FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVI: Without You
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XXVII: The Truth

1.8K 157 37
By WeirdyGurl

1995

INILAPAG ni Darwin ang punpon ng mga bulaklak sa puntod ni Diana at naupo sa damohan. Napangiti siya nang mapait.

"I'm sorry," basag niya. "Ngayon lang ako nagkalakas-loob na dalawin ka. Hindi ko alam kung gugustuhin mo pa akong makita pagkatapos ng ginawa ko. Sana pala..." Gumaralgal ang boses niya. "H-hindi ko na lang pinakialaman." Bumuntonghininga siya. "Nawalan tuloy ng ina si Darven."

Diana became his good friend. He tried fixing her faded red string with Shin that was ruined by Diana's best friend. Pero imbes na maibalik ang pulang sinulid sa dati ay mas lalong nasira ang lahat. 

His dear friend Diana is one of those people who couldn't bounce back from love.

She killed herself.

Sandali pa ay hindi na niya napigilan ang sariling mga luha sa pagdaloy. He really felt bad. Sinisisi niya ang sarili kung bakit humantong sa ganoon si Diana. Kung bakit, naging ulila si Darven at nasa bahay ampunan.

Shin left Diana and Darven. Ulila ring lubos si Diana at tanging ang kaibigan lang nitong si Luisa ang naging pamilya nito. Pero siya ring nanloko at trumaydor dito.

"I'm sorry," he sobbed. "Sorry. It's all my fault. Kasalanan ko talaga Dia. Sana talaga... sana... sana hinayaan ko na lang. Maybe there was really a reason why your fate strings are fading. Maybe, you'll be happier with other things? Or with other love? Ang tanga ko."

Umalog ang mga balikat niya sa matinding pag-iyak.

It felt heavy inside, Dia.

I'm sorry.



NASA labas ng orphanage ang mga bata nang dumating si Darwin. Naglalaro maliban na lamang sa batang pakay niya roon – si Darven. Mag-isa itong nakaupo sa lilim ng isang puno ng narra, nakasandal ang likod sa puno at ngiting-ngiti. Hawak nito ang isang picture.

Lumapit siya sa bata at naupo sa tabi nito.

"Hay naku! Ang ganda ng panahon." Nakangiting ibinaling niya ang tingin dito. Saktong nakuha niya ang atensyon nito. Napatingin din ito sa kanya. "Hi bata."

"Sino po kayo?"

"Sino ako?" Turo pa niya sa sarili. "Isang kaibigan. Ang ganda ng panahon, bakit nandito ka lang? Bakit 'di ka sumali sa kanila?" Nguso niya sa mga naghahabolang mga bata at nagsasaranggola.

"Tinatamad pa ako e," bungis-ngis nito.

Sinilip niya ang hawak nitong picture. "Ano ba 'yan?"

Agad niyang napansin ang pamumula ng cute nitong pisngi. Nawawala ang mga mata nito kapag ngumingiti at bumubungis-ngis. Mistiso itong bata. Pero napapansin niyang, mas nagiging kamukha niya ito habang lumalaki. Kapareho rin niya ito ng birthday. 

"Crush ko po."

The kid shared the photo with him. May hawak itong piano drawing sa isang bond paper sa larawan, may nahihiyang ngiti habang katabi ang isang batang babae na nakasuot ng pink dress at may bangs.

He chuckled. "Ang bata-bata mo pa, may crush ka na agad."

"Alyce ang pangalan niya."

Kinuha niya ang picture at tinitigan pa nang mabuti ang larawan ng dalawa. "Bagay sana kayo kaso 'di ka makakapag-asawa kung ganito ang buhok mo." Ang style kasi ng buhok nito ay mukhang lampaso. Sino bang naggupit sa batang 'to? Ipapa-hahabol niya talaga sa mga grim reapers.

Napahawak ito sa buhok. "Pangit po ba gupit ko? Libre lang kasi 'to e."

He playfully messed Darven's hair. "Kapag malaki ka na, gagwapo ka na."

Lumapad ang ngiti nito. "Kapag malaki na ako, hahanapin ko si Alyce at pakakasalan ko siya."

Lalo siyang natawa. "Talaga ba?"

Sunod-sunod itong tumango. Puno ng determinasyon ang mga mata nito. "Mag-aaral ako nang mabuti at maghahanap ng trabaho para may maibuhay ako sa kanya."

"Advance natin mag-isip ah."

Bigla naman itong bumuntonghininga. "Pero sabi nila, mahirap na daw para sa edad ko po na may mag-ampon pa sa akin. Gusto po kasi nila ng baby pa o mas bata pa. Kaya sabi ko kay sister, dito na lang ako, tutulong na rin ako kay father sa simbahan para may pambaon ako sa eskwelahan."

