In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [13]

90.4K 2.8K 230
By chiXnita

-13-

NAIS KONG idilat ang mga mata kaso inaantok pa talaga ako. Kaya lang hindi ko gusto ang nararamdaman ko. 'Yong feeling na may nakatingin sa 'yo at 'yong titig niya parang hinuhubaran ka... gusto kang kainin nang buo?

May pumisil sa 'king pisngi. "Wake up, baby." May bumulong din niyan sa tainga ko. Kaso wala ako sa tamang pag-iisip. Hinahatak pa rin ang talukap ng aking mga mata.

Ngumiwi ako nang pisilin niya ulit ang magkabilaan kong pisngi. Pinalo ko ang kamay niya. Pumihit sa kabilang side ng kama. Napabalik ako sa dating p'westo nang hatakin niya ako. Niyakap. Pati ang isang binti niya nakayakap sa legs ko. Napabalikwas na ako. Nawala ang antok.

"May kasalanan ka pa sa 'kin na kailangan mong bayaran." Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa hininga niyang tumatama sa 'king balat. Hindi pa siya nakuntento. Kinagat pa ang tainga ko. Nanlalaki ang mga matang hinarap ko siya nang marealize kung sino ang katabi ko.

"W-What are you doing here, Grant?" Itinulak ko ang dibdib niya para makaalis mula sa pagkakayapos niya pero hindi man lang siya natinag.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "Ang laki ng kasalanan mo, 'tapos hindi mo man lang ako babatiin ng good morning?" Nakapaibabaw na siya ngayon sa nanginginig kong katawan. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot at inangat ito hanggang sa matakpan ang ilong ko. "Pinahirapan mo pa ako sa pagbubuhat sa 'yo galing rooftop hanggang dito."

"G-good morning, ano ba'ng kasalanan ko?" Akala ko ba napatawad na niya ako? "And what are you doing here?"

Hindi kami tabi matulog. Nasa kabilang kwarto dapat siya. Ano'ng ginagawa niya rito nang ganito kaaga? Ibig sabihin nagtabi kami? Malalagot kami kay Aling Cora kapag nalaman niya.

May pagkaconservative kasi si Aling Cora, kaya gano'n na lang ang kaba ko nang nakita niya kami sa sala kahapon na nakapaibabaw ako kay Grant. Lalong uminit ang pisngi ko nang maalala ang tagpong iyon. Nakakahiya talaga.

"Tinulugan mo lang naman ako nang hindi man lang nabibigyan ng midnight kiss," nakangusong sagot niya. Hinila ang kumot sa katawan ko at ihinagis sa paanan ng kama.

Arg! Grant naman.

"M-midnight kiss?" naguguluhang tanong ko habang tutop pa rin ang bibig. Ang dami na nga niyang nakuhang kiss sa 'kin kahapon, eh. Sunrise kiss, underwater kiss, after-cave kiss, before-lunch kiss, after-lunch kiss, sunset kiss at twilight kiss. Tapos meron pa pala no'n?

May fetish ba siya sa kiss?

Malapit na kaming maging endorsers ng Hershey's Kisses.

"Tinulugan mo ako. Hindi nakumpleto ang package-kiss para kahapon." Package-kiss? Mapungay ang abuhing mga mata niya habang mas lalong lumalapit ang kanyang mukha. Lumalabas din ang dimples niya dahil sa pagngisi-ngisi niya.

Kumalabog tuloy ang puso ko. Nagwawala. Napatingin ako sa kabilang side para umiwas. Dama ko na rin ang katawan niya sa 'king katawan. Hindi nga lang mabigat dahil nakatukod ang mga kamay niya sa tagiliran.

"S-sorry... hindi mo ba alam na narcoleptic ako? Insomniac ka samantalang ako narcoleptic kaya sorry na. 'Di ko naman sinasadya, eh."

