Courting Him (Guillermo Serie...

By tearscream

5.6K 304 34

Carly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she pla... More

First Encounter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 14

309 16 8
By tearscream

Smile

"Carlotta, saan ka pupunta? Wala ka ng class, diba?"

Umiling lang ako dahil tinatamad akong magsalita. Isa pa kapag sinagot ko 'to, hahaba lang ang usapan at iinit ulo ko.

"Carly! Levi!"

Nakita kong tumakbo palapit sa amin si Rage. Agad niyang inakbayan si Kumag.

"Kanina ko pa kayo hinahanap! Carly, bina-bother ka ba ulit netong kaibigan ko? Gusto mo bang gawan kita ng favor?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Anong favor naman 'yun?

Rage smirked. "Ilalayo ko 'tong bwisit kong kaibigan. Sa akin siya sasabay ngayon buong araw since miss na miss ko na siya."

"Pare, anong pinagsasabi mo? Kadiri ka, 'wag kang clingy sa akin!" agad na angal ni Levi.

Rage pouted. "Pero nagseselos na ako lagi mo na lang kasama si Carly, hindi ka na sumasama sa amin!"

"Bwisit ka, Rage, tigilan mo ako! Porket absent si Dan, 'wag mo ilabas 'yang pagnanasa mo sa akin!"

Kumapit pa si Kumag sa akin. Akala niya ba tutulungan ko siya? Pabor pa sa akin kung sumama siya kay Rage, eh.

"Tara na, Levi, let's have some fun!" malanding saad ni Rage bago hinila ng malakas si Levi palayo.

"Carlotta!" tawag niya sa akin habang kinakaladkad siya palayo ni Rage.

I sighed before continued walking. Fresh air! Walang pollution na nakapaligid sa akin.

Since I have free period, tatambay muna ako sa may open field. Wala namang naglalaro ngayon at maraming bakanteng mesa. Doon ako pumwesto sa may silong ng isa sa mga puno.

Sumandal ako sa inuupan ko at tumingala. It's a nice day today but I'm really feeling gloomy. I guess it has something to do with the date.

Supposedly, we're celebrating our first year anniversary today.

I realized na kahit gaano mo na pala katagal na kasama ang isang tao, hindi mo masasabi na kilalang kilala mo na siya. Huh. If only it's easy to move on...

Ilang buwan na rin pala simula ng napadpad ako rito sa Guillermo pero parang ngayon lang ako inatake ng home sickness. Gusto ko sanang umuwi next week kaso exam week na next week tapos University Meet na the week after.

It's nice to be alone for awhile. Netong mga nakaraang araw, si Levi lang lagi ang kasama ko. Naalibadbaran na ako sa pagmumukha niya. Hindi pa rin nag-uusap sina Iris at Tippy tapos si Tate naman eh kasama lagi 'yung best friend niya.

"Carly!"

Nilingon ko ang napaka-energetic na tumawag sa pangalan ko. Si Anya pala. Mahinhin siyang tumakbo papalapit sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap! Bakit mag-isa ka, saan si Levi?"

Isa pa 'to. Tuwing may nakakakita sa akin na kakilala ni Levi lagi na lang tinatanong kung nasaan siya. Mukha ba akong tagabantay niya? Requirement ba na kung nasaan ako, andoon din siya?

"Huwag mo nang sagutin! Based on the scowl on your face, parang pinagpa-planuhan mo na kung paano ako i-assassinate."

I nodded. She knows me too well.

Umupo naman siya kaharap ko at tinitigan ako. "Bakit parang wala ka sa mood? May lagnat ka ba?"

I shrugged. "Tinatamad lang akong magsalita. Bakit ka pala andito? Saan squad mo?"

"May tinatapos na group project. Ako naman na sobrang masipag, tapos na," pagmamalaki niya. "May itatanong sana ako kaya kita hinanap."

"May lagnat daw si Dan kaya absent ngayon," inunahan ko na siya.

"E-excuse me! Hindi kita hinanap para magtanong about sa kanya!" namumula niyang sabi. She's obviously lying. "Anyway! I have donuts. Kain tayo!"

