FATE 2: DESTINY'S HEART - COM...

By WeirdyGurl

100K 5.8K 1.5K

Alyce lived an antagonist life as Allysa's evil twin sister and now, she is trap in a phase where she should... More

Heavenly Prologue
I. Welcome Back Alyce
II. Avoiding Alyce
III. Damnwin To The Rescue
IV. ET & GAGO
V. You're My Precious Moment
VI. Si ET ang BUKO
VII. Destiny's Night
APRIL FOOLS
VIII. Je Te Veux
IX. Sweet Frenemies
X. Knowing Darwin Fate
XI. The Unseen Faded String
XII. Stuck On You
XIII. Alyce's Feelings
XIV. Let Her Fall
XV. End Is Here
XVI: Alyce's Confession
XVII: Far From Each Other
XVIII: Resisting their love
XIX: Her Hidden Memories
XX. Could I Love You Any More?
XXI. Making Every Moment Precious
XXII. Love Me
XXIII. Orphanage
XXIV: Align of Forever
XXV: Paalam
Destiny's Love Letter
XXVII: The Truth
XXVIII: Darven & Darwin
XXIX: He's Home
XXX: I Choose You
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XXVI: Without You

1.8K 163 15
By WeirdyGurl

ONE YEAR had passed.

Pero para sa kanya, tila isang buwan lang lumipas sa sobrang bagal ng oras. Araw-araw pa rin niyang nami-miss si Darwin. Wala siyang mapaglabasan ng lungkot dahil walang nakakaalala sa asawa niya. Even Allysa couldn't remember her best friend.

Nang gabing naglaho na nang tuluyan si Darwin kasamang naglaho ang mga alaalala ng mga malalapit na tao sa buhay nito. Ang lumang bookstore nila Strar at Keeper ay sarado na at hanggang ngayon bakante pa rin. Pati mukha nito sa mga pictures ay nawala rin. Maliban na lamang sa painting na bigay ni Keeper at drawings ng mukha nito.

She kept all of those in her room.

Para kahit papaano ay nakikita niya pa rin ito. Minsan, kinakausap niya ang painting at umiiyak siya. Nangako siyang magiging okay lang siya kahit wala ito. Hindi naman talaga ito nawala, alam niyang nasa paligid niya lang si Darwin.

Pero bakit ganoon?

Bakit hindi pa rin ito nagpaparamdam sa kanya?

She sighed. Hawak-hawak niya sa kamay ang pocket watch na bigay sa kanya ni Darwin. Sa isang taon na lumipas ni hindi man lang umandar ang orasan na 'yon. Nangangahulugan lang na hanggang ngayon ay hindi parin siya nito dinadalaw.

"Titig ka na naman diyan."

Naitangala niya ang ulo sa nagsalita – it was Allysa. Inilapag nito ang isang iced coffee sa harap niya bago tuluyang naupo sa katapat na silya. Sa tuwing malungkot siya ay tumatambay siya ng Dolce Fate. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya na nasasanay na walang makulit na Darwin na bigla na lang umuupo sa katapat na upuan ng mesa niya para asarin at kulitin na naman siya.

Those moments are what she misses of him most.

Mapait siyang napangiti.

"Sino ba talaga may-ari niyan?"

"My husband."

"Asawa mong 'di naman nag-e-exist."

She squinted her eyes at her. "Grabe siya, inaano ba kita?"

"Kasi ayaw mo namang magkwento. Ayaw mo ring makipag-date. Wala ka rin naman pinapakilalang lalaki." Kinuha nito ang pink niyang journal. Akmang aagawan niya 'yon nang mabuklat na 'yon ni Allysa. Nahulog mula sa page ang isang nakatuping papel. "Ano 'to?"

Allysa unfolded the paper. Tila natigilan ito sa nakita. Ilang segundo itong nakatitig sa papel. Ang kaninang kunot-noo ay napalitan ng kakaibang lungkot sa mga mata.

"Sino 'to?" ipinakita nito ang sketch na larawan ni Darwin.

"Asawa ko." Kinuha niya mula rito ang drawing.

"Bakit ganoon?" Nangalumbaba ito sa mesa. "Bakit feeling ko kilala ko siya?"

"Baka nga kilala mo siya."

"E bakit 'di ko siya maalala?"

She simply shrug her shoulder. Kinuha niya mula rito ang notebook. Pero si Allysa, mukhang malayo na ang tingin at may malalim na iniisip.

