Her Greatest Downfall

gelyenbalm

14.4K 437 122

Raise Acelle Davis was a daughter of the governor in the city. She wasn't an ideal daughter, she's a hardhead... Еще

PROLOGUE
Chapter 1: Ram Sandoval
Chapter 2: One roof
Chapter 3: Cousin
Chapter 4: Messy Day
Chapter 5: Escape
Chapter 6: I have him
Chapter 7: Wrecked
Chapter 8: The living ache
Chapter 9: To Find Me
Chapter 10: Fix the broken
Chapter 11: Go with him
Chapter 13: Ride on
Chapter 14: A sad face brings badluck
Chapter 15: Smell of newly bath
Chapter 16: His First Love
Chapter 17: All about him
Chapter 18: Sunday
Chapter 19: Cold Night
Chapter 20: Heartbeat
Chapter 21: Drunk and drown
Chapter 22: I like you
Chapter 23: A date with other man
Chapter 24: Guard my heart
Chapter 25: Buying gifts to his ex-lover
Chapter 26: Fell on you
Chapter 27: His ex-lover
Chapter 28: Changes
Chapter 29: Drown
Chapter 30: I love you
Chapter 31: Manila home
Chapter 32: He's mad and jealous
Chapter 33: it's over
Chapter 34: Resentment
Chapter 35: Atty. Ram Sandoval
Chapter 36: Heat of anger
Chapter 37: Just an Ex
Chapter 38: The day when she left
Chapter 39: Going back
Chapter 40: He's living with someone
Chapter 41: he can be my home
Chapter 42: Live in
Chapter 43: he's cold
Chapter 44: I hate him
Chapter 45: Unexpected Visitors
Chapter 46: Drunk and Kisses
Chapter 47: Hurt
Chapter 48: The Party and the third party
Chapter 49: Mad and jealous
Chapter 50: Doomed
Chapter 51: His doings for the last two years
Chapter 52: His Explanation
Chapter 53: Seconds to leave
Chapter 54: Under Arrest
Epilogue
NOTES

Chapter 12: Stinky Place

191 9 2
gelyenbalm

HGD12: STINKY PLACE

If no one believes on you, it means you have to strive more not to gain their sympathy but to tell the world silently that you don't need their trust, yourself is enough - Gelyenbalm

ANG MATA ng lahat ay nasaakin. Nakakakaba, parang nakaupo ako sa hotseat. Ang mga mata nila'y di maalis saakin na para bang sa pagkurap nila ay baka mawala ako sa paningin nila.

"Pa. Ma. Baka naiilang si Raise" ani Ram.

Mabuti at kahit papaano ay nakinig ang mga ito kay Ram. Nasa hapag kami at kompleto silang lahat sa tinggin ko. Mula sa Papa ni Ram, sa Mama at ang dalawa nitong kapatid maging ang lolo nito na nakaupo sa wheelchair.

"Ikaw na ba ang anak ni Gov Ashton?" Tanong ng papa ni Ram.

Tumango ako bilang tugon. Lumawak ang ngisi ng mag-asawa na hindi ko malaman kung dapat ba akong matuwa sa ngisi nilang iyon.

"Kung ganon ay ikaw ang girlfriend ni kuya?" Tanong ng babaeng kapatid ni Ram.

"Hindi na masama kuya, maganda sya  pero mukhang mataray" the girl said.

Halos mabulunan ako sa tinuran ng kapatid ni Ram. Napainom ako ng tubig at saka ikinalma ang sarili

Girlfriend? Maganda? Mataray?

Hindi ko maintindihan kung dapat ba akong matuwa sa papuri ng kapatid nya na maganda ako kung kasunod niyon ay sinabihan nya akong mataray.

"Sam, hindi ko girlfriend si Acelle okay?" Sambit ni Ram sa kapatid

His two siblings nod but their eyes was saying that they don't believe on what Ram's told them.

Kumain ako kahit sa totoo lang ay naiilang ako dahil sa bawat subo ko ay may matang tumitinggin saakin.
Naco-concious tuloy ako saking sarili.

