Moonlight Blade (Gazellian Se...

Por VentreCanard

8.4M 467K 122K

Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other god... Más

Moonlight Blade
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 42

124K 7.6K 1.4K
Por VentreCanard

Chapter 42

Paghaharap

Kung pinili kong manatili sa Deeseyadah at hindi sumalungat sa nais ng mga diyosa, ako kaya'y hindi makakaranas ng ganito?

Hindi kaya ako mahihirapang sagutin ang mga katanungang ngayo'y pilit akong binabagabag ngayon? Ako kaya ngayo'y tumatawa sa tabi ni Diyosa Neena habang nakaupo kanyang balon habang kasama si Hua?

Ako ba'y magiging masaya at mapayapa? Ako kaya'y hindi magkakaroon ng pagkakataong gamitin ang kapangyarihan ko upang makapanakit ng ibang nilalang?

Biglang bumalik sa akin ang magagandang alaala aking iniwan sa Deeseyadah, sa tuwing aawit si Diyosa Neena, ang magagandang tanawin ng puti at ginto, ang magagandang salita ni Hua.

Masasabi ko bang may katuturan ang salitang bansag sa akin na Diyosa kung hinayaan ko ang buhay kong umikot lamang sa magagandang nais makita ng aking mga mata? Isang diyosang walang nais makamit, walang nais marating, walang nais ipaglaban at itama.

Nais ko na bang bumalik sa aking dating buhay? Isang uri ng diyosa na hindi nakikita ng lahat at hindi nabibigyan ng responsibilidad?

Ang magagandang imaheng aking nakikita ay unti-unting nalalagyan ng lamat, ang maamong mukha ni Diyosa Neena ay dahan-dahang naglalaho at ang kanyang mga tawa na tila musika ay humihina na sa aking pandinig.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi, ito nga'y magaganda at hindi nakasasakit sa dibdib ngunit kung hinayaan ko ang sarili kong manatili doon, kailanman ay hindi ako makakaramdam ng matinding kasiyahan. Isang uri na kasiyahan na alam kong sa sandaling naabot na ng aking mga kamay ay hindi lang aking puso ang magagalak kundi ang mga nilalang na nakapalibot sa akin.

Tila ang salamin na nagpapakita sa akin ng aking dating kasiyahan ay unti-unti nang nababasag.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Dastan na nakahawak sa kanyang nagliliwanag na espada, habang siya'y nanatili pa rin naglalakbay sa ibang dimensyon.

Ipinikit ko ang aking mga mata at marahan kong hinalikan ang kanyang kamay. Ramdam ko pa rin ang buong presensiya na nakaagapay sa amin, naghihintay na lang sila sa akin ng hudyat upang ibigay ang aming huling atake.

O tamang sabihin na unang atake patungo sa lumulutang na lotus.

Kung iisipin, ang lahat ng komplikasyong nangyari sa loob ng Nemetio Spiran ay nagsimula nang magmahal ang pinakamalakas na diyosa na siyang nangangalaga ng balanse at kaayusan ng mundong ito.

Ngunit isang bawal na pag-ibig na nagresulta sa matinding inggit sa kapangyarihan ang sumira sa lahat. Ang pitong pinakamatataas na pwestong inakala ng lahat na hindi mabubuwag ay tila isang alamat na lamang, isang lumang kwento na hindi na muling mabibigyang buhay at isang uri ng masamang apoy na hanggang kasalukuyan ay patuloy na sumisiklab.

Isang suliranin na tila pilit hinihila ang isang maharlikang pamilya sa bawat komplikasyong hatid nito.

Ito ba'y nagkataon lamang o ito'y bunga ng isang hakbang sa nakaraan na siyang naging ugat ng patuloy na pagkakadawit ng mga Gazellian?

Hanggang ngayon ay palaisipan ang matinding koneksyon ng mga Gazellian sa nakaraan. Ito ba'y nagsimula ng sandaling maglakbay si Haring Thaddeus at Danna? Kung saan ay nakasalubong nila ang diyosang kasalukuyang tumatakbo mula sa pamilyang nais magsuplong sa kanya sa sakim na hari?

Hanggang saan ang nalalaman ni Haring Thaddeus sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap? Siya ba'y sinadyang itali ang mga anak sa nakaraan upang sa paglipas ng panahon ay unti-unting maitama ang maling pangyayari ng nakaraan?

Anong laro ang pinaglalaban ng tatlong reyna at ang nakatagong pakikipagtunggali ng mga ito sa paglipas ng maraming taon?

Kung matagal nang alam ni Reyna Talisha ang hakbang ng hari, may nalalaman kaya si Haring Thaddeus sa hakbang ng kanyang reyna?

