VINCENT (Book 1 of 2) ↠ Amor...

By Chelsea_13

2.3M 36.4K 9.3K

Losing her memories in an accident, Savannah Fonacier woke up unable to trust the people around her and with... More

✨VINCENT✨
✨Umpisa✨
✨1.1 : Lost Soul✨
✨1.2 : Welcome Home✨
✨1.3: Fuck me✨
✨1.4 : Sinful Twin✨
✨1.6 : Mga Paasa✨
✨1.7 : Uhaw✨
✨1.8 : Tukso✨
✨1.9 : Jedidiah Adriano ✨
✨1.10 :Intense✨
✨1.11 : Gone✨
✨1.12 : Manipulative Bastard✨
✨1.13 : My Reed✨
✨1.14 : Sorry✨
✨1.15 : Yours✨
✨1.16 : Carnal Pleasures✨
✨1.17 : The Taste of Sin✨
✨1.18 : Morning After✨
✨1.19 : Stay✨
✨1.20 : Future With You ✨
✨1.21 : Volim te✨
✨1.22 : Girls✨
✨1.23 : Questions✨
✨1.24 : Temptations✨
✨1.25 : Del Fuego✨
✨1.26 : Fernandez✨
✨1.27 : Point of No Return✨
✨1.28 : Free Fall✨
✨1.29 : Peccatum serpentis✨
✨1.30 : Mystery Girl✨
✨1.31 : It Runs In The Blood✨
✨1.32 : Honesty✨
✨1.33 : Kulot (Part One)✨
✨1.33 : Ash (Part Two)✨
✨1.34 : Hate Me✨
✨1.35 : Truth and Lies✨
✨1.36 : Possibilities✨
✨1.37 : Pagbalik✨
✨1.38 : Selos✨
✨1.39 : My Words✨
✨1.40 : Mine✨
✨1.41 : Never Have I Ever✨
✨1.42 :Fairness✨
✨1.43 : Touch Me✨
✨1.44 : Soft Kisses✨
✨1.45 : Lumiere✨
✨1.46 : Secret Couple✨
✨1.47 : Burning Love✨
✨1.48 : Only Exception✨
✨1.49 : Flowers✨
✨1.50 : First Dates✨
✨1.51 : Runaways✨
✨1.52 : Lies✨
✨1.53 : My Place (Part One)✨
✨1.53 : My Place (Part Two)✨
✨1.54 : Dreams and Nightmares (Part One)✨
✨1.54: Dreams and Nightmares (Part Two)✨
✨1.55 : My Fault✨
✨1.56 : Don't Leave✨
✨1.57 : Revelations✨
✨1.58 : Wild Ride✨
✨1.59 : Sweetest Downfall✨
✨Book 1 Epilogue : Amor Vincit Omnia✨
BOOK TWO : VINCENT (Book 2 of 2) : Amor aeternus

✨1.5 : Good boy ✨

58.5K 1K 210
By Chelsea_13

1.5 : Good Boy


Sumunod si Reed sa sinabi ni Keira at iniwanan kami sa kwarto ko. Pagkatapos kong magpalit muna sa isang bath robe ay sinimulan na akong ayusan ni Keira. Noong una, ayoko pa sana kaso mapilit siya at sinabi niya na marami na raw ang bisita sa ibaba.

"So, Sav. Ano masasabi mo sa kuya mo?"

Nasa kalagitnaan siya ng pagkulot ng buhok ko nang tinanong niya 'to sa akin bigla. Wala pa akong make-up kasi sabi niya, siya na rin daw ang bahala rito. "Uy, Savvy. Tinatanong kita, kamusta naman si Reed? Good boy ba? Hindi ka ba pinagtripan or what?" Napatingin ako bigla sa salamin kaya nagtama ang mata namin. Actually, I already heard her the first time she asked me that. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang sasabihin ko.

What was I supposed to say? Nasarapan ako sa mga halik niya sa akin? Na hinalikan ako ng kuya ko? Can I say that to her?

"Um... okay lang, I guess?" Wala na akong maisip na matinong sagot sa kanya dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang mga nangyari sa pagitan namin ni kuya. So I just shrugged at pinaglaruan na lang ang mga himulmol ng bath robe na suot ko.

"Oh."

"Bakit mo naitanong?"

She bit her lip like she's hesitating or something. "Nothing. Akala ko pinagtripan ka na naman niya. Your brother is not a good boy, you know? Marami 'yang kalokohan. Silang tatlo nina Grey at Cole. Palibhasa mga bunso."

Napataas ako ng kilay. Anong ibig sabihin niya doon?

"What do you mean na lagi niya akong pinagti-tripan? He's doing pranks on me?"

Kitang kita ko na nabuhayan ulit siya sa sinabi ko. "No! Not that kind of thing. Umm... paano ba ito?"

"Well?"

"Si Reed kasi, masyado yatang protective sa'yo. To the point that he's already acting like your boyfriend. You know, baka lang kasi mabigla ka. He didn't know the meaning of personal space pagdating sa'yo. Baka lang kasi may ginawa siya sa'yo kanina at na-shock ka... Naninigurado lang ako."

Mas lalo tuloy akong kinabahan. So, alam niya ang tungkol sa amin ng kakambal ko?

"Keira, I don't get you. Paki-elaborate naman sa akin please? Ano ba 'yong mga ginagawa ni Reed na ikakagulat ko?"

Tinigil niya ang pag curl sa buhok ko. Kinuha niya 'yong hair spray at ito ang sunod na ginawa. "He likes to hug you a lot. 'Pag sinabi kong 'a lot,' I meant it. Para siyang linta." Tumawa siya nang saglit. "And yeah, katulad ng sabi ko sa'yo kanina, he's too possessive. Miski yata lamok ayaw niyang makadapo sa'yo. Baka lang kasi ma-shock ka sa mga ginagawa niya at pwede niyang gawin. He's like that kasi tuwing breaks lang naman kayo nagkikita."

Sinulyap ko si Keira sa salamin. Busy siya sa pag-aayos ng buhok ko at wala naman akong nakitang signs na may malisya ang mga sinabi niya.

Shoot! Nagiging paranoid na tuloy ako! Kasalanan 'to ni Reed!

"Gano'n ba?" Tahimik lang ako habang nagku-kwento siya sa akin. I was too lost for words to say anything.

"Yup. Minsan din kasi ang intense ng kapatid mo."

Napatingin ako roon sa picture namin ni Reed. 'Yong may note sa likod. Nakita 'to kanina ni Keira habang naghahanap kami ng make-up kit kaya inilagay niya ito sa may vanity mirror.