Nahabag siya sa sinabi ng bata. "Masyado ka pang bata para problemahin ang mga 'yan." He gently tapped his head. "Huwag kang mag-alala, bata. May taong proprotekta sa'yo. Hindi mo man siya laging nakikita. Siya ang bahala sa'yo."

"Talaga po?"

He nodded. "He will protect you at all cost. Tandaan mo 'yan lagi." Pinisil niya ang ilong nito. "Basta ikaw, gawin mo lang lahat nang gusto mong gawin. Mag-aral ka. Mangarap ka nang malaki. Magmahal ka nang totoo. As long as masaya ka at hindi ka nakakasakit ng ibang tao, gawin mo."



HULI na ang lahat nang dumating si Darwin. The look of fear in his eyes as he stare at Darven's dying face. Bumalik sa kanya ang mukha ni Dia at ang nagawa niyang pagkakamali. He ought to protect Darven hanggang sa matupad nito ang lahat ng mga gusto nito.

And yet, here they are.

Darven sacrificing his life to save the little boy's life.

Nagtama ang mga mata nila ni Darven. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib sa paghihirap na nakikita niya sa duguan nitong mukha. Pilit nitong itinaas ang isang kamay sa kanya.

"Tulong..." pagmamakaawa nito. "Tulong... tulungan... mo... ako..."

Hindi pa ito pwedeng mamatay.

"Al..."

Napansin niya ang nasirang music box sa tabi nito. Agad na lumipad ang tingin niya sa babaeng tinatawag nito sa kabilang kalsada. Ang pulang sinulid na kumukunokta sa dalawa na unti-unti nang naglalaho.

Hinawakan niya ang duguang kamay ni Darven at nakita niya roon ang dalawang tadhana ng buhay nito. Isang malungkot at isang masaya. Pero pipiliin niya ang masayang buhay para rito. Nangako siyang proprotektahan niya ito kahit ano pa man ang mangyari. Maging tutol man ang kalangitan.

Naupo siya sa tabi nito. Lumikha siya ng proteksyon para sa kanilang dalawa upang hindi makalapit ang susundo kay Darven.

"Hey kid, remember me? 'Di ba sabi ko, someone will protect you at all cost?" He gave Darven a smile. "I want you to follow your heart from now on." Inilapat niya ang isang palad sa dibdib nito kung saan ang puso nito. "Your heart will be special and you may not understand it sometimes, but there is nothing wrong with you. It will beat for the right reason and to the right person."

Hinaplos niya ang buhok nito.

"Everything will make sense someday. Take care of my family for now, Darven."

Ipinikit niya ang mga mata at nilukob sila ng matinding liwanag. Masaya siyang lisanin ang dalawang mundo para sa kaligayahan ng anak mo Dia. Kahit doon man lang, makabawi ako sa nagawa ko sa'yo.


TINITIGAN ni End ang natutulog na anyo ni Darven. Sa nakalipas na ilang taon ay nakabantay siya sa katawan nito. Dreana was helping him. Ito ang gumagawa ng paraan para sa fundings ng hospital bills ni Darven. Most of them are in the form of donations from unonymous people.

"So Darwin is there?" tanong ni Strar.

"Darven," Keeper corrected.

Ang nakasama nila ng halos apat na taon kung pagbabasehan ang earth days ay ang human soul ni Darven. He didn't knew about it or even aware that he is in a different body. All of Darven's memories were locked at the back of his mind and has been living with Darwin's memories.

After Alyce cut their red strings of fate, Darwin wasn't able to come back. Hinanap nila ito pero hindi nila maramdaman ang presensiya nito. Hanggang sa bumalik siya sa ospital at napansin niya ang puting aura na bumabalot sa buong katawan nito na wala noon – isang palatandaan na bumalik na ang kaluluwang nahiwalay sa katawan nito.

"So he's not really Darwin?" tanong ulit ni Strar.

Umiling siya. "No, he's just living in Darwin's body."

"Where's the real Darwin?"

Natahimik siya ng ilang segundo. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa kanyang aminin na wala na ang kapatid.

"He's gone."

He saw it with his own eyes. That painful look in Darwin's eyes when he stared at Darven's dying body in the street; bathe in his own blood – alam niyang gagawa ito ng isang bagay na maaring hindi pahihintulutan ng kanilang ama.

He didn't understand why he sacrificed his life for a human being.

Not 'till he was able to connect all the missing puzzle pieces of his connection with Darven. At kung bakit, kamukhang-kamukha ni Darven ang kapatid.

It made sense now.

"Their resemblance is kind of strange," ni Keeper.

"Bakit sila magkamukha?" segunda ni Strar.

