FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

بواسطة WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... المزيد

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVII: The Truth
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XXVIII: Darven & Darwin

2K 164 65
بواسطة WeirdyGurl

NATAGPUAN ni Darven ang sarili sa rooftop ng Dolce Fate. May lalaking naka puti na nakatalikod sa kanya. Nakasandal ang mga braso nito sa railings habang nakatingin sa buwan.

Nalilito pa rin siya hanggang ngayon. Hindi niya sigurado kung siya ba talaga si Darven o siya si Darwin. Hindi niya alam. Hindi siya sigurado.

"Hello?" basag niya.

Lumingon ang lalaki, nagulat siya nang makitang kamukha niya ito. Para siyang nakaharap sa salamin. 'Yon ang naalala niyang anyo niya bago niya iwan si Alyce. Hindi niya alam kung saan siya napunta pagkatapos nun. Parang walang katapusang paglalakad hanggang sa mapunta nga siya sa Dolce Fate.

"Darven," nakangiting bati nito. "Halika, samahan mo ako rito."

Lumapit siya. "I'm really confused right now, sorry."

"You are what you are, Darven. Pangalan lang naman ang nag-iba sa'yo pero hindi kung ano ka."

"So I'm really a human being?"

Pareho silang nakasandal sa railings.

"Ayaw mo ba nun? Makakasama mo na si Alyce."

Mapait siyang ngumiti. "Would she still likes me when I'm no longer Darwin Fate? Would they still love me? What if, it would be different when it's already Darven? Paano kung ang boring ko pa lang tao?"

"You're just saying that because you haven't got your human memories back. Trust me, Darven. Pangalan mo lang ang naiba. Pero ang pagkatao mo ganoon pa rin kahit na naging Darwin Fate ka. Alam mo ba, nasa hinaba ng taon ko bilang love scheduler, ikaw na halos apat na taon pa lang ang sumobrang quota sa paglabag ng rules ng langit, Darven!"

Naitakip niya ang mga palad sa tenga nang kumulog nang malakas. Naku naman! Siya na naman may sala. Malay ba niya.

"Sorry naman," nag-peace sign siya. "Malay ko ba? Hindi naman yata ako pinanganak na heaven being."

Natawa ito. "See? You're mischievous than I am. More curious than I am. More kinder than I am. More passionate than I am. At mas makulit ka pa sa'kin. Ask our father when you wake up. Mas pinasakit mo ulo niya kaysa sa'kin."

"Parang ayoko na yatang bumalik. Mapaparusahan yata ako ng langit."

"You know why I did that?"

"Dahil sa mama ko."

"That part was erased in Darwin's memory. How did you know?"

"Naririnig ko sila End. I'm back in my real body, right?"

Totoo pala talagang kahit nasa coma ang isang tao, nakakarinig pa rin sila.

Natawa ito. "Kaya pala. It was not erased when I was still alive. Hindi ko alam kung bakit nawala 'yon nang lumipat ka sa katawan ko. Maybe it was His plan."

"Pero bakit kinailangan mong i-sakripisyo ang sarili mo para sa akin? Madami pang tao ang nangangailangan sa tulong mo. Okay lang naman sa'kin kahit na matapos na ang buhay ko. Hindi ko naman pinagsisihan ang pagsagip sa buhay ng batang 'yon."

"Nangako ako sa mama mo na aalagaan at babantayan kita. Sino sa tingin mo ang nagpa-aral sa'yo?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Ikaw ang secret sponsor ko?"

"Money has no value for us but you need it. 'Yan ang rason kung bakit may mga business ako sa lupa. Lahat ng mga kinikita ko roon ay napupunta sa'yo."

Napangiti siya. "Salamat. Ang laki ng tulong mo talaga sa akin."

Natawa ito. "It really feels weird talking to myself."

"Ba't ba kasi magkamukha tayo?"

"Ayaw mo nun? Magkasing-gwapo tayo." Malakas na tumawa ito. "But kidding aside, take that face, seriously, Darven. It's a blessing to look like the son of destiny."

