In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [12]

109K 2.9K 390
By chiXnita

-12-

"BYE, KUYA! Bye, ate..." sigaw ng kambal na sina AJ at JA nang umalis na ang sinasakyan naming speed boat ni Grant. Hindi pa kami uuwi. Pupunta kami sa underwater cave ng Loriete Island na malapit lang sa Centro.

"See you later, guys..." sigaw ko pabalik. Kumaway din ako kay Aling Cora na nakatayo sa harapan nila. Nakangiti lang si Grant at umiiling sa tabi ko.

Muntikan na akong mahulog sa dagat nang hilahin niya ang kamay ko. Naalalayan niya lang ako agad kaya napaupo ako sa tabi niyang namumutla sa kaba. Napabuga ako ng hangin. Napahawak sa dibdib.

"Sorry, baby." Pinisil niya ang pisngi ko. Gusto kong batukan ang sarili. Kanina lang namumutla ako. Ngayon, pulang-pula ang mukha ko. Nakikita ko ang aking reflection sa suot niyang sunglasses. Ang lapit ng mukha namin. "Can I have my sunrise kiss now?" malambing na tanong niya.

"W-what?" Sunrise kiss? May gano'n ba? Nataranta na ako. Dumikit na ang tip ng mga ilong namin. Naaamoy ko ang hininga niya. Ang sarap gawing energizer. Nakita ko sa sulok ng mata si Mang Kiko na nakangisi kaya napaiwas agad ako bago pa halikan ni Grant. Ang PDA! Okay lang sana kung kaming dalawa lang.

Sunod-sunod na nagmura ni Grant. Nakahawak siya sa ulo niyang nauntog yata sa bakal ng speed boat nang umiwas ako.

"Grant, sorry... pa-patingin." Agad ko namang natanggal ang kamay niya. Hindi katulad no'ng nabato ko siya na nag-iinarte pa. Namumula noo niya ngayon. May nagbabadyang bukol na namumuo. Pinisil ko 'yon. "Masakit?"

Tinapik niya ang kamay ko. Mukhang masakit nga. "A-ano, medicine kiss na lang..." Hahalikan ko na sana si Grant sa noo kaso sinalubong niya ang mukha ko.

Hinalikan ako sa lips.

Imbes na siya ang magulat sa gagawin ko, ako ang napasinghap sa ginawa niya. Mga ilang segundo ring nakadikit ang mga labi namin pero ang mga mata ko mamaya pa yata babalik sa normal... dilat na dilat.

"Kailangan ko pa pa lang masaktan para makuha ang sunrise kiss na iyan..." Ngumiti siya.

Nakita ko ang dimples niya sa magkabilaang cheeks. Hindi kasi ito malalim. Hindi rin bilog. Maliit lang na paguhit. Isa 'yan sa mga gusto ko sa mukha niya. Ang cute kasi. Nakakainggit. Umayos siya ng pagkakahiga sa lap ko. Ipinaharap ang mukha sa 'king tiyan. Niyakap ang aking bewang.

Napatuwid ako ng pagkakaupo. Hindi alam kung itutulak siya palayo o hahayaan lang. Nababahala kasi akong baka marinig niya ang pagwawala ng mga lamang-loob ko.

Mahina siyang tumawa sa bandang tiyan ko. "Your tummy is shaking." Sinasabi ko na nga bang mapapansin niya. "And I can hear your organs' humming: I love you, Grant!"

Nakita ko si Mang Kiko na nag-thumbs up sa 'kin at ngumisi.

Asawa siya ni Aling Cora. Kung si Aling Cora... petite, kabaliktaran niya naman si Mang Kiko, sobrang tangkad. Sa kanya nagmana ang kambal. Tisoy. Si Aling Cora, morena. Tahimik siya na kabaliktaran naman ng asawa niya.

Love is really amazing, isn't it? Hindi mo mapredict.

