BOOK 2 - SERENITY

By koorum

3.7K 194 8

"About your condition, no man will ever agree on that unless you make love with them first." - Moon Fonrer In... More

TITLE PAGE
EPIGRAPH
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
POSTFACE
NEXT SERIES

CHAPTER 15

112 7 1
By koorum

KEN FAMILY HOUSE

Bagsak na ang dilim. Mula sa pinanggalingan ay dumiretso sa tirahan ng ama.

Sabi ng kasambahay ay nasa study room ito. Kumatok at nang marinig ang sagot ay pumasok sa loob. Naabutan itong nakaupo sa harap ng lamesa at may binabasang libro.

Tumingin lamang saglit. "Bakit ka nandito?"

"Sabi ng assistant ko gusto mo raw ako maka-usap."

"Bukas natin pag-usapan sa opisina--"

"May kakilala akong pwede magpagaling sa sakit mo," diretso ko ng sabi ang pakay.

Bumalik ang tingin at mas lalo naging seryoso ang mukha mula nang naabutan.

"How did you know?"

"I am well informed," iyon lamang ang nasabi. Parehas nakatitig sa isa't isa nang hindi nagpapatalo.

"Then your information is incorrect."

"Let me do something for you--"

"Stop this talk, Sophia! Don't talk about it, don't presume anything else, and make sure not to relate that unnecessary thoughts to your mother." Galit na ito.

"No, I am serious this time. Of course, I will not tell her about this, but if you will not agree to my help then I might let it pass this unnecessary thought of mine."

Mas lalong nagalit, binagsak ang hawak na libro at binaba ang eyeglasses na suot.

"What are you talking about this time? Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo? Are you disobeying me now? Are you not going to stop or I will let you take a step out of this house?!"

"I will not stop until I make sure that you will get medication from someone I know," sa kalmadong boses.

"Then I have no choice." Tinawagan ang security.

"Bakit ayaw niyo magpagamot pa? Wala naman masama subukan ulit."

Hindi nagsalita at parang walang nangyaring bumalik sa libro ang atensyon at nagbasa muli. Narinig mula sa labas ang ilang security papunta sa kwartong ito. Mula sa mga yabag ay nahulaan apat ang paparating. Sakto ang hula nang bumukas ang pintuan at pumasok ang mga ito.

"Bakit po, sir?"

"Palabasin niyo si Sophia at siguraduhing hindi na tatapak pa ang mga paa niya sa tahanang ito," malakas at malamig ang boses.

Sumunod sa utos pero lumapit nang may alinlangan.

"Huwag niyo ako hawakan," sabi ko sa kanila sa mahinahon na pananalita.

Tumigil sa gagawin sana pero matalim ang titig sa kanila ng Boss nila kaya pwersahang humawak ang isa sa kamay at braso. Ganoon din ang isa sa kabila.

"Halika na, Miss Sophia."

"I told you, huwag niyo akong hahawakan." Pagkasabi ay isang segundo lamang ay bumagsak ang dalawa nang sabay pero hindi inalis ang kamalayan.

Namimilipit sa sakit ang mga ito samantalang ang dalawa pa ay nakatayo at hindi malaman ang gagawin, nabigla sa nasaksihan.

Tumayo ako ng tuwid sa harapan ng ama. "Please Dad, think over what I've said."

Ang mahinahong mukha ng ama ay napalitan ng pagkabigla katulad ng mga tagabantay niya.

"Hihintayin ko ang sagot niyo. Sana sa lalong madaling panahon." Saka yumuko bilang paggalang bago umalis sa harapan nito.

💛💛💛

SILENT ROOM

Sa paligid ay nagkalat ang mga gamit sa pagpinta.

Hindi pinagkakaabalahan itapon ang mga patapon habang ang mga natapos ay nakasalansan ng maayos sa tabi. Ang nilinis na apartment ay hindi na muli makilala sa gulo.

Nalipat ang pansin sa mga kamay na may bahid ng iba't ibang kulay ng pintura. Ang kamay na inaalagaan noon pa kahit madumi. Sa mga nakaraang buwan ay palaging malinis habang nasa opisina. Napangiti ng mapait sa mga nakaraang pangyayari. Naalala ang dahilan kung bakit pumasok sa opisina at gawin ang mga hindi naman gawain noon.

Umalis sa pagiging malaya sa pagpipinta. Ngayon ay muling binalikan ang pinakagusto gawin sa bawat oras.

Ngayon bumalik na sa dati, bakit ang puso ay may nararamdaman lungkot? Sa paraang may kulang sa desisyon ngayon at sa nangyayari.

Humiga sa malamig na sahig at tumitig sa kisame. Inisip kung ano ang kulang o kung ito nga ba talaga ang pinakagusto mangyari.

Naabala ang daloy ng patutunguhan ng isip dahil sa pagtunog ng cellphone. Kinuha iyon sa bulsa at ang ama ang caller. Sinagot ang tawag dahil ang ina naman ang susunod mangungulit kapag hindi ginawa.

