FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
AUTHOR'S NOTE

Epilogue

3K 168 66
By WeirdyGurl


"PAPIRMA po Mr. Darwin Fate." Nakangiting inilapag ni Alyce sa table lahat ng mga published books ng asawa niya bilang Darwin Fate. Kasama niya ang dalawang anak nila na sila Dustin at Mischievous. Akay-akay niya ang dalawa habang pumipila sa book signing ng sikat na niyang writer na asawa. "With dedication po, pakisulat, I love you ET."

Natawa ito. "Sabi mo busy ka kaya 'di kayo sumama." Hinaplos nito ang pisngi nila Dustin at Michie. "Kakain tayo pagkatapos nito. Samahan n'yo muna ang Mommy n'yo." Sumilay ang malaking ngiti sa mukha ng mga anak nila.

"Pirmahan mo na 'yan dali kasi ang haba pa ng pila. Ayoko naman isipin nila na may favoritism ka."

Natawa lang ito lalo. "Ikaw talaga. Supportive mo masyado."

"Galingan mo. Proud ako sa'yo. I love you." Walang pasabing ninakawan niya ito ng halik sa mga labi. Napasinghap ang lahat. Napakurap-kurap naman sa gulat si Darwin. Humarap siya sa lahat. "Relaks! Asawa po ako ni Darwin Fate." Itinaas niya ang kamay kung saan nakasuot ang wedding ring niya. "At saka anak namin pala." Pakilala pa niya sa dalawang anak nila.

"Mommy, alis na tayo." Hila na sa kanya ni Michie. "Nakakahiya na. Hayaan muna si Daddy."

"Daddy," ni Dustin. "Sa'yo na lang ako sasama. Ang weird na ni Mommy."

"Samahan n'yo ang Mommy n'yo. Bantayan n'yo. Baka makuha 'yan ng mga alien." Napamaang siya. Kinindatan naman siya ni Darwin. "Mabilis lang 'to. Hintayin n'yo ako."

Nag-thumbs-up silang tatlo kay Darwin. "Okay po." At sabay pang-nag-flying kiss rito. Tawang-tawa naman si Darwin sa kanila. Bumaba na rin sila pagkatapos ng photo op with the famous life and love inspirational writer – slush – author of Love, Lies and Fate and Destiny's Heart.

Sobrang proud siya sa achievement ng asawa niya. At alam niyang madami pa itong isusulat na kwento. Ang dami pa sa library nila. Nakatambak lahat ng diaries nito as Darwin Fate. Lahat ng mga love stories ng mga taong pinakialaman niya. 

Siya naman nag-fa-fangirl.

And she love every moment of it.



"DESTINY'S NIGHT," wika niya. Ibinaling niya ang mukha kay Darwin. Magkahawak kamay na naglalakad sila sa dalampasigan sa kalagitnaan ng gabi. Tulog na ang dalawa nilang makukulit na anak sa silid nila. Sila naman, hindi pa makatulog. "Naalala mo noong akala ko panaginip lang 'yong paglipad natin. Tapos may pa chao fan ka pa. Kaloka ka."

Natawa si Darwin. "Nag-enjoy ka naman."

"Gustong-gusto ko ang kwento na 'yon. Sa tuwing nakakakita ako ng shooting star during a crescent moon, naiisip ko na may bituin na namang bumaba para sa pag-ibig. Star and Fish's love story reminds me of us."

"Bakit naman?"

"You're star and I'm the fish. Parehong magkaiba ang mundo natin pero hindi 'yon naging hadlang para hindi natin mahalin ang isa't isa. Hindi 'yon naging dahilan para hindi tayo magkaroon ng happy ending. At kita mo ngayon, may dalawa na tayong anak. Tatanda tayong magkasama at lalaki pa ang pamilya natin."

Inakbayan siya nito. "Bumaba ako ng langit para sa pagmamahal ko sa isang isdang may sungay." Tawang-tawa ito pagkatapos. Napalo niya ito sa dibdib. Napadaing ito sa sakit. "O, nananakit ka na naman."

"Ang ganda na nga nang sinabi ko."

"ET, ikaw lang ang babaeng may pink na sungay na maganda at mabait pa rin. Kahit ilang buhay pa at kahit ilang beses pa magpalit ang mundo. Ikaw pa rin ang pipiliin ng puso ko."

Napangiti siya. "Naks naman!"

"Kayo ng mga anak natin ang yamang hindi ko kailanman ipagpapalit."

"Hindi mo ba nami-miss maging Darwin Fate?"