Sa malayuan, nakita ko si Levi. Magtatago na sana ako pero mukhang may kinakausap si Kumag kaya hindi ako pansin. I squinted my eyes to see who he's with. Kausap niya si Georgina at nakatalikod sa kanila si Rage.

I wonder what happened to those two, though.

"Anya, alam mo ba kung bakit magkagalit si Rage at Georgina?"

"Hm?" may kung ano siyang sinabi pero dahil punong puno ang bibig niya, hindi ko naintindihan.

"Jusko pwede bang dahan dahan ka. Ayaw daw ni Dan sa masiba," pang-aasar ko.

She glared at me. "Hindi porket crush ko si Dan, babaguhin ko na sarili ko para sa kanya. Masarap kayang kumain! Kung mahal niya talaga ako, mamahalin niya pagiging masiba ko!"

"Joke lang naman. Kapag gusto ka naman niya, tatanggapin ka niya sa kung ano ka. Ang problema, hindi ka niya gusto-- Aray! Bakit ka ba namamalo!"

She huffed before she visibly swallow. "Anyway, sa sagot sa tanong mo. May rumors dati na nagde-date raw silang dalawa. Kaso rumors lang kasi walang confirmation sa dalawa. Hindi kasi palasalita si Georgina tapos si Rage naman, dinaig pa ang babaeng may mens sa lala ng moodswings."

Tinasaan ko siya ng kilay. Parang hindi ko pa naman nakikitang bad trip si Rage?

"Kapag mag-isa lang siya or kapag hindi niya kasama si Levi or si Dan, sobrang tahimik niyan tapos kung may kakausap na hindi from his team, mainit agad ang ulo. Ang sama pa makatingin! Kaya nung kumalat na in a secret relationship sila ni Georgina, walang makatanong sa kanya kung totoo ba kasi takot sa kanya."

Tumango-tango ako. "Oh tapos? Bakit hindi na nagpapansinan?"

Kumagat pa siya sa glazed donut na hawak niya bago ako sinagot. "Sabi ng tsismis, may nangyari daw nung summer kaya nag-"break" silang dalawa. Pero kasi kahit before naman, hindi sila nagpapansinan kaya hindi ko sure kung totoong naging sila."

Pero baka nga naging sila ng patago. Based on Rage's reaction the day we found out our task, parang may third party na naganap? Why can't we all just be happy. No lies, no cheaters... Hay.

"Buti hindi siya nasasabihan ng kung ano ng mga students dito dahil sa nangyari sa kanila ni Rage? Hindi naman siya nabu-bully?"

"Hindi naman? Wala naman sigurong dahilan para i-bully siya?" nakakunot noo niyang tanong. "May ganyan ba nangyayari in real life?"

Huh. She's so naïve. I guess totoo ang sinabi ni Tate na mababait ang mga tao rito.

"Don't mind what I said na lang. Pero buti okay lang kay Rage 'yung task ni Georgina. Nakita mo na ba siyang ginawa 'yung task niya?"

Umiling siya. "Wala pa. Ewan ko kung publicly niya gagawin. Kaya laging kasama ni Rage si Dan kasi para hindi sila maiwan na dalawa ni Georgina. Nakakainis kasi minsan sobrang clingy niya na kay Dan! At isa pa! Ikaw! Kasalanan mo talaga!"

"Anong ako? Anong ginawa ko?" I inquired confusely.

"Feeling ko na-gets ni Rage yung slip mo nung sinamahan kita sa room! Tuwing nakikita ko sila ni Dan sa hallway, ngingisian ako ni Rage tapos kakapit pa lalo kay Dan. Tapos nung minsan kausap ko si Dan sa may Admin, biglang pinaghiwalay kaming dalawa!" nanlilisik pa ang mga mata niya.

Kaya pala galit na galit siya kay Rage kasi wala na silang "moment" ni Dan. Ang harot talaga netong si Anya.

Humihikab ako habang tumitingin sa relo ko. 1:40 pa lang pero dahil siguro sa rami ng kinain ko kaninang lunch, antok na ako.

"Anya, pareho naman tayo ng class mamayang 3 PM diba? May gagawin ka ba ngayon?" tanong ko.

