Heiress(Part One:COMPLETED)

By DarkDreamerGirl

107K 2.1K 40

Heiress ~PART ONE~ Graecielle Jane Crisanto or simply Cielle, ay isa lamang ordinaryong teenage girl. Pero hi... More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Special Chapter
Epilogue

Chapter XXVI

1.9K 46 0
By DarkDreamerGirl

Pareho kaming natahimik ni Yria dahil sa biglaang pagpasok ni Miss Lance. Napansin ko namang gulat na gulat siya sa nakita. Ewan ko pero parang nakakita siya ng multo. Sabi na nga ba! Baka akala niya ay nababaliw na kami ng pinsan niya!

Kumunot bigla ang noo niya at agad na sinugod si Yria. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ito sa kwelyo.

"Tell me! Siya ba, ah? Siya ba?! Answer me, you A**H*LE!!" Galit na wika ni Miss Lance. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagalit.

"What the---Ano ba? B-Bitawan mo nga ako, Lance!" Utos nito pero lalo lang atang hinigpitan ni Miss Lance ang hawak niya sakanya.

"G*go ka! Damn You! Hindi pwede yan!" Nanlalaki na ang mga mata ni Miss Lance. A-Ano bang problema nilang magpinsan? Hindi pwede ang ano? Ang maging baliw?

"Tss! What's your problem!? Huminahon ka nga. Tungkol parin ba ito sa nangyari sa bahay!? Move on, please! What the hell, Lance?" Galit na rin na wika ni Yria. Teka nag-away sila?

"Okay na sana e! Kaso dahil diyan sa nalaman ko tungkol sayo napawi lahat e. F*ck! Yria naman! Girlfriend mo si Cielle!?"

Napaawang ang bibig ko sa narinig ko.

"Girlfriend mo si Cielle!?"

"Girlfriend mo si Cielle!?"

"Girlfriend mo si Cielle!?"

"Girlfriend mo si Cielle!?"

Loading......................................

"Ano!!!!????" Napasigaw ako nang wala sa oras. What the pack? Ano raw? Girlfriend ako ni Yria? Sinong nagsabi noon? Ni hindi ko lubos maisip.

Nagulat ako nang biglang humalakhak si Yria kaya takang tinignan ko siya. Napabitaw rin si Miss Lance sa kwelyo niya. Nagtaka rin siya sa inasta ng pinsan niya.

"Kanino mo naman nalaman iyan? Kay Shane ba? Pfft!" Natatawang sabi niya kaya tumango naman si Miss Lance.

"Better explain yourself, Mister." Banta niya pa kay Yria. Pero umiling-iling lang ito.

"Tss. Huwag kang mag-alala. Sinabi ko lang iyon para huwag muna nila akong kulitin." Nakangising sagot ni Yria. Pero hindi ko parin ma-gets. Takang tinignan ko naman si Yria at lumawak ang pag-ngisi niya. Ugh!

"So does that mean, Cielle is not your girlfriend?" Paniniguro ni Miss Lance at natatawang tumango naman si Yria.

Kaya sumingit naman na ako.

"Teka Yria, ano ba kasing sinabi mo sa mga kaibigan mo?" Tanong ko rito at pinandilatan lang niya ako ng mata.

"You don't need to know." Diretsong sagot niya saka tumingin siya kay Miss Lance na parang nabunutan naman ng tinik. Masamang tinignan ko na lang si Yria.

"Mabuti naman kung ganoon nga." Sambit ni Miss Lance na nakahawak pa sa kanyang dibdib.

"Pero paano kung girlfriend ko nga siya, ano naman saiyo iyon, ha?" Seryosong tanong ni Yria kay Miss Lance kaya napatingin ito agad sakanya. Teka ano bang sinasabi nito?

Parang 'di naman mapakali si Miss Lance kaya napakagat labi ito saka siya tumingin sakanyang pinsan.