Napansin siguro ni Keira na tinitingnan ko 'yong picture na 'yon dahil tumigil siya sa pagha-hair spray sa akin at kinuha niya 'yon sa may salamin ko.

"You know, ako ang kumuha ng picture na 'to. "

"Talaga? Kailan 'yan?"

Pareho kaming nakatingin sa picture. Pero umiwas din ako ng tingin dahil pakiramdam ko, bawat linya ng mga mukha naming dalawa ay memoryado ko na. Kanina pa kasi ako nakatitig dito. "Last year yata 'to? Yeah, I am sure, birthday 'to ni Grey. First time kasi na sober ka sa isang party. Natuwa lang ako. Tapos ang cute niyo pang kambal. Look at this, may message pa pala ang kuya mo sa likod." She flipped the photo and smiled. "If I don't know better you looked like you're in love with each other here."

"Keira!" Singhal ko sa kanya. Hindi ako galit. More like, I was embarrassed.

In love? The hell?

"Watch what you are saying. In love? Sa kambal ko? Umm, no. Hindi pwede. Ano ba 'yang mga sinasabi mo!" Kinuha ko sa kanya 'yong picture at mabilis itong inilagay sa drawer para itago na. Tinakpan ko rin ang pisngi ko kasi nararamdaman kong nag-iinit ito sa kahihiyan.

Ang lakas ng tawa sa akin ni Keira. Parang tuwang-tuwa pa siyang uncomfortable ako sa mga pinagsasabi niya. "Oh, chill lang. Defensive ka naman agad. Sabi ko lang naman na mukha kayong in love hindi ko naman sinabi na in love kayo. Medyo kadiri ang incest, Savannah."

Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi at kinuha ko na lang 'yong curler at inilagay ito sa kamay niya. "Keira, come on. Kailangan na nating makababa. Enough with my brother."

Kinuha niya naman 'yong curler pero hindi niya yata napansin na ayokong pag-usapan ang kahit anong may kinalaman kay Reed kasi sige pa rin siya sa pagkwento sa akin.

"Basta ang cute niyong dalawa. Siya sobrang sweet tapos ikaw naman masyadong kinikilig."

Natapos na ni Keira ang buhok ko at sunod naman niyang kinakilikot 'yong sandamakmak na make-up kit na inilagay niya kanina sa may vanity table.

Hinihintay ko siyang dugtungan ang sasabihin niya nang biglang may kumatok. Inilapag muna ni Keira ang mga make-up kit sa table at binuksan ang pinto. Si Chels ang bumungad sa pintuan. Nagpalit din siya ng damit katulad namin ni Keira. Naka-pink siyang super short dress na puro sequins at glitters. Ang ganda niya talaga.

"Girls, why are you so tagal ba? Like, everybody is looking for you! Especially you, Savvy!"

Napangisi na lang ako nang taasan niya ako ng kilay at tingnan nang masama. Nilagay niya pa nga ang dalawang kamay niya sa may baywang para lang ma-point out na urgent ang mga sinasabi niya. "'Wag mo nga akong ngitian diyan! God, I am serious here ha. Your mother just keeps on nagging me to call you. It's so like, nakakairita na!"

I saw Keira roll her eyes at our cousin. Natawa naman ako dahil nang makita 'yon ni Chels ay mukhang napikon yata. "Ah! Bitch!"

Hindi ito pinansin ni Keira at sumabay sa pagtawa ko. "Chill ka nga, Chels, malapit na akong matapos. Make-up na lang kay Savannah, ready to go down na."

Hindi na ulit sila nagkapikunan after. Pati si Chelsea tinulungan na rin si Keira sa pagma-make up sa akin. Tahimik lang kami hanggang pag-usapan na naman namin ang ka-sweetan daw ng kapatid ko.

"Have you seen the flowers sa ibaba? Like, Reed is so sweet talaga!"

"May flowers?"

"Ah, 'yong mga flowers ba? Chels, ang daldal mo talaga. Surprise 'yon kay Savannah mamaya e!"

Nakapikit ako dahil nilalagyan nila ng make-up 'yong eyelids ko. Sabi nila, smoky eyes daw ang dapat gawin sa akin para bumagay sa red dress ko. Hinayaan ko na lang silang pag-eksperimentuhan ang mukha ko, tutal wala naman akong alam sa mga ganoon. "Surprise? Guys, 'di ko kayo ma-gets."

"Surprise daw dapat sa'yo 'yon mamaya. Gusto mo kasi ang mga flowers dati Savannah, lalo na 'yong white roses. Anyway, 'yan kasing kuya mo, ewan ko ba. Pinaglihi yata sa magic sugar at sobrang sweet!"

"Sweet? Paanong sweet?"

"Paano nga ba... Hmm... Like there was one time nakipag-break siya sa girlfriend niya kasi nagselos ka. Tapos dahil 'yong summer vacay nila doon sa London ay iba sa atin, natatapat lagi na may pasok tayo so lagi kang wala sa bahay. Itong kuya mo, laging nagrereklamo kila Kuya Marco, hindi ka niya raw nakakabonding nang madalas, kaya alam mo ang ginawa niya? Everyday, hatid sundo ka sa school. And take note, hindi siya umaalis doon sa tapat ng gate hanggang sa uwian mo. Minsan pa nga ay nakakapuslit at nasusundan ka pa sa loob e. Uy, bakit ka diyan namumula? Look Chels! Savannah is blushing!"

Tinakpan ko agad ang mukha ko kasi feeling ko pulang pula na talaga ako. Parang walang aircon sa sobrang init ng mukha ko. Tinapik iyon ni Chels dahil baka raw masira 'yong make-up na nilagay nila pero sa sobrang tuwa niya ay tinadtad ako ng pictures.

"Gosh! Ang cute mo 'pag nagb-blush! Isa pang picture! Smile!"

Umiling ako. Oh god. Why?

***

"Ano ba, Savannah, ang tagal mo naman. Kinain ka na ba ng CR mo?"

I sighed and looked back at my full length mirror. I knew na kanina pa ako sa loob ng CR at unreasonable ang dahilan ko kung bakit ayaw ko pang lumabas.

"Wait lang, lalabas na ako." I sighed again. Kitang kita ang bawat kurba ng katawan ko sa damit na iyon. Masyadong fitting at medyo revealing din siya sa may bandang dibdib. Medyo maikli rin siya na kapag tumuwad ako ay malamang makikita na ang buong kaluluwa ko roon.

Alam kaya ni Reed na ganito ka-showy iyong dress na iyon nang hinablot niya ito mula sa cabinet ko?

"Sav. We're waiting..." Si Chels na ang kumatok sa pinto ng CR kaya wala na akong nagawa kung hindi kumilos at lumabas na rito.