"Wala naman. Balak ko magstay dito. Mas malakas ang wifi dito banda kesa sa library dahil maraming tumatambay doon."

Wifi lang pala habol neto kaya nakikisama sa akin. "Matutulog muna ako. Gisingin mo ako kung aalis ka o ano. 30 minutes nap lang."

"Tulog ka na dyan at maglalaro muna ako ng Mobile Legends dito," sagot niya bago inilabas ang phone niya.

Pinatong ko ang ulo ko sa bag na nasa mesa ko at nagsimula ng matulog.

I heard a few mutterings kaya naalimpungatan ako. Noong binuksan ko ang mga mata ko to check on Anya, I came face to face with Levi.

Agad kong tinakpan ang mukha ko. Gosh baka may muta pa ako o tuyong laway. Sarap na sarap pa naman ako sa tulog ko! Anong oras na ba?

"Hala sorry, nagising ka ba sa ingay?" I heard him ask. Umiling ako bago ayusin ang sarili ko. I shouldn't be conscious around him.

"Saan si Anya?" tanong ko habang hinahalungkat ang bag ko for my compact mirror.

"Nagpaalam sa akin kanina na mag-CR daw siya. Pinabantay ka lang sa akin. Kanina pa nga 'yun eh pero hindi pa bumabalik," sagot niya.

Tumango ako at tumayo bago ko kinuha ang phone ko para itext si Anya. 2:30 pa lang naman so may oras pa ako. Kinuha ko na ang bag ko para makaalis na.

"Oy teka saan ka pupunta?" rinig kong habol niya.

"Gusto ko ng ice cream sa 7/Eleven," sagot ko ng hindi siya tinitignan. May 7/Eleven malapit sa Gate 5 so doon na lang siguro ako dadaan.

"Common courtesy na magyaya ka, alam mo ba 'yon?"

He fell into steps with me. "Bakit naman kailangan ko pang magtanong eh alam ko naman susunod ka lang sa akin."

"Carlotta alam ko naman na gusto mo akong kasama lagi kaya lang nahihiya kang magsabi kaya para hindi ka na mahiya, sinasamahan na kita!"

Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to, oo.

Pagkarating namin sa convenience store, agad akong pumunta sa aisle ng chips pagkatapos ay kumuha ng tubig. Hindi ko na pinansin si Levi at dumiretso na sa cashier para magbayad at para makabili ng ice cream.

Pagkatapos iserve sa akin ang ice cream, umupo ako sa bakanteng table. Ilang sandali pa, nakiupo na rin si Levi kaharap ko.

"Nasaan pala si Rage? Hindi ba magkasama kayo?" tanong ko bago simulang lantakan ang ice cream ko.

"Sabi ko sa kanya kay Uno muna siya sumabay. Akala ko kasi kanina masama ang pakiramdam mo kasi hindi ka nakasinghal sa akin kaya ayun, hinanap kita."

Hindi ko siya sinagot. Instead, kinuha ko ang chips ko para buksan habang siya naman eh kinakain yung chocolate na binili niya.

He was busy with his phone kaya nagkaroon ako ng time na tignan siya ng masinsinan. Although at times I'm very irritated with his existence, Levi's quite a good person. Sanay na yata siya na lagi ko siyang binabara kaya ngayon na hindi ko siya pinapansin, naging concerned naman siya.

Habang nakatingin siya sa phone niya, bigla siyang tumawa. I bit my lower lip to stop myself from laughing. Ang dugyot niya kasing kumain!

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera app. I can't pass this moment.

"Levi, ngiti ka nga," tawag ko ng pansin.

Kumunot ang noo niya bago siya nangiti. "Ay grabe naman, Carlotta, 'wag kang maiinlove sa ngiti ko!"

At ang bwisit, ngiting ngiti pa while fluttering his eyelashes at me. Akala niya naman ang gwapo gwapo niya. Mukha siyang tanga.

Bwisit feeling cute talaga siya at kung ano-anong pose ang ginagawa
eh para siyang ewan na may chocolate pa in between his teeth!

"Para kang bungal dito," sabi ko bago ipakita ang picture niya sa kanya.

