Prove Me Wrong [TAGLISH]

By bedazzler

21.8K 542 698

Isabella Stephens - someone whom everybody gawks at in disbelief. - How could such beauty exist in... More

Chapter 1 [Where It All Started]
Chapter 2 [Wrong Room]
Chapter 3 [Ooopsy!]
Chapter 4 [Meet The Girls]
Chapter 5 [I'm Bloody Screwed]
Chapter 6 [Saved?]
Chapter 7 [Please]
Chapter 8 [We Need A Party]
Chapter 9 [Making Her Boyfriend Jealous]
Chapter 10 [Stupid Tutorial Idea]
Chapter 11 [Tempted]
Chapter 12 [Butterflies In My Stomach]
Chapter 13 [Can't Keep My Eyes Off Of Your Lips]
Chapter 14 [No Visa, No Entry]
Chapter 15 [Run]
Chapter 16 [Heart Attack]
Chapter 17 [Just For Tonight]
Chapter 18 [Charade]
Chapter 19 [Gulat at Galit]
Chapter 20 [Fall In Line]
Chapter 21 [Dumbstruck]
Chapter 22 [Motorbike]
Chapter 23 [Wake Up!]
Chapter 24 [That Party]
Chapter 25 [Veritas]
Chapter 26 [Prove Me Wrong]
Chapter 28 [Finally]
Chapter 29 [Trixie and Brigham]
Chapter 31 [One Week of Misery]
Chapter 32 [The Devil]
Chapter 33 [You, Not Her]

Chapter 30 [Insecurities]

317 15 18
By bedazzler

Chapter 30                           

Brigham

The problem about Nina’s boyfriend is that, huli na nga sa eksena, hindi pa aamin. Natagalan siya ng areglo doon lalo na’t sumisigaw si Nina ng, “Justice! I must cut his penis!”  If that’s the rule sa buong mundo, he doubts if may magtataksil pa na lalaki.

Another thing is may tinatakbuhan si Missy. Pinapa-hunting nito sa mga bodyguards nito pero according sa guest list, si Izzy mismo ang nagsulat ng pangalan ng tinatakbuhan nitong anak ng vice mayor. Ngayon, si Izzy ang hinahanap nito. Which as of the moment, in his opinion, imposibleng mahanap nito since nasa sulok at tuktok ito ng bahay ngayon.

He almost grinned when he learned what is happening sa rooftop. Every minute binibigyan siya ng feedback kung ano na ang nangyayari. Yung Deiderick talaga na iyon. Umiling na lang siya. Gusto niya mang alisin ang mga naka-assign na mga mata niya doon, ayaw niya namang malagay sa peligro ang buhay ng anak ng amo niya. Hindi lang siya malalagot kay Mr. Stephens. Malalagot din siya kay Trixie.

Speaking of Trixie, she’s determined to ignore him. Okay lang sa kanya. As long as walang lalakeng dumidikit dito gaya ngayon.

“Number Two, get that wimp with Trixie out of my sight and secure her for the rest of the night. And just get Latrosses’s son out of his hiding place. I’m getting tired of waiting for him to come out.” Utos niya sa second in command niya.

Deiderick

Her mouth was so soft, pliable, willing — damn, could she kiss. She moaned again at he nearly tore her clothes right then and there. Discipline was out of the question. Ni galit man siya o hindi, malayo sa utak niya ang disiplina kapag si Isabella ang involved.

She giggled kaya huminto siya sa pag-atake sa masarap na labi nito at kunot ang noo niyang tiningnan ito and smiled nang nakita ang ayos nito. Damn right, she should look breathless and should blush. He grinned at ramdam din ang pamumula ng mukha niya kaya’t nagtawanan sila. God it’s so easy to laugh with her.

They did not go awkward on each other. Bloody hell, hindi niya man lang inisip ang magiging changes pag hinalikan niya ito. Just like kanina sa naunsyaming session sa hagdan. At least doon, napigilan pa nito ang muntik nang mangyari pero siya, two consecutive careless decisions na ang ginawa niya. Pero hindi ibig sabihing pinagsisisihan niya ang nangyari.