Naku, bahala na. Hindi naman siguro ako mababastos sa suot ko tutal mga kamag-anak ko naman ang mga nandoon sa ibaba.

Pagkalabas ko sa CR, nakatayo na roon ang dalawa kong pinsan. Kitang-kita ko ang pagbukas ng bibig ni Chels at ang pagtaas ng kilay ni Keira. Na-conscious naman ako sa mga actions nila dahil pakiramdam ko ay hindi nila rin ito nagustuhan.

"Ano sa tingin ninyo? Magpapalit pa ba ako? Medyo maikli 'yong dress." Alam kong namumula na naman ang mukha ko. Hindi ko rin maiwasan na hablutin pababa ang dulo ng dress ko dahil pakiramdam ko, wala nang taklob ang mga hita ko. Matutunaw na talaga ako sa hiya kung hindi lang biglang tumili si Chels at dambahin ako ng yakap.

"Oh my hellifreaking gullivan!!! You are so gorge!!! Like, ang ganda-ganda mo Savannah!"

I was speechless. 'Yong pinsan kong sobrang ganda ay pinupuri ako? Wow!

"Chelsea! 'Wag mo masyadong yakapin si Sav! Masisira 'yong buhok niyan, nako!"

Ngumiti at nag-thumbs up sa akin si Keira. I blushed. Again. Kung may ipupula pa ang mukha ko, malamang ay sagad-sagaran na ito.

Itinulak nila ako upang tumingin sa salamin. May kinuhang necklace si Keira sa jewelry box ko at inilagay 'yon sa akin. "There, perfect!" ani niya.

Kitang kita ko nga sa salamin na ang laki ng ikinaganda ko dahil sa tulong nina Keira at ni Chels. Medyo revealing lang talaga 'yong damit.

"Excited na ako sa reaction ng boys! Omg! Like, they will be so speechless! Yay! Ang galing mo foreves mag-make-up, Keir!"

***


The moment we reached the venue, inikot kaagad ng mga mata ko ang aking paligid. Keira's right at ang dami ngang bisita! At mukhang lahat sila mayaman dahil 'yong mga damit nila ang gaganda! 'Yong mga lalaki ay lahat naka-tuxedo habang 'yong mga babae naman lahat nakasuot ng mga mukhang mamahaling mga dress.

'Yong ibang may edad nga ay halos nangingintab na sa dami ng alahas na nakasabit sa kanila.

Pati mismo 'yong venue. Ang ganda rin. Mas pinaganda nila ang garden namin dahil sa mga isinabit nilang maliliit na mga ilaw sa mga vines at sa ibang mga halaman. Ang liwa-liwanag ng buong garden. May banda pa nga na nagv-violin at nagp-piano sa may fountain. Tapos may buffet area na nga, may nakita pa akong nagse-serve na mga waiters sa mga tables.

Wow. Is this all for me?

"Nasaan na 'yong iba?"

Kinuhanan kami ni Chels ng wine nang may dumaan na waiter sa harapan namin. Straight kong ininom ang wine and I liked it kaya humirit pa ako ng isa. "There oh!"

Naglakad na kami nina Keira at ni Chels sa mobile bar kung saan nandoon ang mga ibang pinsan namin. Nagkakatuwaan sila at parang sa kanila lang ang party sa lakas ng tawanan at mga boses nila.

Almost all of them were smoking and drinking. Sina Ate Katherine at Kuya Marco lang yata ang walang hawak na cigar at baso ng alak. Lahat din ng mga lalaki kong pinsan ay naka-tuxedo at mukhang mga respetadong mga tao. Malayong malayo sa napaka-free spirited na look nila kanina. Miski 'yong magulo at medyo kulot na buhok ni Grey ay naka-wax na rin. Ang wala lang yata roon ay si Kuya Seb. Malamang kausap niya 'yong mga business partners ng kumpanya nila.

"Bakit nandiyan lang sila?" Tanong ko kila Keira. Pansin ko kasing maraming mga kasing edad namin ang nasa party naman pero bakit hindi nakikihalubilo ang mga pinsan ko sa kanila? Pati 'yong mga nakatayo malapit sa bar na halatang gusto nang makipag-usap at makihalubilo sa mga pinsan ko ay hindi pa rin nila binibigyan ng atensyon?

"Ew. Like duh! We do not make usap-usap with those petty social climbers."

I gave Chelsea a confused look. Tumawa naman si Keira sa tabi ko.

"Okay, stop. I'm gonna give you a crash course sa family natin okay?"

Tumango ako sa kanya at uminom ulit ng wine. Pangatlong glass ko na yata 'yon. "First lesson is to party hard."

Sabay kaming umiling ni Keira at tumawa. Well, ano pa nga ba. Si Chelsea itong kausap namin.

Nag-pout siya sa amin pero pinagpatuloy niya pa rin ang pagsasalita. "The second lesson, Savannah, is that we don't let other people join our group. Like ever. We're exclusive, Savvy."

Napahinto ako sa pag-inom ng wine at tiningnan ko silang dalawa. "Wow. Hindi ba medyo ano 'yon?"

Keira shrugged at me. "Medyo ano? We're only protecting ourselves, Sav. Kilala ang mga pamilya natin. Maraming gustong makipagkaibigan at gamitin tayo para umangat. Some people only want to be friends with you because they want something from you. Kaya dapat, hindi mo lahat ibinibigay ang sarili mo sa mga tao. 'Yang mga pinsan natin, nakikita mo silang palabiro at palatawa pag tayo-tayo lang, but outside our circle? Ibang usapan 'yan. Lalo na 'yang sina Levi at Kuya Sebastian. Masusungit 'yan sa ibang tao. Well aside from Grey, talagang pilyo ang isang 'yan e."

"Even Cole?"

"Cole? Alam mo bang sa lahat sa kanila siya ang marami nang napa-transfer ng university noong college dahil sa sama ng ugali?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nila. I couldn't believe na ganoon ang mga pinsan ko. Keira looked proud saying those things to me. And Chels, well, she looked smug looking back at me.

Napaisip ako bigla. My cousins were not perfect. Sa sandaling pagkakakilala ko pa lang sa kanila ay alam kong marami rin silang kahinaan katulad ng ibang mga tao. Pero bakit gano'n? Bakit ang dali lang nilang manghusga ng kapwa pero sa pag-aayos ng sariling pagkakamali, parang hirap na hirap silang gawin?

Well, I didn't want to be a hypocrite and judge them or anything pero parang hindi naman maganda 'yong pananaw nila sa ibang tao. Hindi naman siguro lahat ay gusto lang kaming huthutan ng pera at katanyagan.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang na mag-die down ang topic. Pagkarating namin sa bar, si Grey ang unang nakakita sa amin.