He just smirked at me. "May ngipin man o wala, gwapo pa rin ako."

I rolled my eyes at him. Kupal din pala 'to, eh. Tinignan ko ulit 'yung picture niya. Kahit ilang beses ko 'tong tignan ang funny talaga! Sarap i-my day!

I looked up only to see him staring at me. Tinaasan ko siya ng kilay, "Take a picture, it'll last."

At sineryoso ako ng loko. Tinutok niya sa akin ang phone niya. Tatakpan ko na sana ang mukha ko but I'm kind of thankful how he made me smile for the first time this day.

Ngiting-ngiti si Kumag pagkatapos. Parang batang excited. "Alam mo, ilalagay ko 'to sa kalendaryo ko. First time mo akong nginitian!"

I scoffed. "It's not that big of a deal."

"Big deal sa akin!" eksaherada niyang sabi. "Mas maganda ka kapag nakangiti."

Sinamaan ko siya ng tingin bago ko inubos ang tubig ko. Kung ano-ano nanamang pambobola pinagsasabi.

Tinignan ko ang relo ko. Malapit ng mag-alas tres. "Tara na. May klase pa ko ngayong 3."

"Teka, tapusin ko lang 'to," sagot niya sa akin. I thought he was referring to his food pero nasa phone niya naman atensyon niya. Baka may ka-chat na ibang babae.

Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. Palabas na ako ng store nung sumunod siya sa akin.

"Ikaw ang hilig mong mang-iwan," saad niya. Ulul. Ako kaya yung iniiwan lagi. "May practice ba kayo mamaya?"

Oo nga pala. Mamaya na pala kami magpperform sa gym. Sana walang practice ang basketball team or sana late practice sila para hindi ako makita netong Kumag na 'to.

"Meron," maikli kong sagot. "Kayo?"

He grinned. "Ikaw, Carlotta, ah! Gusto mo na malaman mga nangyayari sa buhay ko! 'Wag kang pa-fall!"

Tangina?

He laughed at me and ruffled my hair. Akala niya ba close kame? Kapal ng mukha ng isang 'to!

"Tara na bumalik. Baka ma-late ka pa sa klase, eh."

Kwento siya ng kwento habang naglalakad kame pabalik ng campus. Ang daldal niya talaga, dinaig pa ang babae, eh.

"Dali na kasi!" pagpupumilit niya.

"Ano ba? Alam ko naman location ng next class ko. I have eyes, feet and common sense to bring myself there. Bakit kailangan mo pa sumama?"

"Bakit masama ba? I'm just killing time!"

"Edi tumambay ka sa library o ano. Wala ka bang klase? Aalis na nga ako!" I glared at him.

"Susundan na lang kita."

"Tangina, Levi, ang creepy mo!" naiinis na sabi ko. Ang kulit kulit! Bakit ba kailangan pa akong ihatid sa room as if mawawala ako?

"Akala ko ba you're trying your best to treat me as a friend? Bakit ayaw mo akong kasama?" pagkokonsensya niya.

In the end, wala akong nagawa. Nakisabay siya sa paglalakad ko.

"See! Ano lang naman 'yung ihahatid ka sa room, 'diba?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "'Yung pasensya ko sa'yo, konting konti na lang."

"Ang cute mo talaga kapag naiinis!" he answered with a smile. May saltik yata 'tong lalakeng 'to.

Napailing na lang ako habang pumapasok sa room. For sure Anya and her friends are giving me weird looks. Umupo na lang ako katabi niya at pinandilatan siya ng mata para hindi siya magtanong.

Pero dahil slow siya, hindi niya nagets 'yung ginawa ko.

"Alam mo, konting-konti na lang talaga iisipin na namin 'yang panliligaw mo kay Levi eh totohanan na," sabi niya. "Pero based on his actions, it's more like he's the one courting you, eh."

I shushed her. "Huwag kang maingay, sumasakit ang ulo ko."

"Bahala ka, ayaw mong maniwala. Kapag na-fall ka na, sabihan mo lang ako, ah?"

* * *

"Carly, are you done changing?" I heard Lia asked from the other cubicle.

