Your Maid [Completed]

By NotLikeNobody

137K 3.2K 100

Si Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito a... More

Announcement
Prologue
Your Maid 1
Your Maid 2
Your Maid 3
Your Maid 4
Your Maid 5
Your Maid 6
Your Maid 7
Your Maid 8
Your Maid 9
Your Maid 10
Your Maid 11
Your Maid 12
Your Maid 13
Your Maid 14
Your Maid 15
Your Maid 16
Your Maid 17
Your Maid 18
Your Maid 19
Your Maid 20
Your Maid 21
Your Maid 22
Your Maid 23
Your Maid 24
Your Maid 25
Your Maid 26
Your Maid 28
Your Maid 29
Your Maid 30
Your Maid 31
Your Maid 32
Your Maid 33
Your Maid 34
Your Maid 35
Your Maid 36
Your Maid 37
Your Maid 38
Your Maid 39
Your Maid 40
Your Maid 41
Your Maid 42
Your Maid 43
Your Maid 44
Your Maid 45
Your Maid 46
Your Maid 47
Your Maid 48
Your Maid 49
Your Maid 50
Epilogue
THANK YOU!

Your Maid 27

1.6K 54 1
By NotLikeNobody

Dinner.

"Oh, he is layla's crush."

Napatingin ako kay mika. Nakangiti lang siya sa akin na parang kinikilig. Akala mo naman talaga walang ginawang issue sa akin noon.

Kumunot noo ko habang pinagmamasdan si min na nakatingin ng seryoso kay andoy. Ano problema nun? Kung makatingin kay andoy akala mo may atraso sa kaniya.

"Lalay, kumus-- oh, bakit ganiyan mukha mo?" Napaharap ako kay andoy habang nakakunot ang noo kaya dahan dahang magbigay ako ng hilaw na ngiti.

"Ay, sorry may iniisip lang. Okay lang ako, ikaw ba?" Napasulyap ako kila mika ay nag uusap na sila habang nakakapit parin si mika kay min. Hinayaan ko nalang sila doon tsaka ko hinila si andoy palabas ng palengke.

"Eto, kinakaya kahit mahirap." Ngumiti si andoy sa akin na halos masilaw ako sa ngipin niyang makintab at kulay puti na pantay pantay.

Mas pumuti siya at mas kumisig ang pangangatawan. Di parin maipagkakailang may ibang lahi si andoy pero kahit ganoon ay gentleman siya at mabait sa lahat ng tao. Kaya ko nga siya naging crush.

Ngumiti nalang ako bilang tugon.

"Babalik ka pa ba ng korea?" Pag iiba niya ng usapan nang hindi na ako sumagot. Alam ko naman kasi na mahirap mag aral talaga at hindi iyon biro.

"Oo eh, bakasyon lang ako dito ng isang linggo." Tumango naman si andoy habang nakangiti pa rin. Ang gwapo talaga ng isang 'to, lalo na pag nakatingin sayo at nakangiti. Kaya hindi talaga nakakapagtaka kung bakit crush na crush siya ng mga kababaihan dito sa baryo.

"Ah oo nga pala, pumunta ka na ba kay mama? Imbitahan sana kita na doon na mananghalian, nandoon rin si mom at dad. Nagbakasyon lang naman sila dito para bumisita kay lola." Sunod sunod na saad ni andoy sa akin habang nanatiling nakangiti at nakalabas ang dimples at mapuputing ngipin.

Napatulala ako, teka.. nandoon sila tita flor at asawa niya, sinamahan nila si nanay lidya? Hindi ko alam ang irereact ko, kung sana ay crush ko pa rin siya ay mabilis pa sa alas kwatro akong tumango.

"Ah hindi pa eh kahapon lang kasi ako umuwi. Naku andoy nakakahiya, huwag na. Bonding din kasi iyon ng pamilya mo dahil minsan lang makabisita ang magulang mo kay nanay lidya. Maraming salamat sa imbita" kumakamot ako ng ulo hindi dahil makati ang ulo ko o may kuto, kundi sa hiya.