"Yo Sav! What took you so long? And woah, you look hot!" Sinipulan ako ni Grey at kumindat kindat pa. Para makaganti ay sinubukan kong guluhin ang napakaayos niyang kulot na na buhok.

"What happened to your hair, Grey? New hairstyle agad?" Tinapik niya ang kamay ko papalayo bago pa ito mag-landing sa buhok niya.

"Nah, my old man told me to wax it. Totally, uncool. Hindi niya ba alam? This is my man mojo."

"The fuck pare, you sounded gay." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Cole sa gitna namin ni Grey. He looked good too.

Bumagay sa kanya ang white tuxedo niya. "Sav, you look sexy tonight." Kinindatan niya ako at hinalikan sa pisngi. Mukhang na-pick-up na ng ibang cousin ko ang trend kaya pati sila Kuya Marco ay sinupulan din ako. I just smiled to all of them. Alam ko namang pinagtitripan lang nila ako.

"Hey, ito nga pala 'yong roses na sinasabi namin sa'yo kanina." Kinuha ni Keira 'yong white roses galing kay Cole at ibinigay sa akin.

"Thank you."

Sina Chels at Keira ay dumiretso na sa bar kaya sumunod na lang ako. Mabuti na lang at marami pang vacant bar stools para maupuan. Nahirapan lang talaga ako na umupo nang hindi nakikitaan dahil sa ikli ng damit ko.

I sat by the empty bar stool na katabi ni Cole at inilapag sa table ang isang boquet ng white roses. Si Ash ang nasa kanan ko at may ka-text siya sa phone niya pero noong umupo ako ay ngumisi siya sa akin.

"Where's Reed? Sabi niya susundan ka niya sa taas?" Nagulat ako nang kausapin niya ako.

What happened to that cold guy sa living room?

"Nauna na siya sa amin bumaba. Hindi pa ba siya pumupunta rito?" I looked at him again and saw that he's a little bit drunk. Siguro ito ang dahilan ng pagpansin niya sa akin.

Kinuha ni Levi ang glass ng wine ko at pinalitan ito ng isang test tube. "Bottoms up, Savannah. Vodka lang 'yan." Inabutan niya ako ng slice ng lemon at kaunting asin.

"Hindi pa. That a-hole! He owe me one!" Sigaw ni Grey sa gilid ko na may hawak ding katulad kong test tube. Pansin kong halos lahat sila ay lasing na.

"Ha?"

Wala sa aking sumagot kaya sinunod ko na lang 'yong ginawa nina Cole at Grey sa pag-inom ng vodka. Halos nasunog ang lalamunan ko sa unang try, mabuti na lang at may chaser. Matapos nito ay kinuha kaagad ni Kuya Marco ang test tube at binigyan naman ako ng panibagong drink. "Sasama ba kayo mamaya?"

"Saan?" Tanong ko kay kuya.

"Race lang, sa may NLEX. They will test drive their Bugatti and Aventador later."

"At 'yong cheap na Audi na kabibili lang ni Reed," bulaslas ni Grey sa gilid ko. Nag-apiran sila ni Cole at ginawa 'yong kumplikadong fist bump ng mga lalaki. 'Yong iba naman ay nagsimula nang maglagay ng mga pera sa table.

"Para saan 'yan?"

Kinalabit ako ni Ash at ngumisi lang sa akin."Wag ka na magtanong Savannah, pumusta ka na lang."

***


Nag-usap lang kami roon habang pinapanood ang mga matatanda na nag-uusap usap at parang may sariling mundo rin. Habang 'yong mga kasing edad namin na sa palagay ko ay sumama lang sa mga magulang nila ay may sarili ring mga grupo na nagkalat sa buong garden.

"Savannah, can I talk to you alone?"

"Dad."

Tumigil lahat ng pag-uusap sa bar nang dumating ang daddy ko. He's like emitting some kind of authorative air na miski ang mga pinsan kong maiingay ay napatahimik niya.

Alam ko na kung saan nakuha ni Reed ang strong features niya. Masyado silang hawig ni Daddy. Pareho silang matangkad at may matangos na ilong. Pati 'yong magkabilaang dimples ni Reed ay meron din si Saddy. Pati 'yong makapal na kilay ay nakuha rin ni Reed.

Sinundan ko siya nang magsimula na siyang maglakad nang hindi man lang ako hinihintay. Naglakad lakad kami sa may garden at minsan ay ipinapakilala niya ako sa mga nadaraanan naming mga business partners and investors. Wala akong kilala sa kanilang lahat kaya ngumiti na lang ako at nag-thank you sa bawat papuri nilang binabato sa akin.

Huminto kami sa may fountain. Kaunti lang ang tao rito dahil 'yong mas nakakarami ay nandoon na sa refreshment table o hindi kaya ay nandoon na sa mga kani-kanilang mga tables at may mga kausap.

"Sorry, I didn't visit you often, princess."

Alam ko ang tinutukoy niya ay 'yong hindi niya madalas na pagbisita sa ospital noong naka-confine pa ako. Ngumiti lang ako kay Daddy. Naiintindihan ko naman kung bakit madalang niya lang ako bisitahin sa ospital.

Kahit wala naman akong matandaan sa negosyo namin ay sapat na ang alam ko na isa itong malaking distributor ng mga alak dito sa Pilipinas. Marami rin kaming iba't ibang negosyo sa loob at labas ng bansa. Kaya expected ko naman na busy si Daddy sa pagpapatakbo ng mga ito.

"It's okay, Dad. Alam ko namang busy ka sa opisina."

"Who told you that?"

"Si Mommy po."

Tumango siya sa akin at kinuhanan ako ng panibagong glass ng wine sa isang dumadaan na waiter. "Anyway, nakita mo na ba ang kuya mo? Nagkakilala na kayo?"

"Yes, Daddy."

"Good."

Medyo awkward ang pakiramdam ko kay Papa. Siguro dahil na rin wala pa akong masyadong alam sa kanya. Kaya nagulat talaga ako nang bigla niya akong yakapin.

"I miss you, Savannah. I promise, your memories will be back soon. Okay, princess?"

May isang patak ng luha ang nakatakas sa mga mata ko dahil sa mga sinabi niya. I felt his love for me, kahit na hindi siya showy. Ramdam ko 'yon sa yakap niya. Ramdam ko sa kanilang dalawa 'yon ni Mommy. And I trusted them. Babalik din ang mga memorya ko sa tamang panahon.