"Yup," Iniligpit ko na ang gamit ko at lumabas na ng cubicle. I changed my clothes to black crop top and a camouflage joggerpants. Mahirap sumayaw ng nakapantalon.

"Parang kinakabahan ako. Sanay naman ako magperform pero parang first time kong sasayaw," saad niya pagkalabas ng cubicle.

"Same. Hindi naman malaswa choreo natin, 'diba?" I asked her. Kapal kasi ng mukhang magsuggest ni Kai sa ibang choreo palibhasa gustong gusto niya gumiling.

Lia laughed. "Hindi naman. Pati kung maka-malaswa ka naman mas grabe 'yung choreo niyo before sa Devalle noong may Underground Dance Compe!"

Syempre iba na ngayon. Hindi ko pa naman sigurado kung open minded ba mga tao rito sa Guillermo.

Pagkatapos namin mag-ayos, lumabas na kami para pumuntang gym.

"Sana walang practice ang basketball team ngayon," sabi ko kay Lia habang naglalakad kami. Didiretso na kami sa gym habang 'yung ibang members eh mini-meeting ni Kuya Jon para magperform na sa gym.

"Hindi ka nagdilang anghel, Carly. Look," she pointed at the group of guys doing push ups on one side of the gym. Shit.

Pagpasok namin ng gym, nandoon na si Kuya Jon. Hindi ko na pinansin ang mga panunukso ng ka-teammates ni Levi sa kanya noong napadaan kami sa grupo nila.

Etong mga players na'to, parang mga elementary students. Ang ligalig! Daig pa may bulate sa tyan. Buti na lang pinagalitan sila ng coach nila.

"We'll start kapag nakabalik na si Kai from the AVR," bati ni Coach Andrea pagkalapit namin.

Akala ko speaker lang gagamitin namin. Tapos ngayon mukhang buong Gymnasium pa 'yata makakaalam ng practice namin.

Pagkalapit namin sa ibang members, nagsimula na silang maghimutok kung bakit hindi namin sinabi na magpeperform kami sa Gym.

Kumunot ang noo ko nung nag-assemble si Kuya Jon ng tripod at camera. The fuck, is he going to record us?

"Huy, bakit may pa camera?" Lia asked.

"So we could judge your dance one by one. Babalikan natin 'yung dapat niyong i-improve mamaya sa studio," Coach explained, "30 minutes ko hiniram etong side ng Gym kay Coach Gelo. We have time. So since 20 rin naman kayo, might as well you guys perform in groups of 5 para makita lahat sa video."

Ha? Ano ba 'tong trip nila. Parang gusto ko na umatras, ah.

Coach started dividing us in groups. Hiniwalay niya kami nina Lia, Lay at Kai. Buti na lang huli na ako, baka mawalan na rin naman ng pake 'yung ibang manunuod since same choreo lang naman kaming lahat.

I was watching each members moves intently. They're good at dancing but they're conscious of their movements. Lalo na ngayon na nasa open space kame. But they have to let go of their inhibitions dahil hindi kami mananalo kung puro kami nahihiya.

Noong natapos na ang grupo ni Lia, saka ko lang napansin na parang uminit yata. When I looked around, dumami yata ang tao? And most of them are taking videos! Shit.

"Huy, para kang nakakita ng multo," sulpot ni Lia sa gilid ko, pinagpapawisan.

"Ang daming tao!" eksaherada kong sabi.

"Aba malamang? Mukhang naghahakot yata si Coach ng ibang manunuod. Pero curious watchers lang mga 'yan since first time nating magpractice sa labas."

Ayos lang sana kung manunuod lang sila at hindi magvi-video, eh.

Nakipag-usap lang ako kay Lia habang binabash niya sina Lay at Kai. Masyado raw maharot ang dalawa since maraming babae ang nanunuod.

When they finished, tumayo na ako dahil kami na ang susunod. Narinig ko pa ang basketball team na humiyaw. Tangina. If I could only flip the bird at them kaso baka ma-suspend ako.

I try not to mind the cameras and the people around me. I'm used to performing in crowds and I kind of miss this feeling.

