FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XXX: I Choose You

2.5K 129 28
By WeirdyGurl

SEEING Allysa and Alyce getting along gives Darven the sense of fulfillment and joy that no words can describe. Basta masaya siyang makitang nagkakasundo ang magkapatid at ngayon ay nagsasalo sa isang magandang musika sa itaas ng stage. Parehong may ngiti sa mukha habang buong pusong tumutugtog sa harap ng piano.

At syempre, proud siya sa sarili niya. Finally, nasa first row of seats na rin siya nakaupo. Aba'y sa hirap ng buhay ng pagiging fanboy niya na ngayon ay asawa na niya, nakaupo na rin siya sa harap – VVIP pa.

Tama nga, kapag may tiyaga, may magandang asawa. Naks!

Hawak-hawak niya ang bouquet of paper roses. Allergic kasi ang ET niya sa mga totoong bulaklak. Ayaw niya namang masira ang araw na 'yon sa pagbahing. Siya ang mag-a-adjust. Kaya gumawa siya ng sariling paper roses out of old news papers – effort kung effort ang lolo n'yo.

Natapos ang kanta at nagpalakpakan ang lahat. Tumayo si Allysa at nag-bow bago um-exit sa stage. Naiwan si Alyce. Ilang segundong nabalot ng katahimikan ang paligid. Pati siya ay kinakabahan kahit na alam niyang solo performance ang gagawin ni Alyce nang mga oras na 'yon.

"I used to hate myself for falling in love with music," simula nito. Mapait itong ngumiti. "I wish God didn't give me this talent. I wish I didn't love playing the piano. I wish I didn't have this dream of becoming a famous pianist. I wish I stopped and didn't pursue this. I hated myself for being too greedy with this dream. I hated everyone for always making me feel that I'm not good enough. I hated myself for being weak and impatient."

"Iniisip ng iba na sobrang successful ko. I almost have everything. Someone whose willing to spend the rest of his life with me despite all the lies I've kept from him. Opportunities that should have been given to someone deserving than me. I was never contented. Kapag may na achieved ako, kulang pa, gusto ko pang mas higit pa roon. Pero bakit ganoon? Hindi pa rin ako nagiging masaya? Hindi ko pa rin magawang ngumiti nang totoo? Will I be able to find that genuine happiness in me?"

"'Till I reach a point in my life where I no longer have all the strength to do what I love the most. I got diagnosed with Carpal Tunnel Syndrome for abusing my hands too much. I could no longer play the piano the same way as before. I never cared about my hands. I was too busy caring for something that isn't really worth my time. For always proving myself to those people who thinks that I'm not good enough. For always coping up with the expectations and opinions of other people na kailanman hindi naging totoo sa akin. And I realized that I have always been playing with my insecurities and not with my heart."

"Sabi nila, your music reflects your true self. Your music will tell everyone that story you have been keeping in your heart. And my music made you hear things I've been missing in my life. Things that I've ignored and had taken for granted. Alyce's music lacks heart and genuine emotions. That moment, I've realized, na ang mga itinuring kong mga kaibigan ay hindi pala totoo. I had no one. I was left alone in the corner; self-pitying with my poor decision making and misdoings. I was miserable and unhappy with my life."

"Then he came in my life and corrected my bad decisions and upside down perceptions. He was annoyingly nosy but very adorable." Napangiti siya nang tumingin si Alyce sa direksyon niya. "He made me realize a lot of things. Tell me stories I didn't know existed. He appears even in places I didn't expect him to camp. He was like, he's everywhere and has been looking over me. He saves me in every cliché situations I got myself in. Madalas siyang stress sa'kin pero 'di niya naman ako iniiwan."

Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa. Ramdam na niya ang pamamasa ng gilid ng mga mata niya. Damn, Alyce! You're making me cry.

"Pinapagalitan niya ako at pinagsasabihan kapag alam niyang mali ako. At higit sa lahat, itinuro niya sa'kin kung paano mahalin ulit ang sarili ko. Kung paano patawarin ang sarili ko sa lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay. Taught me to appreciate those people who has always been true to me. I was too busy looking for stones; not realizing that I've already got a couple of diamonds in my hands."