"Darwin did a big mistake a long time ago. Hindi 'yon alam ng lahat dahil itinago 'yon ng ama namin."

"Ano?" they asked in unison.

"He messed up a faded fate lines and someone died." They were silent for a moment bago siya nagpatuloy. "It was Darven's biological parents. His mother took her own life because of broken heart. It was sort of the same with Allysa, Lance and Alyce. Magkaibigan nga lang ang dalawang babae. Kaya lamang, sa halip na maibalik ang red string ay tuluyan na nga 'yong nawala."

"Darven is Darwin's punishment?"

"His reminder. Na sa tuwing makikita niya ang mukha ni Darven, maalala nito ang nagawang pagkakamali. Kung bakit, lumaking walang mga magulang si Darven at kung bakit nasa bahay ampunan ito."

"What about Darven's father?"

"He didn't accept Darven as his child. He abandoned him. Naniwala siya sa sinabi ng best friend ng ina ni Darven na hindi sa kanya ang dinadala nitong bata."

"Darwin back then was still naïve. Madami pa siyang hindi naiintindihan sa kung paano mag-isip at magmahal ang mga tao. He was as curious and hard headed like you Strar."

"I can't believe his gone." Pagbaling niya ng tingin kay Strar ay umiiyak ito. "Kuya Darwin, bakit naman ganoon? Wala man lang pasabi."

"Sinasabi mo bang, ibinigay ni Darwin ang buhay niya kay Darven para makabalik ulit siya sa katawan niya?" tanong ni Keeper.

Malungkot na tumango siya. "Darven's death was not on schedule, it was a special death in exchange of the boy's life whose life has to end that day. At para masagip si Darven, he let him live in his heaven form even if it would mean, he has to surrender his immortality."

"Pero paano nakakasiguro si Darwin na masasagip nun si Darven?"

"He saw something. At alam kong, si Darven lang ang makakapagsabi sa atin ng totoong dahilan ng kapatid ko. I've been observing his soulless body, walang mga galang kaluluwa ang nakakalapit man lang sa katawan, tila ba, may promoprotekta sa kanya."

"At magigising siya?"

"If he wants to."

Sabay silang tatlo na napalingon sa may pintuan. Ang ama niya ang nagsalita. Seryoso ang mukha nito na lumapit sa kanila.

"Dumalaw na rito si Arma." Hinawakan ng ama ang kanang kamay ni Darven. Napansin na niya kanina ang handmade red cord bracelet na 'yon. Wala 'yon noon. "Alyce's karma has finally made a decision."

"Karma's lucky bracelet of love, friendship, career and life."

Tumango ang ama niya. "Tama, Keeper, Arma wishes them a good life." Nobody have seen Arma. Maliban na lang siguro sa ama niya. The deity of karma has always been a mystery in both worlds. "Napatawad na ng langit ang lahat ng mga kasalanan ni Alyce. Kitang-kita ang pagbabago niya at ang pagpapahalaga niya ngayon sa pag-ibig, kapatid at sa mga pangarap niya. She had paid all her mistakes."

Hinaplos ng ama ang buhok ni Darven.

"He will protect this kid at all cost."





"YOU knew this would happen?" Naglakad-lakad sila sa garden ng ospital. "Alam mo rin kung anong nakita ni Darwin nang hawakan niya ang kamay ni Darven?"

"You may think that I knew everything, son. But to tell you honestly, when it comes to my children, there are things that I haven't figured out yet. Sa sobrang busy ko bilang Tadhana ay hindi ko na kayo masyadong natututukan."

"Because you trust us."

"Alam ko na, alam n'yo na ang tama at mali sa buhay na meron tayo but Darwin has always been special. Masakit sa ulo ang kapatid mong 'yon but he is also one of the kindest and passionate of us all. Malaki ang puso niya sa lahat. He was the best best friend you could ever have – he's a dear friend."

Napangiti siya.

"Naniniwala akong hindi 'yon gagawin ng kapatid mo kung walang magandang patutunguhan ang pagsasakripisyo niya. At hindi 'yon hahayaan ng Dios kung hindi 'yon ang makabubuti sa lahat."

"I feel so awfully sad. Ganito pala ang pakiramdam na mawalan ng pamilya."

"Masakit but life must move on. Masaya ang kapatid mong ibigay kay Darven ang buhay niya."

"Ginawa niya ba 'yon para makabawi kay Darven?"

Ngumiti ito. "He did that because it was the right thing to do."





A/N: To my dear readers, we only have 3 more chaps before DaLyce's story ends. Thank you for your warm support and love for their love story. Love lots! Happy comments.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
45.9K 1.1K 35
"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?"
1.6K 130 33
A collaborative novel.
410K 13.5K 21
(Finished) All good boys are boring - but Andres Emilio Rivera is an exception.