Anong malaking tungkulin ng bampirang ilang taong sinisisi ng lahat sa kasalanang hindi nito ginawa?

Ang pinakamalakas na diyosa at ang dalawa nitong anak, sila ba'y mananatiling tahimik sa gitna ng umuusbong na digmaang ito?

Ano ang dahilan kung bakit tila hindi nais ng Deeseyadah ang paghahari ng isang bampirang hindi naabot ng kanilang manipulasyon? Ano ang kanilang itinatago?

Sino si Hua at ang pinaglilingkuran nitong hari?

Dastan... gumising ka na...

Nagsimula na akong bumulong sa kanyang isipan. Sa paglapit namin sa lotus, sa paglakas ng enerhiya ng mga diyosang alam kong hindi magdadalawang isip na kitilin ako.

Kailangan nang gumising ni Dastan at samahan akong sagutin ang mga katanungan, dahil ang mga ito'y hindi malulutas ng kahit sino. Tulad ng sabi ni Kalla, ako lang at si Dastan ang may kakayahang sagutin ang mga ito.

"Dastan, katulad ng iyong mga kapatid... matatapos din tayo. Malulutas natin ito." Ngumiti ako kasabay ng mas lalong pagdiin ng kamay ko sa liwanag na espada.

Ang ugat ng nakaraan ay siyang unang gumapang sa kanilang prinsesa, si Lily na siyang aking itinalaga bilang bampirang may kakayahang sumalungat sa sumpa ng pinakamalakas na diyosa sa pag-iibigan ng lobo at bampira. Ang aking pagpili kaya sa kanya'y dulot ng ihip ng tadhana? Tulad ng isang koleksyon ng nota sa isang papel na ang tanging kailangan lang gawin ay lapatan ng musika.

Ang sumunod ay ang paglapat ng puting sumpa, ang pamilyang inakala ng diyosang siyang tatanggap at magliligtas sa kanya mula sa sakim na hari'y mga traydor pala. Ang pamilya'y ginawaran ng isang kahindik-hindik na sumpa na hindi lang kikitil sa kanila kundi sa bawat henerasyon ng mga bampira. Ang sumpa'y nagpapasa-pasa sa iba't-ibang nilalang sa bawat paglipas ng panahon, isang uri ng pagkakakulong, kalungkutan, dalamhati at pagsisisi ang nais iparanas ng diyosa sa sinumang hahawak ng sumpa. Ngunit isang Gazellian, si Finn na tumakas mula sa responsibilidad ang naligaw at nabighani sa babaeng kung tingnan ng lahat ay isang halimaw dahil sa sumpang kanyang dinadala. At ang kanilang pag-iibigan ang pumutol sa puting sumpa.

Ang huli'y ang pagtuklas sa kaalamang ang diyosa'y nananatiling buhay, nagtatago, nanghihina at nagdadalamhati sa lahat ng kanyang paghihirap. Isang diyosang hindi na naghahangad ng kalayaan. Ngunit ito pala'y nag-iwan ng bakas, isang palaisapan ng kanyang totoong mensahe. Ang kanyang mga naramdamang emosyon mula sa nakaraan ay alam niyang magdudulot ng iba't-ibang komplikasyon sa hinaharap, mula ang kanyang matinding galit, paghihiganti, at pagdaramdam. Ang diyosa'y gumawa ng susi upang matuldukan ang paulit-ulit na pagsisi ng bawat emperyo sa nangyari sa nakaraan sa mga inosenteng nilalang na hindi pa isinisilang ay nakatakda nang magdusa. Isang muling Gazellian, si Evan ay umibig sa isang babaeng nagtataglay ng dugo ng masamang bampirang nagsimula ng kasakiman. At ang kanilang pag-iibigan, ang daloy ng luhang dulot ng kasiyahan at pagmamahalan ang siyang naging susi upang muling magmulat ang diyosa ng nakaraan.

Kung iisipin, ang mga Gazellian ay may malaking parte sa bawat ikot ng buong Nemetio Spiran. Ang kanilang pamilya'y tila nakatali na sa nakaraan at nakakatuwang isipin na ang mga kapatid ni Dastan ay nagawang mapagtagumpayan ang kanilang pag-iibigan, hindi lang dala ang kanilang mga puso kundi pati na rin ang kapakanan ng mga nakapaligid sa kanila.

Si Lily at Adam na nagpalaya sa pag-iibigan ng dalawang lahi.

Si Finn at Kalla na nagpatigil sa walang katapusang pagsasalin ng puting sumpa.

Si Evan at Naha na muling nagbigay ng kalayaan sa diyosa at nakapagpatigil sa kasakiman ng unibersidad na nabubuhay lamang sa maling paniniwala.