"All my life, I've been chasing things I thought that will make me genuinely happy. But ended up proving myself wrong, because my happiness has always been right beside me. My family. My sister. And those people who accepted me despite all my shortcomings and my evil mind." Sa pagkakataon na 'yon, totoong ngiti na ang nakita niya kay Alyce. She was genuinely happy at the moment. It made his wife more beautiful. Mas lalo siyang na-i-in-love rito. "He made me realize that everyone are naturally born with goodness in their hearts. If someday, we no longer recognize ourselves in the mirror, pray and seek God. He will sent you an angel just to assure you that life maybe tough and unfair but you are still loved and blessed."

Well loved and blessed, ET.

Humugot ito nang malalim

"To my dear friend and my handsome husband. I dedicate this song for you." Nailapat niya ang isang palad sa kanyang dibdib kung na saan ang kanyang puso. He give Alyce a smile – ngiting puno ng pagmamahal at pagiging proud niya rito. "I love you."

"I love you too," he mouthed.

Ibinalik nito ang atensyon sa harap ng grand piano at inayos ang stand ng mic sa gilid nito. Muli siya nitong tinignan na may ngiti. Wait, kakanta ba ito? Seriously? Never pa 'yong ginawa ni Alyce sa mga performance nito.

He felt really special.

Moments after, Alyce started creating magic with her hands with the piano keys. Bumalot sa buong paligid ang malamyos at magandang musika na galing sa puso nito. Then she started singing and it made everything around her more beautiful.

"You're my... always. You're my... forever. You're my... reality." Tila anghel na kumakanta sa kanyang pandinig ang boses nito. "You're my... sunshine. You're my... best times. You're my... anomaly. And I'd choose you. In a hundred lifetimes. I'd choose you. In a hundred worlds I'd find you."

And right there and then, he cried with happiness. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Bumalik sa kanya ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago siya naging Darwin Fate. Kung paano niya tinawid ang kamatayan para lamang kay Alyce. He crossed two worlds just to be at this moment with her.

He felt blessed.

"And I'd say, 'I do' for the rest of my life... with all that I have, 'I do'. And I will... when the sky is falling. I promise you, I'm all in. No turning back. Every day, every moment, every breath you take... I choose you."

I will always choose you.



BINATI si Darven ng yakap nila Keeper at Strar. Pag-angat niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Tanda, End at Dreana. Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang dalawa at sinugod siya ng yakap ni Ate Dreana.

"Darven!" Mahigpit ang yakap nito. Napangiti siya.

"Ate Dreana."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Walang magbabago, you will still be my baby brother." Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. "You will be my baby brother Darven Fate."

"Salamat ate."

"Minahal ka ng kapatid namin bilang totoong kapatid. Kaya mamahalin ka rin namin bilang isang tunay na kapatid," dagdag ni End. "Asahan mong nandito lang kami para sa'yo Darwin Fate Jr."

Natawa siya. Ginulo naman ni End ang buhok niya. "Salamat kuya."

"I will not erase your memories." Naibaling niya ang mukha kay Keeper. "I'll let you keep them. It's a secret na tayo lang ang nakakaalam."

"Okay lang ba 'yon sa itaas?" tanong niya.

"It's okay son. I got you covered."

"We will miss you in heaven, Kuya Darwin Fate Jr," malungkot na wika ni Strar.

"Darwin is fine, Strar. Stop calling me Kuya Darwin Fate Jr dahil medyo weird na."

"Tatambay kami lagi sa Dolce Fate."

"Oo, magbayad kayo ng order." Natawa ang lahat. "Wala nang libre sa mundo. May binubuo akong pamilya. Kailangang kumayod. Puro ka libre Strar. Ako nagbabayad lagi sa order mo." Binatukan niya si Strar. "Umayos ka." Napangiwi naman ito.

Napatingin naman siya sa kanyang ama. Sa tingin niya ay gusto nitong mag-usap sila. Nginitian niya ang ama.