Bata pa lang ako may narcolepsy na ako. Ito ang kabaliktaran ng insomnia. Kung ang insomnia nahihirapan makatulog, ang narcolepsy naman nakakatulog ka na lang bigla lalo na kapag pagod na pagod ka na. Madalas na nangyayari sa 'kin ang bagay na 'yon. Ang huling beses no'ng time na nagsagutan kami ni Grant kinaumagahan matapos nang may dinala siyang babae sa bahay. Napalunok ako nang sunod-sunod nang maalala ang tagpong 'yon.

Kaya pinatigil na nila ako sa pag-ho-horse racing. Hindi rin pinapamaneho ng sasakyan at pinapasali sa mga activities sa school dahil nga narcoleptic ako.

Ang OA nila, pero sabagay may point sila.

Hindi naman nakakabahala ang narcolepsy. Kailangan may kasama ka lang talaga palagi.

"S-sorry na kasi," bulong ko. Ang kanyang hininga'y tumatama sa 'king pisngi.

"Don't cover your mouth. So, I can kiss you."

Naman, Grant! Kagigising ko lang. Baka bad breath ako.

Kinuha niya ang kamay kong nakatakip sa bibig. Nagpapanic ako. Ginawa ko ang lahat para lang makaalis sa ilalim niya. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa pero nakatayo na ako ngayon sa gilid ng kama habang siya humahagalpak sa tawa.

His stares scanned by body. "You look sexier on that negligee..." Tumigil ang titig niya sa dibdib ko. Awang ang bibig at dilat ang matang napatingin din ako doon.

Agad kong tinakpan ang dibdib nang makitang nakasuot ako ng see-through na red nightdress. May suot naman akong undies pero kitang-kita talaga siya. Bumaba naman ang tingin niya sa bandang hita ko at ngumisi. "Grant!"

Umupo ako sa kama patalikod sa kanya at kumuha ng unan na ipanghahampas sa kanya. Tumatawa pa rin siya habang sinasalo lahat ng hampas ko.

"Sino'ng nagpalit sa 'kin?" Kagabi nakajacket pa ako at nakapajamas pero bakit negligee na ito? Mas gusto kong nakapajamas! Tumigil na ako kasi nakakapagod pala ang ginagawa ko pero siya hindi napapagod tumawa. Nakakainis talaga.

"Sino pa ba?" Nakakalokong sagot niya.

"D-Don't tell me..." Laglag panga na talaga ako. "I-Ikaw?" Ang daya! Nakasuot siya ng sando kaya 'yong mga biceps niya lang ang exposed sa paningin ko. Tapos ako hinahalay na ng mga mata niya.

"I'm your fiancé," balewalang sagot niya. Humiga sa kama habang pinapasadahan ng tingin ang likuran ko. Kasing pula na siguro ng kamatis ang pisngi ko.

Tinakpan ko ang mukha niya ng hawak kong unan saka tumakbo sa banyo. Narinig ko pa ang halakhak ni Grant bago ko buksan ang pinto.

"I'm kidding, baby. Si Na Cora ang nagpalit sa 'yo. Nakatikim pa ako ng sapak nang hindi ako pumayag. Mabuti nakalusot ako ngayong umaga kaya nakapasok ako dito," sabi pa niya bago ako tuluyang makapasok sa banyo.

So, hindi naman pala kami magkatabing natulog.

Nakakapanghinayang.

_..._..._

"PATIKIM..." BULONG ni Grant sa bandang batok ko. Napapitlag ako. Hindi ko na nailayo ang ice cream. Dinilaan na niya 'yon kahit na nakadikit ang labi ko sa cone. "Ang sarap!" Nilaro niya ang dila sa labi niya habang nakatingin sa nakaawang kong bibig.

Nabitiwan ko ang sorbetes. Nalaglag sa paanan namin.

"M-Manyak!" Sinapak ko ang braso niya. Hinimas niya lang 'yon at tumawa. Nag-eenjoy talaga siya kapag natatanga ako. "S-sabi mo hindi ka kakain ng ice cream kaya ako lang ang bumili tapos—"

Natigilan ako. Nanlaki ang mga mata. Halos lumabas puso ko nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Ilang segundo lang pero... shit naman Grant!