"Al," pukaw niya rito.

"Hmm?"

"Mawe-weirduhan ka ba sa'kin kapag umiyak ako sa harap mo nang walang dahilan?"

"Oo."

Natawa siya. "Sabi ko nga."

"Ang weird mo Alyce. Kinakabahan na ako sa'yo." Tumayo si Allysa. "Aalis muna ako, magkita na lang tayo mamaya sa practice. Huwag kang mali-late, lagi ka na lang late."

This, finally, their dream piano duet, mangyayari na talaga. Bumalik na siya pagtugtog at ilang beses na rin siyang nag-perform on stage. Thanks to her husband's support and love, natutoto ulit siyang maniwala sa sarili at mahalin ang pagtutugtog.

May puso na rin ang bawat musika niya.

"Oo na, 'di na," natatawa niyang sagot. "Dadalhin mo ba sila Fate at Wish?"

"Free sched na raw si Lance, kaya baka dalhin niya ang kambal."

Napangiti siya. "I miss those two."

"Mag-asawa ka na para meron ka na ring Wish at Fate."

"May asawa na kasi ako."

"'Yong nag-e-exist Alyce Alonzo."

Tinawanan lang niya ang kapatid.




"NGAYON na ba 'yong alis mo Manang?"

Naabutan niyang palabas na nang bahay si Manang Arma. Isang malaking bag lang ang dala nito.

Tumango ang ginang. "Salamat po, Ma'am Alyce."

Nag-resign na nang pormal si Manang Arma bilang katulong niya. Wala pa siyang kapalit pero naghahanap na siya ng bago. Kailangan na kasi nitong bumalik sa probinsiya nito. Sinubukan niyang pakiusapan noong una pero buo na ang desisyon nito kaya hinayaan na niya.

"Okay lang ho 'yon, Manang. Mas kailangan ho kayo ng pamilya ninyo." Mula sa bag ay kinuha niya ang wallet. "Ito ho Manang, pandagdag n'yo na sa pag-uwi n'yo."

"Naku ma'am, nabigyan n'yo na ho ko –"

Inabot niya ang kamay nito at inilagay roon ilang five hundred bills. "Huwag n'yo hong isipin 'yon. Wala ho 'yon sa pasensiya at pag-aalagang ginawa n'yo sa'kin ng isang taon. Kulang pa nga 'yan."

"Salamat, may ibibigay rin ako sa'yo." Mula sa lumang pouch bag nito ay inilabas nito ang isang handmade red cord bracelet. "Ang bracelet na 'to ang magiging tulay para makamit mo ang tunay na kaligayahan sa mundong 'to." Ito mismo ang nagsuot ng bracelet sa kanan niyang kamay.

May ngiting iniangat nito ang mukha. Isang bagay na hindi nito madalas gawin. Palagi kasing poker face 'tong si Manang Arma.

"Dapat lagi kang nakangiti, Manang. Bagay 'sayo." Niyakap niya ito. "Salamat, mag-ingat kayo lagi. Dumalaw ka lang dito."

Kumalas sila sa isa't isa. "Magiging masaya ka rin, hija." Masuyo nitong tinapik ang pisngi niya.

"Masaya naman po ako, Manang."

"Mas sasaya ka pa, maniwala ka lang."




SATURDAY, may live piano performance sila sa Dolce Fate from 6 pm to 8pm. Isa 'yon sa mga idinagdag nilang dalawa ni Allysa sa DF. Naging panghatak din 'yon para dumami ang customers nila. Madami na tuloy nag-di-date sa Fate.

Kaya madalas, ramdam niya ang pag-iisa. Tsk!

Wala naman silang binago, ang silid ni Darwin sa itaas, nandoon pa rin, but it was now an empty room. Hindi rin nila ginalaw ang rooftop. Everything is still the same, but she knew that, Dolce Fate wouldn't be complete without its real owner.

Ibinaling niya ang tingin sa tumutugtog sa grand piano. He's playing Love Me from Yiruma. Naalala na naman niya si Darwin.

Inilabas niya ang pocket watch mula sa bag at tinitigan 'yon.

"Kailan ka ba magpaparamdam? Miss na miss na kita."

Ramdam niya na naman ang lungkot sa puso niya. Kahit pala pilitin mong maging masaya kapag pala may kulang sa buhay mo, hindi ka pa rin mabubuo.