"Pa," tawag niya rito. "Gusto mo magpahangin muna tayo?"

Ngumiti ito. "Sige."





NILANGHAP niya ang sariwang hangin ng gabi. Dinala siya nito sa pinakataas na building. Takot ba siyang mahulog? Nah, malaki ang tiwala niya sa ama. Hindi siya nito hahayaang mahulog.

"It made sense now why I have so many questions about how destiny works. Kahit pala buo sa'kin ang memorya ni Darwin sa isip ko, may mga bagay pa rin pala talaga na hindi ko lubos naiintindihan at kailangan ko pa rin ng pangaral mo."

Natawa ito. "Imagine how stressed I am sa tuwing nasasangkot ka sa gulo. Kulang na lang itali na kita sa tagiliran kong bata ka."

Malutong na tumawa siya. "But you survived."

"Because I love you." Napangiti siya. "I questioned Him why He had allowed these to happened. Why He let Darwin made this choice. For years, I've kept my silence and waited for the right time to come na mabibigyan ding sagot lahat ng katanungan ko. At hindi naman Niya ako binigo."

"Didn't you hate me for taking your son's life?"

"I was sad but I didn't hated you, son. I know Darwin. He will never do things without a reason. He will never do it unless it would not do you good. And I was right, he did it to give you the life you deserved. To make it up to you."

"Pa, salamat. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin kung ano ang pakiramdam na may nagmamahal na ama. Na may nansesermon na ama. Na may laging nag-aalala na ama. Kay Ate Dreana na naging ina ko. Kay Kuya End na laging nakabantay sa akin at naka protekta sa'kin. Salamat dahil hindi n'yo pinagkait sa'kin ang isang pamilya kahit na hindi n'yo ako tunay na anak."

Inakbayan siya ng ama at masuyong tinapik sa braso. "It's always an honor to be your father Darven. Lagi mong tandaan na, mahal ka ng mama mo at nandito kami para sa'yo. 'Yan ang isang bagay na hindi na kailanman magbabago. We are already a family. And you will always be my second mischievous son, Darven Fate."

"Darwin said he loves you."

"I know."

"And I love you too, Pa."

"I love you too, son."

"I will missed this."

"I'll visit you more often."

"Aasahan ko 'yan."

"That's a promise."

Ibinaling niya ang mukha sa ama. Itinaas ang isang pinky finger dito. "Promise!" His father link his pinky finger at him.

"Promise."

Years After

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"

Sabay-sabay na kanta ng lahat habang karga-karga ni Darwin ang isang taong anak nila na si Dustin Niel na pinasuotan pa ni Darwin ng cupid costume. Mabuti na lamang at hindi 'yong lampin lang. At least may takip ang katawan ng anak nila. May hawak itong bow at may pak-pak at halo pa. Ang cute-cute kasi ang taba-taba!

Hawak niya naman ang cake ng anak. Nandito lahat sa rooftop ng Dolce Fate ang malalapit nilang kaibigan at pamilya. Pati na rin ang pamilya ni Darwin na galing pang langit. Na nadadalas ang pagdalaw kay Dustin.

"Happy birthday Dustin!" Humalik siya sa pisngi ng anak. "Blow your candle na, baby. Make a wish." Dustin clasp his little hands na para bang naintindihan siya nito. Magkahalong giggle at ngiti ang reaksyon nito. At bago pa ma-i-blow ni Dustin ang candle nito ay sumilip ang ulo ni Strar sa gilid ni Darwin at ito mismo ang nag-blow ng candle.

"Wish granted!"

"Strar!" sigaw ng lahat.

"Aw!" Binatukan ito ni Darwin. Napangiwi ito. "Wish granted na nga, e. Rinig na rinig ko ang wish ni Dustin. Sabi niya gusto niya raw ng baby sister."

Napasinghap siya. "Hoy, Strar!" Duro niya rito. "Kapapanganak ko pa lang."

Ngumisi ito. "Okay na 'yon, malaki na si Dustin. It's time for baby number two."