"May ice cream pa..." Dinilaan niya ulit ang labi niya. Kamanyakan ang tawag diyan pero bakit sa tuwing siya ang gumawa ang sexy tingnan?

Pinisil niya ang pisngi ko. Hindi ako kumukurap. Hindi pa rin ako nasasanay kahit na palagi niya naman akong ninanakawan ng halik nitong mga nakaraang araw.

At lahat ng iyon, may pangalan.

Mababaliw na talaga ako kapag pinangalanan niya 'tong... sorbetes kiss. Bwisit.

"Nakakarami ka na!"

Napangisi siya. "Masarap kasi, baby. Nakakaadik!" Hinimas niya ang lips niya gamit ang hinlalaki.

Arg! Fvcking Loriete.

May sasabihin pa sana siya kaso tumunog ang cellphone niya. Napasimangot ako kahit alam ko naman kung sino. Ang cellphone ko naka-off na simula nang tumawag si Angel. Ayokong may iistorbo sa 'min sa vacation na 'to.

"Hello?" he answered the call. Unaware siya na sinusuklay niya ng daliri ang kanyang buhok habang nagsasalita.

Pinagsawa ko ang paningin sa kagwapuhan niya. He was wearing a black T-shirt na may nakaimprint sa harap na... "Do not stare, I am hers," maong na pants at sapatos. Usual na sinusuot ng mga kalalakihan kapag gumagala. Nakaitim na T-shirt din ako na may nakaimprint naman na "Loriete's Treasure" na nakatuck sa fitted jeans with white belt na manipis at high-cut shoes na silver ang kulay.

Gusto kong bumalik sa pagiging teenager. Couple-shirts. Pinagbigyan niya naman ako. Napahawak ako sa labi. Ngingiti-ngiting tinitingnan siya.

"Okay." Tinapos ni Grant ang tawag na hindi ko alam kung ano'ng pinag-usapan nila. "Are you sure you don't want to go inside?" Nag-aalalang tanong niya. Ilang beses na niya iyang tinanong kanina pa.

"'Wag na, Grant! Maglalakad-lakad muna ako dito habang hinihintay ka. Okay lang ako. Promise!" Tinaas ko pa ang dalawang kamay at nginitian siya.

Bumuga siya ng hangin at hinalikan ako sa pisngi. "Call me if there's a problem."

"Wala akong dalang cellphone." Kumunot ang noo niya. "In-off ko at nakalagay lang sa bulsa ng bag ko," paliwanag ko sa kanya kaya tumango na lang siya.

"'Wag kang lalayo. Saglit lang ako." Tumalikod na siya't pumasok sa de Carpio Hotel na nasa tapat namin. Aabot ito ng apatnapung palapag kung bibilangin.

Nandito kami sa Isla de Carpio. Tumawag sa kanya kanina si Jim Clarence Moravia, isa sa mga nagmamay-ari ng Moravia Island at Kier Hance Fulgencio na obviously na kasama sa pamilyang nagmamay-ari ng Fulgencio Island. May ino-offer sila about sa business. Napabuntong-hininga na lang ako.

Business. Business.

Pumasok ako sa isang drug store. Saka ko lang napansin na maraming nakatingin sa 'kin. Napatuwid tuloy ako ng tayo. Malamang, kanina pa nila ako tinitingnan. Baka nakita rin nila 'yong ginawang paghalik sa 'kin ni Grant.

Kilala nila ako. Kung hindi man bilang Xhaiden Heather Roa malamang bilang Xyrene Hyacinth Roa dahil kasama ko si Grant.

May binili lang ako sa drugstore at pumunta sa park na maraming estudyanteng tumatambay. Ala-una na ng hapon. Maraming tao talaga dito sa Isla de Carpio dahil public place.

Umupo ako sa isang swing. Tinitingnan ang mga pamilyang nagpipicnic. Mga grupo ng kabataan na nagbibike. Nagpapraktis ng cheer dance. Nagska-skating. Naglalaro ng badminton sa gilid. Nagtitinda ng streetfood at kung ano-ano pa.