"Sige na lalay, aalis ka pa naman eh. Kapag nalaman ni mama na umuwi ka ng pinas at hindi manlang nakipagkita sa kaniya ay siguradong magtatampo iyon." Bigla naman akong napaisip kung sasama ba ako o hindi, pero kasi nakakahiya talaga lalo na at ako lang ang inimbitahan.

Habang nag iisip, nakita ko ang paglapit ni mika at min sa kinaroroonan namin. Ngiting ngiti si mika at si min ay nakangiti din na para bang sobrang close sila. Nanatiling nakakapit si mika sa braso ni min.

Hindi ko alam kung bakit nakakakuha ako ng lakas ng loob para masaktan sa taong gusto ko na malabo naman na maging kami. Kahit alam kong wala akong karapatan sa bawat kilos ko katulad ng ginagawa ni mika kay min. Sabagay sino ba naman ako? Katulong ka lang naman layla kaya wag ka magpantasya.

Si mika, hindi niya naman alam na mag girlfriend si min. Tsaka ano pang pakialam ko? Malamang, gusto ko yung taong kinakapitan ni mika ngayon. Sana nagagawa ko rin yan kay min.

Nag iwas ako ng tingin at tumingin kay andoy.

"Uhm, sige." Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko para pumayag bigla, siguro ay ayoko lang na makita sila mika at min na ganoon.

Napangiti sa akin muli si andoy at nakangiti rin ako habang nakakagat labi, hindi ako sure pero magpapaalam nalang ako kila inay.

"Yun! Sige layla, mamaya sa bahay nalang ah! May aasikasuhin muna ako. Ingat kayo!" Kumaway nalang ako sa pag alis ni andoy at di na nagsalita.

Tumalikod na ako para magsimulang maglakad pauwi, nakaharap ko si min at mika na nagtatawanan. Nilagpasan ko nalang sila at nagsimula nang maglakad.

"Looks like my friend layla is having a good time with her crush." Narinig kong pang aasar ni mika sakin. Hindi ko naman narinig na sumagot si min sa kaniya.

Hindi ko nalang sila nilingon at nagpatuloy lang sa pagalalakad. Maglilinis pa ako ng bahay para magpa-impress kila itay at payagan akong maghapunan kila andoy at nanay lidya.

Pagkauwi ay umalis na rin si mika dahil nagtext na daw ang nanay niya. Nagpaalam naman ako kay min na sa labas muna siya at maglilinis ako ng bahay. Pagkatapos maglinis ay tagaktak ang pawis ko sa init ng panahon, pinapasok ko na si min at nagkakalikot nalang siya ng cellphone niya. Nagpasiya naman ako maligo wt magbihis ng maayos.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay naroon si min na nakadekwatro pa, napabaling siya sa akin at kumunot noo.

"Really? Cleaning the house then dressing? Where are you going?" Napakunot rin ang noo ko sa sinabi ni min.

"Uhm, my friend invited me to have a dinner with his family." Ani ko habang nagsusuklay, ano naman sa kaniya kung pumunta ako kila andoy diba?

"His.. oh, your crush to impress. Well, enjoy." Walang emosyon na saad niya.

Napatingin ako kay min na nagkibit balikat tsaka tumutok ulit sa cellphone niya.

"Is it okay with you?" Pagpapaalam ko.

"Go ahead, I don't care." Aniya na hindi ako tinapunan ng tingin.

Akala ko ay pagbabawalan ako, hindi pagbabawal katulad ng magkasintahan kundi pagbabawal dahil siya ang amo ko. Ang cold niya rin, parang bumalik yung dating siya, ano ba problema?

Maya maya ay dumating na rin si inay kasama ang dalawa kong kapatid, sinabi kasi ni inay na siya ang magsusundo sa kanila.

Inasikaso ko naman agad si bunso sa pagpapalit ng damit tsaka ako pumunta kay inay.

"Inay, magpapaalam po sana ako kila andoy. Inimbitahan kasi nila ako na doon naghapunan. Nahihiya po akong tanggihan, Okay lang po ba?"