"Hija, welcome ka sa aming tahanan. Wag kang mahihiyang magtanong kung may kailangan ka." Sambit ng ama ni Ram.

"Salamat po."

"Ram, inayos ko na kahapon ang tutulugan ni Ace. Doon sya sa kwarto mo kaya tatabi ka sa dalawa mong kapatid" tugon ng ina ni Ram.

Pakiramdam ko ay para akong naging mang-aagaw bigla. Siguro ay naiinis na si Ram saakin ngayon dahil inagaw ko ang kwarto nya.

Tumango si Ram at nagpatuloy sa pagkain.

"Naku hija, bukas ay mamasyal ka rito, magaganda ang tanawin sa lugar namin. Dapat mo iyong masaksihan, lalo ang paglubog ng araw sa karagatan." Ngiting sabi ng papa ni Ram.

"Sya nga pala hija. Kumusta ang iyong Papa?" Tanong nito

"Maayos po si Daddy, nangangandidato ho siguro sya sa mga oras na ito."

"Naku! Sana ay manalo sya. Ipagdarasal namin"

"Salamat po"

"Pa. Kumusta na ang pag inom ninyo ng gamot?" Singit ni Ram sa usapan.

"At isa pa hija, malaki talaga ang pasasalamat namin sa iyong Papa dahil pinag-aral nya itong panganay ko. Nag-aantay na lamang yan ng tawag at magkakaroon na nyan ng lugar sa isang sikat na firm sa Maynila" mahabang anito.

"Pa?" Tawag ni Ram ng atensyon ng ama.

Bigla tuloy pakiramdam ko ay kinuha ko na ang atensyon ng Papa nya na dapat ay sakanya. Paniguradong ibabalik ako ni Ram saamin pag nagpatuloy ito. Daig ko pa ang mang aagaw sa buhay nya.

"Pasensya ka na anak, masyado lang akong natutuwa sa pagbisita ng anak ni Gov." Natatawang ani ng lalaki.

Natapos kaming kumain ay naupo ako sa sofa sa sala. Ang bahay nila Ram ay mas malaki lamang ng kaunti saaking condo. Pero marami silang gamit kaya't magandang tignan ang loob ng bahay.

"Gusto mo bang magpahinga na muna?" Tanong ni Ram saakin.

Tumango ako bilang tugon.

Sumunod ako sakanya hanggang sa marating namin ang isang pintuan na may karatulang nakasabit sa door knob na "Do not disturb, handsome is studying."

Kumunot ang noo ko at pinigilan ang matawa sa nabasa. Ganto pala si Ram sa bahay. Kinuha nya ang papel na iyon at saka nilamukos at saka ibinulsa.

"Pasok ka." Pumasok ako sa loob

Malinis ang kwarto. Maraming libro ang nakasalansan sa maliit na bookshelf na nasa gilid at ang iba ay may nakasabit sa dingding na stante at naroon ang ilang libro na makakapal. Mayroong isang maliit na mesa at upuan na nasa tapat ng bintana. At isang papag at manipis na kutson at dalawang unan na puti.

"Magpahinga ka muna. Tawagin mo ako kung may kailangan ka." Sabi nya.

Tumango ako kaya't lumabas na si Ram at isinara ang pintuan.

Binuksan ko ang asul na kurtina maging ang bintana. Pumasok ang malamig na hangin na dumampi saaking balat.

Naupo ako sa kama at halos mapangiwi ako dahil hindi naman iyon sobrang lambot gaya ng nakasanayan ko. Sinukat ko ang kuston at halos mapairap ako ng marealize na 1/4 lang ang size ng kapal ng kutson ni Ram kumpara sa kutson na ginagamit ko sa Condo.

Isinara ko ang bintana kasunod ang asul na kurtina at saka hinubad ang sapatos at inilagay iyon sa maliit na shoerack sa likod ng pintuan at saka kumuha ng tsinelas na sa tinggin ko ay kay Ram.

Sinilip ko ang bawat dingding ng kwarto. Dinoble check ang lock mg pinto. Inisa isa ang libro at saka sinipat at naghanap kung mayroon bang hidden camera sa nga yon.

"Baka meron." Bulong ko sa sarili habang yakap ang sarili.