“Not bad for a starter, huh?” Sabi nito. Ramdam niya ang pag-init uli ng mukha niya.  This woman just doesn’t know what etiquette is. Pero may etiquette ba para sa mga katatapos lang maghalikan? Damn! Hindi niya alam ang mga ganitong bagay. Just give him an exam about Renaissance huwag lang intindihin ang unwritten rules about sa etiquette ng kakahalikan lang.

Umiling-iling na lang siya at hinalikan ang ilong nito. “You just can’t help embarrassing people, don’t you?”

“So nahihiya ka?” May ngiting naglalaro sa gilid ng labi nito na gusto niya na lang tapusin ang pinag-uusapan nila and get back to kissing her.

He rolled his eyes para hindi na siya maengganyo sa pinaplano ng utak niya. “Not a bit. I stopped caring what other people thinks a long time ago.”

“Was it easy?” She curiously asked.

“Not caring? I got used to it.”

“I told you before. Hindi importante ang ibang tao. Ang importante ang sarili mo. Other people can just fuck off.”

He stiffened. Realization hit him. Yeah, sinabi na nito yung linyang yun noon. That’s it. Yun ang dahilan. Sa Paris, nang sinabi nito ang linyang yun, that’s when everything changed. Nagbago ang paningin niya dito. There was more respect because he learned that she was not shallow after all. That line changed everything. That line changed a decade of childish dispute.

“Do you enjoy locking yourself up para magbasa lang ng libro o humarap lang sa computer o laptop mo?” Tanong ulit nito but continued caressing his lips gamit ang hintuturo nito.

“I do.” Tipid niyang sagot. Iniisip niya pa kasi kung paano ibabalik sa dati lahat. Pero hindi na yata. Hindi niya ma-u-undo ang halik nila. Nakaka-distract din and ginagawa ng daliri nito sa lips niya. He bit her finger gently.

“Why?” Tanong ulit nito na nakatingin ng taimtim sa mukha niya. Tinanggal na nito ang daliri nito at inilagay ang kamay nito sa chest niya. Umiwas siya ng tingin. She can make him feel like a specimen sa microscope with her stare.

Iniba niya ang posisyon nila. Umalis siya sa pagkakapatong dito and humiga sa tabi nito. Iniangat niya ang ulo nito para ihilig sa braso niya. Umusog ito at humiga sa chest niya. He smiled and was happy she can’t see it. She’s not such a witch right now.

“Mula pagkabata Isabella, iyan ang bukambibig mo. ‘Why?’ is you’re trademark question that can always rile me up followed by ‘So what?’”

“We’re not going to fight, nerd. Pagod ako. Sagutin mo na lang kasi. Nag-e-effort na nga’ng magpakabait, eh.” Kitang-kita niya ang pag-pout nito sa labi nito.

Marahan niya iyong pinitik. “Ihinto mo yan kung ayaw mong… nevermind.” Damn it she’s not doing it on purpose pero gusto niya na ulit itong halikan. He’s turning into a perv. Nakakahawa ba yun? Humugot na lang siya ng hininga. “I enjoy it. Masarap magbasa. You’ll be surprised how much data a book can input in your mind. How much they can totally change your life dahil iniba nito ang pananaw mo sa buhay.”

“You do sound obsessed with it. I hate reading though.” Sabi nito habang nakapikit. It gave him time to study her features. Long lashes. High cheek bones. Matangos na ilong. And one hell of a very addictive lips.

“Stop pouting Isabella. You look like a platypus.” He did not mean to snap. Nawawala lang ang konsentrasyon niya sa topic dahil sa ginagawa nito sa labi nito. “You’ll love reading.”

“If I look like a platypus, then bakit hindi mo matanggal-tanggal yang mata mo sa lips ko?” Hamon nito sa kanya habang nanatili pa ring nakapikit. How the hell did she know? “Alam mong I’ll be a pain in your arse kapag magtu-tutor ka na.”

He smiled then. It’s so easy to be angry at her pero ang dali-dali ding ngumiti sa harap nito. “Arse huh?”

“Yup. Arrrrse.” Sabi nito na umakto pang nangangalmot ang kamay then giggled. That’s the sixteen year old face. Kung totally tanggal na ang make-up nito then masasabi niya nang ito na nga ang pinaka-… “If you love reading so much, I’ll suggest you read my favorite book.”