Inilibot ako ni Daddy sa buong party. Medyo lumuwag na rin ako sa kanya. Kahit na medyo strikto si Dad lalo na kapag kaharap ng mga investors at mga business partners, madali naman siyang patawanin at makagaanan ng loob kapag kaming dalawa lang.

He told me about my likes and dislikes. Pinakita niya rin sa akin 'yong mga favorite parts ko sa garden at ipinakilala sa bawat kamag-anak namin na umattend sa party.

"Come on, there's your brother. I need to talk to him." Sinundan ko ng tingin ang direksyong itinuro niya. Tama siya at nandoon nga si Reed. Nakatayo siya malapit sa bukanan ng bahay at pinaliligiran siya ng maraming magagandang babae. Napahigpit tuloy ako ng kapit kay Daddy dahil sa nakita ko. I didn't know why I felt so possessive of him. Ni hindi ko nga gusto ang ginawa niya sa akin sa kwarto.

Tapos biglang ganoon? Ano? Aasta ako na nagseselos sa mga babaeng nakapaligid sa kapatid ko? Impossible. Miski ako, hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Tinawag siya ni Daddy at kinamusta. Nang makita niya kami ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nawala ang ngisi niya sa mukha at sumimangot siya. But he still looked handsome tho. Lalo pa sa suot niyang black tux.

Wala siyang neck tie at naka-unbotton din ang polo niya. Hindi rin maikakaila na mas bumagay sa kanya ang kaka-shave niya lang na mukha. Mas malinis na ito kumpara kanina. Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya ay mas lumalim ang simangot niya sa mukha at hindi na ako pinansin.

What's his problem?

"Dad."

"Son, welcome back–"

"Dad?" Singit ko sa usapan nila. I was not comfortable with Reed being there. Lalo pa at nainis ako sa pag-isnob niya sa akin.

"Yes, princess?"

"May I be excused? I need to go to the bathroom."

Nakahinga ako nang maluwag nang payagan ako ni Dad na pumunta muna sa loob ng bahay. Pero kahit na medyo nakalayo na ako sa kanila, ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit na titig ni Reed sa likuran ko. Tiniis kong 'wag lumingon hanggang makapasok ako sa bahay. Bahala siya diyan.

***


"Few more hours, Savannah. Few more hours."

Huminga muna ako nang malalim bago ko buksan ang pinto ng CR. Pagkabukas ko agad ng pinto ay tumambad sa akin ang isang Reed na nakasandal sa dingding katapat ng rest room.

Nagkatitigan kaming saglit bago ko iniiwas ang mga mata ko.

"Savannah."

"What?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya at nakikipagtalo pa ako sa sarili ko kung iiwanan ko na ba siya doon or hindi.

"You look hot."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What now?

"T-thanks."

Rinig ko ang paghinga niya nang malalim. "But next time, don't wear it again, okay?"

Biglang nanrindi ang tainga ko sa sinabi niya. What? Pati ba naman sa mga suot ko ay may sasabihin din siya?

"Ikaw ang nagbigay ng damit na 'to sa akin," matigas kong sabi sa kanya at nag-asta nang aalis. Pero hinarangan niya bigla ang daraanan ko. At imbis na ang una kong inisip ay kung paano ako makakatakas sa kapatid ko, ang bagay lamang na naging laman nito ay kung gaano ko kagusto ang nakaka-high na pabango niya.

Damn, wrong train of thought, Savannah.

"I don't want that, Sav. Nakita mo ba kung paano ka tingnan ng mga lalaki sa labas? They looked at you like you're a piece of meat."

I rolled my eyes and shrugged.

Maybe it was only his typical brother intuition kicking in. "So? Ano naman sa'yo? What if gusto ko 'yong attention?"

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan nang mahigpit ang magkabilang braso ko. "Fuck it, Savannah! Nobody can look at you like that aside from me. Get that?" Kitang kita ko ang nanlilisik niyang mata at 'yong pagpintig ng panga niya.

"Reed, kailangan ko nang lumabas. Daddy is already waiting for me outside." I nervously avoided his stares. Tinanggal ko rin ang mga kamay niya sa braso ko.

Hinayaan niya akong makaalis sa pagkakahawak niya pero hindi pa nga ako nakakalayo ay sinundan niya ako sa paglalakad. "I told you, I'll take it slow with us but I don't know if I can do that if I see you again wearing that kind of dress. You don't leave anything to my imagination. You tempt me with that dress. Baka hindi na ako makapagpigil. I might mark you mine right here and right now."

I bit my lip. Ano pa ang masasabi ko roon?

Tumalikod siya sa akin at ginulo niya ang buhok niya. "Damn! Wrong move. I should have given you something that will cover you up completely."

"Reed, focus. Nasuot ko na, wala na tayong magagawa."

Bigla siya sa akin humarap. Naka busangot pa rin ang mukha niya. Hindi ata natuwa sa sinabi ko. "Bloody hell! Fine! 'Pag may nahuli kang nakatingin sa'yo umalis ka na agad, okay?"

Tumango lang ako at tumawa. Crazy brother.

Nauna na akong lumabas ng bahay dahil sabi niya magpapalamig pa raw siya ng ulo.

Sa labas, naabutan ko si Daddy na may kausap na business partners. Kagaya ng routine namin kanina ay ipinakilala niya ulit ako. Hindi ko alam kung bakit importanteng makilala ko sila pero kasi sabi sa akin ni Daddy, balang araw daw ay kami ni Reed ang magpapatakbo ng kumpanya kaya dapat ay makilala na kami ng mga tao.

Medyo pagod na rin ako sa paglalakad namin nang marating namin ang last table.

So far, so good. Wala naman sumuway sa akin kung bakit maikli ang damit ko o nagparamdam sa akin na iba ako. Tanggap na tanggap ako sa party.

Nahagip ng mata ko si Reed nang lumabas siya sa bahay. Dumiretso siya roon sa grupo ng mga babaeng kausap niya kanina. I just rolled my eyes.

Tsk.

"I want you to meet your cousins. Savannah, here are Maddox, Venus, and Caine."

Nabalik ang atensyon ko roon sa last table. Pinasadahan ko ng tingin 'yong mga sinasabi ni Papa na mga pinsan ko. Ito ba 'yong sinasabi ni Keira na dark side? Mukhang hindi naman ah.

"Hi."

Si Maddox kaagad ang una kong napansin. Medyo hawig sila ni Reed. Malalim lang ang mga mata ni Maddox at masyadong light brown ang mga ito. Mukha tuloy siyang may lahi. Pati 'yong tangos ng ilong niya ay para ring kay Reed. Naka-button down shirt siya at naka-dark blue sweatshirt. Para nga siyang hinugot galing sa prep school sa ibang bansa. Ayos na ayos din ang buhok nitong naka-slick back.

