bad Welcome
Chapter 22: In his arms
Chapter 23: Chosen One
Chapter 24: Party or Tragedy
Chapter 25: Distraught
Chapter 26: Guest
Chapter 27: Gone
Chapter 29: Sila na?! Kami na! Kayo na!
Chapter 30: Egret
Chpater 31: The Voice
Chapter 32: Seiryuu
Chapter 33: Regrets
Chapter 34: Fire (Suzaku)
Chapter 35: Leaving
Chapter 36: Trap
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Fight
Not an Update
Chapter 39: The End
Chapter 40: Last Chapter
EPILOGUE
Author's Note sana basahin niyo
PLUG!PLUG!PLUG!
About the book 2
Special Chaptersssss
Book 2
Special Chapter #1

Chapter 28: Gate of Intelligence

10.7K 302 5
By ariathatsme

Kinabukasan nang hapon ay agad na nasimula ang pag-eensayo niya.

"Magsimula na tayo apo."

Simula ngayon ang kaniyang lolo na ang magiging guro niya. Iyon din daw ang dahilan kung bakit ito bumalik sa palasyo.

Sinabi niya na rin sa mga magulang Isabella ang pagbisita nito sa kaniya. Tinanong pa siya kung nasaan si Isabella pero hindi naman niya alam dahil walangg binanggit ang kaibigan. Naaawa nga siya sa mga magulang nito dahil kitang kita niya ang lungkot sa mga ito.

Nakausap niya na rin si Gregory at nalaman niya na si Isabella pala ang gusto nito. Natotorpe lang daw at hindi makapagtapat. Sumasakit na lang ang ulo niya sa buhay pag-ibig ng mga kaibigan niya.

Pero sa ngayon kailangan niya munang mag-ensayo para makontrol niya ng maayos ang kahapangyarihan niya.

Naroon sila sa lugar na maramaing dragon. Dragons' Paradise daw ang tawag sa lugar dahil doon nakukuha ng ibang wizards ang mga dragon nila.

Sang-ayon naman siya dahil mukha ngang Paraiso ang lugar. Dito rin nagtapat si Aiden sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang mamula kapag naaalala niya iyon. Kinikilig kasi siya.

"Hoy! Bata ka bakit ka namumula diyan?!"

"Ah--eh.. W-wala po."

Pasimple niyang tinampal ang pisngi. Ano ba yan, Zafira. Training ngayon, training.

"O siya, ang training na ito ay hindi kagaya ng pinagawa sa iyo ng iyong ama. Masyasdo ka niyang minadali. Kumbaga nagsisimula ka pa lang bigla siyang humakbang ng ilang hakbang kaya hindi mo nakuha ng ayos. Kaya ituturo ko sa 'yo ang lahat ng unit-unti. Ngayon ay kailangan mong magmeditate. Hanapin mo ang iyong sentro at sabihin mo ito ...Connecting to the divine that connect all things."

"Lo, hindi ko po ba tatanggalin ang kwintas?" Naalala niya kasi na pinatanggal iyon ng kaniyang ama sa kaniya.

"Hindi na, samakatwid mas kailangan mo yan upang makontrol ang apat na elemento."

Sinunod niya ang sinabi nito at nagsimulang magmeditate.

Nang tingin niya'y ayos na, sinabi niya ang katagang "Connecting to the divine that connect all things."

Bigla siyang lumiwanag at parang naramdaman niya ang pagdaloy ng nadagdag na enerhiya sa kaniyang katawan.

"Naramdaman mo na ba ang enerhiya?"

"Opo, lolo."

"Ang ibig sabihin niyan ay binabasbasan ka ng mga Diyos ng apat na elemento."

"Ganun po pala iyon."

"Ngayon naman para sa elemento ng lupa. Earth, earth is the container of all the elements. Imagine your body, it is a container, it is a structure. Pakiramdaman mo ang lupa at imbitahin mo na magtrabaho kasama ka, na maging isa kayo."

Inisip niya iyong mabuti. Kinakausap ko ang lupa at sinabi ang mga sinabi ni lolo. Pagmulat ng kaniyang mata nasa isang lugar na siya na tanging bato at lupa lamang ang nasa paligid. Walang kahit anomang nabubuhay ang naroon.

Ang ipinagtataka niya ay mauroong malaking gate na naroon at nasisiguro niyang may bagay siya na makukuha sa kabilang dulo.

Akmang papasok na siya ng may biglang lumabas na higanteng baton a hugis tao.

"Sino ka?" Tanong ng higanting bato.

"Ako si Zafira ang prinsesa ng kaharian ng Aether."

"Bakit ka nandito?"

"Kailangan kong makontrol ang lahat ng elemento at ang kauna-unahan ay ang lupa. Kaya eto ako ngayon sa harap ng gate na ito."

"Hindi ka makakalampas sa Gate of Intelligence hanggat hindi mo nasasagot ang tulang ibibigay ko sa'yo. "

Kailangan niyang sumagot ng isang tula? Hindi pa naman siya gaano kagaling sa mga tula.

"I run through hills; I veer around mountains.

I leap over rivers and crawl through the forests.

Step out your door to find me.

What am I?"