Ayaw niya nang tapusin ang muntik niya nang maisip kanina. “What book? You don’t read.”

“I said I hate reading. Hindi ko sinabing hindi ako nagbabasa.” And then she pouted again.

Ipinikit niya na lang ang mga mata niya. Too much temptation at hindi niya alam kung magpapahalik pa ulit ito. Maaaring pumayag lang ito para turuan siyang humalik. DAMN! Ngayon tuloy gusto niya na itong tanungin how was his performance. Tsk. Baka first time niyang hindi nakakuha ng A+. Oh hell.

He looked at her face. “What book? I’m sure nabasa ko na yun and we can both discuss it.” Kampante niyang sabi.

Tiningnan din siya nito and then smirked. Puno ng kapilyahan ang tawa nito. Uh-oh.  “Oh yeah. I’m sure nabasa mo na yun. Sige, let’s discuss Kama Sutra.”

Bloody hell.

He growled and in a second, he’s kissing her again.

~~

“So when do you expect uuwi si Tito Isidore?” Tanong niya dito habang nakahiga ito sa braso niya at ang mukha nito ay nasa dibdib niya.

“Probably next week. May inasikaso lang siya sa Russia this week kaya hindi siya nakauwi.”

“I thought Ireland?”

“Pagkatapos ng problema sa Ireland, pumunta na siya ng Russia.”

“Uhuh? So bakit the last time yung area code ng call niya, he was in the Philippines?”

She stiffened. “Pardon?”

“I said yung area code niya.”

“And then?”

“He’s in the-”

“Philippines?”

“Oo. Anything wrong?” Tanong niya dito.

“Anong ginagawa- Nevermind.” Putol nito sa mga sasabihin pa nito at pumikit ulit. Ramdam niyang tensed ang buong katawan nito. Hindi niya alam ano sa sinabi niya ang nag-trigger.

“Why?” Tanong niya.

“Don’t.”

“Isabella, why?”

“Huwag kang makialam Deiderick, okay?”

“Something’s wrong with you at gusto kong malaman why?”

Bigla itong bumangon at masamang tumingin sa kanya. “It doesn’t mean that we made out a few times you can dig my past. You don’t expect me to spill it to you after just a night of making out. Ano na lang if we have sex? You want to write a biography-”

Hinila niya ang kamay nitong idinuduro nito sa kanya at pinahiga ulit sa chest niya.

“Don’t ask me why again.” Nanginginig nitong sabi.

“I’m not-”

“Good.”

“-promising.” Dugtong niya sa naputol na sasabihin. “Just one more question.”

“Oh come on…” She groaned.

“Isa lang.” Pilit niya.

“Hindi ko kailangang sagutin.” Matigas nitong saad.

“So… you think your Mom’s in the Philippines, huh?”

Silence.

And then she crawled on top of him and kissed him fiercely.

Definitely the best way to shut a nerd up.

Gusto niyo ng proof?

Hindi niya na nga maalala ano ang tanong niya, eh.

~~

Izzy

“When did she leave?” Tanong nito. Rinig niya ang alinlangan sa boses nito pero bilib din talaga siya sa fighting spirit nito. Hindi humihinto hangga’t ‘di nakukuha ang gusto.

She has two choices. One, iwanan ito. Two, magbingi-bingihan. Both choices, ang resulta, delete ang nangyari ngayong gabi. She better act mature because though she hates to admit it something is at stake here. Some kind of a truce. Ayaw niyang umakto na walang nagbago. Gusto niya ang nagbago sa kanila. But she’s scared. And hindi siya sanay matakot. Ayaw niyang mag-open up basta-basta. Ganun ba yun? Kapg naghalikan, may karapatan na agad ito mang-ungkat ng ibinaon niya na? Hindi naman ganun ang mga exes niya. Damn this nerd. She wants his kisses but this is a complication she doesn’t want.

“Alam mong hahalikan lang ulit kita para hindi matuloy ang interrogation mo. Sinasadya mo yata.” Sagot niya.

“Trust me, as much as I wanna kiss you again, mas pipiliin kong marinig kung ano talaga ang nangyari. What I learned from your dream, parang sa Mom mo lahat nagsimula yang mga baluktot mong paniniwala.”