"It feels weird to be called Darven. Hindi ako sanay."

"Well, you can always use our name. I'm the first Darwin Fate and you're the Darwin Fate after me."

"Parang Darwin Fate Jr. lang ako ah," nakatawa niyang sagot.

Natawa ulit silang dalawa. Pagkatapos ay natahimik ng ilang segundo. Bumuntonghininga siya.

"What did you saw in my hand?" basag niya.

"Your fate and mine. A sad one and a happy one. Knowing me, syempre, mas pinili ko ang happy fate para sa ating dalawa."

"Masaya ka ba ngayon?" malungkot niyang tanong.

"Masaya ako para sa'yo, Darven. 'Yon naman talaga ang goal ko. Sa hinaba-haba ng panahon ko bilang love scheduler. Madami na akong natutunan at nagawa sa buhay ko. Pero ikaw, nagsisimula ka pa lamang. Ayoko namang mamatay kang virgin."

Napamaang siya. "Wow! Concern ka pa sa bahaging 'yan ng buhay ko."

"Sino ba sa atin ang in-love na in-love sa babaeng hindi ka naman kilala?"

"Hindi ko sinasabing ako 'yan, pero parang ako nga." 

Malutong na tumawa siya.

"'Di ka na nga virgin, 'di ba?"

"Hoy! Bawal pag-usapan 'yan dito." Naalala niya ang asawa niyang si Alyce. Miss na miss niya rin talaga ang ET niya. "Nahihiya ako e."

"Lol!"

Natawa siya. "Tama na nga, puro na lang ako."

"That day." Bigla itong naging seryoso. "Your human body is too weak. Your body is resisting your soul. At kapag nakita ka ng mga taga sundo, they will ascend you immediately. I lend you my body so you can live. Dahil naniniwala akong kahit ano pa ang anyo mo, pagtatagpuin at pagtatagpuin kayong dalawa ni Alyce."

So 'yon pala ang dahilan.

"Wondering why you immediately noticed, Allysa? Kung bakit pinakialaman mo ang magulong red strings nilang tatlo? Because your heart lead you to them. You're unaware of your hidden feelings, but didn't you know, actions always speaks louder than words? And the heart remembers what the mind forgets."

"Inis na inis ako kay Alyce noon e." He chuckled. "Kulang na lang itali ko 'yon sa tagiliran ko."

"Naiinis o nagseselos ka?"

"Naiinis lang pero nang tumagal nagseselos na ako. Lalo na kapag nag-uusap sila ni Lance. Kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Para akong mababaliw. Hindi ako mapakali. Masakit sa heart."

Natawa ito. "See?"

"But if I was dying, bakit hanggang ngayon buhay pa rin ang katawang tao ko?"

"Do you believe in miracles?"

"Of course!"

"Then it's one of His miracles, Darven."

Napangiti siya. "So I have to wake up?"

"Everyone is waiting for you to wake up."

"Will they like me?"

"Bakit sa tingin mo dito kita dinala, Darven?"

"Kasi maganda ang view?"

"Lumapit ka pa sa'kin at ihuhulog kita rito."

Malakas na natawa siya. "Alam mo, kapag tayo nag-usap, wala tayong matinong mapag-uusapan."

"Oo, kasi, mas malabo kang kausap kaya sa'kin."

"Wow naman!"

"Para sa isang makulit at positibong taong katulad mo Darven, medyo nega ka rin e. Stop comparing yourself to me. Iba ka. Iba ako. You made Dolce Fate. This is yours, not mine. Nakaraan ako. Ikaw ang bagong Darwin Fate. Hindi ko kilala sila Mang Kaloy, Chu Chu, Allysa at Lance. Or even your Alyce. They're your family. Keeper and Strar will surely accept you."

"Salamat, huwag mo na ring isipin ang nangyari sa nanay ko at sa akin. Nangyayari ang isang bagay hindi dahil 'yon lagi ang itinadhana kundi dahil may malaking plano ang nakatataas para sa atin."

"Just let things unfold on its own time."

"Sabi 'yan ni Tanda."