"Ha? Bakit ka pa nagpapaalam? Nagpaalam na si andoy sa akin kanina. Sinabihan ko na tatay mo at pumayag rin siya. Sige na punta ka na doon, kami na bahala sa amo mo." Nagulat ako sa sinabi ni inay.

Ano? Nagpaalam na si andoy? Teka paano? Tsaka ang bilis naman pumayag ni inay?

Biglang tumawa si inay sa pagkakakunot ng noo ko.

"Alam ko naman 'nak na matagal mo nang gusto si andoy. Asus, halata ka na 'nak." May halong pang aasar ang boses ni inay. Kung crush ko parin si andoy baka yakapin ko si inay sa sobrang tuwa dahil sa supportive niya.

"Inay, matagal ko na rin po hindi crush si andoy. Huwag niyo po bigyan ng malisya, si nanay lidya nag imbita po sakin." Paliwanag ko, ngunit imbis na maniwala siya ay mas lalo niya akong tinutukso dahil dine-deny ko pa daw eh bihis na bihis naman daw ako.

Gusto ko sampalin ang sarili ko bakit kasi nagdress pa ako eh malapit lang naman bahay nila nanay lidya, ayan tuloy nagkakamalisya. Sinakyan ko nalang para matigil na si inay sa pang aasar niya.

Bago pa ako makaalis ng bahay ay sinundan ako ng tingin ni min ngunit wala naman siyang sinabi sa akin. Nagkibit balikat nalang ako at naglakad na.

"Tao po" doorbell ko sa bahay nila andoy. Oo, may kaya sila kaya naka-door bell, pero kahit ganoon ay hindi nila ipinagmamalaki iyon kundi madalas pa silang tumulong sa taong nangangailangan.

"Layla, apo! Ikaw pala iyan, buti dumating ka. Na-miss kita apo!" Niyakap ako ni nanay lidya pagkasalubong niya sakin sa gate, niyakap ko rin siya pabalik at nginitian.

Mabait talaga si lola, pinahiram si itay ng cellphone para ma-contact ako, pati na rin ang pagbibigay niya ng pagkain sa mga kapatid ko. Kaya itinuturing niya na rin kaming tunay na apo.

"Salamat po, 'la. Miss ko rin po kayo! Kumusta na po kayo?" Ngiting ngiti ako kay nanay lidya, nakangiti din siya sa akin.

Si nanay lidya ang lola na ayaw magpa-mano kasi nakakasawa daw, ewan ko ano trip ni lola basta gusto niya yakap lang.

"Eto okay naman, malakas parin! Ay naku mamaya na tayo mag tsismisan, kain muna tayo. Tuloy ka!" Isinara ni nanay lidya ang gate nila tsaka ako hinatid sa loob.

Pagkapasok ko sa loob at natanaw ko agad ang kusina. Kakalapag palang ni tita flor ng mga plato at kubyertos, habang si andoy at ang tatay niya ay nakaupo na.

"Oh andyan ka na pala layla, kain tayo" ani ni tita flor.

Napatingin sa akin ang mag ama tsaka ngumiti. Ngumiti si andoy sa akin na kahit malayo palang ay kita agad ang dimples, ang gwapo talaga niya kahit simpleng tee shirt ang suot.

Para siyang si min, kahit pang mukhang dukha ang ipasuot, sa kanila mukhang fashion. Kainis! Napaka-unfair ng mundo pero mas nakakainis kung bakit si min parin ang laman ng isip ko.

Tumayo si andoy at lumapit sa amin habang di parin matigil ang paglabas ng dimples niya.

"Tara layla!" Aya sa akin ni andoy. Tumango naman ako at ngumiti pabalik.

Nauna na si nanay lidya maglakad papuntang hapag kainan at sumunod naman kami.

"Thank you sa pagpunta, lalay. Masaya na si mama." Biglang bumulong sa akin si andoy habang naglalakad.