Kaya nga love na love ko ang nauntog na ito nang dahil lang sa sunrise kiss. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Hinawakan ko ang buhok ni Grant. Marahan iyong sinuklay. Gumalaw siya sa lap ko. Hindi ko na pinagtutuonan ng pansin ang magandang tanawin na nadadaanan namin. Kung gaano kabughaw ang tubig-dagat. Ang mga isdang nagtatalunan. Nakatuon ang buong atensiyon ko sa pinakag'wapong nilalang na ginawa ng Diyos sa buong mundo.

Kung hindi man siya ang pinakagwapong lalaki para sa ibang tao... wala akong pakialam. Para sa 'kin... siya lang.

Kaya ko naman sigurong mabuhay nang wala siya, hindi nga lang kasing exciting at masaya kapag kasama siya.

At 'pag iniwan niya ako... para na rin akong sinabihan ng doctor na... "may taning na ang buhay mo."

_...._..._

"WALA NA bang kulang sa suot mo? Oxygen? Spectacles? Flippers?" Tiningnan ni Grant ang kabuoan ko at bumaling kay Mang Kiko. "'Ta, wala na bang kulang? Baka kasi—" Sinapak ko na ang braso niya. Pang ilang check na niya kasi. Nakailang tanong na rin siya kay Mang Kiko na 'Ta' talaga ang tawag niya.

"Okay na, Grant, lumusong na tayo sa tubig," nakangusong sabi ko. Gusto ko nang magdive kanina pa. Bumuga siya ng hangin. Muling tiningnan ang kabuoan ko. Napangiti ako. Tiningnan din ang kabuoan niya. Halos parehas kami ng suot, ang kaibahan lang sizes.

Nakasuot siya ng diver's outfit, goggles, flippers at may nakalagay sa likod na oxygen. Kasama namin si Mang Kiko; siya kasi ang mag-guguide sa 'min.

"Lulusong na ba tayo, Grant?" Mukhang naiinip na si Mang Kiko. Napakamot si Grant sa ulo at tumango. Nauna nang tumalon si Mang Kiko sa tubig at hinintay kami. Ang speed boat iniwang nakatali sa isang malaking bato.

Lumusong na rin si Grant at inalalayan ako sa pagtalon. Kung hindi nakatatak sa 'king isipan na kunwari lang ang lahat ng ito, iisipin kong... mahal niya ako.

Kaso, ilusyonada lang talaga ako.

Sana kasi totoo na lang.

Magkahawak kamay kaming lumubog sa tubig. Magaling naman akong lumangoy at kasama ko si Grant kaya wala akong dapat na alalahanin.

Pumasok na kami sa underwater cave. Napanganga ako kahit na bukana pa lang ang nakikita ko. Malaki itong butas na sobrang gandang tingnan. May mga nagbabantay na iba't ibang klaseng isda sa labas. Iba't iba ang laki. Naghawian sila nang pumasok kami. Malamig ang tubig. Malinaw. Natataw ko pa rin ang kalawakan kahit na medyo malalim na ang nasisid namin.

Hinatak ako ni Grant palapit sa kanya nang nabitiwan ko ang kamay niya. May isinenyas siya pero hindi ko maintindihan. May nakalagay kasing oxygen sa bibig niya. Hindi siya makapagsalita. Umiling ako para ipakitang hindi ko siya naiintindihan.

May inilabas siya sa maliit na belt bag na suot niya. Ngayon ko lang nalaman na may waterbag siyang dala. Kinuha niya ang camera na water proof. Ngumiti ako. Lumapit sa kanya.

Kumuha kami ng iilang shots kahit na hindi naman kami masyadong mamukhaan dahil sa suot na spectacles. May shot pa na may maliit na isdang umeksena sa pagitan namin. Ang cute.

May mga solo pictures siya na ako ang kumukuha. Meron din ako. Pero madalas magkasama kami. Selfie. Kumukuha rin siya ng iilang shots ng mga coral reefs at malalaking isda na ngayon ko lang yata nakita.

Trese Paradise is really wonderful. Hindi nakakasawa.

Si Mang Kiko, hindi gaanong lumalayo. Tamang distansiya lang sa 'min. Halatang sanay na siya sa lugar na ito na kahit pati ang mga isda, hindi ilag sa kanya.