"Ummm... h-hindi pwede. Masyado pa kayong mga bata. And Cielle doesn't deserve someone like you. Wala kang kwenta, ano." Sagot ni Miss Lance.

Bahagyang natawa pa ako sa sinabi niya lalo na doon sa huli. Nakakatuwa talaga silang mag-pinsan.

"Yun lang ba talaga?" Nakangising wika naman ni Yria.

Tumaas naman ang isang kilay ko dahil doon sa sinabi nitong si Yria. Mukhang pino-provoke talaga niya si Miss Lance dahil pansin ko na rin ang pagdilim ng mukha niya habang nakatingin sa sahig.

"I'm just being concerned, Yria. You always keep secrets to us, your family. Hindi porke't naka-separate ka saamin ng tinitirhan ay wala na kaming pakealam sayo. Importante rin naman na malaman namin kung ano ang mga nangyayari saiyo. At nabigla lang din ako dahil sa sinabi saakin ng mga kaibigan mo. Hindi mo rin ako masisising mag-alala dahil sa nandirito kayo sa ospital." Seryosong sabi ni Miss Lance. Halata rin ang halu-halong emosyon sa mga mata niyang nakatitig na ngayon kay Yria.

"Ngayon at nalaman kong si Cielle pala ang nandirito ay malamang mag-aalala talaga ako. I just didn't expect her to be here. She's a student from our school at bilang headmaster ay may pakialam ako sa mga nangyayari sa mga estudyante ko. Now tell me, what happened?" Naka-krus na ngayon ang dalawang braso niya at inaantay si Yria na sumagot. Bumuntong hininga siya pero bago pa ito makapagsalita ay inunahan ko na siya.

"May nangyari lang pong katangahan saakin kaya po na-ospital ako. Sa katunayan nga po ay si Yria ang tumulong saakin." Napatingin ito agad saakin at parang kumunot pa ang noo niya sa sinabi ko. Tapos biglang lumambot ulit ang mukha niya saka napalitan ito ng pag-aalala.

Nakita ko ang concern sakanyang itsura kaya ngumiti lang ako saka tumango.

"Pasensya ka na dahil hindi ako naging aware sa nangyari saiyo. Kung sinabi lang kasi sana nitong si Yria ay malamang agad ako nagtungo rito para kumustahin ka. Sana'y mag-iingat ka lang palagi, okay?" Sabay kinindatan niya ako. Nabigla rin ako nang yumakap ito saakin. Dahil naman doon kaya gumaan pa ang pakiramdam ko.

Matapos ang lahat naman ng naging pagkukwentuhan naming tatlo ay napansin ko na hindi na masyadong umiimik itong si Yria. Panay tango at iling lang ang ginagawa niya. Madalas ay nakatingin na siya sa kawalan.

Pero noong nagpasya si Miss Lance na umalis na ay nag-volunteer naman si Yria na ihatid na siya sa labas.

Nang makalabas sila ay naiwan na akong mag-isa. Inihiga ko na muna ang aking sarili at tumingin sa kisame.

Nagulat ako nang magpop-out yung gwapong mukha ni Glaire! Ano ba yan? Kaya napabalikwas ako ng upo. Ginulo ko pa ang buhok ko! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Ugh!

Pero hindi mawala saakin ang pag-aalala sakanya. Ano na kayang lagay niya? Nang sabihin din saakin ni Yria na nagpunta siya rito, panay na ang isip ko sakanya.

Namimiss na rin siya ni Cheyenne...

(Um hindi kaya IKAW ang nakakamiss sakanya, Cielle?)

O_o

Ano ba yan, pati ba naman ikaw UTAK ginugulo mo ako?

Nababaliw na ba ako?

....30 minutes later....

Waaahhh! Ano ba naman 'to?!

Kanina ko pa ginugulo itong buhok ko. Sa tingin ko nababaliw na ako.

Bakit ba puro si Glaire na lang ang nakikita ko?