"Moon, don't forget the wedding of Star the day after tomorrow."

"I have many things to finish--"

"Please tell your wife about it. It's in Isla Sapira."

"She has a busy schedule."

"It's a family occasion. Just remind her if she forgot."

Tatanggi pa sana pero may paraan ito.

"Your mother and I will go first tomorrow. Your cousins will come and get the both of you. They rented a boat. Be with them for less hassle."

Marunong naman pumunta mag-isa. Kung noon ay malaya at hindi mahagilap ng mga ito, ngayon ay bumabawi sa pagkahigpit.

Napangiti sa sitwasyon.

Nang matapos ang tawag ay ginawang tumayo at humarap sa maayos na pagkakaayos ng mga tapos ng painting. Isa isa pinakatitigan. Ito ang mga natapos noon pa sa loob ng isang taon pagtatrabaho sa negosyo ng pamilya. Ang bawat isa ay mukha ng mga babaeng nakilala. Ipininta sa mga oras na nakakasama ang mga ito. Handang pumayag maipinta ang sarili nila para sa katulad kong pintor.

Ang kapalit?

Naalala ang mga ipinalit sa mga nakilalang babae makuha ko lamang ang nais.

Pero may isang kusang iginuhit. Ang nasa harapan ko ngayon. Sinabing itatapon na ito pero hindi ginawa.

Kumuha ng charcoal pencil at inilagay sa ibabang bahagi ang signature. Pinakatitigan muli iyon at inilagay din ang initial ng pangalan ng nasa larawan sa ibaba ng signature.

Ang sumunod ay may bigat na pumatong sa loob ng dibdib.

💛💛💛

KEN SHIPPING EMPIRE

"He backed off, Sophia."

Napatitig sa mukha mula sa salamin, tumigil sa pag-aayos ng sarili. "What purpose?"

"Maybe because he's hopeless."

"Then let's hope for the better. Pinalayas niya pala ako kahapon, I can't read why he's angry."

"Maybe because he wanted to keep it a secret then you found out."

"Siguro nga," sa mahina kong boses.

"Will you still try to convince him?"

"I will." Susubukan mamaya. "Thanks for the help."

"Yeah, see you."

Pagkatapos ayusin ang sarili ay bumalik sa pinag-aaralan kanina. Ang pinag-aaralan ay ang lahat ng mga ari-arian ng ama. Lingid sa kaalaman nito ay pinaghandaan na ng sarili ang pasikot sikot sa negosyo ng pamilya. Hinanda noon pa maging bihasa sa larangan na ito.

Dahil sa maraming dahilan.

Lahat ng systems at connection ng negosyo nito ay ginawang pasukin para kumuha ng impormasyon. Pati ang mahihigpit na kalaban sa negosyo ay inalam at kahit ang mga kliyente, mabuti man o masama ang pakay ay pinag-aralan lahat. Sa araw araw ay isa ito sa pinagkakaabalahan sa isang tabi. Simpleng pamamaraan nang walang nakakapansin.

Kaya nakapagtayo ng sariling negosyo dahil sa mga natutunang estilo mula sa ama.

Mula umpisa ay patago gumalaw. Hindi na iyon mangyayari ngayon dahil sa nakaabang na banta. Ito ang kinakaharap ngayon ng isang Roi Ken pero dahil sa sakit na sumisira sa konsentrasyon nito ay humihina ang depensa. Nalaman dahil ang ginagawang aksyon ay hindi sapat para labanan ang mga nagtatangka sa posisyon.

Lagot sa akin ang mga tusong iyon.

Mula sa unit ay dumiretso mismo sa negosyo ng ama. Pinigilan ng ilan nang tangkang pumasok sa pasilyo papunta ng conference room.

"Nasa importanteng meeting siya ngayon, Miss Sophia."

"Board Meeting? Kanina pa ba nag-uumpisa?" Balewalang tanong habang sumilip sa suot na relos.

"Fifteen minutes na po ang nakakalipas."

"Thanks." Humakbang papunta sa direksyon na iyon.

Pinigilan muli. "Miss Sophia, siguradong magagalit ang ama niyo kapag nakita kayo sa meeting niya."

"Kasama po ako sa meeting niya." Balewalang naglakad palayo at hindi na pinigilan.

Nang makarating sa pakay ay kumatok ng tatlong beses at pumasok sa binuksang pintuan. Puno ng executives ang malawak na loob. Bawat isa sa mga naka-upo ay masasabing may mataas na antas ng pamumuhay ayon sa kanilang pananamit at kung paano magbigay ng tingin. Nakaupo sila sa harap ng lamesang mahaba habang nasa likod ang mga kaagapay.

Mabilis pinagmasdan ang nagaganap. Ngayon ang tinatawag nilang voting para alisin sa pwesto ang director at kasunod ang hahalili sa posisyon.

Exactly right.

"Dear Sophia, what brought you here?"

Isang acquaintance ng pamilya na pinakilala sa party noon. Hindi ito banta sa negosyo.

"This is the first time you invited someone in your family to be here, Roi," sabi ng lalakeng malayong kamag-anak ng ina.