Balak kong magbihis. Pero baka may hidden camera pala dito.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita mula saaking likuran.

"Anong ginagawa mo?" Si ram.

"Ram?" Sambit ko sa gulat.

"Ah.. gusto ko sanang magpalit ng damit pero baka may--"

"Walang camera ang kwarto ko Ace. Kung di ka komportable ay sa banyo ka magbihis. Heto ang tsinelas. Lalabas na ako." Sagot nya.

Isinara nya ang pinto at napaupo ako sa papag at saka napasabunot sa sarili.

"What the hell I am thinking?" Napailing ako bago tumayo at nilock ang pinto. Kinuha ko ang kumot at saka itinaklob iyon saaking sarili at saka nagtanggal ng damit sa loob ng kumot at doon nagpalit.

Hirap na hirap ako sa sitwasyon kong iyon. Pawis na pawis ako habang pilit sinisiksik ang sarili upang makapagbihis sa ilalim ng makapal ng kumot.

Limang katok ang aking narinig kasabay ng pagtawag ng pangalan ko.
Mabilis akong tumayo habang hawak ang kumot na nasaking leeg.

Binuksan ko iyon at Mama ni Ram ang bumungad saakin.

"Pasensya na sa abala-- ayos ka lang ba hija? Pawis na pawis ka?"

Ngumiti ako at inayos ang buhok na nagulo.

"A-ayos lang ho."

"Heto ang tuwalya mo. Sige lalabas na ako."

Tuminggin ako sa maliit na salamin na nakasabit sa dingding at saka sinuklay ang sarili gamit ang daliri.
Walang suklay o pulbos man lang sa loob ng kwarto ni Ram. Tangging libro at ballpen ang nakikita ko.

Napasalampak ako sa kutson na manipis at saka inilibot muli ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

"Boring." I murmured and sigh deeply.

"His lifestyle seems boring, being with him is also kinda boring and even his room was boring. Everything in him is boring." Inis kong bulong saking sarili

I open my phone and I received a messages from my mother

Mother♡

Ram called me. You didn't text me that you already arrive. Anyway, enjoy there. I love you.

I bite my lower lip when I realize that my movements here is just like the same on Manila. Still, I can't do things a pair of eyes watching me. Ram's eyes was on me.

Pasado alas tres y media na at wala akong nagawa kundi ang titigan ang kisame.

Tumayo ako sa pagkakahiga at saka nilakad ang espasyo ng buong silid.
My index finger was trailing on each books on the shelf.

"Philosophy, laws, taxes, articles" I whispered

His books were all boring to read.
Sa itaas ng naka hang na estante ay mayroong umagaw ng atensyon ko.
Inabot ko ang kulay cream na sa tinggin ko ay photo album.

Mabilis akong sumampa sa kama at saka binuksan iyon.

Sa unang pahina ay nakita ko ang isang bata na sa tantya ko ay 1 taong gulang pa lamang. I took the photo and I saw a note in the back of the almost faded photo.

Ram Sandoval, 1 year old. at Manila

Siguro ay sa Manila ipinanganak si Ram. Ibang-iba ang itsura ni Ram kumpara noong bata sya. Mayroong halos uhugin pa ang batang si Ram pero di maikakaila na maamo at gwapo ang mukha nito.

Sa huling pahina ng photo album ay umagaw ng atensyon ko. Naroon si Daddy sa picture, kasama ang mama ni Ram at naroon din si Ram

Buhat ng mama ni Ram si Ram at si Daddy ay nakaakbay sa babae. Nahagip ng mata ko ang Papa ni Ram na nakatagilid na tila ba may hinahanap.

"Magkakilala si Daddy at ang magulang ni Ram dati pa?" Tanong ko saking sarili.

Mabilis kong isinarado ang photo album ng makarinig ako ng katok mula sa labas.

Ibinalik ko sa dati ang photo album at saka naglakad papuntang pintuan at binuksan iyon.

"Malamlam ang panahon. Tara, ipapasyal kita" sambit ni Ram saakin.

"B-bukas nalang Ram. Tinatamad pa ako " sagot ko sakanya dahil wala akong ganang umalis o mamasyal.