Teka nga muna, tumingin ako sa wall clock. Bakit nga pala ang tagal ni Yria? Siguro hinatid niya talaga hanggang sa bahay nila si Miss Lance. Napabuntong hininga na lang ako.

Ugh! Pero bigla akong napatingin sa pintuan at nagulat nang nakatayo na pala siya roon habang nakayuko.

"K-Kanina ka pa ba riyan---

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nabigla ako sa ginawa niya.

Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko.

"Y-Yria, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ko. Pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya.

"Please let's stay like this even for a while." Seryosong wika niya. Tulad ng sinabi niya ay hinayaan ko na lang siya. Hindi ko alam ang nararamdaman niya. Siguro kailangan niya nito. May problema ba siya?

Matapos ang pagyakap niya saakin ay naging tahimik na lang kami. Pero tinatanong niya rin ako kung gusto kong kumain ngunit busog pa naman ako.

Dumating na yung oras na kailangan ko nang umuwi. Excited na nga ako e. Nahihiya talaga ako kay Yria dahil hindi niya na ko pinagbayad ng bill. Waaah! Pero nangako parin ako sakanya na babayaran ko rin pero todo tanggi parin siya.

Ngayon hinatid pa niya ako sa bahay. Pati nga sa loob ng bahay e! Nakita ko naman na pinagtitinginan kami ng mga kapit-bahay namin. Hay! Ano naman kaya iniisio ng mga 'to?

"Tay, nandito na po ako." Masayang bati ko kay itay at agad na linapitan siya at hinalikan sa pisngi. Naabutan ko kasi sila sa may sala na nakikinig ng radyo.

"Salamat naman at nakauwi ka na, Cielle. Magpahinga ka na lang muna." Wika ni itay.

"Opo, tay. Ah siya nga po pala hinatid po ako nitong si Yria." Balin ko naman dito sa katabi ko.

"Ah ganun ba? Kumusta, hijo? Salamat nga pala sa lahat ng ginawa mo para kay Cielle, ah." Nakangiti na wika rin ni itay. Nakita ko namang ngumiti rin si Yria at kinamayan si Itay.

Nakipagkwentuhan naman si Itay kay Yria. Ewan ko pero parang sobrang nabuhayan si Itay ngayon. Tinatanong rin niya kung kumusta ang magulang niya. Natahimik sandali si Yria pero mabilis na sinagot si Itay. Pansin kong natutuwa si itay makipagkwentuhan sakanya.

'Di rin naman nagtagal ay nagpasya naring umuwi si Yria kaya inihatid ko siya sa labas ng bahay at nadatnan ang mga usisero/usisera.

Bago siya sumakay sa kotse niya ay hinarap niya ako. Ako naman ay napakamot sa ulo. Ano ba yan? Nakakahiya na talaga sakanya. Tanging hatid lang ang kaya kong gawin.

"Ah--

"Eh--

Sabay pa naming nasabi. Vas' happenin?

"Salamat," Nasabi ko lang. Habang hindi nakatingin sakanya at kamot-kamot parin ang ulo.

Nagulat ako nang yakapin niya ako ulit. Ummm...Yria? Ano bang nangyayari sayo?

Mabuti naman at bumitaw rin siya agad dahil medyo nahiya ako sa mga nakatingin saamin dahil baka kung anong isipin nila. Awkward akong tumingin kay sakanya saka niya ako sinalubong ng kanyang ngiti.

"Welcome," Wika niya.

"I need to go. Mag-iingat ka, ha. Huwag tatanga-tanga." Natatawang dagdag niya saka ginulo ang buhok ko. Pinandilatan ko lang siya ng mata.

Matapos noon ay sumakay na rin siya sa kanyang sasakyan at pinaandar ito. Bumusina muna ito bago tuluyan nang maka-alis.

Bumuntong hininga nalang ako saka napapikit. Bago ako pumasok sa loob ay lumapit naman na yung mga kapit-bahay namin saakin. Bakit parang mga reporter ang mga ito na sabik makakuha saakin ng mga kasagutan dahil sa mga nakita nila kanina? My gums!