When Stefflon Don started singing, I readied myself and focused on dancing. On the part where we have to grind on the floor, the cheers erupted. OA ng mga nanunuod.

Nawala lang saglit ang concentration ko noong napatingin ako sa grupo nina Levi at ang sama ng tingin niya sa amin. Nakatutok pa ang phone nina Uno at Rage sa kanya, parang nang-aasar.

Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagsasayaw. 16 Shots is one of the songs I like. Ang ganda kasi niyang gawan ng choreo. The beat and the melody are perfect for dancing.

Hinihingal ako ng natapos kami. Lumapit ako agad kay Lia para kunin ang towel ko pati ang water jug ko.

"Grabe na talaga, Carly! Dati idol lang kita. Ngayon, idol pa rin kita pero at least friends tayo," bungad niya pagkalapit ko.

I rolled my eyes at her exxageration. Nagligpit na ng gamit sina coach at pinasalamatan 'yung mga nanuod. Sa wakas magkakahangin na rin.

"Tignan mo si Levi busangot na busangot ang mukha, oh," turo niya kay Levi na nakaupo sa bench kasama ng ibang teammates niya.

"Tapos?"

"Kasalanan mo kaya 'yan inis!"

My forehead creased. Bakit kasalanan ko?

Nakita kong siniko ni Uno si Levi sabay turo sa akin. Ano nanaman problema ng mga 'yun?

"10 minutes break then balik sa studio for the reviews!" tawag ni Coach.

"Tara mag cafeteria, Carly. Gusto ko ng coffee jelly," pag-aya ni Lia. We stood up and pick up our things so we can go.

Madadaanan namin 'yung grupo ni Kumag pero hindi ko na sana papansinin kaso nakita konh naglakad siya palapit sa amin ni Lia.

"Lia, wait lang," sabi niya. Akala ko naman si Lia kakausapin niya kasi hindi naman siya sa akin nakatingin kaya aalis na sana ako kaso humawak naman sa siko ko.

I glared at him when his teammates started hooting. Hindi niya naman pinansin at nakakunot pa rin ang noo niya habang hinihila ako.

Bakit parang galit siya?

"Ikaw daw mostly nag-isip sa choreo niyo ng 16 Shots?" he asked, crossing his arms.

I mimicked his movements. "And so? Why does it concern you?"

"Do you really have to include in your choreo the part where you have to grind on the floor?" he huffed.

Aba? Bakit siya nagagalit? Ako ba nakaisip noon? At teka, bakit concerned na concerned siya, kaano-ano ko ba siya?

"I know you'll say what right do I have to reprimand you. Ayoko lang na parang binabastos kayo noong ibang estudyante. I saw some of the guys pointing their cam on the girls when they realize that move. Rage had to stop me from talking to those guys. Nakita ko pang sobrang zoomed in sa lower part mo. Parang mga walang pinag-aralan!"

He looks so angry and I had to stop myself from laughing. Oh, this is amusing. Parang first time ko siyang nakita na nagalit?

"Bakit tumatawa ka pa? Is this all a joke to you?" inis niyang sabi. Ay, nalimutan kong pigilan tawa ko.

Konti na lang parang magta-tantrums na siya. Namumula na nga ang tenga niya, eh.

Tatalikod na sana siya pero may ginawa ako na never kong naisip gagawin ko. Tae. Pinigilan ko. For the first time, ako pa yata ang manunuyo.

"Uh, it was Kai who suggested that move. Since okay naman sa ibang members, we decided to include that," bakit ba ako nag-eexplain? "Tsaka, sanay na ako sa mga ganyan."

"Sanay? Pwede ka bang masanay sa ganyan?"

I was about to answer when their coach blew his whistle, calling the attention of his players. Aalis na sana siya kaso pinigilan ko ulit.

Lord, hindi ko sana pagsisihan ang gagawin ko.

"Uh, do you want to go out on a date this weekend?"

* * *

(Carly's outfit)

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 78.9K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
1.9M 87.9K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
452K 21.1K 45
Completed September 2022 Xera Thompson -Yung mayaman ka at sobrang ganda pero binasted ka ng first love mo. -Yung ikaw ang pinaka maarte, baby, at...