Hinatak ulit ako ni Grant kaya nagkadikit ang mga katawan namin.

What? Iyan sana ang gusto kong itanong.

Kinuha niya ang nakalagay sa bunganga niya. Nanlaki ang mga mata ko. Nataranta.

What are you doing? I mouthed kahit na hindi niya ako maiintindihan dahil sa oxygen.

Bumubuka ang bibig niya. Muli akong umiling. Sumimangot siya. Isinuot niya iyong oxygen. Nakahinga ako nang maluwag. Lumangoy na ako papasok sa cave nang hinila ulit ako ni Grant. Kinakabahan na akong bumaling sa kanya.

Ano bang problema—

Naistatwa ako. Kinuha niya ang oxygen sa bunganga ko. Bago pa ako makapagreact ay nasakop na ng mga labi niya ang nakaawang kong bibig sa gulat. Napakurap-kurap ako sa loob ng goggles.

Kung nakakamatay lang ang kuryente na dumaloy mula sa kanyang mga labi papunta sa 'kin... kanina pa ako nalagutan ng hininga.

Naramdaman ko ang pag-init ng buong katawan ko sa ilalim ng malamig na tubig. Dilat ang mga mata ko pero nakapikit siya kaya... unti-unti na akong napapikit. Mauubusan na ako ng oxygen sa katawan pero siya ang nagbibigay ng oxygen sa 'kin.

Underwater kiss.

Iyon pala ang gusto niyang sabihin kanina. Gumalaw ang mga labi niya. Ginaya ko siya. Hindi naman ako proficient kisser, pero sa ginagawa niya ang bilis kong matuto.

Humiwalay lang si Grant nang mauubusan na talaga ako ng hangin. Nakakalunok na nga ako ng maalat na tubig pero 'yong matamis na halik niya pa rin ang yumayanig sa buong sistema ko.

Kinuha ni Grant ang oxygen host at muli iyong ibinalik sa 'king bunganga.

Breathe. Naintindihan ko ang binigkas niya bago ibinalik ang oxygen niya.

Sunod-sunod akong nagpakawala ng hangin. Para akong hihimatayin.

Napasulyap ako kay Mang Kiko na medyo nakalayo na. Hindi ko alam kung nakita ba niya ang milagrong ginawa namin sa loob ng magandang kweba.

_..._..._

KANINA KO pa nilalaro ang mga labi. Kanina pa rin ako nagkukulong sa loob ng kwarto ng beach house.

Nakabalik na kami ni Grant pero hanggang ngayon ang linaw pa rin sa utak ko ang nangyaring sunrise kiss at underwater kiss.

May bonus pa ngang after-cave kiss, nakaw nga lang, sabagay lahat naman pala ng 'yon... ninakaw niya. Na kahit hindi naman niya nakawin, handa akong ibigay sa kanya.

Hinawakan ko ang namumulang pisngi. Dumapa. Ipinalo-palo ang dalawang paa sa malambot na kama.

Ughh! Nakakabaliw.

"Heather..." Napabalikwas ako. Hindi dahil sa may kumatok kung 'di dahil sa kung sino ang kumatok. Mabilis akong pumunta sa harap ng salamin. Nagsuklay ng buhok. Nagpowder. Inayos ang nagulong suot. Tumakbo ako sa may pinto, pagkatapos.

"B-bakit?" Epic failed! 'Yan agad ang sigaw ng utak ko nang mabungaran ko siyang half-naked... for the nth time. Grant naman, eh!

"What happened to your face?"

"S-sunburn," palusot ko kaya lumabas ang dimples niya nang ngumisi siya. "I mean magkaka-sunburn yata ako kasi namumula."

Tumango-tango siya. Pinipisil ang labi niya. Nakatingin sa lips ko. Lalo akong namula.

Lecheng labing 'yan. Makakagawa ako ng kasalanan. Sarap bigyan ng Heather's lip-bleeding kiss. Pumikit ako. Tinuktok ang ulo.