At ngayong kami ni Dastan ang nahaharap sa aming laban, na hindi lang aming pag-iibigan ang kailangang mamayani kundi ang aming mga kapangyarihan at kakayahan.

Magagawa kaya namin itong ipanalo?

Dahil ang laban naming ito ni Dastan ay hindi basta parte lamang, hindi ito pagbuwag sa maling paniniwala, hindi ito sumpa na kailangang putulin at lalong hindi ito paghahanap ng susi para sa isang saradong pintuan.

Laban ito ng buong Nemetio Spiran. Hindi lamang sa pagitan ng mga lobo at bampira, hindi sa loob ng sinumpaang tore at lalong hindi sa unibersidad na tanging mga konseho ang kalaban.

Ang labang ito'y sa pagitan ng mga diyosa, mga hari't reyna, mga pinuno ng makakapangyarihang nilalang, malalakas na emperyo, at ng nilalang pa sa hinaharap.

Huminga akong muli nang malalim, masyado nang malayo ang nararating ng isip ko. Siguro ay ganito talaga kung nahaharap ka sa mabigat na sitwasyon, naghahanap ka ng rason para kapitan at harapin ang problema, naghahanap ka ng bagay na higit na magtutulak sa'yo upang magpatuloy.

"Mahal na Reyna." Bulong ni Finn sa aking isipan.

Hindi man ako lumingon sa kanya ang aking tipid na pagtango ay isa nang malaking indikasyon ng sunod naming gagawin.

Ang aking mga mata'y madiing nakatitig sa lotus, ang karrong gawa sa yelo ay patuloy sa pagtakbo, ang espada ni Dastan ay patuloy sa pagliwanag. Sa loob ng aking isipan ay gumuhit ang bawat kilos ng magkakapatid na Gazellian.

Sila ngayo'y napapalibutan ng makapal na yelo upang bigyan sila ng proteksyon, ang magkakapatid ay kasalukuyang nakahilera at kapwa nakaharap sa amin ni Dastan.

Bakas na sa kanilang mga mukha ang matinding pagod at panghihina, ang ilan sa kanila ay tila babagsak na anumang oras. Ngunit kilala ko ang magkakapatid na Gazellian, hinding-hindi nila nanaising ilapat ang kanilang mga tuhod sa lupa kung nalalaman nilang may isa sa kanila ang patuloy pang lumalaban.

Mananatili silang natayo kahit lampas na ito sa hangganan ng kanilang kakayahan.

Unang naglabas ng kanyang espadang gawa sa yelo ang prinsipe ng mga nyebe. Isang beses siyang humakbang at mas pinalakas ang kanyang hawak.

"Para sa Sartorias!"

Sinundan ko ng dasal ang kanyang salita. "Para sa Sartorias..."

Sumunod na humakbang si Finn, ang kanyang espada'y tila isa ring uri ng ilusyon. Para ito walang totoong katawan dahil ito'y naglalaho at lumilitaw sa bawat segundo.

"Para sa Deltora!"

Katulad ng una kong ginawa'y sinundan ko rin iyon. "Para sa Deltora..."

Humakbang na rin si Evan gamit ang kanyang espada na gawa sa kidlat, may kakaibang uri rin ito ng liwanag. "Para sa Avalon!"

"Para sa Avalon..."

Sumunod si Casper at ang kanyang espadang gawa sa hangin. "Para sa Trafadore!"

"Para sa Trafadore..."

Ang huli'y si Caleb at ang kanyang espadang gawa sa bato. "Para sa buong emperyo ng Parsua!"

"Emperyo ng Parsua..." usal ko.

Buong akala ko'y ako na ang tuluyang magmamanipula ng espadang nagliliwanag ni Dastan, ngunit nang maramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga bisig at ang marahang pagyakap niya sa akin habang kapwa kami nakahawak sa liwanag, hindi pa man namin nararating ang tutok ng bulaklak, pakiramdam ko'y malapit na kami sa tagumpay.

"Dastan..."

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay.

"Now, Brothers!"

Nang namayani ang boses ni Dastan, isa-isang inihampas ng kanyang mga kapatid ang kanilang iba't-ibang uri ng espada. Enerhiya mula kay Zen na tila nababalutan ng walang katapusang nyebe, kay Finn na yumakap dito na siyang nakapagpalakas ng atake, yumakap rin ang kidlat mula kay Evan, hangin mula kay Casper at malalaking tipak ng bato mula kay Caleb.

Iba't-iba man ang kanilang kapangyarihan ngunit ang kanilang parehong layunin ang siyang may kakayahang makapagpaisa sa kanila.

Mas inangat pa ni Dastan ang kanyang espada at alam kong hinihintay niya na lamang lumampas sa amin ang pag-atake ng kanyang mga kapatid upang ito'y aming samahan.