"Aalis kami ng mga kapatid ko. Maiwan ka dito?"

"Ha?"

"Ayos lang ba saiyo na maiwan?baka gabihin pa kami ay wala kang makakausap rito." Sagot nya at saka tumalikod.

Mabilis kong sinuot ang kulay pink na tsinelas at saka lumabas ng kwarto

"Sasama na ako."

Kasama ang dalawa nyang kapatid ay lumabas kami ng bahay.

Naglakad kami ng ilang kilometro at natutuwa naman ako dahil pakiramdam ko ay mababait ang mga tao rito. Binabati nila si Ram at maging ako rin, ngunit tinggin nilang lahat ay nobya ako ni Ram.

"Dumating ka na pala Ram? Kelan pa?  Dumating na pala ang Attorney namin." Sambit ng ginang.

"Kadarating lamang po namin kanina"sagot ni Ram.

"Ah. Pupunta ka sa dagat? Papanoorin ang paglubog ng araw kasama ang iyong nobya? Mainam iyon." Sambit ng babae.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Ho? Hindi po. Hindi ko po sya nobya aling Percy. Mauna na po kami."

"Ay ganon ba? Mabuti pala kung ganoon. Pabibisitahin ko si Venus sainyo mamaya. Pabiguradong miss ka na non."

Tumango si Ram at saka nagpaalam na aalis na.

Venus?

"Mukhang sikat ka sa lugar nyo ah" sambit ko habang patuloy sa paglalakad

"Hindi naman. Nagkataon lang na kilala ko ang mga nakakasalubong natin."

Tumango ako bilang sagot.

Huminto kami sa tapat ng kulay abong bahay at sa katabi nitong maliit na bahay. Pumasok kami sa maliit na eskinita roon at halos kilabutan ako sa amoy na naaamoy ko.

"Ew. What's that smell?" I groaned.

Ram looks at me and chuckled.

"Kumakain ka ng isda pero ayaw mo ang amoy nila?" Natatawa nitong ani.

Huminto ako sa paglalakad pero hinuli ni Ram ang kamay ko at saka iyon hiniwakan at hinila.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Sa paglapit namin ay nakita ko ang dagat na naroon.

Sa dalampasigan ay makikita ang iilang mga tao na abala sa pagkikilo ng kung ano na sa tinggin ko ay isda.

Naamoy ko ang malansang amoy na talagang nagpataas ng balahibo ko.

Patuloy kami sa paglalakad, habang takip takip ko ang aking ilong gamit ang aking isang kamay.

Mayroong maliit na tulay na gawa sa semento at inakyat namin ang apat na hakbang ng hagdan.

Isang mahabang aisle ang aming dinaanan na sa tinggin ko ay dinadaanan ng mga tao pagkababa ng barko.

May limang tao na naron sa dulo ng aisle.

Ngumiti sakin si Ram habang tinutulungan nya akong makaupo sa balaster.

Sa pagtaas ko ng tinggin ay halos makalimutan ko ang malansang amoy na naamoy ko kanina lamang.

Ang kulay ng palubog na araw ay nagrepleksyon sa dagat na tila ba naging kahel maging ang kulay ng dagat.

Sobrang ganda ng tanawin mula rito.

"Maganda?" Tanong ko kay Ram na alam ko naman ang isasagot nya sa tanong ko.

Luminggon ako sakanya.
Nagtama ang paningin namin ng magsalita sya.

"Maganda." He answered while saying it and our eyes met.


Продолжить чтение

Вам также понравится

185K 4.1K 110
Just comics nothing else and I do not own it (\>_</) Random update -_- (Still Updating don't let the "Its Completed" fool you because its not so stay...
In This Lifetime NJ

Художественная проза

2.4K 84 20
Is love really worth the wait? What if you only waited for nothing? Should you give up? Or continue to hold on?
Silence 1-700-SLUT-FOR-SMUT

Любовные романы

1.4M 34.1K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
16.5K 824 35
[ Gaara x Reader | COMPLETED ] He had never known a life without pain, without ridicule. He had never felt the joys of life, the thrill of being in l...