Mahina siyang tumawa. Ano pa bang kahihiyan ang magagawa ko sa harapan niya? Pakiramdam ko kasi umaapaw na.

Hinawakan ni Grant ang siko ko. "Let's go?"

"W-where?"

"Kakain."

"Ng?" Awang pa rin ang bibig ko. Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"Lunch?" Patanong na sagot niya at tumingin muli sa labi ko. Tila may ibang plano.

Ugh! Manyakis na talaga ako. Kung ano-ano naiisip ko. Naglalaro sa trampoline ang puso ko. Hindi napapagod sa kakalukso.

Nauna nang bumaba si Grant. Sumunod ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang batok niyang medyo mabalbon. Ang likod ng balikat na may red birthmark sa kaliwa. Ang sexy back hanggang sa erogenous butt.

P'wede bang siya na lang ang kainin ko at 'wag ng mag-lunch?

Nang makababa si Grant sa hagdan na ilang steps lang naman, lumingon siya sa 'kin. Na tila nababasa niya ang mga naiisip ko. Natisod ako bigla. Alam kong lampa talaga ako pero si Grant naman kasi, eh. Napahawak na lang ako sa mukha. Hinintay na bumagsak sa sahig.

Kaso araw ko yata ngayon. His sexy body caught me.

Napatihaya siya sa carpet. Napaibabaw ako sa kanya. "Careful! I'm not always here to catch you... when you fall." Ang hina ng boses niya. Ang pula ng mukha. "Are you... okay?"

Ako naman ang humagalpak ng tawa sa naging reaksiyon niya. Sobrang saya ko. Mabuti sinalo niya ako.

Sana pati ang... puso ko.

Dinikit ko ang ilong sa tip ng ilong niya. Hinipan ang bibig niya. "Yes, baby. Are you...?" balik na tanong ko.

He cleared his throat. His Adam's apple was moving while his lips were slightly opened.

Inilagay ko sa isang side ang buhok. Pinasadahan ng dila ang labi. Mapungay ang mga matang tiningnan siya. Ibinalik ko ang tingin sa nakaawang pa rin niyang bibig. Kinagat ang labi bago dahan-dahang pinakawalan mula sa pagkakakagat. Ipinatong ko ang dalawang kamay sa matipuno niyang dibdib at hinimas 'yon.

Isinisigaw ng buong katawan ko na gawin ko 'to. Sinisilaban ang kaluluwa ko na kapag hindi ko ginawa... pagsisisihan ko. Matutupok ako.

My soul was famished to let me play and dance with sultry fire.

"H-Heather—"

"This is what we called before-lunch kiss, Grant..." bulong ko at walang pasabing hinalikan siya.

Kaso hindi pa nag-iinit ang halik ko... bumukas ang main door ng beach house.

Napapitlag kami. Napaayos ako ng upo sa tiyan ni Grant. Nakabukaka. My legs fenced his abs.

Nakita ko ang laglag-pangang sina Aling Cora, Mang Kiko at ang kambal na nandidilat din ang mga mata. Tulala. I flushed. Grant cussed.

Fvcking perverted handsome. Ako pa yata ang lalabas na rapist dahil sa ginagawa niya.

_..._..._

"THEIR FACES were damn priceless." Humalakhak ulit si Grant nang maalala ang nangyaring eksena kaninang tanghalian. Hindi pa siya nakakamove-on. Never niya yatang makakalimutan. "They thought you were a gorgeous rapist who—"

"D-drop it, Grant!" Sinapak ko ang dibdib niya. Imbes na tumigil lalo pa siyang tumawa. Naiimagine niya pa rin ang nangyari.

"My favorite was Ta's face—"

Napatayo na ako. Tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Pulang-pula na ang aking mukha dahil sa kahihiyan.

Naiinis ako sa ginawa ko, pero okay lang sa kanya. Gusto ko lang namang gumanti pero bakit sa 'kin pa rin nagbounce back?

"Tama na kasi..." Tumalikod ako. Hinawakan niya ang siko ko. Hinila paupo sa tabi niya.