"Gusto ko 'yan," nakangiting sang-ayon ng ama ni Darwin. "The more the merrier."

"Papa," nahihiya niyang saway rito.

Akalain mong, may father-in-law siyang tadhana.

Tawang-tawa naman si Darwin sa tabi niya. "Paano ba 'yan, mahal ko, sundan na natin si Dustin. Si Mischievous naman." Napalo niya ito sa balikat. Lalo lang itong natawa. "Nakaka-excite tuloy matulog."

"Matutulog ka nga ba?" Lance teased.

"Ibang paraan ng pagtulog."

Nagtawanan ang lahat. At ang mga sumunod na sandali ay napuno na lamang ng tawa at asaran. Enjoy na enjoy naman si Dustin sa Lolo Destiny nito at sa Tito End and Tita Dreana nito. Madalas na bumibisita ang mga ito sa kanila. Iniisip nga niya minsan kung paano pa nila naiisingit si Dustin sa sobrang busy ng mundo.

And she find it very sweet of them na kahit normal na tao na lamang si Darwin ay walang nagbago sa pagmamahal ng mga ito rito. Isang Fate talaga ang turing ng mga ito kay Darven.

At masaya siya para sa asawa niya. Natutuwa siya sa ngiti at tawa nito kapag nandito ang pamilya nito na galing pang langit. At ang swerte rin ni Dustin dahil may lolo, tito at tita itong import pa sa heaven.

As for Allysa and Darwin's friendship, hindi man nito naalala si Darwin, nag-click naman agad ang dalawa at close na close pa rin. Chu Chu and Mang Kaloy being his sidekicks. Madalas na ding nag-bo-bonding sila Lance at Darwin. At gusto rin ito ng mama niya na malapit na talagang gumaling. Keeper and Strar, well, laging tambay ang mga 'yon sa DF kasama ni End. Iba lang talaga ang aura kapag nasa cafe si End. May chills! Huwag mo lang titigan sa mata si End. Lalabas yata kaluluwa mo kapag tumitig din sa'yo 'yon.

And yes, Dolce Fate is now under Darven Fate's name. Ibinigay niya rito ang buong rights ng DF. Balik business partners ulit sila Allysa at Darven. Kasi sa kanila naman talaga 'yon. The rooftop is back and his office. Tambay si Darwin sa DF kapag wala itong pasok sa eskwelahan. Balik pagiging ulirang guro na kasi ang lolo. 

In all fairness, bagay talaga rito ang pagiging teacher.

Sir Darven Fate or Sir Darwin Fate.

Nakangiting iginala niya ang tingin sa paligid. Sa masasayang mukha ng pamilya nila. Ito ang hinahanap niya. Ang pinapangarap niya. 

"A beautiful family," usal niya sa kawalan.

Naramdaman niya ang paghalik ni Darwin sa sentido niya. Naihilig niya ang ulo sa balikat nito. Hawak pa rin nito ang anak nila. Iniangat niya ang mukha kay Dustin. 

"We have a beautiful family," ulit niya. Dustin giggled and grab a strand of her hair. "Thank you." Tinignan niya sa mukha si Darwin. "Dahil sa'yo, natagpuan ko na rin sa wakas ang tunay na kaligayahang hinahanap ko."

Ngumiti ito. "Know that there are two things in this world that will never change. First, my unconditional love for you. Second, I will always be proud of you." Hinalikan siya nito sa noo. "Congratulation Ms. Alyce Alonzo Fate. You have officially found your happiness."

"Thank you."

"You're always welcome, ET."

"Evil Twin," she chuckled.

"Let's change that to, Excellent Twin, dahil very, very, very good ka na."

Natawa siya. "Excellent Twin. I like that."

"I know right."





a/n: Alyce's song for Darwin, video above. It's really beautiful. 

Continue Reading

You'll Also Like

499K 13.9K 36
When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruined by love and lies. Will Mr. Fate be able to save Allysa and...
1.6K 130 33
A collaborative novel.
104K 3.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
20.6M 759K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #01 â—¢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...