Mataas ang share nito sa kompanya halos maabot na ngayon ang katulad ng kay Roi Ken. Ito ang leader ng oposisyon.

Ang upuan ng ama ay malapit lamang sa kinatatayuan pagkapasok. Hindi nagbigay ng tingin pero mahinahon ang anyo. Nagpapakita ng hinahon sa gitna ng problema.

"We are in the middle of this meeting, Sophia. If you want to talk to your father you could make it after this," sabi ng assistant ng ama pagkalapit nito.

"I'm here not to talk to him, but to sit on that vacant seat," sabay turo ko sa kaisa-isang bakanteng upuan sa kabilang dako kaharap mismo sa pwesto ng ama. Saka humakbang papunta sa sinabing upuan.

Katahimikan ang naroroon. Lahat ng pares ng mga mata ay sinundan ako hanggang makaupo.

"I'm sorry Sophia for saying this, that seat belongs to someone else. Please don't sit on that chair," sabi ng pinakamalapit na executive.

Really? Ganoon kadakila ang tingin nila sa upuang ito? Upuan ni Froiland? O kay Froiland mismo.

"Anong ibig sabihin nito, Roi? Bakit nandito ang anak mo?"

Ang titig ng ama ay sumalubong iyon sa akin. Seryoso ang mukha at hindi mabasa ang ekspresyon pero nahahalata ang pisngi na nagiging maputla sa kabila ng kaputian.

Nagsalita sa katamtamang lakas ng boses nang walang pagmamadali, "That is her seat. She has all the rights for it."

Natigilan ang sarili sa sinabi ng ama. Alam nito?

"What do you mean she has the right for it?" Tanong pa ng isang executive.

Nabawi ang saglit na pagkabigla. Ako ang sumagot sa tanong, "The number of my shares is equivalent to all of your shares in this company."

Makalipas ang dalawang segundo ay marami ng reaksyon. Nonsense.

"What?"

"How come?"

"That's absurd!"

"This is not funny."

"Mr. Froiland Weslee is the major shareholder. If we are wrong then speak the explanation for this."

Sinabi ang nasa isip, "I'm Sophia Ken, the major shareholder of this company. I have forty-three point three percent shares. Mr. Weslee is the one who represents my front, working on my behalf. He acted for me for the past years. I will not disclose the purposes behind but I will let you assume it is for my security purposes and privacy. If you have questions about the documents, you could check them over. Mr. Weslee is willing to show his evidence and also mine."

Lahat sila ay napatigil at ang ilan ay hindi makapaniwala ang kaanyuan.

"Please proceed to the meeting. I will not interfere if I'm not needed," sabi ko.

May mga nagkanya-kanya ng bulungan at usapan. May iba ay hindi pa rin makapaniwala at napatitig sa kawalan. Mayroon din walang pakialam.

Lalo na ang mga taong may lihim na gagawin, namutla ang mga ito at hindi alam ang sunod gagawin.

Dahil sobrang napakalaki ng shares ko sa paningin nila. Mas lalo pa nang nagsimulang ibenta ng ama ang ibang shares nito kay Froiland pero sa akin lahat ang bagsak. Ang makakuha lamang ng isang porsyento ay hundreds of millions ang halaga.

Binigyan ako ng kopya para sa magaganap na meeting at nakasulat ang agenda. Ang oras na ito ay para sa voting system. Hinahayaan sila noon ni Froiland sa botohan. Si Roi Ken ang sumunod sa pinakamataas kaya ito ang Director at namumuno. Pero ngayon ay naiba ang sitwasyon.

Ang ibang naroon ay pasimpleng minamasdan ako at tinatapunan ng tingin. Naging tahimik ang sarili sa proceedings at inoobserbahan ang mga nagaganap.

Sa forty-two board members, dalawapu't isa ang nakuhang panig para kay Roi Ken na hindi ito matanggal sa pwesto samantalang dalawampu naman sa malayong kamag-anak ng ina.

Sa kalkulasyon kanina ay nasa sampu lamang. Bakit kaya dumagdag ng labing-isa? Nagbago ang isip? Kung magbibigay ako ng boto sa kabilang panig ay magiging pantay ang magkabila.

"Miss Sophia, your vote decision, please?" Sabi ng namamahala sa botohan.

Ibinigay dito ang ang nararapat.

Ilang segundo pa ng ibinigay ang anunsyo. "The legalities of the votes to remove Mr. Roi Ken as the Director of Ken Shipping Empire is decline. Twenty-two votes to sojourn and twenty votes for removal."

Kitang kita ang mga layunin sa mukha ng bawat isa.

"Miss Sophia, do you have any prepositions to include? It is highly recommended."

"Nothing, I just wanted to make sure that my father's position remains to him. That's why I'm here," mas maganda ng direct to the point.

Para matapos na ito lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
532K 16.1K 45
Series 3 ZOLDIC LEGACY SERIES Highest Rank on Vampire Genre #10
264K 8K 33
Series 4 Zoldic Legacy Series