"Oy Cielle, aba't ang swerte mo naman. Nakabingwit ng mayaman!" Manghang wika ni Aling Trining kaya natawa naman ako sa sinabi niya. Pinagmukhang isda si Yria? Bwaha!

"Oo nga, kaya ba nawala ka ng ilang araw dahil kasama mo iyong jowa mo?" Napangiwi naman ako doon sa sinabi ni Jing.

"Ang WAFU teh!" Yung kapit bahay naming bading na si Ada.

Napailing nalang ako sa mga sinasabi nila.

"Cielle, sabihin mo lang kung sasaktan ka nun, ah. Reresbakan namin." Wika naman noong mga nag-iinuman sa kabilang kalsada malapit sa tindahan.

Natawa nalang ako sakanila saka ko ipinaliwanag sakanila na schoolmate ko lang iyong si Yria at na-ospital ako saka nagpasya na akong magpaalam sakanila saka pumasok sa loob ng bahay.

Nang tulog na ang lahat ay parang ako na lang ata ang nananatiling nakamulagat ngayon.

Hindi ako makatulog! Ewan ko pero naubos na ata lahat ng antok ko sa pamamalagi sa ko ng ilang araw sa ospital.

Sinubukan kong pumikit pero............

Wahhhhhh!!!

Bakit mukha nanaman ni Glaire!?

....

....

....

....

Third Person's POV

Inside the Tempest Mansion...

Nanatiling nakaupo lamang si Lance sa malaking sofa ng mansyon at nakabukas din ang 65 inches na flat screen T.V ngunit tila tulala lang itong nakatingin sa pinapanood na may malalim na iniisip.

"SHIT!" Biglang nabulalas niya at humigpit din ang hawak ng dalaga sa remote control nito.

"SHIT!" Wika niya ulit at napakagat labi ito.

Iniisip kasi niya ang nangyari at napag-usapan nila ni Yria noong sumugod siya sa ospital.

Iniisip niya kung paano sasabihin sa kanyang Uncle ang lahat. Sa ama ni Yria.

"Hindi ko akalaing maiisip niya iyon," Halos pabulong lang na wika niya at napapikit na lamang ito.

"Alam kong masaya siya tuwing kasama si Cielle. Pero hindi ko akalaing maiisip niya talaga."

Flashback....

"Ano ba? Kahit huwag mo na akong ihatid. Bantayin mo na lang si Cielle," Wika ni Lance na nakakunot pa ang noo dahil sa iniasta ng pinsan sakanya.

"Kaya ko ang sarili ko, Yria." Nilingon niya na rin ito. Pero seryoso lang siyang tinignan ng pinsan.

"I just want to clear something." Diretsong sabi ni Yria sakanya. Lalong kumunot ang noo ni Lance.

"Then what is it?"

"About my sister." Sagot ng binata na ikinataas ng isang kilay ni Lance.

"Ow, Si Lia?" Nakangiti na sabi ni Lance. Iniisip nito na ang tinutukoy ng pinsan ay ang half-sister nito. Pero seryoso parin ang binata.

Kumunot din ang noo ni Yria.

"No, It's about my twin-sister, Yllia." Diretsong wika ng binata na ikinagulat niya.

"May nakakagulat ba sa sinabi ko?" Seryosong wika ng binata.

"Now tell me, buhay pa siya hindi ba? At alam niyo kung nasaan siya. Matagal na." Dahil sa sinabi ni Yria ay kaagad dumaloy ang matinding kaba sa buong katawan ng dalaga.

Tinitigan lang niya ang mga mata ng kanyang pinsan. Kahit kailan ay napaka-ganda talaga ng mga ito.

"I don't know what are you talking about. Tsaka paano mo nasabing alam namin kung nasaan siya? Tss. You're paranoid, Yria." Inis na wika ni Lance sa kanyang pinsan na nanatili parin ang seryoso nitong mukha.