Natahimik si Zafira dahil mahirap nga ang tula.

Ano ang tumatakbo sa bulubundukin, paliko-liko sa bundok, tumatalon sa ilog,, gumagapang sa gubat, at kapag lumabas ka ng pinto makikita mo?

"Wala bang CLUE?" Pabirong aniya.

"Mayroon ka na lamang sampung segundo."

"siyam..."

"walo..."

Nagsimula na siyang magpanic. Argh! Ano iyon? Ang tumatakbo sa bundok at makikita paglabas ng pinto? Don't think literally, Zafira.

"pito..."

"anim..."

"lima..."

"apat..."

"tatlo..."

"dalawa..."

Tama!

"Alam ko na!"

"Ano ang iyong sagot?"

"The answer is road or daan. Dahil paglabas mo sa pinto ng bahay niyo ito ang makikita mo."

"Magaling mahal na Prinsesa ngayon ay makakapasok ka na."

Unti-unti na ngang bumukas ang gate at sinakop siya nang liwanag. Pagmulat niya ng kaniyang mata nakabalik na siya.

"Nabuksan mo ba?" Tanong ng kaniyang lolo.

"Opo, Lo." Masayang aniya.

"Mukha nga."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Tinuro nito ang isang bracelet na nasa may pulsuhan niya. Wala siyang natatandaan na mayroon siyang ganitong palamuti.

"Tuwing may mabuksan kang gate ay makakakuha ka niyan."

"Ibig sabihin po makakakuha ako ng maraming bracelet?" Parang bata na tanong niya habang sinusuri ang pulseras. Ang ganda, gawa ito sa pilak at may kung anong naka-ukit dito.

"Hindi apo, makakakuha ka ng iba't-ibang bagay kapag nabuksan mo ang ibang gate. Hindi lang puro pulseras."

Ibig sabihin iba't ibang palamuti pa sa katawan ang makukuha niya. Bukod pa doon may binanggit ito tungkol sa mga gate.

"Bukas na natin ipagpapatuloy ang pag-eensayo dahil habang tumatagal lalong humihirap ang gate na bubuksan mo."

Nagsimula na silang maglakad pabalik sa palasyo. Nakasalubong pa nga nila ang kaniyang ama.

"Kamusta ang pag-eensayo anak? Nakontrol mo na ba ang elemento ng lupa?"

"Opo, ama. Eto nga po ang ibinigay sa akin e." Ipinakita niya rito ang bracelet.

"Aba, mabuti naman."

Tamang – tama naman na nahagip ng mata niya si Gregory. Kailangan niya nga pala itong makausap.

Magiliw siyang nagpaalam sa kay King Zander at Master Haurvat.

Nagteleport na nga siya papunta sa kinaroroonan ni Gregory. Natuto na siyang magteleport dahil importante daw 'yon. Kahit mahirap ay sinikap ng aralin.

"Mahal na prinsesa?!" Gulat na sabi ni Gregory nang bigla siyang lumitaw sa harap nito.

"Pasensiya na, nagulat ba kita?"

"Medyo lang po." Napapakamot sa batok na sabi nito. Pero sa totoo lang halatang gulat na gulat ito. Hindi niya na lang inasar.

"Wag ka na mag po. Nakaka-ilang magkasing edad lang naman tayo."

"Pero mahal na prinse—"

She hissed, "Sabing Zafira na lang."

"Sige po." Sumusumukong ani Gregory.

"Alam mo ang kulit mo. Sabi ko wag ng mag po."

"Pasensiya na."

"Anong balak mo?"

Biglang sumeryoso ito dahil sa sinabi niya.

"Gusto ko siyang hanapin pero hindi ko alam kung saan magsisimula."

"Alam mong hindi niya sinabi sa akin kung nasaan siya. Kung alam ko man ay hindi ko rin sasabihin sa'yo dahil tapat ako sa kaibigan ko."

"Alam ko naman 'yon, prinsesa."

Sinamaan niya ito ng tingin dahil tinawag na naman siya nitong prinsesa.

"Dahil do'n wala ka nang gagawin?"

"Meron. Hindi ako susuko."

"Hmm, hindi ba ipinahanap na siya sa buong Elemental World pero hindi siya makita. Tingin mo bakit?"

"Kasi nagtatago siya?"

"A-huh."

Malalaki ang matang tinignan siya ni Gregory. Mukhang nakuha na nito ang ibig niyang sabihin.

"Salamat prinsesa! Aalis na ko ngayon din. Maraming salamaaat!" Tuwang tuwang sabi nito.

"Paalam! Mag-ingat ka!"

ariathatsme

Continue Reading

You'll Also Like

1M 22.7K 38
Being powerful has its own cost. The Story of The Legendary Elemental Mage. Academy Of Mages Book I Book Cover By: StoneKings
484K 34.6K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
1.3M 41.2K 61
Elodie Cassiphea Apostle, a mage who knows that she has something that a normal mage cannot possess. She knows that there is something special about...
1M 27.3K 69
She's all about mystery, adventure, & risk. And her heart was wild & full of magic. ** Written by: @anighthowlers Genre: Fantasy Mystery Teenfic ALL...