Bukod sa pamilya ko ay siya rin nakakaalam ng palayaw ko, dahil nga bata palang kami ay magkakilala na kami hanggang sa eskwelahan. Kaya nga alam ko rin ang palayaw niya

"Salamat din sa imbita." Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

Napasada ang mata ko sa bahay nila. Nag iba ang mga pwesto ng gamit, nagkaroon ng chandelier sa sala at dumami pa lalo ang picture frame nila dito kung saan mga picture ni andoy noong bata pa siya at ngayong malaki na siya. Nag iisang anak lang kasi si andoy, at tulad nga ng sinabi ko ay apo talaga siya ng yumaong kapatid ni nanay lidya na si nanay minda kaya nakay andoy ang lahat ng pagmamahal nila.

Inurong ni andoy ang isang upuan para doon ako makaupo, napaka gentleman talaga. Kikiligin sana ako kung crush ko parin siya, kaso hindi.

Ngumiti ako at nagpasalamat. Nag prisinta na si tita flor na kumain na kami, kaya naman pagkatapos magdasal ay nilagyan ako ni nanay lidya ng kanin at ulam, ang daming nakalagay sa hapag pero dahil sa hiya ay kanin at isang ulam lang ang hiningi ko

"Apo, kumusta naman trabaho mo sa korea?" Tanong ni nanay lidya sa akin, nakita ko naman si tita flor at ang asawa niya na nakikinig sa sasabihin ko.

"Okay naman po, mababait po sila lahat. Kaya nga po ako nakauwi dito dahil pa-birthday gift po sakin ng amo ko."

"Naku buti naman, napakabait nga ng amo mo kung ganoon apo."

"'la, salamat po pala sa pag imbita sa akin dito. Salamat rin po sa pagpapahiram kay itay ng cellphone para ma-contact ako. Pati na rin sa pagiging welcome namin ng mga kapatid ko dito. Malaki po ang utang na loob ko sainyo, salamat po talaga."

Ngumiti lang si nanay tsaka sinabing "ano ka ba, para ka namang iba sa akin. Apo rin kaya kita." Hindi ko na masyado narinig ang binulong ni lola dahil bigla akong kinausap ni andoy.

"Ah lalay--" hindi pa natatapos ni andoy ang sasabihin niya nang magsalita si tita flor.

"Layla, salamat sa pagpunta ha. Masaya itong anak ko dahil sa pagpunta--"

"Mom!" Suway ni andoy sa nanay niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Wag mo na pansinin si mom, lalay." Iyon nalang ang nasabi ni andoy sa akin tsaka ko naman nakita si tita flor at nanay lidya na napapahagikhik.

Binalewala ko nalang at nagpatuloy sa pagkain. Marami pang naitanong sila tita flor at nanay lidya sa akin, pagkatapos kumain ay binigyan pa ako ng uwi nilang cake bilang dessert kaya naman busog na busog ako.

May mga bake pa na cookies si nanay lidya at pinapauwi sa akin para sa mga kapatid ko. Todo nanaman ulit ang pasasalamat ko sa kanila.

"Oh siya, gabi na. Apo ihatid mo na ang apo ko, di siya pwede mag isa at delikado." Paalala ni nanay lidya kay andoy.

"Salamat po ng marami, 'la! Sa susunod po may ibibigay po ako sa inyo hehe." Ani ko tsaka niya ako niyakap at niyakap ko rin siya pabalik.

"Naku wag ka na mag abala, apo." Sagot ni nanay lidya sa akin.

"Basta po 'la, pasasalamat lang po iyon kaya sana tanggapin ninyo po."

"Kung mapilit ka, oh siya sige. Mag iingat kayo mga apo!"

Nagpaalam na ako sa kanila bago umalis. Sinamahan ako ni andoy tulad ng bilin ni nanay lidya.

"Salamat andoy, pero di mo naman kailangan ihatid pa ako. Di naman malayo ang bahay namin." Sabi ko habang diretsong nakatingin sa madilim na kalsada at ang maliliit na poste lang ang siyang ilaw para makota ang makitid na kalsada at ang mga lupa na nakapalibot ay mga taniman.