Pareho silang natawa na dalawa.

"I'm officially signing off."

"Paano naman ako?"

"Magiging tao ka na ulit."

"So mag-re-resign na rin ako bilang love scheduler?"

Tumango ito. "No more powers, Darven."

"Ay sayang naman."

"Powers or Alyce?"

"Sana all." Akmang babatukan siya nito nang maitakip niya ang dalawang braso sa ulo. "Syempre Alyce! Si Alyce lang gusto ko. Mahal ko 'yon e."

"Ayon naman pala e. Ayusin mo buhay mo!"

Natawa siya. "Joke lang naman, ito naman, masyadong seryoso." Sandali siyang nag-isip. "Can I keep your name?"

"You want to be Darwin Fate?"

"Nasanay na kasi akong Darwin ang pangalan ko. Naisip ko lang, new life, new name. Alam mo 'yon? Daming arte 'di ba?"

Umayos ito ng tayo at hinarap siya. Ginaya niya ito. "Wala man lang nagtaka na hindi ikaw ang totoong Darwin Fate? Hindi ako kaganyan ka arte sa totoong buhay."

"Wala naman, nasa ibaba ako lagi e. Nagpapayaman."

Natawa ito sa kanya. "Manang-mana ka nga sa'kin."

"Pa hug na nga lang." Niyakap niya ito. "Salamat sa lahat. Ang dami ko pa lang utang sa'yo. Paano pa kita mababayaran?"

"Hindi naman kita sinisingil."

"Mayaman naman ako e, singilin mo lang ako."

"Hanapin mo 'yong pot ng halaman dito sa rooftop ng Dolce Fate. Iniwan ko riyan ang passbook na ipinangalan ko sa'yo."

Humigpit ang yakap niya rito. "Walang bawian 'yan. Wala talaga akong pera pagbalik ko sa lupa."

Natatawang tinapik nito ang likod niya. "Alam ko kaya nga ginawan kita ng passbook."

Kumalas siya ng pagkakayakap dito. "Salamat Darwin."

"You're welcome Darwin."

"Nakakalito."

"Masasanay rin sila."

"What's next to you after this?"

"I don't know. Reborn? Balak ko ngang, magpa-reborn bilang anak n'yo para masaya."

"Pagpinanganak ka ulit, magkamukha pa rin tayo."

"Oo, kaya nga masaya."

"Hindi ka nagsasawa sa'kin?"

"Bakit ayaw mo ba akong maging anak?"

"Gusto mo akong tawaging daddy?"

Natawa ito. "Medyo awkward pero wala naman na akong memories nun kaya, okay lang, daddy?"

"Ang awkward nga."

"Umalis ka na nga! Gumising ka na. Isang taon na ang lumipas."

Nanlaki ang mga mata niya. "Isang taon na ba?"

"Oo, isang taon na po. Kaya gumising ka na. Hinihintay ka na nila." Itinulak na siya nito sa direksyon ng nakabukas na pinto. "Send my hugs and love to my family too."

Muli niya itong nilingon. "Bye."

"Bye."

Humugot siya nang malalim na hininga. Okay, babalik na siya. At alam niyang, sa paggising niya, babalik siya sa orihinal niyang buhay bilang normal na tao. Nagsimula siyang maglakad sa direksyon ng pinto.

"Alyce, hintayin mo ako. Babalik na ako."

"Wish you all the best in life!"

Patalikod na itinaas niya ang isang kamay sa ere at nag-thumbs-up. Hindi niya sasayangin ang pangalawang buhay na ibinigay sa kanya. 

Maghahasik pa rin siya ng pagmamahal at kasiyahan bilang isang normal na tao.

He will and will always be Alyce's Darwin Fate. 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.6K 130 33
A collaborative novel.
28.5K 793 59
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
410K 13.5K 21
(Finished) All good boys are boring - but Andres Emilio Rivera is an exception.
85.4K 1.7K 61
Will their broken heart beat bring them back to each other's arms... or to someone new? As the two old sweet hearts met again after being played by u...