Iba't ibang klaseng puno at mga bulaklak ang nasa paligid na halatang inaalagaan. Malamig ang simoy ng hangin. Mabango. Hindi katulad ng amoy sa lungsod.

Tumayo lang ako nang may nakita akong paru-paro na lumilipad. Hinabol ko 'yon kaso biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Grant. "Wag kang lalayo. Saglit lang ako."

Naglakad na lang ako pabalik sa harap ng hotel. Ilang minuto na rin akong nakatambay sa swing na mag-isa lang.

"Miss botiful, may nagpapabigay po." May sumulpot sa harap ko na batang lalaki na medyo kulot ang buhok. Maputi siya. Sa tingin ko limang taong gulang pa lamang.

Nginitian ko siya at inabot ang binibigay niyang pink rose. Magtatanong pa sana ako kung kanino galing pero kumaripas na siya ng takbo papalayo. Sinundan ko siya ng tingin habang kunot ang noo.

Tinitigan ko ang rose. Nagkibit-balikat ako. Nagkamali lang ng bigay sa 'kin 'yong bata? Sayang naman ang effort ng nagpapabigay. Baka may nililigawan tapos nagkamali pa ng babaeng nabigyan.

May nahawakan akong medyo sticky sa rose. May nakadikit na sticker sa gitna ng mga petals. May nakaimprint ditong red lips at may maliit na note sa baba.

"Did you like my birthday kiss?"

'Yan ang nakasulat. Awtomatikong iginala ko ang paningin. Naalarma ang buong pagkatao ko. Hinanap ko ang batang nagbigay ng bulaklak. Tumakbo pa ako sa lugar na tinakbuhan niya. Kaso hindi ko na siya nakita.

He's here?! 'Yong humalik sa 'kin? Nasa Trese Paradise? What the hell?!

"Ouch!" Dahil sa kamamadali ko at kakaikot ng paningin sa park... may nabangga ako. Muntikan na akong madapa. Naalalayan lang ako ng nabangga ko.

"Hey, easy..." ani ng isang baritonong tinig. Bahagya pa siyang tumawa. Napatuwid ako ng tayo. Nanlaki ang mga mata.

It's him!

Pumihit ako paharap sa kanya pero nakatalikod na siya.

Nakajacket ng itim. Nasa ulo ang hood kaya hindi ko makita ang mukha. Saka lang din biglang pumasok sa isip ko ang taong nakasabay namin ni Angel doon sa hindi gaanong sikat na restaurant na pinagkainan namin pagkagaling namin ng safe house ni ate. 'Yong pamilyar na bulto.

Shit! Siya rin 'yon!

"S-sandali!" Hinabol ko siya. Binilisan niya ang ginawang paglalakad. Lakad-takbo na nga. "W-who are you?"

Tumigil siya at humarap sa 'kin. Kumunot ang noo ko. Ipinilig ang ulo. Kilala ko talaga siya at kilala niya ako. That's a fact.

Nakasuot siya ng malaking sunglasses. Ngumisi siya. Familiar ang ngiti niya. Kahit na nakasuot siya ng jacket at balot ang katawan niya. Malalaman mo pa ring may maipagmamalaki siya. May itsura. Matangkad.

No! Agad kong kinontra ang isip at humakbang papalapit sa kanya.

"Are you sure you didn't recognize me, Xhai?" nakakalokong tanong niya at muli akong tinalikuran. Itinaas pa ang kamay sa ere pagkatalikod. "Don't worry. We'll see each other again, soon!"

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 304K 72
Now a published book under Summit Media. Php 195.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) 3W8L Book 2 is divided into two parts, so th...
5.1M 45.5K 40
My name is Jared, and this is the story on how I fell in love with a stranger, which started with A KISS IN THE RAIN..
76.5K 92 1
Abigail Valerio doesn't have a lot of friends. She figured its because her classmates thinks she is childish and immature. Abi is used to being the c...
3.8M 64K 56
There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's possible that even in the afterlife, it m...