“I. Do. Not. Have. A. Mom.” Galit niyang emphasize sa bawat syllable.

“Oh yeah, si Tito pala ang nagbuntis sayo.” Sarkastiko nitong sagot.

“That sounded so wrong. Tsk. Tsk.”

Natawa din ito at ginulo ang buhok niya.  Bigla itong tumahimik atsaka ngumiti. She almost stopped breathing. Ito yung ngiti nitong genuine at hindi pilit o nang-iinsulto. “Thanks.” He said.

“For what?”

“For Trixie’s first day.”

And she smiled back. A thank you and a sorry in one night galing kay Deiderick. She’s one hell of a lucky bitch. Maybe, just this answer would satisfy his curiosity. “I was old enough to know she’s not coming back, nerd. Now stop asking.”

And they talked and talked and talked. Maraming tanong na nasagot. Veritas night na natupad. Pero pareho na nilang iniwasan ang topic tungkol sa babaeng matagal na nilang kinalimutan ng Dad niya. O siya lang nga ba? Hinahanap ba ito ng Dad niya?

~~

Deiderick

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at pinisil-pisil at niyugyog. “Who would have thought you could be adorable when you’re not glaring?”

“Hindi ka talaga maka-survive na hindi ako insultuhin for a night? God woman, the only time you don’t insult me is when I’m kissing you.” Simangot niya dito.

Natulala ito sandali at nahihiyang tumingin sa kanya. “We really did, didn’t we?”

He inwardly cringed. Nagsisisi ba ito? And whoa! Bakit nahihiya ito?

Is she ashamed na hinalikan niya ako?

He prayed. Sana hindi. Pero insecurity gnawed him na hindi niya naramdaman bago tong nangyari sa kanila.

~~

Izzy

Hindi niya napansin ang unti-unting pagtahimik nito. Hindi niya napansin na hindi na gumagalaw para magpakalma sa kanya ang kamay nitong humihimas sa braso niya kanina. How could she notice? She’s just been to cloud nine with him.

Merong bago sa halik nila na hindi niya naramdaman sa iba. And now alam niya na ano yun. With him, alam niyang hindi ito magta-take advantage. Alam niyang safe siya. Clark was a possessive guy at super protective pero never niyang naramdamang safe siya.

 Alam niya din kung ano pa ang bago. The knowledge that he would not want her after the kiss creeped. Gusto lang nito patunayan sa kanya na hindi ito bading. Of course alam niya na hindi naman talaga ito bading. Hindi niya lang talaga mapigilan ang saririling inisin ito.

Tumikhim ito kaya napalingon siya dito.

“I guess kailangan na kitang patulugin. Its way past midnight and after the heartbreak you’ve just been through I think you deserve oversleeping.”

There was a formality sa boses nito na pakiramdam niya estudyante siya and professor ito at bawal ang sumuway dito. Tinanong niya ang sarili niya kung ano ang nagawa niyang mali. Surely may nag-trigger sa pagbalik ng stiff na nerd sa harap niya pero wala siyang maisip. This was not the person she kissed. Ang hinalikan niya was a sensitive, playful, and passionate guy. This guy is cold.

“Okay,” sagot niya.

Tumayo na sila at maginoo siya nitong pinauna sa paglalakad. Again, too formal. Bago pa man niya mailabas ang ulo pabalik sa bahay, pabalik sa reality, hinarap niya ito.

Nawala bigla ang pinagsamahan nila ng ilang oras. Base sa ekspresyong gamit nito, kasali na ulit siya sa mundong “he doesn’t care what they think of him”. She desperately wants the guy she kissed back.

Naghintay siyang tingnan siya nito sa mata bago siya nagsalita. “Dei, I need to tell you something first.”

He tensed and then exhaled. His eyes turned so hard she wants to cower. “Hindi mo na ako kailangang paalalahanan. I remember the rule. What happens here stays here.” Lumusot na ito sa bintana without waiting for her.

At ang akala niyang wala ng mas hihigit pa sa sakit, she heard him add. “And don’t call me nicknames. We haven’t given each other that privilege.”

It was like a slap. Wake up call kumbaga of how apart they were before this. The kiss changed nothing. If truth be told, it made everything worse.

Continue Reading