"Nami-miss ko, pero mas masaya ako bilang asawa mo at ama ng mga anak natin. At saka, ayoko na problemahin ang love life ng ibang tao. Ibibigay ko na ang trabahong 'yon sa papalit sa'kin bilang Love Scheduler."

"Sino?"

"Hindi ko alam. Pero sana hindi kasing sakit ko ng ulo kasi kawawa ang mga taong walang love life." Natawa ito. "Good luck."

"Sana matino ang papalit sa'yo."

"Sana nga."

Huminto sila at hinarap ang isa't isa. Rinig na rinig sa palagid ang mahinang hampas ng dagat sa dalampasigan. Nakayapak lamang sila ni Darwin kaya ramdam nila ang pagbaon ng mga paa nila sa buhangin at ang malamig na tubig.

"Darwin." Iniyakap nito ang mga braso sa baywang niya. 'Yon din ang ginawa niya. "Je te veux."

"Nagmumura ka ba?" nakangising tanong nito.

"Ewan ko sa'yo." Pinaningkitan niya ito ng mata.

"Joke lang."

"Bakit mo alam na 'yon ang favorite piano piece ko? 'Yon ang kanta ng music box na dapat ibibigay mo sa'kin bago ka naaksidente."

"I know everything about you Alyce Alonzo. Hindi ako stalker pero complete lahat ng magazines at news paper na cover ka. Lahat ng musical concert mo sa Pilipinas um-attend ako kahit na sa pinakadulo na. Pinapanood ko rin ang mga videos mo sa internet. Updated ako sa buhay mo kahit na minsan, nakakasakit nasa damdamin ang love life mo. Tiniis ko 'yon para sa'yo."

Natawa siya. "Inagahan mo sana ang pagpapakilala mo."

"Okay lang, may perfect time naman lahat. Sabi nga nila, sa hinaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. Inilaan ka ng Dios sa'kin kaya kahit ano paman ang mangyari, sa akin ka pa rin babagsak. If it's meant to be, it will."

"I love you my Darwin Fate."

"I love you too my ET." Iniangat nito ang isang daliri sa kanya. "Pa align nga muna."

Natawa siya. "Loko ka talaga!" Pinagdikit niya ang mga index finger nila. Pagkatapos ay niyakap siya nito. "I love you! I love you! I love you!"

"Pangarap ko lang na maka align ka sa personal. Ngayon, naging asawa pa kita. Ang swerte ko naman talaga."

"Swerte mo talaga sa'kin!"

"Oo, may asawa akong may pink na sungay."

"Darven!"

Malakas na tumawa ito. "I prefer kissing than arguing." Bigla siya nitong siniil ng halik sa mga labi. Nakangiting tinugon niya ang mga halik nito. Isinampay niya ang mga braso sa leeg nito and tiptoed so they can kiss comfortably. He held her closer to his body and deepened the kiss more.

And my life has always been better after marrying the mischievous son of Destiny, Darwin Fate... Jr. Haha!




KANINA pa nangangati ang anit ni Strar habang in-i-scroll ang listahan ng mga taong walang love life sa earth. Sobrang dami! Nahihilo siya sa mga pangalan ng mga taong single. Kung bakit ba naman kasi siya ang napili ng Supreme Being na maging kapalit ni Darwin bilang Love Scheduler. Masaya na siya bilang wish catcher. 

Kainis talaga!

"Select all." 'Yon ang pinili niya. "Okay, since single kayo, don't worry, this year is your year. Lahat kayo magkaka-jowa. You're welcome." Malaki ang ngiti, he tapped the submit button and nag-pop-up ang success message sa screen ng tab niyang hawak. "Mission accomplished!"

Mayamaya pa ay biglang tumunog ang emergency alarm sa buong destiny department. Nag-panic siya at napalinga-linga siya sa paligid. Nagpatay-sindi ang mga ilaw at napalitan 'yon ng red lights. Lalong lumakas ang alarm.

Tang na juice! Parang nangyari na 'to noon.

"Strar Grant!" Narinig niyang sigaw ni Tanda. Parang niyanig ang buong paligid. "Ano na namang ginawa mo?!"

Nabitiwan niya ang tab at napahawak siya sa magkabilang pisngi. "Anak ng nimbus cloud! I'm doomed."

"Strar Grant!!!"

"Waaaaa!!"




THE END

Continue Reading

You'll Also Like

Erin's Heart By KD

General Fiction

348K 6.6K 43
Sino nga ba ang pipiliin ni Erin Cristobal? Ang lalaking unang minahal nya o ang lalaking nagparamdam sa kanya na masayang magmahal?
4.4M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
1.6K 130 33
A collaborative novel.
9.8M 493K 80
â—¤ SEMIDEUS SAGA #04 â—¢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...