"Nakalimutan mo na ba ako? Bumalik na ba sa normal ang puso mo? Saang panig ng mundo ka ba ngayon? Kahit isang beses lang, Darwin. Iparamdam mo sa'kin na nandiyan ka lang sa tabi ko." Mapait siyang napangiti. "Baka kailangan ko ring isuot ang pink kong sungay para maalala mo ako?"

Nagsimulang manikip ang dibdib niya. Dinaan niya sa pagtawa ang pagbabadya ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Miss na miss na kita. Ako ba, na mi-miss mo na?"

Bumuntonghininga siya.

Naiangat niya ng mukha sa harap, saktong tumunog ang bell sa pinto. Ito mismo ang nagbukas sa glass door, nakangiti itong pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na mukha na 'yon. Tumigil yata ang tibok ng puso niya.

Kamukhang-kamukha ito ni Darwin.

Nakatalikod na ito sa kanya at kausap na si Chu Chu sa counter. Tumagilid ito nang bahagya, hawak nito ang menu, nakangiti at mukhang aliw na aliw na kausap si Chu Chu.

Bumaba ang tingin niya sa hawak na pocket watch - it's now working!

"Darwin?" usal niya.

The similarities of him and Darwin are very uncanny. Maitim lang may kahabaan nitong buhok at kahit sa puwesto niya ay kapansin-pansin ang light brown nitong mga mata. Medyo payat lamang ito nang bahagya. He was wearing a white long sleeve cotton shirt na nakatiklop ang manggas hanggang siko. Itim na pants at black sneakers.

Hinihintay nito ang order sa gilid ng counter, nakangiting iginala ang tingin sa buong paligid hanggang sa matuon ang atensyon nito sa direksyon niya. Tila tumigil sa pagtibok ang puso niya nang magtama ang mga mata nila.

Darwin, ikaw ba 'yan?

Titig na titig lang siya rito. Then the guy smiled at her. The same smile. The same genuine smile she remember. Pero bakit walang rekognasyon sa mga mata nito? Bakit tila, hindi siya nito kilala?

Ibinalik nito ang tingin kay Chu Chu, dalawang iced coffee ang binili nito pero isa lang ang kinuha nito. Alyce, tumayo ka! Lapitan mo siya. Hindi ka rin matatahimik kung hahayaan mo lang umalis siya.

Lakas loob na tumayo siya at akmang lalapitan ito pero agad itong nakalabas ng Dolce Fate. Nadismaya siya hindi lang sa sarili pati na rin sa naging reaksyon nito sa kanya. Muli niyang tinignan ang pocket watch, hindi na naman 'yon gumagana. 

She can't help but sighed.

Dumiretso na lamang siya sa counter.

"Ma'am Alyce," tawag ni Chu Chu. "Bigay ho sa'yo nung gwapong lalaki kanina." Napatingin siya sa iced coffee na hawak ni Chu Chu.

"Bigay sa'kin?" Namilog ang mga mata niya.

Malaki ang ngiti na tumango ito. "Crush ka yata e. Ayiee! Ship ko kayo ma'am." May idinikit itong sticky note sa takip ng cup. "May sulat pa siya sa'yo oh. Kaso walang number. Hayaan mo, kapag bumalik 'yon, ibibigay ko number mo." Inabot nito ang cup sa kanya.

She read the note.

Iced coffee in exchange of your beautiful smile?

"Darwin!"

Inilapag niya ang cup at lumabas ng Fate. Sinundan niya ito sa kung saan niya ito nakitang dumaan. Ilang beses siyang nasasagi ng mga tao pero wala siyang pakialam. Kailangan niya itong makausap.

"Darwin!" sigaw niya. Iginala niya ang tingin sa paligid. "Darwin!" Halos kapusin na siya sa lakad-takbo niyang ginawa pero hindi na niya ito makita. 

Tuluyan na ring nangilid ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Ang daya naman e! Magpaparamdam ka na nga lang, naglalaho ka rin namang parang bula. Marahas na pinunasan niya ang mga luha ng mga kamay.

"Ang daya mo!"

Continue Reading

You'll Also Like

499K 13.9K 36
When the mischievous wanderer son of Mr. Destiny tries to fix a love story that was ruined by love and lies. Will Mr. Fate be able to save Allysa and...
185K 10.1K 35
Naniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right siya sa lahat ng dating site. Pero ang fre...
2.4M 72.6K 37
THIS STORY WILL BE FREE ON AUG 17, 2022. Kenna has long accepted that no matter what she does, each and every relationship of hers won't last. Meetin...