"Maddox is the only son of your Tita Alberta and Tito Ryan. True Fonacier, I might say." Mukhang proud na proud si Daddy kay Maddox.

Sa kabilang banda naman nang si Caine na ang magpapakilala sa akin ay agad na nawala ang ngiti ni Daddy at suminghal siya kay Caine.

Magkapatid sina Caine at Venus. Mga Alcantara sila at sabi sa akin ni Daddy, isa ang mga Alcantara sa mga may malaking share sa kumpanya namin.

Pero bakit gano'n? Bakit parang ang init ng dugo niya kay Caine gayong mukha namang mabait ang pinsan ko?

"Hey, Savannah," bati niya sabay ipinagdikit ang dalawang daliri niya at sumaludo sa akin. Natawa ako sa ginawa niya, naaalala ko sa kanya si Grey.

Maayos naman sana siya, 'yon nga lang ay hindi ko talaga alam kung sinadya ba ni Caine na magmukhang wala siyang pakialam kung formal ang inattendan niyang party. Naka-black t-shirt lang kasi siya at naka-black pants. Ni hindi nga ito nag-ayos ng buhok. Gulo-gulo at parang bagong gising lang siya.

Si Venus ang pinakabata sa kanila. Mga nasa 13 o 14 lang ata siya. Panay ang ngiti niya sa akin at nang dapat kakamayan ko na siya ay niyakap niya ako.

"Hi Ate Savannah!"

"Hello rin," sagot ko. Gosh! Hindi ko mapigilan ang ngiti ko!

She looked so cute! Ang ganda-ganda niyang bata. Mapupula ang mga pisngi niya at mukha siyang manika.

I bet, paglaki niya ay pagkakaguluhan ito ng mga suitors niya.

Hindi rin kami nagtagal sa table ng mga pinsan ko kasi sabi ni Daddy may i-aannounce daw sila ni Mommy. But I promised Venus that we would go shopping soon at si Caine naman ay nag-offer sa akin na i-tour ako sa UP. He's a law student pala, at member din ng isang rock band kaya ganoon ang ayos niya.

While Maddox... uh never mind. Medyo snob siya at hindi ako pinapansin the whole time na nakikipagkwentuhan ako kila Venus.

"Basta, Ate Sav! Shopping soon!" I nodded before kissing Venus' cheeks at nagpaalam na muna.

Umupo ako sa table kung saan nandoon sila Chels. Pagkarating ko doon ay pinaupo nila agad ako sa may bakanteng silya. Nagku-kwentuhan pa rin silang lahat pero medyo mahina na dahil umakyat na rin sa may elevated stage sina Daddy at Mommy.

"Ano sa tingin mo ang sasabihin nila, Savvy?" Bulong sa akin ni Chels. Nagkibit balikat lang ako. Honestly, I didn't know. Wala naman sinabi sa akin si Daddy noong naglalakad-lakad kami.

"First of all, I just want to thank all of you for attending here." Si Mommy ang unang nagsalita. She looked so beautiful with her long gown. I actually smiled while looking at her and Daddy. They looked so good together!

"We're all gathered tonight because of two reasons. First and foremost, this is a thanksgiving party for the safe recovery of my daughter, Savannah. Dear, gagawin namin ang lahat ng Daddy mo para maka-adjust ka nang maayos. Just wait and see, baby."

Nag-flying kiss sa akin si Mommy at itong mga pilyong pinsan ko, namely Grey and Cole, ay sinubukang kunin ang imaginary kiss mula sa ere. Tumawa tuloy ang mga tao sa paligid namin.

I looked around, lahat ng tao ay nagkakatuwaan at nagsisiyahan. Bawat table nag-uumapaw ang mga handang pagkain at usapan. When my eyes rested on the mobile bar, I saw my brother standing and drinking alone.

When the laughter and the commotion ceased, nag-start ulit magsalita si Mommy.

"For our second announcement, mas mabuting ang husband ko ang magsabi nito."

Ibinigay ni Mommy ang mic kay Daddy. He looked so authoritative and strict doon sa stage, kinabahan tuloy ako sa sasabihin niya. "I would like to announce that I will be stepping down soon."

Pagkasabi pa lang nito ni Daddy, nagkaroon ng panandaliang katahimikan at sinundan ng maingay na commotion.

"And I would like my son, Reed to handle the company after I step down. Since our VP just passed away last month, I am now assigning Reed to be the temporary replacement hangga't 'di pa nakakahanap ng kapalit. This would be his training ground for next year."

Mas lalo pang lumakas ang mga usap-usapan. Bumalik ang tingin ko kay Reed. Nakatalikod siya at mukhang nagre-refill ng alak sa baso niya.

I felt like a complete idiot. I didn't know what to do or what to say. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.

"May credentials na ba 'yang anak mo Fredericko? I think, I would be speaking in behalf of the board of trustees that your son, doesn't have any trainings or so. Ayaw naman namin ipahawak at isalalay ang buong kompanya sa isang baguhan gaya niya. The investors won't like it. It's bad for business."

The man who spoke was a tad year older than Dad. Puti na ang lahat ng buhok nito at mukhang 'di alam ang salitang 'ngiti' dahil sa permanenteng simangot nito sa mukha. Sa lahat ng taong nakarinig sa desisyon ni Daddy, mukhang siya lang ang hindi nagustuhan ito.

Lahat ng tao tuloy ay nabaling ang atensyon kay Daddy at naghihintay sa sasabihin nito. But Daddy just smirked at the man na para bang ini-expect niya na magrereklamo ito.

"Mr. Esquivel, may I remind you that Reed, unlike your son, Vincent, is an excellent student and a valuable asset to the company. In fact, at the age of 20, my son already graduated with multiple degrees and honors at Oxford. He also acted as the OIC in our company in New York last summer. I don't know if I still need to list down all my son's achievements to erase your doubts, pero kitang kita naman na qualified ang anak ko. At kung ang mga investors naman ang inaalala ng mga board of trustees, ladies and gentlemen, don't worry. I already had a meeting with them ealier this morning together with my COO, my wife, and presented my plan. They all agreed. And lastly, for all those of you besides Mr. Esquivel who wants to challenge my decision, sorry, but my decision is final. And I would like to remind you, that this is my company, I can do anything about it."

Woah.

Sumipol si Grey sa tabi ko at bumingisngis. Kung hindi lang siya sinuway ng dad niya sa kabilang table, siguro ay sumabay na rin ako sa pagtawa niya. Halos lumagapak na kasi sa damuhan ang panga ng tinatawag nilang Mr. Esquivel. Wala na siyang sinabi matapos noon at nag-walk out na lang siya sa party.