"Okay, I'm sorry..." naging seryoso bigla ang boses niya.

Sobrang saya ko ngayon. Kaso kapag natapos ang linggong ito... paunti-unti na naman akong mamamatay.

Humiga siya sa lap ko habang ako nakaupo sa bubong ng beach house.

Nandito kami sa taas. Dumaan kami sa bintana na kumukonekta sa bubong pagkatapos naming kumain ng dinner. Dito kami sa part na may yero. Mas gusto niya kasi dito kaysa doon sa rooftop na sementado. Masakit nga lang sa likod kapag humiga ka.

"Kailangan mong sanayin ang sarili mo sa 'kin, Heather," out of the blue na sabi niya. Naramdaman niya yata ang mga bumabagag sa 'kin.

Sanayin ang sarili sa kanya? Bakit? May balak ba siyang manatili sa tabi ko?

Paano kung wala naman pala? Pinapaasa niya lang naman ako, 'di ba?

Kinagat ko ang labi ko... mariin. Hihintayin ko na hanggang sa dumugo. Namamanhid na ba ako sa mga sakit na pinagdaanan ko? Hindi ko lang nagawa dahil niyakap niya ako at suminghot sa may sikmura ko.

"Kailan mo balak palagyan ng laman ito?"

"H-ha?!" Tinakasan yata ako ng mga traidor kong lamang-loob at sumama sa kanya.

"Humiga ka." Tiningnan niya ako sa mga mata kaya napapalunok akong humiga sa tabi niya. Opposite direction nga lang kasi kinakabahan talaga ako. Hindi naman ako nabingi, 'di ba? Sinabi niya talaga iyon.

May balak ba siyang anakan ako? Oh, my God!

"Bakit ganyan?" tukoy niya sa posisyon ko. Nakatutok kasi sa ibang direksyon ang katawan ko. Pero magkadikit naman ang mga mukha namin. Wala kasi akong tiwala sa sarili. Sa oras na hawakan niya o madikit lang sa kanya, siguradong bibigay buo kong sistema.

Hindi ako sumagot. Tumingin na lang sa kalangitan. Dinadama ang malamig na panggabing hangin na dumampi sa balat namin. Nakalongsleeves ako kaya hindi gaanong malamig. In fact, ang init ng pakiramdam ko kanina pa dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Ang ganda ng mga bituin ano?" tanong ko. Sobrang nakakailang kasi ang katahimikan. Tiningnan ko ang mga kumikinang na tala sa itaas kasama ang quarter moon na siyang pinakamaliwanag sa lahat. Ang aliwalas ng kalangitan. Para bang nakikisama rin ito sa 'king nararamdaman.

Hindi sumagot si Grant at tumingin na lang din sa itaas. "Nakikita mo ba kung gaano kadami ang bituin na iyan?" Itinaas ko ang isang kamay. Isa-isang tinuro ang mga bituin. "Sinubukan kong bilangan 'yan noon isa-isa pero hindi ko talaga kaya, then I realized gano'n din ang pagmamahal ko sa'yo... ginusto ko ring alamin kung hanggang saan pero nabigo rin akong malaman. Bituin pa lang ang mga 'yan, wala pa ang mga buhangin sa karagatan." Humarap ako sa kanya at tumama ang paningin namin.

Umiwas siya ng tingin at muling tumitig sa langit. "Alam mo bang may 88 constellations lahat?" tanong niya.

Tinitingnan ko pa rin siya habang sumasagot... "I don't know but now I do. Anong constellation ang alam mo?" balik na tanong ko.

"Alam kong lahat." Napanganga ako at napatingin ulit sa kalangitan.

"Ang alam ko lang Ursa Minor or Little Bear at Ursa Major or Big Bear o mas kilala sa tawag na Little Dipper at Big Dipper." Tinuro ko pa ang grupo ng mga bituin na hugis tabo. Sa oras na tumingin ka sa kalangitan sila agad ang makikita mo. "Ano ba'ng mga alam mo?"