"Wala iyon lalay tsaka kahit di naman ibilin ni mama ay ihahatid talaga kita. Gabi na kaya." Ngumiti si andoy sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Salamat pala andoy, narinig ko kay itay na ikaw ang tumulong gumawa ng bank account niya." Napangiti naman si andoy, ngumiti rin ako.

"Wala 'yun, masaya akong nakakatulong sa inyo. Hindi na kayo bago sa'kin." Aniya. Tumango naman ako bilang tugon

Sandaling natahimik kami. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang basagin ulit ni andoy ang katahimikan.

"Oo nga pala lalay, gusto ko sana magpasama sayo sa peryahan sa bayan. Bukas na iyon ngayon, hindi na kasi ako nakakapunta doon. Pwede ka ba bukas?" Sunod sunod na tanong ni andoy sa akin. Napaisip naman ako kung may gagawin ba ako bukas.

"Wala naman ako gagawin bukas, kaya.. sige. Pero libre mo ha! Wala akong pera." Tawa ko.

"Malamang, ako nag aya eh" tumawa rin siya.

Nang makarsting sa tapat ng bahay ay hinarap ko si andoy.

"Sobrang salamat sa pagtuloy sakin andoy, salamat rin sa paghatid! Mag iingat ka ha." Ngumiti ako kay andoy.

Ngumiti rin siya at ginulo ang buhok ko.

"Wala 'yun lalay, para sayo syempre malakas ka sakin eh." Tumawa ako sa sinabi niya at sinuntok ng pabiro ang dibdib niya tulad ng dati kapag ginugulo niya ang buhok ko.

"Alis na ako lalay, bye! Bukas ulit!" Kumaway siya kaya kumaway rin ako.

Tinignan ko pa si andoy hanggang sa hindi ko na matanaw, pipihit na sana ako papuntang bahay nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Seems so close huh?" Napalingon ako kay min na nakapamulsa at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Ang mga mata niya ay nagrerepleksyon sa maliwanag na buwan, nakikita ko ang kabuuang mukha niya. Ang ilong na matangos, labing mapula at maputing kutis. Lalo na ang singkit niyang mata at matingkad ang kulay tsokolateng mata na nakatitig sa akin.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag sukatan ng titig dahil alam kong talo ako, isang tingin niya palang ay lumalakas agad ang kabog ng dibdib ko. Ganyan kalakas ang epekto niya sa akin, malala na ang pagkakagusto ko sa kaniya. Na kahit may girlfriend siya ay nagseselos ako, kahit wala akong karapatan. Kahit na nakakausap niya si mika at ako ay hindi ko magawa. Nakakapagselos pero sino ba naman ako? Katulong lang niya.

"Saw you last night struggling. Here's mine, take it." Patuloy ni min at may hinagis sa akin na kung anong bagay bago tumalikod sa akin at pumasok na ng bahay.

Nasalo ko naman ngunit di ko makita. Lumapit pa ako sa bahay kung saan nasasakupan ng ilaw tsaka tinignan ito.

Coin purse pala na kulay itim na plain, nakita niya pala ako noon sa airport na hirap na hirap magbitbit ng barya dahil nasira ang wallet ko.

Binuksan ko ang coin purse at chineck kung may naiwan ba si min dito at maibalik ko. Ngunit wala naman ako ibang nakapa maliban sa isang maliit na puti na tuping papel.

Kinuha ko iyon at tinignan kung may importante bang nakasulat iyon. Ngunit lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sulat na nabasa ko.

Kahit alam kong imposible, kahit alam kong malabo, umaasa pa rin ako na sana ay para sa akin talaga ang piraso ng papel na ito na naglalaman ng salitang 'I love you.'

Continue Reading

You'll Also Like

284K 6K 46
Isang babaeng tindera ang nagkaroon ng isang agreement sa President ng kompanya. Kahit na lagi silang nagkikita hindi nawawala ang kanilang bangayan...
94.6K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
25.1K 1.6K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
6.6K 423 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...