Lahat ng tao ay nakatingin sa bawat galaw niya. Nang tuluyan na siyang makaalis ay bigla na lang silang nagpalakpalakan at kinon-gratulate si Daddy.

"Have a great night, everyone!"

Nagpapalakpakan pa rin ang mga tao hanggang sa makababa ng stage si Dad at si Mommy. Bumalik ang tingin ko kay Reed, expecting him na nandoon pa rin sa may mobile bar pero wala na siya doon.

Naglalakad na siya papunta kay Dad at mukhang galit. Nang magkasalubong sila ay hinila ni Dad si Reed at pumasok na sila sa bahay.

"OMG! Like your twin is so galing!!! Mag-uumpisa pa lang ako mag-intern sa Vogue Phil. Tapos siya, acting VP na sa company ninyo? Big time!"

Dahil parang bulang biglang nawala sina Reed at Daddy, ako ang nakatanggap ng mga congratulations galing sa mga bisita namin. Halos nangalay na nga ang panga ko kakangiti at kaka-thank you sa kanilang lahat. Kaya laking pasalamat ko nang mag-alas-onse at nagsimula nang mag-uwian ang mga matatandang bisita. Lumabas na rin sa bahay sina Daddy at Mommy at sila na ang nag-take over sa mga bisita namin.

Hinintay kong lumabas na rin ng bahay si Reed. Kung totoo ang sinasabi ni Chels na malaking bagay daw ang maging acting VP sa company namin, kailangan ko siyang batiin. Pero walang Reed ang lumabas kaya dumiretso na lang ako sa mobile bar kung saan nag-iisang nakaupo si Kuya Sebastian.

"Enjoying the party?"

May hawak siyang baso ng alak at noong umupo ako sa tabi niya ay ibinigay niya sa akin ito at kumuha ng panibagong baso sa may table. Nilagyan niya ito ng JD at diretsong ininom.

Mukhang pagod na rin si Kuya Seb dahil tanggal na ang neck tie at naka-unbutton na rin ang polo nito.

"Kapagod, kuya. Ang sakit na ng paa ko." Nag-dekwatro ako at sinimulang tanggalin ang napakataas na high heels na pinahiram pa sa akin ni Chelsea. Tumawa si Kuya Seb sa tabi ko at kinuha ang namumulang paa ko.

"Here, let me help you."

Nilagay ko ang hita ko sa may binti ni Kuya Seb at siya na mismo ang nagtanggal sa sapatos ko. Nag-refill ulit ako ng panibagong JD sa basong binigay niya at inoffer ito sa kanya. Humindi siya sa akin kaya ako na ang nag-ubos.

"Don't worry, Sav. You'll get used to this."

"Ganito ba talaga kuya? I mean, do we need to pretend to like them all the time?"

"Who?"

Tinuro ko 'yong mga investors na nakausap namin kanina. 'Yong iba pa nga sa kanila ay nahuli kong tumitingin sa binti ko!

"It's business, Sav. No matter what you think about them, you need to suck it all up and deal with them."

Pinagmasdan ko siyang uminom sa baso niya at nag-refill ulit. Kuya Sebastian looked at me and flashed his crooked smile. I thought medyo lasing na rin siya dahil namumula na ang kanyang mga pisngi but unlike my good for nothing cousins katulad nila Grey na ngayon ay nagwawala na sa dance floor, mas composed pa si Kuya Seb.

"Wait lang kuya ah, inom lang ako ng tubig sa loob. Dito ka ba matutulog sa amin?"

Umiling si kuya Seb. Sabi niya, sasamahan pa raw niya sila Cole mamaya sa race na pinaplano nila kanina. Kailangang may matinong makakapag-drive sa kanila pabalik sa bahay in case na makatulog sa kalsada sa sobrang kalasingan.

Nagyapak lang ako nang pumasok ako sa bahay, tutal naman wala na 'yong mga importanteng mga bisita at halos mga pinsan at kamag-anak na ka edad ko na lang ang natitira at sumasayaw sa dance floor.

Nang makapasok na ako sa loob medyo madilim dahil dim lights lang ang ginagamit sa may sala. Nang dumiretso ako sa may kusina namin ay walang ilaw na nakabukas pero 'di ko kasi alam kung saan ang bukasan kaya hinayaan ko na lang at dumiretso ako sa may ref para kumuha ng tubig at yelo. Kumuha na rin ako ng baso at dumiretso sa may table.

"Hey."

Muntik ko nang mabitawan ang pitsel ng tubig nang marinig ko ang boses niya.

"What are you doing here?"

Akala ko ay sasabog na ang puso ko sa kaba dahil sa ginawa niya. Nakakainis! Bakit mahilig siyang sumulpot kung saan-saan?

Nang lingunin ko siya ay napakagat na lang ako ng labi para mapigilan ang sarili kong mapanganga sa nakita ko. Wala na kasi ang coat niya at tanging naka-puting polo na lang siya. Naka-fold na rin ang long sleeves niya kaya define na define ang kanyang biceps. "Obviously, I'm drinking. You?" Tinaas niya ang kanyang baso na may lamang alak. Sumandal siya sa may lababo at pinagmasdan lang ako.

"Obviously, umiinom din ng tubig." Hindi ko na siya pinansin matapos no'n dahil medyo nainis ako sa sarkastikong tono ng kanyang boses. Tinalikuran ko na lang siya para maglagay ng yelo sa baso ko.

"Savannah," napatigil ako saglit pagkabanggit niya ng buong pangalan ko. Halong paglalambing at utos na sagutin ko siya ang meron sa tono ng boses niya. Damn, Reed! Stop being complicated!

"Baby."

Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng yelo at sinusubukan ko rin kontrolin ang hininga ko. Stay calm... Savannah... Stay calm.

"Savannah, may bumastos ba sa'yo sa labas?"

Napahinto ako sa paglalagay ng yelo. Nakakainis! Naaalala ko na naman 'yong mga sinabi niya sa akin bago kami naghiwalay!

Nang hindi ako sumagot, naramdaman ko na lang ang paggapang ng mga kamay at braso niya sa baywang ko. Napatalon ako sa gulat at nabitawan ko pa ang tong na pangkuha sa mga yelo. Gumulong ang yelo sa may table ngunit nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng paghinga niya sa aking leeg at ang higpit ng yakap niya sa baywang ko.

"Reed... kuya... ano ba, makikita nila."

Nang dumampi ang labi niya sa sensitibong parte ng aking balikat ay halos mapasigaw ako sa gulat.

"Relax. I am not doing anything wrong; I'm just hugging my sister. Now, answer me. Was there someone?"