Bakit ito ang pinag-uusapan namin? Pero nacurious ako bigla. I want to know anything and everything about him, na halos lahat naman alam ko na yata.

"The 12 zodiac signs." Tinuro niya isa-isa ang mga 'yon sa kalangitan. May iba lang na hindi niya maipakita sa 'kin. Ayon sa kanya, wala pang half ng kalawakan ang nakikita namin ngayon.

"I like the shape of my constellation and zodiac sign... Capricorn."

"Why? Where is it?" Excited na tanong ko. Capricorn siya dahil January 17 ang birthday niya. Malapit na pala.

Itinaas niya ang kamay. May itinuro. "There, see that... between Sagittarius and Aquarius?" Nakita ko naman ang hinahanap niya. Mukha itong triangle. Katabi ng archer at mukhang taong nagdidilig— ang Aquarius. Ano'ng maganda sa triangle? "I like it 'coz it looks like a panty."

What the hell?

"You perv! It looks like a triangle or a tail of fish not underwear." Humalakhak lang siya.

Nakakainis. Palagi talagang sumisingit ang kahalayan niya sa katawan. Kapag hindi pa siya tumigil baka magahasa ko na siya nang tuluyan.

Muli akong tumingin sa kalawakan. Tiningnan ang panty... mukha nga siyang panty. Oh, shit! Nahahawa na yata ako sa kamanyakan niya.

Natigil ang tingin ko sa group of stars na katabi ng Aquarius, I think alam ko kung ano ang isang iyon. "Grant, what constellation is that? 'Di ba 'yong panty, tapos Aquarius, and...?"

Tumawa muna siya sa sinabi kong panty bago tiningnan ang tinuturo ko. "It's Pegasus." Napangiti ako. I knew it. Sa kanya ko ipinangalan ang kabayo ko sa Roa Island dahil mukhang kabayo talaga ang hugis ng Pegasus na may pakpak. Ang cute niya, actually. "'Yong katabi ay Andromeda na asawa ni Perseus na katabi niya rin." May tinuturo pa siya sa itaas pero hindi ko na tiningnan.

"Hindi ko naman tinatanong." Tumigil siya sa kakasalita at humarap sa 'kin nang nakasimangot. "Makakalimutan ko rin kasi, baby. Kaya okay na ako kay Pegasus at Panty," bawi ko agad sa sinabi kaya tumawa siya ulit. Hindi ko alam na may talent pala ako sa pagpapatawa. I think, corny mga pinagsasabi ko. Hindi naman ako nagpapatawa. Bakit siya tumatawa? "Besides sa panty ano'ng pinakagusto mong constellation?" Pinanindigan ko na ang panty. Doon siya masaya, eh.

"Cygnus," simpleng sagot niya, sumeryoso ang boses. Nakaramdam ako ng kakaiba. Sana pala hindi na lang ako nagtanong. Kilala ko na talaga siya. Alam kong may something sa tinanong ko. Hindi na ako umimik pero dinugtungan niya ang sinabi niya. "'Yong nasa tabi ng Pegasus, I really love it. It's just a simple constellation but means a lot to me 'coz it looks like an X."

Pakiramdam ko bumaba ang Sagittarius mula sa kalawakan at pinana ako sa puso. Kinagat ko muna ang labi. Bumuga ng hangin bago muling tiningnan ang Pegasus at nasa tabi niya. Marami siyang katabing mga bituin pa, pero dahil sa sinabi niyang hugis itong X nakita ko agad ang Cygnus na tinutukoy niya.

"Kapag nagkaanak ako, Cygnus ang ipapangalan ko kapag lalaki," ngumiti pa siya 'yong tipong biglang may naalala kaya napalunok ulit ako nang sunod-sunod.

"You love it because it looks like an X and Xyrene's name starts with letter X, right?" Tumahimik siya. Kung may mga kulisap lang sa paligid naririnig ko na sila. Bakit kailangan ko pang magtanong eh alam ko naman ang sagot. Hindi ako bitter pagdating kay ate.