"Para sa Nemetio Spiran!" Matigas na banggit niya na walang kahit sino ang may kakayahang tuminag.

Kasabay nang pagdaan ng makapangyarihang atake ng limang Gazellian mula sa likuran ay ang unang paghampas ni Dastan ng kanyang nagliliwanag na espada. Ang liwanag ay tuluyan nang yumakap sa kapangyarihan ng kanyang mga kapatid dahilan kung bakit mas nadama ng bawat nilalang na siyang kasalukuyang nakakasaksi ng digmaan ang totoong lakas ng pinagsamang mga Gazellian.

Isang malaking pagsabog ang siyang sumalubong sa lumulutang na lotus, ang malaking harang na nakapalibot doon mula sa kakayahan ng mga diyosa'y sumabog at tila ulan ng kristal at ginto sa gitna ng kadiliman.

Mas lumakas ang agos ng tubig mula sa lotus dahilan kung bakit mas nagkagulo ang digmaan sa ibaba. Bumilis na muli ang takbo ng karro, binuhat akong muli ni Dastan dahil mas papalapit na kami sa bulaklak.

Papasok na kami.

"Their presence is wavering..." mahinang sabi ni Dastan.

Hindi man niya sabihin sa akin ay nakilala ko kung sino ang sinasabi niya. Ang magkakapatid na Le'Vamuievos.

Nagawang tumalon ng mataas ni Dastan sa lotus at wala pang ilang segundo'y nagawa na naming makapasok doon, sa mismong loob ng palasyo ng Parsua Deltora.

Ngunit agad kaming naging alerto ni Dastan, siya na inihanda ang kanyang espada at ang aking dalawang kamay na hinayaan kong magliwanag kung sakaling gagamit ako ng kapangyarihan.

Gumulantang sa amin ang dalawang magkapatid na Le'Vamuievos. Si Tobias na tanggal na ang pagkakapusod ng kanyang mahabang buhok habang may tukod na espada sa malamig na sahig upang tulungan siyang tumayo kasabay ng kanyang mabigat na paghinga, at si Pryor na nakaluhod ngunit pilit tumatayo.

Kapwa sila nakaharap sa dalawang hari sa magkaibang trono, kapwa sila natatakpan ng anino. At sa hindi lang sampung diyosa na nakapalibot sa kanila.

Ngunit ang higit na nakagimbal sa akin ay ang prinsipeng nakasabit sa pagitan ng dalawang trono. Siya'y kasalukuyang natutulog habang nakayuko ang kanyang ulo at nakabukang mga braso sa kanyang nanghihinang presensiya.

Siya ngayo'y nakatali sa kanyang sariling halamang ugat, habang halinhinang hinahaplos ng mga lumulutang na diyosa.

"R-rosh..."

Sabay napalingon sa amin si Tobias at Pryor, sa sobrang hina na ng mga iyon ay hindi na nila kami naramdaman ni Dastan.

Nagsimula nang humakbang si Dastan patungo sa dalawang Le'Vamuievos, bago ito tumingin sa unahan at tanawin ang prinsipe.

"Wake up, Rosh. Are you going to let my brother, Zen, snatch your throne? Or are you tired of waiting for her?"

Saglit gumalaw ang kanang kamay ni Rosh sa huling sinabi ni Dastan. Napahinga nang maluwag si Tobias at Pryor.

"He's still alive, Tobias, Pryor." Paglinaw ni Dastan, hindi na rin siguro nararamdaman ng magkapatid ang presensiya ni Rosh dahil sa panghihina nila.

"Get up now, let's show these coward kings how to properly fight. Taking a hostage, huh?"

Tila nawala ang pagod ng dalawang Le'Vamuievos dahil nagawa ulit ng mga iyong tumayo nang maayos.

Ang dalawang hari'y sabay tumayo mula sa kanilang mga trono at humakbang mula sa anino.

Si Claudeous at Ahren ng kasalukuyan na ang mga mata'y nakatuon sa akin. Agad bumilis ang pintig ng puso ko.

Ngunit ang kanilang mga mata'y saglit lamang naglandas sa akin dahil inilahad ni Dastan ang kanyang nagliliwanag na espada at sinadya niyang tamaan ang mga mata ng dalawang hari.

"Not my goddess, Gentlemen."

Seguir leyendo

También te gustarán

56.3K 2.8K 5
Alina is a shy and quiet girl who is in love with Samuel, her high school classmate but doesn't have the courage to confess her feelings to him becau...
7th Unit Por Ann Lee

Novela Juvenil

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
5.8M 230K 63
Standalone novel || All her life, Chloe felt abandoned by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...
3.2M 73.5K 56
An angel was sent to Earth to protect Violet from evil forces. Unknown to them, it was his wings they were after. ...