Lumunok ako. Kaya mo 'yan, Savannah. Sagutin mo lang ang tanong niya at umalis ka na!

"W-wala."

Bumuntonghininga muna siya bago niya ako pakawalan sa yakap niya. Hindi ko alam na pati rin pala ako ay napabuntonghininga na rin. Agad kong pinuno ng yelo ang baso ko para maalis ang atensyon ko sa init na naramdaman ko sa gitna ng mga binti ko.

Shit! What I was feeling at that moment was wrong on so many levels!

Bumuntonghininga ulit ako matapos ay mahinahon ko siyang hinarap. Ngunit napahinto ako at nanigas na naman sa kinatatayuan nang bigla siyang lumapit sa akin at kumuha ng isang pirasong ice cube mula sa baso ko at inilagay niya ito sa kanyang labi.

Hindi niya tinanggal ang titig niya sa akin habang paulit-ulit niyang ipinadaan ang kapiraso ng yelo na 'yon sa labi niya.

Crap. Ang sarap siguro maging yelo.

"Congrats nga pala." I didn't know where that came from but thank god at nagawa ko ring magsalita kahit na gustong gusto nang bumigay ng tuhod ko.

"Hmm..." Pinasadahan ng dila niya ang mga natunaw na yelo sa labi niya. Umiwas ako ng tingin dahil ang init sa mata ko ng mga kalokohan niya. "Did you drink a lot out there, baby? I don't want you drinking like that again okay? Stay sober for me."

Hindi niya pinansin ang pag-congrats ko. Kaya inulit ko ito. "I said congrats. I'm sure you'll be good in your job."

"What?"

"The job."

Nakahinga ako nang maluwag nang maglakad siya sa kabilang dulo ng table. Pero, magkaharapan pa rin kami kaya parang wala rin. I didn't know how he did it, pero once na makuha na niya ang atensyon mo ay hindi mo na kayang kumawala pa rito.

"I fucking hate it."

" H-ha? Bakit?"

"I don't like the responsibility. And besides, if I really become the acting VP, then I'll be fucking stuck in the office. I won't be staying at home that often."

"So? Ayaw mo no'n? May gagawin ka pa bang iba habang nandito ka sa Pilipinas?" Kinakabahan ako habang naghihintay ng sagot niya. Humigpit ang hawak ko sa aking baso at nagsimula na rin matunaw ang mga yelo na nilagay ko.

Umiling siya at seryoso siyang tumingin sa akin. "Savannah, I came here not to work. I came here for you. And if this promotion means that I will spend less time than what I was planning with you and my answer will be a big fucking no, I don't like even the idea of it."

"Reed," I said, reprimanding him.

Napalunok ako nang guluhin niya ang kanyang buhok dahil sa mga gumugulo sa isip niya, kung ano man iyon.

"What? I am only saying the truth, Savannah. I want to spend every waking day of my life with you. Especially now that you don't remember me. Baby, I want you to know me. I want you to spend even a drop of your time with me. I desperately want you to remember me, Savannah, so please tell me, how am I supposed to do that when I am working in that bull shit of a company?"

Halatang frustrated na siya dahil tumataas na rin ang boses niya. Hindi ko malaman ang gagawin ko at sasabihin dahil nabigla na naman ako sa mga salitang binitiwan niya.

"Bloody fuck." Tiningan niya ako na parang nagtatalo ang isip niya. "Sorry to ruin your night, Savannah. Come on, let's just dance."

***


We partied together with our cousins after that weird conversation. Napaka-wild ng mga pinsan ko, palibhasa lahat ay lasing na. Walang mga nakatatanda na sumusuway sa amin kaya napakalakas na ng sound system.

Wala na roon sina Maddox at Venus pero si Caine ay nandoon pa rin at may kasamang mga babae na sumasayaw. Si Grey naman, pinauwi na ang DJ at siya na ang nag-take over doon. I've got to say, iba mag-party ang mga pinsan ko.

Even Reed could dance.

When they announced na last song na for the night, nag-request si Chels kay Grey na magpatugtog ng isang slow dance music. Syempre nang malaman ito ng lahat ay nagsimula nang magpartner-partner.

Dahil wala naman akong kasayaw ay didiretso na sana ako sa may table kasama nila Levi nang hablutin ang kamay ko ni Reed at yayain akong sumayaw.

"Sav?"

Enjoy na enjoy ko ang music na pinatutog ni Grey. I couldn't recognize the singer pero unang salita niya pa lang, na-in love na ako sa kanta.

"Hmm?"

"Remember this song? You loved this song."

Tumingala ako kay Reed. Nakatapak ako sa mga paa ng kapatid ko kasi hindi ko alam kung paano sumayaw ng slow dance. Wala namang reklamo tungkol doon si Reed. Pakiramdam ko nga ay mas nagugustuhan niya pa ito dahil panay ang ngisi niya sa akin.

"I do?"

"Yeah. Nagselos pa nga ako dito dati. You said you love this more than me."

Panandalian kaming natahimik at nalunod lang sa kanta.

"Can I sleep in your room tonight?"

'Yong puso ko, nagsimula na namang mag hurumentado. It had been a very long night.

"No."

"Why?"

"Baka may hindi ka gawing maganda."

"I promise I'll be a good boy. No monkey business, I swear."

"No."

Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya para hindi niya makita ang pagngiti ko.

"Please?"

Pinalo ko ang balikat niya. "Let's just dance kuya," pag-iiwas ko sa tanong.

"I told you, call me Reed. Don't call me with that god forbidden name."

This time, hindi ko na nakuhang pigilan ang pagtawa ko. "Then don't call me baby."

"Deal. What do you want me to call you? Love? Babe? Ma chérie?"

"Ma chérie? Ano 'yon?"

He smiled at me. "Come on, Sav, I can sleep on the floor if you don't want me in your bed. It's been a long night and I missed you... I-I missed you."

I looked at him, and he's biting his lip.

God.

"Please?"

"No. Matutulog sa kwarto ko sina Chels at Keira, wala ka na doong place."

Huminto na ang kanta at huminto na din kami sa pagsayaw.

"If Keira and Chels are not there with you, will you let me in? Will you let me sleep with you?"

I closed my eyes and think.

Ano Savannah? Papayag ka ba?

Continue Reading

You'll Also Like

97.6K 3.1K 29
☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Jessie's body is in comma while her soul is searching for a reason for her to have her life back. Kailangan niyang gawin iyon ba...
226K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
Best Friends By Yuja

Teen Fiction

8.1K 107 77
Bestfriend? Yan ang taong kapag kailangan mo ng karamay andyan lagi. Pinapagaan ang loob mo, pinapayuhan ka, pinapagalitan ka kapag may ginawa kang h...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...