Pero nagulat siya nang hawakan siya ni Yria sa kanyang braso.

"Huwag niyo akong gagawing tanga, Ate." Nanggigigil na wika ng binata. Hindi rin inasahan ni Lance ang naging pagtawag sakanya ng ganoon ng kanyang pinsan.

" Hindi ako makapaniwala na buong buhay ko nagsinungaling kayo! Bakit kailangan niyong gawin iyon saakin? Ang tagal kong naghanap." Makikita ang naghahalo-halong damdamin sa mga mata ng binata. Lalo na ang galit at ang unti-unting pagpatak ng mga luha sa mga mata nito. Kumunot ang noo niya nang may ilabas si Yria sa kanyang bulsa. Isang kwintas na hugis krus na gawa sa kulay berdeng kristal. Nanlaki kaagad ang mga mata ni Lance sa ipinakita ng kanyang pinsan.

"Kung ganoon, bakit nasasakanya ito? At hindi maipagkakaila na may pagkakahawig kami, lalo na sa mga mata. Hindi niyo ako masisisi kung ganoon ang mga napagtanto ko, Ate." Umagos ng husto ang mga luha mula sa mga mata ng binata matapos niyang sabihin ang mga iyon. Ito rin ang unang beses na magkaganito siya.

Napayuko na lang si Lance. Sobra ang pagka-guilty na nararamdaman niya. Kung pwede lang ay pawiin niya lahat ng luhang dumadaloy sa nahihirapan niyang pinsan. Masakit din para sakanyang maglihim pero alam niyang para rin naman sakanila ang lahat ng ito.

Pero anong magagawa niya kung ipinakiusap lang naman sakanya na kailangang ilihim ang lahat?

Hindi na napigilan ni Lance ang kanyang sinabi. Tinanggal muna niya ang pagkakahawak ni Yria sakanyang braso at saka siya hinarap. Gamit ang dalawang kamay niya ay hinawakan niya ang mukha ni Yria at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya gamit ang hinlalaki niya. Tinignan niya ito sa mga mata.

"I'm so sorry. This is not yet the time. I know that someday you'll understand. All of these are for your own good."

At pagkatapos niya masabi ang mga iyon ay umatras na ito saka tinalikuran ang binata. Ngunit bago ito tuluyang makalayo ay huminto ito at mulkng nagsalita.

"Pakiusap pigilan mo muna ang sarili mo sa ngayon." At tuluyan na siyang naglakad palayo.

End of Flashback....

....

....

....

Napabuntong hininga na lamang si Lance sa kinauupuan. Ngayon at alam na ni Yria ang tungkol sa kanyang nawawalang kapatid ay iniisip niya na sana ay huwag muna nitong sabihin.

Nagulat naman si Lance nang may biglang sumunggab sakanya at mahigpit siyang niyakap.

Napangiti ito sa dalagang masayang niyayakap siya.

"O-Oh hindi naman ako makahinga neto, Lia." Nakapikit ang isang mata ni Lance. Masayang hinarap naman siya ng dalaga.

Kamukhang kamukha talaga niya ang kanyang ama.

"Sorry, Ate. Na-miss kasi kita." Natatawang wika ng dalaga.

Hindi lubos maisip ni Lance kung bakit hindi kayang tanggapin ni Yria ang kanyang nakababatang kapatid. Napakabuti kasi ng batang ito.

"Kumusta naman ang prinsesa? Kumusta ang school?" Nakangiting tanong ni Lance at lalong lumaki ang ngiti ng dalaga.

"Okay na okay, Ate. Nag-top nanaman ako sa klase." Wika ni Lia at namangha naman si Lance sa pinsan. Kung tutuusin ay magaling talaga si Lia sa kanilang klase noon pa mang kinder at elementary ito. At ngayong malapit na siya mag-graduate bilang high school student ay Valedictorian pa ito. Hindi naging hadlang ang pakikitungo ni Yria o ng iba sakanya para maging magaling. Sa halip ay lalo pa itong nag-pursige.