Wala naman kasi akong balak na ibalik pa sa kanya si Grant.

I'm selfish. I know it but I don't care on others' opinion about it.

"Your name starts with letter X, too." Nagwala ang mga organs ko pero agad ko silang pinakalma. Sino'ng niloloko ko?

"Eh, kapag babae. Ano'ng ipapangalan mo? Cygnas?" pagbibiro ko pero hindi siya tumawa. This is one of the examples of 'that awkward moment' quotes na nabasa ko sa isang cover ng notebook no'ng nag-aaral pa ako. Kung kanina hindi naman ako nagpapatawa, tumatawa siya. Ngayong nagjojoke ako, ang corny naman pala.

"I like Xyrene Heather." Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. Hindi pa ba nauubusan ang Sagittarius ng arrow na ipapana sa 'kin? "Hey!" Nakita ko siyang nakaupo na sa bandang ulohan ko. Tinakpan ko ng dalawang palad ang mukha. "Heather... baby."

Hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Ito 'yong mas masakit, eh. Kasi tinatawag niya akong baby. Okay kami. Masaya kami kasi kunwari lang ang lahat. Ilang araw na lang ang hinihintay ko at babalik din ulit kami sa dati. At ang lahat ng ito mananatili na lang memories.

Ayoko pa. P'wede bang mag-extend? Sana nagrerent lang ako sa isang Computer Shop na p'wede akong mag-open time. Kahit na gaano pa kamahal, magbabayad ako basta i-extend lang ang vacation na ito.

Kahit ano'ng pilit kong ibaon ang kamay sa mukha ko natanggal niya pa rin. Napabuntong-hininga siya nang makita akong umiiyak. Pinaupo niya ako sa tabi niya. Niyakap.

Why, Grant? I don't want you to comfort me.

I just want you to love me.

"I'm sorry..." aniyang parang narinig ang sinabi ng puso ko kaya lalo akong napahikbi. "Stop crying, please." Hinihimas niya ang likod ko. Hinahalikan ang tuktok ng aking ulo. "I'm sorry..."

"S-stop saying you're sorry. I should be the one doing it." Wala naman akong sakit sa puso pero masakit talaga sa puso. "I did everything I can to save her, but that everything wasn't enough. I-I'm so sorry."

"I know that. It wasn't your fault." Mahahalata sa boses niyang nasasaktan din siya. Lalo akong napahagulgol dahil sa narinig. Ibig bang sabihin pinapatawad na niya ako? Gumanti ako ng yakap sa kanya. Hinihimas niya lang ang likod ko. Hinahalikan pa rin ang ulo ko.

Sana maging okay na ulit ang lahat at sana sa oras na mangyari 'yon ako na ang mahal niya.

Sana habang humihiling ako may shooting star na dumadaan sa kalawakan. Inangat ko ang ulo. Tumingin sa itaas pero ang ilaw lang ng eroplano ang nakikita kong nagpapanggap na tala sa kalangitan.

Pumikit ako. Sobrang napagod sa araw na 'to. Simula kaninang umaga, wala kaming ginawa kung 'di ang mamasyal. Nakakapagod din ang sumisid sa karagatan. At napapagod na rin ang utak kong mag-isip ng kung ano-ano.

Tahimik lang si Grant sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya. Nakayakap pa rin siya sa 'kin. Gusto ko mang bigyan ng kahulugan... pero alam kong walang meaning.

Napadilat ako nang bahagyang nilayo niya ang katawan ko.

"Can I give you a midnight kiss now?" Malambing na bulong niya. Ngumiti lang ako sa kanya kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"What?" Ang tagal ko munang nag-isip.

Ngumisi lang siya na parang hindi naintindihan ang simpleng tanong ko. "You told me that kiss can cure everything, so I wanna kiss you now to heal the pain." Sobrang hina yata ng boses niya. Pumasok lang ito sa isang tainga ko at lumabas sa kabila.

Pumikit na lang ulit ako.

Hanggang sa...

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
84.3M 1M 98
Now a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: ‪Colesseum