Napangiti siya nang maalala ang isang babae na tulad din ni Lia. Matiyaga, mabait at mapursige. At yun ay si Cielle.

Ang totoo ay nasubaybayan niya ang pag-aaral ni Cielle. Palagi siyang nakatutok dito noon pa man.

"Ate, ba't ka nakangiti? May naaalala ka?" Curious na tanong ni Lia at umiling naman si Lance.

Tumayo naman si Lia at masayang ngumiti sakanya. Nakita naman ni Lance ang mga ngiti ng bata, pero hindi niya maiwasang makita ang kalungkutang nasa mga mata niya. Nararamdaman niya na kahit papaano ay may kakulangan parin sa loob ni Lia. Iyon ay ang pagmamahal ng isang tunay na kapatid. Itinuring narin naman siyang kapatid ni Lance at pati na rin ang dalaga. Ngunit sa isang kuya wala siya noon. Kaya labis nalang ang naging galit ni Lance kay Yria noong sigawan niya si Lia.

Lalo na't nakararanas rin si Lia ng pambu-bully. At nagulat sila dahil hindi manlang nagsusumbong ang dalaga. Kung hindi lang sinabi ng isang kaklase ni Lia ang lahat ay hindi nila iyon malalaman. Kaya simula noon ay pina-expel na ang mga bully sa high school department.

"Ate, you want cookies? I'll bake for you." Napakalawak ng ngiti ng dalaga ng tumangu-tango si Lance. Saka nagmadaling magpunta sa kanilang malaking kusina.

Marami ring talento si Lia tulad na lang ng pagba-bake. At talaga namang masasarap ang mga gawa niya. Inisip ni Lance na sana ay matikman din iyon ng ugok niyang pinsan.

Napabuntong hininga nalang siya at naisip na kung sana ay nakilala ni Lia ang isa pa niyang Ate ay tyak matutuwa ito.

Pero alam niyang nalalapit narin naman ang lahat.

"Konting tiis na lang." Usal niya.

....

....

....

Yria's POV

Kasalukuyan ako ngayong naka-upo sa damuhan kaharap ng puntod ni Mama.

Hindi ko man siya nasilayan o nakilala ay mahal na mahal ko parin siya. Remembering how she sacrificed herself for us, for our family.

Napakagat ako sa aking labi. Naiinis ako.

Kaya pala ganoon umasta si Lance sakanya. Kaya pala ang gaan ng loob ko sakanya. It all make sense. Tama nga ang hinala ko. Matagal ko nang nararamdaman pero hinayaan ko muna.

Sa mga sinabi ni Lance napagtanto kong totoo nga ang mga nasa isip ko.

Kanina gustong gusto ko na talaga siyang yakapin. Gusto kong sabihin sakanya pero nakita ko ang kanyang itinuring na ama. Naawa ako. Pero paano siya nakuha ng matanda?

Hanggang ngayon napakaraming tanong parin ang nabubuo sa aking isipan. Ugh! Hindi ako makapag-isip ng mabuti.

Pero kailangan ko munang siguraduhin ang lahat.

.....

.....

.....

To be Continued....

God Bless...

Edited: 03-24-19

Continue Reading

You'll Also Like

92.3K 1.5K 46
Higesht Rank: #131 in Action [COMPLETED] Camille Grabielle Montevilla-Montero hasn't let anyone get too close to her, except to her small circle or...
47.9K 2.8K 66
One unexpected encounter. Clyde met Demi. Clyde was like an open book while everything about Demi is a mystery. Join me in reading and falling in lov...
947K 20.4K 68
She's been protected by her two brothers, but they didn't let it show. Because, she is the Great Gangster Queen. Di mo na siya kilala kapag nakalabas...
100K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...